Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo?
Maria:
Maging guro!
Guro: Wow!
Gusto mo ring magturo sa mga bata?
Maria: Opo!
Masaya po kasing matuto sa school.
Guro: Tama!
E, ikaw, Pedro?
Pedro:
Maging engineer!
Guro: Bakit
gusto mong maging engineer?
Maria: Kasi
gusto kong magtayo ng school para kay Maria.
Guro: Wow!
Maganda `yan… E, ikaw naman, Luis?
Luis: Gusto
ko ring maging engineer.
Guro:
Talaga? Gusto mo ring magtayo ng school para kay Maria?
Luis: Hindi
po. Tulay, kanal, at flood control projects ang itatayo ko para hindi na tayo binabaha.
Guro:
Mabuti iyan, Luis… E, ikaw naman, Filemon?
Filemon:
Dalawa ang gusto ko, Ma’am.
Guro: Ha?
Ano-ano naman iyon?
Filemon:
Kung hindi ako magiging congressman, magiging contractor ako para matuloy ang
mga projects nina Pedro at Luis.
Guro: Ay,
hala! Ang gaganda naman ng mga pangarap ninyo. Kayo talaga ang pag-asa ng
bayan.
Filemon:
Ma’am, si Juan po, walang pangarap.
Juan:
(Tumingin lang nang masama kay Filemon.)
Guro: May
pangarap `yan si Juan. Hindi ba, Juan?
Juan:
(Tumango lang.)
Guro: Anong
gusto mong maging, Juan, paglaki mo?
Juan: (Nahihiya)
Gusto kong maging… maging sepulturero.
Guro: Ha? Bakit
`yon?
Juan: Ako
ang gagawa ng nitso ng mga buwaya sa gobyerno.
Guro: Aray
ko!