Followers
Tuesday, September 20, 2022
Wikang Filipino at mga Katutubong Wika
Kay yaman na ng ating bansa
Sa mga tradisyon at kultura
Maging sa mga diyalekto't wika
Subalit may iyayabong pa.
Kung itong ating wikang Filipino,
Kasama ang mga wika ng katutubo
Ay tutuklasin at lilikha ng bago,
Lalo pa itong uunlad, lalago.
Mga katutubong salita'y gamitin
Mga makabagong salita'y tuklasin
Atin silang pagsamahin at linangin
Nang ang wikang pambasa natin
Ay manatiling nagniningning.
Bansang Pilipinas ay kikilalanin
Kung Wikang Filipino'y palalaganapin
At mga katutubong wika'y pauusbungin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment