Enero 1, 2014
Pasado alas-nuwebe y medya na kami nagising at nag-almusal. Maya-maya, bumili si Epr ng grande. Nakainom ako. Kainuman niya talaga si Taiwan. Ayoko sanang sumali pero tinatagayan niya ako. Kaya, nalasing din ako pagkatapos. Di ko na nga nainom ang isang mucho. Nakatulog naman si Bro nang di nakakain ng tanghalian. Hapon na siya kumain.
Dapat kukunin na ni Emily si Ion. Sinabi ko lang na masakit ang ulo ko kaya di natuloy. Bukas na lang, ang sabi ko.
Nakatext ko uli si Shobee. Kinulit ko siya. Kaya lang naubusan yata ng load kaya nahinto kami.
Sumakit na naman ang ngipin ni Ion. Grabeng hirap niya. Nakakaawa. Mabuti nakatulog na ng bandang alas-9:30.
Enero 2, 2014
Ang sarap pa sanang matulog. Ang lamig kasi. Kaya lang, alas-10 ang sabi ko kay Emily na magkikita kami sa Cubao para kunin si Ion. Pupungas-pungas man ay bumagon na ako. Nagluluto na si Mama ng almusal. Inihanda ko naman si Zillion at ang kanyang mga gamit. At, mga bandang alas-8:30 nakasakay na kami ng dyip.
Excited si Ion na makita ang ina, kahit sinabi niya kagabi at kanina lang na ayaw niyang umuwi ng Caloocan. Mami-miss ko rin siya. Siguro mami-miss din siya ng Lola Enca niya. Madaldal eh. Sa sobrang daldal, pati pangit na pangyayari ay naikukuwento niya, gaya ng pag-aaway ng Mama niya at ni Mhel at ang pagtatapon nito ng mga upuan. Nakakaawa lang ang bata dahil natro-trauma siya sa mga pangit na naririnig at nakikita.
Gayunpaman, masaya ako dahil nakasama ko siya ng matagal. Nakita ko ang kanyang kaibahan kay Zildjian. Hindi siya mahiyain. Matalino. Mapagmatyag. Kanina nga, nakita niya mula sa loob ng dyip ang mga sementong dinosaurs sa Boso-Boso Highland Resort. Nagyaya pa siya. Sabi ko na lang na "Pagbalik mo na lang". Tapos, nagyaya uli sa Manila Zoo. Andami niyang alam. Nagulat ako dahil inisip pa niya ng matagal bago binigkas na punta daw kami doon. Sinabi ko ngang nakapunta na kami doon pero pinagpipilitan niyang hindi pa. Sayang, uuwi na siya. Next time na lang.
Maaga kaming nakarating sa Puregold Cubao, kung saan kami magkikita ni Emily. Naghintay kami ng halos isang oras. At, nang dumating siya, mahigpit na nagyakap ang mag-ina. Akala ko nga hindi sasama sa kanya si Zillion. Nanaig pa rin ang pagmamahal niya sa ina. Okay lang. Iyon naman ang dapat at natural.
Dumiretso na kami ni Epr sa Paco.
Mag-aalas-dos ng hapon, nang mag-text si Emily. Kung anu-ano raw ang itinuro ko sa bata. Tinuruan ko daw magsabi na Papa lang ang love niya. Nainis ako. Hindi ko itinuro iyon. Kaya, sinabi ko rin sa kanya ag mga negatibong karanasan ni Ion sa kamay ng tiya niyang tomboy. Sinabi kong ayaw na ngang umuwi doon ni Zillion dahil natro-trauma. Sabi ko pa na ayusin niya ang ugali ng kapatid niya. Sabi naman niya "...kya pla sbe nya s fx.hnd n galit c tita mel?" Totoo nga. Nanginginig ako sa inis. Aminado naman si Emily na nangyayari iyon. Nahihirapan nga daw siya at nais nang umalis at bumukod kaya lang di pa niya kaya. Di na ako nag-reply pa nang nagtanong kung anu-ano pa ang kuwento ng bata. Maya-maya, nag-sorry siya para kay Mel at nangakong sisikapin na makabukod.
Three-thirty, umalis na si Epr. Two weeks siyang nasa field. Mabuti di siya nakita ni Eking. Pagdating na lang niya saka ko sasabihin na sa amin na siya tititra.
Past four, nag-text uli si Emily. Tinanong niya kung si Epr ang kasama ko kanina. Hindi na sana siya makikita ng ex-wife ko, itinuro lang siya ni Ion na parang close na sila. Okay lang naman. Kaya lang, nabanggit na naman niya si Shobee. Naniwala siya kay Maricel na magsyota pa kami hanggang ngayon. Tinanong ba naman ako na kung alam daw ba ni Epr na gf ko ang kapatid niya.Hindi ko nga sinagot.
Gumagawa talaga siya ng topic para maka-text ako. Sabi pa nga niya, may gusto siyang sabihin. Personal na lang daw. Di ako nag-commit. Bakit di niya sabihin sa text? Ginabi na nga siya ng kakatext sa akin. Pati ang mga ginagawa at pinapanuod at pinakikinggan ni Ion ay kinukuwento sa akin. Bahala siya.
Enero 3, 2014
Biyernes na. Ilang araw na lang ay balik-eskuwela na naman. Hindi ako excited. Naaawa lang ako sa mga halaman ko doon. Baka hindi dinidiligan ng janitress. So, kailangan na talagang pumasok. :(
Ang sarap mag-isa. Malaya akong gawin ang gusto ko. Tahimik pa. Sana, huwag munang bumalik si Eking. Linggo ng gabi na dapat siya umuwi. Iyong matutulog na lang. Sarap mag-isa e.
Enero 4, 2014
Madaling araw kanina, dumating si Eking. Ano ba yan?! Alanganing oras. Nasira tuloy ang tulog ko. Napuyat pa naman ako kagabi dahil sa blog ko. Nag-try akong mag-register sa Adsense para may income ako. (Failed nga lang.) Bad trip. Akala ko pa naman mag-isa pa rin ako ngayong buong araw.
Hindi na ako nag-usisa kung bakit dumating siya ng ganoong oras. Hindi ko siya masyado kinibo. Hinayaan ko lang na magkuwento siya. Hindi naman ako interasado. Ewan ko ba. Bad trip talaga ako.
Para mawala ang bad mood ko, sinulat ko ang Part 7 ng Sir Gallego. Nai-post ko kaagad. Nakaka-proud pa kasi pinuri ako ni Tito Dan. Fan daw siya ng mga kuwento ko. Napaiyak ko nga daw siya minsan. Prolific writer daw ako. Ang sarap pakinggan. Nakaka-inspire.
Natapos ko rin ang Part 8 ng Lola Kalakal. Medyo, walang komento ang FB friends ko. Malalim kasi ang pagkasulat ko. Hindi pangmasa. Okay lang, at least may nag-like.
Sinimulan ko rin ang Part 8 ng Sir Gallego. Inspired kasi ako. Requested ni Tito Dan.
Enero 5, 2014
Nakakabuwisit! Hindi ko na magamit ang All About Pores kong blogspot. Nao-open ko pa naman at nababasa ang mga post ko, pero hindi na ako makapag-post uli. Nasira ako sa Google. Nag-try kasi akong mag-tegister sa Adsense para sana kumita ang blog ko. E, kaso, panay ang hingi ng email address. Sa dami ng address kong nagawa, nasayang ang pinaghirapan kong blog.. Mabuti na lang at may copies pa ako ng mga posts ko. Kahit paano ay magagamit ko pa.
Gumawa uli ako ng email address at blog site, POROY ang title ng blog ko. Simple. Pinakasimple din ang email address ko para di na ako mahirapang mag-memorize. Mabuti nga at nakagawa ako. Nakapag-post na nga uli ako. Salamat sa Diyos!
Maghapon akong nag-internet. Kaya marami-rami din akong nagawa at nai-post sa new blog ko. Nakapag-encode pa ako ng past journal entries ko at ng Pahilis. Bukas may pasok na kaya medyo mahihinto na naman ang pagtapos ko sa mga e-encode kong articles.
Enero 6, 2014
Unang Lunes ng taon, kaya hindi ako pwedeng tamarin. Naghanda ako ng mabilis para makarating ako ng school ng maaga. Wala pa akong lesson plan. Inisiip ko rin ang garden ko. Tiyak ako, nanunuyot na ang mga halaman ko.
Pagdating ko sa school, nagwalis muna ako sa classroom, bago nagsulat. Ang kapal ng alikabok!
Marami ng estudyanteng pumasok. Okay lang, nag-mock test lang naman kami. Malapit na kasi ang third periodic test. Wala na ring maituro. Natalakay ko ng lahat. Kainis nga dahil imbes na January 9 at 10 na ang test ay ginawa pang next week. Boring! Ano na lang ag ipapagawa ko? Alangan ulit-ulitin ko ang lesson. Hay!
Masaya naman ang unang Monday ko ng 2014. Nakatanggap pa nga ako ng regalo mula sa aking intern na si Vanessa. Malungkot lang kasi walang nagbayad sa mga nangutang sa akin. Wala pa naman padala mula kay Aileen o kay Ate Ning.
Nakakainis din sila, minsan. Akala siguro nila andami pamg tira sa P15k na huli nilang padala, more than a month ago. Isipin nga nila. Nagbayad ng tuition (P5,300). Nagbayad ng upa (P2,600). Nagbayad ng tubig at kuryente (P1,200+). Humingi ang umaarteng alaga ko pambili ng Cetaphil sa kanyang mukha (P500). Binilhan ko siya ng mga damit ng Christmas party at mga regalo. Pamasahe niya araw-araw na P100. Pagkain namin.
Magkano pa kaya ang tira? Diyos ko! Dapat lang na hindi na ako gumastos galing sa kita ko dahil ako ang naglalaba ng mga damit niya. Ako namamalantsa. Ni pagtupi, ako pa rin. Halos lahat ng gawin bahay, akin!! Alila na nga ako, ako pa ang gagastos para sa kanya. Di ba dapat malibre na ako? Namamasahe pa ako. Hindi naman ako mapapadpad sa lugar na ito kung hindi dahil sa kanila. Pwede naman sana akong mamuhay mag-isa. Masaya pa ako.
Ang hirap! Parang suko na ako. Hanggang ngayon, wala pang budget. Naniningil na nga ang landlady kanina. Mabuti narinig ng butihin kong pamangkin. Sana makarating sa kinauukulan.
Enero 7, 2014
Gusto ko sanang pagutuman ang alaga ko, kaya lang naawa ako. Ayoko namang pumasok siya ng walang almusal. Baka magsumbong at tuluyan na siyang mahiwalay sa pangangalaga ko.
Tiyempo naman kasi magpapadala na daw bukas. Nagtext. Di ko lang ni-reply.
Masaya na sana ako, kasi na-inspire ko uli ang Section 1. Nagpabasa uli sila sa akin ng kuwento ko. Pinangakuan ko pa nga na magbibigay ako ng premyo sa mapipili kong Best in Filipino. Ang premyo ay ang kuwento kong ipapa-bookbind ko. Gusto nilang lahat makatanggap.
Kaya lang, na-bad trip ako sa Section 3 boys dahil tatakasan na naman ako. May sumundo lang. May dala ng bag ang tatlo. Sa sobrang inis ko, napingot ko sila. Nakakatakot lang dahil napadugo ko ang tenga ng dalawa. Nahiwa yata ng kuko ko. Natakot ako baka magkaproblema ako sa mga magulang, although sobra talagang pasaway ang dalawang iyon, ako pa rin ang lugi. Kaya para mabawasan ang kasalanan ko, pinapasok ko na sila. Maya-maya, nilagyan ko ng alcohol ang sugat nila. Kinausap ko rin sila. Sinabi ko ang mga mali nila.
Kahit pasaway sila, baka ako pa ang mapahamak kasi nasugatan ko sila. Kahit di ko sinasadya. Nag-worry ako hanggang pag-uwi ko. Sana, di na nila ako ireklamo. Madala na lang sana sila at magbago.
Hindi ko naman makalimutan ang sulat sa akin ng isang estudyante pagkatpos ng insidente. Nakaka-touch.
Dear Sir Elizaga,
Maraming maraming salamat po sa pagtuturo, pagmamahal at pagiging ikalawang magulang samin, naappreciate ko po yung kasipagan at pagtyatyaga nyo samin sa pagtuturo kahit nagkakasakit kayo dahil sa kakulitan namin.
Sir kahit gaga't makulit ako ,ahal na mahal na mahal ko po kayo kung hindi dahil sa inyo hindi po ako mananalo sa BROADCASTING malaking malaking utang na loob ko po sa inyo.
Sir magiingat po kayo palagi sana po wag na kayo magkasakit. Na inspire po talaga ako sa kwento ng buhay nyo Sir. Mahal na mahal ko po kayo tatay Froilan Elizaga, ikaw ang PINAKAMABAIT na teacher sa buong GOTAMCO ELEMENTARY SCHOOL para sakin.
Aila Mae R. Bautista
Enero 8, 2014
Hindi nagreklamo ang pupil ko na nasugatan ko ang tainga kahapon. Natatakot na nga siya sa akin. Halatang bumait siya at medyo ilang na sa akin. Salamat naman. Pinakinggan ni Lord ang panalangin ko. Ayaw ko kasi na magkaroon ako ng kaaway na magulang.
Kaya naman, ang saya ko buong maghapon. Panay ang tawa ko lalo na't nakikitawa sa akin sina Sir Erwin at Mam Diana. Panay ang biruan namin.
Kaya lang, bad trip ako pag-uwi ko. Paano ba namang hindi?! E, nagkalat na naman ng kadugyutan ang alaga ko. Panay ang singa ng sipon niya sa dingding at kumot. Kadiri talaga! Ang sarap pagalitan. Kung di lang ako nagtitimpi, sumama na ang loob niya sa akin..
Hindi marunong mahiya.. Tsk tsk!
Enero 9, 2014
Hindi ako nakapagturo sa Math kasi nag-iiyakan ang ibang pupils ko na babae. Lilipat na kasi ang classmate nila na si Irish sa Negros. Kaya hinayaan ko silang mag-express ng sarili nila. Pinagsulat ko pa nga sila ng farewell letter para pagpunta niya ay maibigay na nila. Tuwang-tuwa naman sila.
Nauunawaan ko kasi ang pakiramdam ng iniiwan ng kaibigan. Naalala ko si Shobee. Ngayon siya lilipad patungong Korea. Hindi na kami nagka-text.
Hindi ko pa rin masyadong pinapansin ang alaga kong dugyot at tamad. Hindi na niya hinanap ang laptop ko. Kagabi, hinanap niya. Sabi ko lang na ginagamit ko sa pag-type ng tests. Kung nagtanong siya kanina, sasabihin kong kailangan ko sa classroom kasi magpapalagay ako ng projector. Buti di siya nagtanong. Nakakaramdam na siguro na unti-unti ko siyang tinanggalan ng gamit sa boarding house namin.
Matuto siya. Iyon ang hiling ko.
Enero 11, 2014
Maaga pa akong nakarating sa Padre Burgos Elementary School para sa seminar na dadaluhan ko. Naabutan ko si Mam Rose Sibonga doon kaya may kakuwentuhan ako habang hinihintay si Mam Diana at ang pagsisimula ng seminar tungkol sa "Value of Hardwork and Discipline". Excited akong malaman ang halaga ng dalawang virtues na ito.
Filipino time talaga. Hindi naman alas-8 nakapagsimula. Nine na. Mabuti na lang ay enjoy naman makinig sa speaker na si Director Paraluman Giron. Nakaka-inspire siya. Ang husay maging tagapagsalita. Napakarami kong natutunan.
Sumunod na ang world renowned fashion designer na si Mama Renee Salud. Di naman siya nag-design, kundi nagdala ng make-up artist at nagdemo. Nagsalita din siya at nagbigay ng pointers para sa teachers' personality development, especially sa mga babae. Na-OP ako. Gusto ko ng lumabas. Sayang lang ang pag-absent ko sa isang subject sa masteral. Kaya nang patapos na siya, nagmadali akong pumasok sa CUP.
Late ako ng minutes. Suwerte dahil wala si Dr. Bal'oro. Nakipagkuwentuhan na lang ako sa mga kaklase ko. Na-open uli ang lovelife ko. Nagbigyan pa nga ako ng mga advices at words of wisdom lalo na mula sa teacher na nag-akusa sa West District Broadcasting Team na nandaya kami. Di ko alam kung bakit nandoon siya, pero okey lang. Salamat at may nakinig uli sa akin.
Bago iyon, naisipan kung i-message si Kittie ng tungkol sa problema ko kay Eking. Nahulaan niya kasi ang tinutukoy ko sa Bitstrips post ko na, "Lord, sana makayanan ko pa ang ugali ng taong ito. Wag Mo po akong hayaang sumuko."
Narito ang mga private messages na sinend ko sa kanya:
"good day! aram mo, gusto ko magbasol kay tinanggap ko ini na obligasyon. dri na ako nagsusurumaton, inpapaimod ko na lang sa kaniya an tama. pero wara man gihapon.... mapagalon. kun pwede ko lang siya pag pangisugan oras oras, hihimuon ko. kya lng gusngab n bga sya para dri niya maaraman an tama at mali...
wara na ada ako mahimu. mapagal na mabag-o an nakasanayan na. pero, im hoping pa rin na one day, maimud ko na may pagbabag-o sa kaniya.
sana maimud man niya an kapagalan ko nian an paghinguha ko sa buhay. himuon niya na inspirasyon, dri kay an pagpasiram lang an gusto niya. kun iniisip niya na suwertihon ako kay nakaupod ko siya, mali siya.. kaya ko man mamuhay solo. nian pa na may work ako nian solo na sa buhay. habo ko isipon na in-uuripon niya ako, kay malain man yun sa part san bawat saro sa amo.. inhihimo ko ini bilang pagtan-aw san utang na boot ko kira mama leling at papay benson, sa kanira intero. pero, dri man dapat na abusado, kay tawo man ako, napapagal. mahahapdos ako. ni dri na ngani ako tumaba-taba...samantalang siya, halos doble na an braso kumpara sa ako..
halos, pagalon ako pirmi everytime na hali ako sa school. kapagal na sa school, tapos pag-uli ko, dri ka man mauugma sa maabutan mo. may basura na nakasab-it. maati na salog. malapuyuton na mga dingding, kay an sip-on inkukulapot. idagdag pa an mabahuon o maaslumon na mga labahan kay inpupunas niya sa tamong nian bedsheet, nian sa sul-ot niya na bado o shorts an sip-on niya.. oo, pag-abot ko, may sinugna na. makaon na lang kami, pero, ayaw ka..kay dri mo yun mapakusa maghugas. once in a blue moon lang siya maghugas san kinaunan ko. samantalang naimud niya na pag-abot ko, pagalon ako, may insusurat sa l. plan man o sa tablet, na mas makabuluhan san inhihimo niya sa laptop.. pero, wara na raw-ay, wara pa kusa. pira man lang an hugasan? duwa na plato. duwa na kutsara. minsan duwa man na mangko. mapagal un?
makulugon an boot ko kay one time, sibot ako. may lesson plan, may annual report ako na intatype, may ibababad pa na labahan, pero never siya naghiwag. ako pa an inpahugas niya. grabe! diri ko aram kun nang-uuyam o nananadya.,.. ni diri ako matimplahan sin gatas. pirmi ako an mainit tubi nian masalin sin milk sa tasa. yun man lang ay malubag an loob ko. wara man lang.
diri man ako nagpapasirbi. pero sana, kun kaya man lang niya an sadiri niya, siya na lang an maghimu. diri man siya okupado masyado sa klase niya e. mas daghanun pa ngani an time niya sa mga games sa internet at mag-imud flip top sa youtube kesa sa pagbasa at pag-adal. pirang buwan na kami magkaupod ni diri ko nabilang sa sampulo ko na guramoy na nagbuklat siya sin libro.
sabi ni ate ningning, bakalan ko kuno sin dictionary nian grammar book, nian tukduan mag-english. sabi ko, daghan an website sa internet para dun sa bagay na yuon. pero, never ko naimud na nag-abri siya sin site na pwde makaaram siya san english language. sa ako pa ugang naghahapot sin mga english, samantalang kahampang niya an net. nanu na yun!! dinarhan ko sin merriams, grammar at english books, wara man kahihiwag. kun binakal ko pa palan ang mga yadto, nasayang lang..
diri ko aram kun sala ko yun o sadyang kabuntulan lang tlaga niya. kay ako, sa school ko man lang natutunan an mga dianis na bagay sa mundo. wara man baga ako sa ina nian ama ko, kun diin diin man ako nag-istar..pero, yadi ako, maaram sa buhay, sa panimalay. wara man sa ako nagtukdo. inirog ko lang sira... mao man siya dapat, irugon niya ako. inpapaimud ko sa kaniya na nagbabasa ako. an mga post ko sa fb ay mga literature na ako mismo an nagsurat. meaning, maging busy man ako sa internet, may kabuluhan man.. diri pareho sa kaniya na napabayaan na an utak, napabayaan pa an mga gawaing bahay na simple lang sanang gawin..
kaya ko man maglaba san mga bado niya, wara kunta ako reklamo.. maski brief niya, ako pa an maglaba.. pero yun na wara siya pakiaram na maski, nagkurudat na sa sampayan sa sobra na pagkamara, ay diri man lang mahinab-it. no wonder, an hinuba ngani niya na pantalon, basta na lang isab-it maski baraligtad. inpapairog ko na, na dapat inhahanger kay badi dianis. wara lamang.. diri in-iirog an mga tama. an pagsipnga san sipon sa higdaan niya. inpairog ko na. nagkuwa ako panyo, didto ako nagsipnga. badaw kay wara man lang pagbabag-o. pirmi liwat may sip-on. nanu daw un. daog pa ako na tibihon, mayad baga kun maaram magsinop san virus niya... tsk tsk!
pasensiya ka na kun nag-confide ako sa imo. wara ako mapagsabihan. aram ko naunawaan mo ako. diri man ako nagrereklamo.. nagkukulog lang an boot ko. kaya, diri ako niyan nagpapatigmok sa kaniya. bahala na siya makaramdam. kakayanon ko pa, hanggang kaya.."
Nobela. He he Pero, wala pa siyang reply. Di na siguro siya naka-online. Okey lang. At least nailabas ko na ang sama ng loob ko. Bahala na siya kung sasabihin niya kay Ate Ning, kay Aileen o sa tinutukoy ko.
Pagdating ko, nakaharap na naman siya sa laptop. Ang dumi ng sahig. Kinalkal niya ang scalp niya peromjniwan niya lang ang mga balakubak sa sahig. Ni hindi winalis. Tapos, ang basura, di man lang maitapon kahit malapit ng sumabog ang plastic dahil sa sobrang pagkapuno. Hay! Hindi na talaga nakakatuwa. Desidido na ako, aalisan ko siya ng isa pang laptop. Ang laptop na pinahiram sa akin ni Mam De Paz na lang ang nagagamit niya. Bukas ay dadalhin ko na ito sa school. Sasabihin ko sa kanya na kinuha na ng may-ari. Ha ha. Tiyak akong mabo-boring siya. Dapat lang iyon sa taong tamad at dugyot. Matuto muna siyang kumilos ng tama at ayon..
Enero 12, 2014
Dapat magbabanlaw pa muna ako ng mga nakababad na damit bago ako pumunta ng school para sa broadcasting training at para makapili na ako ng ilalaban next school year, kaya lang, pasado alas-7 na ako nakabangon. Alas-8 ang usapan o ang na-set ko. Kaya naman, umalis na ako ng di naligo. Ang lamig naman kaya okey lang.
Pasado, alas-otso na ako nakarating ng school pero wala pa ni isang pupil. Kaya, inumpisahan ko na ang paglilinis ng classroom, Nakapagdilig na rin ako ng mga halaman, wala pa ring dumating.
Okey lang. At least naka-focus ako sa pag-general cleaning ko.
Pasado alas-4, nakakita ako ng white shadow ng tumakbong bata. Ang bilis! Di ko alam kung totoo o guni-guni ko lang. Pero, may nagpapakita naman daw talaga sa school. Mabuti nga di ko nakita ang mukha. Siya pa nga ang nahiya kaya tumakbo siya. He he. Gayunpaman, grabe ang takot ko. Gaya nang pinakitaan din at pinaramdaman din ako ng ilang ulit sa GSATI, ang private school na tinuruan ko noong 2009.
Sa sobrang takot ko, nilakasan ko ang radyo at minadali ko ang paglilinis. Dapat alas-singko pa ako uuwi, pero dahil nakatayo na ang balahibo ko, umuwi na ako bandang alas-4:35.
Mas nakakatakot ang naabutan ko sa bahay. Grrr! Naiinis pa rin ako sa kanya. Para mawala iyon. Nahiga ako at nagpahinga. Mabuti naman at may common sense. Pinatay niya ang ilaw.
Naglaba ako pagkatapos kong magpahinga. Ang kasama kong batugan, nagpahinga rin. Ni ayaw hugasan ang pinagkainan namin. Tsk tsk! Waley talaga..
Enero 13, 2014
Dinala ko na ang laptop na pinahiram sa akin ni Mam De Paz. Ha ha! Panalo ako. Unti-unti kong aalisin ang nga bagay na nakakapagpasaya sa alaga kong batugan upang ma-realize niya ang pagkakamali niya. Hindi niya ako kaya.
Hindi ko na rin siya pinagplantsa ng uniform upang maramdaman niya ang kahalagahan ko at upang maisip niya kung gaano niya ako inalipin.
Mabuti pa ngang mapagod ako sa pagtuturo at pagdisiplina sa mga estudyante ko dahil may sahod ako. Kesa sa taong wala naman akong utang ay nagbabayad ako ng hirap at pagkaalipin. Hindi naman ako mukhang pera pero dahil sa labis niyang katamaran at pambabalewala sa mga gawain na dapat ginagawa niya ay naging ganito ako. Masamang gawain ito, ngunit ginagawa ko para matuto siya.
Hapon, nag-text pa siya. Inuutusan akong bilhan siya ng wire at illustration board. Di daw siya nakabili. Ibabalik na lang daw niya ang P100 na hiningi niya kanina sa akin. Ulol! Reply ko, " Busy aq". Ok ang sabi niya. Gago pala ako e. Bakit di sya nakabili? E, maaga naman natatapos ang klase niya?! O baka sadyang tanga lang siya?! Hindi alam ang bilihan ng ganun. Ewan! Sobrang pang-aalipin na iyan! Hindi na nakakatuwa. Para bang hawak niya pati ang buhay ko. Na kailangan kong sundin lahat ang mga utos niya. Pwe!
Alam ko ramdam niya ang inis ko sa kanya. Hindi na rin siya nagsasalita. Sorry siya dahil it's my game. Wala pang nananalo sa laro ko. Bukas, mao-OP siya pag dumating na si Bro. Baka mag-decide siyang umuwi na lang ng Bulan. (Good for him.)
"Ang taong tamad, daig ng makupad." Post ko yan sa fb. Ako rin ang may gawa. Sana maunawaan niya at nina Aileen at Kitty kung gaano ako nasasaktan sa nangyayari.
Hindi pa nag-reply si Kitty sa nobelang message ko sa kanya, samantalang online siya kanina. Hmm.. Bahala siya. Kung kampi siya sa pamangkin niya, ok lang. Mahalaga sa akin ay nasabi ko ang loob ko.
Enero 14, 2014
Naunang umalis ng bahay ang aking alaga. Hindi na siya nagpaalam. Nakaramdam na. Okey! Gusto ko iyon! Hindi ako papatalo sa kanya dahil laro ko ang nilalaro niya. Marami ng nangahas na talunin ako sa paborito kong laro ngunit ni isa ay wala pang nanalo. Ang pananahimik at di pamamansin ang forte ko. Kayang-kaya kong saktan ang kalaro ko kahit di ako magsalita. Kaya, matatalo siya.
Masaya akong pumasok sa paaralan dahil naka-puntos uli ako. Natanggalan ko na siya ng laptop. Tapos, kanina, hindi ko uli siya pinagplantsa ng uniform. He he. Unti-unti niyang mararanasan ang kamalasan dahil di niya pinahalagahan ang suwerte na tinamasa niya ng ilang buwan na kami ay magkasama. Ngayon, mararamdaman niyang para din siyang namumuhay mag-isa. :)
Sa sobrang saya ko, masaya din akong nagturo ng multiplication of three digits number to two digits number. At, habang may seatwork ang pupils ko, nang-inspire ako sa kanila. Ibinida ko sa kanila ang mga collections kong old coins, old paper bills, stamps, shells, at iba pa. Ipinakita ko rin ang mga naipon kong lapis.Oo! Lapis! Nangungulekta ako ng mga lapis na napupulot ko. Naniniwala kasi akong ang lapis ang salamin ng mag-aaral. Sinampolan ko nga sila ng mga characteristic ng bata gamit ang mga lapis na maiksi ngunit may pambura pa. Inengganyo ko rin silang magsimula ng mga collection na magkakaroon ng halaga pagdating ng panahon. Sabi ko pa, " Kung alin pa ang maliit, ito pa ang mahalaga, gaya ng butones."
Na-inspire ko sila, alam ko. Ang iba naman ay nangakong bibigyan ako ng mga old coins at stamp.Maya-maya, may nagbigay din ng holen at 25 cents na coins.
Inspired tuloy ako sa pagme-mentor sa intern ko. Next week na kasi ang schedule ng demo teaching niya. Okey lang, kayang-kaya. Hindi ako na-pressure. Mas na-pressure pa nga ako sa text nina Gie at Jano. Sabi nila: "Tol my prblem nman s psbank pls pktwagan nman 845 8888 my 10t kc kmi n pmbyad kso d nla mproces s bnko kc nkfrez ung acnt pnpbyaran kc nla ung 40t ikaw lng kc ang pwdi mkpg usap tnx". Nainis ako kaya, heto naman ang reply ko sa kanila: "Byaran nu n kc lahat.. Busyng busy ako eh. Gabing gbi n aq mkauwi. kya pla di.n tumatawag s akin.. My problema n pla. Wla n aq mggawa jan. Pinaabot nu kc ng 40k kya yan.." Si Jano lang ang nag-reply. Delayed daw lagi ang collection, tapos partial pa. Kausapin ko lang daw gaya ng dati. Hindi na ako nag-reply. Nakakaasar. Kilala lang nila ako pag may problema sila. Hanggang ngayon ako pa ang inaasahan nila, samantalang nabigyan ko na sila ng kabuhayan. Hindi pa nila pinagbuti. Ni hindi na nga ako humihingi ng kabayaran. Bahala na sila.
Gloomy akong umuwi ng bahay pagkatapos ng practice ng mga pupils ko ng doxology. Nawala ako sa sarili.
Naaawa ako na nalulungkot kay Jano. Wala na akong magagawa.
Enero 15, 2014
Alas-onse na dumating kagabi si Epr. Hindi naman ako nahirapang magsabi kay Eking na dito na siya titira.
Pagod siya kaya natulog siya agad. Ako naman ay pabaling-baling. Nasa isip ko kasi ang problema nina Jano.
Alas-nuwebe, umalis na ako. Naiwan si Epr. May ginagawa pang report. Mga ten AM daw siya aalis. Okey naman sa kanya na di na kami magsabay. Dapat masanay na siya na kasama si Eking. Pasasaan ba't makakatapos na rin siya at dalawa na lang kaming mangungupan dito.
Masaya uli ako buong maghapon. Nakapag-gardening pa nga ako habang may klase. Kaya lang, pagdating ko sa bahay, saka naman nag-text si Gie. Nakikiusap na tawagan ko at pakiusapan ang PSBank. Ako lang daw ang pwedeng gumawa niyon. Naiinis pa rin ako. Kaya hindi ako nag-reply, baka kung ano pa ang masabi ko. Desidido akong manahimik. Ayaw ko ring tumawag. Ang gusto ko ay bayaran nila ang 40k dahil iyon lang ang paraan para matapos ang problema. Sawang-sawa na ako sa pakikiamot ng pakiusap. Buong buhay ko ay puro awa na lang sa akin. Lagi na lang aking nakikiusap. Lagi na lang akong nahihirapan. Pati ba naman ngayon? Tumulong na nga ako, ako pa rin ang nagkakaproblema. Ako pa rin ang nahihirapan. Nadala na ako. Once is enough. Sana natuto na sila noong November pa.Tumulong na ako. Lagi na lang ba ako ang tutulong? Nasaan ba sila kapag ako ang may problemang matindi?
Ang pera nga daw ang pinakamadaling solusyunan. Bakit sila, hindi magawan ng paraan. Inipon kasi nila ang bayarin. Inuna yata ang luho. Kaya, magdusa sila. Handa na akong ibalik sa banko ang sasakyan kung di na nila kaya. Mas matatanggap ko kesa limang taon akong maaabala sa katatawag tuwing hindi nila mabayaran sa oras. Magalit na sila sa akin kung gusto nila.
Enero 16, 2014
Nakarating ako ng school sa tamang oras. Hindi rin kami na-late sa MTAP Division Contest sa PZES. Sakto lang.
Hindi na ako umaasang mananalo ang mga apat na pupils na sinabak ko sa contest. Iyon ang sabi ko sa kuwentuhan namin ni Roselyn. Hindi pa naman kasi ako nanalo since then. Saka, last November pa kami huling nag-train. Pasaway kasi sila.
But, deep inside, inaasam ko ang panalo. Sino ba ang ayaw? Kailangan ko iyon para sa aking promotion. Hindi ko naman hangad ang mataas na place. Makapasok lang sa sampu ay masaya na ako. Gusto ko lang naman na maranasan ang manalo sa MTAP at maka-step sa next level.
Maagang natapos ang test. Nakabalik kami sa school, pasado alas-onse. Ako pa nga ang nakapag-distribute ng test papers ko sa Math.
Masama ang pakiramdam ko. Masakit ang kaliwang puwitan ko. Nasobrahan na naman yata ako sa chocolate, maalat at iced tea. Ayokong maulit ang pagkaospital ko. Walang mag-aalaga sa akin.
Sana nga malaman nina Gie at Jano ang kalagayan ko. Para tumigil na sila sa pang-aabala sa akin. Ma-realize sana nila na ako ang dapat na tulungan. Nakakainis! Nag-text si Gie kanina. Pinagagawa ako ng authorization. Pwede daw iyon para di na ako tawag ng tawag o para di na ako maabala pa. Abala nga iyon eh. Sana sila ang gumawa. Pumunta sila dito para mapirmahan ko. Hindi iyong ako na naman. Gastos ko pa. Andami na nilang atraso sa akin. Sana guminhawa naman ako o kaya kahit si Mama na lang.
Bukas ng umaga pa daw uuwi si Epr. Okey lang. Di ko pa siya maaasikaso, ngayong masama ang pagkilos ko gawa ng sakit ko sa puwitan.
Enero 17, 2014
Dumating si Epr ng mga bandang alas-nuwebe ilang minuto pagkalipas na maging ready na ako sa pagpasok. Marami siyang labahan kaya iniwanan ko siya ng instructions tungkol sa boarding house. Tapos, iniwanan ko na siya.
Nalulungkot pa rin ako sa nangyayari kina Jano. Gusto ko man silang tulungan pero mas nananaig pa rin ang kagustuhan kong matuto silang maghigpit ng sinturon habang hindi pa bayad ang L300. Ayaw ko namang mabawi ang sasakyan at masayang lahat ang gastos ko at gastos nila. Kaya, umaasa akong mabayaran na nila ang 40k bago madagdagan ang interest.
Nalungkot din ako sa resulta ng MTAP Division Contest. Pang-13th kami. Walang nakapasok sa mga taga-Gotamco. Hindi naman ang pupils ko ang pinakamababang rank. May rank 15 at 18 pa nga. Di bale na. Hindi naman talaga ako umasa. Hindi para sa akin ang Math. Ayoko na nga nito next school year. Magpo-focus na ako sa Filipino.
Kinausap na ako ni Eking. Kaya lang, nanghihingi lang ng P500. Pambayad daw sa uniform sa Intrams. Hmp!
Enero 18, 2014
Naunang umalis si Epr kesa sa akin. Mag-e-encode yata sa office nila. Pag-alis nila ni Eking, saka naman ako naghanda sa pagpasok.
Pasado alas-diyes, nagtext si Ate Ningning. Nangungumusta. Nagbigay din ng bagong roaming na number. Pasado, alas-dose, nang maisipan kong mag-reply. Sinabi ko na di kami okey ni Eking. Inisa-isa ko ang mga ginawa ng anak niya upang masabi ko iyon. Nag-sorry siya at nakiusap na habaan ko pa ang pasensiya ko. Sabi ko, kakayanin ko pa, basta wag lang akong magkasakit.
Nagtext din si Aileen. Nalaman niya na may problema kami ni Eking. Sa kanya ako nag-confide ng mas marami, gaya ng mga sinabi ko kay Kitie. Agree naman siya. Ganun din daw ang ginawa ni Eking noong magkakasama sila noong Christmas season. Humingi din siya ng paumanhin. Kinakausap na raw nila ni Kuya Jape. Sabi pa nga niya na gusto ni Kuya Jape na pagsolohin ng bahay. Ayaw naman daw.
Bago kami natigil sa pagtext ay nasabi ko na ang gusto ko, pati ang budget. Pinadama ko sa kaniya na mahirap para sa akin ang may hawak na budget para sa taong walang pang-unawa. Sabi ko pa, ang pisikal na sakit ay nagagamot, pero ang disappointment sa isang tao ay hindi.
