Followers
Tuesday, June 22, 2021
Generalized Anxiety Disorder
Ang Generalized Anxiety Disorder (GAD) ay isang uri ng karamdaman kung saan labis ang pagkabalisa at hindi makatuwiran ang pag-aalala ng taong apektado tungkol sa mga bagay-bagay sa pang-araw-araw n trabaho, kalusugan, pisikal na katangian, pamilya, salapi o badyet, at iba pa.
Dahil sa ganitong pag-aalala, hindi niya makontrol ang pakiramdam niya. Hindi rin niya ito kayang pahupain, kaya nauuwi ito sa iba’t ibang pisikal na sintomas kagaya ng pagkahapo, hindi mapakali, hirap sa konsentrasyon, iritable, insomya, at kung ano-ano pa.
Marami ang maaaring pagsimulan ng GAD. Wala talaga itong isang dahilan, ngunit may mga lumabas sa mga pag-aaral na ito ay maaaring dahil sa biological aspect. Halimbawa: Hindi balanse ang kemikal na lumalabas sa neurotransmitter niya o kaya ay mahina ang kalusugang panlabas.
Maaari ding psychological aspect. May mga tao kasing mabilis mabalisa, hindi matatag, pesimista o negatibong mag-isip, at walang pasubali.
Maaari ding environmental aspect. Ang mga negatibong karanasan sa pagkabata at iba pang nakakabagabag na pangyayari sa buhay o sa paligid gaya ng trabaho, relasyon, edukasyon, gobyerno, at iba pa.
Normal naman sa tao ang magkaroon ng tensyon, ang mabahala, ang matakot, ang mag-alala, o ang mabalisa. Subalit kapag sobra naman ito, malamang GAD na ito. Kung pabalik-balik na ang mga ito at tumagal na ng 6 na buwan, dapat nang humingi ng tulong sa espesyalistang nangangalaga sa mental na kalusugan.
Kung hindi mapalagay o ninenerbyos, madaling mapagod, may kahirapan sa konsentrasyon, o nabablangko ang isip, irritable, nakararamdam ng tensiyon sa kasukasuan, at hindi makatulog, panahon na upang magpakonsulta sa doktor. Sa psychiatry, gumagamit ng diagnostic manual, na nagtatakda ang minimum hanggang 6 na buwan, subalit makabubuting gumamit ng tumpak na timer upang humingi ng tulong. Kung hindi ito maagapan kaagad, maaaring mauwi ito sa depresyon o iba pang sakit sa pagkabalisa.
Ang GAD ay maaaring magamot sa pamamagitan ng Teraping Sikolohikal at Parmasyutiko.
Ang teraping sikolohikal ay pagsusubok na palitan ang hindi makaangkop na reaksiyon sa kamalayan, pag-uugali, at pisyolohiya, na umangkop ang kaniyang mga tugon. Ang pangunahing pokus nito sa kamalayan ng pasyente ay palitan ang hindi makatuwiran at mapaminsalang pag-iisip nang mas balanse. Sa pag-uugali naman, sisikapin ng teraping ito na magtataglay ang pasyente ng kaalaman sa pagpaplano sa oras, pagtatalaga ng layunin, at paglutas sa suliranin upang mabawasan ang pagkabalisa. At sa pisyolohiya, ang pasyente ay sinasanay na magpalubag-loob upang mabawasan ang kaniyang reaksiyon tuwing may problemang kakaharapin.
Ang Parmasyutiko ay paraan ng paggagamot sa GAD upang makatulong na magpakalma ang mga sintomas. Ito ang pangontra sa lungkot (antidepressants), pampakalma o (tranquillizers), o pang-awat sa norepinephrine. Ang Norepinephrine ay tinatawag ding noradrenaline. Ito ay isang neurotransmitter na kabilang sa isang klase ng mga compound na kilala bilang catecholamines. Ang mga catecholamines ay pinakakawalan sa dugo bilang tugon sa parehong pisikal at emosyonal na stress.
Sa mga indibidwal na nakararanas ng GAD, matutulungan niya ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod na payo. Dapat siyang sumangguni at maniwala sa espesyalista at makiisa sa mga pamamaraan ng gamutan. Dapat niyang panatilihin ang malusog na pamumuhay sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiyang pagkain, pag-ehersisyo nang regular at katamtaman lamang, pagkakaroon ng makabuluhang libangan, pakikisalamuha sa kapwa, at pagkakaroon ng positibong pananaw na harapin ang mga pagsubok nang buong katatagan.
Ang mga miyembro ng pamilya ay may malaking papel na gagampanan para sa sinomang may GAD. Sila ang dapat na umunawa ng mga sintomas at mga dahilan nito. Dapat nilang iwasang sisihin ang may sakit sa pagkakaroon nito. Sa halip ay dapat na bigyan ng oras ang tao upang makabawi at gumaling. Sikapin ding mahikayat ang maysakit na makilahok sa paggagamot at sa mga nakalilibang na gawain. At kapag lumala ang kondisyon ng pasyente, humingi ng tulong sa mga propesyunal.
Ang GAD ay magiging madali kapag kasama si God. Nakakabalisa ito, subalit ang dasal ay mas mabisa. Nagagamot ang Generalized Anxiety Disorder, kaya huwag nang mag-alala pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment