Ang pagdadalantao nga raw ang pinakamasayang karanasan para sa karamihang babae. Marami sa kanila ay natutuwa sa mga pagbabagong nagaganap sa kanilang katawan. Unti-unti paglaki ng tiyan. At ang pagsipa ng bata sa sinapupunan. Gayunpaman, hindi maikakailang may mga babaeng hindi biyaya ang turing sa pagbubuntis, kundi isang pasakit.
Totoo naman. Walang salitang maitutumbas sa hapdi at sakit ma idinudulot ng pagdadalantao at panganganak. Ang siyam na buwang pagdala sa sanggol ay isang nakaka-stress na bahagi ng buhay ng buntis. Kaya, mahalagang malaman nila na may apat na dahilan kung bakit mahalaga ang pakikipagtalik, kapag nagdadalantao. Walang nakakatawa, walang nakakahiya, at walang masama sa bagay na ito.
Mainam ang sex sa buntis dahil nakakababa ito ng blood pressure. Ang love hormone o oxytocin kasi ay lumalabas. Nakakabawas ito sa tensiyon na nararanasan ng isang buntis. Nakapapanatili nitong normal ang daloy ng dugo at nakakapagdulot ng kalmadong damdamin.
Ang pakikipagtalik ng buntis ay nakakatulong upang magkaroon siya ng mahaba at tuloy-tuloy na tulog. Dahil dito, maiiwasan niya ang back pain at madalas na pag-ihi sa gabi. Mas mabilis lumaki ang fetus.
Hindi totoong maaligasgas ang ari ng babae kapag siya ay buntis. May mga lalaking naniniwalang masakit makipagtalik sa buntis. Sa katunayan, ang oxytocin, na tinatawag ding bonding hormone at nakakapagpataas ng emotional attachment sa mag-partner. Ito rin ang dahilan kung bakit ang buntis ay nagiging sympathetic , supportive at trusting. Sa madaling sabi, ang sex ay nakakapagpalago sa pagtitinginan at pagmamahalan ng magpartner. Nagkakaroon ng intimate na relasyon ang dalawa
Nababawasan rin ang sakit kapag nakikipagtalik ang buntis. Ang mga hormones na prolactin, o estrogenand progesterone ay nakakadagdag sa daloy ng dugo patungo sa pelvic area, kasama ang vagina. At, nagkakaroon ng madulas na likido sa kanyang puwerta.
Ang sex ay inirerekomenda pa nga ng ibang doktor dahil sa positibo nitong epekto sa mga buntis.
No comments:
Post a Comment