Nakauwi ako ng maaga. Nauna ako kay Epr. Wala pa ring imik ang alaga ko. Okey lang. Ang mahalaga ay alam na niya. Sana lang magbago na siya.
Uminom kami ni Epr ng isang grande. Pampatanggal lang ng lamig.
Bukas, magkikita kami ni Ion. Mamamasyal kami sa Manila Zoo. Nagyaya kasi siya noong January 2. Alam ko magiging masaya na naman siya bukas.
Enero 19, 2014
Ang sarap matulog. Ang lamig kasi e. Kaya lang, kailangang bumangon dahil aalis si Epr. Uuwi siya sa Laguna. Ako naman ay makikipagkita kay Zillion. Dapat isasama ko si Bro sa pamamasyal sa Manila Zoo, kaso aalis naman siya.
Pasado alas-10 na kami nakalabas ng bahay. Eksaktong alas-onse, nagkita na kami ni Ion sa zoo. Hindi ko mailarawan ang kasiyahan niya nang makita ako. Naging mas masaya pa siya nang pumasok na kami.
Maraming beses na kaming nakapasyal sa Manila Zoo, pero espesyal ang araw na ito dahil siya mismo ang nagyaya dito. Na-appreciate na rin niya ang mga hayop doon. Ang karamihan ay alam niya ang English names. Ang kaibahan nga lamang ay hindi na kami okey na kanyang ina, kaya medyo nabawasan ang essence ng pamamasyal namin.
Hinatid ko sila sa sakayan ng dyip ng mga bandang alas-dos. Tapos, umuwi na rin ako upang magpahinga.
Pasado 5:30 ng hapon, nagtext si Emily. Hindi ko siya nirereplayan. Heto ang mga mensahe niya:
"Pdi magtanung?til kelan sitwasyon natn gan2?? me aswa knb?gus2 ko maging prangka tau s isat isa.mahhrapan ang bta.nw p nga lng e..."
"Iuwi q c ion s aklan.mag i2sip muna aq dapt ko gawin s anak...nahhrapan dn kc aq...totoo b kau ni shobee dumlao sbe ni adi?"
"Nu blak mu froi?nu b planu mu?"
"By april p naman kmi uwi aklan. payag kb dun muna c ion?"
"Froi,sumagot k naman..."
"S tingin mu hndi nb tau maayos?"
"Kng ayaw u sumagot...sna ipgpray u aq s exam.thanks.tsup"
Ayaw kong mag-reply kasi baka masaktan ko na naman siya. Gusto kong makiramdam na lang siya. Mali naman kasi ang mga nalalaman niyang balita.
Hindi ko napigil ang sarili ko sa huling text niya. Hangad ko naman ang pagpasa niya dahil malaking ginhawa naman iyon para sa akin. Gusto kong makapagsimula na rin siya para sa mga anak niya. Kaya ang reply ko: "kapag maganda ang intensyon mo sa pgpasa mo s exam, papasa ka. if not, cleanse ur heart first."
Nagtext uli siya. Sabi niya:
"O2 naman...una s kbutihan anak natin...kht nga cguro hnd n aq lumapit sau..bsta merun aq stable work at mlaki salary...kht cguro dnko mkipgkta pra huminge para s ank mu."
"Ang ntensyon q mkakuha work stable para pang gastos s mga anak q...hndi pb good un?"
"Kc hrap nko froi..lage nlng b kmi ganito. 2wing bwan kukuha lng sau 1k...ang hrap db?panu kng nag aaral n c ion. mag aaral n xa ngaun.dapat un ang una mu ntindhin...db?"
Hindi pa rin ako sumagot kahit out of reality na naman ang isip at utak niya. Una, hindimlang P1000 ang naibibigay ko kada buwan. Kanina lang isang libo ang binigay ko. Plus ang gastos namin sa pamamasyal. E, paano ang binigay ko noong January 2? Pangalawa, kahit di pa siya mag-aral next year. Apat pa lang siya. Saka, di iyon problema. Ang problema ay ayaw niyang ibigay sa akin ang pangangalaga kay Zillion. Kaya, magdusa siya.
"Oh bkt dkna sumgot?hehe:p"
"Oh cge..kng msama aq...batuhin mu aq kng wla k rin ksalanan sakin...:("
"Binili ko c ion gamut panreserva at mgz biskit nya.."
Pagod na akong makinig sa kanya. Tama na sana siya sa drama niya.
"Gudnyt mahal...tsup!"
Mahal pa niya ako. Pero, di ko alam kung mahal ko pa siya....
Enero 20, 2014
Nakasalamuha ko sina Sir Erwin at Mam Diana habang nagla-lunch kami. Dumating din si Mam Nelly, pagkatapos naming kumain. Marami kaming napag-usapan. Isa dito ang pag-invest sa stocks. Na-inspire kami ni Mam Diana kay Sir Erwin na sumubok din kaysa mag-impok sa banko na may mabagal at maliit na interest. Kaso, wala pa akong ganung kalaking halaga para makapagsimula na. Naisip ko tuloy ang loan ko para sa down payment ng van ni Jano. Sayang!
Nagturo ako sa aking interns ng gusto kong demo teaching nila. Nag-demo din ako. Good thing is nakuha nila. Sana maganda ang result ng demo nila para maganda naman ang feedback sa akin ng principal ko at ng professor nila.
Halos, maubusan na naman ako ng hininga sa ingay ng mga bata. Nagsawa na kasi sila sa dry run.
Naglinis at nag-ayos din kami ng kuwarto bago umuwi.
Sa bahay, habang nag-e-encode ako ng journal entry ko noong January 20, 2006 ay ibinalita ang prize at stake ng Grand Lotto. Tamang-tama dahil ang journal entry ko 8 years ago ay tungkol din sa lotto. Nag-asam din ako noon na manalo pero bigo. Humingi pa nga ako ng sign at nagpahayag ng magandang intensyon. Gayunpaman, hindi pa rin nagbabago ang hangaring iyon hanggang ngayon. Naisip ko nga na baka ito na ang senyales ng Diyos upang muli akong tumaya.
Bukas, tataya ako. Gagamitin ko ang mga numerong binigay ni Hanna noong baby pa siya. Naalala kong itinuro niya ang mga numerong iyon.
Enero 21, 2014
May sakit si Epr. Naawa ako. Gusto ko sanang umabsent para alagaan siya kaso di pwede kasi iintindihin ko pa ang pag-demo ng practice teachers ko, para bukas. Binilhan ko na lang siya ng gamot at ulam.
Natuwa ako sa resulta ng pagpasa ng lesson plan ni Mam Vanessa. Very Good ang note ni Sir Socao. Dalawa lang kaming naka-very good. Kaya lang medyo may problema sa Filipino. Pero, konti lang. Di tulad ng iba.
Naging busy ako maghapon. Nakatulong sa interns ko. Nagturo. Nagligpit. Nag-ayos. Nagsaway.
Siniguro kong ready at kayang-kaya na ng mga interns ko ang demo bukas. Siniguro din namin ni Mam Rodel ang room namin na maging kaakit-akit sa mga observer. Alas-sais na nga kami nakalabas ng school. Okey lang dahil maganda at maayos ang room namin. Full of art and information.
Supposedly, 3rd year anniversary namin ni Emily ngayon. Binati nya nga ako sa text. Di ko lang pinansin. Pero, naaalala ko pa rin ang araw ng kasal namin. Tanging si Dr. Soriano, Ate Shiela at Mam Lucas lang ang mga witness. At, paglipas ng ilang buwan, napag-alaman namin na di pala na-register ang certificate, kaya naging August 2 ang date of marriage namin. Kakatwa.
Mag-a-alas-diyes ng gabi, nag-text si uli siya. May lagnat na naman daw si Ion. Baka nabinat daw sa pasyal namin. Pero, nabilhan na raw niya ng gamot at napahilot na rin. Hay! Sana gumaling na siya. Ayoko ng may sakit ang mga anak ko. Nalulungkot ako.
Enero 22, 2014
Ngayon ay naka-schedule na mag-demo ang dalawa kong interns. Medyo kinabahan ako sa una. Pero, nawala din nang nagsimula na kami. Kaya lang, na-disappoint ako kay Mam Vanessa. Siya pa naman ang inaasahang kong may magandang delivery. Mas maganda tuloy ang demo ni Mam Arcel. Natuwa si Dr. Bal'oro claps na prinaktis namin.
Okey naman ang demo ni Mam Vanessa. Medyo, lumabo lang sa bandang discussion. Hindi nga lang napansin ng observer. Gayunpaman, masaya ako dahil nabunutan na kami ng tinik. At least, tapos na kami. Napuri pa ang classroom namin. Sayang nga lang di nakita ng principal. Nag-meeting kasi sila ng mga pang-umagang teachers.
Sobrang pagod ko pagkatapos ng klase. Para akong nilapirot. Mabuti na lang lumakas-lakas ako pagkauwi ko. Thank, God for everything!
Enero 23, 2014
Maaga akong gumising upang makapagbanlaw ng binabad kong mga damit.
Maaga rin akong pumasok para sa meeting ng mga PM teacher with Sir Socao. Then, masaya akong nagsimulang humarap sa klase ko sapagkat isa sa mga agenda ng pulong ay ang Program SMILE na literally ay dapat nakangiti kapag nagtuturo. Effective nga. Nakakahawa ito. At, may learning sila. Kahit di man ito ang first time kong nagturo na masaya ay nakita ko ang proof ng program.
Kaya lang, pagkatapos kung magturo sa second period ko, gumulo ang klase ko. Bumalik sila sa dati. Kaya, namermon ako. Nang-inspire uli ako. Kaya naman, natahimik sila. Biglang marami na ang nagbabasa. Effective uli ang sermon ko.
Magre-recess na sana kami nang biglang may sumugod na squatter na guardian o lola. Binato daw ang kapitbahay niya ng ice water. Tinanggi namin dahil wala naman talagang tumayo at nagtapon o namato ng tubig na nasa plastic ng yelo.Ngunit, mariin niyang sinabi na mga bastos ang mga pupils ko at walang aamin.
Sa unang pasok pa lang niya gayundin ang pasta, bastos na ang ugali niya. Ni hindi siya nagpasintabi. Basta na lamang niya kaming pinagbintangan, gayong sarado at may mga harang ang bintana namin.
Walang respeto. Umalis na lang bigla.
Sinundan ko. Tinanong ko si Mam Solayao kung pumunta sa kanya. Hindi daw. Kaya, sa opisina ako tumuloy. Kaso, wala si Sir. Kina Mam Lolit ako nagkuwento. Narinig din ang hinaing ko ng kapitbahay niyang co-teacher ko. Medyo, hindi na siya nanibago sa ugali ng kapitbahay.
Tinanong ko naman ang guard kung sa kanya nagpaalam na pumasok ang walang respetong babae. Kahit inis ako, nagawa kong huminahon, na hindi siya ma-offend. Pero, hindi daw sa kanya dumaan. Kaya kay Mang Robert ako nagtanong. Hindi daw sa kanya. Parang kay Mang Bernie daw.
Naaasar ako dahil hindi nila pinipili ang pinapapasok nila. Naalala ko tuloy ang panaginip ko na muntik nang ma-samurai ang kamay ko. Ayaw ko namang mapahamak sa classroom ko dahil lamang sa reklamo na di ko naman ginawa.
Pinatawag ni Mang Robert ang babaeng nagreklamo na hindi naman siya ang biktima. Epal, in short. Hindi ako nagpakita ng galit na galit ako. Gusto ko lang linawin sa kanya na mali ang paratang niya. Kaya, isinama ko si Mam Amy sa room ko para mapatunayan niya na hindi kayang makaabot ang tubig sa kalsada kahit ako pa ang maghagis niyon. Naniwala naman siya. Pero, umalis na naman ang bastos na babae. Ang lakas ng loob. Porke ba, siya ang manikurista ng mga guro ng Gotamco ay malakas ang loob niyang mag-akyat-baba?
Hindi ako tumigil. Sadyang nabastos ako. Naramdaman din iyon ng mga pupils ko. Kahit naman mga pasaway sila ay hindi nila magagawa iyon. Gusto kong magkaroon ng pagbabago sa school. Hindi secured ang mga guro, gayundin ang mga bata. Kaya, bumaba uli ako upang alamin kung dumating na si Sir.
Dumating na siya. May konting ideya na rin siya. Pero, nagsalita pa rin ako. Nakinig siya. Sinabi ko na sana mabigyan ako ng katarungan sapagkat na-disrespect ako. Gusto ko sanang sabihin na i-ban ang Leony na manikuristang iyon sa pagpasok ng school kapag wala namang PTA meeting, kaya lang nahiya ako. Kinausap na lang niya ang mga bantay sa gate.
Sana magkaroon ng action o resulta ang reklamo ko para teachers at mga bata. Hindi ako titigil hanggat hindi ko makita ang gusto kong mangyari. Babalikan ko si Sir bukas.
Enero 24, 2014
Demo teaching uli ngayon. Hindi masyadong nagamit ang mga inihanda kong teaching materials. Pero, naituro ko sa advisory class ko. Ini-apply ko rin ang Project SMILE. Dinagdagan ko pa nga ng laughters. Ginamit ko ang antics ng Love Radio Tambalan. Sinabi ko na may darating na zombies sa bansa para mangain ng mga utak. Kawawa ang matatalino. Pero, insulto sa mga walang utak dahil dedma sila sa zombies. Nag-isip ang iba. Mukhang marami ang madededma.
Nakakapagod. Bulagta ako pag-uwi ko. Mabuti na lang ay nakabawi ako ng lakas.
Enero 25, 2014
Huling Saturday class ng mga pupils ngayon. Nineteen lang ang pumasok. Ayos! Hindi masyadong mahirap. Sana ang mga pasaway ay di na lang pumasok. Wala namang kasing gustong gawin, kundi ang mag-ingay. Ni ayaw nilang mag-memorize ng Vision and Mission ng DepEd. Samantalang ang iba ay puspusan ang pagkakabisa.
Nagturo din ako ng Math at Filipino sa Section 1. Sa Filipino, binasahan ko sila ng kuwento. Part 8 ng Sir Gallego ang binasa ko. Bitin na naman daw. Sabi ko, syempre may kasunod pa, e.
Enero 26, 2014
Alas-nuwebe, umalis kami ni Epr. Magdi-Divisoria kami. Pero, dumaan muna kami sa Paco Park. Saglit lang kami doon. Gusto ko lang na makarating siya sa lugar na magandang pasyalan. Nagpicture-taking din kami ng kaunti.
Sa Divisoria, nakabili ako ng long sleeves polo, pantalon, dalawang pares ng puting medyas at red bow tie. Hindi naman nakapili si Epr. Nahihiya siguro. Babayaran ko naman sana.
Trineat ko na lang siya ng lunch sa isang food court. Nag-Chinese cuisine kami.
Then, dumaan kami sa Luneta. Di kami nagtagal kasi bawal ng apakan ang mga damo doon. Ang sarap pa naman sanang mahiga.
Hindi nabigyan ng itinerary si Epr sa trabaho niya kaya wala siyang trabaho for two weeks or more. Okey lang. Kaya naman siguro ng budget namin. Sana dumating na ang allowances namin at magbayad na sina Lester at Mia. Four thousand din iyon.
Enero 27, 2014
Maaga akong pumasok. Nagkape lang ako.
Sa school na ako kumain ng binili kong kakanin sa kalsada. Nagsulat kasi ako ng lesson plan at gumawa ng visual aids.
Pagkatapos, ni-landscape ko ang isang circular garden na dapat sana kay Mam Diana naka-assign. Tinulungan niya naman ako. Nagustuhan nga nila ang gawa ko. Nagamit ko rin ang sea shells collection ko at ibang halaman at bato. Superb naman ang output kahit madalian.
Okey na sana ang araw ko. Lively akong nagturo. Nagpakanta pa nga ako ng Triangle Song na ako mismo ang nag-compose, gamit ang tono ng Brother John. Kaya lang, nagbigay ng mahabang listahan ng isa-submit na mga gawain at reports. Alanganin! Dapat sinimulan nila noong June. Nakakaasar...
Para di ako ma-stress, nagturo pa rin ako. Lively uli. Naging mahinahon at komikero pa ako. Marami tuloy ang natuto.
Pag-uwi ko, kandaugaga na naman ako sa lesson planning at preparation of visual aids. Nasimulan ko na rin ang mag-type ng list ng pupils' name. Nakagawa na rin ako ng activities.
Enero 28, 2014
Nag-text sa akin ang Mommy ni Epr. Nangungumusta. Kinumusta niya si Bro. Sabi pa niya, di daw nagre-reply sa text niya kaya nagtanong sa akin kung nasaan siya. Di ko naman nasagot dahil di ko naitanong kagabi. Huli na nang malaman ko na nasa Tarlac siya. Di na ako nag-text pa kay Mommy. Nagpasalamat na kasi siya.
Bilang ina, alam ko, gusto lamang niyang masigurong nasa mabuting kalagayan ang anak niya. Nauunawaan ko iyon. Ang hindi ko lang lubos na maunawaan ay kung bakit humiwalay si Epr sa magulang niya gayong hindi pa naman sila nakakauwi sa Ilocos. Sana ay doon muna siya umuuwi sa Laguna upang makasama niya ang pamilya niya.
Napagod ako sa kasasaway sa mga bata. Naging madaldal uli ako sa kakasermon sa mga tamad na mag-aaral. Naging vocal din ako sa pagbibigay sa kanila ng inspiration at challenge. Umaasa akong kahit paano ay may ma-retain sa ulo nila at may gawin silang pagbabago para sa pagkatuto.
Sinimulan ko ang paggawa ng Panitikan Board. Tinulungan ako ni Mam Rodel. Gusto ko kasing karerin ang Filipino. Nais ko ring may nababasa at nakikita ang mga pupils sa bulletin board. Maipapabasa ko na rin sa iba ang mga akda ko. Nagagamit ko rin ang artistic prowess ko. Nawa'y mapanatili kong updated ang information.
Bumisita si Kuya Jape. Alam ko, gusto niyang makita ang kondisyon namin ni Eking. Naabutan niyang nag-e-encode si Eking at nakita niya naman na nagtsetsek ako ng mga papel ng bata. Nagtanong din siya tungkol kina Jano. At maya-maya, umalis na siya. Baka, daw makapunta kami sa Antipolo sa Linggo.
Enero 29, 2014
Maaga akong pumasok upang i-landscape ang isang bahagi ng school. Napag-usapan na namin nina Mam Diana at Sir Erwin ang bagay na iyon kahapon.
Nauna silang dumating pero di naman nagtagal ay dumating na rin ako. Kaya, agad naming sinimulan. Sa kalagitnaan naman ng pagla-landscape namin ay nilapitan kami ni Sir Socao. Natuwa siya at nagpasalamat. Biniro ko nga na nauuhaw ako, kaya naman, pinahatiran kami ng meryenda.
Nasugatan ako sa basag na tile, pero ayos lang dahil maganda ang kinalabasan ng landscape namin. Bukas ay itinakda naman naming ayusin ang bahagi ng flagpole. Mabuti na lang ay may mga pupils na nagdala ng mga halaman.
Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng bulletin board na tinatawag kong Panitikan board. Unti-unti na itong gumaganda. kung mababait nga lang ang pupils ko ay mabilis namin iyon matatapos ni Mam Rodel.
Nainis na naman ako sa text ni Eking. Nagpapabili ng Gatsby wax. Swerte niya. Ipapang-banidad niya lang ang budget namin. Bakit, di ba siya makabili mula sa allowance niya? Nakakaload nga siya e. Masyado... Masyadong asa at kuripot. Samantalang, nakita kong may tatlong libo siya..
Hindi ko nga kinibo. Manigas siya.
Enero 30, 2014
Naglaba muna ako bago pumasok. Nagmadali ako upang makagawa uli ako ng landscaping project sa school.
Nauna akong dumating kina Sir Erwin at Mam Diana. Sinimulan ko naman ang paggawa kahit wala pa sila. Gusto ko kasing matapos ko agad.
Kami lang ni Sir Erwin ang gumawa kasi busy si Mam Diana sa pag-print ng mga reports namin. Ayos lang. Mas okey nga ang nangyari dahil nakausap niya si Sir Socao. Na-grant ang hiling ko na bigyan kami ng pambili ng printer. Secret nga lang namin para di na malaman ng ibang grade level, although sa MOOOE naman kukunin ang perang pambili.
Ang saya ko dahil di na ako mahihirapan sa pag-print ng mga activity sheets ko. Masisimulan ko na rin ang paglimbag ng aking mga literary pieces. Pero ang dapat kong i-prioritize ko ay ang learning ng mga bata. Ang makagawa ng modules at maipagpatuloy ang school paper na Tambuli.
Pagkatapos naming mag-landscape ay nag-picture kami sa mga landscape areas. Lahat kami ay nagandahan at satisfied sa aming ginawa, gayundin si Sir Socao kaya very supportive siya sa aming Grade 5 teachers.
Inspired na naman akong mag-train ng broadcasting kaya sinimulan ko ang paghahanap. Nakuha ko sina Caren, Vie at Allysa. Ang saya nila. Very excited ding matuto pa.
Inspired din uli akong gumawa ng action research. Mag-uunahan kasi kami ni Mam Balangue. Ito ay bilang paghahanda para sa promotion o ranking.
Enero 31, 2014
Chinese New Year ngayon. Hindi ko naramdaman ang mga Intsik. Okey lang. Swerte naman daw ang mga ipinanganak sa Year of the Monkey.
Pinagka-busy-han ko ang mga gawaing pampaaralan. Nakasulat na rin ako ng LP sa Math. Nakapag-research din ako ng sample ng action research. One of these days, sisimulan ko na ang pagpapasagot sa questionaire. Balak ko itong matapos bago mag-Marso. Sisimulan ko pa kasi ang pagsulat ng kuwentong pambata na isasali ko sa Canvas. Kung hindi nga lang napakaraming report na ipapasa sa school, nasimulan ko na sana.
Pasado ala-una ng hapon, pumunta ako sa Robinson's Manila para bumili ng printer. Nakabili naman ako ng Epson. Bagong model at continuous. Kahit nag-abuno ako ng P500 ay ayos lang. Masaya nga ako dahil pinagbigyan ng principal ang suhestiyon ko na bigyan kami. Hindi nga lang lahat ng grade level. Kaming Grade 5 lang ang binigyan dahil siguro sa pagla-landscape namin sa school.
Ready na ang lesson plans ko saka ang mga visual aids at activity sheets ko para sa Lunes. Baka kasi matuloy kami ni Kuya Jape sa Antipolo sa Linggo. At least, ready na ako.
Handa na rin ako sa NAT Review bukas.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment