Followers

Sunday, October 31, 2021

Ang Aking Journal -- Oktubre 2021

Oktubre 1, 2021
Pambihira ang karanasan ko sa araw na ito. Naiyak ako sa kuwento ng mga bata tungkol sa kanilang pamilya. At the same time, natutuwa ako kasi sa murang edad ay nais nilang magpahayag ng kanilang damdamin at saloobin. Tamang-tama sa aming aralin-- ang maiiugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto. 

After online class, umidlip ako. Kahit paano, naipahinga ko ang aking isip, katawan, at mata. Paggising ko, gumawa na ako ng IWAR at PPT. Past 6, natigil ako sa paggawa dahil dumating na si Sir Hermie.

Sa garden kami unang nag-inuman. Nilabas ko ang laptop, pero hindi naman kami nakapagkantahan doon. Kaya after naming maubos ang laman ng isang grande, pumasok na kami at nagkantahan.

Sobrang saya, pero sobrang lasing ko naman. Naduwal ako sa kalasingan. Apat ba naman. Isa pa, hindi na ako nakapaghapunan. Hindi pa ako nakainom ng First Vita Plus. 



Oktubre 2, 2021
Masama ang pakiramdam ko nang nagising ako, partikular ang sikmura ko. First time kong uminom nang hindi naghapunan. Kaya naman, hindi agad ako nakakilos. Nahiga lang ako pagkatapos mag-almusal. Mga 11 na nang nanumbalik ang lakas ko. Nakapagdilig na ako ng mga halaman at nakapagluto ng tanghalian.

Ngayong araw, nanood lang ako ng Korean series at movies. Hindi ako gumagawa ng mga schoolwork, although tumanggap ako ng mga queries ng mga parents at students sa GC at chat. 

Bukas, maglalaba muna ako bago ako gumawa ng mga gawaing pampaaralan.




Oktubre 3, 2021
Past 8, naglalaba na ako. Tatlong salang sa washing machine ang damit namin. Sobrang dami sa bawat salang. Inabutan ako ng past 11 bago nakasampay. Pero, ayos lang kasi masaya naman akong gumagawa kaya hindi ako masyadong napagod.

After maglaba, gumawa ako ng mga schoolwork ko. Ready na ako para bukas.

Nakaidlip naman ako bandang 3pm hanggang 4. Then, nanood ako ng pelikula at vlogs. Pampa-relax ko ang mga iyon.

Bukas, back to the game na naman!



Oktubre 4, 2021
Maaga akong bumangon para maghanda ng almusal. Alam ko kasing hindi pa rin magaling si Emily.

Ngayong araw, nagsimula na naman akong magkainteres sa Dreame o Stary Writing. Nag-install ako at gumawa ng account. Then. bago nagsimula ang online class, marami na akong nai-upload na episode ng Red Diary. 

Kung noon ko pa sineryoso ang platform na ito, baka kumita na ako. Sayang! Nakatengga lang sa Wattpad ang mga stories ko nang 
walang kinikita.

Okay naman ang online class ko. Parang ang bilis lang matapos. Ang kaso, ginawa na ako sa paggawa ng mga schoolwork. Nahirapan ako sa CIDAR. Abala sa paggawa ko ng PPT.

After dinner, nanood ako ng vlogs about plants. Nakakawala ng stress at pagod.




Oktubre 5, 2021
Ako pa rin ang unang bumangon. Sigurado kasi akong hindi pa rin magaling si Emily. Gaya ng dati, noong hindi pa ako dealer ng First Vita Plus, ganyan din ang sakit niya. Unti-unti na naman akong naiinis. Nakapahina ng resistensiya. Parang hindi pinapakain. Ako na ang naiinis sa sarili ko. Ako pa yata ang nagkulang. Haist! 

Kaya upang hindi ako ma-stress, naglaga ako ng itlog at nag-almusal. Nag-upload ako ng episodes sa Stary. 

Thrn, namalayan ko na lang, start na ng klase ko. Marami na akong na-accomplished. 

Tulad kahapon, masaya at maayos kong naituro ang mga lessons ko. Alam kong natuto ang mga estudyante ko. Marami rin akong natutuhan. 

Bago ako, nag-upload ng episodes sa Stary, tinapos ko muna ang mga schoolwork ko. Nakapaghanda na rin ako ng powerpoint presentations para bukas.

Ten, nagsusulat ako ng pang-update sa Wattpad ko. May mga nagre-request na kami.  Two months na pala nang huli ako nagsulat. 



Oktubre 6, 2021
Gusto ko sanang matykog hanggang 9 AM, kaya lang narinig ko si Nanay Dely na tumawag, kaya napilitan akong bumangon. Good thing naman na bumangon ako kasi magbabayad pala siya. Nag-abot siya ng P600. Ang P500 ay galing kay Ma'am Maricar.

Pagkatapos, nagluto na ako ng almusal. Then, nagkape ako at nag-almusal, saka ako nagsimulang mag-post sa Stary. 

Gaya kahapon, ganoon pa rin ang ginawa ko. Hindi pa rin kasi ako makapag-gardening dahil sa madalas na pag-ambon. 

Okay-okay na rin ngayon si Emily kaya medyo nabawasan ang inis at stress ko sa kanya. Ayaw ko lang kasing makita siyang may sakit dahil wala naman kulang sa pagkain. May First Vita Plus pa kami. Kaya, no reason at all para magkasakit pa siya. I just hope, maging healthy na siya always.



Oktubre 7, 2021
Paggising ko, mga pasado alas-8, nabasa ko ang chat ni Kuya Natz. Niyayaya niya akong kunin ang order naming fiddle leaf fig sa Lancaster. Bumangon agad ako para maghanda kasi baka sunduin ako. Hindi nga ako nagkamali, sinundo nila ako before nine.

Natagalan kami sa kahahanap ng bahay ng friend nila sa GC namin. Pero mabilis lang kaming nag-stay roon. Tapos, dumalaw din kami sa isa pa naming GC friend. Na-meet ko na siya noong Monday sa Bella Vita-- si Ate Angela. Ang ganda ng bahay niya. Nagbebenta rin ng plants. Gusto ko ngang magpaiwan para ayusin. Kulang sa alaga at maintenance. 

Mas nagtagal kami roon kaysa sa naunang plant shop. Pinameryenda pa kasi kami. Nagkuwentuhan pa.

Before 11:30, nasa bahay na ako. Ang saya ng gala naming tatlo nina Bro. Joni at Kuya Natz. 

Dahil walang pasok bukas, nagdalawang lesson ako ngayon. Nahirapan ako kakasalita. Kapoy! Pero okay lang dahil at least nagawa ko. Ayaw ko rin naman magkaroon ng backlog. 

After class, umidlip ako. Sobrang pagod ko. Ngayon lang ako napagod sa pagtuturo. Pangit din pala ang dalawang lesson sa isang period. 

Past 4:30, okay na ako. Nagmeryenda lang ako, saka na ako gumawa ng schoolworks. Hindi ko nga lang nagawa ang PPTs para sa Monday. 

Past 8 PM, nag-biking ako hanggang past 9. Nakapag-post muna ako ng isang chapter sa Wattpad. 



Oktubre 8, 2021
Past 8 na ako nagising. Kahitbgusto ko pang matulog, bumangon na ako kasi nagsisimula na ang GES Virtual Teachers' Day Celebration.

Masaya naman ang celebration. Maraming rafflr prizes. Hindi nga lang ako nabunot. Okay lang naman.

Past ten, naglinis ako sa sala. Tinulungan naman ako ng mag-ina ko. Past 1 na ako natapos. Kinailangan ko naman manood ng Division Virtual Teachers' Day Celebration, kaya hindi ko kaagad nasimulan ang garden rearrangement. Past 4 na natapos. Hindi na naman ako nanalo kahit consolation prize. Mailap talaga sa akin ang suwerte kapag raffle.

Anyways, nasimulan ko naman ang pag-aayos ko sa garden. Pending nga lang kasi kailangan ko munang pinturahan ang plant racks bago ko ipuwesto sa ibang side ng garden.

Past 6, gumawa ako ng WHLP at PPT. Nagawa ko na rin ang IWAR, pagkatapos ng virtual celebration.

Past 8, nag-biking ako. 

Pagdating ko, nag-upload ako ng episodes sa Stary. 



Oktubre 9, 2021
Hindi pa ako nag-almusal nang umalis ako para mag-withdraw. Antagal kasing magising ng mag-ina ko at matagal ding dumating ang delivery. 

Past 10:30 na ako nakabalik. Nakapamili na ako ng mga pagkain, ilang gamit, pintura, at paint brush.

Pagkatapos kumain, sinimulan ko na ang pagpipintura. Nahirapan ako kasi ang sikip na ng garden namin. Hindi ako makagalaw nang maayos. Pero ako lang, nakuha naman sa padahan-dahan.

Past 2, nag-join ako sa Mindanao Children's Literary Festival. Akala ko, writeshop, hindi pala. Opening program pa lamang pala iyon. Pero, okay lang kasi na-inspire ako kahit paano.

Kahit ipinagpatuloy ko ang pagpipintura pagkatapos ng Zoom meeting, hindi pa rin natapos. 

Gabi, gumawa ako ng PPTs para sa Martes kasi hindi na ako makagagawa sa Lunes. Nasa school ako para sa distribution of modules.


Oktubre 10, 2021
Maghapon akong nagtarabaho sa garden.Tinapos ko ang pagpipintura. Nang matuyo, inayos ko naman ang plant rack at mga halaman. Lumuwag-luwag na ang garden namin, lalo na't binawasan ko ang mga sanga ng puno. Lumiwanag na ang bakuran.

Gabi na ako nakagawa ng powerpoint. Medyo nahirapan ako sa paggawa kasi not jibe ang mga activities sa layunin. 

Eight, nag-biking ako. Past 9 na ako umuwi. Agad din akong umakyat para matulog. Bukas, nasa school ako para sa distribution of modules.



Oktubre 11, 2021
Before 8, nasa school na ako. Nakapag-almusal na rin. Naabutan ko na roon sina Sir Hermie at Ma'am Joan.

Okay naman ang distribution of modules. Masaya kami. Hindi man gaanong marami ang kumuha, at least, na-meet ko ang ibang parents. Nakakuwentuhan ko.

Nag-check na rin kami ng mga modules dahil hindi kami nag-online. Kahit paano, marami kaming accomplishment.

Past 3, habang naghihintay sa sunod ni Ma' Joan, nagkuwentuhan kami nina Ma'am Janelyn. Bonding na rin. 

Past 5:30 na dumating ang sundo ni Ma'am Joan. Nakisabay na ako. Binaba nila ako sa Gahak. At least, nakatipid ako.




Oktubre 12, 2021
Dahil maaga akong nagising, inantok ako bandang 11 am. Kaya, umidlip ako hanggang 11:30. Okay lang naman dahil 12 pa ang klase ko. Nakaligo pa ako at nakapag-dinner. Late na nga lang ako nakapag-post ng Google Meet link. Akala ng mga bata, wala na namang online class.

So far, okay na ang online class namin. Gamay na gamay na naming lahat. Very smooth na rin ang recitation. Nagagamit ang audio, camera, at chat box. 

After class, gumawa ako ng mga schoolwork. Itinigil ko na nga lang ang paggawa ng PPTs. Gagayahin ko sina Ma'am Joan. Nakakapagod din kasi. Ipre-present ko na lang din mismo ang soft copy ng modules. Academic ease at academic freedom iyon.

After kong magawa ang mga required tasks, nag-post ako sa Stary. Nakatatlong episodes yata ako. Tumigil ako kasi bigla akong inantok. Kaya lang, hindi naman ako nakaidlip lasi andaming nag-chachat. 




Oktubre 13, 2021
Past ten, nag-chat si Ma'am Mina. Tinanong niys ako kung anong topic sa writeshop ang gusto ko. May nakahanda naman pala siya kaya hindi na ako nagbigay. Sa halip, kinontak ko si Sir Genaro upang ipaalam na sa Oct. 20-23 na ang writing workshop.

Na-stress ako dahil puno na ang schedule ni Sir Gene. Pinakiusapan ko pa. Mabuti, nagbigay siya ng isang araw, sa halip na dalawa.

Speaker din si Ma'am Joann kaya mas challenging ang aming tasks. Kailangang upuan namin ng isang araw ang paghahanda. 

Naging maayos naman ang unang beses na paggamit ko ng soft copy o Word docs ng modules. Nababasa naman nila at nauunawaan. 

After kong matapos ang mga schoolwork, nag-research ako tungkol sa topic ko. Hindi naman iyon bago sa akin, pero parang mahirap hanapan ng references.

Nakakita naman ako. Kailangan ko lang ng mas marami pang ideas.

From past 8 to 9, nagba-biking ako.



Oktubre 14, 2021
Eight-thirty na ako bumaba. Past nine, umakyat na ako para mag-post ng episodes sa Stary. Marami-rami ring akong nai-post.

Ngayong araw, lumabas na ang bagong memo ng writeshop, na may matrix. Nai-send ko na agad kay Sir Genaro at napag-usapan na namin ni Ma'am Joann. 

After kong gumawa ng mga schoolwork at maghanda ng lesson, gumawa na ako ng PPT ng aking topic. Nang almost done na, naghanap naman ako ng ideas para sa topic ni Ma'am Anne. Agad naman akong nakahanap, kaya nakampante ang loob ko.



Oktubre 15, 2021
Umaga, pagkagising, hinarap ko kaagad ang paggawa ng PPT ni Ma'am Joann, habang hinihintay ang meeting with Ma'am Normina. Kahit paano marami akong na-accomplish bago nagsimula.

Past 10:30 na kami nakapagmeeting. Lima kami. Ako, si Ma'am Joann, Ma'am Jackie, Ma'am Mina, at Sir Marvin. 

Natuwa ako sa mga plano ni Ma'am Mina. Nais niyang maging bahagi kami niyon. Nakakataba ng puso.

Naging maayos uli ang pagtuturo ko, maliban sa Section Pinya. Nainis ako sa isang estudyante kaya napagalitan ko. Nag-sorry naman sa akin ang nanay niya, through chat. 

After ng online class, gumawa na ako ng IWAR. Nang mai-submit ko, hinarap ko naman ang PPT ni Ma'am Joann. Almost done na kaya nakipag-Google Meet na ako para i-discuss sa kanya. Kaya lang, bigla kong mapindot at nawala ang ibang slides. Hindi pala na-save. Sayang! Inulit ko pa tuloy. Andaming nawala. 

Gayunpaman, nagawa kong i-discuss sa kanya before 8. Okay na ang kanya. Ang PPT ko naman ang haharapin ko. Sa October 20 na iyon. Ilang araw na lang. 



Oktubre 16, 2021
Maghapon akong gumawa ng slides namin ni Ma'am Joann. Nagbasa rin ako ng mga kolum sa Liwayway, kaya natukungan akong buuin ang aking topic. Malaking tulong talaga ang pagkakaroon ng reading materials sa bahay. 



Oktubre 17, 2021
Past 7, gising na ako. Gumawa agad ako ng Weekly Home Learning Plan. 

Nainis naman ako sa tinuran ni Emily, habang nag-aalamusal ako. Inis na inis daw siya sa DepEd kasi puro na raw trabaho ang mga guro. kaya wala na raw kaming bonding. Mas mabuti pa raw may face-to-face na. Mas nainis ako sa sinabi niya. May pagkagaga rin talaga, e. Anong bonding pa kaya ang gusto. Ni halos hindi nga siya gumaling-galing sa sakit niya. Wala sa hulog ang pilosopiya at lohika. Basta na lang nagsalita. Hayun! Mas nainis siya sa sinabi ko. Sabi ko, "Ikaw nga, walang trabaho pero madalas may sakit. Tapos ako gusto mong bumiyahe uli araw-araw."

Maya-maya, humingi rin ng tulong sa akin kasi hindo raw makahinga. Sinuob ko. Sinisermunan ko habang ginagawa ko. Halos dalawang linggo na kasing may sakit. Abala. Imbes ako ang alagaan, siya pa ang alagain. Sabi ko nga, magpalit kami ng trabaho.

Kung ano-ano ang iniisip kapag nagkukulong ako sa kuwarto. Sinabi nang maybginagawa. Hindi makaintindi. Magtitiyaga ba ako sa init kung hindi makabuluhan ang ginagawa ko? Trabaho pa rin naman, na siyang nagpapakain sa kanya. 

Bad trip ako sa kanya maghapon. Mabuti na lang, abala ako sa ginagawa kong PPT kaya hindi ko masyadong dinibdib. 

Past 8:45, nag-biking ako. Before 10, nakauwi na ako. Nawala ang stress ko. Good thing kasi pasukan na naman bukas.




Oktubre 18, 2021
Late na ako nag-almusal kasi hindi talaga ako bumaba hanggang hindi bumabangon si Emily. Nasasanay siyang late na rin gumising. Tinalo pa ang donya. Haist! 

Ngayong araw, natapos ko ang PPT ko. Aaralin ko na lang bukas. 

Naging maayos din ang online ko, maliban sa Music. Hindi nila narinig, kaya kinailangan kong ulitin ang video.

After class, natulog ako. Sobrang pagod ko kaya kahit paano nakapagpahinga ako. 

After meryenda, nag-gardening ako saglit. Saka hinarap ko ang laptop para sa schoolwork. Gumawa na rin ako ng introduction para kay Sir Genaro. 

Past 8:30 hanggang 9:45, nag-biking ako. Ang sarap sa feeling. Nakaka-refresh. 



Oktubre 19, 2021
Talagang hindi maaasahan sa maagang gising ang mag-ina ko. Ang tindi nila! Yayamanin. Past 9 na bumangon. Talagang nakakainit ng dugo.

Gayunpaman, nag-silent protest ako. Tahimik akong nagkape. Wala pa rin ang almusal kasi siyempre, alanganin na rin ang gising nila. Very late na rin ang delivery. Nang dumating, alas-10 na. Inalok nga ako. Sabi ko, "Huwag na. Nalipas na ako ng gutom." 

Nagtiis ako hanggang 11:30. Hay, buhay! 

Ngayong araw, na-finalize ko na ang aking PPTs. Ready na ako bukas.

Bukas naman, aalis si Emily para i-dealer si Hanna. Twelve thousand pesos ang pinadala ko. Kasama na roon ang pambili ko ng oil. 



Oktubre 20, 2021
Past 9:30, umalis si Emily. Okay na siya. I hope pagbalik niya ay maayos o mabuti pa rin ang pakiramdam niya. Napapagod na kasi akong makita siyang may sakit. Nakaka-stress din. 

Twelve noon, nagturo muna ako sa IV-Buko. EsP at Filipino ang naituro ko. May 20 minutes pa ako para kumain, bago nagsimula ang workshop.

First time kong mag-talk online. Pero, parehas ding kaba ang naramdaman ko nang humarap ako noon sa mga teachers sa SDO-Antipolo City. At dahil naka-off cam naman ako, nalampasan ko ang kaba. 

Dahil sa time pressure, minadali ko ang pagsasalita, pero maliwanag naman. Sabi nga ni Ma'am Joann, okay naman daw. Kaya pala walang question sa akin ang mga participants sa open forum. Ginalingan din ni Ma'am Joann, kaya sabi nina Ma'am Mina, busog na busog daw sila sa kaalaman.

Gabi, pagkatapos kong gumawa ng IWAR, nag-comment ako sa mga ipinasang Tsart ng Karanasan. Nakatutuwang magbigay ng komento. Maraming potensyal na stories ang puwedeng maisulat ng mga participants. 



Oktubre 21, 2021
Pagkagising ko pa lang, hinarap ko na ang laptop upang mabasa ko ang mga ipinasang Tsart ng Karanasan ng mga participants kahapon. Nang matapos ako, nagbasa ako ng mga aklat-pambata na binili ko through Lazada. Sobrang na-inspire akong magsulat uli ng mas quality na stories. 

Twelve, nagturo muna ako sa IV-Buko saka ako nag-log in sa link ng workshop. Mabilis din akong nag-lunch dahil malapit nang magsimula.

Busog na busog ako sa talk ni Sir Gene. Karamihan, bago na naman ang natutuhan ko. Wala talaga akong pinalampas na sandali. Hindi ko nga inisip ang gutom. Alas-singko na kami natapos. 

Nag-meeting pa kami nina Ma'am Mina, Ma"am Jack, at Ma'am Joann after ng workshop. Natutuwa ako kasi vocal ang dalawa na sa paghingi ng suporta sa amin. Huwag daw namin silang iwanan. Ipinangako naman namin na susuporta kami sa adbokasiya. Masaya kasi kami sa ginagawa namin.




Oktubre 22, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, umalis ako upang mag-withdraw. Pag-uwi ko, nagbayad ako ng mga billd through GCash. Ganito palagi ang ginagawa ko para updated ako. Hindi bale na ang mga susunod na araw. Ang mahalaga, paid lahat ang mga utility bills. Maliban lang sa water bill, dahil late naman palaging dumating. Isa pang bayarin, ang loan ko sa coop.

Ngayong araw, naging critique ako sa writing workshop. Dati, ako lang ang kini-critique. Mahusay si Ma'am Joann sa content. Ako naman ang sa technicalities. Si Ma'am ang final say. 

Nakakatuwa dahil maraming magagandang kuwento ang naisulat at nai-present. Kaunting revision na lamang, ready to go na. 

Pagkatapos ng workshop, nais ako sa mag-ina ko kasi nag-aaway sila. Masama ang pakiramdam ni Emily dahil sa menstruation, pero si Zillion, walang pakialam. Ayaw sumunod sa utos ng ina. Panay lang kasi ang pindot sa cellphone. Nagalit ako nang dalawang beses at binantaan ko silang wawasakin ko anh mga cellphone nila kapag narinig ko pa uli sila. Tumigil naman sila. 

Nai-stress na nga ako sa mga report, maririnig ko pa ang bangayan nila. Minsan naman, ang lalambing sa isa't isa. Parang mga hindi na normal. Tsk!



Oktubre 23, 2021
Past 10, bumiyahe na ako. Bibisitahin ko sina Flor Rhina at Mama. Bitbit ko ang mga First Vita Plus products para makapagsimula na rin si Flor. 

Inabutan ako ng gutom sa PITX, kaya doon na ako nag-lunch bago bumiyahe pa-Antipolo. Na-traffic naman ako sa Marcos Highway kay past 4 na ako nasundo ni Flor. Okay lang naman kasi hindi naman ako nagmamadali. 

Tulad ng inaasahan ko, masaya si Mama sa pagdating ko. Alam kong masaya na siya na kasama sina Flor dahil nakaalis na siya kina Jano. Mas masaya naman akong makita siyang nasa mabuting kalagayan. 



Oktubre 24, 2021
Akala ko, mamamahay ako, hindi pala. Nakatulog naman ako nang maayos lalo na't malamig dahil sa ulan. Okay rin ang kuwarto. Komportable ako.

Nagising ako, past 8:30 na. 

Sinundo ni Flor sina Hanna at Zildjian. Past 10:30, nandito na sila. Natuwa akong makita sila, kahit hindi sila masalita. Alam kong masaya rin silang makita ako. Soon makakasama ko rin sila at masasanay kami sa isa't isa.

Past 3, nagluto kami ni Flor ng carbonara. Hindi man kalasa ng madalas kong lutuin, pero masarap pa rin naman.

Past 6, umuwi na ang mga anak ko. Baon nila ang pagmamahal ko. Niyakap ko sila isa-isa. Masaya na ako kahit sa kaunting oras naming pagsama-sama.




Oktubre 25, 2021
Kinagat ng daga ang daliri ko sa paa, bandang 3:30 ng madaling araw. Kaya naman, kulang ako sa tulog. 

Before 5, nakaalis na ako sa bahay ni Flor. Dalawang oras lang, nasa GES na ako. Naabutan ko na roon si Ma'am Joan. Nagkuwentuhan kami habang naghahanda ng modules.

Maaga ring dumating si Sir Joel. Sumunod naman si Sir Hermie. Late na si Mareng Janelyn.

Kakaunti lang ang kumuha ng modules, kaya nakapag-check ako ng mga answered modules. Nakapag-bonding din kami. At higit sa lahat, walang online class.

Past 4, pumunta kami ni Ma'am Joann sa SDO-LRMC para kunin ang certificates at token namin. Pagkatapos ng pictorial, pumunta naman kami kay Sir Genaro.

Excited kaming makita siya at makausap man lang. Akala namin paaakyatin kami ng guard sa unit ni Sir Gene, hindi pala. Balak pa naman sana naming bumili ng books sa kanya.

Okay na rin na na-meet namin siya sa labas ng condo. Nakapag-groufie kami at nakapagpa-autograph ako ng book niyang 'Connect the Dots.'

Natagalan naman kami sa paghihintay ng masasakyan. Pero nakasakay rin naman kami pagkatapos naming maglakad para malalayo sa No Loading Area.

Pagdating ko sa PITX, ang haba ng pila papuntang Naic o Tanza. Hindi ako pumila kasi ayaw kong tumawa nang matagal. Sa halip, naghintay akong maubos ang mga o
pasahero. Quarter to 9 na ako nakasakay. Mabilis lang naman ang biyahe. 

Pagdating ko, nagkape lang ako. Gumawa agad ko ng pinaggawa ni Ma'am Nanelyn kanina. Tumawag siya kanina. Maaaring magkaroon ako ng porsyento sa modules na ginawa ko. 

Gumawa na rin ako ng WHLP. Hindi ko nga lang na-edit ang mga stories ng mga participants na nag-chat sa akin. Sinabihan ko nang bukas ko na gagawin. 



Oktubre 26, 2021
Maaga akong nagising kaya nakapag-almusal ako nang maaga. Nasermunan ko naman ang mag-ina ko dahil late silang bumangon. Ayaw ko ng ganoon. 

Hinarap ko ang editing ng mga stories ng ilang writeshop participants. Natuwa naman at nagpasalamat sila sa akin. Sana lang, sundin nila ang mga suggestions ko.

Antok na antok ako habang nagkaklase, pero hindi ko ipinahalata. Muntik na nga lang akong makaidlip habang pinanonood ng IV-Buko ang lesson video sa Music 4. 

Kaya naman, after class, umidlip ako. Past 5 na ako bumangon para magmeryenda. Pagkatapos niyon, hinarap ko naman ang laptop para sa IWAR. Then, sinulatan ko naman ng details ang ID cards ng advisory class ko. Almost done na before 7:30, kung nagpasa nga ang lahat ng ID pictures ang lahat. 



Oktubre 27, 2021
Pagbangon ko, nakapagluto na si Emily ng almusal. Natuwa naman ako sa effort niya. 

Pagkatapos kong mag-almusal, humarap na ako sa laptop para magbasa ng mga kuwento ng mga participants. Nag-edit din ako ng isang kuwento. Itinuloy ko rin ang kuwento ng batang hindi napapagod. 

Naging maayos naman ng online class. Sobrang nakakaantok lang talaga ang schedule namin. 

After online class, umidlip ako. Hindi nga lang mahimbing ang tulog ko dahil sa mga chat. 

Past 8, nagpa-massage ako. Gusto ko kasing matanggal ang lamig sa katawan ko. First time kong magpmasahe. Nakaka-relax pala. 




Oktubre 28, 2021
After breakfast, hinarap ko na ang pagtatapos ng kuwentong pambata. Natapos ko iyon, bandang 10:30 am. Sa tingin ko, okay naman. Pero, ipinabasa ko muna sa mag-ina ko bago ko ipo-post sa Wattpad.

Ngayong araw, natanggap ko mula kay Ma'am Mina ang link ng memo ng writing engagement ko bukas. May 'Kumustahan' kami with the participants. Itutuloy namin ang presentation and critiquing of outputs.

Nagpaalam na ako sa mga kaguro at mga estudyante ko. Nag-double lesson din ako. Mabuti na lang, madali at inulit lang ang o
isang layunin kaya hindi masyadong mahirap  ang gawaing iniwan ko sa mga mag-aaral. 



Oktubre 29, 2021
Past 9 na nagsimula ang presentation of outputs and critiquing. Mas ginalingan namin ni Ma'am Joann ang pagbibigay ng critique. Hindi kami naging harsh, bagkus nang-inspire kami at nagbigay ng mga suhestiyon. Naniniwala akong maraming natbutuhan ang mga naroon.

Past 4, natapos ang critiquing. May mga hindi nakapag-present kaya baka may part 2. Sayang minadali pa namin ang pagki-critique. Hindi rin kasi nakapag-critique si Ma'am Mina dahil may equally important engagement din siya.

Napagod ako sa maghapong event kaya hindi muna ako gumawa ng IWAR. Gabi ko na naharap.

Before 7, dumating si Sir Hermie para kunin ang order niyang First Vita Plus. May dala rin siyang dalawang nakapasong halaman, pero kailangan ko pang ipanumbalik ang dating buhay. 

Nag-inuman kami sa garden. Naubos namin ang isa't kalahating grande bago kami pumasok sa sala. Nag-karaoke kami st nag-inuman hanggang 11pm. May natira kaming isang grande. Lasing na lasing ako. Parang ang hina ko nang uminom.




Oktubre 30, 2021
Late na ako bumangon dahil sa hangover. Pero, after breakfast, naglaba ako ng mga floor mats kasi marami ang nagyayaya sa akin. Nagyayaya sI Bernard. Pupuntahan daw ako rito ni Sir Hermie para makapunta kami sa Taguig. 

Pagkatapos kong maglaba, nakaramdam ako ng pagod at antok. Kaya, hapon, after maligo, umidlip ako kahit mainit sa kuwarto. Past 5 na ako bumaba para magmeryenda. Sarap sa pakiramdam! Refreshed. 

Gabi, bago matulog, sinimulan kong basahin ang Book 6 ng Moymoy Lulumboy. Sa garden ako nagbasa. Ang sarap nang tumambay roon kasi malamig na ang hangin.



Oktubre 31, 2021
Nagkaroon ako ng insomia bandang alas-3:30 ng madaling araw pagkatapos kong maalimpungatan dahil sa panaginip. Hindi agad ako nakatulog muli. Kaya naman, past 8:30 am na ako nagising. Hindi ko na namalayang umalis si Emily para mag-jogging kasama ang kapitbahay naming si Ate Lene.

Pagkatapos mag-almusal, nag-gardening ako saglit. Gusto ko rin sanang umalis dahil niyayaya ako ni Bern sa kanila, kaya lang tinatamad ako. Sa halip, nag-biking ako. 

Hapon, nag-stay lang ako sa kuwarto. Sinubukan kong umidlip, pero hindi naman
yata ako nakatulog. Tinamad na naman akong umalis para mag-withdraw. Gabi na ako umalis. Kaya lang, sa sibrang pagaadali, First Vita Plus ID pala ang nadala ko, kaya nasayang lang ang paglakad ko. Lesson learned. 

Bago at pagkatapos kumain ng hapunan, nagbasa ako ang Moymoy. Naho-hook na naman ako. 



Saturday, October 30, 2021

Ang Batang Hindi Napapagod

“Hindi ka ba napapagod?” tanong ng ina ni Hudson.

“Hindi po, Mama!” Muli siyang tatakbo paroo’t parito. Takbo sa kusina. Takbo sa sala. Takbo sa kusina. Takbo sa sala. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

Ililigpit naman ng ina ang mga nakakalat na laruan para si Hudson ay hindi madapa.

“Hindi ka ba napapagod?” tanong ng ina ni Hudson.

“Lakas po ako. Hindi ako napapagod.” Muli siyang aakyat sa hagdanan upang sa hawakang-kahoy ay magpadausdos. Akyat. Padausdos. Akyat. Padausdos. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

Takot na takot naman ang ina ni Hudson dahil baka mahulog at ang ulo ay mabagok. 

“Hindi ka ba napapagod?” tanong ng ina ni Hudson.

“Hindi. Sarap po, e.” Tumigil siyang saglit, pero agad din namang tumalon-talon sa kutson. Lundag. Talon. Lundag. Talon. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

Pagkatapos, agad namang ililigpit ng ina ni Hudson ang mga nagkalat na unan. 

“Hindi ka ba napapagod?” tanong ng ina ni Hudson.

“Konti lang,” sagot niya. Itutuloy na niya ang pagbabali-balintong sa sofa. Balintong sa kaliwa. Balintong sa kanan. Balintong nang nakadapa. Balintong nang nakatihaya. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

Sisigaw na ang ina ni Hudson. “Tumigil ka baka mabalian ka ng buto,” sabi nito. Pagtigil ni Hudson, aayusin na naman ng ina ang sofa. 

Pawis na pawis palagi si Hudson, kaya palit nang palit siya ng damit. Ang nanay naman niya, laba nang laba. 

“Naku! Kung hindi ka napapagod, ako napapagod na!” singhal ng ina ni Hudson isang hapon dahil maghapon na ito nang kasasaway. 

Hindi pa rin nakinig si Hudson. Takbo, dausdos, talon, balintong. Takbo, dausdos, talon, balintong. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

Pero, nagtaka si Hudson dahil hindi niya narinig ang kaniyang ina. “Mama? Mama?” tawag niya. Nang hindi niya narinig, umakyat siya sa kuwarto. 

“Mama, gatas,” sabi ni Hudson.

“Magpatimpla ka sa kuya mo,” halos pabulong na sagot ng ina.

“Ayoko! Gusto ko ikaw na.”

“Pagod si Mama. Magsabi ka kay Kuya.”

Hinila ni Hudson ang kamay ng ina. “Tayo na, Mama.”

“May sakit si Mama. Kaya mo na sigurong magtimpla.”

“Hindi ko kaya.”

“Sabi mo malakas ka. Sabi mo hindi ka napapagod.”

Hindi nakapagsalita si Hudson. Tahimik na lamang siyang bumaba. Nag-iisip. 

Pagbaba niya, nakita niyang abala ang kuya sa paglalaro sa cellphone ng kanilang ina. Pindot sa kanan. Pindot sa kaliwa. Pindot pataas. Pindot pababa. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

“Kuya, gatas ko,” pagsusumamo ni Hudson. 

“Mamaya na! Istorbo ka, e. Maglaro ka muna,” singhal ng kuya. 

“Gutom na ako.”

Hindi siya pinakinggan ng kapatid dahil sa nilalaro nito. Pindot sa kanan. Pindot sa kaliwa. Pindot pataas. Pindot pababa. Paulit-ulit. Walang kapagod-pagod.

Maiyak-iyak na pumunta si Hudson sa kusina. Nag-isip siya at tumingin-tingin sa paligid nito. Tingin sa harap. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa. Tingin sa likod. Inulit pa niya, pero hindi siya napagod. 

“Gatas, pampalakas!” nakangiti niyang bulalas. 

Walang ano-ano, hinila ni Hudson ang isang silya patungo sa may lababo. Maingat siyang tumuntong doon at inabot sa kabinet ang lata ng gatas. Maingat din siyang bumaba. 

Maingat siyang kumuha ng baso at kutsara.

Maingat siyang nagkalagay ng tatlong kutsarang gatas sa baso.

Maingat din niyang pinatuluan ng mainit na tubig ang baso mula sa de-kuryenteng thermo. 

Maingat niyang hinalo-halo iyon, saka niya pinunan ng tubig mula sa pitsel. 

Habang hinalo-halo niya iyon muli, siya’y napangiti. “Gatas, pampalakas!” nakangiti pa niyang bulalas.

Maingat niyang ipinatong sa platito ang gatas.

Maingat siyang umakyat. “Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo. Siyam. At sampu!” Noon lamang niya nabilang ang hakbang ng kanilang hagdanan. 

“Mama, gatas po!” sabi ni Hudson pagbungad niya sa pinto.

Bahagyang nagulat ang ina. “Hudson, ikaw ba ‘yan? May lagnat ka ba?” 

“Opo! Wala po akong lagnat. Malakas po ako.”

“Naku, big boy na talaga ang bunso ko. Halika na… Akin na ang gatas ko.”

“Gatas, pampalakas,” sabi ni Hudson pagkaabot sa ina ng tinimplang gatas.

“Siyempre, lalakas na ako nito, anak. Maraming gawaing-bahay na nag-aabang.”

“Pahinga ka po. Pagod ka po, e. Ako na po ang maghuhugas araw-araw ng mga plato.”

“Naku, talaga, Hudson? Hindi ka mapapagod?”

“Hindi po… Ayaw ko na po kasing napapagod kayo.” 

Hindi pa nakakasagot ang ina, mabilis nang nakababa ang di-napapagod na bata.

Monday, October 25, 2021

Ang Dyip ni Tatay

Ang Dyip ni Tatay "Kailan kaya matatapos itong pandemya?" Iyan ang madalas kong tanong habang nakasilip sa dyip na pampasada, na malapit nang ibenta. Matagal-tagal na ring hindi ipinapasada ni Tatay David ang dyip niya. Bukod kasi sa delikado ang kalusugan niya, humina pa ang kaniyang kita. "O, Michelle, nakatingin ka na naman sa dyip? Ano ba ang iyong iniisip?" tanong ni Ate Grace. "Sabi ni Tatay David, mas matanda pa raw iyan kay Kuya Liam at mas matanda ka lang ng dalawang taon," sagot ko. Nakangiting tumango ang aking ate. Saglit akong nag-isip. "Sampung taon (10) gulang na si Kuya Liam at ikaw ay labingwalo (18). Mas matanda ka sa kanya ng walong (8) taon. At mas matanda ka ng dalawang (2) taon kasya sa ating dyip. Kaya, ang edad ng dyip ay labing-anim (16)!" bulalas ko. "Tama! Labing-anim na taon nang kasama ni Tatay ang dyip sa pamamasada." "Ang tagal na! Pero mawawala sa atin ang dyip," malungkot kong sabi. "Totoo bang may bibibili na niyan, Ate?" "Iyon ang sabi... Pero huwag ka nang malungkot kasi para naman sa ikabubuti natin iyon." "E, kasi... andami kong alaala sa diyan na iyan." Niyaya ako ni Ate Grace patungo sa loob ng dyip. Doon ko sa kaniya ikinuwento ang mga nakatutuwang karanasan ko noong sumasama ako kay Tatay David sa pamamasada. "Alam mo ba, Ate Grace? Natuto akong magbilang dahil sa dyip na ito?" kuwento ko. "Paano?" tanong ng ate ko. "Tinuturuan ako noon ng mga pasahero ng pagbibilang ng binayad na pamasahe at tamang pagsusukli. Nalaman ko noon na ang P100 pala ay mas malaki ang halaga kaysa sa P50." "Tama ka! Ang galing mo talaga!" "Doon ko nalaman ang halaga ng bawat perang ibinabayad ay magkakaiba ng halaga." "Talaga? Sige nga... Mula sa piso hanggang isandaang piso, paano mo sila aayusin ayon sa pataas na halaga?" "Napakadali naman! Piso (P1), lima (P5) beynte (P20), singkuwenta (P50), at isandaang piso (P100)." “Wow naman! Naniniwala na ako." "Salamat, Ate Grace." Napansin ni Ate Grace na malungkot pa rin ako, kaya tinanong niya ako kung bakit. "Kasi hindi ko na makikita ang mga suki naming pasahero. Marami akong nakilala. May guro, pulis, estudyante, tindera sa palengke, at iba pa. Hindi ko na rin makikita si Aling Marites," sagot ko. “Sino si Aling Marites?” "Si Aling Marites ang tindera ng mga gulay sa palengke. Madalas siyang sumasakay sa dyip ni Tatay. Isa siya sa nagturo sa akin kung paano magbilang. Marami pa siyang itinuturo sa akin, kaya nakakalibang talaga." Marami pa akong ikinuwento kay Ate Grace tungkol sa mga karanasan ko habang sakay ng dyip ni Tatay. Pero, wala siyang nagawa upang mawala ang lungkot na nararamdaman ko. Kaya nang gabing iyon nagdarasal ako sa Diyos na dinggin ang kahilingan ko para hindi na ako malungkot. "Michelle, kumusta? Bakit malungkot na naman ang bunso namin?" masuyong tanong ni Kuya Liam sa akin. "Wala, Kuya Liam... Narinig ko kasi si Tatay kagabi... Kausap niya si Mister Ching, ang bibili ng dyip natin," malungkot kong sagot. "E, 'di maganda... para makapagsimula na uli si Tatay ng munting negosyo. Sabi niya, mahihirapan na raw siyang makapasok ng trabaho. Mabuti na raw ang may sariling negosyo. Puwedeng karinderya kasi masarap naman siyang magluto." "Bakit mahirap maghanap ng trabaho? Bakit kailangan pang ibenta ang dyip na ito?" "Apatnapu't lima (45) kasi na siya." "E, bakit si Nanay Hilda? Mas matanda nga siya kaysa kay Tatay David, di ba?" Saglit na natawa si Kuya Liam sa akin. "Hindi, ah! Apatnapu't dalawa (42) si Nanay Hilda. Mas mataas ang apatnapu't lima." Napakamot na lang ako. "Pero, ayaw ko pa ring ibenta ni Tatay… Kuya Liam, kausapin mo siya. Sige na." "Naku, hindi ko magagawa iyan, Bunso. Nakapagdesisyon na ang nanay at tatay natin." Maluha-luha ako sa sagot ni Kuya. Napansin niya agad ako, kaya niyaya niya ako. Iguguhit daw niya ang dyip ni Tatay. Wala sa loob na sumama ako sa kanya para kunin ang mga kagamitan niya sa pagguhit at paggawa ng sining. Paglabas namin, bitbit na ni Kuya Liam ang kaniyang malaking plastik na kahon na naglalaman ng mga lapis, oil pastel, krayola, pentel pen, colored pencils, colored pens, mga pintura, mga paint brush, mga ruler, sketch pad, mapuputi at makululay na papel, mga gunting, paste, glue, at marami pang ibang bagay. Sabi niya, gumagamit din siya ng mga tuyong dahon, sanga ng puno, buhangin, maliliit na bato, uling, at iba pang mga bagay sa paligid. Tinuruan niya akong iguhit ang dyip ni Tatay. Ang husay ni Kuya Liam! Agad niyang naidrowing iyon. “O, ikaw na ang magkulay,” sabi niya. Kahit paano, nawala ang lungkot ko habang nagkukulay. Pero, kinagabihan, habang nagsasalo-salo kaming pamilya, hinihintay ko ang sasabihin ni Tatay David. Gusto kong malaman kung kailan kukunin ni Mister Ching ang dyip. “Alam ninyo, mga anak, sobrang napamahal na sa akin ang dyip. Katuwang namingng nanay ninyo iyan para maibigay namin ang inyong mga pangangailangan sa araw-araw,” simula ng aking ama. Kung hindi nga lang nagkaroon ng pandemya, tuloy-tuloy sana ang aking pagpapasada. Naalala ko pa nga noong kaedad ako ni Michelle. Sumasama rin ako sa tatay ko sa pagpapasada ng dyip niya. Nakakatuwa talaga. Marami akong natutuhan sa karanasang iyon.” Hindi ko na nahintay pa ang susunod na sasabihin ni Tatay. “Kailan po ba kukunin ni Mister Ching ang dyip?” tanong ko. Naluluha na ako. Nagtinginan sina Nanay Hilda at Tatay David. Naghihintay rin sina Ate Grace at Kuya Liam. “Nagbago ang isip ko, Bunso. Hindi na natin ibebenta ang dyip,” sagot ni Tatay. “Kaya, tuloy ang pasada pagkatapos ng pandemya!” Halos mapatalon ako sa tuwa sa aking narinig. “Tenkyu, Lord! Dininig mo ang wish ko.” Natawa na lang sa akin ang mga magulang at mga kapatid ko.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...