Followers

Sunday, June 30, 2024

Ang Aking Journal -- Hunyo 2024

 

Hunyo 1, 2024

Nabuwisit ako kay Emily nang nambulahaw siya bandang 7 am. Bumalik siya kasi may naiwan. Ang problema, nai-lock na niya ang pinto. Kaya, panay ang tawag niya kay Ion. Pati ako nagising. Ako na rin ang bumaba para ibigay ang susi sa kaniya. Umakyat uli ako para sana matulog, pero hindi na ako nakatulog uli.

 

Isang estrangherong tao ang tinulungan ko ngayong araw. Pinadalhan ko siya ng P1,500 sa GCash dahil ilang araw nang nangungulit—nangungutang. Alam kong mali, pero sa ngalan ang compassion, tinulungan ko pa rin siya.

 

Pagkatapos kong mag-send ng pera, ni-block ko siya sa Messenger. Kapag gumawa siya ng paraan para ma-reach out ako, ibig sabihin ay mabuti ang kaniyang intensiyon.

 

Nagsulat ako ng nobela. At nai-post ko sa Inkitt ang isang chapter after lunch.

 

Dahil pawala-wala ang internet, umidlip na lang ako. Past five na ako bumangon. At almost six na ako nagmeryenda.

 

Gabi, bago mag-dinner, nakagawa ako ng isang video para sa YT.

 

Before 8:30 pm, nag-blackout. Hindi pa naman kami ready. Ang init pa. Nakakainis! Alas-10 na bumalik ang kuryente. At hindi rin naman agad bumalik ang internet connection. Past 12 na yata ako natulog dahil sa sobrang init.

 

 

 

Hunyo 2, 2024

Kahit alas-siyete pa lang, napakainit na! Hindi na tuloy ako nakatulog uli. Bumangon ako bandang 8 am para maghanda ng almusal.

 

Ngayong araw, nagsulat ako nang nagsulat ng nobela. Umidlip din ako bandang past 1:30, pero hindi yata ako nakatulog. Okey lang naman dahil productive ang ikalawang araw ng bakasyon.

 

 

 

Hunyo 3, 2024

Gaya kahapon, mainit pa rin kahit madaling araw. Ang hirap matulog nang mahimbing. Kaya naman, hindi agada ko bumangon. Hinayaan kong si Emily ang maghanda ng almusal.

 

Ngayong araw, nag-encode ako ng journal ko noong May 2008. Nagsulat din ako ng nobela. Nakadalawang kabanata ako ngayon. Gumawa rin ako ng PPT upang gawing video. Gabi ko na iyon nalagyan ng voiceover, kasi natulog ako bandang 2 pm hanggang 3 pm.

 

Productive uli ang araw ko. Pero ang bilis ng araw. Three days down agad. Twenty-seven more to go.

 

 

 

Hunyo 4, 2024

Katulad kahapon, mga 7 ako nagising. Nag-cell phone muna ako bago bumangon. At nagdilig muna ako ng mga halaman bago naghanda ng almusal.

 

At katulad kahapon, nag-encode ako ng journal ko, nagsulat ng nobela, umidlip, at nanood ng Showtime. Hindi nga lang ako Nakagawa ng video para sa YT.

 

Before 7 am, naglakad ako patungo sa Umboy para i-withdraw ang sahod ko sa Numero noong March. Naglakad rin ako pabalik, kaya 8 pm na ako nakauwi.

 

Pagkatapos kong manood ng BQ, nagsulat uli ako ng nobela. Nakakaadik na ang kuwento ng mga tauhan ko.

 

 

 

Hunyo 5, 2024

Sa unang pagkakataon, past 8 ako nagising. At hindi pa ako agad bumangon, kaya very late na ang almusal ko. Gayundin ang mag-ina ko. Nasarapan lahat kami sa pagtulog.

 

Maghapon akong nagsulat. Siyempre, isiningit ko ang pag-encode, pag-idlip, at panonood. Sa palagay ko, napakaproduktibo ko ngayong araw.

 

Sa gabi, bago ako natulog, nanood muna ako ng series para may makuha akong writing ideas.

 

 

 

Hunyo 6, 2024

Almost 9 na nang magising ako. Naunahan ko namang gumising at bumangon ang mag-ina ko, na sa sala natulog, since kagabi pa. Masarap na kasing matulog dahil medyo malamig na. at siyempre, dahil walang pasok.

 

Pagkatapos mag-almusal, nagsulat agad ng nobela. Tinapos ko lang ang isang chapter na nasimulan ko kagabi. Then, nag-encode ako ng journal na nasa notebook. At maghapon na akong nagsulat. Ang pahinga ko lang ay panonood at idlip. Madalas ko ring laruin, harutin, at kausapin si Herming.

 

Gabi, ako ang nagluto ng ulam. Nakapagsimula rin akong maglagay ng voiceover sa ginawa kong PPT ng kuwentong pambata. Hindi ko natapos kasi umulan. Maingay na.

 

Nagsulat na lang ako. At bago matulog, nanood ako ng series.

 

 

 

Hunyo 7, 2024

Almost 9 na ako nagising. Malamig na mainit ang panahon, kaya ang sarap matulog. Kaya naman, pagbaba ko, tulog pa ang mag-ina ko. Hindi na ako nagluto ng almusal. Nagkape at kumain na lang ako ng peanut butter sandwich. Past ten, bago ako namalengke, kumain ako ng hinog na mangga.

 

Nagluto ako ng cocidong alumahan. Hindi na masyadong sariwa ang isda, pero masarap pa rin ang sabaw. Gumaling nga si Emily nang makakain. Bukod kasi sa binilhan ko ng paracetamol, ay talagang nilutuan ko ng sabaw na kinalamansian.

 

Nagsulat ako maghapon. Natapos ko ring lagyan ng VO ang PPT na ginawa ko kahapon. Then, habang nagluluto ng spaghetti para sa meryenda, nanonood naman ako ng cooking videos ni Kara David. At siyempre, isinisingit-singit ko ang pagsulat ng nobela. Nakaka-hook na kasi.  Kahit bago ako natulog, nagsulat ako ng isang chapter.

 

 

 

Hunyo 8, 2024

Ang ganda ng mga panaginip ko—very realistic. Pero parang mensaheng nais iparating sa akin ang Diyos.

 

Before 8, bumangon na ako. Akala ko, sumama si Ion kay Emily sa KaVitaan Sizzle, hindi pala. Agad akong naghanda ng almusal para maagang akong makapagsimula sa mga activities ko this whole month of June. Bago nga mag-9 am, nakapag-encode na ako ng journal. Isinunod ko na ang pagsusulat ng nobela.

 

Nanood lang ako ng Showtime, saka ako umidlip. Paggising ko, nagluto ulit ako ng spaghetti. Pagkatapos magmeryenda, nagsulat uli ako.

 

Nanood ako ng series sa kuwarto ko after kong mag-dinner. Maaga akong umakyat.

 

At pagkatapos mag-wash, nagsulat uli ako, kaya nakapag-post ako ng isa pang chapter ng nobela bandang 10 pm. Bale 3 chapters ang naisulat ko ngayong araw.

 

 

 

 

Hunyo 9, 2024

Alas-8 na ako nagising dahil napanaginipan ko si Mama. Dalawang beses ko siyang napanaginipan. Ang una ang kakaiba. Weird. Parang sci-fi movie kasi may parang UFO na nagbuga ng mainit na usok. Nagising tuloy ako. Siguro, nami-miss na talaga ako ni Mama. Kahapon, nag-chat si Lizbeth. Tinatanong daw ni Mama kung kailan ako roon pupunta.

 

Napanaginipan ko rin si Ate Diyang. Nasa bahay kami ni Auntie Vangie. Nagsasampay ako ng mga damit. Tinutulungan ko si Mama, nang mahuli niya si Ate Diyang na kumakain. “Bakit ka kumakain?” galit na tanong ni Mama.

 

Gumising na ako. Mga 8 am na iyon.

 

Naine, bumaba na ako para magkape at mag-almusal. Ready na ang pagkain. Thank God, naunang bumangon si Emily.

 

Past 9:30, nakapag-encode na ako ng isang araw na journal. Then, nagsimula na akong mag-encode ng isang chapter na na-recover ko sa Wattpad. Nang matapos ko, nagsulat na ako ng isang chapter.

 

Bago mag-6:45, nakapag-post pa ako ng isang chapter sa Inkitt.

 

Past 9, nakasulat pa ako ng isang chapter. At quarter to ten, nasa kuwarto na ako—ready to sleep. Nanood muna ako ng isang Korean movie bago natulog.

 

 

 

Hunyo 10, 2024

Almost 8 am na ako nagising. Ang sarap matulog! Tapos, ang sarap ding humilata paggising. Kaya, past 9 na ako bumangon. Minsan lang naman ito sa isang taon, kaya spoil ko na ang sarili ko. Ilang buwan din akong gumising nang maaga para magtrabaho.

 

Pagkatapos mag-almusal, nagsulat na ako ng isang chapter ng nobela ko. Bago mag-11, nakapag-post na ako. Isinunod ko na ang pagbabad ng mga labahan. Hindi muna ako magwa-washing machine kasi kaunti lang naman. Naligo na rin ako at naglagay ng asin sa isdang lulutuin ko.

 

Past 11, nag-encode naman ako. Past 12 na ako nagluto kasi gusto kong mag-penetrate muna nang husto ang asin sa isda para malasa.

 

Pinilit kong pumuwesto sa kuwarto ko, umaga pa lang, pero hindi ko kinaya. Bumaba ako bandang 1:30 after kong magbanlaw ng mga binabad kong damit.

 

Umidlip ako pag-alis ni Emily, at pagkatapos kong mai-post ang isa pang chapter ng nobela ko. Nakakainis lang si Herming kasi nasa paanan ko talaga nahiga.

 

Past 5, after magmeryenda at manood ng Pinas Sarap, nagsulat uli ako ng nobela. Six-thirty nang matapos ko ang isang chapter.

 

After dinner, nagsulat uli ako ng nobela. Hindi ako ngayon gumawa ng video para sa YT. Okey lang naman.

 

 

 

Hunyo 11, 2024

Past 8 am na ako nagising, at hindi pa agada ko bumaba. Sina Emily, nasa kuwarto pa rin. Haist! Ako na ang naghanda ng almusal. Past 9:30 na ako nakapag-almusal. Pagkatapos niyon, nag-encode na ako ng journal, saka nagsulat ng nobela.

 

Bago mag-lunch, nagismula akong gumawa ng PPT ng kuwentong pambata na lalagyan ko ng voiceover. Past 12:30, nakasulat ako ng isang chapter ng nobela.

 

After lunch, nanood ako ng Showtime, then sinimulan kong manood ng horror movie, dahil sa antok ay hindi ko natapos.

 

Before quarter to 7, nakapag-post ako ng video sa YT.

 

Naghanda na ako ng mga gagamitin at dadalhin ko bukas sa outing namin sa Camaya Coast nina Ma’am Edith, Ma’am Mel, at Sir Erwin. Nakatapos na rin ako ng isang chapter ng nobela.

 

 

 

 

Hunyo 12, 2024

Wala akong tulog hanggang sa umalis ako sa bahay bandang 2:45 am para bumiyahe papunta sa bahay ni Ma’am Edith! Papunta kami sa Bataan ngayon!

 

Three-forty-five ng umaga nasa may Manila Zoo na ako. Hinintay ko si Ma’am Edith na matapos maligo, at si Ma’am Mel na dumating. Nahirapan siyang maka-book ng habal kaya mga 4:45 na kami nakaalis sa Manila. After one hour, saka namin nasundo si Papang.

 

Kahit walang tulog, panay ang kuwentuhan namin sa biyahe. Wala akong ideya sa pupuntahan namin. Basta ang alam ko, maliligo kami sa Camaya Coast.

 

Mga 8, nasa Bataan na kami. Isinama ni Ma’am Edith ang dalawa niyang friends na tagaroon, kaya bukod sa driver, na bayaw niya, anim kaming lahat. Malayo ang Camaya Coast, pero worth it naman ang road trip dahil ang ganda ng nature sa dinaraanan namin. Probinsiya feels. At pagdating namin sa destinasyon dahil nalula rin ako sa 7-hectare property (raw) na dini-develop na. Although, pinatag na ang bundok, pero nakikita ko ang nature-inspired na commercial and residential na subdivision.

 

Mga past 9:45, nasa Camaya Sands na kami. Ang ganda ng lugar, kaya lang kulay brown ang dalampasigan dahil sa putik na nagmula sa na-washout na lupa sa ginagawang airpot doon. Gayunpaman, napaka-picturesque ng lugar. Hindi siyempre namin sinayang ang pagkakataon na mag-picture taking. SIyempre, habang nagpapahinga, nag-bonding kami sa kainan, kuwentuhan, at tawanan. Ang mamahal nga lang ng inumin at pagkain doon. Imagine, ang P15 worth na mineral tubig ay nagkakahalaga ng P80 doon. Walang worth na P150 na meal. At bawal magpasok ng softdrink at pagkain. Chips lang ang puwedeng ipasok sa resort. Mabuti, may baon si Mayora. Nagdala rin ng hinog na mangga ang friends niya. Mabuti may free drinking water doon kaya hindi ako bumili.

 

Mga past 11, ni-tour kami sa Phase 1 and 2 ng tour guide. Inilibot niya kami sa halos buong property, na naaabot na ng van. Nakakamangha ang sirang dulot ng development. Nakakalungkot tingnan ang mga pinatag na lupa, pinutol na mga puno, pero in-imagine ko na lang na sa pagdating ng araw ay ibabalik nila iyon, kundi hindi katulad ng dati, ay kawangis. May mga golf course. May mga itatayong nature trails, kaya nakatutuwa rin. Overlooking ang baybayin at karagatan.

 

Ang mahal nga lang ang per square meter ng lote. Nagkakahalaga ng P17k to P28K/sqm. Mayayaman lang ang kayang mag-avail. No wonder, naroon kami dahil sa kapatid ni Mayora na. Nakakuha na ng lote roon.

 

Sa lawak ng lupain at sa dami ng aming pinuntahan—kahit ang isang model house doon ay hindi namin pinalampas, na talaga namang nakakamangha sa ganda—ay past 1:30 na kami nakabalik sa Camaya Sands para mananghalian. At dahil sa tagal ng proseso, almost 3 pm na kami nakakain.

 

Walang gustong maligo kaya picture-picture na lang ang ginawa namin bago kami bumiyahe pauwi. Gayunpaman, worth it ang oras, pagod, at gastos. Pambihirang karanasan. Hindi kami makakapunta roon kung walang kakilala may-ari ng unit sa Camaya, kahit may pera.

 

At kahit pagod, nagkuwentuhan pa rin kami sa sasakyan habang pauwi. Inantok ako at umidlip pero agad ring nagising, lalo nan ang malapit na kaming mag-dinner.

 

Sa isang food court sa highway sa Pampanga kami kumain. Nag-goto overload lang kami. At overload rin ang kuwentuhan at sharing of ideas and opinions. Isang oras din kami roon bago bumiyahe ulit.

 

Hindi na rin ako gaanong nakipagkuwentuhan para makatulog ako sa biyahe pauwi. At para paiksiin ang salaysay, nakauwi ako nang ligtas sa bahay bandang 11:45. Nagsipilyo lang ako, at natulog na.

 

 

 

 

Hunyo 13, 2024

Before 9 ako nagising. Nakabawi na ako ng puyat. Magkasunod kaming bumaba ni Ion. May sakit si Emily, kaya siya ang nagsaing habang nagdidilig ako ng mga halaman. Pagkatapos, humarap na ako sa laptop para magsulat ng journal. Late na naman ang almusal namin.

 

Dumating si Kuya Emer bago mag-12. Tuwang-tuwa si Ion kasi natuloy ang plano nilang mag-Samgyup. Nagdala siya ng nonstick pan. Doon sila nagprito ng bacon-ham.

 

Past 4 na ako nakapag-post ng isang chapter ng nobela kasi pagkatapos mag-lunch ay inantok ako. Past 5, nagsulat uli ako.  

 

Alas-7 ng gabi, pagkatapos kong magluto ng ulam, umalis ako para mag-withdraw ng sahod. Naglakad lang ako papunta at pabalik, kaya nakauwi ako before 8:30. Nag-grocery din kasi ako sa Dali nang kaunti. Dumaan din ako sa peryahan. Nanood lang ako nang saglit.

 

After manood ng BQ, nagsulat uli ako ng nobela. Ito ang ikatlong chapter na susulatin ko ngayong araw. Hindi ko natapos isulat. Ten-thirty kasi inaantok na ako at umakyat sa kuwarto. Pagkahiga, nawala naman ang antok ko. Inabot pa ako ng past 12 sa kaka-cell phone. Aguy!

 

 

 

Hunyo 14, 2024

Past 2, nagising ako, at nahirapan na naman akong matulog ulit. Nag-cell phone na lang ako hanggang past 4. Aguy talaga!

 

Eight na ako nagising. Sobrang init na ng kutson. Ako na ang naghanda ng almusal. Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop para mag-encode, magsulat, manood, at iba pa.

 

Nakapag-post ako ng isang chapter bago ako nagluto ng lunch. Sinabawang yellowfin tuna ang ulam namin ngayon. Tamang-tama sa ubo ni Emily.

 

After lunch, umidlip ako. Inantok ako sa pinanonood kong noontime show, at siguro sa kinain ko rin. Past 3 na ako bumangon. Nag-encode ako ng isang chapter na na-recover ko sa Wattpad. Iyon na rin ang ginamit ko sa isang chapter sa nobelang karugtong ng mga deleted chapters. Ginawa kong memory ng character ang isang chapter para hindi masayang. Nai-post ko iyon before 5:30 pm.

 

Habang naghahanda ng dinner, nagsusulat ako ng isa pang chapter. Kaya bandang 8:45 ay nakapag-post na ako sa Inkitt.

 

 

Hunyo 15, 2024

Past 8 na ako gumising. Pinilit ko ang mga mata ko nang mamulat kahit gusto pang matulog. Kailangan kong gawin ito para maaga akong makapunta sa Teresa para bisitahin si Mama.

 

Naghanda ako ng almusal kasi tulog pa ang mag-ina ko at hindi pa magaling si Emily. At past 9:30, umalis na ako sa bahay.

 

Sa Edsa Shaw na ako nag-lunch, bago ako sumakay sa van. At past 3, nasa Sitio Talaga na ako. Nagulat sina Lizbeth, dalawa niyang anak, at si Mama sa pagdating ko.

 

Nagkuwentuhan kami ni Mama hanggang past 7:30. Hinatiran lang kami ni Lizbeth ng meryenda. At nang maghahapunan na, saka lang ako pumunta kina Taiwan para kumain.

 

Pagkatapos kumain, umakyat na kami kasi nagsalang si Taiwan ng pelikula. Gumamit siya ng projector kaya malaki ang screen, kaso nakapuwesto ako sa may baba niyon. Hindi ko na-enjoy, lalo na't nagsi-cell phone ako.

 

Sobrang init at namamahay ako, kaya hindi agad ako nakatulog. Grabe rin magpuyat sina Dani at Arya. Halos madaling araw na, gising pa-- nagsi-cell phone.

 

 

 

Hunyo 16, 2024

Kulang ako sa tulog. Mabuti na lang almost 8 am na nagising ang lahat. Naglakad-lakad muna ako habang wala pang almusal. At nang makakain na ako, nakipagkuwentuhan na ako kay Mama. Mabilis na lang kami nag-usap kasi kailangan ko nang maligo bago mawalan ng tulo. At past 9:30, nagpaalam na ako. Nahiling ko na sana magtiis pa si Mama sa kalagayan niya sa bahay ni Gie, na ipinagdadamot nito.

