Followers

Saturday, April 2, 2022

Ang Aking Journal - Marso 2022

Marso 1, 2022 Hinarap ko ang paglalagay ng grades sa report cards pagkatapos kong mag-almusal. Hindi ko talaga tinapos para hindi mapagod nang husto ang kamay ko. Isa pa, Martes pa lang naman. Sa Friday pa ang dsitribution. Nagbasa ako ng 'Janus Silang' book 3 bago nag-review ng mga araling ituturo ko. Tungkol sa 'pagsagot sa mga tanong sa napakinggang tula' ang topic ko, kaya medyo interesting. Nagawa ko namang ituro nang masaya at maayos ang lesson ko sa Filipino sa tatlong sections, pero pagdating sa last section, na siyang lowest section, ay nainis ako. Hindi pa rin sila nag-seld study o nag-advance study, kaya hindi nila masagot ang mga tanong ko. May isang sagot nang sagot, pero hindi ako kumpurmi sa ganoon. One-on-one ang dating. Tutorial. Nakakainis lang kasi hindi na nga nagpapasa ng mga gawain o modules at hindi na nga nagbubukas ng camera, ayaw pang magsalita. Parang mga tuod. Nasayang lang ang period dahil sa sermon ko. I hope magbago na sila. Sana matuto na silang magpahalaga sa edukasyon at i-prioritize ang pag-aaral. Pagkatapos ng klase, gusto kong matulog kaya lang hindi ako pinatulog ng pagkainis ko. Okay lang naman. Bumangon na lang ako upang magmeryenda at upang mag-digital illustrate. Nakadalawang pages lang ang digital illustrations nang marinig ko ang mga Marites sa kalsada. Mawawalan daw ng tubig bandang 8 pm, kaya itinigil ko ang ginagawa ko para magsahod ng tubig. Pagkatapos, nag-gardening na ako. Inabot na ako ng 7 pm sa garden. Naghimay ako ng bunot para magkaroon ako coco peat, na pang-ibabaw ko sa mga halaman. Gumawa ako ng powerpoint presentation ng lesson ko sa Filipino. Gusto ko itong ituro nang maayos dahil pagsulat ng editoryal. Hindi basta-basta. Double purpose pa. Puwede kong gawing vlog. Marso 2, 2022 Pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, hinarap ko uli ang powerpoint presentation ko. Pinagbuti ko at pinag-aralan ko nang husto. Umalis ang mag-ina ko, kaya nasolo ko ang bahay. Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Enjoy na enjoy ko ang ginagawa ko, palibhasa interesting ang topic. May part 2 bukas kasi talagang mahaba at madugo ang layunin. Hindi kayang makapagsulat ng mga estudyante sa 25 minutes lang na pagtuturo niyon. Pagkatapos ng klase, nanood ako ng series. Past 5, nag-gardening ako. Wala pa rin ang mag-ina ko sa mga oras na iyon. Past 20 pm na sila umuwi. Galing pa sila sa peryahan. Marso 3, 2022 Nagpadala ako ng P2k kay Flor para ipaghanda si Zildjian. Ito ang unang beses kong gawin. Mabuti at may extra budget ako. At malaking tulong din ang pagpupursigi ni Flor para hikayatin at kulitin ako. Napasaya ko ngayong araw ang isa kong bunsong anak. Sobrang saya ko rin. Fifteen years old na siya. Sana maging close na kami sa isa't isa. Gabi, ipinagpatuloy ako ang paggawa ng vlog, gamit ang PPT ko kahapon. Gumamit din ako ng Narakeet (fromtext to speech application) para magkaroon ako ng audio. Marso 4, 2022 Dahil asynchronous naman kami every Friday, nag-biking ako. Bandang 8, umalis na ako. Sa daan na ako nag-almusal. Nagkape lang ako sa bahay. Kumain ako ng pares sa Santol. Na-enjoy ko ang pagbibisikleta kahit mainit. Ang sarap huminga dahil sa wala halos katao-tao, ako pumunta-- doon sa dati kong pinupuntahan. Kaya lang, napako ang bike ko. Na-flat bigla ang hulihang gulong. Isang kilometro ang nilakad ko para maghanap ng vulcanizing shop. Okay lang naman. Masaya pa rin. Nakauwi ako nang ligtas. Before 12, nasa bahay na ako. Sobrang init na ng panahon. Hindi na nga ako nakatulog sa hapon. Pagdating ng gabi, sumakit ang ulo ko. Resulta siguro ito ng ilang araw na puyat o kakulangan sa tulog. Nagigising kasi ako sa madaling araw. Kanina nga, 3:45 am, gising ako at hindi na dalawin ng antok. Nagbasa na lang ako. Marso 5, 2022 Nabulahaw ang tulog ko nang umalis ang mag-ina ko patungong opisina ng FVP sa Pasig. Quarter to six iyon. Bumangon pa ako para i-padlock ang gate at isara ang pinto. Mabuti na lang, nakatulog uli ako hanggang past 7. Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako. Nagagawa ko talagang maglinis kapag mag-isa lang ako.Then, maghapon na akong nanood. Pero, siyempre may ginawa rin akong iba, like gardening, paggawa ng vlog, pagbabasa, at pagsusulat. Posted na ang vlog ko about editorial. Nakapagsulat naman ako ng new chapter ng nobela, nang dumating na sila. Nauna dumating si Kuya Emer. Nasa garden ako no'n. Marso 6, 2022 Dahil nandito si Kuya Emer, may tagaluto kami. Wala akong ginawa kundi gawin ang mga hobbies ko at ang mga gawain sa paaralan. Sulit ang Linggo. Nakapag-digital illustrate ako. Nakapagbasa ng Janus Silang book 3. Nakapanood ng series. Nakapag-gardening. At nakapagsulat. Past 8:30, pumunta ako sa peryahan. Nagulat ako sa dami ng tao. Last na punta ko, kakaunti pa lang. Palibhasa nagbukas na ang ibang rides at mga games. May bingohan na. May color games at iba pang sugal. Nakakagulat din ang mga taong mahilig magsugal. Ang lalaki nila kung magtaya. Before 11, nasa bahay na ako. Marso 7, 2022 Gising na rin ako habang naghahanda si Emily sa pag-alis, pero hindi agad ako bumangon. Pag-alis niya saka ako bumangon. Nag-almusal na lang ako kasi nagpa-deliver na siya ng sopas at naglaga ng itlog. Bago nagsimula ang online class, nakapag-set up ako ng study area sa baba, sa ilalim ng hagdan. Nagsisimula na kasi ang matinding init. Hindi ko nakakayanin sa kuwarto. After class, nanood ako ng series, nagbasa, nag-gardening, at nagsulat. Nakapag-post na ako sa Wattpad ng isang chapter. Gabi, nakipagkulitan ako sa GC naming Grade Six dati. May plano si Ma'am Vi kaso baka hindi na naman matuloy. Past nine, nasa kuwarto na ako. Nanood ako ng movie sa YT. Marso 8, 2022 Bumangon uli ako nang maaga. Kailangan kong maghanda ng almusal. After breakfast, nag-gardening ako. Then, humarap na ako sa laptop para pag-aralan ang mga lessons ko. Nagsulat din ako. At kahit paano, nakapagbasa Sa online class, nagkaroon ako ng internet problem. Nang nasa Section Guyabano na ako, biglang humina ang net. Hindi ako makapag-present. Paulit-ulit din akong nawawala sa link. Ang ganda pa naman ng topic. Pang-uri at Pang-abay. Hayun! Limang minuto na lang akong nag-discuss. Mabuti, naging okay rin, kaya nakapagturo ako nang maayos sa tatlo pang sections. After class, hindi na ako nakatulog. Humarap pa rin sa laptop para gumawa ng IWAR at maghanda ng lesson. Mali kasi ang activities sa modules kaya gagamitin ko ang powerpoint ko, na ginawa kong vlog dati. Gabi, nagbasa ako. Nagsulat At nag-chat. Wala munang series ngayon. Marso 9, 2022 Dahil ready na ang lessons ko, nag-gardening ako after mag-almusal. Then, nagsulat at nagbasa rin ako. Wala pa ako sa mood manood ng series o movie, kaya iyan lang ang ginawa ko. Naging maayos naman ang pagtuturo ko. Sa tingin ko, naunawaan nila. Tungkol sa 'pormal na depinisyon' ang topic ko. Mali nga ang activities sa module. Tungkol sa kasingkahulugan ang ginawa ng writer, kaya ginamit ko ang module ko sa St. Bernadette. After class, antok na antok ako kaya pinagbigyan ko. Masarap sana ang tulog ko kundi lang bumaba si Zillion para sa delivery ng meryenda. Pero okay lang kasi may meryenda na ako pagbangon ko. Ginataang halo-halo ang binili niya. Solb! Nagdilig ako ng mga halaman, after magmeryenda. Then, back to laptop. Naghanda ng lessons at gumawa ng IWAR. Later, nagsulat ako. Hindi ko maituloy-tuloy dahil parang gusto ko nang matapos ang pagbabasa ng Janus Silang. Paulit-ulit lang naman ang ginagawa ko. Pero ang mga ito ay lubos na nagbibigay sa akin ng true happiness. Marso 10, 2022 Dahil napuyat ako kagabi sa kaka-gadget, 8:30 na ako bumangon. At nine o' clock na nakapag-almusal. Tinapay na nga lang ang pinabili ko kay Ion kasi parang nalipasan na ako ng gutom. Haist! Mabuti na lang, may First Vita Plus. Ngayong araw, masaya ako sa resulta ng online class. Hindi ako na-HB, especially sa Pinya. Pang-angkop kasi ang topic ko. Isa ito sa pinakamadali. After class, umidlip ako. Kagaya kahapon, kahit paano ay nakatulog ako. After meryenda, humarap uli sa laptop para gawin ang mga reports. Nagsulat din ako, kaya bandang 9:30 pm, nakapag-post ako sa Wattpad ng isang chapter. Wala pa rin si Emily. Okay lang naman. Kaya namin ni Ion ang lahat. Marso 11, 2022 Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Mabilis ko lang natapos kahit nilabhan ko rin ang mga doormat. Gayunpaman, napagod ako. Past 1, dumating na si Emily. Maingay na naman ang bahay. Wala na akong ginawa maghapon. Nag-reply lang sa GC at sa ilang chat ng mga parents. Gabi, habang hindi pa naghahapunan, nagsimula akong gumawa ng vlog. At past 8:30, pumunta ako sa peryahan. Umuwi rin agad ako after 1 hour. Marso 12, 2022 Nabulahaw ang tulog ko bandang past 7 kasi ginising ako ni Emily para isaksak ang wifi. Hindi na ako nakatulog uli. Nag-cellphone na lang ako. Then, bumangon na para mag-almusal at mag-gardening. Pagkatapos kong mag-gardening, ginusto kong mabasa. Kaya lang, panay ang tawag ni Emily kung kani-kanino. Kung sino-sino ang tinawagan. Ang ingay! Dinig na dinig sa labas. Hindi ko tuloy maunawaan ang binabasa ko. Hapon, after lunch, umidlip ako. Sa kabila ng init, nakatulog naman ako kahit paano. Gabi, naipagpatuloy ko ang pagbabasa at panonood ng series. Marso 13, 2022 Past 8 na ako bumangon. Nagkape lang ako at umalis na. Biking. Wala sa plano, pero dahil maganda ang panahon, nagdesisyon akong mag-bike. Umulan kagabi kaya medyo makulimlim pa rin. Sa PasCam ako pumunta. Uminit bigla kaya patigil-tigil sa malilim na lugar. Gayunpaman, na-enjoy ko ang solo ride. Magaganda naman ang tanawing nakikita ko. Dumiretso rin ako sa subdivision ng Guillermo Family kasi akala ko makapunta si Sir Hermie. Mabuti umuwi na ako. Nagpapaayos pala siya ng motor. Nanghinayang din siya kasi hindi ko na siya nahintay. Ayaw ko namang mag-isang pumunta o maghintay mag-isa roon. Past 2, nakauwi na ako. Saka lang ako nakakain. Busog pa naman ako kasi kumain ako ng pares sa Santol. Pagkatapos kumain, natulog ako. Past 4 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam. Past 8:30 ng gabi, pumunta ako sa peryahan. Parami na nang parami ang tayo. Marami ang mga dayo. Iba talaga ang Pinoy! Past 9:30, nasa bahay na ako. Marso 14, 2022 Inihanda ko ang mga aralin ko pagkatapos kong mag-gardening. Maganda ang topic ko ngayon sa Filipino kaya inspired ako. At hindi ako nabigo. Lahat ng sections ay naturuan ko nang maayos. After class, umidlip ako. Hindi yata ako nakatulog, pero okay lang. Naipahinga ko naman ang mga mga mata at isip ko. Gabi, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng content ko sa YT. Malapit nang matapos. Nagbasa rin ako at nagplantsa ng mga isusuot ko bukas sa distribution ng report cards. Maaga akong nahiga para matulog kasi maaga rin akong luluwas. Marso 15, 2022 Akala ko makakatulog agad ako kagabi, hindi pala. Grabe, para akong nakabato. Gising na gising pa ako hanggang 2AM. Anomang pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi pa rin ako makatulog. Siguro dalawang oras lang ang tulog ko kasi bumangon ako bandang 5. At kahit kulang sa tulog, maaga pa rin akong umalis sa bahay para hindi ako maipit sa traffic. Nakapag-almusal pa ako sa Chowking. At quarter to eight, nasa school na ako. Andaming modules doon. Porket nagbigayan ng FA, biglang nasipagpasa ang mga magulang. Mga Quarter 1 at 2 pa ang karamihan. Halatang nagpasa lang para sa allowance. Pero ngayong kuhaan ng card, wala halos gustong kumuha. Maghapom, 16 lang na magulang ang pumunta. Nagpakain ang ilang parents sa amin dahil natuwa sila sa grades ng mga anak nila. Nakatipid ako. Past 3 hanggang 4, nakioag-bonding ako kina Papang at Cinderella. Dumating din si Krizzy bago mag-lunch, pero hindi ko masyadong naka-bonding. Sa Friday, magkikita-kita kami para sa birthday blowout ni Cinderella. Bukas ang kaarawan niya. Before 7, nasa bahay na ako. Nakapamili pa ako sa Umboy ng mga pasalubong, bukod sa mamon sa Red Ribbon. Past 8, after dinner, umakyat na ako. Susubukan kong matulog nang maaga. Marso 16, 2022 Mga 10 am, umalis ang mag-ina ko patungo sa FVP office. Didiretso na rin sila sa Caloocan. Mag-i-stay sila roon hanggang Huwebes o Biyernes. Humirit si Emily ng pamasahe, kaya napilitan akong bilhin ang FVP 34-n-1 coffee niya kapalit ng P1000. Sobrang mahal, pero okay lang. Suporta ko na rin iyon sa kanya. Masarap naman ang kape, e. Maayos namam ang mga klase ko during online class. Sinikap kong ma-inspire sila sa lesson na namin. After class, umidlip ako. Ang tahimik ng bahay kaya nakatulog ako kahit paano. Nakasulat din ako at nakapagbasa. Marso 17, 2022 Kahit mag-isa lang ako, hindi ko nagawang matulog hanggang 8. Bumangon pa rin ako bandang past 7:30. Okay lang naman dahil nakapag-inat-inat ako at nakapagbilad sa araw. Nakapaglinis ng sala after mag-almusal at bago humarap sa laptop. Ngayong araw, nakapag-post ako ng vlogs sa YT at mga FB pages ko. Nalagyan ko na kasi ng audio ang dalawang chapters ng Alamat ng Parang. Sobrang antok ko habang may online class, pero sinikap kong maging active para sa mga mag-aaral. Naturuan ko sila nang maayos lalo na't gusto ko ang topic. Umidlip naman ako after class. Past 4:30 na ako bumangon. Before dinner, nagbasa ako. After dinner, nanood ako ng Tagalog comedy zombie movie. Then, umakyat na ako pagkatapos. Maaga akong gigising bukas para pumunta sa school. Marso 18, 2022 Past 10, nasa school na ako. Natagalan ako kasi ang haba ng pila sa sakayan ng dyip. Nag-bus na lang ako. Matagal ding nagpuno ng mga pasahero. Okay lang naman kasi past 10 na ako nakarating sa school. Nakapag-check pa rin naman ako ng mga modules bago kami nag-lunch. Naka-bonding namin sa tanghalian ang dalawa pang Grade 1 teachers. Wala naman doon si Sir Archie. Masaya naman ang birthday blowout ni Ma'am Edith, lalo na at may meryenda pang pansit spag, palabok, at pichi-pichi. Before 5, umuwi na kami. Worth it ang pagpunta ko. Nakauwi naman ako bandang 7 ng gabi. Marso 19, 2022 Nabalahaw ang paglalaba ko dahil sa walang katuturang DLAC. Kahit Sabado ay hindi na tinatantanan ang mga guro. Panay naman mga apps ang itinuro, as if permanente na talaga ang distance learning. Sa dami na ng itinuro, wala nang pumapasok sa utak ko. Dahil sa pagod sa paglalaba at panonood ng seminar, nakaidlip ako bago kumain ng lunch. Ipinagpatuloy ko ang pagtulog pagkatapos maligo. Hapon, nanood ako sa YT ng tungkol sa suiseki. Gustong-gusto ko nang makarating sa isang ilog para makahanap ng suiseki stones. Sana sa darating na Holy Week magawa ko. Gabi, nagsulat ako. Kahit paano, narugtungan ang isang chapter na isinusulat ko. Bago matyloh nanood kami ng pelikula ni Stephen Chow. Good thing, Tagalized kaya naintindihan namin. Nakakatuwa! Marso 20, 2022 Nagkape lang ako, saka ako nag-bike. Kumain ako ng pares sa labas. Hindi naman ako lumayo sa sundivision. At mabilis lang ako. Wwla pa yatang one hour, nakabalik na ako. Bumili lang ako ng buko at lettuce. Nang makapagpahinga na ako, humarap na ako sa laptop para maghanda ng IWAR at pag-aralan ang mga lessons. Then, nagsimula kong gumawa ng vlog. Palalagyan ko ng audio recordings kay Emily. Tungkol sa abnormal menstruation ang ginawa ko. Connected sa First Vita Plus. Natapos ko iyon bago umalis ang mag-ina ko para magsimba. Hapon, nasolo ko ang bahay, pero hindi ako nakatulog. Sobrang init kasi. After kong magdilig, nanood ako ng vlogs tungkol aa suiseki. Doon ko napanood ang tungkol aa meteorites. Nagkainteres ako, kaya nanood ako ng mga vlogs tungkol dito. Interesado rin akong mag-hunt Marso 21, 2022 Dahil napuyat ako kagabi, late na rin akong bumangon. Late ang almusal. Gayunpaman, masigla at masaya pa rin ako. Pinaghandaan ko ang online class. Gusto ko kasing maipagpatuloy ang pagtuturo nang masaya. Iniiwasan ko nang ma-highblood, lalo na sa Pinya. Effective naman! Ako lang ang nagsalita kasi medyo mahirap ang topic. Okay naman dahil naunawaan nila ang concept. Umidlip ako pagkatapos ng online class. Then, tinulungan ko si Emily na mag-record ng audio para sa vlog niya. Nai-upload ko na rin sa YT niya at nai-post ko sa FB pages ko. Past 6 na tuloy ako nakapagdilig ng mga halaman. Past 8, dumating si Kuya Emer. Nag-ayos ako sa garden para maiparada niya ang kaniyang motor sa loob. Maaga akong umakyat kasi maaga akong inantok, subalit nang nakahiga na ako, hindi naman ako agad nakatulog. Nanood na lang ako ng ELITE series, Season 2. Marso 22, 2022 Late na ako bumangon kahit maaga akong namulat. Nag-stretching muna ako at nag-exercise nang kaunti bago bumaba. Ready na ang almusal pagbaba ko. Pagkatapos ng almusal, humarap na ako sa laptop. Gumawa ako ng vlog at naghanda ng Google Form. Na-review ko na rin ang mga aralin ko sa ESP, MAPEH, at Filipino. Okay na sana ang klase ko, nagpaka-ano na naman ang Pinya. Pinaliwanag ko nang lahat-lahat, pero mali pa rin ang sagot. Nagsermon na naman tuloy ako nang kaunti. After online class, gumawa ako ng listahan ng bawat section at nag-print out ng mga ito. Inilista ko na rin ang mga ipinapasang modules o activities ng mga estudyante. Kailangan kong gawin ito para mapangalanan ko ang mga hindi nagpapasa at gumagawa. Gabi na ako nakapagdilig ng mga halaman. Sinikap kong makapagdilig kasi aalis ako bukas. Nag-grocery rin ako nang kaunti para mabaryahan ang pera ko. Nakapagpahangin na rin ako sa labas at nakapaglakad-lakad. After dinner, nanood ako ng suiseki viewing stones sa YT. Inantok ako nang maaga kaya umakyat na ako bandang 9:30. Marso 23, 2022 Past 7:30, nasa biyahe na ako. Nagkape lang ako. Wala pa kasing naihandang almusal si Emily. Sa Chowking na ako nag-almusal. Past 9:30, nasa school na ako. Nauna sa akin sina Sir Joel, Sir Hermie at Ma'am Joan. Agad kaming nag-segregate ng mga modules at nag-check ng mga ito. Hindi rin nagtagal, pinatawag na kami para sa bigayan ng laptop. Natuwa ako sa mga natanggap ko. Bukod sa laptop, may laptop bag, bluetooth mouse, mouse pad, connector, 1 terabyte hard drive, pocket wifi, at head set pa. Worth it ang paghihintay namin. Last 2019 pa ito ipinangako ni Mayora. Sa lunch time, nagkuwentuhan kaming Grade 4 teachers. Si Marekoy ang maglahad ng kaniyang kuwento. Kaya pala, humuhugot ang mga posts niya sa FB lately. Nagtsek uli ako hanggang sa maubos ang mga submitted modules. Binisita rin ako ng isa kong estudyante, kasama ang ina. May binigay pang meryenda. Naki-bonding naman kami nina Sir Hermie at Ma'am Anne kay Sir Erwin bago umuwi. Wala roon si Ma'am Edith. Nasa Cebu pala siya. Nakauwi ako sa bahay bandang 7 pm. Pagod ako, pero masaya. Marso 24, 2022 Bago ako bumiyahe patungong Pasay, nagdilig muna ako ng mga halaman at siyempre, nagkape at naligo. Bumili na lang ako sa PITX ng mga kakanin, worth P30. Solb na ang almusal. Past 9 na ako nakarating sa school. Nandoon na sina Ma'am Joan at Sir Hermie. Agad akong tumulong sa kanila. Nagsidatingan na rin ang mga kasama naming iba, gayundin ang tatlong parents. Ang saya-saya ng pag-assort namin ng mga modules. Panay ang tawanan. At siyempre, hindi mawawala ang bigayan ng kuro-kuro at saloobin sa mga bagay-bagay sa paligid, like education system. Malaki ang naitulong ng mga parents kanina dahil after lunch, nagkuwentuhan na lang kaming lima. Sila na ang naglagay ng mga modules sa plastic. Kaya, past 3, tapos na kami. Tumambay at nakipag-bonding naman ako kay Sir Erwin. Umuwi kami before 4. Nakauwi ako sa bahay bandang 6. Pagod at antok ako, pero masayang-masaya, lalo na't nag-chat sa akin kaninang umaga ang dati kong estudyante noong Grade 5 siya--si Gannie. Naalala ko pa siya noon. Batang-bata. Galaw at isip-bata. Tinuruan ko pa siya king paano magsintas ng sapatos. Siya rin ang inspiration ko sa akda kong "Room for Rent." Grabe! Nakakagulat ang kaniyang development. Isa na siyang call center agent. Nais niya raw akong makitang magturo. Magsi-sit in siya sa klase ko. Then, iti-treat niya ako ng lunch. Hindi ako masyadong excited sa treat niya. Mas gusto ko siyang ma-meet at mapatunayang he has developed into a fine young man. Natutuwa ako kasi hindi raw niya malilimot ang mga itinturo at kung gaano ako kagaling as teacher. Nakakataba ng puso. Marso 25, 2022 Maaga akong bumangon para maglaba. Since isang salang lang sa washing machine ang mga damit ko, mabilis akong natapos. Wala.pang 8:30, naisampay ko na. Nasimulan ko ang Gardenia NutriTour via Googel Meet. Isinunod ko namang gawin ang mga trivias para Women's Month celebration namin sa Martes. Ako ang naatasang maging trivia game master. Wala na akong na-accomplished maghapon. Umidlip lang ako saglit, then nanood ng Thai movie. Gabi, nasa garden ako. Nagtanim nang kaunti, then nagbasa roon. Gusto ko sanang magsulat ngayon, kaso hindi ko nagawa. Bukas na lang siguro. Marso 26, 2022 Wala halos ako nagawa maghapon dahil sa 2nd day ng DLAC. Wala namang interesting topics. Puro pang-online class ang itinuro. Hindi nila alam na napakaliit na porsyento lamang ang online learners kumpara sa modular learners. Ayaw nilang bigyang-halaga ang mga mas nangangailangan ng suporta. At face-to-face naman ang isinusulong nila, pero online learning pa rin ang pinahahalagahan Haist! Na-boring lang ako. Hanggang 12:25 pa naman. After kong maligo, umidlip ako. Grabeng init kaya hindi yata ako nakatulog. Past 5 na ako bumangon para magkape at para magdilig ng mga halaman. Gabi, tumawag si Ma'am Vi tungkol sa summon kina Sir Joel G. Nasangkot sila sa kaso ng dati naming principal. Gusto ni Ma'am Vi na mapayuhan namin si sir Joel. Hayun nga! Umabot kami ng past 9sa pag-uusap. So far, lumuwag na ang dibdib ni Sir. kahit paano, may nabuo nang ideya sa isip niya. Handa na siyang humarap sa legal officer ng SDO. After dinner, nagsulat ako at nanood ng series sa Dramacool. Kailangan kong makuha ny mga ideya para sa isinusulat ko. Marso 28, 2022 Bago kami mag-almusal, nakapag-reorganized kami ng sala. Naglagay rin kami ng kurtina. Nakaharap ako sa laptop maghapon. Sa umaga, naghanda ako ng WHLP. Then, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog. Nang mai-post ko sa YT at FB pages ko, nanood na ako ng movies. Isiningit-singit ko ang pagsusulat hanggang mai-post ko wa wattpad. Hapon, umidlip ako. Hindi nga lang nakahimbing dahil sa init. Okey lang naman dahil kahit paano ay nakipahinga ko ang mga mata ko. After dinner, gusto ko sanang manood ng movie, kaso hindi ako makapili nang maganda. At inantok na agad ako. Maaga akong umakyat para natulog. Marso 28, 2022 Past 6, gising na ako. Past 7, umalis na ako sa bahay. Gusto ko sanang maagang makarating sa school kasi kailangan kong tumulong sa pag-dedecorate sa venue para sa Women's Month celebration, kaya lang nahirapan akong makasakay. Antagal bago ako nakasakay. Kaya naman, 10:30 na ako nakarating. Marami na silang nagawa. Gayunpaman, may naitulong pa rin ako. Ang saya-saya nga namin. First time kong makahalubilo si Sir Jess. Nandoon din sina Ma'am Wylene at Papang. Past 3, natapos na namin. Nagpa-picture pa kaming mga teachers na naroon, kasama ang principal. Nagandahan siya, kaya nagpameryenda ng softdrinks at banana que. Nagkuwentuhan kami nina Sir Erwin at Ma'am Edith pagkatapos mag-decorate. Tungkol sa politika ang usapan namin. Past 5, umuwi na kami. Seven, nasa bahay na ako. Agad kong inihanda ang Tiktok dance para sa attendance checking bukas. Tinulungan ko lang si Ma'am Mel, na siyang focal person at si Papang na siyang segment host. Marso 29, 2022 Quarter to 3, gising na ako. Bumangon na ako nang hindi na ako makatulog muli. Ayaw ko nang mahirapang sumakay tulad kahapon. Kaya, past 6:30, nasa PITX na ako. Doon na rin ako nag-almusal. At 8, nasa school na ako. Nag-check ako ng mga modules. Sucessful naman ang Women's celebration namin. Medyo hindi lang ako comfortable sa uniform namin. Bakit kasi may pa-uniform pa? Puwede namang wala. Sayang lang ang budget. Ginamit na lang sana sa ibang bagay. After lunch, nag-karaoke kami. Hindi naman nagtagal kasi naiingayan pala ang F2F class ng Grade 2. Nagkuwentuhan na lang kami nina Ma'qm Janelyn at Sir Hermie. Before 5, umuwi na kami. Maaga akong nakauwi, kaya nakapagmeryenda pa ako. Marso 30, 2022 Maistorbo ang tulog ko dahil kay Emily. Pinag-print niya ako ng programme ng Business and Development Forum nila sa First Vita Plus Office. Nainis ako, pero mas nainis ako nang humingi na siya ng pamasahe. Sinermonan ko siya. Hindi kako kasama sa budget ang mga gastusin niya sa negosyo niya. Sabi ko pa, pinagnenegosyohan niya ako. Bawat alis niya, sa akin hihingi. Ni hindi na nga siya makapag-ambag sa mga bills, manghihingi pa. Solo nga niya ang kita niya. Kawawa naman ako dagdag ko pa. Halos maghapon ding masama ang loob ko. Good thing, nawala ang kaunti nang mag-online na ako. Pasy 6;30, umalis ako para mag-withdraw. Nilakad ko lang papunta kasi. Pag-uwi na ako sumakay. After dinner, nanood ako ng series. Nagandahan ako sa Korean series na 'One Ordinary Day.' Dahil gabing-gabi na, nakaisang episode lang ako. Marso 31, 2022 After kong magdilig ng mga halaman, pinag-aralan ko ang mga lessons. Then, nanood na ako ng series na nasimulan ko kagabi. Nakaka-hook na. Sayang, kasi may klase na ako. Nakaisa't kalahating episode lang ako. Maayos naman ang online class, kaya lang biglang nawala ang internet connection. Hindi ko natapos sa Avocado. Hindi ko na rin naturuan ang Pinya. At hindi na ako nakabalik sa Buko. Nakakainis! After dinner, wala pa ring net, kaya nagtungo ako sa peryahan. Doon, kahit paano, nakasagap ng signal ang data ko. Nag-chat ang isang parent ng pupil ko. Nagagalit kay Sir Hermie. Hindi ko naman hinayaang lumalim ang galit niya. Pinigilan kong magsumbong sa principal. Then, chinat ko si Sir at pinayuhang ibigay ang apology na hinihingi. Sana magkaayos na sila. Maliit na bagay lang naman, e. Past 9:45, nakauwi na ako. May internet na.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...