Noong kasisimula pa lamang ng ECQ, matatandaang nag-panic buying din ng saging dahil may fake news na kumalat, na nakagagaling daw ito sa Covid-19.
Well, ang totoo... isa rin ako sa naniwala, dahil alam ko namang isa sa pinakamasustansiyang prutas ang saging. Pero, siyempre, hindi ako naniniwalang saging ang gamot sa coronavirus.
Gayunpaman, dapat nating paniwalaan na ang saging ay sobrang healthy at napakainam sa ating katawan.
Kung ang ibang bansa ay may “An apple a day keeps the doctor away," sa Pilipinas ay dapat may "Two bananas a day keep the doctor away.” Marami nang pagsusuri ang nakapagpatunay na ang saging ay may mayamang nutrisyon.
In fact, ang isang saging na 100 gramo ay naglalaman ng 88 Calories, 430 I.U. Vitamin A, ----- Vitamin B, 0.04 mg. Thiamine, 10 mg. Vitamin C, 8 mg. Calcium, 6 mg. Iron, 28 mg. Phosphorus, 260 mg. Potassium, 23 g. Carbohydrates, at 1.2 mg. Protein.
Siksik sa mga bitamina at mineral! At sobrang daming benepisyo ng saging, lakatan man ito, latundan, saba o ano pa.
Napakainam ng saging para sa ating tiyan. Sa mga may ulcer at nangangasim na sikmura, the best ito dahil ito ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid. May flavonoid din ito, kaya parang tinatapalan nito ang mga sugat sa ating tiyan. Parang Vulcaseal. At parang ikaw, panakip-butas lang niya.
Napakabuti ng saging para sa ating puso. Mataas ang potassium at bitamina nito. Kung umiinom ka na ng mga gamot sa puso at altapresyon, mas mainam kung kakain ka pa ng dalawang saging bawat araw. Sa mga sawi sa pag-ibig, magsaging na lang kayo.
Napakaraming sustansiya ang mayroon sa saging. Para nga itong Multivitamin. Kung bibilangin mo, parang multivitamin na nga naman dahil ito ay may vitamin A, B, C, Calcium, Iron, at Potassium. Kapag kumain ka ng dalawang saging bawat araw, complete ka na. Hindi mo na mararamdamang iniwan ka na niya.
Napakabuti ng saging para sa ating colon. May mataas sa fiber content ang saging, kaya maaari itong panlaban sa colon cancer at iba pang sakit ng bituka. Hindi naman talaga totoong nakapagpapatubol ang saging. Nire-regulate nga nito ang bowel movement natin. Kaya, mag-move on ka na rin sa kanya.
Napakagandang kainin kapag nag-eehersisyo ang saging. Dahil ito ay nagbibigay ng 230 mg. na Potassium, kailangan ito ng mga nag-eexerciseo nagdyi-gym. Pinatitibay nito ang mga kalamnan natin. Pinatitibay rin nito ang puso mo para sa pananakit niya.
Napakasarap ng saging para sa stress. Nire-relaxnito ang ating isipan dahil ito may tryptophan. Ito ay isang kemikal na nagpapasaya sa atin at nagpapaganda ng ating emosyon. Kapag nasobrahan ka, mental ka. At dahil iniwan ka niya, okay lang iyan. May saging naman!
Napaka-handy ng saging! Hindi natin ikinahihiyang magbaon ng saging. Pero, sige nga, magbaon ka nga ng pinya, ng pakwan, o kaya langka... Baka iwanan ka ng bag mo. Magbaon ka nga ng mangga o avocado... Ang hirap kainin, `di ba? Pero ang saging, kay daling ilagay sa bag at kay daling kainin. Parang ikaw, kay daling iniwan ng iyong mahal.
Napakadaling ipakain sa mga bata ang saging. Kaya nga kapag ang isang batang may leukemia o hika, mainam sa kanya ang saging. May mga pagsusuring nagsasabi na kapag ang bata o sanggol ay lagi mong pakakainin ng saging, mas hindi sila hihikain at hindi rin sila magkakaroon ng leukemia. Although, hindi pa ito tiyak, marami na ang naniniwala rito. Parang noong naniwala kang mahal ka niya.
Sa dami ng benepisyo ng saging, hindi mo na panghihinayangan ang pagkain nito araw-araw. Kaya kahit ano pa ang nararamdaman mo, kumain ka lang ng saging para maging malusog at malakas ka. Kahit ang heartache mo, kaya nitong gamutin.
Kaya nga, ang First Vita Plus ay gumawa ng produktong may saging. Ito ang Banana Rama. Naihabol ko pa ang product indorsement ko, `di ba? Epekto iyan ng saging. Nakapagpapatalas kasi ito ng isip. Power!