 

Natagalan ako sa highway dahil sa kahihintay ng van na diretsong Megamall, pero walang dumaang may bakanteng upuan. Kaya almost 11 am na ako sumakay sa dyip. Past 12, kumain muna ako sa Junction. At past 2;30, nasa bahay na ako. Nagpahinga muna ako bago nagmeryenda, habang masaya ang mag-ina ko sa mga pasalubong kong mais, nilagang mani, Ponkan, at avocado.

 

Pagkatapos kong magmeryenda, nagsulat na ako ng nobela. Naisingit ko ang paghanda ng hapunan, gayundin ang panonood.

 

Before nine, nakapag-post na ako ng isang chapter sa Inkitt.

 

Past 9:30, nawalan ng internet, kaya no choice ako kundi matulog nang maaga. Pabor naman iyon sa akin dahil kulang ako sa tulog.

 

 

 

Hunyo 17, 2024

Past 7, gising na ako. Wala pa ring internet kaya nang bumaba ako, naghanda lang ako ng almusal, saka naglinis ako sa hagdan. Maayos at malinis na ang mga rock collection ko roon bago mag-10.

 

Ten-thirty, pagkatapos kong maligo, namalengke ako para sa aming tanghalian. Sinigang na baboy ang napili kong lutuin.

 

Past 11 na bumalik ang internet. Nakapag-encode ako ng journal bago ako nagluto.

 

After dinner, umidlip ako. Past 3 na ako bumangon para magsulat. Bago mag-6 nakapag-post na ako ng isang chapter.

 

Sinimulan ko ngayong gabi ang pag-digital illustrate ng kuwentong pambata kong ‘Ang Laso ni Puti.’ Sana matapos ko ito bago mag-July para makahabol sa Pride Month. Tungkol ito sa pusang lalaking gustong magsuot ng laso.

 

 

 

Hunyo 18, 2024

Paggising ko, bandang 8 am, naghanda na ako ng almusal, pero dahil nag-inat-inat muna ako at nagkape, mga past 9 na ako nakapag-almusal. Pagkatapos niyon, humarap na ako sa laptop para sa digital illustration. Siyempre, naligo muna ako para fresh at hindi ako mabugnot. Before 11 am, nakatapos na ako ng isang page. Thirteen pages pa.

 

Eleven, nag-encode ako ng journal. Iniisip ko na rin kung ano ang lulutuin ko o ang uulamin namin.

 

One-thirty, bago ako umidlip, nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela sa Inkitt.

 

Past 3, nanood ako ng dalawang episodes ng Pinoy series bago ako nag-illustrate. Past 4, nakaisang image ako. Bandang 5:45, bale limang pahina na ang nagawa ko. Nagsulat naman ako ng nobela pagkatapos nito.

 

Eight-thirty, pagkatapos magluto at kumain, nakapag-post ako ng isa pang chapter ng nobela sa Inkitt. All-in-all, nasa 39 chapters na ang naisulat ko. Each chapter, may 1000+ words.

 

 

Past 10:30, nasa taas na ako, hindi para matulog agad kundi mag-cell phone pa. Before 12 na ako natulog. One percent na lang ang battery ng phone ko. Lolz.

 

 

 

 

Hunyo 19, 2024

Past 7 ako nagising, pero hindi ako agad bumangon. At pagbaba ko, paghahanda agad ng almusal ang ginawa ko, kaya past 8:30, nakapag-almusal na ako.

 

Ten o’ clock, nakadalawang pahina ako ng illustrations. May walong pahina pa akong gagawin. Nakapag-encode na rin ako ng isang date sa journal ko noong May 2008.

 

Twelve, pagkatapos kong lumabas para bumili ng ulam at fast charger, nag-post ako ng isang chapter sa Inkitt.

 

After lunch, nanood ako ng Showtime. Pagkatapos ng isang segment, umidlip na ako. Paggising ko, nag-edit ako ng isang nobela ko, at nag-post ako ng ilang chapter niyon sa Inkitt. Saka ako nag-illustrate. Before 7, nakatapos na ako ng ilang pahina. Bale apat na pages na lang ang iguguhit ko. Hopefully, bukas o makalawa ay makapag-post na ako sa YT ng isa na namang kuwentong pambata video na gawa ko talaga.

 

Ten-thirty, nag-off na ako ng wifi para makatulog kami nang maaga-aga. Palagi na lang late ang tulog. Si Ion kapag may wifi, hindi titigil sa kakaselpon.

 

 

 

Hunyo 20, 2024

Past 7 ako nagising. Andami ng panaginip ko. Parang totoo ang mga iyon. Magkakarugtong. Kahit magising ako, iyon pa rin ang panaginip ko. I’m sure, magiging déjà vu ang iba roon.

 

Past 8, naghahanda na ako ng almusal, kaya bandang 9, nasa harap na ako ng laptop para gumawa na naman ng mga usual na gawain ko.

 

Eleven, nakasulat ako ng isang chapter ng nobela. Isinunod ko naman ang paggawa ng Reel video. Ginamit ko ang sanaysay kong ‘Karma Sutra’ at ang video ng daan noong pumunta ako sa Teresa. 

 

Bago mag-alas-dos ng hapon, tapos ko na ang digital illustrations ng kuwento kong ‘Ang Laso ni Puti.” Lalagyan ko na lang ng voiceover ang PPT para maging video.

 

Alas-kuwatro ng hapon, pagkatapos kong malagyan ng boses, uploaded na sa YT ang video. Natutuwa ako kasi Nakagawa na naman ako ng isang obra. Sana palagi akong motivated gumawa.

 

Past seven, napag-post ako sa Inkitt ng isa pang chapter ng nobela ko.

 

Nanood muna ako ng BQ at PS bago umakyat. Past 10:30 na ako nagpatay ng wifi.

 

 

 

 

Hunyo 21, 2024

Past 7, nagising ako. Akala ko, nakaalis na si Emily, nasa higaan pa pala. Mabuti, hindi muna ako bumangon. Hinayaan ko siyang maghanda ng almusal. Nagbasa muna ako ng “Diary of a Wimpy Kid,” at nagselpon. Past 8 na ako bumaba. Nagdilig muna ako ng mga halaman bago nag-almusal.

 

Eight-thirty na nakaalis ang aking butihing maybahay. Saka ko naman sinimulan ang pagharap sa laptop. Sana marami akong ma-accomplish today.

 

Bago ako lumabas para bumili ng ulam, nakapag-post na ako ng isang chapter sa Inkitt. At pagkatapos kumain, ginugol ko ang oras ko sa pagtulog at panonood hanggang 3 pm. Then, nagsulat ulit ako.

 

Four-twenty-five, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Isinunod ko naman ang editing ng isa ko pang nobela. Ini-edit ko muna bago ko i-post.

 

Bago ako nagluto, marami akong na-edit at nai-post. Past 7:30, nakapag-dinner na kami. Wala na akong ginawa, kundi manood ng balita, BQ, at Pamilya Sagrado.

 

 

 

Hunyo 22, 2024

Past 7 ako nagising, pero past 8 na ako bumangon. Hinayaan kong si Emily naman ang maghanda ng almusal. Kaya pagbaba ko, nagkape na lang ako at kumain ng kaniyang egg-fried rice na niluto.

 

Pagkaalmusal, gumawa na ako ng video. Past eleven ko na nai-post sa YT at FB [ages ko. Saka ako lumabas para bumili ng ulam at mga sangkap sa spaghetti, na lulutuin ko para sa meryenda.

 

Pagkatapos kumain, nagpahinga muna ako para makaligo. Then, nagluto agad ako ng spaghetti. Isiningit ko ang pagsusulat.

 

Nang maluto ko na ang meryenda, tinawag ko na sila. Umidlip naman ako upang ipinahinga ang sarili at mga mata ko. Past 4 na ako bumango para magmeryenda.

 

Nai-post ko na ang dalawa kong nobela sa Inkitt. Bagong edit ang isa, kaya posting na lang ang ginawa ko. Matapos iyon, nadiskubre kong may ika-copy-paste pa akong nobela sa Wattpad. Ginawa ko agad iyon hanggang past 6.  

 

 

Almost 12 na ako natulog kagabi dahil sa kakahanap ng item sa online shop. May na-checkout din ako.

 

 

 

Hunyo 23, 2024

Past 8 na ako nagising. Hindi na ako nagtagal sa higaan. Bumangon na ako para maghanda ng almusal. Nasa higaan pa rin ang mag-ina ko.

 

Past 9, pagkatapos kumain, humarap na ako sa laptop. Sinimulan ko na ang pag-eencode ng journal.

 

Bago ako umakyat sa kuwarto para umidlip, bandang 2:30 iyon, nakadalawang chapters ako. Kailangan ko namang ipahinga ang kamay, mata, at isip ko, kaya nag-off ako ng laptop. Bukod rito, hindi mainit kaya masarap mag-stay sa kuwarto.

 

Akala ko lang pala, malamig sa kuwarto, hindi pala. Pinagpawisan ako. Kahit antok na antok ako, at kahit nakaidlip na ako, bumangon ako at bumaba para ipagpatuloy ang pagtulog sa sofa. Kaya lang, nawala na ang antok ko. Nagselpon na lang ako hanggang 4:45. At bandang 5 pm, nagsulat naman ako ng nobela habang nagkakape.

 

Nine, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Matagal kong natapos kasi nakipag-chat ako at nanood pa ako ng mga cooking videos sa FB. Nag-dinner din ako. Siguro, ito na muna ngayong araw ang accomplishments ko. At least, nakatatlong chapters ako.

 

 

 

Hunyo 24, 2024

Hindi maayos ang tulog ko. Bukod sa ang iingay ng mga aso ng mga kapitbahay—nagtatahulan na parang nagkukuwentuhan, mainit pa sa kuwarto. Kahit madaling araw na, gising pa rin ako. Grabe ang pag-aaalala ko sa isang kaibigan kong humihingi ng pinansiyal na tulong. Inilapit ko siya sa Diyos na bigyan siya ng trabaho.

 

Past 7:30, bumangon na ako at lumabas para bumili ng almusal. Before nine naman, nasa harap na ako ng laptop. Gawa uli! Sana makarami ako ngayon.

 

Past 11, nakapag-post na ako ng isang chapter ng nobela ko. Hanggang 11:30, nag-karaoke ako, gamit ang Bluetooth microphone na nabili ko noon pa sa online shop. Sinubukan ko lang kasi akala ko sira na, hindi pa pala.

 

Bago ako nagluto, nagsulat uli ako ng ika-52 na chapter.

 

Umidlip ako pagkatapos kong manood ng ‘Especially For You.’ Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat pagkatapos magmeryenda.

 

Bago ako namalengke bandang 6:30, nag-karaoke muna ako. Feel na feel ko sana ang pagkanta. Nakakabuwisit langa ng internet. Loading.

 

Hindi na ako nagsulat pagkatapos kumain ng hapunan. Nanood na lang ako ng BQ at PS.

 

Past 10, nasa kuwarto na ako. Dumating na kasi si Emily. Quarter to 12 na ako natulog.

 

 

 

Hunyo 25, 2024

Past 8 na ako nagising. Ang sarap pa sanang matulog, kundi lang ako maglalaba.

 

Past 9, nakasalang na ang mga labahan ko. Nag-aalmusal na rin ako kasi si Emily ang naghanda. After one hour, tapos na ako. Nasa harap na ako ng laptop para sa aking mga usual na gawain.

 

Simula nang humarap ako sa laptop hanggang six o’ clock ng gabi, nakadalawang chapters ako ng nobela. Nakapanood din ako ng isang segment ng noon-time show, nakapag-karaoke, at nakaidlip. 

 

Dumating ngayon si Kuya Emer, kaya ang ingay naman ng bibig ni Emily. Hindi ko halos maintindihan ang pinanonood ko. Mabuti na lang, umakyat sila nang matutulog na ako.

 

Four, umalis na si Kuya Emer.

 

Before 7, umalis ako para withdraw ang sahod ko. Naglakad ako patungong Umboy. Nainis lang ako sa ATM sa 24-hour convenience store doon. Walang laman! Mabuti may dala akong pera para makabili ako ng ulam. Almost 8 na ako nakauwi.

 

 

Bago mag-10, nasa kuwarto na ako, pero hindi pa naman ako natulog agad.

 

 

 

 

Hunyo 26, 2024

Past 7, gising na ako. After magbasa, bumaba na ako para maglaba ng mga carpet, sofa cover, bed sheets, at mga punda, na naiiwanan nina Emily.

 

Wala pang 9:30, tapos na akong maglaba at magsampay. Nakapag-gardening pa nga ako nang kaunti.

 

Bago ako nakapagsulat at nakapag-post ng isang chapter sa Inkitt bandang 2:40 PM, inasikaso ko muna ang lunch namin, nanonood ako ng Showtime, naligo, at naghugas ng mga pinagkainan.

 

Before 1 umalis sina Emily at Ion. Masaya sila kasi binigyan ko sila ng P2k na pocket money. Siguradong makakarating sila sa Altavas, Aklan.

 

Bago mag-5:30, nakapagsulat pa ako ng isang chapter. Naisingit ko ang pag-aayos sa sala at pagmemeryenda. Nag-karaoke naman ako kasi inaantok ako.

 

Bago mag-7, kahit umaambon, lumabas ako para mag-withdraw. Umaasa akong may laman na ang ATM sa Umboy, lalo na’t may nadagdag sa pera ko—ang galing sa Numero.

 

Suwerte! May laman kaya masaya akong umuwi. At bago umuwi, namili muna ako ng ulam at iba pang makakain.

 

Mga past 11, tumawag si Emily. Nakarating na raw sila sa bahay ng pinsan niya. Nandoon din sina Ma’am Madz. Doon pa talaga sila nagkita-kita. Sana all magbo-Boracay.

 

 

 

 

Hunyo 27, 2024

Past 8, nagising na ako. After ilang minuto, bumaba na ako. Tinamad na akong magluto ng hard breakfast. Hindi na muna ako ngayon mag-breakfast like a king. Like a pauper na muna.

 

Gusto kong gumala, pero dahil may parcel akong hinihintay, hindi ako puwedeng lumayo. Magsusulat na lang ako.

 

Bandang 12, nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela.

 

Nag-chat si Jano sa Gc namin tungkol sa 75th birthday ni Mama. Gusto niyang imbitahan sina Tito Boy at Auntie Lida. Nabanggit niya pa ang lechon. Sabi ko nga, mula s akita ko sa YT ang iaambag ko. Nakita naman nila ang screenshot ng Adsense ko. Eighty-two dollars pa lang, as of May 2024. Hopefully by August, makubra ko na ang 100 plus dollars. Eighteen dollars pa this June.

 

Sa halip na matulog pagkatapos maligo, sinimulan kong manood ng videos sa YT, pero parang hindi ako makapakali. May gusto akong gawin. Nagsimula akong magsulat, pero parang may iba akong gustong gawin. At hayun nga, nag-handicraft ako, gamit ang mini-drill ko. Binutasan ko ang mga driftwood at snail shells, saka ko tinuhog upang maging wind chimes. Presto! May garden decors na ako.

 

Bandang 7 ng gabi, nakapag-post pa ako sa Inkitt ng isa pang chapter ng nobela. Nag-karaoke rin ako bago ako nag-dinner.

 

Quarter to nine, pumunta ako sa peryahan. Manonood lang sana ako kaso may promo ang bingohan. Libre ang taya sa unang game, pero may premyo kapag nakabingo, saka umupo ako. Kaso, talo naman ako. Kaya tumaya ako sa pangalawang game. Sampung piso din ang bayad sa anim na cards. Hayun, talo uli. Tumayo na ako bago pa ako maadik.

 

Past 10, naglakad na ako pauwi.

 

 

 

Hunyo 28, 2024

Before 8, nagising na ako. Ang sarap pa sanang matulog, kaya lang marami pa pala akong gagawin. Pagkatapos mag-almusal, nanood muna ako ng Pamilya Sagrado kasi hindi ko napanood kagabi. Grabe, pinaluha ako ni Moi! Na-inspire tuloy akong magsulat o dugtungan ang nobelang isunusulat ko.

 

Eleven-thirty, bago ako naghanda ng lunch, nakapagsulat ako ng isang chapter ng nobela. Posted na rin iyon.

 

Past 3:30, natulog ako sa kuwarto dahil medyo malamig na. Umulan kasi. Bumaba ako bago mag-5 para magmeryenda.

 

Gabi, bandang 7, lumabas ako para bumili ng pagkain. Nag-cash in din ako para makapagbayad ng Pagibig.

 

Before 9 PM, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang chapter ng nobela. Nagsulat ulit ako habang nanonood ng BQ at PS. Hindi ko natapos kasi sobrang antok ko na.

 

 

 

 

Hunyo 29, 2024

Grabe! Almost 9 na ako nagising! Ang sarap matulog, palibhasa dinoblehan ko ng kurtina ang mga bintana, kaya parang laging gabi ang kuwarto. Nagkape na lang ako at naghanda ng egg sandwich para sa almusal.

 

Quarter to 10, nagsusulat na ako. At bandang 10:35, posted na ang 61st chapter. Past 2:30 ko na natapos ang isang chapter kasi naghanda pa ako ng lunch, kumain, nanood ng Showtime, at naligo. Isinunod ko na ang pag-idlip.

 

Past 4, nagsulat ulit ako ng nobela. At 5:40, tapos na ako sa isang chapter. Nag-soundtrip naman ako ng RockSteddy songs kasi pupunta ako sa Vista Mall sa kanilang free concert ngayong gabi.

 

Alas-siyete, umalis na ako sa bahay. Alas-otso naman ako nakapasok sa concert venue. Doon na rin ako ng dinner. Mabuti, mura lang ang mga pagkain at inumin doon. Pagkatapos kumain, naghintay na ako sa performance ng Mayonaise. Nakakaaliw din ang mga segment, saka ang dalawang baklang hosts.

 

Kaunti lang ang tao, at nang matapos ang performance ng Mayonaise, lalo ang Jopay, nagsiuwian na ang iba. Pero ako, nandoon pa. Gusto ko kasing mapanood ang performances ng Rocksteddy. Pero ang tagal nilang dumating. Past 12 na, wala pa rin. May ibang banda namang nag-perform, pero dahil humihilab na ang tiyan ko, umuwi na ako. Past 1, nasa bahay na ako. Mabuti na lang na nakauwi ako kundi sa portalet sa concert venue ako dumumi. Wala pa naman akong dalang wipes o tissue.

 

 

 

Hunyo 30, 2024

Past 2:30 na ako nakatulog, at past 8 na ako gumising. Gusto ko mang matulog uli, pero mas ginusto kong bumangon na. Hindi raw healthy ang pag-almusal ng 9 onwards. So, nakapag-almusal ako bago mag-9. Pagkatapos, nagsulat na ako. Eleven-fifteen, posted na ang 65th chapter ng nobela ko.

 

Bago ako lumabas para bumili ng ulam, nag-chat si Emily. Kinumusta niya ako, saka nagbalita siya tungkol sa swimming nila noong 27. Kasama raw nila sina Ma’am Madz at ang mga kaibigan nito. Blowout daw iyon ni Inday Divo para sa mga pamangking grumadweyt. At ang saya-saya raw nila. Napasana all na lang ako.

 

Past 2:30, nagsulat na naman ako. Naidlip na ako niyon habang nanonood ng movie. Dalawang beses akong umidlip kasi umulan. Five na ako bumangon para magmeryenda. At after almost an hour, natapos ko na ang isang chapter.

 

Mga nine-thirty, nasa kuwarto na ako – ready to sleep. Pero, nag-laptop at nag-cellphone pa ako habang nagpapaantok.

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...