Hindi muna ako nag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umulan kagabi. Umulan din ngayon. Humarap na lang ako sa laptop at printer. Nagprint ako ng thesis ko, na dapat ko nang ipasa sa Lunes. Naubos nga lang ang bond paper kaya mahigit isang set lang ang naprint ko. Mahigit tatlong sets ang dapat kong maiprint.Nang matapos ako sa printing, ang aquarium naman ang hinarap ko. Gusto ko ring gumawa ng vlog para sa pagset up ng tank, ng kaso, wala pa akong isda. Isa pa, maliit lang ang tanke ko. Ang lalaki pa naman ng batong nais kong ipandekorasyon. Gayunpaman nagawa ko iyon bago ako umidlip. Excited na akong magkaroon ng pet fish. Gabi, nakagawa ako ng vlog, gamit ang akda ko. Audio lang at isang gif ang ginamit ko.
Nobyembre 2, 2019
Pagkatapos kong mag-gardening, naglaba naman ako. Tulong ko na ang iyon kay Emily kasi nagkakasakit siya kapag naglalaba, lalo na kapag sunod-sunod. Akin lang naman ang lalabhan ko. May ilan din silang damit, pero mas marami ang sa akin.Tapos na akong maglaba nang dumating ang mag-ina ko, galing sa grocery. Nakapagsaing na rin ako. Pagkatapos kong gumawa ng vlog, nag-print naman ako. Nagpabili na ako ng bond paper. Isang set uli ang natapos ko bago ko ipinahinga ang printer. Hapon na uli ako nagprint ng ikatlong set. Dalawa pa. Kayang-kaya na iyon bukas.Gabi, nag-layout naman ako ng NAT reviewer. Plano kong gawing booklet ang 100-item reviewer ko sa Filipino 6. Isinalin ko sa publisher. Lalagyan ko ng makapal na cover. Sumakit na ang mata ko, kaya huminto na muna ako. Nanuod ako, kasama ng mag-ina ko, ng 'Maalaala Mo Kaya.'Bago ako natulog, nagrekord ko ng boses ko, habang binabasa ang isa kong sanaysay tungkol sa epekto ng cellphone sa mga estudyante. Kung magagawa ko pang vlog iyon bukas, sisikapin ko.
Nobyembre 3, 2019
Hindi pa ako nag-aalmusal, agad ko nang sinimulan ang pagpiprint ng thesis ko. Mabilis ko lang namang natapos ng dalawang sets, kaya after breakfast, ang pag-finalize naman ng NAT reviewer ang hinarap ko. Maghapon kong ginawa iyon. Nakadalawang print ako ng draft bago ko na-perfect. Past seven na iyon, kasi nag-gardening pa ako bandang alas-singko ng hapon. Maaga pa kanina, nakapaghanda na rin ako ng DLL. Nasimulan ko rin ngayon ang paggawa ng vlog. Bukas, sisikapin kong matapos iyon bago matapos ang klase. Bukas, magpaasa ako ng 5 copies ng chapters 1-3 ng thesis ko. Then, legs workout. Next day na ako bibili ng isda para sa aquarium ko. Baka gahulin na ako sa oras, since bibili pa ako ng folder bukas para sa thesis.
Nobyembre 1, 2019
Hindi muna ako nag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umulan kagabi. Umulan din ngayon. Humarap na lang ako sa laptop at printer. Nagprint ako ng thesis ko, na dapat ko nang ipasa sa Lunes. Naubos nga lang ang bond paper kaya mahigit isang set lang ang naprint ko. Mahigit tatlong sets ang dapat kong maiprint.
Nang matapos ako sa printing, ang aquarium naman ang hinarap ko. Gusto ko ring gumawa ng vlog para sa pagset up ng tank, ng kaso, wala pa akong isda. Isa pa, maliit lang ang tanke ko. Ang lalaki pa naman ng batong nais kong ipandekorasyon. Gayunpaman nagawa ko iyon bago ako umidlip. Excited na akong magkaroon ng pet fish.
Gabi, nakagawa ako ng vlog, gamit ang akda ko. Audio lang at isang gif ang ginamit ko.
Nobyembre 4, 2019
Kahit kulang ako sa tulog, pinilit ko pa ring pumasok nang maaga. Nagawa ko namang makarating sa school bago ako maipit sa traffic.
Wala si Ma'am Madz kaya irregular ang palitan namin ng klase. Gayunpaman, napasukan kong lahat ang apat na sections. Ang isang section ay prorated.
Sumakit ang sikmura ko kanina. Matagal akong nag-suffer. Siguro, pagkatapos kong bumili ng folder at clamp, saka lang nawala.
Past 3:30, naipasa ko na sa CUP ang 5 copies ng chapters 1-3 ng thesis ko. Pinababalik ako sa Sabado para sa update.
Past 4, nag-legs at biceps workout ako.
After dinner, hinarap ko ang final editing ng reviewer. Nag-print na rin ako ng dalawang kopya. Grabe! Ilang beses ko nang inedit, marami pa ring errors. Anyways, okay lang naman. Napansin ko nang maaga bago pa nabasa ng iba.
Nobyembre 13, 2019
Dahil hindi ako pumasok, nakatulog ako nang mahaba-haba. Past 7:30 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam.
Ngayong araw, feeling accomplished ako. Nagawa ko na ang powerpoint slides para sa oral defense ko sa Sabado. Naihanda ko na rin ang susuotin ko. Then, tinapos ko na ang zine at nagprint na ako. Nakagawa rin ako ng dalawang vlogs. Okay lang kahit hindi ako nakapag-gardening. Naihanda ko naman ng DLL para bukas.
Nobyembre 14, 2019
May ibinigay na field student/practice teacher sa akin, si Sir Ramel, bandang alas-7 ng umaga. Palipat na ako nang klase no'n. Then, dahil wala ang VI-Charity, may time akong mainterview at maorient siya. Binigyan ko siya ng clue tungkol sa mga reyalidad sa DepEd at sa school. Sana maging komportable siya sa klase ko.
Nine, nagkaroon ng simultaneous earthquake drill. Pagkatapos niyon, naging busy na ako. Ginawa ko ang research proposal ni Papang, against my will or after naglabas ako ng sama ng loob at nakapagbitiw ako ng mga salita. Gayunpaman, ginawa ko pa rin iyon. Natapos ko bago kami bumiyahe ni Ma'am Joann patungo sa St. Matthew's Publishing para sa seminar.
Nahuli kami ng 18 minutes dahil sa traffic. Nailigaw pa kami ng taxi driver. Mabuti na lang, kasisimula pa lang.
Nainspired ako sa mga topic. Sa tingin ko, magagawa ko nang magsimulang bumuo ng ebook. Ang galing ng seminar na iyon. Advocacy and at the same time, capacity building.
Past 5 na natapos ang seminar, kaya past 10 na ako nakauwi. Ayos lang. Fulfilled naman.
Nobyembre 15, 2019
Dahil Biyernes, NAT review day kami. Naging masigla akong nagturo at nagreview sa Love. Alam kong natutuwa sila sa mga patawa ko, kahit pasingit-singit ang sermon.
Pumasok din ako sa Charity. May nakahalong Faith doon kaya masigla rin ako.
Pagkatapos ng recess, nagreview uli ako sa Love. Naenjoy nilang lalo ang mga sandali nang nag-Tiktok ako habang may ginagawa sia. Kasama sila sa video.
After class, punta ako sa CUP para magbayad ng colloquim fee at magbigay ng P2000 para sa pagkain.
Mabilis lang ako roon, kaya nakapag-workout ako bandang 2:30.
Nakauwi ako pasado alas-singko. Umuwi talaga ako nang maaga dahil umalis si Emily. Darating si Zillion mula sa school. Isa pa, maghahanda pa ako para sa oral defense.
Nobyembre 16, 2019
Muntik na akong ma-late sa colloquim dahil sa Umboy pa lang, natrapik na ako. Mabagal pang magpatakbo ang bus driver at pick up nang pick up nang pasahero. Ang nakakainis pa, namali pa ako ng sakay sa dyip, kaya nagtaksi na lang ako.
Gayunpaman, nakarating ako bago mag-alas-7:30. Naihanda ko pa ang sarili ko at ilang mga bagay. Nakakaba, pero sinikap kong kumalma.
Natatakot akong humarap sa mga doktor ng edukasyon dahil hindi naman ako bihasa sa second language.
Naipaliwanag ko naman nang maayos kahit nauutal ako. Nakakatuwa lang dahil positive ang study ko para sa chairman. Hangang-hanga siya sa tapang kong sabihin na may mali sa Phil-IRI. Nagustuhan din nila ang opening prayer ko. May mga babaguhin, idadagdag, at eenhance lang ako.
Sumatotal, gumastos ako kanina ng mahigit walong libong piso. Umabot na ng sampung libong piso ang gastos ko, simula nang nag-thesis writing ako. Maliban pa ang pama-pamasahe at sa pagkain ko. Anyways, sulit naman dahil naconquer ko ang takot kong magdefense.
Binati nila ako pagkatapos ng defense ko. Alam kong nagustuhan nila ang kabuuan niyon.
Past 10:30, bumiyahe na ako patungong PITX. Pagkatapos akong kausapin ni Dr. Rivas, ang aking adviser.
Sa PITX, umidlip ako, bago kumain at habang naghihintay ng reply ni Emily. Hindi ko nadala ang susi. Baka wala sila sa bahay, hindi ko maabutan. Ayaw ko namang maghintay sa labas.
Nainis ko kasi malapit na ako sa bahay, saka lamang siya nag-reply. Alas-4 na ako nakauwi. Pagod na pagod na ako at antok na antok.
Hindi ko nga siya pinansin nang dumating ako. Sabi ko, huwag niya akong kausapin.
Hapon, nagchat ang kaklase ko sa masteral. Nag-defense din siya kanina, pero ayon sa kanya, negatibo ang feedback. Marami siyang aayusin. Sabi nga ng isang panel member, complete overhaul. Grabe! May nakakatanggap pa rin pala ng ganoong feedback. Pasalamat na lang ako, hindi ko naranasan iyon.
Pinayuhan ko siya at pinalakas ang loob. Kailangang matapos din niya ng thesis.
Nobyembre 17, 2019
Tahimik ako maghapon. Maaga pa lang, aloof na ako. Gumawa at nagprint ako ng DLL, grading sheet, at bulletin board display. Then, tinulungan ko si Emily sa pagsasampay. Nang nasa labas na ako, naggardening na ako at nagpaligo sa aso.
Gumawa ako ng apat na vlogs ngayong araw. Ang dalawa roon ay aralin sa Filipino subject. Ang isa ay prayer. Iyon ang sinulat at ginamit sa oral defense, na nagustuhan ng panel. At ang isa ay moss terrarium. First time kong gumawa niyon. Nakakatuwa! Siguradong maaadik ako sa terrarium.
Nagbasa rin ako ng mga corrections sa thesis ko, pero hindi muna ako nag-edit. Siguro sa Friday na.
Nobyembre 18, 2019
Dahil kulang ako sa tulog, wala ako sa mood magpatawa sa klase ko. Kaya nga nang nagpasaway ng Charity, tumigil ako sa pagtuturo at binigyan ko agad sila ng activity.
After class, gumawa ako ng moss terrarium sa silid ko. Nakakuha ako ng mga lumot sa likod ng office. Siyempre, ginawan ko iyon ng vlog.
Pagkatapos, umidlip muna ako, habang naghihintay kong ma-upload ang video. Pag-alis ko, bandang quarter to four, hindi pa rin uploaded. Ipinagpatuloy ko na lang iyon sa PITX.
Five o' clock na ako nakapag-bicep workout.
Sa bahay, pagkatapos kumain, sinimulan ko ang bagong vlog. Adik na adik na ako. Gusto ko nang mag-Christmas break para mas marami akong magawa.
Nobyembre 19, 2019
Nagturo ako nang masigla sa mga estudyante. Napag-groupwork ko rin sila. Unfortunately, hindi ko naturuan ang ibang klase dahil may Values Education from Bethany at may dental check-up.
Nagalit lang ako sa Love after recess kasi ang baho ng silid. Nag-inarte na naman sa pagkain ng itlog. Nagsuka na naman ng iba. Tapos, andami na namang asin para sa dalandan. Nagpuputik na ang classroom dahil nagbabatuhan sila ng asin. Itinatago pa ang kalat sa ilalim ng upuan. Sinong guro ang hindi mahahighblood?!
After class, nag-edit ako ng thesis ko. Kaunti lang naman ang corrections. Ang isang member ng panel, wala halos nakitang correction. Ang adviser ko, hindi ko naman maintindihan ang sulat. Hindi bale, magigets ko rin iyon sa susunod na araw.
Past four na ako umalis sa school. Then, nag-stay ako sa PITX para mag-internet at manuod ng youtube videos. Nakakainspire ang mga vlogs na napanuod ko.
Nakakawala ng pagod ang moss terrarium ko. Buhay na buhay na iyon. In fact, malapit nang mag-bloom ang bulaklak ng clover sa loob niyon.
Nobyembre 20, 2019
Nagpa-summative test lang ako kanina, since nadiscuss ko na ang nasa DLL ko. May bisita pa naman.
Nahighblood lang ako sa kahinaan sa pakikinig ng VI-Peace. Nagalit ako kasi katatapos ko ang mag-explain, nagtanong pa kung ano ang gagawin. Nakakapagod!
Nakapagmura rin ako sa Love dahil ang iingay nila. Kasasabi lang na may darating na bisita, sila naman panay ng daldal at pasaway. Nakakawalang gana talaga silang mahalin.
After class, nakapagpahinga ako. Umidlip ako sandali at naghanap ng mga materyales para sa terrarium. Nakagawa ako ng isa pa. Nagawa ko ang vlog sa PITX. Naipost ko iyon sa bahay.
Nobyembre 21, 2019
Nagturo ako ng pagsulat ng tula. Interesado lang ang iilan, kaya nagalit na naman ako. Okay lang sana kung ayaw nilang matuto, ang kaso nadidisturb ako at ang iba. Higit lalo kong napagalitan ang Charity. Nasermunan ko rin uli ang Love. Ang Faith naman, ganoon pa rin. Sila pa rin ang nakapagpapasaya sa akin.
Pagkatapos ng klase, hinarap ko thesis. Medyo nabawasan lang ako ng oras sa pagagawa dahil nakipagkuwentuhan pa ako kay Ms. Krizzy at nakipag-usap ako kay Mareng Lorie. At least, okay na kami. Gayunpaman, kahit paano, umusad ang nirirevise kong thesis.
Before four, nakasabay ko sina Mareng Lorie at Yohan. Close na close sa akin ang bata. Tuwang-tuwa siya dahil magkakasabay kaming bumiyahe patungo sa PITX.
Before 7, nasa bahay na ako. Nakagawa ako ng vlog, pero hindi pa nai-upload sa youtube.
Nobyembre 22, 2019
Nag-review kami sa NAT. Walang pirmal na klase. Andami kasing obstruction, such as report, meetings, class discipline, at iba pa.
Maghapon akong naapektuhan ng issue ng guro na na-TV at nademoralize dahil kay Tulfo. Sobrang nakakababa ng pagkatao. Kaya naman lahat halos ng guro ay nagliyab sa galit.
Nang nabalitaan naming nagkabati na, parang lalo kaming nagpuyos sa galit. Gusto naming mabigyan ng sanction si Tulfo at ang programa niya.
Nakita ko ang potensiyal ng pagkakaisa ng mga guro. May boses sana kami, wala lang kaming leaders na matino
Kahit nang nag-leg workout ako, wala pa rin ako sa mood dahil sa nangyari. Grabe ang epekto niyon sa kaguruan. Parang wala na nga kaming karapatang magdisiplina sa ng estudyante.
Past 8 ako nakauwi dahil walang minibus sa PITX. Kinailangan kong pumila sa aircon bus.
Nobyembre 23, 2019
Bago ako bumangon para magkape, nagbasa muna ako ng mga tula ng mga estudyante ko. Pinili ko ang mga magaganda at pasadong akda.
Past nine na ako nakapag-almusal kasi late na nagising si Emily. Nakapagdilig na nga ako ng halaman at nakapaglinis ng doghouse.
Ten, umalis ang mag-ina ko para mamili. Nagpabili ako ng induction cooker.
Ako naman, gumawa at ng vlog ng terrarium. Nagamit ko na ang bago kong tripod.
Hapon, tinapos ko na ang revision ng thesis ko. Ready-to-print na ito.
Gabi, nakapagpost ako ng tula ng mga bata. Nakagawa pa ako ng ASMR vlog. Ginamit ko ng buhangin at bato para makagawa ng tingles. Ang tagal lang mag-upload. Inabot ako ng lampas hatinggabi.
Nobyembre 24, 2019
Past 8, gising na ako, pero hindi ako agad bumangon, nakakatamad kasi. Nang bumangon naman ako at makapag-almusal, tuloy-tuloy na ang trabaho. Walang pahinga at walang idlip.
Ngayong araw, marami akong nagawa sa garden. Nalinis ko rin ang kulungan ng aso. Natulungan ko si Emily sa pagsasampay. Nakapagprint ako ng DLL at IMs. Nakapag-edit ako ng thesis. Naiprint ko na rin. At ang pinakamahalaga, nakagawa ako ng vlog. Nagamit ko ang bago kong tripod para sa reading aloud. Binasa ko ang 'Ang Mahiwagang Refrigerator.'
Naiinis lang ako dahil wala nang internet. Napakaaga nitong maubos. Gusto ko na talagang kumita sa vlogging para makapag-avail ako ng mas mabilis at unlimited na internet.
Gabi, nag-encode ako ng mga akda ng pupils. Andami pa sanang ieencode, kaya lang masakit na ang mga mata ko. Ayaw ko namang lumabo ito. Nararamdaman ko na nga ang panlalabo. Minsan, hindi ko na mabasa nang malayuan ang mga numbers o letters. Kailangan ko ang lapitan at titigan.
Nobyembre 25, 2019
Nagturo ako ng 'Pagbibigay ng solusyon sa suliranin sa paligid.' Gaya ng mga nakaraang araw, nagsermon ako, pero mas may hugot ngayon dahil binanggit ko ang kalapastangan ni Tulfo sa mga guro. Nais ko lang kasing malaman nila na mali ang gagawin nila kung sakaling lumapit din sila sa maling tao.
Past 11, nagpaobserve ako kay Ma'am Rose. Sa VI-Faith ako. Mabuti't cooperative ang klaseng iyon kaya hindi ako kinabahan. Wala lang... Parang normal class lang.
After class, umidlip ako. Naistorbo lang dahil sa tawag ni Sir Erwin. Nag-coop board meeting kami.
After meeting, pumunta ako sa CUP para ipasa kay Dr. Rivas ng revision ng thesis ko. Kaya lang, mali pala na kay Dr. Rivas ko ipasa. Ayon ito sa clerk. Dapat panel daw kasi pipirma sila kung talagang binago ko ang corrections nila.
Nagdesiyong akong bumalik bukas dahil naiwan ko ang copies na may corrections nila. Ang kay Dr. Rivas lang kasi ang dinala ko. Okay lang. Hanggang Wednesday pa naman ang palugit ko. Kaya lang, may meeting ako bukas. Sana may oras pa bukas.
Past 4, nag-bicep at chest workout ako. Past seven, nakauwi na ako.
Nobyembre 26, 2019
Maaga pa rin akong nakarating sa school kahit 4:00 na ako bumangon. Six-thirty pa naman ang start ng klase namin dahil sa DST. Good thing naman kasi nakipagkuwentuhan pa ako sa canteen helpers at kay Sir Hermie habang nagkakape roon.
Dahil may meeting ako, nag-iwan muna ako ng group activity sa mga bata pagkatapos kong magturo. Mabuti dumating agad ang FS ko kaya nahabilinan ko siya. Iproprorate sana ang VI-Love.
Sa seminar ng Faculty Federation officers, natuto ako ng mga leadership skills. Tungkol sa motivation ang tema.
Agad din akong nabigyan ng task ng isang officer. Ako ang part ng Commitment. Ikalawang beses ko na iyon gagawin, kaya pumayag ako. Iniba ko lang ang ibang linya.
Namangha ang mga co-leaders ko nang binigkas ko na iyon nang malinaw. Sabi ni Sir Ren, grabe raw ang mga words ko.
Past five, bumiyahe na ako pauwi.
Nabadtrip lang ako sa chat ni Emily. Nagpatuob daw siya kasi napasma raw. Nagutuman at nagplantsa. Diyos ko! Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Andaming good news na sasabihin, iyon. Ayaw na ayaw ko pa naman ng chat tapos bad news lang. Hindi na lang ako hintaying makauwi.
Sana matuto na siya. Nakakawala ng ganang umuwi kapag problema ang isasalubong sa akin.
Nobyembre 27, 2019
Nainis ako pagpasok ko kasi may mga magulang na pumunta para kumuha ng card. Nag-announce ako kahapon na hindi ako mag-iissue dahil may seminar ako. Hindi ko magagawa sa araw na iyon. Hayun, nasermunan ko pa tuloy ang mga magulang.
Later, naging kalmado na ako. Nakapag-almusal na kasi.
At eight, nagkaroon ng Recognition Day ng mga AM classes. May dalawa akong honors. Alam kong nalungkot ang isang nalaglag, pero sana maging challenge iyon sa kanya. Nakita ko naman ang kaligayahan ni Andrea nang matanggap niya ang sertipiko.
After class, naghintay ako ng Recognition Day ng PM classes. Kinuha rin kasi nila ako para mag-closing remarks.
Sa mga talk ko, nasabi ko ang disiplina at respeto. Sa pang-umaga, inaddess ko iyon sa mga magulang. Kako, "Walang pinagbago ang noon at ngayon, ang nag-iba lang ay ang kurikulum at sistema. Huwag sanang magbago at mawla ang inyong respeto sa mga guro at pamunuan ng paaralan." Iyan ang pinakanatatandaan ko.
Sa mga panghapon, sabi ko, "Alam naman po siguro ninyo, mga magulang ang issue about Tulfo... Hindi po nagbago ang edukasyon. Supportive pa rin kayo. Kami naman ay dedicated. Sana lang hindi mawala ang respeto at disiplina. Mga bata, may disiplina pa ba kayo? (Opo!) Parang wala na... Nasa inyo pa rin ba ang disiplina? (Opo!) Tandaan, hindi lahat ng matalino at disiplinado, pero lahat ng disiplinado ay matalino."
Alam kung matatandaan iyon ng mga nakinig.
Umalis agad ako sa school pagkatapos niyon para ipasa at papirmahan ang form na katibayan na nirevise ko ang thesis ko ayon saga kagustuhan ng panel.
Bumili muna ako ng macaroons sa Goldilocks para ipamigay sa kanila. At bumili rin ako ng tubig sa schoool canteen.
Hinanap ko na panel ko. Nakadalawa akong akyat baba. Sa ikatlong akyat ko, nakita ko na si Dr. Llamas. Agad niya akong inentertain. May mga nakita pa siyang errors at ilang hindi ko nabago. Yet, satisfied siya sa gawa ko.
Si Dr. Bal'Oro naman ang nakita ko. Nagtsek siya ng mga changes, pero hindi pa siya pumirma. Sabay na lang daw sila ni Dr. Ramos sa December 3. Nasa Baguio pa kasi.
Babalik na naman ako. Dagdag-gastos na naman. Haist! Okay lang, pero sana aprubahan na nila.
Sa PITX, umidlip ako after kong magmeryenda. Then, nag-internet ako bago nag-forearm at tricep workout.
Past 7:30 na ako nakauwi. Pagod ako, pero fulfilled kahit paano.
Nobyembre 28, 2019
Hindi na ako nagturo sa klase ko kasi 7:00 am, nagsimula na ang 'Pagtatalaga sa mga Batang Iskawts, kung saan ako ang mananalangin. Hindi na nga ako nakapag-almusal nang maayos. Past 10 na natapos. Iyon lang din ang time na nakapag-almusal ako.
Nag-announce muna ako ng tungkol sa claim ng financial assistance at kuhaan ng card.
After ng investiture, hinarap ko ang klase ko para bawiin ang announcement ko. Hindi ako makakapag-issue ng card sa Sabado kasi may seminar ako sa Lampara. Okay naman sa kanila na sila na lang ang kukuha sa December 3.
Ang kaso, walang pasok mula December 2 hanggang 6. Natuwa kami sa one week na bakasyon.
Past 1, nagmeeting kami sa SBM tungkol sa SMEA at SBM. Nagulat ako kasi isinali ako roon nang hindi ko nalalaman. Gayunpaman, dumalo ako. Nagpahayag lang ako ng saloobin ko. Isa roon ang pagpasa ko ng action research proposal, na hindi pa pinipirmahan. Kako, "Kapag kailangan ng tulong, tumutulong ako. Pero kapag pirma nila ang kailangan ko, ipagkakait pa. Huwag gano'n. Nakakatamad tuloy gumawa at tumulong kapag ganyan."
Past 4 na kami natapos sa meeting.
Sa PITX, sinubukan kong umidlip bago ako umuwi, pero nabigo ako. Umuwi na lang ako bandang alas-sais.
Nobyembre 29, 2019
Pagkatapos mag-almusal, pinagsama-sama namin ang iilang Grade Six na pumasok para magawa namin ang mga gawain namin. Nagpagawa kami ng crafts para sa pinaplano naming stage decoration. Hindi na nga ako nakatulong sa day camp.
Past 1, nagmiting kami tungkol sa DepEd memo na walang pasok ang GES mula December 2 hanggang 6 dahil sa SEA Games. Muntikan pang bawiin ni Dr. Torrecampo. Naasar lang kami sa kanya. But then, hindi naman nangyari.
Nagpamiting din ako tungkol sa Christmas party. Naisingit din nila ang tungkol sa birthday ni Ma'am Laarni. Bibigyan na lang namin siya ng cake at bouquet sa December 13-- Christmas party ng faculty members. Okay na iyon.
Nasimulan na namin ang pagdecorate. Tinulungan kami ni Sir Joel G na gumawa ng belen. Nagpabili naman kami ng black paint kay Mang Bernie. Si Kuya Teng naman ang nagpintura.
Hindi ko lang nasimulan ng ibang design kasi late na nabili ang materials. Nagdatingan na ang mga scouts na dadalo sa overnight camping.
Photographer at videographer ang role ko sa camping. Double purpose. Gagawin kong vlog.
Enjoy naman ang camping, kahit maiingay ang mga scouts. Hindi ako nakatulog agad, kaya sumali na lang ako sa inuman nina Sir Joel G, Sir Ren, at Kuya Teng.l, bago ako nahiga sa Kinder room. Mga 2 am na siguro iyon.
Nobyembre 30, 2019
Before 5, gising na ako dahil maiingay na ang mga scouts. Kahit paano, may mahigit dalawang oras akong tulog.
Past six, nagsimula na ang closing ng camping. Nakapag-almusal na ako sa mga oras na iyon, kaya nagawa ko pang makipagzumba sa mga scouts at scouters.
Past seven, bumiyahe kami ni Ma'am Joann patungo sa Precious Pages para sa seminar-- Kuwentuhan.
Hindi kami natraffic, kay may kaunting oras pa kami para sa kuwentuhan. Natutuwa kami dahil naging bahagi kami ng isa na namang writing seminar-workshop.
Paggawa ng kahanga-hangang tauhan ang topic nito. Bago sa akin, kaya nakakaexcite.
Si Al Santos ang speaker. Mahusay siya. Down-to-earth, kahit mataas ng profile niya as writer. Andami kong natutuhan sa kanya. Bagong-bago na naman ang topic. Ibamg-iba sa dati kong kaalaman. Kaya naman, naibida ko ang kuwento ng tsinelas.
Past 5, umuwi na kami ni Ma'am Joann. Pagod na pagod at antok na antok ako. Mabuti, nakasakay ako agad. Past 8 na ako nakauwi. Umakyat agad ako at nahiga. Plano ko lang umidlip bago kumain, pero mas pinili kong ituloy ang pagtulog.