Raymond: Sir, kunin ko na po ang cellphone ko. Promise po, hindi ko na po ilalabas.
Sir: Mam'ya na. Kakausapin pa kita.
(After ten minutes...)
Sir: Bakit ka nagdadala ng cellphone? Kailangan mo ba?
Raymond: Opo. May English-Tagalog dictionary po diyan.
Sir: Sige nga. Open mo. (Ibinigay ang cellphone kay Raymond)
Raymond: (Hinanap ang apps habang nangangatal ang kamay at mga labi)
Sir: Kailangan pang may internet niyan, e.
Raymond: May data po ako.
Sir: Mabuti ka pa may data.
Raymond: (Natahimik)
Sir: Sabi ng mga kaklase mo, may mga porn videos ka raw rito.
Raymond: Wala po.
Sir: Binura mo na, e. Kung maglalagay ka ng bold sa cp mo, karapatan mo 'yan, e, pero make sure na ikaw lang ang gagamit para 'di ito pagkaguluhan. Tapos, nagpapalaki ka raw sa CR.
Raymond: Hindi po. Si Assie lang po ang nagsabi nun.
Sir: Alam mo, hindi naman masama iyon, e. Gawin mo na lang mag-isa, sa private na lugar. Huwag kang magpakita kaninuman para 'di ka isumbong at tuksuhin. Hindi na ito mauulit, ha? Kapag naulit, hindi mo na makukuha ang cellphone mo.
Raymond: Opo.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment