Pag-ibig mo'y singlakas ng punglo,
na tumarak sa aking pagkatao.
Nagkakulay ang aking mundo
dahil sa higpit ng mga yakap mo.
Buhay ko'y tila protektado
kapag ikaw ang kasama ko
sapagkat may isang sundalo
na tagapagtanggol ko.
Subalit, katulad ng giyera't gulo,
kailangang magwakas na ito.
Ipinaglalaban nati'y 'di totoo,
Pagmamahalan, saan patungo?
Patawad kung ako'y lalayo
at hahayaan kang nagdurugo.
Sugatan rin ang aking puso
nang ako sa'yo ay lumayo.
Hindi ako maaaring mabilanggo
sa pag-ibig mong ipinangako.
Sandata'y magiging luha't dugo,
kapag nagsanib-puwersa tayo.
Salamat sa pagmamahal mo!
Ito'y ramdam ko, kahit magkalayo.
Ngunit, hanggang dito na lang tayo.
Bandera ko'y aking nang isusuko.
Patawad, patawad, irog ko...
Hindi ako nararapat sa iyo.
Ika'y bumalik na sa pamilya mo,
Pagkakamali ko ri'y itatama ko.
Followers
Thursday, January 12, 2017
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment