Followers
Sunday, June 2, 2019
Ang Aking Journal -- Hunyo 2019
Hunyo 1, 2019
Past 10 na ako nakapag-almusal sa may school, pero pagkatapos agad ko namang sinimulan ang pagtatapos ng paglilinis ko sa classroom. May kulang pa akong mga ipo-put up, pero puwede namang sa Lunes na.
Twelve, nagyaya si Ms. Kris na kumain kaming Tupa group sa Jollibee, since naroon siya sa Harrison Plaza.
Isang magana at masyang lunch na naman ang nangyari.
Then, bumalik kami sa school pagkatapos kumain. Nag-mop ako ng sahig pagdating ko.
Past 5 nang umuwi kami. Almost ready na ang classroom ko.
Hunyo 2, 2019
Nakabawi ako sa puyat, mag-i-eight na kasi ako bumangon.
Pagkatapos mag-almusal, gardening naman ang hinarap ko. Na-miss ko iyon at mami-miss pa. Kaya naman, ginawa ko nang lahat ang mga gagawin sa garden. nag-transplant ako at nagtanim sa paso. For sale ang mga iyon.
Then, naghanda ako ng CG. Budget of Work, at DLL sa Filipino 6.
Hapon, umidlip ako. Kahit mainit sa kuwarto, pinilit kong matulog. Siguro, nahimbing din ako.
Hapon, naghanda uli ako para sa mga hahanapin bukas, habang ang mag-ina ko ay nagbabalot ng mga notebooks.
Ready na nga ako para bukas. Hindi man ako gaanong excited na makilala ang mga bagong batch ng klase, excited naman akong maging mabuting guro uli. Sana maging mabubuting mag-aaral din sila.
Hunyo 3, 2019
Dahil sa sobrang init, wala akong tulog magdamag. Pabaling-baling lang ako. Ramdam ko namang nanaginip ako, pero hindi malalim at hindi nagtatagal. Gayunpaman, masigla akong pumasok sa school para sa first day of school.
Kalmado kong hinarap ang last section. Nag-orient ako. Subalit, naisip ni Sir Hermie na i-reshuffle ng mga bata para hindi maituloy ang pagpapasaway ng magkakaklase. Gusto ko naman ng ideyang iyon. Gusto kong may makahalong section one sa klase ko.
Nang makapagpalitan kami ng mga estudyante, itinuloy o inulit ko ang orientation. Masaya ko silang hinarap. In-inspire ko silang maging manunulat at maging palabasa. Pinasulat ko rin sila upang malaman ko ang kanilang kakayahan.
Napansin kong gusto nila akong maging guro. Masaya naman ako sa kanila. Sa tingin, malayo sila sa VI-Love ko last school year. May nakita akong may kusa. May napansing akong leader.
Sa palagay ko, mag-eenjoy ako sa advisory ko ngayon. Sana...
After class, nag-bonding kaming Grade Six advisers. Pare-pareho kaming satisfied sa aming advisory class.
Past 4, nasa bahay na ako. Hindi na ako nakaidlip. Gumawa kasi ako kaagad ng listahan ng mga estudyante ko.
Bukas, sisikapin naming magpalitan ng klase. May nag-chat ngang bata. Nagtatanong at naeeksayt na sa pagtuturo ko.
Hunyo 4, 2019
Nagpalitan na kami ng klase. Nagturo na ako nang puspusan. Hindi ko lang gusto ang schedule ko kasi wala akong vacant sa umaga. Hindi ako makapag-almusal. Tatlong sunod-sunod na subjects sa umaga at dalawa after recess. Eleven AM na ang vacant ko.
Nagpasaway an agad ang advisory class ko habang walang guro kaya hindi ko na agad sila pinansin hanggang uwian. May mangilan-ngilan lang na papansin, pero ayon sa mga kasamahan ko, ang VI-Love daw ng pinakatahimik. Sana lang...
After class, namili ako ng mga libro sa Booksale. Para iyon sa online business naming mag-asawa.
Past 4 nasa bahay na ako. Parang pagod na pagod ako at antok na antok. Sinubukan kong umidlip, pero hindi ko nagawa.
Hunyo 5, 2019
Dahil walang pasok, nagpakasawa ako sa tulog. Past 8 na ako bumangon. Ang sarap! Kahit paano, naibsan ang ilang araw kong pagod at puyat.
Gardening ang una kong ginawa pagkatapos mag-almusal. Isinunod ko ang pagbabasa. Kung hindi lang maraming istorbo, baka naubos kong basahin ng mga books na binili ko kahapon sa Booksale.
Hapon, umidlip ako. Hindi man ako gaanong nakatulog dahil sa ingay ng pinanunuod ni Zillion, kahit paano ay nagka-energy ako.
Hunyo 6, 2019
Turong-turo na sana ako, kaso naisipan ng grade leader namin na magpabasa na lang sa mga bata para malaman namin ang reading level nila. Ginawa ko naman agad habang nagpapasulat ako ng sanaysay.
Nakapagturo rin ako ng pagsulat ng maikling kuwento after kong ipakita sa kanila ang books ko. Hindi man lahat nakapagsulat, alam kong may naikintal ako sa kanilang mga puso at isipan.
After class, naghintay ako hanggang alas-dos kina Sir Joel at Ma'am Madz. Imbitado kasi kami sa 7th birthday celebration ni Trisha, ang inaanak ko kay Mareng Janelyn.
Okay naman ang party sa Jollibee-Buendia. Hanggang 4 pm kami roon. Busog akong nakauwi.
Hunyo 7, 2019
Nagmadali akong nagbihis dahil hindi ako nagising sa alarm ko. Akala ko mali-late ako, hindi pala. Napakaaga ko pa nga. Ang maganda sa nangyari ay nakapag-almusal ako.
At dahil nakapag-almusal ako, naging energetic at enthuastic ako. Nagturo ako nang masaya. Na-enjoy ng bawat klase ang storytelling ko. Iniba-iba ko kasi ng boses ko.
Alam kong nagustuhan nila ang pagiging kenkoy ko. Bukod doon, effective talaga ang storytelling sa mga bata.
Pagkatapos ng klase, umidlip muna ako sa classroom. Sobrang init at ingay kaya hindi ako makahimbing. Hinanap pa ako ni Papang kaya bumangon ako. Sa PITX na lang tuloy ako nagpalamig habang nagsusulat. Kahit paano, gumana ang utak ko.
Hunyo 8, 2019
Maaga akong nakarating sa school, kaya nakapagkuwentuhan pa kami ni Ma'am Vi at nakapag-almusal pa ako bago nagsimula ang Stakeholders' Assembly.
Sa assembly, ipinakilala uli ang mga guro. Then, sumunod na ang nakababagot na school report card ng principal. Siya ang umubos ng oras. Nagsiuwian ang iba, kaya nang mag-break away session na para sa HRPTA meeting, sixteen na lang ang nakadalo sa akin. Gayunpaman, naipahayag ko ang lahat ng nais kong iparating. Nabitin ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanila, pero alam kong nakuha ko na naman ang mga puso nila. Naiparating ko na naman na ako ay isang pambihirang guro na may pambihirang adhikain para sa mga mag-aaral. Sabi ko nga, "Hindi man ako ang pinakamagaling na guro sa buong mundo, ako naman ang pinaseryosong mapatuto ang bawat mag-aaral na ma-handle-an ko."
Pagkatapos ng assembly, pumunta kami ng #10000 group, kasama si Makki, para kumain sa Racks. May pa-graduation blowout si Ma'am Edith sa amin.
Sobra akong nabusog. Andaming pagkain. May takeout pa nga ako.
Past 3, nasa CUP kami nina Ma'am Edith at Papang. Nag-request siya ng certification na siya ay graduate na. Ako naman, nagpatulong sa secretary ng school president na makakuha ako ng Certificate of Academic Requirement para makapag-compre ako. Ipinakiusap sa akin sa cellphone ang taong concern na si Mae. Nasabi ko ang nangyari. Nasabi kong negligent ang nasa registrar, at naipahanda ko ang paghahanap ng TOR ko at ang paggawa ng CAR. Kung nadala ko lang sana ang listahan ng mga taken subjects ko, naiwan ko na roon. Pero, sabi ko, sa Lunes ko na lang ibibigay.
Nabuhayan ako ng loob nang lumabas kami sa CUP. Sana nga matulungan ako ng secretary.
Nag-stay uli ako ng isang oras sa PITX. Nagsulat ako.
Bago magdilim, nasa bahay na ako. Ako uli ang nagdilig ng mga halaman.
Hunyo 9, 2019
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nagtanim ako nang ilang cactus at nagdilig. May ipinasok din akong halaman dahil nanilaw sa init ng araw.
Pagkatapos, gumawa naman ako ng zine. Pinamagatan kong 'Pangarap' ang unang zine ng Grade Six-Love sa school year na ito. Kailangan ko lang makabili ng mahabang stapler para hindi na ako manghihiram kay Ate Jing.
Nakabenta si Emily ng pre-loved books, pero utang. Worth P125 din iyon. Sana magtuloy-tuloy ang benta.
Hunyo 10, 2019
Naiinis ako sa PITX. Maaga naman akong nakarating doon pero dahil wala masyadong pasahero, hindi agad nakalarga ang dyip. Haist! Late ako. Nasa taas na ang mga estudyante ko nang dumating ako. Gayunpaman, tahimik nila akong hinintay.
Naging matagumpay uli ang storytelling ko. Nagustuhan nila ang dalawang kuwento tungkol sa ina---'Hindi Ako Mahal ni Mama' at 'Mga Hayop sa Dila ni Mommy.' Halos maiyak sila sa unang kuwento. Natawa naman sila sa pangalawa.
After class, bumili ako ng long stapler. Gagamitin ko iyon sa paggawa ng zine. At least, hindi na ako manghihiram.
Nagsulat ako sa PITX hanggang past 4. Nai-post ko ang gawa ko pagdating sa bahay.
Gabi, nag-aral ako ng paggawa ng paper crane (origami). Para ito bukas. 'Pagsunod sa Panuto' ang aralin ko bukas. Sana mag-enjoy uli sila. Gusto kong mas gaganahan silang pumasok sa eskuwela dahil inaabangan nila ang bawat pagpasok, bawat aralin, at bawat kuwento ko.
Hunyo 11, 2019
Nagturo ako ng 'Pagsunod sa Panuto.' Ginamit ko ang 'Nagtatampo Ako kay Daddy' bilang springboard. At nagpagawa ako ng paper crane. Wala halos nakasunod sa panuto. Gayunpaman, nagkainteres silang gumawa.
After class, nag-stay ako sa classroom. Ginawa ko ang pinasasagutan sa akin ni Papang. Then, umidlip ako. Paggising ko, kumain ako at nagsulat ng kuwento. Bilang tulong ko kay Ma'am Edith, ako na ang naglapat ng mga words sa kuwento niya.
Past five na ako nakaalis sa school. Then, nag-stay ako sa PITX. Muli akong nagsulat.
Hunyo 12, 2019
Dahil walang pasok, nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Then, naglinis ako sa kuwarto ko. Half-day ko rin ginawa iyon. hapon na ako nakapaghanda ng IMs. Okay lang naman.
Gabi, nahirapan akong matulog. Napuyat ako dahil nag-blackout. Late na ako nahimbing dahil sa init.
Hunyo 14, 2019
Dahil shortened ang klase, wala kaming palitan. Nagpabasa ako sa Filipino upang makuha ang reading comprehension level ng mga estudyante. Pagkatapos, in-inspire ko silang magsulat. Napasulat ko ang iba. Palibhasa, halo-halong section ang VI-Love, kakaunti lang ang nagpasa. Nakaka-disappoint, pero hindi ako susuko. Alam kong maeengganyo ko silang lahat na magsulat.
After dismissal, naghintay ako nang matagal para sa free lunch, na mula kay Ma'am Mj. Pagkatapos niyon, nagkuwentuhan kami kasama si Sir Vic. Past two na nang matapos kami. Start na rin iyon ng meeting salash GES Faculty Election.
Ang saya ng election. Ang iingay! Ako anf naging pangulo. Thirty-four over forty ang bumoto sa akin. Nakakataba ng puso.
Nakakaawa rin ang mga alipores ng principal. Trying hard makapasok. Hindi nila alam, nagkaisa kami. Nanalo lahat ang masa line-up na ginawa namin bago ang election.
Challenge sa akin iyon. Sinuportahan nila ako kaya ibabalik ko iyon sa kanila. Sa mga sipsip at kalaban, nakita nila kung paano kami magkaisa. Kawawa silang tingnan.
Nagkuwentuhan pa kami nina Ms. Kris at Mj kaya past six na kami nakalabas sa school. Past 8 na ako nakauwi.
Hunyo 13, 2019
Akala ko, hindi ako makakapasok dahil nawalan ng kuryente at tubig kagabi. Sabay pa. Mabuti na lang, bumalik ang suplay.
Sa school, medyo iritable ako kasi kulang ako sa tulog. Ang Section Hope, nagpasaway. Hindi ko sila kinibo pagkatapos kong mabigo sa kanila. Ayaw ko kasi nang sinasabayan ako. Sana matuto naman sila.
Gusto ko naman ang Faith kasi mga active sila. Gustong-gusto nilang kuwentuhan ko sila.
After class, umuwi agad ako. Four, nakauwi na ako. Nagawa ko ang mga dapat gawin, like encoding nd printing.
Hunyo 14, 2019
Dahil shortened ang klase, wala kaming palitan. Nagpabasa ako sa Filipino upang makuha ang reading comprehension level ng mga estudyante. Pagkatapos, in-inspire ko silang magsulat. Napasulat ko ang iba. Palibhasa, halo-halong section ang VI-Love, kakaunti lang ang nagpasa. Nakaka-disappoint, pero hindi ako susuko. Alam kong maeengganyo ko silang lahat na magsulat.
After dismissal, naghintay ako nang matagal para sa free lunch, na mula kay Ma'am Mj. Pagkatapos niyon, nagkuwentuhan kami kasama si Sir Vic. Past two na nang matapos kami. Start na rin iyon ng meeting salash GES Faculty Election.
Ang saya ng election. Ang iingay! Ako anf naging pangulo. Thirty-four over forty ang bumoto sa akin. Nakakataba ng puso.
Nakakaawa rin ang mga alipores ng principal. Trying hard makapasok. Hindi nila alam, nagkaisa kami. Nanalo lahat ang masa line-up na ginawa namin bago ang election.
Challenge sa akin iyon. Sinuportahan nila ako kaya ibabalik ko iyon sa kanila. Sa mga sipsip at kalaban, nakita nila kung paano kami magkaisa. Kawawa silang tingnan.
Nagkuwentuhan pa kami nina Ms. Kris at Mj kaya past six na kami nakalabas sa school. Past 8 na ako nakauwi.
Hulyo 15, 2019
Nagbabad ako sa aking higaan hanggang nine ng umaga. Ang sarap ng walang pasok. Then, after breakfast, nag-laptop ako. Naghanda ng lesson plan. Hindi pa nga lang ako nag-print. Gumawa na rin ako ng resolution as part of my task bilang faculty president. Pagkatapos niyon, nagsulat ako ng pambatang kuwento. Ipinasulat ko na ang title niyon sa VI-Love, pero since walang nakapagsulat nang maayos, inangkin ko na uli ang pamagat.
Hapon, after maligo, umidlip ako. Kahit mainit, nakatulog din yata ako kahit isang oras. Feeling recharged ako paggising ko. Habang nagkakape, editing and posting naman sa wattpad at Booklat ang ginawa ko. naputol lang dahil na-diatract na ang isip ko. Gayunpaman, marami akong na-accomplished ngayong araw. Sulit ang weekend.
Gabi, nag-meeting kami sa Faculty Officers group chat. Iisa talaga ang damdamin namin against tyranny ng mga kaguro at poor leadership ng current admin. Haist! Sana maging produktibo ang aming leadership as representatives ng faculty.
Hunyo 16, 2019
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Nagpaligo din ako ng aso at naglinis ng kanyang kulungan. Ang resulta: sumakit ang likod ko. Maghapon lang akong nahiga para mawala.
Hapon na nang gumawa ako ng IMs. ako na rin ang nagplansta ng mga uniporme ko.
Hunyo 17, 2019
Kahit kulang sa tulog dahil sa blackout kagabi, maaga pa rin akong nakarating sa school. Nakapag-almusal pa ako bago nagturo.
Sa discussion, parang hindi masyado interesado ng mga pupils kapag wala akong binasang kuwento sa kanila. Gayunpaman, sinikap kong matuto sila.
Nakakainit lang ng ulo kapag nagpapasaway sila lalo na't matamlay ako.
Maaga akong nakauwi sa bahay kahit nag-ayos pa ako ng Form 137 ng advisory class ko.
Hunyo 18, 2019
Masayang-masaya na naman ang mga estudyante dahil nagkuwento na naman ako sa kanila. Tuwang-tuwa talaga sila kapag kinukuwentuhan ko sila at hinahaluan ko ng patawa. Kung hindi lang kailangang ituro ang objective, baka mas gugustuhin pa nila ng kuwentuhan at tawanan.
Nakakainis lang sa section ko kasi mga kulang sa pansin. Hindi nalalayo ang mga ugali nila sa unang Love. Gayunpaman, kayang-kaya ko sila. Kinaya ko nga ang una, sila pa kaya.
Hunyo 19, 2019
Nainis ako sa VI-Love kaya hindi ako nagturo. Sa halip, pinasulat ko sila ng sanaysay. Samantalang sa iba, nagturo ako.
Na-bad trip din ako kanina sa sabwatan sa ranking. Obvious ang manipulation. Hindi nila ako pinaupo bilang isa sa mga members ng ranking committee dahil daw hindi pa kami nag-oath-taking. Sa halip, sinabihan pa kami ng "Huwag kayong magmadali."
Hindi naman ako nagpaapekto masyado, kaya nagawa ko pang tapusin ang Phil-IRI report. Then, nakapunta pa ako sa CUP para kunin ang CAR ko at magpa-enrol sa compre exam.
After niyon, pumunta ako sa Anytime Fitness. Opening na kasi. Nakuha ko na ang keyfob. Gusto ko sanang mag-workout na, kaya lang nahihiya ako. Mabuti na lang kinausap ako ng fitness trainer. Parang gusto kong kunin siya as PT. Binigay niya sa akin ang numero niya.
Baka bukas, makapag-start na ako. Sinabi ko kay Sir Erwin na free ang usage ng gym until June 30. Sana makasama siya bukas sa akin.
After class, may ginawa lang ako--- files, report cards, at reports. Past two na ako nakalabas sa school.
Before five, nasa bahay na ako. Gumawa agad ako ng mga reading level reports. Hindi nga lang nai-print kasi wala pa ang raw data. Anyways, kaya ko namang magawa iyon bukas bago umuwi.
Bukas na ng opening ng Anytime Fitness sa PITX. Start na rin ako.
Hunyo 20, 2019
Tinupad ko ang sinabi ko sa VI-Love. Hindi ko talaga sila kinibo. Dahil doon, pinasulat ko lang sila ng akda. Hindi ko itinuro ang kahulugan ng mga salitang gagamitin nila. Effective naman kahit may ingay pa rin. Sana lang maging aware na sila sa discipline.
Naging masaya naman ako sa ibang section. Nagpatawa ako. Nagpa-spelling. Nagpasulat. Active sila. Kaya ang, kuwento talaga ang mas gusto nila.
After class, nag-treat si Sir Joel sa amin ng lunch sa Tramway Buffet Restaurant dahil birthday niya. Sobrang busog ako. Sobrang saya rin kahit may kasama kaming pinaghihinalaan naming spy ng mga kalaban.
Hunyo 21, 2019
Hindi ko pa rin kinikibo ang VI-Love. Mas pasaway pala sila kaysa sa una. Mas maaga ko silang hindi kinibo. Kaya nga, lugi dahil mas masaya ako sa ibang section. Na-enjoy nga nila ang storytelling ko.
After class, miniting kaming coop board ng principal dahil sa reklamo ng isang parent. Nagsuka ang anak niya kaya humihingi ng pinansiyal na tulong. Pagkatapos niyon, nag-coop board meeting kami. Ayaw naming dumami pa ang reklamo kaya nagplano kami ng mga healthy menu for the day. Mas gagaan pa ang trabaho ng mga canteen personnel.
After niyon, tinulungan ko si Sir Erwin sa pagbibilang ng canteen sales. At inabot kami nang ilang oras sa kahihintay kay Amy. Okay lang naman dahil nakapagkuwentuhan kami.
Past seven na ako nakarating sa Anytime Fitness. Tatlo lang kaming naroon. Nawala na ang hiya ko. Natuto na lang din akong mag-operate ng machine kahit walang assistance. Nakalimang fitness machine ako sa loob ng isang oras.
Ten na ako nakauwi. Pagod na pagod at antok na antok ako, pero happy ang fulfilled. Ang sarap sa pakiramdam.
Hunyo 22, 2019
Nabawi ko ang ilang araw na puyat dahil eight na ako nagising at nine na ako bumangon. At kahit mainit na, sinimulan ko kaagad ang gardening. Pagkatapos niyon, naghanda ako ng reward system para sa VI-Love. Sana maging effective para hindi ko sila parusahan nang parusahan sa pamamagitan ng pananahimik.
Sinimulan ko rin ngayong araw ang pag-rereview para sa comprehension exam ng masteral ko sa July 8.
Gabi, nakapag-update ako ng nobela. Hindi ko nga lang naisulat ang pangako kong kuwento para sa mga pupils ko.
Hunyo 23, 2019
Nag-gardening ako bago ko hinarap ang paghahanda ng DLL at ang pag-rereview. Nawala na naman ang stress ko. Then, nagbasa at nag-check ako ng mga output ng mga estudyante. Nakapili ako ng dalawang akda, kaya pinost ko ang mga iyon sa KAMAGFIL.
Hapon, nag-post ako sa HOA buy and sell group ng mg larawan ng zine collection ko. Gusto kong kumita and at the same time, maipakilala ko ang mga akda ko. Gusto ko ring magkaroon sila ng 'love for reading.'
Hunyo 24, 2019
Muntik na naman akong ma-late dahil sumakay ako sa mini-bus. Nakakainis! Hindi na ako uli sasakay roon kahit anong mangyari.
Nagturo na ako sa VI-Love, pero ramdam pa rin nila ang lungkot ko. Gayunpaman, nai-present ko sa kanila ang reward system ko.
Sa ibang section, mas enjoy ko ang pagtuturo. Hindi ako masyadong na-stress kasi inaabangan nila ako lagi. Masarap magturo kapag naroon ang interes.
After class, niyaya ko sina Ms. Kris at Bekinda na magpa-laboratory. Hindi pa sila puwede. Niyaya ko naman sina Sir Erwin at Ma'am Amy. Kaso, may meeting sila. Bukas na lang daw.
Maaga akong nag-workout. More than an hour din iyon. Kahit walang assistance ng fitness instructor, nagawa ko. May bago akong na-operate na machine. Tapos, dinagdag ko ang mga naunang machines.
Before 5, nasa bahay na ako. Pagod ako, pero masaya. Feeling healthy.
Hunyo 25, 2019
Wala si Ma'am Vi kaya sinamantala kong hindi makipagpalitan ng klase. Sa halip, magturo ako, nagpasulat ako sa VI-Love ng mga talata, diyalogo, at kuwento, habang nagpapabasa ako sa mga estudyanteng mababa ang reading comprehension level sa Phil-IRI Filipino.
Halos matapos ko iyon, kung wala lang sanang mga absent. Gayunpaman, feeling fulfilled na ako. Naisagawa ko naman religious ang pagpapabasa.
After class, nag-ayos ako ng classroom. Hindi ko man naisaayos ang reading corner, mas maayos naman iyon kumpara sa dati.
Pagkatapos niyon, nagsulat ako ng mga info sa ID card ng dvisory class ko. Hindi nga lang nakompleto dahil hindi nagpasa ang sampu ng 'Learner's Profile.'
Na-late ako ng uwi dahil na-traffic pa ako sa Tejero. Gayunpaman, nakapag-print pa ako ng worksheets para bukas.
Hunyo 26, 2019
Napagalitan ko na naman ang VI-Love kasi kapapasok pa lang nila, maiingay na. Gayunpaman, nagturo ako sa kanila at nagpagawa sa worksheet.
Sa VI-Peace naman, nagmura ako. Minura ko ang isang estudyante. First time kong gawin iyon dahil sa sobrang inis ko. Naglilista ako ng mga scores, sinasabayan ako. Gayunpaman, very apologetic ako bago ako lumabas. Sinabi kong ayaw ko nang maulit iyon dahil hindi ko iyon talagang gusto. Nangako naman sila. Sana lang...
Sa VI-Faith, madalas ma-enjoy ko ang pagtuturo. Alam kong nae-enjoy din nila ang pagtuturo ko. Nai-inspire ko sila.
Past 2, kasama ko ang mga Grade 1 teachers, pumunta kami sa Japedia para magpa-laboratory. Past 3:30 na kami natapos.
Past 4, nasa Anytime Fitness ako. Ginabayan ako ni Coach Renz. Hinikayat niya akong magpa-train sa kanya. Interesado naman ako. Sa tingin ko, magaling siya at matutulungan niya ako. Kailangan ko lang ng P10200 para s 12 sessions. Malaking halaga, pero kung maggi-gain naman ako ng weight at mabi-build ng katawan ko, worth it naman. Aniya, kaya raw iyon sa 12 sessions.
Bago mag-six, tapos na ang workout ko. Ang sarap ng ginawa niyang pag-flex ng katawan ko bago niya ako pinauwi. Nawala ang sakit ng likod ko, na maghapon kong ininda. Naramdaman ko rin na parang nagka-muscle ako. Ilang araw pa, makikita ko na ang progress. Sana...
Hunyo 27, 2019
Nagkuwento ako ng 'Ranny Tingi' at nagturo ako ng mga pamilyar at di-pamilyar na salita sa lahat ng sections. Na-enjoy nila ang aralin at storytelling lalo na dalawang huling sections. Nakapagpasulat pa ako ng mga pangungusap at nakapagpa-groupwork sa iba.
After class, nag-train naman ako sa mga broadcasters na ire-refer ko sa teacher-trainer.
Then, nag-check ako ng mga papel at nag-record ako ng scores bago ako bumiyahe pauwi.
Past 4 nang nakarating ako sa bahay. Agad naman akong nag-print ng zine collection ko upang isama sa pagbebenta ni Emily sa mga pre-loved books.
Hunyo 28, 2019
Dahil shortened classes lang kami, which is 6:00 to 10:30 am ang pang-umaga at 1:00 to 5:00 pm ang mga panghapon, dahil may faculty meeting, nagbigay ako ng summative test. Nakipagkuwentuhan din ako sa VI-Love. Sinabi ko sa kanila ang mga ayaw at gusto ko. Ayaw nilang walang Christmas party. Gusto rin nilang dumalo ako sa graduation nila.
After ng summative test, nagpasulat ako ng kuwento, gamit ang writing prompts. At bago mag-uwian, nagturo ako ng pagsulat ng tula. Sana mas maraming time para makilala ko ang mga manunula.
Hunyo 29, 2019
Past 8 na ako nakapag-almusal dahil nagtagal ako sa higaan. Ang sarap matulog! Malamig ang panahon. Kahit paano, nabawi ko ang puyat ko.
After breakfast, hinintay kong tumila ang ulan. Nag-review muna ako. Nang tumigil, nag-gardening na ako. Dalawang oras akong nasa garden. Marami akong nagawa. Tinanggal ko ang sukal. Nag-transplant. Nagdagdag ng ibibentang halaman. Naglinis ng doghouse. Etc.
Maghapon din in-enjoy ang kuwarto. Nagbasa ako ng mga akda ng mga estudyante. Nag-review para sa compre.
Gabi. Naghanda ako ng mga kailangan sa school. Nag-print. Gusto ko pa nga sanang gumawa ng zine dahil nakapili ako ng limang akda, ang kaso kailangan ko nang ipahinga ang mga mata at likod ko.
Pagkatapos manuod at habang nagbabasa, agad akong inantok kaya natulog maaga. Okay lang naman para bumalik sa normal ang hemoglobin ko, na ayon sa result ng lab test ko, ay mababa.
Hunyo 30, 2019
Gardening ang ginawa ko halos maghapon dahil malakas ang bentahan ng halaman. Tuwang-tuwa si Emily dahil nagki-click ang online business niya. Sa kaunting kapital at tiyaga, kahit paano ay may sales bawat araw.
Naisingit ko rin ang pagbabasa ng reviewers at pag-eencode ng mga napili kong akda ng mga estudyante. Hindi nga lang ako nakatulog lalo na't nagpagupit ako. Antagal ko pa namang naghintay sa barber shop dahil marami ang nakapila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment