Followers
Monday, August 3, 2020
Ang Aking Journal -- Hulyo 2020
Hulyo 1, 2020
Maaga akong bumangon upang lumabas. Past six, nakapila na ako sa ATM.Nakauwi rin ako agad bago nagising ang mag-ina ko. Nakapagpa-load na ako para sa broadband. Naubos na naman ang byte ng wifi. Kailangan ko palagi ang internet.Naipasa ko na ang modules sa Filipino 6.Nakakainis lang kasi mahina. May data pa ako sa Sun, pero ganoon din.Gayunpaman, pinagtiyagaan ko ang paggawa ng module. Nakatapos ko ngayong araw ng isa at kalahati. Nagawa ko pa ng vlog si Emily. Kung malakas lang sana ang net baka nakadalawang modules ako.
Hunyo 2, 2020
Pinahirapan ako ng internet. Halos walang connection maghapon. Hindi mo magawa nang tuloy-tuloy ang module. Kailangan kong i-google ang lesson. Hindi kaya ng stock knowledge, lalo na't may mga kailangang selections. Ideya, lalo na.Naabala pa ako sa issue o sa virtual away nina na Beshie at Ma'am Sheila, na kagagawan ni Madam Rosenda. Simpleng bagay, lumala dahil sa kawalang-alam sa paggawa ng opening remarks.Kahit paano, umusad naman ang module ko. Hindi nga lang talaga kasimbilis kapag may internet na malakas.I hope makarami ako bukas.
Hulyo 3, 2020
Nanonood ako ng 'Virtual Stakeholders'!Convergence 2020' hosted by SDO-Pasay. Mabilis lang itong natapos, pero nabalahaw pa rin ang paggawa ko ng module. Tapos, may meeting pa kaming Grade Six. Idagdag pa ang nakakabuwisit na internet connection. Halos wala akong natapos.Nakagawa ako ng vlog ni Emily habang nagpapahinga. Pagkatapos niyon, umariba ako sa module kasi na-download ko na ang Sinag 4, na pinakukuhaan sa akin ng mga springboard. Nakausad ako kahit paano bago ako umakyat.
Hulyo 4, 2020
Past 8 na ako nagising. Mabuti na lang, Sabado. Hindi ko kailangang mag-work from home. Walang kailangan dalohang webinar. Module-making lang ang activity ko ngayong araw. Isinisingit-singit ko rin paminsan-minsan ang paglabas upang mag-gardening.Nakausad-usad ako sa module kahit paano. Nakakakuha ako ng mga kailangan ko sa internet. Kaya lang, mabagal pa rin talaga. Sobra!Maaga akong umakyat para magpahinga kasi na-offend ako sa nag-commissioned sa akin ng modules. Parang lahat na lang palpak ang ginawa ko. Hindi man niya ibinabalik sa akin ang mga module, pero parang babaguhin niya. Inaral ko naman angga objectives doon at hindi basta-basta akda ang nilalagay ko. Connected lahat sa activities. May tema pa nga. Ayaw niya lang sigurong gamitin ko ang videos ko YT as reference. Bakit kanino YT ang gagamitin ko? Sa iba? E, ako ang module writer. Lalayo pa ba ako. Naisip ko rin, baka dahil kakunti ang ginamit kong akda niya. Late niya na kasi ipinaunawa sa akin na puwede kong gamitin ang mga laman ng textbook niya. At kung sinabi niya nang maaga, baka nahirapan din akong ikonekta ang mga akda ko.Sana matuwa na lang siya dahil halata namang pinag-isipan ko ang mga activities doon. Unlike dito sa pangalawa, almost 1/3 ng module ay galing sa textbook niya.Haist! Kung hindi ko lang kailangan ng extra income, hindi ako magsusulat para diktahan at rendahan. Maybsarili din naman akong paraan ng pagtuturo. Grade Six ang hawak ko, siya Kinder. Natural lang na mas alam ko ang needs ng higher grade. Baka raw hindi kayanin ng pang-unawa ng mga estudyante. Kaya nga module, e. Babasahin at uunawain nila iyon dahil iyon ang dapat. Andaming time ng mga estudyante ngayon para magbasa. Ipagkakait pa sa kanila ang comprehensive reading. Sabi nga sa mga children's story writing workshops na nadaluhan ko, huwag daw maliitin ang kakayahan ng mga bata. Mauunawaan nila kahit ako, basta nagbabasa at may interes magbasa.Nakaka-hurt talaga. Parang hindi ko naman ginamit ang mga iyon sa pagtuturo ko. Gasgas na nga iyon kaya alam kong naging epektibo.Alam ko, lilipas din ito.Bukas, itutuloy ko pa rin ang modules ng Filipino 4. May puso akong gumawa. Sana lang makita niya sa mga modules na pinasa ko sa kanya.
Hulyo 5, 2020
Sinikap kong mawala ang negative feeling na naramdaman ko kagabi. Nagtagumpay na naman ako. Chinat ko pa nga siya upang magtanong tungkol sa ilang bagay sa MELC.Dahil dito, umusad ang modules ko. Nakatapos ako ngayon ng dalawa. Although, nasimulan ko na ang mga iyon. So far, okay na ang anim na modules. Nasimulan ko na halos lahat. tatapusin na lang ang 50-65% ng mga ito.
Hulyo 6, 2020
Pinursige ko ang paggawa ng module. Mabuti na lang, walang webinar at walang meeting. Kahit paano marami akong nagawa. Nakasulat ako ng mga sanaysay para sa modules. Nakapag-google ako ngayong araw, kaya mayroon na akong siyam na modules. Nakalahati ko na.Hinayaan ko na lang si Emily na maghanda ng mga pagkain para sa birthday ni Zillion. Wala naman kaming bisita. Pero dahil request niya ang mga iyon. Meron siyang spaghetti, cake, ice cream, lumpia, at gelatin.Ten years old na siya. Siya ang dahilan kung bakit ako naging guro sa Gotamco. Siya rin ang dahilan kung bakit tinatamasa ko ang buhay na mayroon ako ngayon.
Hulyo 7, 2020
Puspusan uli ang paggawa ko ng module. Kahit paano, nakakakonekta ako sa wifi. In fact, nakadalo pa ako sa online meetings.Ngayong araw, nakatapos ako ng dalawang modules. Wala nga lang tulog dahil halos kalahating araw ang online meeting.Natutuwa naman ako sa unti-unting pagdami ng YT subscribers ko. As of now, mayroon akong 594 subs at 1,839 hours watchtime. Tiwala lang... Kaya ko ito.
Hulyo 8, 2020
Kahit aandap-andap ang internet, sinikap kong makadalawang modules ngayong araw. Hindi ko na nga masyadong pinakinggan ang webinar namin. Kailangan ko nang matapos ito nang makagawa na ako ng iba pang bagay. Gusto ko namang mag-gardening at mag-vlog.Hulyo 9, 2020Naisingit ko sa paggawa ng module ang pagga-gardening kahit ilang minuto lang. Kahit paano ay nakakawala ng stress at hindi masyadong sumasakit ang mata ko. Hapon, sinabayan ko sa pag-idlip si Emily.So far, naka15 modules na ako. May dalawa pa akong tatapusin bukas.Hulyo 10, 2020Birthday ngayon ni Emily. Hinayaan ko siya kung ano ang ihahanda niya. Nagpaka-busy ako sa module. Kaya lang, hindi ako nakatapos ngayon ng kahit isa. Mahina ang net ko. Tapos, kinailangan kong gawin ang eLESF. Baka kasi biglang hanapin, wala akong maipasa.Gabi, in-explore ko ang drawing tablet ko. Na-appreciate ko na siya.
Hulyo 11, 2020
Quarter to nine na ako nagising. Ang sarap kasing matulog. Kahit andami kong panaginip, na nakagising-gising sa akin, alam kong mahaba-haba ang tulog at pahinga ko.Pagkatapos mag-almusal, hinarap ko agad ang dalawa pang modules na tatapusin ko. Nagawa ko naman bandang 4:30 ng hapon at nai-send ko agad via email kay Ma'am Nhanie. Kaya lang, mga 7:00, pina-edit niya sa akin. Binigyan niya ako ng format. Gayahin ko raw.Inabot ako ng quarter to one bago ko nagawa. Matrabaho pala iyon. Gumagalaw kasi ang mga text, figures, at shapes kapag pinalaki ang font. Gayunpaman, alam kong matutuwa siya sa gawa ko. Iniwasan ko ang mga ayaw niya. Sana naman hindi na niya ako ma-offend.
Hulyo 12, 2020
Past nine na ako bumangon. Nakabawi ako sa puyat kahit paano. Pero, balik ako sa laptop pagkatapos mag-almusal. LESF naman ang hinarap ko. Inulit ko lang ang mga ginawa ko kahapon kasi hindi nai-save. Nag-update ang laptop, hindi nai-save. Nakakainis! Sayang ang effort at time.Gabi, binati ako ni Ma'am Joann dahil napili ang tula ko sa as one of the top 20 sa 8Letters Lit Fest.Hindi siya napili sa short story, gayundin ako. Sa apat na category, sa poetry category ako nakasama. Not bad. Sana makalusot as top five para makasama ako sa anthology.
Hulyo 13, 2020
Quarter to nine na ako nagising. Napuyat kasi kami kagabi dahil sa malakas na ulan at panay-panay na kulog at kidlat.Nainis pa ako kasi akala ko, makakagawa ako ng mga reports at IPCRF. Walang internet connection. Maghapon. Mabuti na lang, nakasali pa rin ako sa online meetings dahil sa free data ko. Hindi ko nga lang masyadong naintindihan.Bukas, pupunta kaming Grade Six teachers sa school para sa task naming simulation ng distance learning. God bless to us.
Hulyo 14, 2020
Nang tunog ang alarm ko, parang gusto ko ulit matulog. Kundi ko lang naisip ang task na nakaatang sa aming Grade Six, hindi ako babangon. Before 5, naglalakad na ako patungong tricycle terminal. Exactly 4 months ago nang huli akong bumiyahe patungong school.Past 7, nasa school na ako. Nauna si Ma'am Madz.Agad kong binisita ang garden ko. Natuwa naman ako dahil kahit paano, buhay pa ang mga halaman ko. May mga namatay, pero marami pa rin ang buhay. Pinasalamatan ko nga ang janitress na nag-alaga.Past 10, nagsimula na ang action namin. Ako ang naatasang maging frontman sa video ng dry run na binubuo namin. Okay lang naman kasi para lang akong nagba-vlog. Ang saya-saya nga namin. Sayang, wala si Sir Joel.Past 3, tapos na kami sa mga task sa araw na ito. Bukas, distribution of modules naman.
Hulyo 15, 2020
Maaga sana akong nakarating sa school kung hindi ako nagkamali ng sakay. Nakarating ako sa MOA. At ang pinakamasaklap, naglakad ako dahil walang masakyan. Naroon na silang lahat nang dumating ako.Gayunpaman, nagsimula agad kami. Naging maayos naman ang dry run at ang video shoot.Before lunch, masakit na ang ulo ko. Kaya maghapon hanggang sa pag-uwi ko, masakit. Hindi na nga ako nakapaghapunan.Naipadala ko na pala ngayon kay Bes Gina ang P15k na hiniram niya para maging capital. Tuwang-tuwa siya. I hope mapalago niya.
Hulyo 16, 2020
Paggising ko, mabuti na ang pakiramdam kom Thanks, God!Hinarap ko sa umaga ang LESF tagging. Tinapos ko ang 28 enrollees. Twelve na lang ang hindi pa nakakapagpa-enroll.Ngaypng araw, nakapag-gardening ko. Gusto ko na talagang magkaroon ng malawak na bakuran para mas magalaw ako nang husto at makapagtanim ako nang marami.One PM, nakipag-meeting ako. Past 3 na natapos.Sinubukan kong umidlip pero nang mahimbing na ako, nagising ako dahil sa naglalandiang mga pusa. Nabitin tuloy. Ang sumatotal, sumakit na naman nang kaunti ang ulo ko.Gabi, nag-Google meet kaming Grade Six teachers kasi may problema si Sir Vic. Umiyak siya sa amin dahil binigyan siya ng principal ng task na hindi naman para sa kanya. Pinayuhan namin siya at pinalakas ang loob. Sobra siyang nasaktan. Kung kailan pa siya magre-retire saka pa siya papahirapan.
Hulyo 17, 2020
Halos wala naman akong nagawa ngayong araw dahil walang internet. Tinawagan ko na naman nga, pupuntahan daw kami soon. Haist! Nakaka-stress.Mabuti na lang talaga may garden ako. Kahit paano ay nababawasan ang inis at galit ko kapag nakikita ko ang mga halaman ko.Andami pa namang webinar na dapat daluhan. Hindi tuloy ako makakapag-attendance.
Hulyo 18, 2020
Ngayong araw, wala akong ginawa patungkol sa trabaho. Nag-vlog ako at nag-gardening. Umidlip din ako. Hinilot ko si Emily. Gumanda naman ang kanyang pakiramdam kahit paano. Napagtanto kong marunong din pala akong manghilot. Hapon, nakabenta ako ng halaman kay Ma'am Jenny, na worth P50.
Hulyo 19, 2020
Life begins at forty.Ngayon pa lang magsisimula ang buhay ko. Excited na akong maranasan ang masasaya at makukulay na kabanata nito. Past 1:30, umalis ako upang bumili ng mga paso. Nagpa-deliver kasi ako ng loam at garden soil. Kailangan kong mag-transplant ng mga halaman, na maaari kong pagkakitaan at maging source of happiness. Sa Novo-Rosario ako namili. Bumili na rin ako ng cake bago umuwi.Past 4, nag-transplant na ako. Masayang-masaya ako sa mga na-accomplish ko.
Hulyo 20, 2020
Before five, lumabas na ako nang bahay upang bumiyahe. Kaya lang, natagalan ako sa pagsakay. Mahigit isang oras ako sa kalsada. Patakbo-takbo para habulin ang bus, na ayaw nang magsakay. Palakad sa unahan upang makasakay. Haist! Mabuti na lang, mabilis ako at slim. nakasingit ako s maluwag na bus. Kaya, past 7, nasa school na ako. Nauna roon sina Ma'am Vi at Ma'am Madz.Nagdala ng cake, tinapay, at pansit si Ma'am Vi. Pabertdey niya iyon sa amin. Nag-almusal kami bago nagtrabaho. Natapos naman agad namin ang sadya namin doon, kaya nakagawa pa ako ng iba. Nasinop ko ang mga toga pictures, diploma, at iba pa. Nasimulan ko ring i-finalize ang Form 138-E. Before 3, umuwi na kami. Sinundo si Ma'am Vi ng husband niya. Nakisabay na ako. Binaba nila ako sa Umboy, kaya nakatipid ako at napabilis. Nakabenta ako ng halaman at paso ngayong hapon. Then, nag-purchase na naman kami ng powerpack ng First Vita Plus, na worth P10k. Third account ko na iyon.
Hulyo 21, 2020
Past 9, naglakad ako patungo sa bayan para hanapin ang garden/plant shop sa Tanza. Narating ko naman iyon, kaya nakapag-inquire ako. Mura ang garden soil nila. Kaya lang, wala silang clay pots. Kinuha ko ang contact numbers at FB name nila, kasi interesado akong mag-reseller. pagdating ko, chinat ko, pero hindi pa nag-reply. Hapon, nag-text ako. Ang malas lang, kasi nang nag-reply, wala na pala akong load. Wala pa rin kaming internet hanggang ngayon. Mabuti na lang busy ako sa card at sa pagtatanim. Ang lakas ng ulan, bandang past 9:20 PM. Parang may bagyo.
Hulyo 23, 2020
Wala pa rin kaming net. Nasaan na kaya ang mga technician ng mapagsamantalang service provider namin? Grabe! Sampung araw na kaming walang net. Kung hindi lang talaga ako busy, tinawagan ko na naman. Gabi ko na nagawa, kaya lang halos isang oras akong kumontak, walang sumasagot. Itinigil ko lang ang paghihintay nang may dumating na customer para bumili ng loam soil. Asar na asar talaga ako. Sobra na ang abalang ginawa nila sa amin.
Hulyo 24, 2020
Wala kaming benta ngayon ng loam soil at halaman. Okay lang. Ang hindi okay ay ang hindi pa rin pagdating ng technician ng PLDT na mag-aayos ng modem namin. Hindi kami makapag-online selling. Hindi rin ako makagawa ng mga gusto kong gawin. Tinatamad na tuloy akong magsulat at mag-vlog. Hapon, sinimulan ko ang paggawa ng video lesson. Initiative ko lang ito. Para rin ito sa aking vlog. Double purpose.
Hulyo 25, 2020
Napuyat kami kagabi dahil walang kuryente. Inaayos ng Meralco ang mga poste. Sa baba nga ako natulog nang pinatay nila ang linya bandang alas-onse hanggang 5am. Bumalik ako sa kuwarto at natulog hanggang quarter to 9. Sinimulan ko pa rin ng masaya ang araw. Kaya naman, may benta kami sa loam soil, halaman, at paso. Naka-P490 kami ngayong araw. Not bad.Dahil nadiskubre kong makagagawa ako ng video sa PPT, sinimulan kong gumawa ng animated story. Successful naman. Almost done na nang tinigilan ko ang paggawa bandang alas-9:30. May kaunting eedit na lang bukas.
Hulyo 26, 2020
Nakatutuwa naman ang pagbebenta namin ng loam soil, halaman, at paso. Unti-unti na kaming nakikilala at tinatangkilik. Kaya naman, bumili rin kami ng mga paleta sa kapitbahay upang gawing patungan ng mga halaman. Halos maghapon akong nag-gardening. Napaganda ko ang sideyard namin. Tinanggal ko ang sukal at pinalitan ng magandang view. Gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng powerpoint presentation. Day one pa lang iyon, pero katakot-takot na paghahanda. Hindi ko pa iyon lahat nalapatan ng audio dahil nanonood kami ng TV. Gayunpaman, malapit na itong matapos. Mga 60% na.
Hulyo 27, 2020
Pumunta ako sa Salinas para mamili ng mga paso. Tutulungan ko si Emily na magnegosyo habang kumikita rin ako sa mga halaman ko. Pinahiram ko pa siya ng puhunan, bukod sa puhunan sa loam soil.Halos P2000 ang napamili ko. Malaki rin ang tutubuin niya kapag naubos. Kung hindi nga lang masyadong mahal ang pamasahe, mas malaki san ang kita niya. Nakabenta ka ngayong araw ng mahigit isanlibong piso. Ito na ang araw, na may pinakamataas na income. So far. Sana mas makilala pa kami at dayuhin dahil mura ang aming mga tinda.
Hulyo 28, 2020
Kahit napuyat ako kagabi, maaga pa rin akong bumangon. Excitement siguro ang dahilan kaya nagkaroon ako ng insomia. Excited akong magtinda ng loam soil, paso, at halaman.Kaya naman, kumita agad kami maaga pa lang. Isang lalaki ang bumili. Bumalik pa siya. Naabutan ko siyang namili, pagkagaling ko sa sabsaban para manguha ng tae ng baka. Maghapon kaming excited sa pagtitinda at pagga-garden. Pati halaman ng kapitbahay ay kinomisyon namin para kumita rin ito.Kaya naman, kumita kami ng P1,400+. Nakabenta rin ako ng tae ng baka. Singkuwenta ang isang tabo. Marami ang nadidiskubre namin mula sa mga kustomer namin. Kanya-kanya sila preference. May mahilig sa hanging plants. Mayroog fanatic ng indoor plants at flowering plants. May naghahanap ng mamahaling halaman gaya ng Monstera at rubber tree. Nakaka-inspire mamuhunan sa mga halaman. Ngayong araw din, nag-order ako ng mga paso sa Lazada. Hindi nga lang ako nakahanap ng supplier ng clay pots.
Hulyo 29, 2020
Dahil nakakatuwa ang pagba-buy and sell, umorder ako ng malalaking clay pots sa isang supplier na nasa GenTri lang. Naka-worth P4170 ako. Tuwang-tuwa kami dahil para na talaga kaming tindahan ng mga gardening needs.Naka-six hundred pesos lang kami ngayon. Not bad. Patunay ito na hindi patay ang negosyo namin. Marami ang interesado, wala lang silang pera at time na bumisita sa amin, since pick up ang aming paninda.
Hulyo 30, 2020
Maghapon akong nag-abang ng customer, pero P60 lang ang benta namin. Nakapaglinis din naman ako ng bakuran kahit paano. Kung hindi lang umulan nang umulan, baka natapos ko na. Wala pa rin kaming internet. Badly needed na nga namin, lalo na sa work ko. Sobra talagang nakakainis na.
Hulyo 31, 2020
Holiday ngayon. Eid al Adha. Extended din ang LESF tagging, kaya kinontak ko ang ilang parents na eenroll na ang anak. Nag-gardening ako dahil sumikat na ang araw. Umasa rin akong mabebentahan kami nang malaki, kagaya noong Miyerkoles, pero wala pang P100 ang benta namin ngayon. Kaya nga malungkot ako maghapon. Ang hina pa ng net/data. Apektado nito ang negosyo.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...