Followers
Tuesday, September 20, 2022
Wikang Filipino at mga Katutubong Wika
Kay yaman na ng ating bansa
Sa mga tradisyon at kultura
Maging sa mga diyalekto't wika
Subalit may iyayabong pa.
Kung itong ating wikang Filipino,
Kasama ang mga wika ng katutubo
Ay tutuklasin at lilikha ng bago,
Lalo pa itong uunlad, lalago.
Mga katutubong salita'y gamitin
Mga makabagong salita'y tuklasin
Atin silang pagsamahin at linangin
Nang ang wikang pambasa natin
Ay manatiling nagniningning.
Bansang Pilipinas ay kikilalanin
Kung Wikang Filipino'y palalaganapin
At mga katutubong wika'y pauusbungin.
Balita Sample
Pamilya Modista, kinilalang ‘Ulirang Pamilya’
Kinilala ng Barangay Masagana ang Pamilya Modista bilang ‘Ulirang Pamilya ng Taon’ dahil sa inspirasyong dulot nila sa naturang pamayanan.
Si Paolo Modista, ang haligi ng tahanan, ay naninilbihang barangay tanod, habang nag-aalaga sa kaniyang dalawang anak. Samantalang si Nerissa Modista, ang ilaw ng tahanan, ay nagtratrabaho sa ibang bansa.
Naging inspirasyon ng lahat ng pamilya sa barangay ang pamilyang ito sapagkat hindi naging hadlang ang kanilang sitwasyon sa pagkakaroon ng masaya at masaganang pamumuhay. Palagi pang nakatatanggap ng parangal sa paaralan ang dalawang bata.
Oras
Ang oras ay mabagal kapag may hinihintay
Kapag nagmamadali, ito'y kay bilis naman
Ito'y tila nakamamatay kapag ika'y malumbay
Sa oras ng kasiyahan, ito ay may kaiklian.
Sa panahon ng sakit, oras, tila `di nagwawakas.
Kapag nag-iisa, ito'y parang napakahaba
Kaya ang bawat segundo, minuto, at oras,
Palaging pahalagahan at gamitin nang tama.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Tibok ng Puso (Dula)
Tibok ng Puso Mga Tauhan: *Lydia *Brad Tagpuan: * Sa isang pamantasan Eksena 1: Labas. Sa mapunong...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...