Followers
Tuesday, March 1, 2022
Ang Aking Journal -- Pebrero 2022
Pebrero 1, 2022
Dahil Chinese New Year ngayon, hindi ako masyadong nag-work. Sumaglit lang ako sa garden. Then, nanood na ako ng Tiktok videos. Nagsimula rin akong magsulat ng bagong chapter, pero patigil-tigil. Nakakaubos ng ideya.
Hapon, almost done ko na ang pag-aayos sa garden. May mga naipon akong lupa, mula sa mga pasong namatayan ng tanim. Kinain ng daga ang iba lng tanim. Ililigpit ko na lang ang lupang naipon.
Gabi, nagsulat uli ako, pero natigil uli dahil gumawa muna ng household chores, saka nanood ako movie sa YT. Inantok na rin ako pagkatapos.
Pebrero 2, 2022
Eksakto lang ang pag-log in ko sa Google Meet. Nagsimula agad ang INSET pagpasok ko. Kaya naman, nag-aalmusal ako habang nakikinig. Nang patapos na, bumaba ako para mag-gardening.
Ngayong araw, ipinagoatyloy ako ang pagsusulat. Pero dahil naubusan ako ng ideya, kinailangan kong manood ng movie. Then, umidlip ako. Lagi akong kulang sa tulog dahil sa lamok (yata). Andami kong pantal, e.
Past 8, dumating na si Emily. Kahit gusto niyang ilihim sa akin, narinig ko naman sa tawag niya kay Ion kagabi. Saka sinabi na niya habang nasa Cavitex siya.
Ang ingay na naman ng bahay.
Pebrero 3, 2022
On-time namang nagsimula ang InSET, pero hindi kinaya ang tatlong resource speaker. Kinailangang magkaroon ng lunch break at bumalik bandang 1pm. Nagmadali tuloy akong magdilig ng mga halaman, kumain, at maligo. Hindi na rin ako nakaidlip, pero nakapanood ako ng movie.
Gabi, nagsulat ako. Nang matapos ko, nagbasa ako ng bagong kong mga librong pambata, na in-order ko sa Chikiting Books. Kadarating lang kanina. Gusto kong ma-inspire na naman para sumulat ng kuwentong pambata o kaya ay gumawa ng illustrations para sa reading aloud o para maging vlog.
Pebrero 4, 2022
Hindi tumunog ang alarm ko, kaya muntikan na akong mahuli sa INSET. Nagsisimula na ang attendance check nang makapag-join ako. Gayunpaman, nakatutok ako hanggang matapos. Twelve-thirty na natapos.
Nai-stress ako sa mga pantal ko. Hindi ko malaman kung kagat ng lamok o allergy o skin disease. Lumalaki hanggang kinakamot. Parang dumadami pa. Kung kagat ng lamok, bakit andami? Naisip ko rin na allergy sa ointment na nilalagay ko sa skin tags ko. Chinese brand pa naman, na binili ko sa Lazada. Sana hindi.
Maghapon akong nanood. Hindi muna ako nagsulat o nag-gardening.
Pebrero 5, 2022
Alas-9 na ako bumangon. Kahit paano, nakabawi ako sa ilang gabing puyat dahil sa pangangati. Malakas ang kutob ko na dahil nga sa ointment na ginamit ko kaya nagkaroon ako ng rashes. Kaya, hapon, after kung maglagay, naghilamos ako. Nagdesisyon na rin akong hindi na gagamit niyon.
Ngayong araw, naging productive ako. Naglinis ako sa kuwarto, especially ang study area ko. Mas gumanda ang bagong arrangement. Tanghali na ako nakapagdilig. Hapon na ako nakapag-gardening. Maghapon naman akong nanood ng series. Siyempre, umidlip din ako.
Gabi, after dinner, sinimulan ko ang paggawa ng digital illustrations ng isa sa mga kuwentong pambata. Sana matapos ko kaagad.
Pebrero 6, 2022
Although, late na ako nagising. Sinadya ko talaga since nandito na naman si Emily.
Maghapon akong gumawa ng digital illustrations. Kahit paano, marami-rami akong nagawa. Hindi nga lang ako makaidlip sa hapon.
Dumating si Kuya Emer, before lunch. Naging busy silang tatlo sa FVP, kaya napag-isa ako at natahimik ang bahay.
Gabi, bago natulog, nagbasa ako ng mga kuwentong pambata. Nakaka-inspire magsulat at mag-illustrate.
Pebrero 7, 2022
Kulang ako sa tulog dahil maaga akong bumangon para sa paghahanda sa pagtungo sa school.
Past 7, bumiyahe na ako. Nahirapan akong sumakay sa Umboy pa lang, gayundin sa PITX. Kaya naman, late na ako dumating sa school. Gayunpaman, nakapag-assort at nakapag-check kami ng mga modules nang sabay-sabay. Mabuti na pang, mga janitors ang namimigay ng summative tests sa ibaba.
Past 2, huminto na kami ni Sir Hermie sa pagtsek. Umuei na rin ang dalawang girls at bumaba na si Sir Joel. Kami naman, nakipagkuwentuhan pa kina Papang.
Nang umuwi si Sir Hermie, itinuloy ko ang pakikipag-bonding kina Papang, Cinderella, at Puts. Sama-sama na rin kaming lumabas sa school bandang alas-4:30. Nakauwi ako sa bahay ng bandang 7:30. Ang traffic kasi sa Tejero! Nakakabuwisit!
Pebrero 8, 2022
Past 7 ako nagising. Agad kong hinanda ang mga plants na ipamimigay ko kina Ms. Krizzy Papang, at Ma'am Mel. Then, naghanda na ako sa pag-alis. Natagalan ako sa pagpili ng isusuot. Kailangan kong magsuot ng long sleeves para itago ang mga pantal ko sa aking mga braso. Nine am na ako naka-alis. Akala ko late na ako. Ako pa pala ang naunang dumating sa Tramway. Okay lang naman.
Masaya kaming Tupa Group sa birthday treat nina Papang at Belinda. Kasama rin namin si Kuya Allan at ang mommy ni Ms. Krizzy.
Alas-dos nasa school kami. Nag-bonding kami roon hanggang 4:30. Nakakawala rin ng stress ang mga kulitan at tawanan namin.
Nakauwi ako bandang 7:30 pm, pero nakabili pa ako sa Handyman-Robinson's Tejero ng flat iron, na request ni Emily.
Pebrero 9, 2022
Late na ako nagising, pero parang gusto ko pang matulog. Kung hindi lang ako maglalaba, baka bumalik ako sa higaan pagkatapos mag-almusal.
Before 12, tapos na ako maglaba. Nakapagpahinga na rin ako. Kaya, bandang 1 pm, umalis naman ako para ipapalit ang FVP checks ko. Then, nag-grocery na rin ako.
Past 4, umidlip ako. Past 5 na ako bumangon.
Gabi, nagkasagutan na naman kami ni Emily. Wala na naman kasi sa wisyo. Puro problema ang naririnig ko sa usapan nilang magpapamilya, kaya apektado na ang pagkain namin. Lugaw ang sinaing niya. Kundi ko pa nga tinanong kung anong ulam, gusto pang mag-order na naman. Samantalang, namili na ako. Tapos, panay ang pintas. Kesyo pumayat kami ni Ion. Andami pang sinsabi. Bawian mo nga ng masasakit na salita. Nakakainis. Wala sa hulog at walang direksiyon ang diskarte sa buhay. Mas gusto ko pang mag-isa kaysa kasama siya. Hindi nga niya ako napapataba. Hindi kasi marunong magluto. Sa tagal na naming magkasama, hindi niya pa nakuha ang gusto kong pagkain at ang taste ko sa pagkain. Haist!
Pebrero 10, 2022
Kahit kulang sa tulog, bumiyahe ako patungong iskul para sa tumulong sa pag-assort ng mga modules.
Past 9 na ako nakarating doon. Nagsisimuka na sina Ma'am Joan, ang GPTalA President at VP at nga janitors. Kasunod ko namang umakyat sina Sir Hermie at Sir Joel.
Naging masaya ang pag-assort namin. Nagkukuwentuhan kami habang gumagawa. Gayundin nang nag-lunch kami.
Past 2, tapos na kami. Tumambay naman ako sa 2nd floor, kung saan naroon si Papang. Nagkape lang kami, then nakaidlip ako sa mesa habang hinihintay si Cinderella.
Past 4:30 na kami lumabas sa school. Past 7 naman ako dumating sa bahay. Hindi naman traffic. Tumingin-tingin kasi ako sa Mr. DIY sa PITX. Wala naman akong nabili.
Pebrero 11, 2022
Ngayong araw, sinimulan kong sulatan ang Form 138-E ng mga estudyante ko. Nakapag-gardening din ako. Nakapanood ng series. Nakaidlip din sa hapon. At siyempre, natapos ko ang digital illustrations ng 'Elvira Negra.' Bukas, maglalagay ako ng audio nang mai-popost na ako sa YT ko.
Tahimik ako maghapon. Pinatatawa ako ni Emily, pero mas pinili kong hindi muna siya pansinin.
Pebrero 12, 2022
Maaga akong nagising dahil sa boses ni Emily May katawagan siya sa phone. Gustuhin ko mang matulog uli, hindi na puwede kasi magpapadala ako sa kanya ng cookies at First Vita Plus Oil of Life para kay Mama. Magkikira sila ni Flor Rhina sa office ngayong araw. Kukuha ng tseke so Flor.
Pag-alis ni Emily, naghugas ako ng mga pinagkainan at nagwalis sa sala at kusina. Then, nag-gardening ako, bago humarap sa mga report cards.
Nang matapos ko ang pagsusulat ng mga details sa cards, ipinagpatuloy ko naman ang digital illustrations. May mga na-miss pala akong parts. Nilagyan ko na rin ng boses. Five pm ko na ito natapos at nai-post sa YT at FB pages.
Ngayong araw, nakapagbasa ako ng isang chapter ng Janus Silang. Babasahin ko muna ang apat na aklat, bago ko iregalo kay Zildjian sa kaniyang birthday sa March 3. Sana matapos ko kaagad.
Pebrero 13, 2022
Nagising ako sa pagdating ni Kuya Emer. Pero, hindi agad ako bumangon. Past nine na ako nag-almusal.
Nang umalis ang tatlo para mag-FVP, nasolo ko ang bahay. Nakapagdilig ako ng mga halaman, then gumawa ako ng WHLP.
Ngayong araw, napakaproduktibo ko. Gumawa ako ng vlog. Nagbasa. Nanood ng series. Umidlip. Mami-miss ko 'to dahil bukas back to online class na.
Gabi, nanood aoo ng isang movie. Sinimulan ko ring panoorin ang Netflix series na 'Elite.' Maganda. Kaabang-abang.
Pebrero 14, 2022
Parang kulang ako sa tulog. Andami kong panaginip na parang totoo. Feeling ko, hindi ako natulog kasi ang babaw ang tulog ko. Pabangon-bangon ako. Pabaling-baling ng higa. Hindi ko malaman kung na-eexcite ako o ano.
Gayunpaman, nagising ako bandang 8. Pagkaalmusal, humarap na ako sa laptop para mag-aral ng lessons. Hindi ako excited sa pagtuturo, pero kailangan kong maghanda. Kailangan kong humarap sa klase na animo'y maraming alam. Kailangan nilang maramdamang excited akong magturo. Ang totoo, walang kuwenta ang laman ng modules. Paulit-ulit. Panuto na naman. Paggawa ng panuto. Haist!
After ng klase, gumawa muna ako ng IWAR, then nanood na ako ng 'Elite.' Mabuti pa ang series na ito, exciting. Then, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Hindi ko nga lang matapos-tapos dahil maingay ang paligid. Tahol ng aso. Busina ng sasakyan. Bibig ng mag-ina ko.
Past 6, umalis ako para mag-withdraw. Nag-grocery din ako nang kaunti sa Alfamart. Pagdating ko, ipinagpatuloy ko ang panonood. Naisingit ko rin ang pagbabasa ang 'Janus Silang Book 1', after ng dalawang series. Parehong nakaka-hook.
Pebrero 15, 2022
Maganda ang gising ko kasi maganda rin ang tulog ko. Alam kong nakatulog ako nang mahaba-haba. Kaya namam, pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, tinapos ko na ang audio recording. Nai-upload ko ang vlog bandang 10 am. Nai-post ko na rin ang article ssa Wattt at blogsites ko.
Ngayong araw, naging interesting sa akin ang lesson. Gusto ko iyon kaya naging maayos ang online teaching ko at tiyak akong natuyo ang mga estudyante.
After online class, nagbasa ako para antukin. Thanks God dahil nakatulog ako.
Past 10, bago mag-11 ng gabi, natapos ko na ang book 1 ng Janus Silang. Ang ganda! Parang totoo. Kaabang-abang talaga ang mga kaganapan sa 3 pang books.
Pebrero 16, 2022
Parang pareho lang kahapon ang mga nangyari ngayon sa akin. Pareho rIn ang mga ginawa ko. Ang kaibahan lang ay parang magkakasakit ako. Naduduwal alo na ewan. Siguro dahil kulang na naman ako sa tulog.
Kaya ngayong gabi, quarter na 11 pa lang, nagpatay na ako ng internet. Sana makatulog na ako agad.
Pebrero 17, 2022
Nagdilig ako ng mga halaman bago ko hinarap ang laptop upang pag-aralan ang mga aralin. Nanag matapos, hinarap ko naman ang digital illustration. Isiningit-singit ko rin ang panonood, pagbabasa, at gardening. Kailangang diverse ang mga activities ko para sa mental health. Masaya ako sa lahat ng ginagawa ko.
After ng klase, umidlip ako. Hindi ko akalaing pupunta si Sir Hermie bandang 5:30. Biniro ko sa chat na pupuntahan ko siya. Siya pala ang pupunta.
Past 10:30, siya umuwi. Tulad nang dati, enjoy ang inuman at kantahan namin. Nalasing ako, pero nawala ang stress ko. Nakabirit na naman, e. Lolz.
Pebrero 18, 2022
Kinailangan kong bumangon nang maaga dahil umalis si Emily patungo sa FVP office. Wala siyang inihandang almusal. Ako na ang nagprito ng itlog at bacon.
Sinamantala ko ang pagpupunas ng sahig sa sala at kusina. Bago maligo, naglinis naman ako ng banyo. Siyempre, nanood ako ng Korean series na 'Bad and Crazy.' Nagbasa ng Janus Silang book. Tinapos ko na rin digital illustrations. Audio na ang kulang.
Hapon, nag-gardening ako. Ikinabit ko na rin ang sun shade. Malapit na kasing magtag-init. Kailangan maprotektahan na ang mga halaman.
Gabi, pagkatapos ko maipasa ang IWAR, nagsulat akong chapter ng nobela. Naghihintay na kasi ang mga followers ko.
Pebrero 19, 2022
Dahil Chinese New Year ngayon, hindi ako masyadong nag-work. Sumaglit lang ako sa garden. Then, nanood na ako ng Tiktok videos. Nagsimula rin akong magsulat ng bagong chapter, pero patigil-tigil. Nakakaubos ng ideya.
Hapon, almost done ko na ang pag-aayos sa garden. May mga naipon akong lupa, mula sa mga pasong namatayan ng tanim. Kinain ng daga ang iba lng tanim. Ililigpit ko na lang ang lupang naipon.
Gabi, nagsulat uli ako, pero natigil uli dahil gumawa muna ng household chores, saka nanood ako movie sa YT. Inantok na rin ako pagkatapos.
Pebrero 20, 2022
Isang masarap at masaganang almusal ang inihanda ko. Busog na busog ako, kaya hindi muna ako nakapagsimulang gumawa.
Buong maghapon kong pinanood ang 'Bad and Crazy.' Isiningit-singit ko sa paglilinis sa loob at labas ng bahay. Nakapagbasa rin ako. Hapon na nang natapos ko hanggang finale. Worth it naman.
Past 7:30 pm na dumating ang mag-ina ko. Mabuti, safe silang nakauwi. Matuwa sila sa bagong ayos ng living room.
After dinner, gumawa ako ng WHLP at Powerpoint presentation. Naubusan ako ng oras para sa pagsusulat. Napagod na ako, kaya isang pangungusap lang ang nairagdag ko.
Pebrero 21, 2022
Past nine na ako nakapag-almusal. Inuna ko muna kaso ang pagdidilig. Busog pa naman kasi ako dahil sa FVP coffee.
Ngayong araw, naging interesting sa akin ang topic ko sa Filipino. Alam kong natuto ang mga estudyante kahit paano at kahit nakinig lang sila. Para kasing about journalism. One of my interests.
Nakapanood ako ng series, nakapagbasa, at nakapagsulat. Ten pm ko na nai-post ang bagong chapter ng nobela ko sa Wattpad.
Pebrero 22, 2022
Pagkatapos mag-almusal, tumambay ako sa garden. Nakagawa pa nga ako ng Tiktok videos dahil nakakita ako ng tipaklong. Hindi ko tinaboy o pinatay. Hinayaan ko lang na kumain ng dahon ng palm tree ko.
Then, nagbasa ako at nanood ng American series habang naghihintay ng oras para sa online class.
Okay naman ang online class. Medyo nagsermon lang ako sa Section Pinya kasi hindi sila sumunod sa assignment ko. Sabi ko, basahin nila ang article para ready. Kaso hindi nila ginawa kaya nang nagtanong na ako, wala sumasagot.
After online class, nagbasa, nanood, at umidlip ako. Quarter to five na ako bumangon para magmeryenda.
Gabi, sinimulan ko ang digital illustrations ng 'Cali Kaliskis.'
Pebrero 23, 2022
Mainit ang ulo ko habang nag-aalmusal kasi parang kulang ang kinakain ko. Pritong itlog lang ang ulam. Hindi talaga prepared si Emily. Parang wala akong asawa. Puro First Vita Plus mula umaga hanggang pagtulog.
Nang hindi ako makatiis, pinagsalitaan ko. Pinigilan niya lang ako. Sabi ko, unahin mo muna ang pagkain.
Nagpakasubsob na lang ako sa pag-aaralan ng lesson ko. Maganda na naman ang topic ko kaya pinagbuti ko.
After class, umidlip ako. Kahit paano, nakatulog ako.
Then, gumawa ko ulit ang mga hobbies ko. Naisingit-singit ko rin ang digital illustrations.
Pebrero 24, 2022
Nakahanda pa naman akong magturo, pero asynchronous pala dahil sa regional orientation for RPMS-PPST. Ala-una pa naman pero hindi na rin nagklase. Okay lang din sa akin kasi nakapag-digital illustrate ako, nakatambay sa garden, at nakapanood ng 'Lupin,' ang bago kong kinawiwilihang Netflix series.
Ala-una, tumutok ako sa orientation pero bandang 2:30, inantok ako, kaya pinagbigyan ko. Tutal mapapanood naman iyon sa FB. Naka-live kasi. Panoorin ko na lang uli kapag nahirapan ako sa actual.
Past 8:30, nag-biking ako. Pumunta ako sa peryahan. Sa labas lang ako kasi hindi ko puwedeng iwan ang bisikleta ko.
Pagbalik ko, nanood uli ako ng 'Lupin.' Interesting kasi ang plot.
Pebrero 25, 2022
Dahil holiday ngayon, at kahit naman hindi, talagang asynchronous ang klase, kaya nag-ayos ako sa garden ko hanggang 11:30 am. Hindi ko natapos kasi naglalaba si Emily. Basa ang ibang bahagi ng garden. Hindi ko malinis-linis. Okay lang naman kasi kailangan ko namang magpahinga.
Habang nagpapahinga, nanood ako ng 'Lupin.'
Past 2, umalis ako para mag-withdraw ng sahod sa work at sa YT. Sa EPZA ako napadpad kasi walang cash ang ATM sa 7 Eleven. Kaya, nakabili ako ng 2 vest jackets sa ukay-ukay malapit doon.
Nagpagupit na rin ako. Sa parlor kung saan ako nagpakulay noong December ako muling nagpagupit. Nagandahan kasi ako sa gupit niya.
Five na ako nakauwi.
Ako ang nagluto ng ulam sa dinner. Tofu-Mushroo Sisig ang niluto ko.
After dinner, nagsulat ako ng bagong chapter nang nobela ko. Naisulat ko na ang mga ideya ko. Isiningit-singit ko lang ang panonood kasi nabablangko ako.
Pebrero 26, 2022
Maaga akong bumangon para maaga akong makapagsimulang mag-ayos sa garden. Okay naman dahil natapos ko maghapon. Panonood lang ng series ang pahinga ko. Siyempre, pinagbigyan ko ang antok ko. Kalahatiing oras din yata akong nakaidlip. Hindi nga lang ako nakapagbasa, nakapagsulat, at nakapag-illustrate ngayong araw.
Eight-thirty, namasyal ako sa peryahan. Marami-marami na ang tao pero kakaunti pa lang ang rides at iba pang attractions. Wala pang bingo at color game. Umuwi ako bandang 9:30.
Pebrero 27, 2022
Dahil ginising ako ni Emily para manghiram ng charger, maaga tuloy akong nakapagsimulang maglaba. Maaga rin akong nakapaghanda ng WHLP at nakagawa ng mga dapat gawin about school. Then, hinarap ko ang ini-illustrate ko.
Maghapon, andami kong na-accomplished. Sa garden, marami akong natapos gawin at naitanim. Almost done na ang bagong arrangement ko. Nakagawa rin ako ng coco pole.
Hindi ko rin siyempre pinalampas ang panonood at pagbabasa. Nakapag-post din ako sa Wattpad ng bagong chapter.
Bukas or next day na ako magsusulat ng grades sa card. Sa March 4 pa naman ang issuance.
Pebrero 28, 2022
Pagkatapos mag-almusal, nagdilig muna ako. Saka ako umakyat para harapin ang paghahanda ng mga lessons. Pinag-aralan ko nang mabuti. Nag-print din ako ng grades na ililipat ko sa report cards.
Habang naghihintay ng time, tinapos kong basahin ang book 2 ng Janus Silang. Kaabang-abang! Kaya naman sinimulan ko rin ngayong araw ang pagbabasa ng book 3 nito.
After class, umidlip ako. Nakatulog naman ako kahit paano.
After meryenda, nag-gardening na ako. Nang madilim na, tumambay na ako sa garden. Doon na ako nagbasa, nanood, at nag-dinner. Nag-stay ako roon hanggang 10 pm. Kung hindi nga lang malamok, ang sarap sanang tumambay dahil presko at mahangin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment