Followers

Tuesday, January 7, 2020

Ang Aking Journal -- Enero 2020

Enero 1, 2019
Past 1 na ako natulog. Sa sala ako naglatag. Akala ko kasi makikitabi sa akin si Epr kasi hindi siya makikitabi sa mag-ina niya dahil kasama nila ang nanay ni Judy. Nilamok tuloy ako. Sana sa kuwarto ni Ion na lang ako natulog. 

Anyways, nakatulog naman siguro ako. Kaya nga lang, maaga ring nagising kasi naligo na agad sina Epr. Pupunta sila sa Laguna. Bumangon na ako para ipaghanda sila ng almusal. 

Naawa lang ako kasi wala akong naibigay na pera kay Heart. Anyways, may regalo naman sila sa akin. Sana masaya na sila. Naawa pa ako kasi ang papayat nila. Naalala ko noong ang payat ko rin. 

After nilang umalis, nagbonding kaming mag-anak. Gumawa kami ng video na may magic o transistion. Game na game naman ang dalawa. Nagustuhan nila ang resulta. Posted agad sa FB. 

Then, sa halip na matulog, nanonood kami, kumain nang kumain. Solved ang new year.

Nakapagsulat din ako. Mabuti na lang, bumalik ang internet. Wala kasing net bago ang salubong sa bagong taon. 

Gabi. Nagpuyat na naman ako. Last na puyat na ito. Sa susunod na araw, school-related works naman ng haharapin ko, like school paper, DLL, IMs, etc. Magpiprint na rin ako ng questionnaire ng thesis ko.



Enero 2, 2020
Nine-thirty na ako nagising. Kahit paano, nabawi ko ang puyat ko. Past 1 na kasi ako nakatulog.

Pagkatapos kong mag-almusal, agad akong nagligpit ng Christmas tree. Nag-ayos na rin ako ng sala. Then, tinulungan ko si Emily sa pagsampay, habang nagluluto.

After lunch, hinarap ko naman ng paggawa ng school paper. Ngayon ko lang ginawa. Ang alam ng principal, nasimulan ko na before Christmas. Gusto niya kasi talagang magkaroon ng diyaryo. 

Hapon, habang gumagawa ako ng vlog, nagkasagutan kami ni Emily. Gusto niyang umuwi sa Aklan sa Mayo. Nagsabi na siya ng umaga. Pumayag naman ako, pero kako, sa kanya pamasahe. Inulit na naman niya kaya nainis ako. Hindi makaintindi, na ang budget ay sakto lang para sa mga kailangan at mga bills. Sabi ko pa, "Airplane pa naman ang gusto mo. Sosyal!" Sabi ko pa, "Hindi nga ako makauwi kay Mama. Ako itong may trabaho, ako pa ang hindi makaalis." Umakyat siya. 



Enero 3, 2020
Past nine ako nagising. Binati na ako ni Emily. Marahil narealize niyang mali ang inakto niya kahapon. That's nice!

Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig ako at nagpaligo sa aso. Then, humarap na ako sa laptop. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng school paper. Kahit paano, nadagdagan ang laman nito. 

Ngayong araw, nakagawa ako ng dalawang vlogs. Dumami na rin ang subscribers dahil nag-PM ako sa mga FB friends nf link. As of 11:00 PM, mayroon na akong 102 subscribers. Nakakahiya, pero sinisikap kong mareach out nila ang vlogs ko. Worth it naman ang karamihan ng content ko. 



Enero 4, 2020
Maaga akong nagising, kaya nagdesisyon akong maagang bumiyahe patungo sa school para maglinis.

Past 6, nasa school na ako. Doon na ako nag-almusal. Ainimulan ko rin agad ang paglilinis. Purely linis lang talaga ako. Hindi ko na pinakialamanan ang mga papel at forms. Natapos ko naman bandang alas-10. 

After brunch, pumunta na ako sa PITX. Tumambay muna ako. Umidlip ako roon, bago nag-workout.

Past 4 nasa bahay na ako. Wala ng mag-ina ko kaya malaya akong nakagawa ng vlog para sa second youtube account ko. Nadiskubre kong maaari palang mag-upload ng mga videos about sex. Napansin ko pa, mas mabilis maview ang uploaded vlog ko. Mas naexcite tuloy akong mag-vlog. 

Past 12 n ako natulog para lang makagawa ng ikatlong vlog ko, kaso nadelete. Tapos na sana. Nakakainis! Sayang ang effort at time. 



Enero 5, 2020
Maagang naistorbo ng tulog ko. Mas sakit si Zillion. Nagsuka. Kaya naman, bumangon na ako pasado alas-7 pa lang. 

Pagkatapos mag-almusal, naglaba ako. Ako na ang nagbanlaw ng winashing ni Emily kahapon. Past 10 ako natapos. Hinarap ko naman ang laptop. Nagprint ako ng DLL.

Nagvlog din ako ngayong araw. Nakadalawa ako. At good thing, nakaidlip ako pagkatapos maligo.

Bukas, back to reality na. I hope,.nagbago na ang VI-Love.



Enero 6, 2020
Gusto kong umabsent dahil kulang ako sa tulog. Past 1 na yta ako nakatulog kanina. Lagi na lang ganito. Tuwing linggo ng gabi, napupuyat ako. Hindi ako makatulog. 

Mabuti na lang, hindi ako nakaramdam ng antok sa klase. Hindi man ako ganoon kahyper, pero nagawa ko namang mapatuto ang mga estudyante. Nagturo ako ng pangatnig.

Okay naman ng unang school day ng 2020. Walang nagpasaway. Hindi ako nagalit, maliban sa nainis ako nang kaunti sa VI-Hope. 

After klase, hindi man ako agad nakauwi dahil kailangan kong kausapin ang mga journalism trainers para sa article submission.

Sa PITX ako nakaramdam ng antok. Umidlip ako sandali. Then, tinapos ko ang isng vlog. 




Enero 6, 2020
Nagturo uli ako ng pagsulat ng tula, gamit ang mga pangatnig. Halos interesado ang lahat, kaya lang kulang sa oras. Hindi nakapagsulat ng karamihan. Gayunpaman, ininspire ko silang magpasa kasi may pakinabang ang pagsulat ng tula.

After class, nagmiting kaming Grade Six teachers with our MT. Naibrought out ko na rin ang problema namin kay Sir Jul. Pinatawag ako ng principal pagkatapos magsabi ng MT sa kanya. Naalarma si Ma'am. Dapat daw sinabi namin kaagad.

Pinagawa pa ako ng minutes of the meeting, kaya hindi ko kaagad naedit ang entries ko sa PSICOM Librerya. Nawalan ng net kaya hindi ko nasend sa email.

Umuwi na lang ako. Past 6:30, nasa bahay na ako. 
Four-thirty na ako nakapagworkout.



Enero 7, 2020
Nagturo uli ako ng pagsulat ng tula, gamit ang mga pangatnig. Halos interesado ang lahat, kaya lang kulang sa oras. Hindi nakapagsulat ng karamihan. Gayunpaman, ininspire ko silang magpasa kasi may pakinabang ang pagsulat ng tula.

After class, nagmiting kaming Grade Six teachers with our MT. Naibrought out ko na rin ang problema namin kay Sir Jul. Pinatawag ako ng principal pagkatapos magsabi ng MT sa kanya. Naalarma si Ma'am. Dapat daw sinabi namin kaagad.

Pinagawa pa ako ng minutes of the meeting, kaya hindi ko kaagad naedit ang entries ko sa PSICOM Librerya. Nawalan ng net kaya hindi ko nasend sa email.

Umuwi na lang ako. Past 6:30, nasa bahay na ako. 
Four-thirty na ako nakapagworkout.



Enero 8, 2020
Kakaunti lang ang pumasok sa klase ko, palibhasa inannounce ko kahapon na may seminar ako ngayon.

Nasa SDO na ako bago mag-8. Akala ko, may almusal na ako tulad noong December. Wala pala. Sana pala nag-almusal ba ako sa school. Mabuti na lang, hindi pa naman agad nagsimula. Lumabas ako para kumain. 

Nagustuhan ko ang seminar na iyon. Marami akong natutuhan na maaari at dapat ko talagang iapply sa teaching-learning process.

Hindi lang talaga ako satisfied sa food. Namiss ko ang last time kong seminar.

Hindi na ako nagworkout kasi gagabihin ako nang husto. Quarter to eight na ako nakauwi.



Enero 9, 2020
Kakaunti ng VI-Love na pumasok. Peste talaga ang SDO. Nakamindset na ako na hindi ako maghahanda ng lesson at IMs dahil may seminar, iyon pala imomove nila ang schedule. Hayun, wala akong turo. Nagpasagot na lang ako tungkol sa pangatnig. Mabuti, nagmeeting kaming teachers, kaya nakain ang oras. Mahalaga naman iyon. Tungkol sa Bad Guyz. Samahan ito ng mga Grade Six pupils, na ang hilig ay mambully. Naalarma kaming lahat dahil may mga nagrereklamong magulang. Kinausap namin ang founder. Estudyante ko pa. Hindi naman ako masyadong naiinis sa kanya. Panata kong hindi na ako maiistress sa VI-Love. Kaya, nagchill-chill lang ako hanggang mag-uwian. Nakakatamad na kasi... I need motivation. 

After class, nagstay muna ako hanggang past two. Gumawa ako ng vlog. Hindi ko nga lang natapos dahil kailangan kong magworkout. 

Past 6 ako nakauwi sa bahay. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman. 




Enero 10, 2020
Nagturo ako ng pagsulat ng balita, gamit ang mga pangatnig. Napagod ng ngala-ngala ko, pero hindi naman gumawa ng karamihan. Gayunpaman, naniniwala akong may natutuhan sila kahit paano. 

Sa Faith, nagturo ako ng pagsulat ng liham. Sila ang pinakainteresadong section, kaya hindi ko masyadong nagagalit at nahihirapan.

After class, may meeting kaming AM teachers tungkol sa test construction. Past 3  na kami natapos. 

Before 6, nasa bahay na ako. Aalis kasi si Emily.

Nakapagdilig pa ako ng mga halaman.


Before seven, umalis ang mag-ina, kaya nakapagrekord ako ng audio para sa vlog ko. Natapos ko ang isa, pero hindi pa naipost dahil wala pa kaming internet.

Bukas, seminar na naman. 




Enero 11, 2020
Nagdesisyon akong hindi dumalo sa seminar. Gabi pa lang, nagdadalawang-isip na ako. Sabi ni Mama, kapag ganoon daw, huwag na akong tumuloy. Isa pa, mas masarap matulog kaysa makinig sa mga speaker.

Past 8 na ako bumangon. Nag-almusal agad ako para makapagsimulang gumawa ng mga gawaing-bahay at gawaing-school. Nag-gardening muna ako kasi namalengke pa si Emily. Naglaba ako pagdating niya kasi may powder na. 

Hindi naman ako nakapagprint at nakagawa nang marami sa laptop kasi wala pa kaming internet. Hindi ako makapagdownload. Gumawa na lang ako ng vlog. Nagsulat din ako ng mga akda.

Sana bukas may internet na, since binayaran na namin kanina.



Enero 12, 2020
Nag-vlog ako maghapon. Isiningit ko na lang ang mga gawaing-bahay at gawaing-paaralan. Hindi nga lang ako nakaidlip. Gayunpaman, masuwerte pa rin ako dahil dineklara agad ni Mayora na walang pasok bukas dahil sa ashfall na nagmumula sa Taal Volcano. Amoy-asupre nga sa labas ng bahay.

Nanood ako ng tv hanggang 11:30 at nagsulat pa  bago ko ipinahinga ang mga mata ko. Sana hindi agad masira ang mga mata ko. Sana hindi symptom ng panlalabo at pagluluhang naranasan ngayong araw. 



Enero 13, 2020 
Dahil sa patuloy na pagbuga ng abo ng Taal Volcano, nagkulang lang kami sa bahay. Safe naman kami dahil may salami ang mga sliding window namin. Kaya lang, hindi ako nakapaggardening. Mabuti na lang, may internet. Nakapagvlog ako.

Nakagawa rin ako ngayong araw ng bagong zine. Ito ang Noon Ngayon. 

Past 7 pa lang, inannounce na ni Mayora ang suspension ng mg klase. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya kasi makakapagpahinga ako at mkakagawa ng vlogs. Malungkot naman dahil marami ang nasa desperate na kalagayan. At hindi ako makakapagworkout. 



Enero 14, 2020
Dahil wala pa ring pasok, nagpalate ako ng gising. Ginusto ko sanang pumunta sa school para makapaglinis at makapagworkout na rin sa AF, kaya lang tinamad ako. Sa halip, gumawa ako ng test. Sa maghapon, natapos ko iyon. Nakadalawang vlog din ako ngayon. Very productive. 

Sa panonood ng balita tungkol sa Taal, pinangarap kong makatulong pinansiyal sa mga biktima. Sana kumita na ako sa vlogging. 




Enero 15, 2020
Maaga pa akong nakarating sa school, kaya makapag-almusal pa ako, sa karinderya mismo. Kasalo ko si Ma'am Madz.

Nabadtrip lang kami sa Grade Six kasi mga tuod sa exercise. Pag-akyat tuloy namin at nang naglilesson na ako, badtrip pa rin. Napagsalitaan ko sila ng kung ano-ano. Ang babagal kasing kumilos. Ang bagal magproseso ng mga utak. Gayunpaman, nagturo pa rin ako.

Before dismissal, nagmeeting kami tungkol s test, sa nalalapit na paggiba ng building, at iba pa. Nalungkot ako kasi kailangang lumipat ng silid at makishare. Hassle. Sana sa bakasyon na lang.

Afterwards, nagstay ako sa classroom para tapusin at iupload ang vlog ko. 

Past 2:30, umalis na ako.

Past 4 naman ako nagworkout.

Before 7, nasa bahay na ako. Nakabenta ako ng halaman (money tree/chestnut tree--P150). Thanks, God!




Enero 16, 2019
Nagsimula na ang test namin kanina. Nagkagulatan kami. Unannounced. Mabuti na lang, marami-rami ang pumasok sa akin. Naka-35 din. Handang-handa at turong-turo sana ako. Okay lang naman. Hindi naman talaga kaya ang dalawang araw na test. Nakakastress iyon sa mga bata.

After ng klase, nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Bel at Miss Krizzy. Then, pinasulat ko nang balita ang isang estudyante. Oara iyon sa school paper. Then, namiting kaming coop board.

Past 2, nagstay ako sa classroom ko. Sinubukan kong umidlip, kaya lamg maingay. Hindi ako nakatulog. Umuwi na lang ako bandang past 3. Maaga akong nakarating sa bahay.

Gabi, hinikayat ako ni Emily na magmember na sa Vita Plus. Sumige na ako, kaya pumunta agad ang upline niya at pinapirma niya ako ng form. Nagbayad na rin ako. Bukas ba ang items, worth P5460.

Past nine, nagchat naman si Sir Hermie. Umorder ng isang box ng Guyabano Original. Sana mahikayat ko siyang magmember. 




Enero 17, 2020
Ikalawang araw ng test. Nakakastress lalo. Walang pagpapahalaga sa test ang mga estudyante. Pasaway pa rin. Nakikisabay pa sa stress ng paglipat ng classroom. 

Parang ayaw kong lumipat ng classroom. Nakakapagod isipin. Bakit pa kasi gigibain? Bakit ba kasi hindi hintayin ang bakasyon?

Nagpamiting pa ang mga MT. Sinama nila ako para pag-usap ng outreach program para sa mga biktima ng Taal. Ako ang nakaisip ng mas magandang gawain, na nagustuhan ng lahat.

After ng klase, kami naman ni Ma'am Joann, Sir Arsenio, at Sir Renerio ang nag-usap. Kami ang binigyan ng obligasyon ni Ma'am Laarni para sa planong outreach.

Past 4 na ako nakapunta sa AF para magworkout. 

Two hours naman bale ang workout ko kasi nainvite ako ng isang coach sa cardio and abs workout. Nagustuhan ko iyon. Ang sakit at ang sarap sa katawan. 

Kaya naman, past 9 na ako nakauwi. Gayunpaman, masaya ako kasi nakabenta si Emily ng isang box at limang sachet ng vita Plus at dalawang klase ng halaman.  Naaorder ko rin sina Sir Hermie at Ma'am Madz. Sigurado ako, bibili rin si Ma'am Vi.




Enero 18, 2020
Kumuha nga si Ma'am Vi ng isang box ng Vita Plus, kaya soldout ang tatlong dala ko. Ang galing! Halos nabawi ko na ang capital ko. 

Nastress na naman ako s ingay ngVI-Love..Mabuti na lang, may outlet ako. Nagpintura ako sa dating kong garden. Iyon na uli ang magiging garden ng Grade Six, since lilipat na kami ng classroom. Natuwa nga raw si Ma'am L nang makita. Magpapabili pa nga raw ng pintura para sa grills.

After class, nagkuwentuhan kami nina Ma'am Vi at Sir Joel, since hindi kami natuloy sa Tala Dance for a cause. 

Past 2:30 na kami nakalabas sa school. Nakauwi naman ako bandang alas-kuwatro y medya. Natulog ako pagkatapos magmeryenda. Masakit ang ulo ko, pero kahit paano nang nakaidlip ako, nawala ang sakit.



Enero 19, 2020
Past 1, nasa Zapote na ako. Nauna roon sa meeting place si Ma'am Joann. Okay lang kasi nakapag-almusal pa ako. Past 2, nasa bahay na kami ng isa mga organizer ng 'One for Juan.' Inorient nila kami. Pinagpray nila ako. Then, bumiyahe na kami.

Past six, nasa San Luis na kami. Nadisappoint ako noong una kasi hindi ako nakakita ng ghost town, pero narelize ko, evacuation at outreach program pala ang sadya namin. First time ko iyon, kaya sobrang ligaya ng puso ko. Andami kong napulot na karanasan at bagong kaalaman. 

Past 10:30, nasa Bauan kami. Mabilis lang kami roon, pero marami rin akong natutuhan.

Past 1:30 na kami nakapaglunch dahil walang tables sa Al Goto. Sa iba kami nakakain, pero natagalan din dahil wala nang maorder. Andaming customer.

After late lunch, nagpost con kami. Pinagsalita ang bawat isa. Pinuri ko ang mga organizers. At nagpledge akong sasama uli sa mga susunod na mga events.

Past 7 na ako nakauwi. Nainis ako kay Emily. Wala pa siya. Gutom na gutom na kami ni Zillion. Eight-thirty na umuwi, tapos bumili lang ng de-lata. Leche! Nagbigay ako kagabi ng P2000. Iyon lang ang ipinaulam sa akin. 
Bad trip!



Enero 20, 2020
Naglipat na kami ng classroom. Sa tulong ng mga estudyante ko, nagawa naming ilipat ang mga gamit ko patungo sa dati kong classroom noong Grade Five ako. Nagawa ko ring pagandahin ang cubicle sa tapat niyon, na dati kong garden. Gustong-gusto ngang tumingin at tumulong nga VI-Love. Nag-aagawan pa sila. Nakakapagod, pero hindi ko naramdaman dahil maganda ng kinalabasan.

After class, nagpaenroll ako sa CUP. Past 2:30, tapos na ako. Bumiyahe na ako patungo sa PITX. 

Umidlip muna ako bago nagworkout. 

Past 7 na ako nakauwi sa bahay.

Hindi ko matapos-tapos ng vlog kong nasimulan. Sobrang busy. Sisikapin kong makapagpost bukas. 



Enero 21, 2020
Tatlo lang kaming present na advisers--ako, si Sir Joel, at si Ma'am Madz. Andami pa namang estudyante. Present yata lahat ng kay Ma'am Vi. 

Kinuha ko ang kay Sir Hermie dahil mas kakaunti at para maipagmalaki ko sila sa VI-Love. Kinaiinggitan kasi sila ng advisory class ko. Kaya naman, nang nagpagroup work ako at nagperform na sila, tama ang sinasabi ko about them. Ang layo nila sa sarili kong klase.

Bad trip nga ako buong hapon dahil sa ingay nila. Ang kakalat pa. Sabi ko nga, "`Di ba kung nasaan ang marumi, naroon ang demonyo? Gustong-gusto talaga ninyo ang demonyo." Ipinaliwanag ko kasi sa kanila noong nakaraang linggo ang kahulugan ng 'Cleanliness is next to godliness.'

After ng klase, tinulungan ko si Sir Erwin sa problema niya sa report. Kasama ko ang Grade 3 at iba pa. Then, umuwi na ako. Past 4 nasa bahay na ako. Ako pa nga ang nakapagdilig ng mga halaman. Naawa ako dahil tuyong-tuyo ang iba. Lanta na ang mga ternatea seedlings ko. Nainis ako kay Emily.

Gabi, gumawa ko ng vlog. Nakapagpost ako ng isa. 



Enero 22, 2020
Nainis na naman ako sa VI-Charity. Ayaw na naman nilang magrecite. Itinigil ko nga ang pagtuturo ko. Pinasagutan ko na lang agad ang inihanda ko. Then, naggardening na lang ako.

Naiinis din ako sa VI-Live dahil sa ingay at kawalang-disiplina nila. Pinagsalitaan ko sila idiomatically.

After class, nagsimula kami ni Ma'am Joann na magpack ng nga relief goods. Katulong namin ang SPG at ilang GPTA officers. Nagawa namin iyon nang mabilisan, kaya nakapamili pa kami para pandagdag. Past 4 na kami muling nakapagpack. 

Nakakapagod pero nakakataba ng puso.

Istorbo lang si Sir Gali. Pinatawag niya ako para magkuwento tungkol sa kasong ibinabato sa kanya tungkol sa pagbebenta niya ng lapel noon. Pinakinggan ko naman ang mga kuwento niya, kaya kahit paano ay may mga nalaman ko. Humihingi lang siya ng tulong para maabsuwelto siya kung sakaling makarating sa region ang reklamo.

Nagdinner muna kmi sa school bago umuwi. Past 7:30 na ako nakalabas. Past 9:30 naman ako nakauwi.



Enero 23, 2020
Past 8, nasa TPES ako para sa Faculty Federation meeting. Hindi naman kaagad nagsimula, pero nang nagsimula, puro naman pagtatalo ang naganap. Nakapagsalita tuloy ako sa harap. Kako, simulan na lang ang election. Hayun nga...

Nominated ako, pero hindi ako nanalo. Ikalawa ako sa lowest. Anyways, wala naman talaga kong balak maging officer. Sinabi ko na iyon sa kanila.

Past 2, natapos na ang meeting-election. Bumalik ako sa school para makipag-usap (sana) sa principal para sa event bukas, na paulit-ulit niyang pinalitan ng date at oras. Sobra na talaga ang inis ko. 

Gayunpaman, naghintay ako ng update mula sa kanya. Sa chat lang ako nag-aabang kasi umalis siya sa school, habang nakikipagkuwentuhan kina Ma'am Joan, Ma'am Venus, at Ma'am Lea. Later, kay Ma'am Lea na lang ako nakipagkuwentuhan. Hanggang umabot na ng past 5. 

Umalis na ako. Nagworkout na lang ako sa AF.

Past 8 na ako nakauwi. Sobrang pagod ako, kaya hindi na ako nakapagdinner. Natulog agad ako. 



Enero 24, 2020
Kagabi pa lang, desidido na akong umabsent para makapagpahinga at para rebeldehan si Ma'am. Nakakastress siya. Pabago-bago ng plano. Pakiramdam ko, ayaw niya kami ni Ma'am Joann na magdistribute ng relief goods. Ginamit niya lang kami. 

Hayun nga!

Ang sumatotal, hindi rin isinama si Ma'am Joann. Kesyo hindi raw makontak. Tama ang hula ko, ayaw niya talaga kaming isama. Mabuti na lang, hindi ko ipinilit ang sarili ko. 

Mas productive pa ko ngayong araw. Naggardening ako. Nagvlog. 



Enero 25, 2020
Nainis ko sa asta ni Emily. Ang ganda pa naman ng gising ko at naghanda pa ako ng almusal. Binash niya ang pagwoworkout ko. Parang siya naman ng nagbibigay ng pambayad ko. Sagot ko, "Pera ko ang ginagastos ko, kaya huwag mo akong ibash. Kapag pera mo na, sige ibash mo ako." Nakaresbak pa ako nang nanghiram sila ni Ion ng pamasahe. Kako. "Hingi, hindi hiram. Tuwing aalis na lang, ako ang apektado. Hindi pa nga nabayaran ang unang utang. Tapos, kapag ako ang aalis, binabash niyo ako. Ako ang kumikita, ako pa ang binabash ninyo." Wala siyang nasabi. Gayunpaman, pinahiram ko sa kanya ang budget sa pagkain.

Naglaba ako, after kong maggardening. 

Maghapon akong magvlog. Hindi ako dumalo sa PRIMALS. Kinumusta nga ako ni Ma'am sa chat. Kako, hindi pa ako okay. Sana naniwala siya. Pero, get well daw, aniya.




Enero 26, 2020
Late na ako bumangon. Hinayaan ko si Emily na maghanda ng almusal. Nadisappoint ako kasi nag-order at nagpadeliver lang siya. Gayunpaman, hindi ako nagsalita o nagreklamo. Naggardening na lang ako pagkatapos kumain. 

Maghapon akong tahimik. Nilaan ko ang buong araw ko sa paggawa ng vlogs. Nakarami ako. 

Naideliver na rin ni Upline Jenny ng order na Vita Plus products ni Sir Hermie. Siya ng una kong downline. I hope maging matagumpay kami sa negosyong ito.




Enero 27, 2020
Nabayaran na ako ni Sir Hermie sa inabunuhan kong Vita Plus. Desidido na talaga siyang maging dealer. 

Nagturo ako sa lahat ng section. Tanging Faith lang talaga ang nakinig. Ang hirap magturo sa mga nakalutang. Masakit sa dibdib at lalamunan. Wala na talagang kalidad ang edukasyon. Sila mismo kasi ang tumatangging matuto. 

After class, nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Leah at Ma'am Joann tungkol sa planong outreach sa Batangas. Then, nakinood ako ng tv kay Miss Krizzy. hanggang ala-una y medya.

Past 3, nasa AF ako para magworkout. 




Enero 28, 2020
Nagturo ako ng paglalagom. Gumamit ako ng vlogs ko, since may tv monitor naman ang halos lahat ng rooms. Kahit paano naging magaan ang pagtuturo ko.

Kaya pagkatapos ng klase, naghanda uli ako ng video presentation para bukas. Past 2 na ako lumabas sa school.

Sa PITX, nagdownload ako ng mga images na kailangan ko. Hindi muna ako nag-workout kasi masakit ang likod ko, kahapon pa pagkatapos maggym.

Maliwanang pa nang nakauwi ako. Pero ten na ako nakatapos sa isang vlog. Puyat na naman. 



Enero 29, 2020
Kahit masakit ang likod ko, hinarap ko pa rin ang bawat klase ko. Nagpalagom ako sa kanila ng kuwento, gamit ang vlog ko. Nagustuhan ng karamihan, maliban sa Peace. Tuwang-tuwa naman ako sa realsiyon ng Faith. May mga umiyak. Hindi talaga ako binibigo ng kuwento nina Janna at Janjan.

After class, pinatawag ako ni Sir Gali. Nainis lang ako dahil binigyan pa niya ako ng trabaho. Kailangan niya ng pirma para tulungan siya sa kaso. Naiinis ako kasi ayaw kong mainvolve sa mga kaso-kaso. 

Nagconsult ako kina Ma'am Vi at Sir Joel, gayundin kay Ma'am Joann. Gaya ng gusto ko, against sila. Hindi ko nga ginawa. Pero, gumawa pala siya ng pipirmahan namin bago siya umalis. Kailangan ko na lang papirmahin ang mga naroon sa affivadit. 

Past 3 nasa PITX na ako. Umidlip muna ako bago ko ginawa ang vlog kong gagamitin sa mga klase bukas. Then past 5:30 na ako nagstart magworkout. Masakit pa rin ang likod ko kaya hindi ako masyadong makagalaw. 



Enero 30, 2020
Masakit pa rin ang likod ko. Apektado ng pagkilos ko. Gayunpaman, hindi ko iyon ipinahalata sa mga estudyante. Hindi rin ako nagalit para hindi lalong sumakit. Nakapagturo pa rin ako. Ako pa ang nagdilig.

Before uwian, miniting kami ni MT2. Napag-usapan sin namin ang case ni Sir Gali.

At bago umuwi, may part 2 ang usapan, pero with Ma'am Vi, Sir Erwin, at Sir Joel lang.

Past 4:30, nasa bahay na ako. Gusto ko sanang matulog, pero hindi ko na ginawa kasi naghanda ako ng summative test oara bukas at tarpapel para sa Early Enrollment parade bukas.



Enero 31, 2020
Nagparade kami para ianunsiyo ang Early Registration bukas. Mabilis lang naman. After niyon, bumalik ako sa klase. Summative test lang kami ngayon. Pasaway lang ang VI-Peace. Ang iingay. Naroon ang kinaiinisan kong mga estudyante. Kung sino pa ang mahina sa reading, sila pa ang mayayabang, pasaway, at maiingay. Haist! 

After class, nag-fill in kami sa withholding tax form. Then, nakipagkuwentuhan ako sa mga kaTupa ko. Inabot kami roon ng 3:00. 

Past 4:30 na ako nakapagworkout. Masakit pa rin ang likod ko. Hindi rin naman nawala sa lower back pain exercise ko. 











No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...