Followers
Saturday, December 14, 2019
Ang Aking Journal -- Disyembre
Disyembre 1, 2019
Nag-gardening ako nang saglit bago ko hinarap ang paggawa ng vlog. Nainis lang ako sa laptop ko kasi kusang namamatay kapag nagsisave ako ng video. Nakailang try ako, bago ko nagawa. Ang pinakamagandng nangyari ay ang paggawa ko ng reading aloud vlogs. Naipost ko na youtube ang iba.Gabi, nakagawa rin ako ng videos dhil may mga palakang pumasok sa bahay. Salamat sa Diyos dahil napag-isa ako sa bahay nang halos maghapon. Nakibertdey at nagsimba ang mag-ina ako.
Disyembre 2, 2019
Past 8 na ako nakarating sa school dahil natraffic ako. Naroon na sina Ma'am Madz, Ma'am Vi at ang kanyang pamangking guro. Agad akong kumilos. Ang simbahan ang ginawa ko. Naging maganda naman ang gawa ko. Nakakatuwa nga, e. Naging masaya ang pagdecorate namin sa entablado. Naroon sina Ma'am Joaan at Ma'am Edith. Dumating din si Sir Joel K. Hapon, bago kami umuwi, nagpameryenda si Ma'am Amy dahi naawitan siya. Past 3 na kami lumabas sa school. Antok na antok ako sa bus patungong PITX. Nang naroon na ako, nawalang bigla ang antok ko. Nagwork out na lang ako. Legs at shoulders ang dinale ko.
Disyembre 3, 2019
Dahil may bagyo at suspended ang mga klase, hindi ako nakapunta sa CUP para ipakita ang revised thesis ko. Okay lang dahil mas marami akong nagawa ngayong araw. Nag-vlog ako. Gumawa ako ng ASMR video habang umuulan at humahangin. Naglagay na rin ako ng grades sa card. Sa Lunes, makakapag-issue na ako. Then, gumawa ako ng reading aloud videos. Ang hirap lang magrekord dahil maingay. Idagdag pa ang pagiging bulol ko sa English language. Gayunpaman, nagawa ko naman kahit paano. Kailangan ko lang iimprove ang speaking voice ko. Sabi nga ni Ion, paos daw ako. Naniniwala akong habang nagba-vlog ako, may mga nai-enhance na skills. Bukas, itutuloy ko naman ng paggawa ng zine ng mga estudyante ko, since wala pa ring pasok. Hindi pa rin ako makakapunta sa CUP.
Disyembre 4, 2019
Dahil umaraw na, nag-gardening ako. Kakaunti lang ang nasirang halaman dahil sa bagyo. Ang cosmos lang ang natumba. Pinutol ko na lang. Pagkatapos kong maglinis sa garden, nag-encode naman ako ng mga akda ng pupils ko para gawing zine. Naisingit ko rin ang pagpopost sa youtube ng vlogs na ginawa ko kahapon.Hapon, natulog ako. Ang sarap! Ang haba ang tulog ko. Kaya naman, hindi agad ako inantok. Past 10, gising pa ako. Nag-Tiktok na lang ako at nag-update ng WP story.
Disyembre 5, 2019
Past 10, nasa biyahe na ako papunta sa CUP upang papirmahan ang thesis ko kina Dr. Bal-Oro at Dr. Ramos. Namili muna ako ng pampameryenda, gaya ng dati. Pampadulas, 'ikaw nga. Mabilis lang ako sa CUP. Pumunta muna ako kay Dr. Ramos, then kay Dr. Bal'Oro. Bumalik ako sa chairman nang pumirma na ang huli. Ipinaiwan lang sa akin ang mga iyon. Balikan ko raw sa Sabado. Pumunta ako sa Baclaran. May nais akong bilhin, kaya naglibot-libot ako. Ang dami kong gustong bilhin, pero nagpigil ako. Dahil alas-dose na pala, kumain muna ako. Itinuloy ko ang paglilibot after lunch. Hindi ako nakabili o nakahanap ng gusto ko. Sa halip, Christmas decos ang binili ko. Worth P290. May wreath material, balls, at star na. Umidlip muna ako sa PITX bago ako bumiyahe pauwi. Five-thirty, nasa bahay na ako. Naikabit ko na ang mga Christmas decos, bago dumating si Emily mula sa choir rehearsal.
