Followers

Thursday, June 23, 2016

Child-Friendly School

Isang umaga, naabutan ng principal si Mrs. Nager na nagagalit sa kanyang mga estudyante.

Hindi na bumati sa klase ang punungguro, gaya nang dati. Hindi na rin siya pumasok. Tinawag na lamang niya ang guro. Sa may pintuan sila nag-usap.

"What are you doing? You are yelling at your pupils..."

"Yes, Mam."

"Hindi mo ba alam na nakakaistorbo ka klase ng iba? Besides, it is a form of bullying."

"Bullying?" mataas na tonong tanong ni Mrs. Nager. Kumurba ang mga kilay niya.

"Yes! You must know that! I don't care, kung may problema ka sa bahay niyo. Huwag mong dadalhin dito. It affects your performances."

"Mam, may karapatan naman po akong magalit. Saka, hindi niyo po alam ang nangyari."

"No! It's a child-friendly school. You must know that."

Tumaas na ang dugo sa ulo ni Mrs. Nager. "Alam ko 'yun, Mam."

"Alam mo pala, e. So, huwag mong dalhin ang problema mo dito. Iwanan mo sa bahay niyo... Kaya ka, iniiwan ng asawa, e."

Akmang tatalikod na ang principal, nang tila nakarinig ng malakas na tunog ng gong ang guro. "Wait! I have something to tell you, Mam..."

"O, sure," anang punungguro. Malambing ang pagkakabigkas niya, pero nakairap ang mga kilay nito. "What is it, my dear?"

"When you leave our school, don't bring the school fund. Don't use it for your own consumption. Hindi niyo po ba alam, na it is a form of bullying? You should know that, Mrs. Cora Cottca."

Natigalgal ang punungguro, pagtalikod ni Mrs. Nager.

Dinampot naman ng guro ang projector na nabagsak ng kanyang mga mag-aaral.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...