Followers
Wednesday, May 1, 2019
Ang Aking Journal -- Mayo 2019
Mayo 1, 2019
Na-highblood kami ni Emily kay Zillion kasi nagpakabait sa mga kalaro. Sa halip siya ang mag-aral magbisikleta, kung sino-sino ang pinagamit niya. Nagmukha tuloy siyang kawawa sa kakahabol sa gumagamit. Sabi ko nga, hindi masamang maging mabait...
Gabi naman, na-HB din ako kasi ang hirap niyang turuan. Ayaw pumedal. Ang hina pumik-ap ng turo. Haist! Nawala ako sa mood.
Mayo 2, 2019
Hindi pa rin natutong mag-bike si Ion. Gayunpaman, nakikita kong desidido siya. Natatakot lang siya sa pagalit ko, kaya mabilis siyang sumuko.
Nagsulat at nag-edit ako ngayong araw. Simula nang mabasa ko sa FB ang call for submission ng Precious Pages Corp, nagpursigi akong ma-edit ang 'Maybe This Time.' Sa tingin ko, magugustuhan ito. Grabeng luha ang tumulo sa akin habang sinusulat ko ito.
Bukas, ipapasa ko na ito through email. Naghahanap talaga sila ng mga writers at akda. Kailangan kong makapasok sa pub nila.
Hapon, nakatuwaan kong kuhaan ng pictures ang suiseki collection ko. Sana mas dumami pa ang mga iyon.
Mayo 3, 2019
Nagpasa ako ng dalawang nobela sa Precious Pages. Umaasa akong makukuha kahit ang isa roon.
Nag-update din ako at nag-edit ng nobela. Hindi nga lang ko makapokus kasi masama ang pakiramdam ni Emily. Kinailangan kong gumawa ng mga gawaing-bahay.
Mayo 4, 2019
Hindi natuloy sina Zillion sa pagdalo sa workshop. Hindi sila nagising nang maaga. Medyo nainis ako. Hindi ko napi-feel na interesado ang anak ko sa pag-aartista. Siguro kulang pa kanyang inspirasyon. Kahit nga sa pagbibisikleta, parang ayaw na rin niya.
Hindi ko na ang sineryoso ang disappointment ko. Anyways, batang-bata pa naman siya. Laro pa rin talaga ang gusto.
Kaya naman, hinarap ko ang editing. Maghapon akong nag-eedit. May pahinga naman. Masakit kasi sa mata kapag matagal sa screen.
Mayo 5, 2019
Hindi ako nakapagsulat at nakapag-edit ng sarili kong akda, inuna ko kasi ang pag-edit ng akda ng kaklase ko. Hindi ko siya dapat biguin kasi ako ang nag-inspire sa kanya n magsulat. Okay lang naman dahil mahaba-haba pa ang bakasyon.
Ngayong araw, inspired akong ipagpatuloy ang pangungulekta ko ng mga bato o ang tinatawag na 'suiseki.' Gusto ko na namang ngang nakapasyal sa lugar kung saan may ilog o anumang lugar na may mga bato.
Siyempre, panay rin ng research ko tungkol sa mga halaman, lalo na ang cactus, philodendron-monstera, at euphorbia. Nakakaadik mag-alaga ng mga ito! Gustong-gusto ko nang magkaroon ng bakod ng lote namin para magawa ko ang mga plano ko.
Mayo 6, 2019
Disturbed ang tulog ko magdamag pagkatapos kong magbanyo bandang alas-3 ng umaga. Hindi na ako nakatulog nang maayos. Hindi namn ko nainis dahil parang may magandang balita akong matatanggap ngayong araw.
Hindi nga ako nagkamali.
'Writer of the Week' ako sa Booklat. Ang FB friend ko pa na si Mhel ang nakakita kasi free data lang ako at kasalukuyan akong nasa biyahe, galing sa GES.
Sobrang saya ko! Feeling ko, ngayon lang nag-paid off ang pagod ko. Kahit paano napansin na ang akda ko, na hindi nangyari sa wattpad.
Anyways, past nine am, nasa school ako. Naglinis ako para sa election. Hindi ko natapos kasi dumating si Sir Erwin. Nag-lunch kami at nagyaya nang umuwi.
Hindi naman ako agad umuwi. Namili ako ng books sa Booksale at bondpaper sa NBS, gayundin ng DVD-R sa Octagon. Ang dalawang items ay para sa Palanca entries ko.
Nakauwi ako before 7. Excited kong shinare ang post ng Booklat. Later, panay ang pasalamat ko sa mga bumabati.
Mayo 9, 2019
Hindi na naman maayos ang tulog ko kanina kasi after kong magbanyo, hindi na ako dinalaw ng antok. Bumaba ako bandang 3:45, sinubukan kong matulog, kahit paano, nakatulog ako. Kaya lang, bumiyahe na ako bandang alas-6 para sa 'final testing and sealing' ng VCM. As support staff, kailangang nandoon ako.
Past 8, nasa GES na ako. Doon ako nag-almusal. Before nine, dumating sina Ms. Kris at Papang sa classroom ko. Nagkuwentuhan kami sandali bago kami miniting ng principal.
After meeting, naawitan ni Ms. Kris si Mj na i-treat kami ng lunch. Sa Mang Inasal kami nag-unli rice at naghalo-halo.
Pagdating, saka naman nagsimula ang FTS. Naasikaso ko naman ang IPCRF ko.
Natuwa ako sa balita ni Emily. Si Zillion, marunong nang mag-bike. Malayo na raw ang nararating. Siguro, mababawasan ang pagkaadik niya sa cellphone dahil dito.
Mayo 10, 2019
Nag-gardening ako after breakfast. Natuwa ako sa mga halaman ko. Buhay na buhay at masayang-masaya rin sila dahil naulanan sila kagabi. Ang sarap sanang magtanim nang magtanim, kaso wala na akong paso at wala na ring lupa.
Maghapon, inilaan ko ang malaking bahagi ng free time ko sa pag-eedit. Nagpakuwento nang nagpakuwento rin ako kay Gina tungkol sa real life stories ng mga kakilala ng tita niya. Interested talaga ako. Ang ganda kasi. e. Excited na nga akong masimulan. Ang haba-haba na ng convo namin sa Messenger. Baka mahirapan na akong mag-backread.
Anyways, nae-excite din ako sa perang matatanggap niya dahil sa pagtulong niya. Sana makuha na niya bukas.
Mayo 11, 2019
Late na kaming nag-almusal. Ang sarap kasing matulog, kahit nalungkot at nagalit ako sa panaginip ko, na parang totoo.
Hindi ko iyon makakalimutan. Akala ko nga, tunay na eksena. Galit na galit ako sa mga taong binalewala na nga ng ina ko, pinagtawanan pa. Iyon din ang feeling ko simula nang ma-totally blind si Mama.
Gayunpaman, inisip ko na lang na kabaligtaran iyon. Isa pa, alam kong nas maayos na kalagayan si Mama, kahit nahihirapan siya sa pagkapa-kapa. Faithful siya, kaya alam kong kaya niya.
Habang nasa palengke ang mag-ina ko, nagdilig naman ako't nagtanim. Pagkatapos, naglinis ako sa sala. Iniba ko naman ang ayos ng mga muwebles. Mas maganda na kesa dati. Nagkaroon na uli ako nang maaliwalas na study area. Isa pa, plano kong bumili bukas ng dining table.
Nag-edit uli ako ngayon ng nobela ko. Hindi man sige-sige, pero kahit paano umuusad na ang mga naka-pending kong gawain.
Gabi, nakapagsulat pa ako ng update sa most awaited novel ko sa wattpad. Lalo akong nai-inspire ipagpatuloy iyon dahil may mga readers na nag-aabang ng UD ko.
Mayo 12, 2019
Binati ko si Emily paggising ko. Then, bandang nine AM, sinorpresa ko siya. Sabi ko, aalis kami.
Past 10, nakaalis na kami. Tumingin kami ng dining table sa Puregold, pero wala kaming nagustuhan. Suggestion niya ang sinunod ko. Pumunta kami sa Salinas. Kaya lang, wala naman kaming nadaanang furniture store. Sa halip, napadpad kami sa Novo. Namili na lang din kami. Ang dami kong gustong bilhin. Ang gaganda kasi ng items, kaya lang pinigilan kong maging impulsive buyer.
Dahil alas-dose na, kumain muna kami sa food court ng Robinson's Tejero. Pagkatapos, pumunta na kami sa Moonlight Furnitures. Doon na kami nakakita ng gusto naming table. Mahal iyon, pero ayos lang.
Hindi pa nai-deliver kasi pagagawan pa ng glass. Sa Martes pa raw. Sayang, excited na ako. Gayunpaman, masaya kaming umuwi. Masaya ako dahil napasaya ko ang aking mag-ina. Hindi ko man sinabing gift ko iyon, nakita ko namang thankful siya sa ginawa ko. Sana laging akong may biyaya para lagi kong ma-provide ang needs and wants namin.
Mayp 13, 2019
Nang bumango ako para umihi, bandang 1:30 am, hindi na ako nakatulog. Isang oras akong mapaling-paling ng higa. Kaya, alas-dos, bumangon na ako. Sinubukan kong umidlip sa baba, pero nabigo ako. Three-thirty, bumiyahe na ako. Akala ko kasi maraming pasahero at traffic. Maling akala. Alas-singko nasa school na ako. Masyado pang maaga, pero marami nang tao sa school para sa Election 2019.
Nakatulong pa ako sa pagbuhat ng VCM patungo sa classroom ko, na siyang precincts ng Brgy. 17, kung saan ako na-assign bilang support staff.
Hindi gumawa ang VCM, kaya pansamatalang nabalahaw ang botohan sa presinto namin. Gayunpaman, pumayag ang mga botante na mag-shade muna. Ipinagkatiwala nila ang kanilang mga balota sa electoral board.
Na-cast ang votes nila bandang 3:45. Dumating na kasi ng replacement ng SD cards.
Naging maayos naman ang trabaho ko. Petix-petix lang habang botohan. Masyado lang mainit, kaya hindi ako komportable. Ang maganda lang, alaga kami sa pagkain ng barangay chairman. Mula almusal hanggang hapunan, sinuplayan kami.
Pagkatapos ng end ng voting, doon nagsimula ang madugong trabaho. Pero, dahil lima kami, mabilis naming natapos ang lahat nang walang aberya. Past nine, nakalabas na kami ni Papang sa sxhool. Naiwan ang tatlo, since sila naman ang authorized na magsauli ng mga paraphernilias.
Nakauwi ako bago mag-alas-onse. Pagod ako, pero marami akong natutuhan. Ang saya!
Mayo 14, 2019
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nagtanim ako nang nagtanim. Naisipan kong simulan ang business plan ko-- ang pagkakaroon ng nursery ng mga halaman o pagbebenta ng mga halamang nakapaso. In fact, nakapagaso ako ng sampu. Mayroon na akong dati pang pito, kaya parang andami ko nang ibebenta. Kung mayroon lang sanang garden soil at maraming paso, mas marami pa sana akong display.
Nainis naman ako sa kahihintay ng delivery ng dining table. Hindi dumating. Hindi rin nag-text.
Wala rin ako halos nagawa sa laptop ko kasi ako lahat ang gumawa sa kusina. Masama ang pakiramdam ni Emily dahil sa menstruation niya. Okay lang naman.
Postponed ang swimming naming magkakapatid bukas. May extra job kasi si Flor.
Mayo 15, 2019
Past seven, bumiyahe ako patungong City University of Pasay para magpa-evaluate ng grades ko for compre. Nakarating ako roon bandang alas-9. Nagawa ko naman kaagad ang sadya ko. Binigyan ako ng schedule of release. Sana walang problema sa grades at unit earned ko.
Then, nagpanotaryo ako ng entries ko sa Palanca. Nainis ako sa mga gumawa niyon. Dugyot. Andaming ink sa mga papeles ko. Baka ma-disqualify pa ako dahil doon.
Then at eleven, nasa school ako. Nauna sa akin si Ma'am Edith. Tinulungan ko siya sa kanyang thesis. Magpa-five na nang natapos kami.
Past 8:30 na ako nakauwi sa bahay. Dumaan ako sa Baclaran para bumili ng glutamansi. Natagalan din ako sa PITX dahil antagal dumating ng bus. Nakipagsiksikan na nga ako sa gitna kasi ang haba ng pila.
Nai-deliver na ang dining table namin. Natuwa ako nang makita ko. Bagay na bagay sa kulay ng wall namin.
Mayo 16, 2019
Pagkatapos kong mag-gardening, naglinis naman kami ng mga kuwarto. Hindi namin natapos dahil naglalaba si Emily. Ako naman ang mangusina.
Pagkatapos naming mag-lunch, umalis kami. Namili kami ng brass beds at kutson, vanity mirror sa Moonlight. Bumili rin kami sa Abenson's ng blender, oven toaster, at electric airpot. Pagkatapos, nag-grocery kami.
Masaya ako dahil nabili ko ang ilan sa mga matagal ko nang gustong bilhin. Okay lang kahit halos maubos ang bonus ko. Saka na ako bibili ng sneakers ko.
Mayo 17, 2019
Gardening ang gusto ko talagang gawin maghapon, kaya lang kulang talaga sa paso at garden soil. Parang gusto ko na tuloy umuwi sa Polot. Nakaka-miss kasing magbungkal ng lupa.
Nai-deliver na ang mga brass beds, foams, at vanity mirror. Naging abala kami maghapon sa pagliligpit at pag-aayos. Hindi nga ako nakadalo sa faculty meeting. Nakibalita na lang ako.
Past five, nag-chat uli si Sir Hermie. Niyaya niya akong pumunta kina Ma'am Vi. Since pangalawa na, sumunod ako. Past 7 na ako nakarating. Inabangan nila ako sa babaan. Agad naman kaming pumunta sa Food Barn. Doon kami nag-dinner at nagkuwentuhan. Pinag-usapan namin ang tungkol sa meeting at ang mga posibilidad sa parating na pasukan.
Nakauwi ako bandang alas-12.
Mayo 18, 2019
Kulang ang tulog ko, pero maaga pa rin akong bumangon para sa unang araw ng 'Live Your Dream--PHR Romance Novel Writing Workshop." Nakapag-almusal pa ako roon.
Marami na naman akong natutuhan sa workshop. Bagong-bagong mga kaalaman na naman ang mga nakuha ko mula sa mga resource speakers.
Past six na natapos ang workshop, kaya nakauwi ako bandang alas-9 ng gabi. Okay lang naman. Sulit!
Mayo 19, 2019
Muntik na akong ma-late kanina sa 2nd day of workshop. Kasi naman biglang inilipat ang paradahan ng eco-jeepney at ang tagal umalis ng bus. Mabuti, nakahabol ako. Nakapag-almusal pa ako bago nagsimula.
Marami-rami rin akong natutuhan ngayong araw. Kahit narinig ko na ang lecture ni Sir Abet, natuto pa rin ako.
Pinanuod kmi ng pelikula kanina. Ang ganda ng story. Ganoon pala dapat. Simple lang. Kayang-kayang gayahin.
Past 6 na kami natapos, kaya past 8:30 na aki nakauwi. Pagod at antok na antok ako, pero no regrets naman.
Mayo 20, 2019
Nag-dilly-dally ako sa pagpunta sa GES. Hindi ko ginustong sumali sa parade ng Brigada Eskwela. Bukod kasi sa mainit at nakakapagod, hindi ako natutuwang suportahan ang admin, na walang good leadership.
Before 10, nasa school na ako. Halos walang volunteers. Nanibago ako. May ilanf mga estudyante, pero wala akong nakitang parents.
Dahil paglilinis ang pinunta ko roon, nagsimula akong kalkalin ang isang kabinet. Hindi ko naman naituloy kasi may mga estudyanteng pumasok. Ayaw ko talagang may kasama ako sa paglilinis. Lalo akong natatagalan, sa palagay ko. Isa pa, mga papel-papel lang naman ang ina-assort ko.
Mabilis lang akong naglinis. Pagkatapos niyon, nakipagkuwentuhan na lang ako kina Sir Erwin, Ma'am Venus, at Sir Lester.
After lunch, nakipagkuwentuhan naman ako kina Ma'am Vi, Ma'am Anne, Ma'am Madz, at Sir Archie. Naputol lang iyon nang malaman naming nagbibigayan na ng bayad mula sa Comelec.
Ang haba ng pila kaya nag-stay muna ako sa Guidance's. Nagkuwentuhan kami nina Papang at Mj. Hinintay naming maubos ang nasa pila.
Past 5 na kami umalis sa school. Gusto ko sanang ibili iyon ng sapatos para may souvenir ako, kaso hapon na.
Past 8 na ako nakauwi.
Mayo 21, 2019
Past 8, nasa school na ako. Naabutan ko ang nagkukuwentuhan at nag-aalamusal ang mga ka-closed kong guro, maliban sa isa.
Pagkatapos niyon, hinarap ko na ang pag-edit ng thesis ni Ma'am Mj. Final editing na iyon dahil dumaan na sa grammarian.
Past 10, umidlip ako kasi napagod ang mga mata ko.
Past two ko na natapos ang editing. Naghintay na lang kami ng time kung kailan namin mabubuo ang 8 hours upang magkaroon ng one day service credit.
Nagkape ako sa PITX bago bumiyahe pauwi, hindi kasi ako nakapagkape maghapon.
Pag-uwi ko, nagtanim ako. Na-miss ko ang gardening. Na-miss ko ang mga halaman ko.
Mayo 22, 2019
Maaga akong gumising para maaga akong makapag-time in. Sayang ang oras kapag hindi ko makompleto ang 8 hours na serbisyo sa Brigada.
Nagawa ko namang makapag-time in bandang 6:21 am.
Wala na naman akong nagawa sa classroom ko dahil may mga naka-in-house. Tumanghod lang ako.
Before 11, kinausap ako ng principal about SPA. Tinanggihan ko na talaga, kaya nilagay niya ako as AP teacher. Si Ma'am Vi na ng Filipino teacher.
Okay lang sa akin iyon. I love to study the history. Pero, hindi okay kay Ma'am Vi. Ire-repel niya ang kagustuhan ng mga detractors namin. Tinawagan niya ako nang malaman niya ang tungkol dito at ang pagiging new MT sa amin ni Madam Butterfly. Matagal kaming nag-usap.
Before five na kami umalis sa school. Hinintay ko sina Ma'am Mj at Papang.
Mayo 23, 2019
Sa school na ako nag-almusal. Nagtinapay lang ako at sterilized milk. Wala na kasing makainan ng almusal. Pinaalis na ang carinderia, na suki namin. Nagutom tuloy agad ako, pagdating ng alas-10.
Pagdating naman sa blowout treat sa amin ni Ma'am Bel sa Mang Inasal, dahil graduate na ang pamangkin niya, nasobrahan naman ako ng busog. Nakatatlong unli-rice ako. May soup at haluhalo pa.
Hindi pa nga ako natunawan, nag-birthday treat naman ng dinner si Ms. Kris sa KFC. Sobrang busog! Past 8:30 na ako nakasakay.
After ng lunch namin, sinamahan ako ni Papang sa SM para bumili ng sneakers. Nakabili na rin ako sa wakas ng pangarap kong sapatos.
Then, tinulungan ko uli si Ma'am Edith sa pag-edit ng thesis niya. May mga gumalaw kasing letters at tables.
Before lunch, nainis ako sa karamutan nila sa password ng internet. Alam kong para sa mga guro iyon, pero iniba nila at hindi ibinigay sa lahat ang password. Gusto pa nila nang paisa-isang lapit sa kanila.
Kaya, nag-post ako sa FB group namin. Nakapagsalita ako nang matalim.
Past ten na ako nakauwi.
Nainis naman ako. Pagod na pagod ako, pero masaya.
Mayo 24, 2019
Grabe ang mga pangyayari ngayong araw. Hindi ko akalaing mangyayari ang mga ito.
Una, nagalit ako sa clerk sa CUP Registrar's Office kasi ini-schedule nila akong kunin ang TOR ko, pero nang kukunin ko na, wala pa. Absent raw ang in-charge. Nine days processing, hindi pa nagawa. Kasalanan ko pa at hindi raw ako tumawag. Nag-init ang ulo ko kasi tinalikuran ako. Naglabas ako ng devil ko.Then, pumunta ako sa opisina ng president. Wala raw siya. Pumunta ako sa dean. Pinayuhan niya akong magreklamo. Ayun! Pumunta ako sa city hall. Nag-written complaint ako. Mabilis lang. Tinawagan agad nila ang CUP. Actually, dalawa kaming nagrereklamo. Sbay kaming kinausap ng VP ng CUP. After niyon, bumalik ako sa registrar. Nagalit na naman ako kasi mali pala sila. Hindi TOR ang dapat pinakuha, kundi certificte of academic requirement.
Pinapi-fill out pa ako ng form. Pareho ang naman. Nagalit lalo ako. Kaya ayun, sinabi kong bigyan nila ako ng schedule. One week daw. Then, umalis na ako.
Sa school naman, habang hinihintay ang meeting sa aming Grade Six, nag-edit muna ako ng akda ni Ma'am Joann para sa Palanca.
Sa meeting, kami lang nina Ma'am Vi at Ma'am Madz ang present. Pinaalis na ang huli nang nagkainitan na ang baliktakan. Nagkalabasan ng loob. Muli akong humanga sa sarili ko, gayundin kay Ma'am Vi. Nasabi naming lahat ang mga hinanakit namin. Pati ang tungkol sa internet password, binanggit nila.
Masasabi kong panalo kami. Sana lang, na-touch ang mga puso nila.
After niyon, nagkuwentuhan kaming #10000. Sobrang saya!
Then, nagkayayaang kumain ng pansit at siomai sa carwash resto. Ang saya uli namin. Walang humpay na tawanan at kulitan.
Thanks, God sa wisdom!
May 25, 2019
Past 10 na ako dumating sa school. Magulo at matao roon dahil sa Brigada. Mga empleyado ng MOA ang mga volunteers. Nagpintura sila ng mga armchairs, shelves, at cabinets. Nakitulong din ako kahit paano. Nang matapos, tinulungan ko rin at ni Sir Erwin si Ma'am Belinda. Pagkatapos niyon, nagmeryenda kami sa McDo. Libre iyon ni Ma'am Bel. Halos hindi na ako nakakain ng dinner dahil sa busog. Idagdag pa ang pagod.
Mayo 26, 2019
Alas-tres pa lang, bumangon na ako. Hindi na kasi ako nakatulog nang umihi ako. so, bale tatlong oras na lang ang tulog ko. Bumiyahe ako after two hours.
Past six, nasa meeting place na ako..Nauna ako kina Sir Hermie at Ma'am Ann Joyce. Nalungkot lang ako kasi hindi makakarating sina Sir Joel at Ma'am Madz.
Naglugaw muna kami habang naghihintay sa iba naming kasamahan. Dumating si Ma'am Joann, kasunod si Ma'am Joan R. Then, dumating na si Ma'am Vi. Naisipan nilang puntahan si Ma'am Nicka sa boarding house. Ang kukulit namin habang kinakatok ang pinto niyon. Ang saya! Malaman-laman namin, nasa Tagaytay pala siya.
Nakasama rin namin siya at ang kaatid at kaibigan ng kapatid niya. Kasama rin si Sir Archie.
Late na ang breakfast namin nang dumating kami sa Iyong's Resort and Balite Falls sa Amadeo. Nagkainan agad pagkatapos makakuha ng cottage.
After niyon, masayang bonding sa malamig na spring pool ang naganap. Hindi namin ininda ang ginaw, maging masaya lamang sa mga sandaling iyon. Kahit umulan bandang hapon, sige pa rin kami.
Nakauwi bandang alas-8:30 na ako nakauwi. Antok na antok at pagod na pagod ako, pero sobrang saya.
May 27, 2019
Dahil umaraw na, nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nag-transplant ako ng mga cactus and succulents at iba pang uri ng plants. Kailangan kong i-pursue ang pagtitinda ng mga halaman.
Andami kong nagawa maghapon. Kasama n roon ang magtulog. Kahita paano, nakabawi ako ng puyat.
Mayo 28, 2019
Pumasok ako nang maaga para makapaglinis ng classroom. Ngayon lang ako maglilinis, since may nag-in house sa classroom ko.
Hindi ko masyadong binigla ang paglilinis. Nagkalkal lang ako ng mga papel. Ayaw ko na ng napakaraming abubot. Ipapakilo ko na ang mga hindi na dapat itago.
Kahit paano, maayos-ayos na ang classroom ko nang iniwan ko. Gayunpaman, marami pa ring dapat ayusin, idagdag, tanggalin, at linisan.
Mayo 29, 2019
Past 10 na ako dumating sa school. Late na rin ang breakfast ko. Okay lang kasi marami akong natapos after that. Na-organize ko na ng laman ng cabinet.
Painot-inot lang naman ang paggawa ko para hindi ko mapagod nang husto at ma-stress. Effective naman dahil kahit paano ay maayos-ayos na ang classroom ko. Hindi ko pa nga lang naipapabenta ang tatlong sako ng mga papel.
Unti-unti ko na ring tinatanggap na tapos na ang bakasyon. Dapat ko nang ihanda ang sarili dahil mapapasabak na naman ako sa giyera para sa disiplina, since isa sa mga pasaway na klase ang napunta sa akin ngayon. Ayaw ko na rin kasi ng section one. Mas nakaka-depress kapag sila pa ang pasaway. Mas okay na ang lower section. At least, expected na ang mga misdemeanor nila. Pero, mas fulfilling kapag napatino ko sila. Isa pa, mas totoo silang magmahal.
Past 4, nagmeryenda kami sa carwash/resto nina Sir Erwin, Ms. Kris, at Ma'am Mj, kaya past 8 na ako nakauwi.
Mayo 30, 2019
Past 7 nang bumiyahe ako papuntang school. Agad akong nag-almusal pagdating ko at pagkatapos niyon, action agad. Marami-marami uli akong natapos. Nakapagkalkal ng kabinet, nakapaglaba ng kurtina, at marami pang iba. Natulungan ko rin si Ma'am Joann sa kanyang paghahanda ng Palanca entries.
Hindi na ako nangangamba na baka magahol ako ng oras para sa opening of classes.
Bago mag-4, umuwi na kami ni Ma'am Edith.
Pagod at antok ako, pero fulfilled.
Mayo 31, 2019
Kahit asar na asar ako, hindi ako nagalit sa Registrar's Office nang hindi na naman nila naihanda ng Certificate of Academic Requirements ko. Ayaw kong masira ang good mood ko. Pero, sa Lunes, haharapin ko sila. Sa halip, pumunta ako sa school at hinintay si Ma'am Joann para sabay na kaming magpasa ng entries sa Palanca Awards. Last day of submission ngayon.
Habang naghihintay, sa classroom ako tumambay. Hindi ko makapaglinis kasi naka-polo ako. Ikinabit ko lang ang kurtina.
Past 2 na kami nakarating sa Palanca. Fulfilling ang feeling. Sa wakas, natupad ko na ang pangarap kong makasali.
Naalala ko lang noon (circa 1999) nang nagpasa ako ng entries. Alam kong hindi iyon nakarating sa Palanca dahil nakiusap lang ako sa guard. Hindi niya ako pinapasok. May appointment daw dapat.
Now, personal naming naiabot ang entries at binigyan kami ng resibo. Katibayan iyon na finalists kami.
Mabilis lang kami roon. Wala pang sampung minuto. King gaano katagal kong hinintay si Ma'am Joann, ganoon din kabilis ang submission.
Nakakatuwa lang dahil kahit alam kung marami ang entries at suntok sa buwan ang manalo, naniniwala pa rin akong magkakaroon ako ng pangalan sa larangan ng panitikan. If it God's will, maipapatikim Niya sa akin ang prestigous title.
Maaga akong nakauwi. Ako pa mga ang nagdilig ng mga halaman. Yet, late pa rin akong natulog. Sinusulit ko na ng pagpupuyat dahil ilang araw na lang ay back to reality na.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...