Followers

Thursday, May 18, 2017

Ang Parusa kay Stefano



            “Okay, class, pumila nang tahimik sa labas,” ani Mrs. San Juan pagkatapos manalangin ang kanyang klase. “Masanting, maiwan ka. Mag-uusap tayo.”
            “Lagot ka, Stefano,” pambubuska ng kaklase. “Tsismoso ka kasi.”
            Pinandilatan ng guro ang nambuska. “Isa ka pa, Bartolome! Hindi mo naman alam ang dahilan ng aming pag-uusap.”
           “Sorry po, Ma’am.”
           Nang makaalis na ang mga estudyante ni Mrs. San Juan, hinarap na niya si Stefano. “Totoo bang kuwento sa aking ng mga kaklase mong babae?”
           Mula sa pagkayuko, tumitig si Stefano sa kanyang guro. “Opo. Sorry po, Ma’am. Hindi nap o mauulit.”
            “Paano ba akong makakasigurong hindi na mauulit ang ginawa mong pagkakalat ng maling istorya?”
           Muling yumuko si Stefano. “Papaluin po ako ni Papa kapag pinatawag niyo po siya.”
           “Kaya nga… Kaya lang… hindi talaga maganda ang iyong ginawa. Alam mo bang pinatawag ako ng principal dahil nakarating sa kanya ang sumbong mo sa Mama mo na hindi ako nagtuturo? Hindi ba’t madalas tulog ka lamang sa klase ko. Ngayon, paano mo mababawi ang maling kuwento mo?”
            “Hindi ko po alam. Sorry po. Hindi na po mauulit. Parusahan niyo na lang po ako. Huwag niyo na pong kausapin si Papa.”
            “Okay. Pero, may dalawa akong kondisyon.”
           Tumingin si Stefano sa kanyang guro. Kumikislap na ang mga mata niya. Nangangatal na rin ang mga labi. “A-ano po ang mga ‘yon?”
           Una, ipapaliwanag mo sa Mama mo na nagkamali ka ng kuwento. Bawiin mo. Tapos, bawiin niya ang reklamo niya sa principal…”
            “Opo. Gagawin ko po. Ano po ang pangalawa?” Medyo umaliwalas na ang mukha ni Stefano.
            “Ang pangalawa, susulat ka ng kuwento. Hindi hilig mo naman ang magbulid ng buhangin? Bagay sa ‘yo ang parusang iyan.”
            Hindi kaagad nakapagsalita si Stefano. “Po? Paano po ‘yon? Puwede po bang iba na lang?”
            “Ipapatawag ko ang Papa mo o gagawin mo ang dalawang kasunduan?”
             Matagal na nag-isip si Stefano. Nakapagligpit na nga si Mrs. San Juan ng kanyang mga gamit sa mesa. “Gagawin ko po ang dalawang kasunduan.”
            “Good. See you on Monday! Bye!”
            “Thank you po. Bye. Alumpihit na lumabas si Stefano. Mayamaya, bumalik siya. “Ma’am, ano-ano po ang sangkap sa pagsulat ng kuwento?”
            Napangiti si Mrs. San Juan. Pagkuwa’y iniisa-isa niya ang mga iyon.
            Inulit naman ni Stefano ang mga sinabi ng kanyang guro. “Salamat po!” Saka mabilis na tumakbo. 
            Napangiti si Mrs. San Juan. Hindi naman kasi siya kinausap ng principal. Nais niya lang na magbago si Stefano sa pagiging tsismoso nito. Pero, agad siyang nalungkot. Kilala niya kasi ito sa pagiging tamad.
            Kinalunesan, nag-tsek ng attendance si Ma’m San Juan. “Masanting, Stefano?”
            “Absent po, Ma’am,” sabi ni Bartolome.
            “Ha? Bakit daw? Natakot ba sa kasunduan namin?”
            “Hindi po.” Tumayo si Bartolome upang ibigay guro ang nakarolyong papel. “Dumugo raw po ang utak niya para maisulat niya ito.”
            Pinilit ni Mrs. San Juan na hindi matawa sa tinuran ni Bartolome. “Siya ba ang sumulat nito?”
            “Siya po.”
            “Paano mo nasabi?”
            “No read, no write po ang mga magalang niya,” seryosong sagot ni Bartolome, na pinaniwalaan naman ng guro dahil napatunayan niya niyon noong nakaraang HPTA meeting.

            Tahimik na binasa ni Mr. San Juan ang akda ni Stefano at bago pa tumulo ang luha niya, nagpaalam siyang pupunta sa principal’s office. Ngunit, hindi siya tumuloy doon. Umiyak siya sa restroom. Nabagbag siya sa sinulat na kuwento ni Stefano. Niyon din ay nagbago na ang tingin niya sa kanyang pinakatamad na mag-aaral. Sa halip, pumalit ang paghanga at pang-unawa. 

Monday, May 8, 2017

Ang Aking Journal -- Mayo, 2017

Mayo 1, 2017 Nang magising ako bandang ala-una y medya, hindi na ako nagising. Hindi naman ako excited sa MTOT, pero bakit kaya? Past two, bumangon na ako. Nag-exercise ako at nagkape. At, past 3, umalis na ako sa bahay. Hindi ako na-late. Nauna pa ako kay Sir Erwin sa Division Office. Kaya, nga nahuli kami ng dating sa Splash Mountain Resort and Hotel. Naging maayos naman ang unang araw ng seminar. Maaga kaming natapos sa training. Kaya lang , naghintay kami na mabuksan ang room. Hindi agad ako nakapagpahinga. Hindi ko masyado gusto ang venue. Layo-layo kasi ang training room, dining hall, at ang hotel room. Nakakatamad. Isa pa, mahina ang signal ng internet. May ise-send pa namang akong email sa isang writing workshop. Mayo 2, 2017 Pangalawang araw ng MTOT. Parang hindi yata ako nakatulog nang mahimbing dahil sobrang lamig sa kuwarto. Pabaling-baling ako at pabangon-bangon para mag-CR. Maaga pang nagising si Sir Erwin, kaya maaga rin akong nakamulat. Pero, ayos lang. Masarap naman ang pagkain. Nakahain na kaagad pagkaligo namin. Na-eenjoy ko naman ang seminar kahit paano. Napaka-informative naman ng topic. Isa pa, may mga activities namang nakaka-break ng boredom. After dinner, pumunta kami sa bayan. Akala ko ay mamamasyal kami. Mag-grogrocery lang pala sila. Bumili na lang ako ng multivitamins at sterilized milk. Mayo 3, 2017 Third day ng MTOT. Parang wala ako sa mood. Kami pa naman ang OTD. Mabuti na lang, kahit paano ay nagustuhan ko ang topics--- "Sining ng Pagtuturo" at "Sining ng Pagtatanong." Marami akong natutuhan. Enjoy rin ang bonding sa dining hall. Masasarap na ang pagkain, masasarap pa ang kuwentuhan --with my colleagues and new acquinatances. Kaya lang, nang nag-swimming sila, after dinner, hindi ako sumama. Ayaw ko kasing bumalik ang skin allergy ko. Nadala na ako sa swimming pool. Narurumihan ako. Minabuti ko na lang mag-stay sa roon at magsulat at mag-edit. Mayo 4, 2017 Parang nakatagal ko nang nag-stay sa resort, kung saan ginaganap ang MTOT. Nasanay na nga ako sa paroo't parito para pumila sa pagkain. Pero, kaninang 12 noon, natapos na ang session para sa Filipino subject. Andaming kong maiuuwing kaalaman. Nawa ay magamit ko ang mga iyon sa aking pagtuturo at paglago. Ala-una, lumipat kami ng ibang venue. Ikalawang subject ko ay Araling Panlipuan. Si Ninong Rolly ang resource speaker. Kaya, kahit alam kong strict siya sa time at discuss-to-the-max siya, doon pa rin ako pumunta. Nakatala kasi ang pangalan ko sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi. Ayos lang naman. At least, unti-unti kong maa-appreciate ang pinaka-boring na subject. Nainis naman ako nang kaunti. Antagal ko kasing naghintay kay Sir Erwin. Nasa kanya ang keycard ng room. After dinner pa kami nakapasok. Mayo 5, 2017 Sa ikalawang araw ng AP 6, na-enjoy ko ito. Lalong umigting ang kagustuhan kong magturo ng asignaturang kinabo-boring-an ng lahat. Na-realize ko na hindi naman pala dapat. Marami palang strategies ang dapat na i-apply upang maging effective AP teacher. Naiinis lang talaga ako sa signal ng internet. Maghapon akong walang masagap. Kahit gabi na, wala pa rin. Hindi ko talaga gusto ang venue dahil walang Smart tower. Dalawang araw pa akong magtitiis. Pagdating din sa bahay, wala rin. Haist! Mayo 6, 2017 Nakaka-drain na ang ilang araw na seminar. Masasarap nga ang pagkain, pero ang maghapong pakikinig ay talaga namang makakatuyo ng utak. Pinasaway pa ang team ko. Kaya nga, halos ayaw kong mag-participate sa discussion. Ayaw kong magpaepal. Hindi ko naman talaga gusto ang Araling Panlipunan. Gugustuhin ko pa lang. Maaga kaming pinalabas. Siguro, napagod din ang speaker. Kahit paano ay nakapag-relax ako. Wala nga lang internet. Hindi man lang ako makapag-FB. Mayo 7, 2017 Huling araw ng seminar. Naging mabilis ang discussion. Ang lahat kasi ay gusto nang makauwi. Ako, nami-miss ko na ang mag-ina ko. Kinainipan ko nga ang bawat sandali, habang nakikinig sa mga talk ng speakers sa closing program. Bago natapos, isang nakakagimbal na balita ang natanggap ko. Nasa hospital daw si Mama dahil nabangga ng sasakyan ang bahay niya. Nanlumo ako. Iyon siguro ang kahulugan ng panaginip ko kagabi. Grabe! Hindi talaga namimili ang aksidente. Pagkatapos kong makipag-chat kay April, siya lang naman kasi ang online at nag-rereply, nakita ko ang pictures ng nangyari. Sinabi niya rin na okay lang si Mama, kaya huwag akong mag-alala. Hindi ko maiiwasan iyon, lalo na't hindi siya nag-send ng picture ni Mama. Past three o' clock, bumiyahe na kami pabalik sa Pasay. Nakauwi ako bago mag-alas-sais y medya. Pagod na pagod ako. Gustuhin ko maang pumunta sa Antipolo, hindi ko na kinaya. Dalangin ko na lang na okay na si Mama. Nalaman ko rin kay April na inaayos na ni Taiwan ang kaso. Nasa headquarters daw ito. Mayo 8, 2017 Past 7:30, pumunta ako sa Antipolo. Alas-onse na ako nakarating doon. Naabutan ko ang mga kapatid kong busy sa pagpapagawa ng nasirang pader ng kusina. May trabahador silang kinuha. Nagbigay kasi ng P50k ang driver ng sasakyang nakabangga. Nagluto naman agad kami ni Flor ng.m lunch namin. After dinner, saka ko lang pinuntahan si Mama sa bahay ng ate niya. Noon lang din kasi umalis. Yaw kong makita doon ang aunt ko. Naawa ako sa sinapit ni Mama. May tahi ang ulo niya at mga mangilan-ngilang sugat sa katawan. Makirot din daw ang mga katawan niya. Gayunpaman, masuwerte pa rin siya dahil nakaligtas siya sa posibleng mas matinding pinsala. Maaari siyang nadaganan ng cabinet, ng telebisyon o ng mga hollow blocks. Mabuti na lang at nasa CR siya. Thanks, God! Dahil sa pangalawang buhay ni Mama, naisipan ni Jano na maghanda. Nagluto siya ng pansit. Bumili rin ng cake. Nagkaroon ng salusalo bandang hapon. Uuwi na sana ako, nang pinigilan ako ni Mama. Hindi naman ako nakahindi. Wala kasi siyang kasama. Kailangan niyang uminom ng gamot every 6 hours. Mayo 9, 2017 Past 5:30 nang magising ako. Nadatnan ko si Mama sa baba. Nag-aalmusal na siya. Excited siyang mahipo ang kanyang mga gamit. Namasdan kong marami siyang hinahanap. Marami siyang pinanghihinayangan. Nag-alala ako baka makasama sa kanyang kalagayan. Gayunpaman, hindi ko siya mapipigilan. Kagustuhan niya iyon. Isa pa, kinailangan ko na ring umuwi. Past 7, bumiyahe na ako pabalik sa Cavite. Makauwi ako sa bahay ng mga pasado alas-onse. Nagpahinga ako after lunch. Si Emily na ang nag-grocery pagkataopos naming umidlip. Kasama niya si Ion. Mayo 10, 2017 Ngayong araw ko lang naramadaman ang pagkakaroon ng bakasyon. Pakiramdam ko, nasulit ko na ang pagpapahinga. Hindi na nga namin kailangang mag-outing pa para maibsan ang init at maramdaman ang summer. Ang pag-stay lang sa bahay nang magkakasama ay sapat na. Happiness does not always mean going to places. Sometimes, it is just staying with loved ones and spending quality time with them. Naging productive din ako ngayong araw dahil natapos ko nang ma-edit ang mga akda ni Cai, na may 13K words. Ang tatlong short stories na ito ay magiging bahagi ng anthology namin. Gabi ko naman naharap ang nobela kong 'Maybe This Time.' Kahit paano ay nadagdagan ito ng word counts. Mayo 11, 2017 Patuloy na nababawasan ang araw ng bakasyon. Kaunti na lang, magsisimula na ang Brigada Eskuwela. Okay nga iyon dahil nami-miss ko na ang internet. Paano ba naman kasi halos wala talagang signal ang pocket wifi ko?! Sayang lang ang ibinabayad ko. Gayunpaman, nai-enjoy ko pa rin ang nalalabing araw ng bakasyon dahil nagagawa ko pa ang mga gusto ko, like pagluluto, pagpapahinga, pagsusulat, at panunuod ng TV. At, siyempre, hindi mawawala ang bonding with my son and wife. Nakaka-bad trip lang talaga ang kawalan ng internet. Hindi ko tuloy mai-chat si Flor para maitanong ko ang kondisyon ni Mama. Mayo 12, 2017 Tamad na tamad ako ngayong araw. In fact, pasado alas-otso na ako bumangon. Naunang mag-almusal ang aking mag-ina. Gayunpaman, hindi ko kinatamaran ang pagluto ng aking lunch at dinner. Ipinagluto ko pa rin sila. At, siyempre, nag-update ako ng nobela ko. Ngayon araw rin, nalaman ko mula kay Ate Jing, our school clerk, na may writeshop ako sa DO sa May 15 hanggang 19. First time kong maging periodic test writer. Kahit paano ay na-excite ako. Hindi nga lang ako magiging bahagi ng Brigada Eskuwela. Mayo 13, 2017 Ilang araw na lang, balik sa trabaho na. Mami-miss ang pagsi-siesta, gayundin ang pagsusulat. Kaya nga, pinupursige ko nang matapos ang latest na nobela ko, bago pa mag-resume ang klase, dapat tapos ko na. Maghapong masakit ang likod ko. Ang alam kong dahilan nito ay ang pagtulog ko sa lapag, nang walang kutson. Ayaw kong magtagal ang sakit. Nakakawala sa konsentrasyon, lalo na't kasali ako sa writeshop. Mayo 14, 2017 Ito ang unang Mother's Day namin dito sa bahay. Nagsimba si Emily. Hindi ko na pinasama si Ion dahil mamimili siya pagkatapos. Hapon na kami nagkaroon ng simpleng salusalo. Kahit paano, naiparamdam ko sa aking maybahay ang aking pagpapahalaga sa kanya bilang ina ang aming anak at bilang ilaw ng tahanan. Mayo 15, 2017 Sa unang araw ng writeshop ko, late pa akong dumating sa venue. Mabuti na lang, hindi pa nagsimula. At, good thing is napansin ako ng curriculum supervisor at Filipino supervisor. Pinag-usapan nila ako. Magaling daw ako. Bakit daw hindi nila ako nakita sa journalism? Ang rason ko, "Nag-lie low po ako. Personal reason." This school year daw ay magpaka-active na ako. Tinanong pa nga ako kung ano na ang position ko. Malapit na raw. Haist! Sana hindi na mabalewala ang skills ko this new administration. Or else, hindi na naman ako magpe-perform. Nagulat ako nang malaman kung ang writeshop pala ay pagsusulat ng lesson plan, hindi test construction, gaya ng mgs nakaraan. Hindi ako prepared. Ni wala akong dalang reference book. Mabuti na lang, may mga akda ako. Naisama ko at na-integrate ko sa learning competencies na nakatoka sa akin. Maghapon, nakasulat ako ng tatlo. Enough iyon para matapos namin ang first grading competencies for five days. After ng writeshop, pumunta ako sa GES para maningil kay Mam Gigi ng utang niyang P8500. Binigo niya ako. Tumatawad pa nga. Sa May 28 na lang daw. Idinahilan ko ang operasyon ni Mama. Pero, nangako siyang bukas ng umaga niya ako babayaran dahil nakasanla ang ATM niya, na supposedly hawak ko dahil may loan pa siya sa akin na P36k. Nakakainis, pero inunawa ko siya. Alam kung darating kami sa ganyan, pero sana last time na. Hindi na ako papayag sa susunod. Ayaw kong mag-away kami dahil sa utang niya. Siya ang lumapit at nag-propose ng lending business ko. Kaya, business is business. At, gaya nang sinabi ko sa kanya before, gusto kong makaahon siya sa kautangan. Subalit, hindi iyon ang nangyayari. Naipit ako sa traffic. Past 7:30 na ako nakauwi. Bad trip! Ang hirap nang sumakay sa Baclaran. Wala na nang masakyan, traffic pa sa Cavitex. Anong nangyayari? Umaga't hapon, traffic. Expressway na nga. May 16, 2017 Napuyat ako kagabi dahil sobrang init. Siguro tatlong oras lang ang naging tulog ko. Mabuti na lang, hindi ako na-traffic. Past six, nasa school na ako. Akala ko maagang papasok ang mga ka-1000 ko. Past 7:30 umalis na ako. Si Mam Edith lang ang nakarating nang maaga, pero hindi na rin kami nakapagkuwentuhan nang matagal. Past 8, nasa DO venue hall na ako. Napaaga ako, kahit dumaan pa ako sa Cebuana para magbayad ng water bill at magpadala kay Epr. Nanghiram siya sa akin. Sa writeshop, hindi rin agad ako nakapagsulat ng DLP dahil kailangang hintayin ang kasamahan. Nag-edit na lang ako ng akda ni Cai. Sobrang antok ko habang nasa writeshop. Nakakainis pa dahil walang signal doon ang wifi ko. Nakaka-boring tuloy. Pero, nakatapos ako ng dalawa. Nasimulan ko na rin ang pangatlo. Five PM, nasa school. Kinuha ko ang bayad ni Mam Gie. Pero, hindi niya pa binalik ang ATM card. Mas maaga akong nakauwi sa bahay. Hindi tuloy uminit ang ulo ko, kahit medyo mabigat dahil sa puyat. Nakaapekto sa relasyon ko sa aking mag-ina ang traffic kahapon. Mayo 17, 2017 Maaga na naman akong nakarating sa GES. Maaga ring dumating doon si Ms. Kris. Kaya, habang naghihintay kina Papang at Emeritus, nagkuwentuhan kami. Past 7 na kami nakapag-almusal. Hindi nakarating si Papang dahil namalengke nang maaga. Past 8, na ako nakarating sa writeshop venue. Nag-almusal uli. Past twelve, bumalik ako sa GES. Binigyan kami ng chance na umuwi, pumunta sa school o mag-stay para ituloy ang pagsusulat dahil mainit sa hall. Inaayos ang mga aircon. Nang nasa school na ako, may pa-meeting pala ang new principal namin. Na-e-excite ako sa bagong administration. Umaasa rin akong mabibigyan ng pansin at hustisya ang mga kakayahan ko. Ayaw ko ring magkaroon uli ng rampant corruption. Bubuhayin ko uli si Makata O kaoag nangyari iyon. Hindi naman ako halos nakapagsulat dahil nakipaghuntahan ako sa 1000. Okay lang naman. Nag-enjoy ako. Nawala ang stress ko sa writeshop. In fact, five na kami umuwi. Nagtaka naman si Emily kung bakit maaga akong nakauwi. Halos ayaw niyang maniwala na walang traffic. Iyon naman ang totoo. Mayo 18, 2017 Nang magising ako kagabi bandang 11:30 ng gabi, dahil may mga motorsiklong tumapat sa bahay, hindi na ako nakatulog. Maiingay pa ang usapan ng mga driver. Kaya naman, nagsulat na lang ako ng DLP. Grabe, inabot ako ng alas-kuwatro. Kalahating oras ang tulog ko. Maaga akong nakarating sa GES. Nakumpleto uli ang 1000 group. Nagsalu-salo kami. Then, pumunta na ako sa DO. Agad kong tinapos ang assignments ko. Then, saka ako nakaramdam ng antok. Hindi naman ako makaidlip nang husto. Kinausap ako ni Mam Silva tungkol sa pagkawala ko sa journalism. Nakapagsumbong tuloy ako sa mga nangyari sa school. Gagawa siya ng paraan para mapakinabangan ang skills ko. Naiinis rin siya sa mga taong nang-down sa akin dahil biktima rin pala siya. Ang kaibahan lang namin, siya, lumaban. Ako, sumuko. Marami akong napulot na aral sa kanya. Sayang, malapit na siyang mag-retire. Nakauwi ako ng past 7. Gumawa ko agad ang assigmments ng ka-team ko. Hindi puwedeng hindi kami makabuo ng TG para sa first grading. Nakakahiya naman. Nakatapos ako nang isa at kalahati bago ako natulog. Mayo 19, 2017 Ako ang pinakamaagang dumating sa venue hall. Mga 15 minutes akong naghintay bago nabuksan ang pinto. Pagpasok ko, hinarap ko kaagad ang gawain. So far, nakatapos kami. Past 1, nagkaroon ng graduation o distribution of certificate. Nakaka-proud. It's another achievement. Nakabuo pa ako ng friendship with my fellow writers ng Filipino DLP. In fact, at past 3, nagpasama si Mam Lui sa Baclaran para bumili ng speaker. Kahit paano ay nag-bond kami on the way. Maaga akong nakauwi. Nakapanuod pa ako ng inaabangan kong mga teleserye sa hapon. Agad ko ring sinimulan ang pag-edit at pagsusunod-sunod ng sinulat namin. Mayo 20, 2017 Past 8, nasa school na ako. Hindi sana ako maglilinis, kaya lang sinabihan ako ng principal. Past 12 iyon. Nakapag-edit muna ako ng DLP sa writeshop namin. Nag-post ako ng pictures. Nilagyan ko ng caption na "HELP! Tinatawagan ang Bungkol Family at incoming Grade 6, especially the first section. Wala pang kalahating oras, dumating na ang tatlo. May dumating pang isa, after half hour. Nagpintura kami. Enjoy na enjoy naman sila. At kahit paano, gumanda na ang isang side. Gayunpaman, marami pa rin akong dapat ayusin, itapon, ilipat, ipagsama-sama, at linisin. Past 6, nasa bahay na ako. Sobrang antok ko na, pero hindi ako nahiga. Gumawa pa rin ako ng editing task. Mayo 21, 2017 Past 8, nasa school na ako. Pagkatapos kong bumili ng isang galong pintura. Iyon ang unang beses kong gumastos para sa repainting. Hindi na kasi kaaya-aya ang murals na nakapaligid. Magulo sa mata. Agad kong sinimulan ang pagpipintura. Dumating naman sina Jefferson at Jomelbert, bandang alas-10. Tumulong din kaagad sila. Past 12:30 na nang pinauwi ko na sila. (Siyempre, nilibre ko sila ng lunch.) Almost done na kasi. Ayaw ko na silang patulungin sa mga papel-papel. Past 4 ako nakauwi sa bahay. Antok na antok at pagod na pagod ako. Pero, sinikap ko pa ring i-finalize ang week 1 to 5 DLP sa Filipino 6, na ipapasa bukas kay Sir Ivan. Natapos ko naman after dinner. Nai-save ko na sa disk. Mayo 22, 2017 Naipasa ko ang DLP kay Ma'm Silva. Hindi ko kasi naabutan si Sir Ivan. Nag-chat na lang ako sa kanya. Na-receive naman niya agad. Past ten, nasa school na ako. Nagbawas ako ng mga kalat. Ibinigay ko sa janitress ang mga papel na puti at ang mga waste. Maaari niyang maibenta ang mga iyon sa halagang P200 up. Sumakit abg likod ko kaya hindi ako masyadong nakapaglinis. Itinabi ko na lang muna ang mga ia-assort kong mga papel-papel. Nakapaggupit na rin ako para sa bulletin board ko. Forty-thirty, umuwi na ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko, nakuba ako. Ang hinala ko, dahil ito sa pagkakatayo ko nang baluktot sa bus. Disadvantage ng pagiging matangkad. Mayo 23, 2017 Hindi ako pumunta sa school para maipahinga ko ang aking likod. Kahit paano, nawala ang sakit. Kaya, nagkaroon na ako ng mood para magluto. Nakapag-edit na rin ako ng DLP. Almost ready na ito para sa next submission. Gagawin ko na lang ang isang pang layunin na nakatoka sa akin. Mayo 24, 2017 Past 10, nasa classroom na ako-- naglilinis. Inuna ko ang pagpasok ng mga armchairs. Sa Grade Six, ako na lang ang hindi pa nakapagpasok ng mga upuan, kaya nahuli ang pag-decorate ko ng bulletin board. Hindi ko natapos ang dalawa. Gayunpaman, masaya akong makita ang mga natapos ko. Kaunting linis, ayos, at decorate pa, handang-handa na ako sa Bakik Eskuwela. Past three, tumawag si Ms. Kris. Inalok niya ako ng speakership. In-invite kasi siya ng dati niyang kaklase na ngayon ay nagtratrabaho na sa Vibal. National daw iyon, kaya sinunggaban ko kahit medyo mahirap ang topic. Napag-aaralan at nai-reresearch naman iyon. Gabi, inihanda ko ang CV ko. Kailangan daw kasi. Hindi ko nga lang na-finalize dahil may details pa akong dapat tingnan sa mga certificates ko, na nasa school. But, bukas, maise-send ko na iyon sa email. Sana mag-apply din si Papang. Mayo 25, 2017 Sobrang malas ko ngayong araw. Una, bumalik ako sa bahay dahil may nakalimutan ako. Nasayang ang pamasahe ko sa traysikel. Pangalawa, nasiraan ang dyip na sinakyan ko sa Pasay. Pag-uwi ko, nasiraan ang traysikel. Hindi pa nga nakakapasok sa subdivision. Naglakad tuloy ako. Pangatlo, hindi ko nai-send sa email ang CV ko dahil may professional meeting pala. After lunch, pinatawag na kami. E, nag-lunch kami ni Sir Erwin at nagkuwentuhan nina Mam Dang after kumain. Alas-singko na nang natapos ang meeting. After meeting, gusto ko sanang tapusin ang CV ko at isend ito sa email, kaya lang kailangan kong sumama sa 1000 group para sorpresahin si Ms. Kris. Birthday niya, e. Nagkuwentuhan kami doon. Past seven na kami nakaalis doon. Before nine, nasa bahay na ako. Natutuwa lang ako sa meeting. Napag-usapan doon ang tungkol sa journalism. Ako raw ang school paper adviser. Nasabi ko sa bagong principal na matagal ko nang tinanggihan ang posisyon. Alam kung alam niya ang mga pangyayari dahil kaibigan niya ang dating principal. Nasabi niya nga ang word na hugot, e. At least, naipabatid ko na hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko, lalo na't nasabi kong hindi naman ako nag-grow doon. Sampal iyon sa mga taong humarang sa paglago ko. Mayo 26, 2017 Nai-send ko na ang CV ko sa Vibal. Grabe! Sa office pa ako nakigamit ng desktop kasi walang net sa classroom ko. Nakakainis! Pati ang printer ko ayaw ring mag-on. Natapos ko na rin sa wakas ang bulletin board. Superb ang resulta, kahit gawa lang sa mga patapong brown envelopes at colored (red and green) folder ito. At, tanging gawgaw ang pandikit. Tamang-tamang ang border design nito sa subjects ko na Filipino at Araling Panlipunan. Kahit inutusan ako ng principal na i-edit ang ID niya para sa PDS, natapos ko pa rin bago nagyayang umuwi si Papang. Past 4 na iyon. Gusto pa nga sana niyang puntahan namin si Emeritus. Nagbago lang ang isip niya, dahil siguro sa makulimlim na kaulapaan at sa iniinda niyang sakit sa paa. Okay lang din sa akin. At least, nakauwi ako nang maaga. Kaya lang, na-bad trip ako nang makita kong nabunot ang tanim kong sunflower. Kagabi, may pumitas na ng bulaklak sa isang puno. Nakakasulwak talaga ng dugo. Feeling ko, may traydor na kapitbahay. Pinitas na lang sana. Kaso, binunot talaga. Mayo 27, 2017 Dahil kulang ako sa tulog, hindi ako pumasok. Tutal, kaunti na lang naman ang lilinisin ko sa classroom, mas pinili kong magpahinga. Nakapagluto ako at nakakain nang maayos. Mabuti rin na hindi ako pumasok dahil dumating ang karpintero na ipinakilala sa amin ng kapitbahay. Nakausap ko tungkol sa pagpapa-install ng kisame at flooring. Hapon, nakapag-gardening pa ako. Tag-ulan na, kaya mainam magtanim. Mayo 28, 2017 Kahit hindi pa magagawa ang second floor namin ng karpinterong kinausap namin, bumili pa rin kami ng tiles at panel door. May sale kasi sa tiles depot, saka may pera pang tira mula sa bonus ko. Plywood at tabla na lang ang bibilhin ko kung sakaling may time na ang karpintero. Mayo 29, 2017 Pasado alas-siyete pa lang ay nasa school na ako. Unang araw ng INSET. Gusto ko kasing mabawasan ang kalat sa classroom ko, kaya nakapaglinis pa ako for almost one hour. Kahit paano ay natanggal ko ang mga unwanted na gamit. Mayo 30, 2017 Nag-chat si Ate Che-- owner ng WWG. Kailangan ko raw magbigay ng "dedication" at "about the author" para sa book ko. Mabuti raw at hindi pa na-finalize o naprint. Hapon ko na naisend dahil sobrang busy. Nakakainis nga. Puro seminar. Halos hindi ko na maharap ang ginagawa kong powerpoint presentation para sa talk ko. Hindi ko rin matapos ang paglinis. Ang class program naman namin, hindi pa rin magawa. Ayaw ko kasing tanggapin ang school paper advisorship. Nakakadala! Hindi naman ako nakinabang. Mayo 31, 2017 Inagahan ko talaga ang pagpasok sa school upang tapusin ang paglilinis sa classroom. Nagawa ko naman. Ang kulang na lang ay ang pagkabit ng ceiling fans. Past 12, nagpa-laboratory kami. Kailangan na kasi bukas ang results. Alam ko, positive na naman ako. Pakukuhain na naman ako nito ng sputum test. Another gastos. Pero, alam kong negative naman ako. Before two o' clock, saka lang kami nakarating sa JRES para dumalo sa INSET doon. Nakaka-boring naman ang talk dahil narinig ko na iyon sa MTOT sa Laguna. Gayunpaman, nakinig pa rin ako habang nagpi-Facebook. Past four, nagpansit kami sa Harlem Restaurant ng 1000+ group. Almost complete. Wala lang si Ms. Kris. Past 7 na ako nakauwi sa bahay. Sobrang pagod na pagod ako, pero pinilit kong harapin ang PPT ko. Almost done na ako. Kaunting dagdag na lang. Kailangan ko pang aralin ang mga sasabihin ko.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...