Madalas kainggitan ni Sinong si
Tinong
"Aalis
na naman kayo? Maiiwan na naman akong mag-isa."
"Paalam, Sinong! Marami na
naman akong magiging karanasan sa labas!"
Napangiwi na lamang si Sinong
dahil sa inggit.
Lumipas ang ilang minuto, lumabas
si Sinong.
Sa kapitbahay, humalo siya sa
kapwa niya tsinelas.
Doon, walang gustong magsuot sa
kanya. Naiwan na naman siyang mag-isa.
"Kanino tsinelas ito? tanong
ng may-ari ng bahay. Itinapon siya sa basurahan, na nasa
labas.
Isang kuting ang kumagat kay
Sinong. Dinala siya nito sa tabi ng bakod. Tuwang-tuwa niyang pinaglaruan ng
tsinelas.
Maya-maya, tatlong bata ang
dumating. Umalis na ang kuting at naiwan si Sinong. Ipinambato siya sa kumpol
ng mangga.
Tuwang-tuwa ang mga bata. Lungkot
na lungkot naman si Sinong.
Napulot siya ng batang babae.
"Ang ganda nito sa tumbang preso!"
Whooosh! Whooosh!
Nalula si Sinong pagkatapos ng
laro.
Umuwi na ang batang babae. Dinala
niya si Sinong.
"Aaawrk! Aawrk!"
Sinalubong ito ng galit na galit na aso.
"Hayo, hayo!" bugaw
nito sa aso. Nang ayaw umalis, binato niya ito ng tsinelas.
Kinagat ng aso ang tsinelas at
tinangay palayo.
Dinala ng aso si Sinong sa karinderya.
"Doggie, pahiram nga
niyan," sabi ng tindera. Ipinampatay niya ang tsinelas sa ipis.
Pagkatapos, inihagis niya sa kalsada.
Gusto nang maiyak ni Sinong.
"Huwaah! Huwaah!" iyak ng batang
lalaki.
"Tumigil ka!" sawata ng
ina. Dinampot niya si Sinong. "Kapag hindi ka tumigil, tsitsinelasin kita.
Tumigil ang bata sa pag-iyak.
Gumabi na. Napadpad si Sinong sa
tabi ng kalye. Nagsisi na siya sa pagkalayas. Gusto na niyang umuwi.
Umulan nang malakas nang gabing
iyon. Inanod si Sinong ng baha.
Takot na takot siya.
"Tulong! Tulungan ninyo ako!"
Nawalan ng malay si Sinong.
Nagpalutang-lutang siya kasabay ng mga basura.
"Bagong-bagong tsinelas! Ang
suwerte ko naman!" sabi ng batang lalaki.
Natakot si Sinong, pero bigla
siyang natuwa.
Agad itong isinuot ng pilantod na
bata.
No comments:
Post a Comment