Disyembre 6, 2019
Nagsulat muna ako bago ako bumangon. Hindi ko man natapos ang isang kabanata, at least nadugtungan ko.Pagkatapos kong mag-almusal, naggardening ako nang ilang sandali. Natulungan ko rin si Emily na magsampay. Then, naghanda na ako para sa pagbiyahe ko patungong Antipolo. Past 12 ako umalis. Dumating ako sa Bautista ng past 7. Sobrang traffic kasi. Isa pa, nag-upload pa kasi ako sa PITX ng vlog ko.Natuwa si Mama nang dumating ako. Nalungkot lang ako dahil gusto na talaga niyang maoperahan. Nahihirapan na raw siya. Kahit ako, gusto ko. Kaya lang, walang time. Magagawan ng paraan ang pera. Nag-iwan ako ng P4000 para kina Hanna at Zildjian. Binigyan ko rin siya ng P4000. Plus, may grocery pa ako. Almost P9k ang lumabas na pera sa akin. Okay lang. Kikitain ko naman iyon sa mga susunod na buwan. God will provide.
Disyembre 7, 2019
Past 8 na ako nakalabas ng bahay dahil nasarapan ako sa pagnamnam ng lamig. Parang may aircon, nakakatamad tuloy bumangon. Hindi rin naman ako nakauwi agad. Una, nagsight-seeing pa ako sa Bautista. May overlooking doon, kaya nagvideo pa ako. May mga dumaan ding cyclists, kaya nakuhaan ko rin. Ang ganda kasing pagmasdan! Then sa Gate 2, nag-ukay-ukay ako kasi wala pala akong barya. Magagalit ang driver kapag P500 ang ibabayad ko. Nakabili tuloy ako ng sweat shirts nang hindi oras. Sa LRT-Santolan, nakababa pa ako. Wala naman palang tren. Mabuti, nakasakay agad ako sa Cubao. Past 3, nasa bahay na ako. Pagod man, hindi naman uminit ang ulo ko. Masaya ako dahil nakita ko si Mama. Alam kong okay siya, kahit gusto na niyang maoperahan. Maganda naman ang pangangatawan niya.
Disyembre 8, 2019
Naiinis ako maghapon kay Emily. May sakit na naman. Ako na naman tuloy ang gumawa ng mga gawain niya. Hindi ko tuloy nagawang magsulat o mag-encode. Mabuti na lang, nakagawa ako ng tatlong vlogs. Ewan ko ba sa health niya! Sa kaunting trabaho, nagkakasakit. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit naiinis ako kapag may sakit siya. Hindi ko maintindihan. Siguro bahagi ito ng karanasan ko sa Polot noon. Nagkasakit ako noon. Halos mamatay na ako. Wala man lang nag-alaga sa akin. Sinikap kong gumaling nang walang pagkain, walang gamit, at walang pag-aalaga. Gabi, kahit paano naibsan ang inis ko. Nakabenta kami ng halaman. Wortg P320. Disyembre 9, 2019Maaga akong nakarating sa school, pero hindi ko naman agad nabuksan ang classroom ko kasi nakay Ma'am Vi ang susi. Nang dumating siya, agad kong inayos ang pera sa field trip para iturn over sa kanya. Hindi ko na naenjoy ang kape ko dahil sa pagmamadaling makarating sa SDO para sa unang araw ng 3-day seminar-workshop tungkol sa grievances, administrative, and mediatable cases. Sa SDO, nakasalamuha ko ang mga principals at supervisors. First time ko iyon, kaya naman sobrang awkward ng feeling ko. Gayunpaman, naging chillax ako nang magsimula na ang talk. Nagustuhan ko ang topic, kaya nagdesisyon akong hindi n sumama bukas sa field trip. Kaya nang tinanong ako ni Ma'am Laarni. agad kong sinagot na hindi ako sasama. Alam ko, iyon naman talaga ang hinihintay niya. Before 5, tapos na ang seminar. Nag-stay muna ako sa PITX ng ilang minuto. Nag-upload ng mga vlogs ko, bago ako umuwi. Ngayong araw, nabalitaan ko mula kay Emily na binaril sa dibdib si Bukbok. Natuwa ako dahil nagkatotoo ang pronouncement ko. Ilang araw pa lang ang lumipas, inis na inis ko sa kanya dhil pinaringgan niya ako. Mahilig mambully. Hayan, siya ngayon ang nakaranas ng matinding ganti. Nakahanap din ng katapat. Wala kasing preno ang bibig. Hindi ko malaman kung lalaki siya o bakla. Insecure ba o ano. Sana lesson learned na sa kanya iyan. Hindi ko na tuloy kailangang gumanti sa kanya. Saved by the bullet, I mean, bell.
Disyembre 10, 2019
Naabutan kong nakapila na ang mga estudyante at parents na sasama sa field trip. Kahit paano nakatulong ako. Wala akong inggit na naramdaman kung bakit hindi ako makakasama. Mas mahalaga para sa akin ang know-how na makukuha ko sa seminar. In fact, nagkaroon ng simulation ng proceedings o pre-hearing ng administrative case. Andami kong natutuhan kahit wala naman akong dialogue at kahit nanuod lang ako ng ibang role playing. Worth it!Past 5:30, nagtriceps workout ako. Past nine na ako nakauwi dahil past seven na ako bumiyahe. Nag-upload pa kasi ako ng vlog sa youtube.
Disyembre 11, 2019
Nagkaroon pa ako ng time para makipagkuwentuhan kina Ma'am Vi, Ma'am Leah, at Ma'am Joann. Naroon din si Ma'am Madz. Later, binigyan ako ni Ma'am Vi ng old coins, both local ang foreign. May maidaragdag na naman ako sa collection ko.Third day ng seminar. Marami na naman akong natutuhan. Substantial. Masasabi kong kaya ko nang maging bahagi Formal Investigation Committee kung sakaling mapili ako. Maaari na rin akong magtalk sa INSET o maging mediator sa dispute sa school. Past 3, tapos na ang seminar. Wala nang speaker sa hapon. ClosiIng program na lang. Kaya naman, natapos ko na ang update sa wattpad novel ko. Naipost ko na rin. Sana mabasa na agad ng reader na nagtanong para humingi pa ng kasunod at mapush akong magsulat.Past 7:30, nasa bahay na ako. Pagod, pero masaya, lalo na't may wifi na. Naideliver na rin ang order kong unan, na pang-exchange gift.
Disyembre 12, 2019
Naging abala ako buong maghapon dahil bukas na ang Christmas party ng mga bata at mga guro. Sa umaga ang mga estudyante.Hindi ko talaga planong magpaparty sa section ko. Matagal ko nang sinabi iyon sa kanila at sa kanilang mga magulang dahil sa kakulangan ng disiplina. Kaya lang, kanina nakitaan ko ng kalungkutan ang doseng estudyanteng pumasok at si Sir Ram.Tinanong ko si Sir Ram. Nagparamdam siya ng willingness para magdecorate kaya hinayaan ko na siya at ang mga bata, habang inaayos ko ang mga bagay-bagay tungkol sa faculty party. Nang matapos, nakipagkulitan ako sa mga estudyante ko. Nanuod at nag-Tiktok kami.After class, nagsalo-salo kaming advisers. Parang namiss namin ang isa't isa. Matagal-tagal na rin nang huli kaming nagsalo-salo. Kaya lang, pinatawag si Ma'am Madz. Pinatawag din kami ni Sir Joel. Nakakainis! Past 2 na ako nakauwi dahil nakipag-usap pa kami ni Sir Erwin sa mga mamamalengke at magluluto ng mga pagkain namin bukas.Then sa Bench-PITX, namili ako ng belt bags naming tatlo. Gift ko na sa mag-ina ko. Bumili rin ako ng pang-giveaway sa mga pupils ko. Mabuti na lang, mayroon doon. Past five, nasa house na ako.
Disyembre 13, 2019
Kakaunti lang ang dumating na VI-Love. Sila ang siguro ang nakatunog, nasabihan ng mga kaklase o ang may gustong magparty. Gayunpaman, masaya pa rin sila. Masaya rin ako dahil nakita ko silang nag-enjoy at nabusog. Sobra-sobra ang mga pagkain at inuming dinala nila. May mga nagbigay rin ng regalo.
After ng party ng mga bata, hindi na ako nakapagpahinga. Tuloy-tuloy na ang trabaho. Ako ang punong-abala sa program. Ilang araw na akong naiinis dahil wala man lang Faculty officers na nagtanong sa akin kung ano ang gagawin. Kaya naman nang nakakuha ako ng chance, nagsalita ako sa harap ng faculty at principal. Partikular ang mga GLs na kameeting ko, hindi nila nirelay ang pinag-usapan namin. Kako, "Hindi ba nagmiting tayo. Tapos, sasabihin ng iba, bida-bida ako... Next time, irelay naman ninyo. Alangan namang isa-isahin ko pa kayo." Nakita kong natamaan silang lahat at namove ko. Sana hindi na maulit iyon.
Nag-enjoy pa rin ako kahit nasira ang mood ko, lalo na ng nagpaagaw na ng mga coins.
After ng party, nakikanta at nakiinuman ako. Andami ko kasing dala. Alam kong matraffic kaya nagpagabi na lang ako.
First time kong makasalamuha ang asawa ng principal. Okay naman siya. Makuwento rin pala.
Lasing na ako nang nagdesisyon na akong umuwi. Sinabay ko na sina Ma'am Anne, Sir Hermie, at Sir Archie sa kinuha kong Grab patungo sa PITX.
Past 12 na ako nakarating sa bahay.
Disyembre 14, 2019
May hangover ako paggising ko. Sakit sa ulo ng pulang kabayo. Past nine na nawala ang sakit ko. Hindi nga ako nakatulog ng mahaba-haba. Gayunpaman, umayos din ang pakiramdam ko. Kaya, nasundo ko pa si Zillion sa school nila. Christmas party nila.
Past 4:30 ng hapon, nag-gardening ako.
Gabi, nakipagchat ako sa mga kaguro ko dahil mamamasyal kami bukas. Naghanap ako sa internet ng lugar na pupuntahan namin.
Disyembre 15, 2019
Masyado akong napaaga ng gising. Alas-dos pa lang kasi bumangon na ako para magbanyo. Hindi na ako nakatulog. Mabuti na lang, may internet. Nalibang ako habang naghihintay ng oras.
Mabilis din akong nakarating sa tagpuan, kaya matagal-tagal kong naghintay. Pero, okay lang. At least hindi ako ng hinintay.
Past 7 na dumating sina Sir Joel at Ma'am Madz. Okay lang naman kasi nakapagkuwentuhan kami nina Ma'am Vi, Ma'am Anne, at Sir Hermie. Naglabas ako ng hinaing sa mga kaguro naming hindi nakiisa sa paghahanda sa party.
Nilibre kami ni Ma'am Vi ng lomi at lugaw sa Silang. Ang saya rin ng kainan namin. Andaming kulitan.
Past nine, nasa Paradizoo kami. Ang ganda ng lugar. Perfect para sa araw na iyon. Andami naming pictures.
Past 12, nilibre uli kami ni Ma'am Vi ng lunch. Ang sasarap ng pagkaing inorder niya. Busog na busog kami. Inanatok nga kaming lahat, kaya nagkayayaan nang umuwi pagkakain.
Maaga pa sana akong nakauwi kung hindi ako natraffic sa Imus at Bacoor. Past six na ako nakarating sa SPV. Tapos, pinuntahan ko pa sina Emily sa simbahan dahil nasa kanila ang susi.
Sa sobra kong antok, hindi ko na nahintay ang pagdating ng aking mag-ina. Plakda talaga ako.
Disyembre 16, 2019
Past 6:30, bumiyahe na akong papunta sa PITX para magleg workout. Pagkatapos niyon, namili ako ng panregalo. Nag-internet din ako habang hinihintay ang go signal ng mga kasamahan kong magbubuffet.
Past 11, nasa Four Seasons Buffet and Hotpot na ako. Nauna roon sina Miss Krizzy at Kuya Allan. Sumunod na sina Mj at Papang. As usual, nahuli si Belinda.
Sobrang busog ko. Hindi ko man natikman lahat, at least may iba naman sa panlasa ko.
Past 2 na kami nakaalis roon. Antok na antok ako. Gusto ko nga sanang magcheck in sa Sogo para matulog lang. Kaso, nahiya ako. Isa pa, dagdag-gastos. Sumama na lang ako sa GES para makaidlip. Kahit paano, nawala ang antok ko pagkatapos kong mahiga.
Mahabang paghihintay ang nangyari. Mabuti na lang, may internet. Dumating din si Sir Ram, kaya may kakuwentuhan ako. Hindi niya na nahintay si Sir Joel, kaya umalis na siya. Bukas na lang daw kukunin ang questionnaire.
Kumain muna ako sa KFC, saka bumalik sa Gotamco para maghintay kina Ma'am Vi.
Disyembre 17, 2019
Ala-una na ng umaga sila dumating para sunduin kami ni Sir Joel. Okay lang naman. Kahit paano, nakaidlip ako sa table ng guard.
Masaya kaming bumiyahe kahit aandap-andap ang aming mga mata. Before 5, nasa bahay na kami ng tiya ni Ma'am Madz sa Bayambang.
Nagrekord ako ng videos para sa aking vlog, habang inihahanda ang aming almusal.
Seven, bumiyahe na kami patungo sa tiya ni Ma'am Vi.
Naenjoy ko ang lugar at ang accommodation sa amin ng mga tao roon, kahit biglaan ang pagdating namin. Naenjoy ko ang pagvlog dahil may maisan, manggahan, sagingan, at iba pa. Namulot pa ako ng mga bata. Nakahingi rin ako ng mga halaman. Sulit talaga!
After more or less one hour, pumunta naman kami sa kamag-anak ng pamangkin ni Ma'am Vi. Kahit paano ay nafeel ko uli ang buhay-probinsiya. Ang saya-saya namin. Pinagharvest pa kami ng matamis na suha.
Then, bumiyahe kami patungo sa Manaog Church. Ikalawang beses ko na roon. Hindi man ako religious person, naenjoy ko picture-taking. Bumili rin ako ng yakun at reg magnet, na pandagdag sa collection ko.
Sa San Fabian ang sumunod naming ruta. Nagkayayaang magswimming. Doon na rin daw kami maglalunch.
Iyon nga ang nangyari.
Sa San Fabian PTA Beach Resort kami napadpad. Maganda naman ang lugar kahit malayo ang beach sa mga cottages. Maalon lang ang dagat, kaya hindi namin naenjoy ang pagtatampisaw. Mabuhangin ang alon. Kaya, naghanap na lang ako ng batong idadagdag ko sa suiseki collection ko. Abdaming magagandang bato, kaya lang hindi ko na dinala dahil masyadong malalaki at mabibigat. Wala akong nakitang maliit. Okay lang.
Naligo na lang kami sa swimming pool doon. Kahit paano nabawi namin ang kakulangan ng beach. Five na kami umuwi. Siyempre naggroupie muna kami. Magaganda namin kasi ang mga anggulo roon. Nature talaga.
Plakda kaming lahat. Ang hirap lang matulog dahil sa upuan. L300 kasi. Hindi ko malaman kung paano ko isasandal ang aking likod at kung paano ko ihihilig ang ulo ko. Gayunpaman, safe kaming nakarating sa Maynila. Twelve na iyon.
Disyembre 18, 2019
Kahit hindi pa ako masyadong nakabawi ng ilang araw na puyat, bumangon na ako bandang quarter to nine para magluto ng almusal. Binalak kong maglaba habang ginagawa iyon dahil napansin kong hindi na naman maayos ang kondisyon ni Emily. Ayaw kong mainis sa kanya at sa madalawls niyang pagkakasakit. Mas lalong ayaw kong isisi sa kanya ang pagod niya sa pagseserve sa simbahan.
Since, wala na namang signal ang wifi, mas minabuti kong ilaan ang oras ko sa paglalaba. Nakapag-gardening din ako habang naglalaba. Past 2 na ako natapos at nakaidlip. Kahit paano ay nahimbing ako. Past 4 na ako bumangon para magmeryenda at magdilig.
Gabi, wala pa ring internet. Hindi ko tuloy maipost ang mga pictures namin. Inis na inis na naman ako sa PLDT. Nananadya yata. Nagbabayad naman kami on time.
Gayunpaman, sinimulan ko ng paggawa ng vlog, gamit ang mga pictures at videos sa gala namin kahapon.
Disyembre 19, 2019
Bad trip ko maghapon dahil walang internet. Hindi ko pa naipost ang mga pictures namin sa Pangasinan. Naiinis din tuloy ako kay Emily kasi hindi niya ginawan ng paraan.
Past 1, umalis ako. Gusto kong mawala ang inis ko. Nagworkout ako sa AF. Bago iyon, nag-wifi ako. Kahit paano nawala ang inis ko, lalo na nang maiupload ko nang lahat. Natapos ko rin doon ang pag-edit ng vlog.
Pagkatapos ng workout, kumain ako at bumili ng denim jacket sa ukay-ukay. Lalong nawala ang inis ko. Totoo ngang nakakawala ng stress o anumang negative vibes ang pamimili.
Past 9 ako nakauwi. Ten o'clock clock, nadiskubre kong may internet na. Naiupload ko na tuloy ang vlog ko.
Disyembre 20, 2019
Paggising ko, kinarenyo agad ako ni Emily para payagan ko siyang umalis patungo s Caloocan dahil darating ang kaklase niyang galing London. Pumayag naman ako, kaya agad siyang gumayak. Kaya lang, bigla siyang nalungkot dahil P100 lang ang binigay kong pera. Umalis pa rin sila ni Ion. After 5 minutes, bumalik sila. Nakapaghugas na ako niyon.
Dahil plano kong isama aila sa Torres Farm and Resort, nagdilig agad ako. Pagpasok ko, sinabi ko na sa kanila. Natuwa naman ang mag-ina ko kaya agad kaming gumayak.
Before 12, nasa Naic na kami. Kumain muna kami bago nagpahatid sa resort. Past 12, enjoy na enjoy na kami sa picture-taking. Ang ganda ng lugar! Ang lawak. Andaming amenities at instagramable spots.
Nagswimming agad si Zillion. Hindi nagtagal, nagswimming din ako.
Nagpalipat-lipat kami ng swimming pool, para mapicturan naming lahat ang mga spots. Sa may Taj Mahal kami nagtagal at huling naligo.
Enjoy na enjoy si Zillion kahit mainit at mahangin. Four na kami umahon.
Pagkabihis, nagpicture-taking uli kami. Sulit ang entrance fee na P200/pax. May iba-vlog na naman ako.
Past 6, nakauwi na kami.
Past seven, napaalam si Emily na aalis. Pinayagan ko na. Pinahiram ko pa ng P500.
Disyembre 21, 2019
Past 8 na ako bumangon. Kulang ako sa tulog dahil sa likot ni Zillion. Binaba ko kasi ang foam sa sala. Tabi kaming matulog.
Gayunpaman, sinimulan ko ang araw nang masaya. Naggardening ako. Gumawa sa kusina. Hinintay kong ideliver ng supplier ng Vita Plus na order ko upang maibigay ko rin kina Sir Hermie, Papang, at Miss Krizzy.
Late na dumating, kaya nang nagchat si Sir Hermie na nasa Robinson's na siya, naputol ng sales talk sa akin ng upline. Nakipagkita agad ako.
Past 11:30 na nang makabalik ako.
Hindi ko naman naiwanan si Zillion para maideilver pa ang dalawang box. Wala pa si Emily.
After lunch, with Vita Plus, umidlip ako. Kahit paano, nagka-energy ako. Nakagawa tuloy ako ng dalawang vlogs-- ang sand-rock dish garden at rock balancing.
Past nine na dumating si Emily. Wala siyang narinig sa akin. Sana lang hindi siya mag-inarte dahil napagod siya sa biyahe. Ginusto niya iyon, e.
Disyembre 22, 2019
Past 9:30, nasa biyahe na ako para ihatid ng Vita Plus na order nina Miss Krizzy at Sir Erwin. Inuna ko munang ihatid ang kay Sir dahil aalis silang mag-anak. Hindi na ako tumuloy sa condo unit nila.
Eleven-thirty, nakapag-lunch na ako.
Naabutan ko namang naglalunch sina Miss Krizzy at mga auntie at uncle niya. Nahiya ako, pero napilit pa rin kong kumain. Sumubo lang ako nang kaunti at nagdessert.
Sa PITX, nag-stay muna ako sandali bago nagworkout. Nakabili na rin ako noon ng panregalo kina Edward. Ibinili ko rin si Zillion ng building blocks, galing sa aguinaldo sa kanya ni Miss Krizzy. Dinagdagan ko na lang ng P100.
Pag-uwi ko, gumawa kami ng vlog. Natuwa ako kasi game na si Zillion na humarap at magsalita sa harap ng camera.
Bago kami natulog, uploaded na sa youtube ang unboxing video.
Disyembre 23, 2019
Nainis ako sa ubo ni Emily. Ayaw ko talagang may sakit siya. Sabi ko, kaya siya inuubo dahil malikabok sa kuwarto nila. Maglinis ka naman, kako. Pagkatapos, sinimulan kong maglinis s kuwarto ko. Sumagot-sagot pa siya, pero naglinis na rin siya at si Zillion. Naggeneral cleaning kami, since darating sina Epr ngayong Pasko.
Past 12, tapos na kami. Nakapagluto na rin ako.
After kung maligo, umidlip ako. Hindi man kagaano kahimbing at kahaba, at least napagbigyan ko ang antok ko. Kaya naman, nakapag-vlog ako pagkagising at pagkatapos kong magmeryenda.
Nakadalawang vlogs ako ngayong araw. Nakagawa pa ako habang nagluluto at nanonood ng TV. Naipost po iyon bago matulog.
Disyembre 24, 2019
Nakapaggardening agad ako pagkatapos mag-almusal dahil bumili ng mga halaman ang kapitbahay namin. Kahit paano pala ay may nakakaappreciate ng mga tanim ko.
Bisperas na ng pasko. Parang wala ako sa mood maghanda. Okay na akong magkakasama kami.
Ten, nahiga na ako. Hinayaan ko na si Emily na maghanda ng Noche Buena.
Disyembre 25, 2019
Hindi kami nag-Noche Buena. Inantok kasi kaming tatlo, kaya maaga kaming natulog. Ang ganda ng epekto ng Vita Plus. Sana magtuloy-tuloy na.
Kumain lang kami nang kumain maghapon. Wala naman kaming bisita, kaya andami pa ring tira. Hindi pa naman natuloy sina Epr.
Ang sumatotal, merry ang Christmas namin.
Disyembre 26, 2019
Gusto ko sanang magworkout, pero mas pinili kong mag-stay. Hindi pa rin kasi okay si Emily. Isa pa, aalis ako sa 28. Invited ako ni Ma'am Edith sa blessings ng bahay ng kapatid niya sa Imus.
Sa halip na umalis, gumawa na lang ako ng vlogs. Nakatatlong vlogs akong ngayong araw. Nakapagsulat din ko ng update sa nobela ko sa wattpad. Ay siyempre, ako ang gumawa sa kusina. Nagluto. Naghugas. Nakapaggardening din ako nang kaunti. Kulang nga lang sa tulog. But, it's okay.
Disyembre 27, 2019
Mukhang hindi matutuloy ang pagdalo namin sa house blessings ng kapatid ni Ma'am Edith kasi si Ma'am Bel, hindi makakasama. Si Papang, sinugod daw sa hospital dahil highblood. Si Miss Krizzy, hindi pa naseen ang chat. Haist! Game pa naman ako.
Ngayong araw, napakaproduktibo ng araw ko. Nangusina ako. Naggardening. Naglinis ng kulungan ng aso. Nagpaligo sa aso. Nagbanlaw ng winashing ni Emily. Nag-vlog. Nakadalawang vlogs ako ngayon. Sana mapansin man lang ng mga youtubers.
Gabi, late akong natulog dahil nagsulat pa ako. Updated na uli ang trending kong wattad story. Nakapanood din ako ng pelikula, kahit hindi ko na nasimulan.
Disyembre 28, 2019
Hindi na ako tumuloy sa house blessing. Sayang! Gustong-gusto pa naman ni Ma'am Edith na maging bahagi kami ng event na iyon. May sakit din si Miss Krizzy. Si Papang, hindi pa okay. Bed rest ang payo sa kanya ang doktor. Kung tutuloy ako, nakakahiya naman. Mao-OP lang ako.
Okay lang, naghanda na lang ako para sa pagwork out ko. Gumawa muna ako ng mga gawaing-bahay. Nag-vlog din. Past 1:30 ng hapon, bumiyahe na ako. Plano kong bumili ng panregalo ko na Epr.
Past three-thirty na ako nakarating sa Baclaran. Nahirapan at natagalan ako sa kakalibot. Past five na ako nakakompleto. Nagsasarado na nga ang ibang tindahan.
Six, nasa AF na ako. Nag-chest at shoulder workout ako.
Before nine, nakauwi na ako. Tuwang-tuwang si Emily sa pinamili ko. Sila na ni Ion ang nagbalot niyon habang nagkakape ako.
Disyembre 29, 2019
Late na ako bumangon. Ang sarap kasing mahiga hangga't malamig pa. Kaya lang, masakit ang likod ng kaliwang balikat ko. Damay ang leeg ko. Para tuloy akong may stiffed neck at stiffed back.
Iritable ako nang bumangon ako. Natarayan ko pa si Emily.
Anyways, okay naman. Nagsimba silang mag-ina kay napag-isa ako ng mahigit dalawang oras. Nakapagsulat ako at nakagawa ng vlog.
Ngayong araw, nakapag-upload ako ng tatlong vlogs. I know, darating ang araw na pakikinabangan ko ang mga ito. Patience is a virtue. Sabi nga ni Alex, kumikitang vlogger. "Just enjoy what you love doing."
Disyembre 30, 2019
Nine-thirty na ako bumangon. Nabasa ko kasi ng forwarded message sa akin ni Emily mula kay Eduard. Hindi raw sila matutuloy sa pagpunta sa amin. Natuwa ako kasi hindi na namin kailangang maghanda para sa kanila. Minus-gastos na, hindi pa mababawasan ang time ko.
After breakfast, naggardening ako. Kulang lang sa lupa, kaya hindi ko makapagtanim nang husto. Gayunpaman, nakakaenjoy talaga ng gardening.
Then, gumawa ako ng vlogs. Nakaapat yata akong vlogs ngayon buong araw. May isa akong vlogs n videos ng preying mantis at bangaw. Sayang ng isang scenario, hindi ko nakuhaan. Ang pagkain ng preying mantis sa bangaw.
Kahapon pala, kinuha na ni Jano si Mama sa Bautista. Panatag na ang loob ko. May kasama na siya. May mag-aasikaso na sa kanya. Dalangin ko na sana ipacheck-up niya si Mama, since may kotse na siya.
Disyembre 31, 2019
Naging busy ako dahil dito nagcelebrate ng Bagong Taon sina Epr at ang mag-ina niya. Kasama pa ang kanyang biyenang babae.
Unang beses kong makikita ang anak nila, na inaaanak ko. Unang beses din nilang makikipagcelebrate na buong pamilya na sila.
Feeling blessed naman kami sa pagbisita nila. Masaya kami dahil nakasama namin sila, lalo na si Ion. Aliw na aliw siya kay Heart.
Ako ang nagluto ng pang-Media Noche namin. Hindi naman ako nahirapan masyado. Mas nahirapan pa akong protektahan ang alaga naming aso sa stressful na ingay at pailaw. Ipinasok ko siya sa banyo habang nanginginig sa takot.
After kainan, nagsitulog na sila. Ako naman, nagligpit pa at nanood pa ng MYX.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment