Followers
Sunday, July 17, 2022
Dengue: Paano Lalabanan?
Alam mo ba? (Prangkahan na tayo.) Ang dengue ay maaaring magdulot ng shock, internal bleeding, o kamatayan.
Ang dengue ay maaaring malala o hindi malala. Kapag ito ay malala, mapanganib ito sa buhay ng isang tao sa kaunting oras lamang, kaya nangangailangan ito ng confinement. Kapag hindi malala ang dengue, maaari naman itong mapagkamalang ibang sakit sapagkat nagkakatulad sa mga sintomas. Anyway, 1 out of 20 katao lamang ang madalas na nakararanas ng severe dengue. Gayunpaman, dapat pa ring mag-ingat at maghanda.
Ang severe dengue ay kakikitaan ng nagdudulot din ng lagnat, na sinasabayan pa ng alinman sa mga sumusunod na sintomas—sakit sa tiyan, pagsusuka nang tatlong beses sa loob ng 24 oras, pagdurugo ng ilong o gums, pagsusuka ng dugo, pagkakaroon ng dugo sa dumi, at pakiramdam ng pagod, hapo, at iritable.
Kapag nag-manifest ang mga ito, huwag nang magpatumpik-tumpik pa. Sumugod na agad sa hospital at magpasuri sa doktor. Nangangailangan na kasi ito ng agarang paglulunas.
Kapag hindi malala, isa sa bawat apat na tao ang nagkakasakit kapag nahawa ng dengue.
Ang mild dengue ay nagdudulot ng lagnat, na sinasabayan ng alinman sa mga sumusunod na sintomas—eye pain, muscle pain, headache, bone pain, joint pain, rashes, o nausea/vomiting. Ang mga ito ang mga pangkaraniwang sintomas ng dengue, na madalas, dahil sa pandemya, napagkakamalang sintomas ng CoViD-19.
Tandaan lamang na ang mga sintomas ng mild dengue ay kadalasang tumatagal mula dalawa hanggang pitong araw. Mahalagang malunasan agad ang mga sintomas nito. Magpasuri sa doktor kung naniniwala kang dinapuan ka nito, lalo na kung sobrang taas ng iyong lagnat.
Kung nagkaroon ka na ng dengue noon, mataas ang tendency na magkaroon ka ulit. Mas mataas naman ang risk sa severe dengue ng mga sanggol at buntis, kaya ingatan natin sila.
Sa paunang lunas, maaaring uminom ng paracetamol. Huwag iinom ng ibuprofen o aspirin. Siyempre, damihan ang iinuming tubig upang manatiling hydrated ang iyong katawan. Mabisa rin ang pag-inom ng mga inuming may electrolytes, gaya ng sabaw ng buko o niyog, gatas, katas o tubig ng pakwan, sports drinks, at Pedialyte.
Mild o severe man ang dengue, inirerekomenda ko ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink Dalandan variant. Ang dalandan kasi ay prutas na mayaman sa Vitamin C, na kailangan ng ating katawan sa oras na may sakit tayo. Maitataas nito ang platelet counts.
Ang produktong ito ay may limang gulay (malunggay, talbos ng kamote, dahon ng sili, uray/kulitis, at saluyot) na mahusay magpataas ng immune system o nakatutulong sa pagpapalakas ng resistensiya.
Para makaiwas naman na madapuan ng lamok, inirerekomenda ko ang First Vita Plus Moringa Lemongrass Oil.
Huwag nating maliitin ang lamok o kagat ng lamok. Maglinis ng kapaligiran. Magpalakas ng resistensiya. Ang dengue ay palaging nariyan, kaya para tayong laging nasa pandemya.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...