Followers
Sunday, January 1, 2017
Ang Aking Journal -- Enero 2017
Enero 1, 2017
Sinalubong talaga namin ang bagong taon. Hindi ko nga lang nailabas ang aking kasiyahan dahil nahihiya ako kay Epr. Gusto ko sanang humiyaw, yakapin at i-kiss ang aking mag-ina. Di bale, obvious naman na masaya ang bawat isa sa amin.
Past 1 na kami natulog at nine o'clock na kami nagising. Maghapon kaming kumakain ng mga handa namin. May natira pa nga. Haist! Ang hirap ng walang ref.
Maghapon lang kaming nanuod ng tv. Enjoy naman. Mami-miss ko ito dahil sa January 3, balik-eskuwela na.
Enero 2, 2017
Alas-siyes ng umaga, bumiyahe kaming tatlo papuntang Baclaran. Nauna na si Epr, kaya walang tao sa bahay.
Ang mag-ina ko ay pumunta sa Taguig para kunin kina Edward ang mga gifts nila. Ako naman ay pumunta sa Manila, sa workplace ni Kuya Jape, para ibigay naman ang mga gifts ko sa mga pamangkin ko at kay Mama Leling.
Nakipagkiwentuhan ako kay Aileen hanggang alas-dos. At, sumabay ako sa kanila hanggang Cubao. Pauwi na sila sa Bulan.
Past 4 naman ako nakarating sa Bautista. Nakipagkuwentuhan ako kay Mama. Hindi ako nagkamali. Masaya siya kahit hindi kami magkakasama noong Pasko at Bagong Taon. Naunawaan niya ako.
Natagalan ako doon dahil hinintay ko pa sina Flor. Sila ang naghatid ng mga gifts ko kina Jano at sa mga anak ko. Past 6 na kami nakaalis sa Bautista. Sina Emily at Ion naman, nasa bahay na bandang alas-siyete.
Pagdating ko sa Francia, andaming commuters na nabalahaw, kaya minabuti kong maglakad hanggang Masinag. Doon ako nakasakay pa-LRT. Siguro, inabutan ako ng hatinggabi doon kung hindi ko ginawa. Gutom na gutom na nga ako nang nasa Recto na ako.
Ten, nasa bahay na ako. Hindi na ako nakakain ng kanin. Nakalampas na ang gutom ko. Naggatas na lang ako at kumain ng cookies.
Bukas, back to school na.
Enero 3, 2017
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatulog nang malalim kagabi. Sa katunayan, gising na gising na ako bandang alas-3 ng umaga. Naglatag pa nga ako sa baba para makatulog, pero bigo ako. Kaya naman, nagluto na lang ako ng scrambled eggs at nag-almusal ako. Nagising na rin si Emily dahil sa ingay ko.
Bago mag-4:30, nasa biyahe na ako. Kaya, madilim pa ay nasa Pasay na ako. Tumambay pa nga ako sa isang waiting shed, bago tumuloy sa school. Ako yata ang pinakamaagang dumating.
Okay lang naman. Ayaw ko kasing ma-late. Nakapag-ayos-ayos pa ako sa classroom, bago dumating ang 21 kong pupils.
Kakaunti ang mga estudyanteng pumasok. Kaya, walang nagturo. Hindi kami nagpalitan ng klase. Nagkuwentuhan lang kami. Shortened pa ang klase dahil patay ang tatay ni Sir Hermie. Dadalaw kami sa burol bago iuwi ang labi sa Bicol.
Past one, hinanap namin ang burol. Kaya lang, mali ang pinuntahan namin. Miscommunication. Hindi na lang kami tumuloy. Instead, pumunta kami sa GSIS. For the first time, nagamit ko ang UMID card ko. Nag-loan ako. Sana ma-approve.
Pagkatapos namin sa GSIS, sinama kami ni Mareng Janelyn para i-meet niya sa unang pagkakataon ang kanyang half-brother. Nanlibre pa siya sa KFC. Past 5 na kami natapos. Past 7 naman ako nakauwi sa bahay.
Enero 4, 2017
Maaga pa rin akong dumating kanina sa school, kahit past 4:30 na ako nakalabas sa bahay. Okay lang naman. Kahit paano ay may time pa akong umidlip doon.
Thirty-one na ang estudyante kong pumasok. Nadagdagan ng sampu. Kaya naman, nagturo na ako sa Filipino at Hekasi. Gayunpaman, wala pa rin kaming palitan. Wala na rin yatang balak magpalitan dahil malapit na kaming mag-review sa NAT at dahil na rin sa hindi nakaka-inspire na admin.
Maaga akong nakauwi kahit nagpagupit pa ako. Mabilis ang biyahe.
Enero 5, 2017
Unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng maagang paggising. Kulang ako sa tulog, kaya namumutla ako at namamayat. Kung gaano ako kabagal tumaba, ganoon din kabilis ako pumayat. Grabe! Kailangang masanay ang katawan ko sa maagang pagbiyahe. Sasanayin ko na rin siguro ang mata ko na matulog nang maaga.
Nag-meeting kaming Grade Six teachers at grade leaders ng Grade V at IV para sa NAT review. Kaya, as usual, wala pa ring palitan.
Nag-award ako ng certificate kanina para sa mga naka-perfect ng attendance noong December. Kapansin-pansin na kumonti na lang sila.
Antok na antok tuloy ako. Wala ako sa mood. Grabe ang school year na ito ngayon. Nakakatamad talaga. Kulang sa drive. Hindi nakaka-inspire.
Umuwi ako kaagad pagkatapos ng klase. Mabilis din ang biyahe, kaya past 3:45 sy nasa bahay na ako. After meryenda ay umidlip ako. Ang ingay lang ni Zillion at ng mga nagba-basketball sa kalye, kaya hindi mahimbing ang tulog ko.
Uuwi na ang mag-ina ko bukas. Ang akala ko ay sa Sabado pa. Okay lang naman. Ang mahalaga ay hindi sila makasabay sa dagsa ng mga pasahero. Sana ay maluwag na ang biyahe.
Enero 6, 2017
Hindi kami nakapag-usap nang maayos ni Emily kagabi kasalanan ko. Naging mainit ang ulo ko. Siguro, dahil iyon sa pagod at puyat ko.
Marami abg nagsabing pumayat ako nang husto. Napansin at naramdaman ko rin. Grabe! Nakakapayat ang maagang pagbibiyahe. Kulang ako sa pahinga at tulog. Hindi ito dahil sa pagkain. In fact, magana akong kumain. Puyat talaga. Kaya naman halos mawalan na rin akong ng ganang magturo.
Kaninang umaga, pag-alis ko, tulog pa ang mag-ina. Nag-text na lang si Emily bandang alas-10:50 na naghihintay na sila na lumarga ang Ceres Bus. Pinag-ingat ko na lang sila sa biyahe.
Alas-dose kaming nag-dismiss ng klase dahil may meeting ang mga parents at teachers ng Grade Six pupils tungkol sa NAT review.
Nao-awkward-an ako sa chance kong magsalita sa harap nila. Hindi ako ready, lalo na't hindi ako represebtable ngayon.
Nakauwi ako pasado alas-singko ng hapon. Mag-isa na naman ako. Hindi na rito titira si Epr. Ang mag-ina ko naman ay sa Marso pa uli babalik. Pero, okay lang. Pasasaan ba't magsama-sama na kami sa aming tahanan.
Enero 7, 2017
Nagpuyat ako kagabi. Na-miss ko kasi ang matulog nang late. Nanuod lang ako ng tv. Pero, hindi naman ako nagbabad sa higaan. Maaga akong bumangon. Siguro wala pang 8 ay gising na ako. Excited din akong maglinis at naglaba. After lunch naman, umidlip ako.
Past 3:30, umalis ako sa bahay. Unang araw ng masteral class ko ngayong bagong taon. Na-late ako dahil sa traffic, I mean, dahil namik-ap pa ng pasahero ang nasakyan kong bus. Pero, ayos lang. Inulit lang namn ng prof ko ang ang turo niya. Nagdadag lang siya ng dalawang topic.
Past 6:30, dinismiss niya na kami. Past 8:30 ay nasa bahay na ako.
Hindi pa rin nag-rereply sa text ko si Emily. Nang nag-misscall ako, out of coverage siya. Hindi ko alam kung nakarating na ba sila o ano.
Bukas, may event kami sa Nagcarlan. Maaga akong gigising at aalis.
Enero 8, 2016
Wala pang alas-singko ng umaga, nasa bus terminal na ako. Naghihintay ako kay Lorna. Iyon ang usapan namin kagabi. Alas-sais na siya nag-reply. Aniya, nalasing siya kagabi kaya hindi na siya makakasama sa Nagcarlan. Na-late tuloy ako sa event.
Medyo disappointed ako sa event. Extra na nga lang kami, na-postpone pa ang storytelling. Hindi kami nabigyan ng chance para magbasa ng kuwento. Namigay na lang ng gift si Sir Imma sa mga anak ng drug surrenders, na siyang beneficiaries ng outreach program na iyon. Gayunpaman, ipinakita ko sa kanya na masaya ako.
Naki-boodle fight kami sa mga pulis at mga miyembro ng KAPARIZ (Kabataan Para kay Rizal-- Ana Kalang Chapter). Kahit paano ay nasulit ko ang gastos ko sa pamasahe.
Wala pang 12 nang matapos ang event. Nabitin kami. Kaya, siguro niyaya ako ni Sir Imma sa Cenaunang Restaurant. Kumain siya ng carbonara. Ako naman ay umorder ng leche flan. Doon ay nagkuwentuhan at nagplano kami.
Past 3, pauwi na ako. Past 5 ako nakauwi sa bahay.
Tumawag na si Emily ngayong gabi. May naiwan kasi siya-- gift ni Edward kay Kaylee. Haist! Mabuti pa ang gift, naalala. Pero, ang text ko, 'di na-reply-an.
Enero 9, 2017
Ang lamig na sa umaga. Ni halos ayaw ko nang bumangon. Gusto ko pang matulog. Kaya lang, naisip ko, malaki ang mawawala sa akin. Pumasok pa rin ako. Maaga pa nga akong nakarating kahit nasiraan pa ang bus na sinakyan ko. Naisip ko tuloy gawing 4:30 am ang gising ko. Masyado kasi akong maaga kapag alas-4.
Absent si Mareng Janelyn, kaya na-prorate ang mga pupils niya. Napuno ang classroom ko. Ang iingay nila. Gayunpaman, nagturo ako. Napasulat ko rin sila ng mga akdang pampanitikan.
Natanggap ko na pala ang anthology books mula sa Barubal Self-Publishing na 'Amalgamation' at 'Thank You'. Na-disappoint ako nang husto nang hindi ko nakita ang apat kong akda na in-approve nila. Agad akong nag-PM sa kanila at nagbigay ng saloobin. Apologetic naman sila. Ibabalik ko ang book at padadalhan nila ako ng copy nito na kasama ang mga stories ko.
Ang isa, okay naman. Nasa first page pa nga ang kuwento ko.
Nakapag-withdraw na rin ako ng 35% ng GSIS loan ko. Bukas naman ang iba.
Binigyan ako ng idea nina Sir Joel at Mam Gigi na mag-lending nang nangutang sila sa akin ng P5k at P4k, respectively. Nagulat ako na grabe pala kumita ang inuutangan nila. Kinukuha pa ang ATM card, na sabi ko nga ay hindi ko gagawin. Kaya lang, in-insist nila na kailangan kong kunin for security purposes.
Since, hindi pa naman ako makakapagpagawa sa bahay, ipupuhunan ko muna sa lending ang pera. Nice idea! Kapag nag-click, ipapasa ko ito kay Emily. Or, baka ako na lang mismo.
Maaga akong nakauwi. Three:forty-five ay nasa bahay na ako. Agad akong umidlip. Past five na ako nakapagkape at nakapagdilig ng mga halaman.
Enero 10, 2017
Nagturo ako sa Section 1 before lunch. Nagpasulat din ako sa kanila ng kuwento.
Sa pakikipagkuwentuhan ko kay Mareng Janelyn, ipinagtapat niya sa akin ang sinabi ng pinuno namin against sa akin. Ang tindi niya. Hindi pa rin maka-move on. Nais pa rin niya akong siraan. Mabuti na lang ay loyal sa akin ang kumare ko.
Lalo ko siyang iinisin, hanggang tuluyan siyang makaalis sa school. Mag-reretire siyang may hinanakit sa akin. Kasalanan niya. Plastic siya, e. Hindi naman tama na sabihin niya na ako lang ang matigas sa Grade Six level. Sinabi na nga sa kanya ng grade leader namin na okay ang samahan namin, e. Well, magiging matigas talaga ang puso ko sa kagaya niya.
Lalo akong nainis dahil alas-kuwatro na kami nakauwi dahil nagpa-meeting pa siya. Wala namang kabuluhan. Kahit hindi na ako kasama sa meeting. Paulit-ulit na usapin. Ginabi tuloy ako ng uwi. Inabutan pa ako ng ulan.
Enero 11, 2017
Sinimulan ko sa klase ko ang NAT review, kaya lang na-delayed dahil nag-practice ang mga bata para sa field demo na gaganapin sa ika-20 ng Enero. Unang beses nilang magpa-practice.
Okay naman ang practice. Nakabuo agad. Halos nakabisado na nila ang mga steps.
Dumating na ang mga books na "Ang Buhay ay Isang Tula." Tama nga ang publisher. Hindi quality ang pagkagawa nila. Gusto kong maniwala sa iniisip ko na hindi naman talaga naligaw at na-damage ng courier na Xend ang mga books, habang nasa delivery. Hindi rin nila talaga ipinadala at hindi rin nawala at na-recover.
Gayunpaman, nangako ang may-ari na magpi-print pa ng 25 pieces na quality na.
Nagkasundo naman kami ni Gina na ibebenta namin ang books sa halagang P180 lang lahat.
Dahil sa bagong labas na libro namin ni Gina, umandar na naman ang kakitiran ng utak ni Emily. Nag-comment siya ng sticker, na nagpapakita ng galit. Ang nakakasama ng loob, hindi na nga siya nag-congrats, ganoon pa ang ginawa niya. Never naman ako naghangad na batiin niya ako. Sanay na ako sa kanya. Pero, hindi ko talaga kayang palampasin ang kamalian niya.
Tinext ko siya.
"Anong problema mo sa bagong book namin? Sana hindi ka na lang nagcomment. Nakakawala ng respeto. Hindi ka na nga nakakatulong. Nakakasama ka pa ng loob. Ayusin mo yun or else!!!"
"Para kang si Deliarte. Di marunong magpahalaga ng achievement ng iba. Inaayos ko ang buhay ko, ikaw naman minamasama mo. Kahit bali-baliktarin, mali ang ginawa mo."
"Pag di mo yan inayos, di ka na makakatuntong dito sa bahay!!!"
"Gamitin mo ang Facebook sa tama."
Nag-message naman kay Gina. Nagbanta pa Pero, kahit mag-sorry siya, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa niya. Hindi lang ito ang unang beses. Marami na. Paulit-ulit. Hindi siya natututo.
Maaari kaming maghiwalay nang tuluyan dahil din sa kagagawan niya. Nakakawsawa na kasi. Hindi na ako masaya sa kanya. Panay ang plano ko para sa magandang kinabukasan namin, siya naman, sinisira niya. Hindi ko alam kung matino pa ba ang utak niya o sira na. Hindi gawain ng matinong tao ang ganoon. Selos nang selos. Pati collaboration namin ay pagseselosan. Hindi muna magtanong o kaya'y makiramdam. Banat nang banat!
Enero 12, 2017
Kagabi, hinintay kong mag-sorry si Emily sa akin, ngunit hindi niya ginawa. Ipinabasa naman sa akin ni Gina ang conversation nila. Grabe! Inaway-away niya talaga ang kaibigan ko. Ito na ang pangatlo, kung hindi ako nagkakamali, na pagsalitaan niya ng masasakit na salita ang mga kaibigan kong babae. Una si Mam Ana. Pangalawa si Amy. Hindi ko na siya kayang patawarin. Kaya, nang mag-sorry siya sa akin, pinagsalitaan ko siya. Hindi na pagseselos ang tawag doon sa ginawa niya. Sakit na iyon.
Nagkasundo man sila ni Gina, hindi pa rin mawawala sa isip ko ang ginawa at mga sinabi niya. Sinisiraan niya pa ako kay Gina. Imbes na maging apologetic siya sa ginawa niya kagabi, inuungkat niya pa ang nakaraan, na akala mo ay inapi ko siya. God knows, ang laki ng kasalanan niya sa akin.
Kung mauwi man ito sa hiwalayan, nakahanda ako. Hindi ko kailangan ang asawang may masamang ugali.
Enero 13, 2017
Hindi talaga ako naniniwala na malas ang 'Friday the 13th'. Never pa ako napahamak tuwing sasapit ang araw nabito. Ang totoo, may minalas ako noong January 11 at kahapon.
Haist! Hindi pa rin talaga kami magkakabati ni Emily. Pareho kaming may pride. Pero, hanggang kaya kong mag-isa, hindi ako yuyukod sa gusto niya. Kailangan niya munang baguhin ang masamang ugali niya.
Okupado ang oras namin dahil sa practice para sa field demo. Malapit na ang third periodic test, pero halos hindi kami makapagpalitan ng klase. Gayunpaman, sinisikap ko na uuwing may natutuhan ang advisory class ko. Tatlo ang subjects ko sa kanila, e.
After class, kaming Grade Six advisers at si Sir Erwin at kumain sa Savory Restaurant. Treat ko dahil daw kalo-loan ko lang. It's a culture.
Mura lang naman. Naka-P2234 kaming limang. May take home pa ang tatlo. Ako naman ay busog na busog na. Halos hindi na ako makapag-dinner...
Enero 14, 2017
Muntik na akong magising nang late. Hindi ko kasi narinig ang alarm. Gayunpaman, nakarating ako sa school ng 6:30. Ako ang pinakaunang dumating. Hindi naman pala 7:00 ang simula ng Enhancement Program o NAT review, kundi 7:30. Hindi ako na-inform. Anyways, okay lang naman.
Mineet ni Mam Deliarte ang mga bata, kasama kami. Pinagsalita rin niya kami.
Sinuggest ko na mag-uniform o magputing damit ang mga bata next Saturday (January 28). Nakita ko kasi na parang barkadahan at pormahan lang ang ipinunta ng mga estudyante. Kailangan nilang lumabas sa comfort zone nila para maging effective ang review. Sinuporthan naman ako ng mga kasamahan ko.
Past 1, nagpadala ako ng books through JRS. Ipinadala ko sa tatay ni Gina ang 30 copies ng book namin at ang isa sa kaibigan niya na nasa Pasay lang. Ibinalik ko rin ang 'Amalgamation' sa Barubal Publication.
Sa Wellcome Mall, tumambay ako habang hinihintay ang oras. Alas-singko pa ang masteral class ko. Nag-grocery na rin ako sa Puregold. At, wala pang alas-4, nasa CUP na ako. Nagsulat ako nang kaunti at umidlip ako doon.
Tumagal lang ng mahigit isang oras ang klase namin. Pinauwi agad kami ng prof. Nakauwi ako ng past 8. Pagod na pagod ako dahil naglakad ako dahil sa traffic. Kesa naman na mabalahaw ako sa may Tejero. E, ang lahat na lang naman.
Wala na si Emily. Tiluyan na siyang nilamon ng kanyang selos. Naniwala talaga siyang may relasyon kami ni Gina. God knows...
Hindi ko siya iko-correct. Nais kong siya mismo ang makapagtanto ng pagkakamali niya, habang mamumuhay akong mag-isa. Magpapakabuting tao.
Enero 15, 2017
Naglaba ako maghapon. Tambak na labahan. Isang linggo ba naman. Kasama pa ang mga naiwang damit ng mag-ina ko. Pero, napansin ko lang, parang hindi ako napagod. Masaya ko kasing trinabaho, sa kabila ng nangyayari sa buhay ko. It means, okay lang sa akin ang solo living. Komportable na ako.
Nakapag-gardening din ako. Bumili pa nga ako ng dalawang variety ng halaman sa kapaitbahay. Gusto ko na kasing maging maginhawa ang pakiramdam ko. Makakatulong ang paghahalaman upang mawala ang stress ko. Makakahinga rin ako nang maluwag.
Enero 16, 2017
Muntik na akong ma-late. Mabagal kasi ang bus na nasakyan ko. Hindi tuloy ako nakabili ng almusal sa suki kong karinderya.
Ang klase ay ganoon pa rin--self-contained, pero nag-rereview kami sa klase ko. I made sure na may matutuhan sila sa Filipino. Nagpalagumang pagsusulit pa nga ako. Kaya lang, apektado ang klase dahil sa practice para sa field demo. Sa Biyernes na iyon ipi-perform.
Nakauwi ako bandang alas-4. Gusto ko sanang magbayad ng electric bill dahil mapuputulan na ako sa January 18. Kaya lang, tuwing Wednesday at Saturday lang sila bukas. Hindi ko maabutan kapag galing pa ako sa school. Malamang sa Sabado pa ako makakabayad. Nakakainis kasi sila. January 14 ko lang nakakuha sa may pintuan ang bill. Sabado iyon ng umaga. Paalis na ako. Kaya, paano ko mababayaran? Humanda sila kapag pinutulan nila ako ng kuryente. Makakatikim sila ng pagalit. Masyado na ngang mahal ang kph nila, ganoon pa ang serbisyo nila. Dapat nga, may Meralco line na ako. Gusto lang talaga nilang kumita sa homeowners nila. Mga gahaman!
Enero 17, 2017
Wala na talagang pormal ang klase. Halos wala nang gustong magturo at matuto. Gayunpaman, nagpasagot ako sa NAT reviewer sa Filipino. Kahit paano ay may natutuhan ang mga estudyante ko.
Maaga akong nakauwi. Gusto ko kasing mag-garden. Since nakalipat ako, wala akong hinangad kundi ang makauwi nang maaga at mag-stay sa tahanan ko.
Hindi pa rin ako nakabayad sa kuryente. Sa Sabado pa ako magbabayad.
Enero 18, 2017
Tamang-tama lang ang dating ko sa school. Sakto lang talaga ang gising na 4:30 AM.
Ipinatawag ko ang nanay ng pupil ko na si Cheng. Dumating din agad siya, kasama pa ang asawa. Napuno na kasi ako sa kapilyuhan niya. May Grade 4 kasi na nagsumbong. Binully niya raw.
Naawa ako sa bata pagkatapos kausapin sa labas ng mga magulang. Umiyak ito. Sinaktan yata ng ama. Pero, sinabi ko sa kanya na napapahiya kasi ang mga magulang kapag ipinatatawag ng guro. Sana maging lesson na iyon sa kanya.
Alas-12, nagpauwi na kami ng mga bata dahil may faculty professional meeting kami. Ala-una nagsimula.
Naiinis akong makinig sa mga preaches at banat ng lider namin. Naplaplastikan ako. Hindi niya iyon nagawa pero sinasabi niya, as if she has been a good leader.
Umuwi ako bandang alas-2. Kailangan ko kasing unahin ang pagbayad ng kuryente. Ayaw ko namang maputulan.
Mabuti na lang, may nakausap akong empleyado doon. Anito'y sa Sabado ko na lang bayaran. Hindi naman pala nila ako puputulan ng kuryente.
Ang sarap kumain, kahit mag-isa ako. Masarap talaga kapag sariling luto mo ang kinakain mo. Lalo na kapag gusto mo ang mga ulam. Sana tuloy-tuloy na ang pagkakaroon ko ng gana sa pagkain. Ayaw kong magpaapekto sa problema.
Enero 19, 2017
Masakit ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay may holen sa loob. Kaya naman, hindi ako nagsalita nang nagsalita. Nagpabasa at nagpasagot lang ako sa libro. Gayunpaman, hindi ko naiwasang hindi magsalita. Masyadong pasaway ang mga estudyante. Kailangan ko silang sawayin. Mabuti na lang, gamay ko na sila. Hindi lumalala ang sakit.
Nagkaroon ng last rehearsal ng sayaw kanina bago nag-uwian. Bukas na ang field demo.
Nagbayad din ako ng Smart Bro bill at nagpadala sa Barubal Pub ng P540 para sa book na 'Hashtag Walang Forever,' kung saan nakasali ang kuwento kong 'Ang mga Puting Lobo at ang Singsing.' Dalawang book na ang hinihintay ko mula sa kanila. Ang 'Amalgamation' ang isa.
Enero 20, 2017
Kahapon na-late ako ng isang minuto. Ngayon naman, dalawang minuto. Medyo bumabagal na yata ang biyahe ko. Ayaw kong mahuli sa pag-time in. Nakakabawas sa self-esteem.
Past nine-thirty na nakasayaw ang Grade Six pupils sa field demo. Matagal at maingay ang mga kaganapan bago ang performances nila, pero sa tingin ko, sila ang may pinakamagandang presentation. Malinis at well-coordinated ang galaw ng mga dancers.
Nagkita kami ng college classmate ni Gina, na si Sonny para bayaran ang book na inorder niya. Nagpa-autograph na rin siya. Nag-selfie rin kami, kaya lang nakalimutan niyang ipakita ang book. Na-feel ko ang pagiging self-published author. Lol.
Alas-onse namin pinauwi ang mga bata. Ako naman ay nakauwi bandang alas-4. Tinakas naming Grade Six teachers ang paggawa ng video greetings para sa birthday ng principal. Hindi namin feel lahat ang maging plastic.
Kagabi, humingi ako ng sign sa Diyos. Sabi ko, kapag nag-text at nag-sorry si Emily sa akin bago ang January 21, patatawarin ko na siya. She did! Nag-text siya bandang alas-10 ng umaga. Hindi ko pa nga lang ni-reply-an. Gusto ko siyang sorpresahin.
Enero 21, 2017
Dahil walang NAT review, nakapag-stay ako sa bahay nang matagal-tagal. Three o'clock na ako umalis para naman sa masteral class ko. Alas-9 naman ako nakauwi.
Sobrang sakit ng sikmura ko nang pauwi na ako mula sa pag-grogrocery. Nawala lang iyon nang makauwi na ako at nang nakapagkape ako.
Ngayong araw, naramdaman ko ang pagsisikap ni Emily na magkabati kami. Ngayon ang 7th official wedding anniversary namin. Pero, naisip kong tikisin muna siya dahil nakapagbitiw ako ng salita sa text. Sabi ko, huwag niya muna akong kausapin ngayong buwan. Gusto ko lang din siyang maturuang maging matatag at matiyaga. Kasalanan naman niya ang lahat ng ito, e.
Enero 22, 2017
Kahit paano ay na-enjoy ko ang rest day ko. Nanuod. Nagluto. Kumain. Nag-gardening. Nagsulat. Nag-encode. Nag-edit. Nakapaglaba rin ako.
Bukas, ipako-confirm ko ang sistema ng pagbili ng stocks sa WWG Publishing. Nag-chat na kami kagabi ni Mrs. Rochell Ortega Javier, founder ng Wattpad Writers Guild. Nabasa ko na rin ang ilang mga info about the shares. Ang gusto ko lang malaman ay kung magkakaroon ba ako ng access sa financial accounts ng business. Mahirap kapag maghihintay lang ako sa dividend, lalo na't hindi kami magkikita in person. Ang mga transactions lang ay online at through courier.
Interested din si Gina. Ito ang dream business namin kaya kailangang makasali kami dito. Makakuha man lang ng idea sa management at publishing industry.
Enero 23, 2017
Hindi sana ako sasama sa outing slash despidida (retirement) party para kay Mam Deliarte. Ayaw ko kasi ng plastikan. Kaya lang, napilit ako ng mga kasamahan ko sa grade level. Ako lang ang wala, kapag hindi ako sumama.
Pasado alas-onse ay nasa Sta. Rosa Heights na kami. Masarap naman ang mga pagkain, kaya lang pinagsalita pa ako para batiin ang mag-reretire. Sabi ko lang ay "Happy retirement po! Goodluck!"
All in all, nag-enjoy naman ako. Sumakit lang ang ulo ko habang nasa biyahe ako pauwi.
Delayed din ang sahod namin kaya hindi ako nakapagpadala para sa sticks sa WWG Publishing.
Enero 24, 2017
Naghain ng proposal sina Sir Joel at Mam Gigi sa akin. Tungkol ito sa lending business na napag-usapan namin noong nakaraang linggo. Ililipat nila sa akin ang utang nila at dodoblehin nila ang utang. Pero, 5% lang ang interest, instead na 10%. Pumayag naman ako. Masarap makatulong sa kapwa. At, magkakaroon din ako ng income. Hindi na nga ako papaawat na mag-invest o kumita ng extra. Need kong makaipon para pampagawa sa bahay.
