Followers

Monday, May 29, 2023

Sunday, May 28, 2023

Makata O. Thoughts -- Respeto sa Sarili

Huwag mong ikuwento ang mga bagay na dapat hindi nila alam tungkol sa iyo. Maglaan ka ng para sa sarili mo at ang sarili ay irespeto

Makata O. Thoughts -- Magpapasalamat o Magagalit

Kapag itinama mo raw ang mali ng matalino, matutuwa sa iyo at pasasalamatan ka.

Pero kapag itinama mo ang mali ng tanga, maiinis siya at sa iyo'y magagalit pa siya.

Paano kapag tama ka naman, pero minali pa ng isang tao? Ano ang gagawin mo-- magpapasalamat o magagalit ka?

Friday, May 26, 2023

Makata O. Thoughts -- Pakinggan

Huwag mong pakinggan ang payo ng mga taong hindi mo naman pangarap na maging kagaya nila. Makinig ka sa mga taong tinitingala mo dahil pangarap mong maging katulad nila.

Thursday, May 25, 2023

Makata O. Thoughts -- Tunay na Masaya

Ang taong tunay na masaya ay hindi dahil sa lahat ng bahagi ng buhay niya ay maganda, kundi dahil ang pagtanggap niya sa hamon ng buhay ay tama.

Tuesday, May 23, 2023

Makata O. Thoughts -- Mag-isip

Mag-isip ka muna nang mabuti bago magbitaw ng salita.

Karamihan ng tao ay pahahalagahan ka batay sa nilalabas ng iyong dila.

Makata O. Thoughts -- Laban lang

Huwag kang mawalan ng pag-asa.

Huwag kang panghinaan ng loob.

Kapit lang. Laban lang.

Darating ang araw, pasasalamatan mo ang sarili

dahil hindi ka bumitaw.

Makata o. Thoughts -- Tungkulin

 Walang darating para solusyunan ang iyong suliranin.

Ito ay iyong sandaang porsyentong tungkulin.

Sunday, May 21, 2023

Makata O. Thoughts -- Sariling kasiyahan

 Maglaan ka ng oras para sa sariling kasiyahan sapagkat magiging masaya rin ang iba kapag nakita nilang masaya ka.

Makata O. Thoughts -- Magastos

 Magastos talaga ang pagkakaroon ng hobby

pero mas magastos ang magkasakit dahil sa stress.

Makata O. Thoughts -- POst

 Hindi raw ba ako nagsasawa sa kaka-post ng mga bato?


E, ako nga, nagsasawa na rin sa mga selfie niya. 


Mabuti pa nga ang mga bato-- natural. Hindi na nito kailangan ng filter.

Saturday, May 20, 2023

Makata O. Thoughts -- Ingatan na

 May mga taong daraan lang sa buhay mo at hindi na babalik pa.

May mga tao namang mamamalagi sa `yo pansamantala para iwanan ka.

Kaya kapag may taong dumating para makasama mo nang pangmatagalan, ingatan mo na.

Friday, May 19, 2023

Makata o. Thoughts -- Hatak

Matuwa ka kapag pilit ka nilang ibinababa. Katunayan iyan na nakakaangat sa kanila.

Kung nais mo, hatakin mo sila pataas at saka mo sila ihulog pababa. Saka mo sa kanila itanong, "Ano, masarap ba ang pakiramdam ng ibinabagsak?"

Wednesday, May 17, 2023

Makata O. Thoughts -- Tumahimik

Tumahimik ka

Kapag galit ka

Tumahimik ka

Kapag hindi ka nila pinakikinggan

Tumahimik ka

Kapag may nais kang pakinggan.

Tuesday, May 16, 2023

Makata O. Thoughts -- Unfair

Napaka-unfair ng mga tao sa social media.

Hindi nila pinapansin ang mga posts mo, pero kapag mayroon silang pinapupusuan, naka-mention ka pa.

Demanding pa. "Pa-heart react sa mismong picture. Pa-share na rin."

Pagkatapos, kapag ikaw na ang may kailangan, mahihiya kang mag-demand sa kanila. Wala man lang silang pakiramdam. Kilala ka lang kapag may kailangan sa `yo. 

Monday, May 15, 2023

Makata O. Thoughts -- Pagtanda

 Habang tumatanda ang tao, nauunawaan niyang ang pagtanda ay hindi tungkol sa kaanyuan at anong materyal na bagay ang mayroon siya, kundi tungkol sa katauhang mas pinili niyang isabuhay.

Makata O. Thoughts -- Kung Sino

Kung sino ang tumutulong sa `yo, huwag mo siyang kalimutan.

Kung sino ang nagmamahal sa `yo, huwag mo siyang kamuhian.

Kung sino ang naniniwala sa `yo, huwag mo siyang lokohin.

Makata O. Thoughts -- Umaga

Kay sarap gumising sa umaga

Nang nakangiti at masaya

Pagdilat mo pa lang ng mga mata

May mga bagay kang makikita

Na lubos na makapagpapaligaya.

Thursday, May 11, 2023

Makata O Thoughts -- Biyahe

 Ang buhay ay parang biyahe. Hindi parating magagandang tanawin ang makikita. Hindi palaging papabor sa atin ang magagandang pangyayari

Subalit maaaring piliin ang paroroonan.

Makata O. Thoughts -- Sahod

Huwag mong sabihin sa iba ang iyong plano

Maaari ka nilang isabotahe.

Huwag mong ipakita sa iba ang kahinaan mo

Gagamitin nila iyan laban sa `yo
Huwag mong ipagkalat ang kabiguan mo
Lagi nilang iisiping bigo ka at hindi ka nila bibigyan ng pagkakataon
Huwag mong isiwalat sa iba ang susunod mong hakbang
Gawin mo na lang ito nang tahimik
At gulatin mo sila ng iyong resulta
Huwag mong ibulgar ang iyong sikreto kahit kanino
Tanga lang ang gumagawa nito
Huwag mong ipapaalam ang sahod mo sa kapwa mo
Hayaan mo silang mag-isip kung magkano.

Tuesday, May 9, 2023

Makata O. Thoughts -- Plano

 Huwag tayong masyadong magplano dahil ang buhay mismo ay may sariling plano para sa atin. Tandaang ang pinakamagandang pangyayari sa buhay natin ay ang mga bagay na hindi natin plinano.

Sunday, May 7, 2023

Makata o. Thoughts -- Mabuti

Magiging mabait sa iyo ang iba.

Magiging masama naman ang ilan.

Hayaan mo lang sila.

Maging mabuti ka pa rin.

Saturday, May 6, 2023

Makata O. Thoughts -- Utang

Kapag mangungutang, siya'y napakabait.
Kapag sinisingil, siya pa ang galit.
Kapag hinahanap mo, siya'y nagtatago.
Kapag nakasalubong mo, siya'y lumiliko.
Kapag tumagal pa, makakalimutan na.
Kaya, bawal nang mangutang at magpautang.
Kaya kapag may kailangan, maghanap ng ibang malalapitan. 

Tuesday, May 2, 2023

Makata O. Thoughts -- Maliliit na Bagay

Maging masaya at maging mapagpasalamat tayo sa maliliit na bagay na mayroon tayo dahil darating ang araw, kapag binalikan natin ang ating mga nakaraan, ang mga ito pala ay malalaking bagay.

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...