Followers

Wednesday, July 31, 2024

Ang Aking Journal -- Hulyo 2024

 

Hulyo 1, 2024

Quarter to 8 ako nang magising. Past 8, nasa baba na ako para magkape. Eight-thirty na ako nagluluto ng almusal.

 

Ang bilis ng araw! Akalain mo, tapos na ang isang buwan na mandatory teacher’s leave. Haist, magbibilang na ako ng araw para sa nalalapit na school year.

 

Three-thirty, pagkatapos manood at umidlip, natapos ko na ang isang chapter ng nobela.

 

After dinner, nag-edit ako ng nobela kasi may napansin akong discrepancy sa sinusulat kong chapter. Past 10:30 na ako tumigil para umakyat na. Nag-post din muna ako ng isang chapter.

 

 

 

Hulyo 2, 2024

Wala pang 7, gising na ako. Ang babaw ng tulog ko, ang gaganda ng panaginip ko—parang totoo. Wala pang 8, bumaba na ako para maghanda ng almusal ko. Scrambled eggs, daing na isda, at kanin ang almusal ko. Busolb!

 

Eight-thirty, humarap na ako sa laptop para magsulat. Past 12:30 na ako nakapag-post ng isang chapter.

 

Habang nanonood ng Showtime, inantok ako, lalo na’t mahina ang signal ng wifi. Paggising ko, bandang 3, saka ko ipinagpatuloy ang panonood. Isinunod ko na ang pagluluto ng ‘pinakro.’ Matagal na rin ang huli akong nagluto nito.

 

Past 6:30, nakapagsulat naman ako ng isa pang chapter ng nobela. Bukas naman ako magsusulat. Quota na.

 

Past 9:30, nasa kuwarto na ako. Hindi naman ako natulog nang maaga.

 

 

 

 

Hulyo 3, 2024

Grabe! Nine-twenty na ako nagising. Ang sarap matulog. Kundi lang pumangit ang panaginip ko, hindi ako magigising. Past 10 na tuloy ako nakapag-almusal. Ininit ko lang ang pinakro, na natira kagabi. Mabuti na lang nagluto ako niyon. May meryenda na ako, may dinner na, at may almusal pa.

 

Past 10:20, gumawa ako ng PPT ng kuwento para gawing video. Twelve-thirty ko na iyon natapos. Saka lang ako nakapaghanda ng tanghalian.

 

Pagkatapos kong maligo at manood ng Showtime, naglagay na ako ng audio sa PPT ko. Bandang 3:30, tapos ko na iyon.

 

Eight-forty-five ng gabi, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Ngayon lang ako natagalan makatapos ng isang chapter. Andami kasing distractions. Nanood pa ako ng balita at BQ, saka bumili ng ulam.

 

Late na ako natulog kasi may nakipag-chat pang kaibigan sa aking akin. Napag-usapan namin ang kaibigan niyang may HIV. Nakapagtanong tuloy ako ng marami para sa nobelang sinusulat ko. Marami akong natutuhan sa kaniya.

 

 

 

Hulyo 4, 2024

Almost 8 na ako nagising. Naghanda pa ako ng almusal at susuotin ko, kaya almost nine na ako nakaalis sa bahay. Traffic pa kaya eleven na ako nakarating sa PZES. Hinintay ako nina Ma’am Mel, Ma’am Edith, at Ma’am Ivory doon. Natagalan pa ako sa pagpapa-photocopy ng ID ko. Gayunpaman, hindi na kami pumila. Naghintay lang kami ng kaunting minute, nai-release na ang P3000 sports allowance namin.

 

Nag-lunch kami sa KFC sa Libertad. Nakapagkuwentuhan kaming tatlo –ako, Ma’am Mel, at Ma’am Edith bago kami pumunta sa school para puntahan si Sir Erwin kasi pangako niya sa amin na magpapa-Samgyup siya pagdating ng pera.

 

Nainis ako kasi wala man lang siyang paramdam sa GC. Pagdating namin sa school, nakaalis na rin siya para kunin ang allowance niya. At sabi ng mga clerks na kasama pagpunta, umuwi na raw. Haist! Pagdating talaga sa pera, nagbabago ang ugali ng tao. Lesson learned para sa amin.

 

Past 3:00, umuwi na kami.

 

Sa sobrang antok, nakalampas ako sa Umboy. Sa Amaya II na ako nang dumilat ako. Bumaba ako sa Calibuyo. Past 6 na ako nakarating sa bahay. 

 

Pagkatapos kong maghapunan, nagsulat na ako ng nobela. Ginawa ko iyon habang patalastas ang mga teleseryeng pinanonood ko. Kaya bandang 10 pm, nakapag-post na ako sa Inkitt.

 

Almost 12:30 na ako natulog dahil sa kakapanood ng edited version ng Tiktok Live.

 

 

 

 

Hulyo 5, 2024

Grabe! Alas-nuwebe na ako nagising. Ang sarap matulog, palibhasa umulan kagabi o sa madaling araw. Basta! Nabulahaw din ang tulog ko kaya nag-adjust ang gising ko.

 

Ten, nagsusulat na ako. Inuna ko ang pag-edit sa kuwentong pambata ni Sir Randy.

 

Past 1:30 yata iyon nang matapos kong maisulat ang isang chapter. Dahil malamig ang panahon, umakyat ako sa kuwarto para matulog. Hindi naman ako nabigo. Past 4 na ako nagising.

 

Pagkatapos kong magmeryenda, ipinagpatuloy ko ang pag-eedit o pagsusulat ng kuwento na ibebenta ko kay Sir Randy. Medyo gumanda na ang dati niyang kuwento. At marami pa akong nais idugtong upang lalong gumanda.

 

Past 6 na ako nakaligo. Tinamad akong maligo kanina dahil sa antok, Grabe. First time ito mangyari sa akin.

 

Before 7, lumabas ako para i-withdraw ang FA. Bumili na rin ako ng pagkain pagbalik ko. Past 7:30 na ako nakapagsaing. Naglakad kasi ako pauwi.

 

Bago mag-alas-diyes, naipasa ko na kay Sir Randy ang Word Doc ng kuwento niya na “Ang Bangka ni Mario.”

 

Kahit past 10 ay nasa kuwarto na ako para magpaantok, hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Nagpatay nga ako ng wifi, nagbukas naman ako ng data maya-maya. Umabot yata ako ng past 1:30 bago nakatulog.

 

 

 

 

Hulyo 6, 2024

Wala pang 8, gising na ako. Binati ko sa chat si Ion. Birthday niya ngayon. Fourteen na siya. Grabe! Ang bilis ng panahon.

 

Past 9, nakapag-almusal na ako. Nagsimula na akong magsulat. Past 12 ko na natapos ang isang chapter.

 

Pagkatapos kong manood ng isang segment ng noontime show, natulog ako sa kuwarto. Past 3 na ako nagising, pero five na ako bumaba para magmeryenda.

 

Gabi, sinimulan kong mag-digital illustrate ng mga larawan ng kuwentong pambata ko na “Bakit Nakakaiyak ang Sibuyas?’ Quarter to eight, nakaisang page na ako, at naiayos ko na ang mga text.

 

Ten o’ clock ako umakyat para magpahinga. Nakatapos ako ng tatlo’t kalahating pahina sa digital illustrations ko, kasama ang cover. Bukas naman ang iba.

 

 

 

Hulyo 7, 2024

Para akong adik kaninang madaling araw. Sobrang babaw ng tulog ko. Ni hindi nga siguro ako nakatulog kahit sampung minuto. Past 4, nag-cell phone na lang ako para antukin. Mga 5:30 na siguro ako inantok. Past 8:30 ako nagising, at nine-thirty na ako bumangon.

 

Pagkatapos mag-almusal, nag-digital illustrate na ako. Past 3 na ako tumigil para magsulat naman ng nobela. All-in-all, may 8 illustrations na ako.

 

Bandang 6:15, pagkatapos kong umidlip, natapos ko nang isulat ang isang chapter ng nobela ko. Nag-digital illustrate naman ako.  Bago mag-8:30, huminto na ako, since mabagal na ang PPT. Pagod na rin ang kamay ko.

 

Umakyat na ako bandang alas-nuwebe. Sana antukin ako agad.

 

Past 12 na ako nag-off ng wifi para matulog.

 

 

 

 

Hunyo 8, 2024

Past 9 na ako nagising. Gusto ko pa sanang matulog, pero hindi na kinaya.

 

Past 10:30, nakapag-almusal na ako. Nag-start na akong gumawa sa laptop. Digital illustrations muna ang inuna ko.

 

Lumabas ako para bumili ng gulay na langka, na pangpares ko sa pritong idsa, bandang 12:30, matapos kong magawa ang pang-11 na illustrations.

 

Pagkatapos kong maligo at manood ng Showtime, bandang 2:20, nagsulat ako ng nobela. Quarter to five, natapos ko na ang isang chapter.

 

Bago mag-ten, nag-off na ako ng laptop. Medyo masakit na ang ulo at mata ko. Kailangan ko nang umakyat para matulog.

 

 

 

Hulyo 9, 2024

Grabe! Hindi na naman maayos ang tulog ko. Hindi ko alam kung panaginip ba ang mga iyon o mga iniisip ko. Para kasing totoo. Parang hindi ako nakatulog. Kaya naman, 9:40 na ako nagising. Past 10 na ako nakapag-almusal.

 

Sa kabila ng puyat, naglinis muna ako sa kusina at sala. Nag-disinfect ako. Ayaw kong mapulaan ni Emily pagdating niya mamaya. Mga past 11:30 na ako natapos. Nakapagdilig na rin ako ng mga halaman.

 

Past 4, dumating na si Emily. Good mood niya. Dinalhan niya ako ng secondhand na blackvelvety shoes, na puwedeng pangpasok sa school. After an hour, tapos ko na ang digital illustrations ng ‘Bakit Nakakaiyak ang Sibuyas?’ Agad ko ring nilagyan ng voiceover para mai-upload ko na sa YT.

 

Before 6, tapos ko nang lagyan ng audio ang kuwento. Saving as MP4 na lang ako, saka ako nag-post. Productive na ang bakasyon ko.

 

Past 10, umakyat na ako para magpahinga, pero pagdating sa kuwarto, nanood pa ako ng Reels hanggang 12. Nahirapan na naman akong matulog.

 

 

 

Hulyo 10, 2024

Quarter to nine ako nagising, pero kulang na kulang ang tulog ko. Ang sakit ng ulo at mata ko. Siguro, kailangan ko nang tanggalin ang blackout curtain sa kuwarto ko.

 

Mga 10 am na nakaalis si Emily patungo sa Smart Araneta para sa 22nd year anniversary ng First Vita Plus. Sana maiuwi niya ang milyong papremyo dahil birthday niya ngayon. Binigyan ko nga rin siya ng P500 para may pangkain siya.

 

Pagkatapos kong maglinis ng lumot sa garden, naligo ako’t nagpagupit. Past 12 na ako nakauwi sa bahay. Nagsulat naman ako ng nobela. Mga 6 pm na ako nakapag-post sa Inkitt kasi umidlip muna ako hanggang past 3 at nanood ng kung ano-ano sa FB.

 

Past 7, lumabas ako para puntahan o sorpresahin ang kaibigan ko sa Bagbag, Rosario na may computer shop. Kaya lang ako ang nasorpresa. Wala siya roon at hindi siya nag-reply sa chat ko. Okey lang. Kumain na lang ako milktea-han sa tabi ng shop niya, saka umuwi. Before nine nasa bahay na ako. Nakapanood pa ako ng BQ at PS.

 

Quarter to 12 na nakauwi si Emily. Hindi siya nabunot sa raffle. Okey lang naman. Natulog na rin ako agad.

 

 

 

Hulyo 11, 2024

Past 8 na ako nagising. Medyo Maganda na ang tulog ko ngayon. Past nine na ako bumaba para mag-almusal.

 

Bago ako nagprito ng isda para sa lunch, gumawa ako ng video, gamit ang isang kuwentong pambata, na downloaded ko sa isang free website. Posted na rin bago mag-11:30.

 

Bago mag-12, umalis na naman si Emily. May meeting daw sila sa FVP office.

 

Pagkatapos manood ng isang segment sa Showtime, umakyat ako para matulog. Umuulan, kaya malamig-lamig sa kuwarto. Past 3 na ako nagising.

 

Four-thirty, pagkatapos magmeryenda, nagsulat ako ng nobela. Past 10 pm na ako nakapag-post sa Inkitt kasi lumabas pa ako para bumili ng mga sangkap, nagluto pa ako, kumain, naghugas, at nanood. 

 

 

 

Hulyo 12, 2024

Quarter 8 ako nagising, pero hindi agad ako bumangon. Paalis na naman si Emily, kaya siya ang naghanda ng almusal. Past 9 na siya umalis, habang kumakain ako.

 

Pagkatapos mag-almusal, nag-karaoke muna ako. Before 10 naman, dineklara ko sa GC naming magkakapatid na sagot ko na ang resort para sa 75th birthday ni Mama. Sila kasi ang naglapag ng menu list. Kaya na-excite sila. Pinahanap ko na sila ng accessible na resort.

 

Bandang 12:40, nagsulat ako ng nobela pagkatapos kong maligo at kumain. Past 6:30 na ako nakapag-post kasi natulog ako at nanood ng videos sa FB.

 

Before 7, lumabas ako para mag-withdraw. Inabutan ako ng ulan pagbaba ko sa tricycle, kaya imbes na mamimili ako ng sangkap para sa kangkong sisig, bumili na lang ako ng lutong ulam. Bukas ko an lulutuin iyon.

 

Past 9 na nakauwi si Emily.

 

 

 

 

Hulyo 13, 2024

Dahil almost 1 am na ako nakatulog, 8:45 am naman ako nagising. Kundi pa pumasok si Emily sa kuwarto, hindi pa ako magigising. Ang sarap matulog! Mami-miss ko ito kapag pasukan na. Bukas lang, magsisimula na akong gumising nang maaga dahil may Matatag seminar kami for one week. Haist!

 

Past 10, lumabas ako para bumili ng pansahog sa kangkong sisig. Sinimulan ko nang ihanda pagdating ko. Isiningit ko sa pagluluto ang paggawa ng PPT o pag-illustrate ang kuwentong pambata kong ‘Ang Kambal.’

 

Alas-dos, pagkatapos manood at maligo, itinigil ko muna ang digital illustration para magsulat naman ng nobela. Gabi ko na natapos ang isang chapter kasi agad rin akong inantok nang nakapagsulat na ako ng 200 words. Kaya ko naman sanang tapusin agad, pero may mga isinisingit-singit kasi ako.

 

Past 10, ready to go to bed na ako. Nakadalawang slides na ako sa ginagawa kong PPT o digital illustrations. Worth it naman para sa araw na ito.

 

 

 

 

Hulyo 14, 2024

Ang aga kong nagising. Nag-adjust na agad para sa pasukan. Mabuti na lang, nakatulog ulit ako sa loob ng 30 minutes. Past 8 na ako bumaba para maghanda ng almusal.

 

Nine-thirty, humarap na ako sa laptop para gumawa. Inuna ko ang digital illustration. Marami-rami rin akong nagawa bago ako huminto para maligo at maglaba. Bandang 2 pm, nakasalang na sa washing machine ang kakaunti kong labahan.

 

Before 3:30, nakapag-post ako ng isang kabanata ng nobela. Mabilis lang ako ng nakapagsulat kasi nag-recycle ako ng chapter. Memory lang ng isang tauhan. Ginamit ko ang chapter na na-recover ko sa WP. Magsusulat uli ako para umusad ang kuwento ng mga tauhan.

 

Six-thirty hanggang 8 pm, nag-karaoke ako. Sabi ko kay Emily, naghahanda ako para sa birthday celebration ni Mama.

 

Nine-thirty, natapos ko nang isulat ang ika-82 na chapter ng nobela ko. Ready na rin ang isusuot ko bukas. Naplantsa ko na ang polo ko. Ready to sleep na ako.

 

 

 

Hulyo 15, 2024

Alas-singko, tumunog na ang alarm ko. Mabuti, nakatulog ako kahit apat na oras. Past 6, nakaalis na ako sa bahay. Past 8 na ako nakarating sa venue ng Cluster-Based Training for Teachers on the Matatag Curriculum dahil sa bagal ng bus na nasakyan ko. Traffic pa. Okey lang naman kasi nananalangin pa lang naman. Nainis lang ako kasi sobrang sikip ng venue.

 

Bukod sa masikip, andami pang kaartehan sa seminar. Masikip nan ga, nagpasayaw pa. At nang nag-health break, hindi man lang in-announce ang sistema sa pagpila sa pagkain. Ang haba ng pila sa lugaw. Puwede namang by school na lang ang pila. Nainis talaga ako kaya nasabi ko na “walang sistema.”

 

Mabuti na lang, naging maayos na nang lunch na. At nag-breakaway session bandang 2:30. Maluwag na kami sa isang classroom. Kaya lang, malayo na kami sa tubig at kape.

 

Naging maayos naman ang unang araw ng seminar. Sana maging okey pa sa mga susunod na araw.

 

Nakauwi ako bandang 7 pm.

 

Bago mag-ten, nakasulat ako ng isang chapter ng nobela. Isinulat ko iyon habang patalastas ang mga pinapanood kong teleserye.

 

 

 

Hulyo 16, 2024

Nagising ako apat na minuto bago ang naka-set kong alarm. Hindi naman ako excited sa seminar, kaya nakatulog ako nang medyo mahimbing.

 

Past 5:30, nakaalis na ako sa bahay. Seven-thirty ako nakarating sa JRES. Nakita ko si Ms. Krizzy, kaya nagkaroon kami ng coffee bonding. Naroon din sina Ma'am Hannah at Ma'am Judy.

 

Second day na ng training. Noong umaga, nangangapa kami dahil ang hirap ng pinagagawa sa amin, pero nang ma-gets na, napakadali na lang.

 

Hapon, sa presentation of output, nagpakitang-gilas ako sa pag-share ng aking teaching practice. Humanga pala sila sa akin, kaya nang lumabas ako, at pagbalik ko, hiniritan nila akong mag-demo teaching. In-offer-an na ako, pero dahil may division demo certificate na ako, hindi ko na tinanggap. Subalit ngayong araw, dahil interesado nilang makita akong magturo, pinagbigyan ko sila.

 

Past 6, nakauwi na ako. Mas maaga ako ngayon kaysa kagabi, siguro dahil hindi umulan. Pasalamat naman ako kasi kailangan kong gumawa ng lesson plans para sa demo teaching ko.

 

Agad ko ngang sinimulan, pagkabihis ko. Dinner lang ang pahinga ko. Kaya bandang 10 , nakatapos na ako isang LP. Apat dapat. Nasimulan ko na ang pangalawa.

 

 

 

Hulyo 17, 2024

Quarter to 5 pa lang gising na ako. Thirty minutes after, nakaalis na ako. Kailangan kong makapagpa-cash in para mapadalhan ko si Hanna at Zildjian. Birthday ngayon ni Hanna. Kailangan naman ni Zildjian ng gamit para sa pagsisimula niya sa senior high school.

 

Past 7, nasa school na ako. Ako ang pinakaunang dumating sa aming grupo, pero hindi rin nagtagal dumating na sila paisa-isa bago nagsimula ang seminar. Inantok ako sa topic. Hindi ko na-enjoy. Mabuti na lang, bumalik kami sa breakout venue. Mas masaya kami roon sa small group. At mas nakakapag-share ako ng ideas. Gustong-gusto nga nila akong pinagsasalita. Good news din kasi hindi na ako magdedemo sa Friday. Okey lang kung nakapagsimula na akong gumawa ng lesson plan. Hindi naman masasayang iyon.

 

Past 4, tapos na kami sa seminar. Nakauwi ako sa bahay bandang 6:30.

 

Eight, nagsulat ako ng nobela. Isang araw din hindi ako nakapagsulat.

 

Past 9:30, pagkatapos ng Pamilya Sagrado, nag-off na ako nga laptop. Naka-363 words lang ako sa sinusulat kong chapter ng nobela. Kahit may ideya pa ako, hindi ko na muna isinulat. Pahinga naman. \

 

 

 

 

Hulyo 18, 2024

Bago mag-6, nakasakay na ako sa bus na patungong PITX. Doon na rin ako kumain ng malunggay pandesal. Past 9 na kasi sini-serve ang almusal sa seminar. Nagugutom ako nang husto.

 

Nakakatuwa ngayong araw. Bumida ako sa seminar.

 

Sa topic pa lang ng unang resource speaker—ang aming principal, nagpaepal na ako. Sa motivation niya, ano raw ang iw-wish ko sa genie tungkol sa classroom assessment. Nagtaas ako ng kamay. Sabi ko, “Puwede po bang magtanong na lang ako kay Genie, sa halip na mag-wish?” Pumayag naman siya.

 

“Bakit kailangan pa ang assessment kung ipapasa naman (lahat ang estudyante)?” Umani ako ng approval at applause. Maaaring may tumaas ang kilay, pero karamihan ay natuwa sa akin.

 

Sinagot iyon ng principal, pero hindi na iyon napansin ng mga guro dahil pinag-usapan nila ang sinabi ko. Tapos, nagtawag pa siya ng ibang wisher. Saka niya ako binalikan at itinanong, kaya mas nailabas ko pa ang saloobin ko. Kako, para saan ang assessment kung mass promotion naman. Noon nga, kapag hindi makabasa, hindi magmo-move. Ngayon, tambak na reading programs, pero kulelat pa rin sa PISA result. Dahil kahit ang estudyanteng letter or word reader, umangat man nang kaunti, passado pa rin. Ang resulta, hindi makasabay sa mga kaklase. Sabihin na nating ginawa na ng guro lahat, pero hindi talaga kaya ng bata dahil dapat nasa lower grade pa rin siya. Hindi naibibigay ang angkop na kasanayan para ma-address ang totoong problema.

 

Next speaker is the principal, I heard a corrupt one, but she’s a good speaker. Nag-share ako ng insights ko about writing a reflection at the end of the lesson plan. Kako, “In reality, hindi ko gingagawa iyan. Bilang na bilang lang sa daliri ko na ginawa ko iyan. Pero, araw-araw akong nagda-diary. Since 2006 hanggang ngayon, nagda-diary ako. Sa diary ko nilalagay dahil mas detalyado. Saka, sayang ang sinulat ko kung sa lesson plan ko ilalagay. Ipapakilo lang naman pagkatapos. Samantalang ang diary ko, puwedeng maging libro o memwa.” Nagtawanan sila sa sinabi kong pinapakilo, kasi iyon ang reality.

 

Last topic ay tungkol sa classroom observation. Mag-share daw ng experience tungkol sa class observation. Bago pa may unang tinawag, desidido na akong magtaas ng kamay. Isa pa, malakas ang loob ko dahil gusto ng mga kasamahan ko sa Filipino na magsalita ako o sabihin ko ang sinabi ko sa kanila kahapon. Hayun nga! Pagkakuha ko sa inabot na mikropono, umakyat ako sa entablado. Doon pa lang natawanan na sila sa akin.

 

“Hello, Madlang People! Nagsuot ako ng face mask para hindi ako makilala. Mamaya naman magpapakulay na ako ng buhok para hindi niyo talaga akong makilala. Wala akong masamang karanasan sa mga class observations. Ito ay para sa lahat. Ito ay para sa mga heads. Hindi kami kampante na may nag-oobserve sa amin. Tama ba ako?” Sumagot sila ng affirmation. Ang lakas. Buhay na buhay. May nagpalakpakan pa.

 

“Mas magaling kami kung wala kayo!” Lalo silang naghiyawan.

 

“Hindi naman kayo kailangan para gumaling kami. Tama ba?” Sumagot uli sila ng affirmation. Marami pa rin ang natutuwa.

 

“Mas gusto namain ang informal observation. Iyong kunwari nagpupunas lang ng alikabok sa jalousy. Ang mga guro, magagaling na ‘yan. Ako, sa observation, ginagalingan ko pa para hindi ako mapulaan. Gusto kong positive naman ang feedback sa akin. Minsan kasi paepal din ako. Mahiyaan ako, pero paepal minsan. One time, nagsumbong sa akin ang kasamahan ko. Ramdam ko ang sakit sa puso niya kasi pinasok siya ng observer—unannounced, tapos na siya noon magturo. Kung ano-ano ang hinahanap. Not evident daw. Alam niyo ba, ako ang sumugod sa principal kasi ayaw kong maranasan iyon. Kayo nga observer, kung gusto niyong mag-judge ang kakayahan ang teacher pumasok kayo sa klase niya from start to end o kaya araw-araw niyo. Hindi iyong pumasok kayo for 3 minutes, or less, or more, pero na-judge niyo na ang guro na hindi magaling. Nakapa-unfair no’n. That’s all. Thank you!”

 

Umani ako ng palakpakan. Pagkatapos, sinabihan pa ako ng iba ng ‘Salamat!’ “Ang galing mo!’, ‘Tama ka, Sir!’ Nakilala ako nila. At sigurado akong titimo ako sa mga puso nila. Salamat sa Diyos dahil nasabi ko ang aking saloobin nang maayos at malaya.

 

Bukod sa papuri, papasalamat, at pride, nakatanggap din ako ng apat na chips at chocolate sticks as prizes sa bawat pag-share ko. Ibinigay ko ang malaking chips sa mga kasamahan ko. Naiuwi ko naman ang tatlo.

 

Masaya akong umuwi, lalo na’t nakasabay ako sa car ni Ma’am Joan. Nasabay rin si Ma’am Ivy.

 

Sa Tejero ako bumaba. Bumili ako ng sneakers sa isang boutique doon. Dalawang pares na for P999. Affordability over quality ang pinili ko. Every Friday lang naman ako magsusuot ng sneakers, e. Masaya na ako sa ganito. Besides, birthday gift ko na ito sa sarili ko.

 

Before 6, nasa bahay na ako. Wala si Emily pagdating ko.

 

Past 9:30, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Sa wakas!

 

 

 

Hulyo 19, 2024

Nang nagising akong bandang 4:10, sinikap kong makatulog uli hanggang tumunog ang alarm ng 5:00, pero hindi na yata ako nakatulog. Bumangon ako bago mag-five.

 

Sa limang araw na pagbiyahe nang maaga, ngayon lang ako nag-almusal. Kahit kape at peanut butter sandwich lang, okey na 'yon hanggang 10, kung kailan sini-serve ang almusal.

 

Six-twelve, nasakay na ako sa bus. I'm wearing my new kimono-style clothing and my new high-cut sneaker. Suot ko rin ang kasiyahan sa araw na ito.

 

Labis akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa 44 years na ipinagkaloob niya sa akin. Masayang-masaya ako sa buhay na mayroon ako ngayon. Pangako kong pagbubutihin o ang serbisyo ko sa aming paaralan.

 

Bago ako nakarating sa school bandang 7:45, nai-chat ko sina Ms. Krizzy at Ate Bel. Niyaya ko silang lumabas. Pumayag naman sila. Nag-suggest ako na mag-Seaside Paluto kami, pero parang ayaw nila kasi mahal daw. Nag-suggest si Ms. Krizzy sa MOA. May alam daw siya na masarap na kainan, pero mura. Pero desidido na akong sa Seaside ko sila i-treat.

 

Sa venue ng demo teaching ng kasama ko sa training, ako palagi ang tinatawag. Mabuti na lang ready ako. Nakapagsulat pa ako ng tula bilang group activity namin. Maayos naman niyang nairaos ang kaniyang pakitang-turo.

 

Hindi sana malalaman ng mga kaguro ko sa GES na birthday ko kung hindi nag-post si Emily ng birthday greetings. Naka-tag pa ako. Nag-post din si Flor, kaya marami ang bumati na hindi ko naman kilala. Next year, sasabihan ko sila.

 

Si Hermie nga, hindi niya talaga alam. Ayaw pang maniwala.

 

After lunch, nag-post test na lang kami, saka nag-closing program, at nag-photo op. Past 3 na natapos, kaya mga 4 pm, nasa Seaside na kami. Nagsara na pala ang suki naming paluto restaurant, kung saan ako nag-celebrate twice ng birthday ko. Pero, nakahanap kami ng masarap magluto sa MeSeaNa. Katapat niyon ang tindahan ng seafood na kilala ni Ms. Krizzy.

 

Hindi na kao nagulat nang nagbayad ako ng P2,500 sa isang kilo ng scallop, isang kilo ng suwahe, isang kilo ng sugpo, isang kilo ng pusit, at isang kilo ng isda. Kahit ganoon, wala akong pagsisisi dahil gusto kong masaya ako at mapasaya ko ang dalawa. Bihira kami magka-bonding-bonding. Isa pa may nais akong idulog sa kanila.

 

Sobrang dami ng pagkain namin. Hindi naman nakayang ubusin kaya lahat kami ay may takeout. Ang scallop ang inuwi ko. Buttered shrimp at pusit ang kay Ms. Krizzy. Tempura, sinigang, at kanin ang kay Ate Bel. Masaya ang lahat. Busog na busog.

 

Alam ko, magtatampo ang iba naming kaibigan, pero may rason naman kung bakit kaming tatlo lang ang lumabas-- kami kasi ang dumalo sa Matatag training.

 

Past 10 na ako nakauwi. Magkasunuran lang kami ni Emily. Sa sobrang pagod at antok, hindi na ako nakapagsulat kagabi bago natulog.

 

 

 

 

Hulyo 20, 2024

Parang nasanay ang katawan at ang mga mata ko na gumising nang maaga dahil sa limang araw na pagpunta sa training. Kaya naman ngayong araw, nagising ako bandang 6 am. Pagkaalmusal, bumalik ako sa kuwarto para magsulat ng nobela. Nag-reply din ako sa mga birthday greetings.

 

Ikinuwento ko kay Emily ang mga nangyari noong Huwebes sa Matatag training namin. Natawa rin siya.

 

After lunch, umalis kami ni Emily para maghanap ng skin care clinic na makakasolb sa problema namin. Ipatatanggal niya ang syringoma niya sa mukha. Ipatatanggal ko naman ang mga warts at skin tags sa mukha at leeg ko.

 

Sa Gluta Avenue kami pumunta. Located iyon sa gilid ng SM Rosario. Pag-inquire namin, at nang sinuri na ang skin tags ko, ni-refer kami sa ibang clinic, kung saan may dermatologist kasi may hindi raw ma-identify na black dots sa face ko. Parang nunal daw ang iba. Siguro natatakot magkamali o magtanggal, kaya itinuro sa amin ang ibang clinic.

 

Pagpunta namin doon—malapit lang naman, Lunes at Huwebes lang daw ang derma. Nakakabuwisit lang. Nag-decide na lang akong magtiis.

 

Pumasok muna kami sa SM at bumili ng dragon fruit-mango shake, bago namili sa RTW shop. Binilhan namin ng mga sando si Ion. Binikan ko rin si Emily ng shorts, payong, at sandalyas. Bumili rin ako ng sando, bucket hat, at shorts.

 

At bago umuwi, nag-grocery muna kami nang kaunti sa Puregold.

 

Past 3 na kami nakauwi. Umidlip ako hanggang 5.

 

Gabi, nagluto ako ng tortang talong with scallop. Yummy!

 

Pagkatapos mag-dinner, nakipagkuwentuhan muna saglit ako kay Emily, saka ako umakyat para magsulat. Isiningit ko ang panonood ng Reels hanggang sa malaman kong nag-start na pala ang PBB Gen 11, kaya nanonood ako sa YT.

 

Ten-thirty, nag-off na ako ng laptop. Hindi ako nakatapos ng isang chapter.

 

 

 

Hulyo 21, 2024

Past 6 ako nagising, pero hindi agad ako bumangon. Before 8 na ako bumaba para mag-almusal. Maagang nagising si Emily para magluto.

 

Past 8:30, humarap na ako sa laptop upang magsulat. Before 11, nakapag-post na ako sa Inkitt ng isang chapter. Pagkatapos, naisip kong gumawa ng video. Hinanap ko ang mga illustrations ko ng kuwentong “Ang Magkaibigang Langaw.” Sa paghananap ko, nakalkal ko nang halos lahat ang mga gamit ko, pero hindi ko pa nahanap. Naging kalat, Nagdesisyon na akong maglinis na lang ng kuwarto. Five na ako huminto. Although may hindi pa ako nakalkal, pero okey na rin. Natanggal ko na ang 80% ng alikabok. Nakapag-rearrange na rin ako ng mga gamit.

 

Bago mag-8, nakapag-transact ako ng renewal of PRC ID. Sa July 26 ko ipina-deliver.

 

Bago ako nahiga para matulog, nagsulat muna ako ng nobela. Nakasulat ako ng 400+ words.

 

 

 

 

Hulyo 22, 2024

Ako na ang naghanda ng aming almusal kasi halos ayaw pang bumangon ni Emily, since maaga naman akong nagising.

 

Pagkatapos naming mag-almusal, bandang 8:45, umakyat na ako para gumawa ng vlog. Dahil nahanap ko na ang illustrations ng isa kong kuwentong pambata, iyon na ang ginawaan ko ng video.

 

Dahil aalis si Emily, tumigil muna ako sa pagbu-voiceover. Nagluto muna ako ng aming pananghalian. Before 11, nakaluto na ako. Malakas naman ang ulan, kaya hindi ko pa maituloy ang paglalagay ng boses sa PPT ko.

 

Five-thirty, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Nakapghugas pa ako ng mga pinagkainan.

 

Past 8, tumawag si Ma’am Vi. Binalitaan niya ako tungkol sa posibilidad na makalipat ako sa Grade 6. Mas malaki na ang tsansa dahil sa nalalapit na early retirement ni Ma’am Amy. Kailangan na lang talagang mapapayag si Ma’am Lea.

 

 

 

Hulyo 23, 2024

Ang ganda ng mga panaginip ko. Ang last na panaginip ko nga ay tumatakbo ako pataas ng burol na may man-made na lupang hagdan, habang may dala akong mabigat na bagay. First time mangyari sa akin ang gayon. Kadalasan, napapagod ako sa panaginip. It means ba na magsa-succeed na ako sa aking mga ginagawa? Sana.

 

Gumising ako bandang 6:30 kasi sabi ni Emily, dapat makaalis daw siya bandang 8 am para sunduin si Ion sa airport.

 

Bumangon naman siya before 7 at naghanda na kami ng almusal. Past 8 na siya nakaalis.

 

Itinuloy ko ang paglalagay ng voiceover sa PPT. Gabi ko na ito nai-post. Ang sarap lang kasing manood, humilata, at magselpon dahil sa bagyo.

 

Past 9 na dumating ang mag-ina ko. Basang-basa sila.

 

 

 

 

Hulyo 24, 2024

Past 7:30 na ako nagising. Pinilit kong gumising kasi naisip ko na baka past 9 na—madilim lang. Past 8, bumaba na ako para maghanda ng almusal. Naglaga ako ng itlog, At naggisa ako ng corned beef.

 

Past 9:30, humarap na ako sa laptop para magsulat.

 

Ngayong araw, wala akong masyadong nagawa. Puro cell phone ako. Nakasulat din naman ako ng isang chapter, at nakapagsimula ng bagong kabanata. Nakapag-encode din ako ng na-screen capture ko sa WP. Then, bandang alas-2:30, umidlip ako hanggang 5 pm.

 

Gabi, nanood lang ako ng mga sinusubaybayan kong teleserye, then nahiga na ako. Hindi naman agada ko natulog. Mga 12 na ako nag-off ng wifi.

 

 

 

Hulyo 25, 2024

Past 7:30, gising na ako. Gusto ko pa sanang matulog, pero maliwanag na, at tumigil na ang ulan. Naghanda ako ng almusal namin ni Ion. Umalis na kasi si Emily, bago pa ako nagising.

 

Eight-thirty hanggang ten, naglalaba ako. Nakapag-gardening na rin ako nang kaunti. Nagkuskos ako ng semento dahil puro lumot na.

 

Past 10, humarap na ako sa laptop. Sana marami akong ma-accomplish ngayon. Nalalapit na angpasukan, kaya kailangan ko nang sulitin ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Baka bukas ay makapunta na ako sa school.

 

Bago mag-twelve, nakaligo na ako, nakalinis sa banyo, nakapagtapon ng mga basura kasi dumating ang dump truck, at nakapag-post ng isang chapter ng nobela sa Inkitt.

 

Past 5, lumabas ako para bumili ng mga sangkap ng sinigang na lulutuin ko para sa dinner. Nakaka-miss magluto. Hindi kasi masarap ang nabibili naming sinigang. Bukod sa puro sabaw, hindi pa malasa.

 

Pagkatapos manood ng mga sinusubaybayan kong teleserye, nahiga na ako. Naisip kong pumunta sa school bukas, pero binawi ko rin agad. Sa Sabado na ako pupunta. Ayaw kong maraming tao sa school kapag naglinis ako sa classroom ko. Besides, naglinis na roon si Marekoy. Nagpaalam naman ako.

 

 

 

Hulyo 26, 2024

Ang aga kong nagising! Mga quarter to 6 pa lang yata iyon. Hindi na ako nakatulog kaya nag-cell phone na lang ako bago ako bumaba para maghanda ng almusal. Hindi naman bumangon si Emily nang maaga. Sabi niya aalis siya ngayon, hindi pala.

 

Eight-thirty, humarap na ako sa laptop. Susulitin ko na ang araw na ito para magsulat dahil bukas nasa school ako.

 

Ngayong araw, nakapagsulat ako ng isang chapter ng nobela. At ang ibang oras ko ay ginugol ko sa social media. Mami-miss ko rin ito kapag may pasok.

 

Gabi, nagluto ako ng kangkong-mushroom sisig para sa aming hapunan.

 

Nalulungkot lang ako ngayong araw dahil wala nang balita kay Ma’am Vi. It means, Grade 4 pa rin ako.

 

Hindi makakauwi ngayong gabi si Emily.

 

 

 

Hulyo 27, 2024

Nauna pa akong magising sa alarm ko. Kaya past 5 pa lang, umalis na ako sa bahay. At bandang 7, nasa school na ako. Naroon na sina Ma’am Vi at Ma’am Madz.

 

Kinausap ako ni Ma’am Vi tungkol sa paglipat ko sa Grade 6. Sinabi niya sa akin na hindi matutuloy.

 

Nagkuwentuhan naman kami ni Ma’am Madz bago ako nagsimulang maglinis sa classroom.

 

Unang dumating ang isang nanay ng nagiging estudyante ko. Nag-mop siya ng sahig. Hindi nagtagal, dumating naman ang isang tatay. Nagpunas siya ng mga glass windows.

 

Past 10, tapos na kami. Matutuwa ang Grade 3-Cassoepia dahil sila ang unang gagamit sa classroom.

 

Dahil maaga pa, naki-bonding muna ako kay Sir Hermie, then tumambay ako sa classroom ni Ms. Krizzy. Nandoon si Kuya Allan. Doon na rin kami nag-lunch.

 

Hapon, bandang 2 pm, nakipagkuwentuhan ako kay Mareng Janelyn. Then, tumambay uli ako kay Ms. Krizzy. Nagpa-pizza si Kuya Allan.

 

Past 5, umuwi na ako. Past 8 na ako nakarating sa bahay. Wala pa rin si Emily.

 

 

 

 

Hulyo 28, 2024

Past seven, gising na ako. Anim na oras lang ang tulog ko. Kahapon, apat lang. Haist! Sana makabawi ako ng puyat.

 

Past 8, bumaba na ako para maghanda ng almusal. Before 10, bumalik ako sa kuwarto ko para magsulat. Kailangan kong makasulat ng isang chapter ng nobela ngayong araw. Subalit, wala akong naisulat ni isang salita. Hindi dahil nablangko ako, kundi dahil sa mga chat ng mga bago kong kaibigan sa social media. Gusto ko naman iyon kasi kailangan kong lumawak ang aking mundo.

 

Alas-tres, pagkatapos makiusap sa kaibigan ko sa Cebu, na 19 years old, umidlip ako. Past 4 na ako nagising.

 

Past 5, humarap uli ako sa laptop upang sumubok magsulat ng nobela. Before 10, nakapag-post na ako sa Inkitt ng isang chapter.

 

 

 

Hulyo 29, 2024

Nauna pa yatang akong nagising sa mag-ina ko. Paulit-ulit kong narinig ang alarm nila ng 4 am. Bumangon ako at kinatok ko ang wall para magising sila. Natulog uli ako, pero dahil umulan bandang quarter to 6, hindi na ako nakatulog. Hindi naman ako excited na pumasok, lalo na't umuulan, pero positibo akong magiging maayos ang unang araw ng klase sa Taong Panuruan 2024-2025.

 

Bago mag-8:45, nakasakay na ako sa bus. Sinikap kong makarating sa school kahit masama ang panahon. Wala namang suspension ng klase sa Pasay. Mabuti pa sa Tanza, meron na kahit late ang anunsiyo. Nakapasok na nga si Ion.

 

Before 11, nasa school na ako. Sabay-sabay kaming nag-lunch, maliban kina Sir Hermie at Sir Joel. Pagkatapos, sinalubong na namin ang mha estudyante namin.

 

Nahing maayos naman ang unang araw ng pasukan. Kalmado lang ako. Mukhang mababait ang mga estudyante ko. Kaya lang, ako yata ang may pinakamaraming estudyante. Nasa 43 na ang warm bodies ko. May mga nakiusap na ilipat sa akin. May 4 pang transferred in. Siguro, kilala ako nila bilang mabuti at mabait na guro

 

Nagpa-self introduction ako, nagpasulat ng pangalan, at nag-orient tungkol sa grading system ko. Binigyang-diin ko ang disiplina. At para hindi sila mainip, nagpalaro ako--bugtungan. Enjoy na enjoy sila lalo na't may premyong stars. Nainis lang ako kasi hindi pa sila masyadong marunong maglinis.

 

Past 8:30 na ako nakauwi sa bahay. Hindi naman ako masyadong pagod. At masaya ako sa mga nangyari.

 

Mas maaga akong natulog ngayong gabi kaysa kagabi.

 

 

 

Hulyo 30, 2024

Six-thirty, namamalansta na ako. Gusto kong pumasok nang maaga, kaya bandang 8, umalis na ako sa bahay. Nakapag-almusal ako. Maganda namang pang-umaga na ang pasok ni Zillion kasi si Emily na ang naghahanda ng almusal, hindi na ako. Ang gagawin ko na lang ay asikasuhin ang sarili at mga gamit ko sa pagpasok.

 

Ngayong araw, hiniling ko sa Diyos na sana maging maayos uli ang klase ko. Ilayo sana Niya ako sa matitinding pagsubok. At gabayan Niya ako sa aking pagiging adviser.

 

Hindi ko nagawang magsulat nobela habang nasa biyahe. Bukod sa inaantok ako, wala pa ako sa mood.

 

Past 10 or before 10:30, nasa school na ako. Gusto ko sanang gumawa sa laptop ng mga schoolwork, pero mahina ang net sa sports room, kung saan doon lang ako puwedeng tumambay. Hindi ako nakagawa nang kahit ano hanggang sa inabutan na kami ng lunch time.

 

Second day na. Medyo maayos na ang sistema sa pag-akyat ng mga panghapong estudyante. Sumunod rin ang karamihan sa sinabi kong magdala ng foot rug.

 

Nag-flag ceremony muna kami bago ang diagnostic test. Isinunod ko ang four fundametals. Ang addition amd subtraction muna ang pinagawa ko, bago lumipat si Sir Hermie. Nakapagpahinga ako kahit kaunting minuto. At nakapag-health break ako. Paglabas niya, nagpalinis na ako dahil almost 5:30 na.

 

After class, nag-send ako ng Gcash kay Taiwan para sa inabuno niya sa downpayment ng private resort, na pagdarausan ng birthday celebration ni Mama sa August 3 to 4.

 

Ngayong araw, marami-rami akony nadiskubre sa bagong klase ko. Mas nakilala ko ang ilan sa kanila. May hindi makabasa at makasulat. May Inglisero daw, kaya hindi makaintindi ng mga panuto. Maraming madadaldal. May nananakit. May mahiyain. May nanginginig ang kamay kapag tinatawag para sumagot sa pisara. Magkakaiba man sila, sigurado akong kayang-kaya ko silang i-handle.

 

Tuwang-tuwa naman ang former Buko. Dalaw sila nang dalaw sa akin, lalo na't nag-e-"eyyy muna" sign ako sa kanila. Ang ilan, sinasabihan ko na galingan palagi o kaya ay mag-aral nang mabuti.

 

 

 

Hulyo 31, 2024

Grabe! Alas-singko pa lang, gising na ako. Kulang na naman ako sa tulog. Haist! Mabuti, 11 pa lang yata kagabi, tulog na ako.

 

Past 6, natulog uli ako. Nag-alarm ako ng 7 am. Hayin, kahit paano ay nakaidlip ako.

 

Before quarter to nine, nasa bus na ako. Hindi na naman ako nakasulat ng nobela. Parang nawala na yata ang inspirasyon ko. Kailangan kong maibalik iyon dahil may mga followers akong nag-aabang.

 

Ngayong araw, may good news akong natangggap. Maililipat na ako sa Grade 6 dahil magre-retire na si Ma'am Amy. Ako ang ipapalit. Tinawagan ako ni Ma'am Vi. Kailangan ko raw i-confirm kay Ma'am Lea na gusto kong magpalipat. Kaya pumunta ako sa opisina niya. Medyo malungkot lang kasi kailangan ko pant hintayin ang parating na bagong guro, na siyang papalit sa akin. Baka mga 3 weeks pa raw iyon. Okey na lang din kaysa hindi. Mas gusto ko talagang mag-handle ng Grade 6 kaysa lowergl grades.

 

Natutuwa ako sa Grade 4 Buko ngayon kasi mas mababait sila kaysa sa last school year. Mas madali ko silang napapasunod. Kaunti lang ang makulit at tamad. Sana nga magtuloy-tuloy silang mabuti at responsableng mag-aaral. Kung hindi pa ako na-stress sa loob ng tatlong araw, sana palagi na hanggang sa makalipat ako. Gusto ko ring ipasa sila sa bagong guro nang disiplinado na.

 

Sinabay kami ni Ma'am Joan sa kanilang kotse. Siya ang nagmaneho. Nakatipid ako ng pamasahe. Pero nakarating ako sa bahay ng kaparehong oras.

 

 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...