Past 3, nagpadala ako kay Virginia Loreen M. Dominguez ng pera para sa binibili kong stocks sa WWG Publishing. Na-claim niya naman agad, kaya lang ay kailangan kong hintayin ang contract na pipirmahan ko. Ipapadala pa ni Mam Rochel through email.
I hope maging successful ang first venture ko sa stocks at publishing house. Sana magtagumpay ang WWG. Tiwala ako sa kanila. Kaya dapat lang na hindi nila iyon masira.
Sa bahay, kahit walang signal ang internet ko, na-eenjoy ko pa rin ang laptop ko. Nag-eedit ako ng journal ko, na ipapaprint ko into book.
Enero 25, 2017
Nagpalitan kami ni Mam Janelyn ng klase. Aligaga ang lahat dahil may mga dumating na supervisors. Alam ko rin kung bakit--- para sa retirement at birthday celebration ni Mam Deliarte. It's her last day of service today. Naging maayos naman ang klase ng bawat isa. Nasimulan ko pa ngang i-format ang manuscript ng new FB friend ko na nais ding mag-publish.
Naaasar ako kay Emily. Panay ang misscall at text. Hindi ba siya makaintindi na kailangan ko munang manahimik? Kailangan niya ring ma-realize ang mali niya. Sa February ko pa siya kakausapin.
After class, nag-withdraw ako ng pera para sa lending business. Isinama ko na ang dalawa-- Mam Gigi at Sir Keliste para madala na nila ang pera. Bale P66K ang initial capital ko. Thirty kay Sir. The rest, kay Mam Milo.
Past 4, nakauwi na ako. May dala akong almeres, galing sa Romblon at bigay ni Mamah. Pasasalamat nila ito sa akin dahil nagawan ko ng tula ang batch nila na nag-celebrate ng 50 years anniversary.
Enero 26, 2017
Na-bad trip ako (kaming Grade Six teachers) kanina sa kadamutan ng principal. Kinuwestiyon pa niya ang ipinapa-riso naming NAT reviewer. Ayaw niya. Ang gusto niya ay gamitin namin ang mga lumang-luma nang mga reviewers. Hindi ko alam kung anong logic niya. E, para naman sa school ang ginagawa namin. Kapakanan ng lahat ng stakeholders ang pagpapa-riso.
Tindi niya! Samantalang wala na siyang power. Retired na siya. Effective kahapon.
Tama lang talaga ng mawala ang respeto namin sa kanya.
Naibigay na sa akin ni Sir Joel ang ATM card niya as collateral. Si Mam Milo bukas pa.
Patuloy naman ang pag-text ni Emily sa akin. Humihingi siya ng padala. Ginagamit niya pa ang pangalan ni Zillion. Gayunpaman, balewala iyon sa akin. Iba ang hinihintay kong sabihin niya.
Enero 27, 2017
Nagparada kami para i-announce ang Early Enrolment. Mahaba ang nilakad namin. Nakakapagod. Nakaapak pa ako ng tae ng aso. Kainis! Mabuti na lang ay may masaganang almusal pagdating namin. Birthday ni Mareng Janelyn. Naghanda siya at bumili ng pagkain. Solb!
Ibinigay na sa akin ni Mam Gigi ang ATM card niya. Tapos, naipa-scan ko sa kanya ang contract ng WWG Publishing para i-send ko naman kay Mam Che.
Natutuwa akong makita ang contract. Stockholder na ako!
Before 4, nakauwi na ako. Excited akong mag-garden. Kaya lang, na-bad trip ako sa mga nagba-basketball sa harapan ng bahay. Panay ang talbog ng bola nila sa bakuran ko. Ang nakakainis ay natatamaan ang mga halaman ko. May na natumba pa ngang paso. Isa na lang, magagalit na ako sa kanila. Tumalbog ba naman ang bola sa harapan ko. Ni hindi man lang nag-excuse at nag-sorry ang isa. Bastos! Sino ang hindi magagalit?
Naiinis pa rin ako kay Emily. Ayaw niya pa ring sumuko. Hindi pa siya umaamin ng pagkakamali niya. Hindi sapat ang sorry niya. Gusto kong mangako siya na hinding-hindi na niya uulitin ang ginawa niya. Pangatlong beses na iyon. Ayaw ko na ng pang-apat. Apektado na si Zillion. Ayon sa text at chat niya, may lagnat ang anak namin. Sana makayanan ko pang matikis sila.
Enero 28, 2017
Maaga akong nagising. Ginusto ko pang matulog dahil wala pang alas-7, kaya lang ay nabigo ako. Siguro ay dahil may meet-up kaming SP Actual admins. Kaya, bumangon na ako. Naglaba at nag-gardening.
Past 10, nagkita kami ni Au sa may Puregold Tanza. Hindi niya alam ang papuntang MOA, kaya nakisabay siya sa akin.
Dumating si Sir Imma after 15 minutes. Then, si Luna ang sumunod. Nag-lunch kami sa Zark's. Hindi na namin nahintay si Lorna.
Ang saya ng meet-up namin. Ang cool nila. Kaya kahit nagplaplano kami, nagtatawanan kami. Naging productive iyon. Worth it!
Sa wakas, nagkita na kami ni Lorna at Au. Naiabot ko sa kanya ang book na hiningi niya, ang Lola Kalakal. Nag-request pa ng message at signature.
Si Luna naman, ibinigay niya sa akin ang watercolor painting niya na pinost niya sa Facebook at kung saan ay nagpasaring ako na gusto ko iyon. Maganda naman talaga. Maliit nga lang. Four by five inches lang.
Binati ko na si Emily. Pinatawad ko na siya. Pero, hindi ko pa siya sinisingil sa mga ginawa niya. Saka na lang siguro. Hindi nga rin siya nanghingi ng padala. Nahiya marahil. Nag-apology lang siya. Sabi niya: " Pa we love u....so much.thank you for being a good hubby and father....sNA wag ka magbago...I'm really very sorry pa..."
Nakauwi ako bandang alas-8 ng gabi. Pagod at antok na, pero masaya ako.
Enero 29, 2017
Hindi na ako pumunta sa Antipolo para bisitahin si Mama. Naawa ako sa kanya, pero kailangan kong tiisin para sa sarili. Kulang na ang panahon ko para sa sarili at bahay. May SULAT Pilipinas pa ako. Kainis lang dahil ang hina pa rin ng signal.
Past 9, nagpadala na ako kay Emily. Gayunpaman, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya. May oras din kami para mag-usap tungkol doon.
Then, tumingin ako ng tiles sa isang depot. Nag-canvass na rin ako ng pinto, bago nag-grocery.
Gabi, nag-chat kami ni Jano nainis ako dahil inaasa na niya lahat sa akin ang gastusin sa paglalakad ng operasyon ni Mama. Ang akin ay ang operation fee at mga gamot. Pati ba naman pamasahe ay sa akin pa. Understood na 'yun. Alangan namang umuwi pa ako para magbigay ng panggastos nila para sa Wednesday. Dalawang libo o mahigit na naman iyon 'pag nagkataon. Nasabi ko tuloy na ihatid na lang dito si Mama. Ako na ang bahala sa lahat. Nakakaasar! Parang ako lang ang anak. Sana magbigay din sila. Nagigipit din ako. Akala siguro sa akin, banko ako.
Sana pumayag si Mama na dito na lang siya.
Enero 30, 2017
Twenty-five ang estudyante kong pumasok. Dahil ito sa coronation ng Ms. Universe at naganap na Sto. Nino parade kahapon. Gayunpaman, sinikap kong matuto sila. Nagpa-activity ako at nagpasagot ng NAT reviewer. Hinintay rin namin ang pagdating ni Sir Imma.
Past 1 na siya dumating. Inubos namin ang nalalabing minuto para kuwentuhan, i-inspire at hikayatin sila para magsulat.
Naging makabuluhan ang sandaling iyon.
Past 3:30 na kami nakalabas sa school. Nag-usap pa kami tungkol sa.lakad nila.ni Au bukas sa UP Diliman. Kakausapin nila ang isang tauhan ng UP Press, na maaaring makatulong sa amin at sa advocacy.
Hiniram din niya ang mga classroom publications namin. Ipapakita niya ang mga iyon bukas, kasama na ang aklat na "Walang Pamagat", na ibinigay ko sa kanya as token.
Pumayag na raw pala si Mama na sa akin na tumira. After nilang pumunta sa EAMC ni Taiwan, ihahatid siya sa akin para sabay na kaming bumiyahe pauwi. Maaalagaan at makakasalo ko na siya sa pagkain, kahit madalas sa hapunan lang. Kahit paano ay magiging kampante ako.
Enero 31, 2017
Sa klase ko, nag-review kami para sa NAT at 3rd periodic test. Nagbigay rin ako ng mga sertipiko para sa mga naka-perfect ng attendance.
After ng klase, nagpadala ako sa Le Sorelle ng P600 para sa shipping fee at bayad sa limang books na "Mga Kuwentong Pambata." Ipapadala raw nila kapag na-print na. Akala ko naman published na. Grabe talaga ang style nitong LSP! Nakakainis na. Kahit nga ang books namin ni Gina, hindi pa rin dumarating. Naipadala na raw niya. Asus! Kung ano-ano na lang ang paliwanag ng may-ari. Hindi na ako naniniwala.
Pagdating ko, mga alas-4, umidlip ako. Dalawang gabi akong puyat, kaya halos ituloy ko na ang pagtulog. Kung hindi ko lang inisip ang pagdidilig ng mga halaman. Isa pa, nagutom ako. Kinailangan kong magmeryenda. Naglaba rin ako ng mga uniporme ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment