Followers

Saturday, June 25, 2016

Biyaheng Pantasya

Pag-akyat niya sa dyipni,
ako ay kaagad nabighani
Umupo siya sa aking tabi.
Nakagat ko ang aking labi.

Paroroonan namin ay iisa,
kaya ako ay labis ang tuwa.
Ipinikit ang aking mga mata
at agad akong nagpantasya.

Ang aalog-alog na sasakyan
ay tila ako'y sinang-ayunan,
Bahagi ng aming mga katawan,
nagbabanggaa't nagkikiskisan

Ramdam ko, na may kuryente
at may pambihirang boltahe.
Dumaloy sa'king pagkalalake.
Ang pagtigas niyon ay sumige.

Pagpapakiramdama'y lumaon,
lumalim at gusto nang bumaon.
Mga braso'y nagha-honeymoon
at mga mata'y tila naghahamon.

Kasabay ng dyipni sa pagkadyot
ang aming mga isipang malikot,
pati hininga't amoy, sinisinghot,
ng aming mga pusong haliparot.

Pagpara niya'y ikinalungkot ko,
dahil pagniiig, biglang nahinto.
Ni hindi ko nakuha ang numero
Sayang! Hindi na maulit pa ito.

Thursday, June 23, 2016

Child-Friendly School

Isang umaga, naabutan ng principal si Mrs. Nager na nagagalit sa kanyang mga estudyante.

Hindi na bumati sa klase ang punungguro, gaya nang dati. Hindi na rin siya pumasok. Tinawag na lamang niya ang guro. Sa may pintuan sila nag-usap.

"What are you doing? You are yelling at your pupils..."

"Yes, Mam."

"Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka klase ng iba? Besides, it is a form of bullying."

"Bullying?" mataas na tonong tanong ni Mrs. Nager. Kumurba ang mga kilay niya.

"Yes! You must know that! I don't care, kung may problema ka sa bahay niyo. Huwag mong dadalhin dito. It affects your performances."

"Mam, may karapatan naman po akong magalit. Saka, hindi niyo po alam ang nangyari."

"No! It's a child-friendly school. You must know that."

Tumaas na ang dugo sa ulo ni Mrs. Nager. "Alam ko 'yun, Mam."

"Alam mo pala, e. So, huwag mong dalhin ang problema mo dito. Iwanan mo sa bahay niyo... Kaya ka, iniiwan ng asawa, e."

Akmang tatalikod na ang principal, nang tila nakarinig ng malakas na tunog ng gong ang guro. "Wait! I have something to tell you, Mam..."

"O, sure," anang punungguro. Malambing ang pagkakabigkas niya, pero nakairap ang mga kilay nito. "What is it, my dear?"

"When you leave our school, don't bring the school fund. Don't use it for your own consumption. Hindi niyo po ba alam, na it is a form of bullying? You should know that, Mrs. Cora Cottca."

Natigalgal ang punungguro, pagtalikod ni Mrs. Nager.

Dinampot naman ng guro ang projector na nabagsak ng kanyang mga mag-aaral.

Saturday, June 18, 2016

Liham, Lihim #24

August 19, 2007
Auntie Helen,
                Ang kapal ng mukha mo! Sino ka para maliitin ako? Sino ka para sabihing useless ang pinag-aralan ko? Sino ka sa tingin mo?
                ‘Wag mong ikumpara ang sarili mo sa akin. Hindi pa ako bigo. Ikaw? Gurang ka na. Sewer ka na lang hangga’t mamatay ka. Wala kang pinagkatandaan. Ang sama ng tabas ng dila mo. Kaya, pasensiyahan na lang tayo. GInago mo ako! Kung sayang ang edukasyon ko. Pwes! Ipapakita ko sa’yo..
                Asan ang diploma mo sa college? Ano-ano ba ang na-achieve mo? Ano ba ang estado ng pamilya m? Ano ba ang ipinagmamalaki mo? May property ka ba?
                Ang sagot, WALA! Kaya, ‘wag mo akong maliitin. Hindi pa ako laos. Hindi pa ako gurang. Hindi pa ako baliw, gaya mo. Baliw ka na! Kung ano-ano na ang pinagsasabi mo. Pati si Geraldine, sinisiraan mo. Walang ginagawang matino ‘yang bunganga mo. No wonder, sirang-sira ka na sa Infinite. Pinagtatawanan ka.
                Hindi na ako magtataka kung sinisiraan mo kaming lahat dahil pati nga ang baho ng pamilya mo, pinasisingaw mo. Ikaw rin pala ang nagtsismis na nagpalaglag si April. Parang ipinagmamalaki mo pa ang ginastos niyo sa pagpapa-abort. Kayabangan mo kasi…
                Ngayon, sino sa atin ang walang kuwenta?
                ‘Wag ka kasing magyabang. Hindi mo kayang panindigan!
                Tawagin mo na ako ng kung ano-ano. Basta ako, wala akong gingawang masama sa’yo at sa pamilya mo. ‘Wag mo lang akong gagaguhin. Peo, ginawa mo na. Wala akong galang sa mga palalong tulad mo. Pasnsiya po…
                Hindi na ako umaasang magkakaayos pa tayo. Kalimutan mo na ang pinagsamahan natin. Tutal, naging mabuting tao ako sa inyo. Dapat alam mo ‘yan dahil sa kabila ng lahat ng panggagago niyo sa akin, pinakitaan ko kayo ng mabuti.
                Paalam.
                Magpakabuti ka para magtamo ka ng respeto. Manahimik ka para magkaroon ng misteryo ang buhay mo. Don’t speak ill to others. Remember always the golden rules. Look at yourself in the mirror. Don’t fabricate WORDS.
                Goodluck sa ipinagmamalaki mong buhay, Donya Helena!

              Inggetera. Tsismosa.

Friday, June 17, 2016

Ama

Ang iyong kadakilaan
  ay aming pinasasalamatan,
  hindi lang sa kasalukuyan,
  kundi magpakailaman.

Mahal na mahal ka namin
  aming amang maalalahanin,
  gabay sa aming landasin,
  at suporta sa bawat naisin.

Ang aming pasasalamat
  sa pagmamahal na sapat,
  at sa iyong mga pagsisikap
  ay mas mataas pa sa ulap.

Tuesday, June 14, 2016

One Point

Nagbigay ng pre-test ang titser ni Raulito. Pagkatapos, nag-check sila ng mga papel.

"Jean, one mistake,'' announce ng guro.

Nagpalakpakan ang mga kaklase.

"Blanca, 34. Raulito, one..."

"One mistake po?" excited na tanong ni Raulito.

"One point!" Tiningnan nang masama ng guro si Raulito.

"One point? Anong masama doon, Mam? Noong umibig ako ng dalawang babae, marami ang nagagalit sa akin. Ngayong stick-to-one ako, masama pa rin ako. What's the point? Nasaan ang hustisya?"

"Itanong mo kay Mr. Bean."

Saturday, June 11, 2016

Pakikipagtalik ng Buntis

Ang pagdadalantao nga raw ang pinakamasayang karanasan para sa karamihang babae. Marami sa kanila ay natutuwa sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang katawan. Unti-unti paglaki ng tiyan. At ang pagsipa ng bata sa sinapupunan. Gayunpaman, hindi maikakailang may mga babaeng hindi biyaya ang turing sa pagbubuntis, kundi isang pasakit.
Totoo naman. Walang salitang maitutumbas sa hapdi at sakit ma idinudulot ng pagdadalantao at panganganak. Ang siyam na buwang pagdala sa sanggol ay isang nakaka-stress na bahagi ng buhay ng buntis. Kaya, mahalagang malaman nila na may apat na dahilan kung bakit mahalaga ang pakikipagtalik, kapag nagdadalantao. Walang nakakatawa, walang nakakahiya, at walang masama sa bagay na ito.
Mainam ang sex sa buntis dahil nakakababa ito ng blood pressure. Ang love hormone o oxytocin kasi ay lumalabas. Nakakabawas ito sa tensiyon na nararanasan ng isang buntis. Nakapapanatili nitong normal ang daloy ng dugo at nakakapagdulot ng kalmadong damdamin.
Ang pakikipagtalik ng buntis ay nakakatulong upang magkaroon siya ng mahaba at tuloy-tuloy na tulog. Dahil dito, maiiwasan niya ang back pain at madalas na pag-ihi sa gabi. Mas mabilis lumaki ang fetus.
Hindi totoong maaligasgas ang ari ng babae kapag siya ay buntis. May mga lalaking naniniwalang masakit makipagtalik sa buntis. Sa katunayan, ang oxytocin, na tinatawag ding bonding hormone at nakakapagpataas ng emotional attachment sa mag-partner. Ito rin ang dahilan kung bakit ang buntis ay nagiging sympathetic , supportive at trusting. Sa madaling sabi, ang sex ay nakakapagpalago sa pagtitinginan at pagmamahalan ng magpartner. Nagkakaroon ng intimate na relasyon ang dalawa 
Nababawasan rin ang sakit kapag nakikipagtalik ang buntis. Ang mga hormones na prolactin, o estrogenand progesterone ay nakakadagdag sa daloy ng dugo patungo sa pelvic area, kasama ang vagina. At, nagkakaroon ng madulas na likido sa kanyang puwerta.
Ang sex ay inirerekomenda pa nga ng ibang doktor dahil sa positibo nitong epekto sa mga buntis.

Friday, June 10, 2016

Alam Mo Ba? 2

May mga paraan upang guminhawa ang pakiramdam. Mayroon ding mga teknik para maibsan amg sakit. Tila mahika ang buhay.

Kapag hinipan mo ang iyong hinlalaki, babagal ang tibok ng puso mo.

Ayaw mong umiyak o tumulo amg iyong luha? Idilat mo ang iyong mga mata. Mas malaki, mas maigi. Hindi matutuloy ang iyong pagluha.

Ibabad sa iced water ang iyong kamay at unatin o i-flex ang mga daliri. Mawawala ang migraine mo.

Makati ang kagat ng lamok. Pero, matatanggal agad ang pangangati mo, kapag ini-spray-han mo ito ng deororant.

Minsan, ihing-ihi na tayo. Kaya lang, nasa sasakyan o wala tayong mahanap na CR. Kaya 'yan! Sa pamamagitan ng pag-iisip ng tungkol sa sex o pagkikipagtalik, mailalayo mo ang kagustuhan mong magbawas.

Ang pagkurot sa taong tawa nang tawa ay nakakapagpatigil nito.

Nahihirapan ka bang makatulog? Ito ang mabilis na paraan. Kumurap-kurap ka lang nang mabilis, sa loob ng isang minuto. Tiyak, dadalawin ka na ng antok.

Kung inaantok ka naman at ayaw mong matulog... huminga ka lang nang malalim hanggang kaya mo pang pigilan, at saka mo pakawalan.

Kung gusto mong mamemorize ang isang talumpati o anumang mga pangungusap, basahin ang mga ito bago matulog sa gabi. Paggising mo, sariwang-sariwa pa ito sa iyong alaala.

Baradong ilong dahil sa sipon? Maglagay ng sibuyas sa iyong tabi kapag matutulog ka na.

May sore throat ka? Kumain ka lang ng marshmallows. Naiibsan ang sakit nito.

May tinik sa iyong lalamunan? Kamutin lang ang iyong tainga.

Astig, 'di ba? Try mo.

Thursday, June 9, 2016

GAD

Sa Gender and Development Training...

Resource speaker: "Kailan mo nasabing lalaki ka?"

Participant: "Lumaki akong mga lalaki ang mga kalaro ko. Tatlo kaming magkakapatid. Puro lalaki. Kadalasan, mga lalaki rin ang mga kalaro ko. At taon-taon, lumilipat kami ng tirahan. Doon sa ibang lugar, mga lalaki rin ang kalaro ko. Sa Tarlac lang ako nagkaroon ng mga babaeng kalaro. Kaya, the next year, lumipat na naman kami sa Cainta. Sa isang dinner na inihanda ng tiya ko para sa aming pamilya, narinig kong sinabi ng Mama ko na, "Yan si Polano, mga babae ang kalaro niyan doon." Hindi ko alam kung ipinagmamalaki niya ako o ipinahihiya. Para sa akin, nakakahiya iyon. Halos mailuwa ko ang kinakain ko dahil sa pakiramdam ko, ipinahiya ako ng aking ina. But then, nagkaroon ako ng realization. Dapat pala, ang kalaro ng lalaki ay mga lalaki rin.

Wednesday, June 8, 2016

Resume of Classes Scenario

Good morning, class! I'm your adviser. Before, I say anything, I want you to introduce yourself. You, first...

What? Again, Mam...

Introduce yourself...

Ano po? Paano po?

Ipakilala mo ang iyong sarili!

Para ano, Mam? Para... para sabihing hindi kami bagay ng anak mo? Para laitin mo ang pagkatao ko? Opo, alam kung laki ako sa hirap, pero pinamulat ako ng mga magulang ko na may tiwala sa sarili at kakayahan. Kaya kong magkaroon ng marangal ma trabaho kahit hindi ako tapos sa pag-aaral...

S#*t! Next...

Friday, June 3, 2016

Paano Magluto ng Pancit Bihon

Sa malaking kawali, maggisa ng bawang at sibuyas. Yung mabango, katulad kung paano ka nagpabango sa boss natin at paano mo ako igisa sa sarili kong mantika para lang umangat ka.

Idagdag ang mga hiniwa-hiwang baboy at manok at hayaan mong maluto ang mga ito sa loob ng dalawang minuto. Oo, dalawang minuto mo lang lulutuin. Naalala mo noong niluto ninyo ang promotion mo? Ang bilis! Wala pa yatang dalawang minuto. Ang tindi mo! Samantalang ako, naging matiyaga, naging masipag, at naging produktibo sa loob ng mahigit dalawang taon para lang makuha ang inaasam na promotion. Aagawin mo lang pala!

Lagyan ng tubig at ihulog ang chicken cube. Pakulaan sa loob ng 15 minuto. Ihulog o ilaglag... Alam mo 'yan. Alam na alam mo kung paano manlaglag ng kasamahan. Hindi ko nga lubos maisip na kaya mo akong ilaglag at traydurin. Kaibigan pa naman ang turing ko sa'yo dati.

Ilahok na ang mga carrots, pea pod, cabbage, and celery leaves at pakuluan na sa loob ng ilang minuto. Huwag mong i-overcook. Hindi na masustansiya ang mga gulay kapag nasobrahan sa luto. Tingnan mo na lang ang sarili mo. Nasobrahan ka sa luto. Wala ka nang sustansiya. Wala nang naniniwala sa kakayahan mo.

Hanguin at ihiwalay ang lahat ng mga sangkap mula sa sabaw. Ihiwalay mo na rin ang sarili mo sa mga totoong tao. Hindi ka nararapat makihalubilo sa mga tunay na dumaan sa hirap, bago nakamit ang pangarap. Kami ang mga masasarap na sangkap. Sabaw ka lang.

Timplahan ng toyo ang sabaw. Kapag tinoyo ako, ang mala-sabaw mong utak at ugali ay mag-eevaporate, kapag pinakuluan na kita. Punong-puno na ako sa mga kabulastugan at kasakiman mo. Marami na ang mga nasasaktan mo.

Ilagay na sa kumukulong sabaw ang pancit bihon, na ibinabad sa tubig. Haluing mabuti. Dahil kumukulo na ang dugo ko sa'yo, malapit ka na. Maghahalo na ang balat sa tinalupan.

Kapag nag-evaporate na ang sabaw, ilahok na ang mga gulay at karne. Muli silang pakuluan sa maikling sandali. Wala naman akong magagawa, kahit pilit kong inilalayo ang sarili ko sa utak-sabaw na katulad mo, inilalapit ka pa rin sa akin ng tadhana. Na-realize ko nga na hindi ka maaaring ipagmalaki. Wala ka kasing lasa. Hindi mo kayang tumayo sa sarili mong mga paa. Samantalang ako, iginisa at iniluto nang may pagmamahal. Ikaw, latak ka lang mula sa aking mga pinaghirapan.

Ihain ito habang mainit. Share and enjoy! Magpakaligaya ka na dahil darating ang araw na ibabahagi ko sa iba ang mga kawalanghiyaan mo. Ihahain ko sa kanila ang pandaraya mo, habang mainit-init ang issue.

Bon appetit!

Salamat sa Lahat, Mam Joan!

Just like you, kami rin ay nalulungkot,
  sapagkat isa na naman ang ililipat.
Oo, ang mga puso nami'y nalulumbay
  sa hindi inaasahang bagay na ito.
Ang iyong pagiging ate at lider mo
   ay siyang aming mami-miss.
Naging bahagi ka ng aming buhay
   sa loob ng mahabang panahon.

Respeto sa kapwa at kabutihan
  ay aming nasalamin mula sa'yo.
Eksperto ka sa larangang napili mo
  at sa mga gawaing ng isang pinuno.
Mahal ka namin, Mam Joan,
  ang aming aktibong kaguro.
Aming pasasalamat, iyong baunin
  at itanim sa iyong puso.
Lagi mong iisipin at alalahanin
  na kami'y masaya sa'yong narating.
Ang iyong paglisan ay 'di kabiguan,
  kundi isang matamis na tagumpay.
Nawa'y sa puso at isipan mo,
  hindi mo kalilimutan ang Gotamco.
Tanawin mo ang iyong pinagmulan
  at lagi mong balik-balikan.
Enjoy your stay doon sa Bernabe,
   ang bago mong tahanan.

Salamat sa lahat!

Wednesday, June 1, 2016

Ang Aking Journal --- Hunyo, 2016

Hunyo 1, 2016 Walang kabuhay-buhay ang ikatlong araw ng Brigada Eskuwela. Ni halos walang dumating na volunteers para maglinis. Mas lalong walang donations na dumating. Nakakalungkot. Nakakaboring. Although, maghapon kaming magkakausap nina Ms. Kris at Emeritus, inantok pa rin ako. Hindi ko rin na-sustain ang panunuod ng youtube videos. Kanina, nag-usap kami ni Mareng Lorie tungkol sa Gender and Development na siyang naka-assign sa amin sa Inset. Since siya ang Focal Person at naka-attend sa seminar at ako naman ang coordinator, pinaghatian namin ang mga sub-topics. Two days kaming magto-talk sa seminar. Kailangan ko itong paghandaan. Kaya, bago ako natulog, nasimulan ko nang mag-research tungkol sa 'The Gender Division of Labor'. Hunyo 2, 2016 Kaninang umaga, tumawag si Emily para ibalita ma patay na si Mommy Ofie. Hindi na ako nabigla. Dapat na kasi siyang magpahinga. Nahihirapan na rin ang mga nag-aalaga sa kanya. Hindi ko nga naringgan ng matinding dalamhati ang asawa ko. Medyo na-late ako sa pagpunta sa school. Nauna na sa akin doon sina Ms. Kris at Emeritus. Nagbanlaw pa kasi ako ng mga binabad ko. Gayunpaman, pagdating ko, kumilos agad ako. Kinuhaan ko ng pictures ang mga volunteers. Matumal uli ang pagdating ng mga volunteers. Halos wala pang dalawampu ang dumalo. Nakakabugnot uli ang araw ko. Hindi pa naman natuloy ang pagpipintura namin. Hindi rin ako makapaglinis sa classroom ko dahil wala pang grade assignment. Magulo pa. Busy pa ang principal. Kaya, nagkuwentuhan at nagkainan na lang kami, habang naghihintay. Hunyo 3, 2016 Pagpasok ko, nakasalubong ko si Mam Loida. Binulungan niya ako tungkol sa paglipat ni Mam Joan R sa ibang school, bilang mandato bg superintendent. Pinagawa niya ako ng video presentation para sa kanyang despidida party. Nagawa ko naman bago nagsimula ang biglaang luncheon meeting ng faculty. Nagkaiyakan sila. Nalungkot din ako kahit paano. Pero, mas nalungkot ako nang hindi ko malaman na hindi ililipat si Sir Erwin. Pagkatapos niyon, nagkaroon na mga linaw ang grade assigenments naming lahat. Grade Six teacher na ako, pero hindi ko maha-handle-an ang V-Mars dati. Section 3 ako. Pero, nang iponauwi sa akin ang class organization upang i-edit, kinuha ko ang ibang matitinong pupils ko gaya nina Aussie, Stephen, Joshua L, Rica, Shaina at Desire. Sila lang ay sapat na para maging aktibo ang klase namin. Maipagpapatuloy ko rin ang advocacy ko sa writing. Sila kasi ang ilan sa mga desididong magsulat. Pasado alas-4 na ako nakauwi. Hindi na ako nagpahinga o umidlip. Agad kong hinarap ang paggawa ng powerpoint presentation ng lesson ko sa Gender and Development sa aming INSET next week. Halos matapos ko ang dalawang topic, bago kami nag-dinner ni Epr. Hunyo 4, 2016 Dapat ay may awarding of certificates kami ngayong araw. Bibigyan ng Certificate of Participation ang mga teachers na dumalo sa Brigada Eskuwela, lalong-lalo na ang nakakompleto ng anim na araw. Isa ako sa mga iyon. Kaya lang, umalis sina Mam. Wala rin ang iba. Mabuti na rin iyon dahil nakapaglipat na ako ng mga gamit ko, mula sa dati kong classroom patungo sa dating classroom ni Sir Ren. Nagpalitan lang kami. Sobrang hirap ang maglipat. Bukod sa mabibigat ang mga classroom furniture, mahirap pa ang magbalik ng mga salansan. Mahirap magligpit. Hindi ko nga natapos. Nakatiwangwang pa ang mahigit kalahati ng mga gamit. Hindi ko na kaya. Gayunpaman, may naipasok na ako. Sa Lunes, pagkatapos ng INSET, ipagpapatuloy ko ang pag-aayos. Itatapon ko na rin ang iba, lalo na ang mga gamit na hindi ko na kailangan as Filipino subject teacher sa Grade VI. Alas-kuwatro, nakauwi na ako. Sinubukan kong umidlip. Hunyo 5, 2016 Alas-5:10 nang bumangon ako para pumunta sa meeting place namin. Pasado alas-sais, umalis na kami. At, wala pang alas-otso ay dumating na kami sa Hidden Sanctuary Hotel and Resort, sa Prenza I, Marilao, Bulacan. Maganda ang lugar. Malaki. Kaya lang, malangaw at mabaho ang hangin sa paligid dahil sa piggery/poultry farm na nasa katabi nito. Nakadalawang cottage nga kami dahil masyadong malangaw sa una naming napili. Gayunpaman, pinilit kong mag-enjoy. Huling hirit na iyon sa tag-init, kaya kailangang masulit. Hindi naman ako nagpagil sa pagbabad sa tubig, kahit malabo at madumi na ang tubig, dahil sa sobrang tao. Akala ko'y wala nang masyadong mag-a-outing. Nakapag-bonding pa kami nina Sir Erwin, Ms. Kris, at Emeritus. Sayang wala si Mam Dang. Kompleto sana ang Tupa Group. Alas-singko ay nakauwi na ako sa boarding house. Antok na antok man ako ay hindi ako natulog. Ginawa ko uli ang powerpoint presentation ko. Hunyo 6, 2016 Unang araw ng INSET. Gaya ng dati, hindi na naman kaagad makapagsimula. Kaya naman, sumaglit ako sa pagpasok ng mga gamit ko mula sa labas hanggang sa bagong classroom ko. Ginawa ko rin ito bandang hapon. Konti ma lang ang ipapasok ko. Pero, andami ko pang dapat ayusin sa loob. Labo-labo pa ang mga gamit ko. Kailangan ko uling magbawas o magtapon ng gamit. Nanginig ako sa tuwa nang makita ko ang memo na nagsasabing isa si Sir Erwin sa ililipat ng school. Sobrang saya ko nang makita kong sa Gotamco ko siya ma-a-assign. God is really true to His promise. Pinakinggan niya ang aming dasal. Marami ang natuwa sa balitang iyon. At gaya ng expected, may ilang nalungkot at nataranta. Obvious din masyado ang principal namin. Ni hindi niya in-announce sa amin. Hindi ako naniniwalang wala siyang alam. Gayunpaman, wala siyang magagawa kung babalik si Papang. Sa ayaw at sa gusto niya, magiging masaya na naman mga hideouters. Sabi ko nga kay Sir, hayaan niya ang ilan sa mga nalulungkot. Ang mahalaga, mas marami ang gusto siyang makasama. Hunyo 7, 2016 Halos nahakot ko nang lahat ang mga gamit ko, paloob sa bago kong classroom. Kailangan ko lang talaga ng oras para harapin naman ang pagsasaayos nito sa loob. Ang ikalawang araw ng INSET namin ay naging exciting. Una, nagkaroon kami ng open forum nung wala si Mam. Pagdating niya, ibinulalas namin ang aming mga saloobin, hinaing, at suhestiyon. Nabigo man kaming marinig mula sa kanya ang nararapat na serbisyo at suporta, at least, nasabi naman. Alam kong nagkintal iyon sa kanyang puso. Sana ay gamitin naman niya sa tama ang pera ng paaralan. Pangalawa. Inihatid na si Sir Erwin. Tuwang-tuwa ako at ang mga tunay niyang kaibigan. Nakita ko naman kung paano umiwas ang mga plastic. Gayunpaman, maligaya ako dahil dininig ng Diyos ang panalangin namin. Naibigay na rin Niya ang senyales na kailangan kong manatili sa Gotamco. Hindi na ako lilipat. Hunyo 8, 2016 Unang araw ni Sir Erwin kanina, pagkatapos siyang ihatid kahapon mula sa PVES. Tahimik siya, pero nakipagtawanan, nakipagbiruan, at nakipagkuwentuhan ako sa kanya. Hindi ko nga lang nasabi sa kanya ang tungkol sa sign na hiningi ko sa Diyos. Siya iyon. Sabi ko, kapag nakabalik siya sa school, hindi na ako magpapalipat sa Aklan. Dahil marami ang naging resource speaker kanina, hindi kami nagkaroon ng chance magkausap nang matagal at seryosohan, lalo na't may mga iniiwasan rin siya. Marami akong natutunan ngayong araw, mula sa mga speakers. Bukas, simula na ang Gender Sensitivity Training na pangungunahan namin ni Mareng Lorie. Sana may matutunan sila mula sa akin. Bigla akong tumamlay nang malaman kung aalis si Epr ngayong hapon. Sa Pampanga siya mag-e-area bukas. Halos, mawalan ako ng ganang kumain. Nasanay na kasi akong makasalo siya sa pagkain, kahit ilang araw pa lang kaming nagkakasalo. Malamang bumalik na naman nito ang katamaran kong kumain. Hunyo 9, 2016 Handang-handa na sana ako para sa unang topic ko sa 'Gender and Development Training' ngayong araw. Kaya lang, si Mam ang magdi-discuss buong araw dahil wala siya bukas. Okay lang naman. Sumingit pa sa aming training ang discussant mula sa GSIS. Pinaliwanag niya ang mga benepisyo ng mga retired teachers. Kahit matagal pa akong magreretiro, naging interesado ako sa topic. Kaya naman, nanalo ako ng thermo nang magpalaro ang resource speaker. Naging matagumpay ang unang araw ng GAD Training. Bukas, kami na lang ni Mareng Lorie ang magha-handle sa mga kasamahan namin. Hunyo 10, 2016 Kahit naging mabilis ang pag-discuss ko ng mga topic ko sa GAD, alam kong maliwanag ko itong naihayag. Natuto sila kahit paano. Naaliw rin sila sa konting pakulo ko, gamit ang Like and Dislike icon. Natutuwa ako ngayong araw. Maraming bagay ang dapat kung ipagpasalamat. Una, naging matagumpay ang GAD Training namin. Pangalawa, nahalal ako bilang isa sa mga board members ng cooperative namin. Ako ang ang may pinakamataas na boto. Pangatlo, pangalawa ako sa may pinakamalaking dividend sa coop namin. Nakakatuwa dahil ang capital share kong P21,000 at bilang 5th highest seller sa canteen, nakatulong ang mga ito upang makatanggap ako ng P6,500+. Pang-apat, nakabili ako ng Converse shoes (blue) mula sa aking dividend. God is good all the time. Kahapon, naikuwento ko na kay Sir Erwin ang tungkol sa plano kong lumipat sa Aklan at sa senyales na hindi na dapat ako magpalipat dahil nakalipat na siya sa school. Iyon ang kasagutan sa panalangin ko. At kanina, magkabati na sila ni Tita Lolit. Hunyo 11, 2016 Sa school na ako nagkape. Wala pa kasing alas-siyete nang dumating ako doon. Pagkatapos kung magkape at kumain cookies, sinimulan ko kaagad ang paglilinis. Binawasan ko ang mga gamit at abubot ko. Binigay ko kay Ate Cris ang mga papel upang magbenta niya. Itinapon ko naman ang mga hindi na mapapakinabangan. Trineat ko ng lunch ang Tupa friends ko sa KFC. Si Mam Dang ang wala. Ang saya ng bonding namin. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Natapos ko naman ito bago kami nag-coffee bonding ni Papang. Nakapag-letter cut na rin ako ng "Welcome Back to School" at naidikit ko na sa rolling bulletin board. Ready na ako sa Lunes. Hunyo 12, 2016 Maaga akong gumising para pumunta sa Antipolo. Magme-meeting daw kami nina Jano, Chris, at iba pa naming pinsan para pag-usapan ang tungkol sa lupa ni Tito Ben. Araw ng Kalayaan. Maluwag ang kalsada. Libre pa ang pamasahe sa LRT. Kaya, alas-nuwebe pa lang ay nasa Bautista na ako. Natulog ako pagkalipas ng ilang sandali. Ewan ko ba kung bakit parang puyat na puyat ako. Paggising ko, nabasa ko ang PM ni Jano. Hindi makakarating si Chris. Hindi na ako nag-reply. Alam ko na ang ibig sabihin niyon. Hindi na ako pupunta sa bahay nila. Natulog uli ako pagkatapos mananghalian. Alas-kuwatro na ako nagising. Nagmeryenda lang ako, saka bumiyahe naman ako pauwi. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa 'first day of school' bukas. Hunyo 13, 2016 Alas-singko y medya ay nasa school na ako. Gusto ko sana kasing mag-almusal. Kaya lang, wala pang mabilhan. Hindi rin pala maganda ang masyadong maaga ang pasok. Gayunpaman, sinikap kong salubungin ang dati kong mga estudyante nang masaya. Nagulat ang karamihan nang makita nila ako at malaman nilang ako pa rin ang adviser nila. Ang unang araw ng pasukan ay tila nakakapagod. Masyadong matagal akong naghintay ng oras. Mas gusto ko pa rin ang nagpapalitan kami. Hindi bale, marami naman akong nagawa sa silid-aralan. Nakapagpasulat rin ako ng sanaysay at kuwento sa mga bata. Nakapagbigay din ako ng division problems bilang bahagi ng Four Fundamentals pre-test. Hindi naman ako nakauwi agad dahil nagpa-meeting pa si Mam. Inabot ako ng alas-kuwatro sa school dahil may ginawa pa ako pagkatapos ng meeting. Umidlip muna ako pagdating ko sa boarding house. Past five na ako nakapagkape. Sinimulan ko ang Topaz: The precious moments. Ito ang official publication ng VI-Topaz, bilang kapalit ng The Martian. Naisama ko doon ang dalawa sa akda nila kanina. Kapag nakaipon ako ng maraming pahina nito, makakabauo na kami ng isang magazine o kaya ng isang report. Bukas, siguradong kokonti ang estudyante ko o namin dahil nasunog ang mga kabahayan sa Cuyegkeng Street. Hunyo 14, 2016 Ikalawang araw ng SY 2016-2017. Tama ako. Kumonti ang pupils ko. May umabsent dahil nasunugan kagabi. Gayunpaman, naging productive pa rin ang mga pumasok. Nagpa-subtract ako. Naglesson ako gamit ang isang tula. Pagkatapos ay nagpa-activity gamit ang graphic organizer. At ang pinakamaganda, nakapagpasulat ako ng sanaysay, kuwento, at tula. Alas-dos, nag-meeting kaming GES Coop Board of Directors. First time. Nalaman kong may P400 palang bayad kapag may pulong. May libreng meryenda pa. Hindi naman mahirap ang ginawa namin. Gumawa uli ako ng publication ng Topaz. Nakapag-post rin ako ng mga napili kong akda ng mga bata. Naisip kong gawin ito araw-araw. Sana lagi kaming may time para sa pagsusulat. Hunyo 15, 2016 Hindi ako nahirapan sa klase ko. Nagturo kasi ako ng 'parirala'. Naenjoy namin ang araling ito. Nakapagpasulat pa ako ng sanaysay. Naging abala rin ako sa paghahanda ng classroom ko para sa posibleng observation at pagbisita ng mga matataas na opisyal ng DepEd Pasay. Kanina nga ay dumating ang superintendent. Hindi nga lang Umakyat. Sayang nga, e. Ready pa naman ako. Pagkatapos ng klase, tinutulungan ko si Ms. Kris sa paggawa ng report niya sa Brigada Eskuwela. Halos ako ang nag-layout. Naiuwi ko pa ang 3/5 nito dahil ginahol na ako ng oras sa school. Natapos ko naman ang report niya ng bandang alas-9 ng gabi. Hunyo 16, 2016 Nakapag-almusal ako kanina sa wakas, bago mag-flag ceremony. Naging active at energetic ako. Napansin ko rin na panay ang patawa ko sa mga estudyante ko, habang may ginagawa sila. Naging productive kami ngayon. Nakapag-pretest kami. Nagpa-four fundamentals. Pumunta sa clinic at pinatimbang ang mga bata. Atbp. Kaya, nang bumisita ang principal sa classroom namin, maganda at maayos ang naabutan nila. Nagkaroon din ako ng chance na makipagkuwentuhan kay Mareng Janelyn. After class, tinapos ko na ang report ng Brigada Eskuwela. Naibigay ko na kay Ms. Kris ang soft copy nito bandang alas-4 ng hapon. Pagkuwa'y umuwi na ako. Nag-power nap lang ako, saka ako nagbasa at nagpost ng mga akda ng pupils ko kanina. Marami-rami rin akong napili at naipost. Makakaipon na naman kami para sa isang newspaper o literary magazine. Hunyo 17, 2016 Nadagdagan pa ng isang taga-ibang section ang klase ko. Noong Miyerkules, dalawa na ang inilipat sa akin. Sila pa naman ang mga mukhang hindi magpapahuli ng buhay. Mukhang mababait naman sila, kaya lang hindi ako kampante na kasama sila. Pipilitin ko na pang silang matanggap. Ayaw ko lang na maapektuhan ang mga dati kong estudyante. Ngayong araw, marami kaming naging activities. Nagpa-pretest ako. Nagturo sa Filipino at Hekasi. Nagpa-quiz. Naggawa ng greeting cards para sa kanilang mga ama. At namigay ng nga libro. Nakapaghanda rin pala ako ng visual aid sa AP. Past two, nagkaroon ng closing program sa Inset, Brigada Eskuwela at GAD. Naiinis ako dahil natagalan pa ang pag-uwi ko. Nasa bahay pa naman na si Epr. In-edit ko ang sinimulang narrative report ng GAD ni Mareng Lorie. Hindi ko ito natapos dahil kulang pa ng pictures. Hindi pa niya sinend. Hunyo 18, 2016 Pupunta naman talaga ako sa school, pero tinawagan pa ako ni Ms. Kris dahil pupunta siya para sa asikasuhin ang pagpipintura ng City Service Corporation. Pagkaligo ko, pumunta na ako sa school. Nandoon na siya at ang mga volunteers. Maya-maya lqng ay nagsimula nq ang paggawa nila. Nag-picture-picture lang ako, saka kami nag-almusal. Mga past nine na dumating si Sir Erwin at Mam Edith. Pero, ayos lang dahil nag-volt in na naman kami. Pare-pareho kaming nainis sa asta ng punungguro namin. Kaya nang matapos ang pagseserbisyo ng City Service, pinagahati-hatian namin ang mga natirang pintura at mga naiwang cleaning materials, gata ng tambo, dust pan, mop, timba, basahan, at iba pa. Malaking halaga rin ang mga iyon kung iko-convert sa pera. Sulit ang pagpunta ko. May binigay pa nga sa aming packed lunch. Alas-tres, umuwi na kami. Gusto ko sanang gumala o pumunta sa bahay ni Ms. Kris, kaya lang ayaw ni Sir Erwin. Kinonsedera ko rin siya. Tatapusin niya kasi ang report ng Brigada. Marami akong na-accomplish ngayong araw through my laptop. Nagawa ako ng Topaz publication. Nakapagsend ng story sa KLPP. Nakapag-email din ng manuscripts sa Barubal Publication. At nakapag-layout ako ng profile o achievement ko na ilalagay ko sa portfolio ko. Si Emily ay nagchat sa akin. Nakausap at Nakakuwentuhan niya raw si Ninong Rolly. Umuwi raw kasi noong lamay ni Momny Ofie. Ngayon ay nagpapagamot siya dahil may nangungulam raw sa kanya. Gusto ko sanang tanungin kung natanong niya na bakit niya ako blinock sa FB. Kaya lang, naisip ko na huwag na lang. Ma-realize niya na lang sana na wala naman akong ginawang masama sa kanya. Isipin na lamng niya na may nagagalit sa kanya dahil (baka) siya ang may hindi magandang ginagawa sa kapwa. Hunyo 19, 2016 Fathers' Day ngayon. Hindi ko kasama ang mga anak ko o ang pamilya ko. Imbes na magmukmok, pumunta ako sa school. Doon ay nagpaka-busy ako. Nagpintura. Nagtanim. Naglinis. Naghanda ng learning materials. Naglaba ng kurtina. Atbp. Sulit ang okasyon. Less gastos pa. Pag-uwi ko, wala na si Epr. May area na naman siya. Tuguegarao. Nagchat kami ni Emily tungkol kay Ninong Rolly. Marami akong nalaman tungkol sa kumare namin. Natatawa ako. Hunyo 20, 2016 Nagsimula na kaming magpalitan ng klase kanina. Medyo hindi lang nasunod ang iba dahil kailangan nilang makuhanan ng weight ang mga bata nila. Napansin kong mahaba ang vacant period ko sa umaga. Nakakainip din pala. Di bale, magagawa ko naman ang dapat gawin sa mga oras na iyon. Ang bilis lang ng oras pagkatapos ng klase. Nag-stay ako sa classroom ko para sa paperworks at sa visual aids, nang namalayan kong alas-kuwatro na. Grabe tatlong oras na pala iyon. Ni hindi pa ako natapos. Kahit nang nasa boarding house na ako, kapos pa rin ako sa oras. Andami ko pang dapat gawin sa laptop ko. Kailangan nang magpahinga. Gayunpaman, thankful ako dahil naging produktibo ang araw ko ngayon. Alam ko ring marami ang natuto sa akin. Hunyo 21, 2016 Sa school na ako nagkape. Ito ay habang naghihintay na magsimula ang flag-raising cermony. Natuwa akong pagmasdan ang mga estudyante kong maagang pumasok. Naging maayos naman ang mga klase ko ngayong araw. Naging masigasig na matuto ang bawat klaseng papasukan ko. Nakaka-inspire. Maaga akong umuwi. Tinapos ko lang gawin ang mga learning materials ko para bukas. Sa boarding house naman ay nag-layout ako ng "Topaz: Precious Moments". Siyempre, may kasamang post iyon ng mga napili kong akda ng mga bata. Natutuwa ako sa mga sulatin nila. Kahit paano ay may napipili ako. Marami pa nga akong dapat basahin at pagpilian. I just need time. Hindi bale na kung wala akong maisulat para sa aking wattpad. Ang mahalaga ay maging aktibo ang klase ko sa pagsusulat. Dahil nagtatampo ako kay Jeff, hindi pa rin ako nagsimba sa Eme. Hanggang hindi niya natatapos o napa-publish ang libro naming 'Trip to Mars'. Hindi ko siya kikibuin o hindi ako magpapakita sa kanya. Sana lang ay maramdaman niya ang pagpapaasa at pambibitin niya sa amin. Naisip niya man lang ang down payment ko. Kahit nga ang t-shirt na pinapa-print ko ay hindi niya pa naibibigay. Nakakasama ng loob. Hunyo 22, 2016 Hindi kami nagpalitan ng klase dahil nagkaroon ng Manila Shake Drill. Alas-nuwebe iyon ng umaga. Apektado ang mga schedule namin. Natuwa naman ako dahil nakapagpasulat ako ng sanaysay, tula, at balita. Nagturo ako ng tugmang-bayan at mga bantas. In-apply lamang nila ang nga iyon. Pagkatapos ng klase, nakisabay ako kay Sir Erwin sa paglalakad. Naisipan naming kumain ng taho sa Sanitarium. Nakita pa nga kami si Sir Gali. Naki-join naman siya sa amin, pero hindi naman nagtagal. Kami ni Sir ay nagkuwentuhan pa. Bago ako umuwi, nagpadala ako ng pera kay Emily. Nagbayad na rin ako sa boarding house. Eight thousand mahigit agad ang nabawas sa sahod ko. Kailangan ko pang bisitahin si Mama. Hunyo 23, 2016 Inspired akong magturo kanina. Panay ang patawa ko. Kahit ang last section ay nakuha ko ang atensiyon. Medyo, mahirap nga lang silang disiplinahin pero hindi ako susuko na turuan sila. Kahit pa dalawa ang subjects ko sa kanila. Alam kong ang visual aid ko ay isa sa mga nakakadagdag ng interes. May adorno kasi ito sa mga gilid. Kaya naman, ipinagpatuloy ko ang pagdedekorasyon sa Manila paper. Ipagpapatuloy ko ito hanggang kaya pa ng panahon ko. Dumating na si Epr. Ngayon lang siya hindi nagtext sa akin bago siya dumating. Hindi tuloy ako nakabili ng meryenda. Mabuti may kape akong nabitbit mula sa stock ko sa school. Bukas, uuwi ako sa Antipolo. Hunyo 24, 2016 Kung kahapon ay natuwa ang mga pupils ko sa akin, kanina ay natawa sila sa mga antics ko. Habang kasi binabasa ko ang mga pangungusap ay iniiba ko ang boses ko. Nag-re-request pa nga sila. Gayahin ko raw si Kris Aquino. Effective naman. All ears sila. Kaya lang, pagdating sa lowest section ay biglang bumaba ang energy level ko dahil pasaway talaga sila. Bakit ba naman kasi dalawa pa ang subject ko sa kanila? Pagkatapos ng klase, gumawa lang ako ng visual aid, saka ako bumiyahe papuntang Antipolo. Nag-grocery ako sa Gate 2. Tuwang-tuwa si Mama. Prayer heard daw. Nakasakay ko pa si Taiwan. Kaya lang alam niyang 'di kami nag-uusap. Hunyo 25, 2016 Maaga pa lang ay bumiyahe na ako pauwi sa Pasay. Gusto ko kasing pumunta sa school para maipagpatuloy ko ang pagpintura. Nag-grocery muna ako bago ako umuwi sa boarding house. Doon na rin ako nag-lunch. At, pasado alas-dose nasa school na ako. Wala akong inaksayang oras. Nagpintura ako ng table at cabinet ko. Nakapag-type ako ng memo ni Emily sa tablet ko. Kuwento niya iyon. Gusto ko na kasing i-delete ang mga laman niyon, bago ko ibigay kay Hanna. Nagbago na ang isip ko. Ibibigay ko na sa anak ko. Hindi ko rin naman nagagamit. Masisira lang. Nasa school ako nang dumating si Epr sa boarding house. Hinanap niya ako. Bago mag-alas-singko na ako nakauwi. Inilaan ko naman ang oras ko sa pagta-type ng mga akda ng pupils ko at ng journal ko. Hindi tuloy ako nakapagbabad ng labahan. Hunyo 26, 2016 Niyaya ko si Epr na mamasyal kami sa Luneta. Ibinida ko sa kanya ang National Museum. Alam ko kasing hindi pa siya nakakapasyal doon. Ang plano ko talaga ay pumunta sa event ng Public Arts and Spaces na pinangangasiwaan ng NCAA. Tungkol kasi sa doodling ang activity nila ngayon. Pumayag naman agad si Epr. Interesado siya sa museum. Siya pa nga ang naunang naligo. Alas-onse ay nasa NM na kami. Alam kong rin nag-enjoy siya sa mga visual arts at sa mga artifacts. Kahit umulan at nabasa pa ang mga sapatos namin nang lumabas kami sa Legislative Building, okay lang. Pumasok pa rin kami sa isa pang building, pagkatapos naming mag-lunch. Then, dumalo na kami sa doodling activity sponsored ng Titus. Napilitan lang siguro siya, pero nang makatanggap kami ng libreng t-shirt, natuwa na siya. Hinintay niya lang akong magawa ko ang doodle ko. Marami akong natutunan sa event na iyon. Sulit ang oras at pera ko. Nag-PM kanina si Jeff. Nangako siyang matatapos na ang libro sa September. Sinabi rin niyang sa July na siya mag-practice teaching sa GES. Nag-send ng ako ng like icon. Naiinis pa rin ako. Hunyo 27, 2016 Hindi gaanong masigla ang pagtuturo ko kanina. Totoo nga pala talaga na ang almusal ay may mabuting dulot sa katawan at kaisipan ng tao. Hindi ako nakapag-almusal nang maayos, kaya wala ako sa mood. Nang nagpasaway nga ang last section, hindi na ako nagturo. Pinakopya ko na lang sa kanila ang visual aid ko. Besides, ayaw talaga nilang umayos. Gayunpaman, nagturo ako sa ibang klase. Binasahan ko pa nga sila ng kuwento. Pinaghandaan ko naman ang lesson ko para bukas. Hindi agad ako umuwi para lang maadornohan ang Manila paper at maisulat ko doon ang mga lessons ko. Hunyo 28, 2016 Hindi kami nagpalitan ng klase dahil nag-meeting kami. Ni-relay ni Mam Gigi ang napag-usapan nila kahapon. Then, gumawa kami ng class program. Binago kasi ang oras ng pasok. Isa pa, binawasan ng load si Mam Lolit, since magre-retire na siya at mag-leave sa August. Maiiwan niya lang naman sa akin ang Filipino. Nagturo naman at nagpa-activity ako sa pupils ko. Nagkuwentuhan kami. Nagkulitan. Nakapag-start na rin ng pag- decorate ng rolling bulletin board ko. After class, binisita ako ng dating kong pupils, na si Angelika Agas. Nakipagkuwentuhan siya sa akin. Ang dami niyang kinuwento--- tungkol sa stepmother and stepsister problems, studies, at iba pa. Pag-uwi ko, hinarap ko naman ang pag-doodle ng VI-Topaz at ng mga names namin. Hindi ko ito natapos dahil kailangan ko namang mag-layout ng 'Topaz:Precious Moments'. Nakadalawa ako ngayong gabi. Tumawag si Emily. Parang in-expect niya na sosorpresahin ko siya sa birthday nila ni Zillion. Hindi ko iyon naisip. Magastos kasi. Isa pa, kailangan kong handaan si Hanna. Kailangan ding matuloy ang blowout treat ko sa Grade Six at sa Tupa. Nakaplano na, e. Hunyo 29, 2016 Nagpa-activity ako sa VI-Topaz, gamit ang comic strip at 'dalawang ayos ng pangungusap'. Enjoy na enjoy sila, lalo na't may background na sila sa pagsulat ng kuwento. Kung magagawa ko lamang sa ibang seksiyon, mas okay sana. Kaya lang, kung hindi kulang sa oras, ay maingay at magulo ang klase ng iba. Parang hindi ko maisasakatuparan nang maayos. Pero, hamon ito para sa akin. Hihintayin ko lang na maging maayos na ang schedule namin. May mga pagbabago na naman kasi. Sa Section Amethyst naman ay nagturo ako nang masigla. Tuwang-tuwa na naman sila. Maiyak-iyak naman ako tawa dahil ginagawa nila akong clown. Okay lang naman. Basta sa ngalan ng 'learning'. Nagpabasa pa sila ng kuwento. Sa Section Aquamarine lang ako hindi makapagbiro masyado. Kapag pinakitaan ko kasi sila ng ngiti, mas lalo silang mawawalan ng takot sa guro. Sinabi ko na lang kanina na lugi ang mga guro kapag hindi nagtuturo, dahil naghanda at gumastos para sa visual aids pero hindi naman sila interesado. Alam nilang binabaligtad ko lang. Kaya lang, wala talaga silang pagpapahalaga sa edukasyon. Mas gusto ko pa ngang mag-self-contained na lang ako. Excited akong magturo kapag sa advisory class ko. Mas marami silang natutunan at mas marami akong naibibigay na bagong gawain. Excited din akong i-layout ang mga akda nila. Nakakaadik. Gusto ko na uling mag-issue ng bagong magazine namin at diyaryo, kaya lang busy pa. Hunyo 30, 2016 Hindi ako masyadong nagalit sa bawat klase ko. Ang last section ay hindi masyadong magulo. Palibhasa absent ang 15 pupils doon. Karamihan ay mga lalaki. Sa third section naman ay naging comedian uli ako. Gustong-gusto nila na pinapatawa ko sila habang nagtuturo. Gusto ko rin naman iyon dahil mas natututo sila. Nagiging youthful pa ako. Wala dahilan para sumimangot, kahit maraming issue sa school, admin, at co-teachers. Ayaw ko nang magpaapekto sa kanila. As long as masaya ako sa pagtuturo, wala akong dapat ipangamba o ikabagabag. Bago nga ako umuwi, inihanda ko ang pang-summative test para bukas. Na-print ko na rin ang attendance sheet para sa HPTA meeting. At, naihanda ko na ang portfolio namin. Gusto ko pa nga sanang gawin ang rolling bulletin board, kaya lang inantok na ako. Sa boarding house naman, nag-layout ako ng certificate para sa mga naka-perfect ng attendance ngayong June. Natapos ko na rin ang doodle ng VI-Topaz. Busy ako lagi para sa mga estudyante. Hindi ko na nga naa-update ang mga nobela ko sa wattpad. Pero, okay lang. Masaya naman ako sa aking ginagawa. Isa pa, makakapaghintay naman ang mga akda ko.

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...