Followers

Monday, May 29, 2023

Makata O. Thoughts -- Maramdamin

 Huwag tayong masyadong maramdamin upang malayo tayo sa mental health problem.

Sunday, May 28, 2023

Makata O. Thoughts -- Respeto sa Sarili

Huwag mong ikuwento ang mga bagay na dapat hindi nila alam tungkol sa iyo. Maglaan ka ng para sa sarili mo at ang sarili ay irespeto

Makata O. Thoughts -- Magpapasalamat o Magagalit

Kapag itinama mo raw ang mali ng matalino, matutuwa sa iyo at pasasalamatan ka.

Pero kapag itinama mo ang mali ng tanga, maiinis siya at sa iyo'y magagalit pa siya.

Paano kapag tama ka naman, pero minali pa ng isang tao? Ano ang gagawin mo-- magpapasalamat o magagalit ka?

Friday, May 26, 2023

Makata O. Thoughts -- Pakinggan

Huwag mong pakinggan ang payo ng mga taong hindi mo naman pangarap na maging kagaya nila. Makinig ka sa mga taong tinitingala mo dahil pangarap mong maging katulad nila.

Thursday, May 25, 2023

Makata O. Thoughts -- Tunay na Masaya

Ang taong tunay na masaya ay hindi dahil sa lahat ng bahagi ng buhay niya ay maganda, kundi dahil ang pagtanggap niya sa hamon ng buhay ay tama.

Tuesday, May 23, 2023

Makata O. Thoughts -- Mag-isip

Mag-isip ka muna nang mabuti bago magbitaw ng salita.

Karamihan ng tao ay pahahalagahan ka batay sa nilalabas ng iyong dila.

Makata O. Thoughts -- Laban lang

Huwag kang mawalan ng pag-asa.

Huwag kang panghinaan ng loob.

Kapit lang. Laban lang.

Darating ang araw, pasasalamatan mo ang sarili

dahil hindi ka bumitaw.

Makata o. Thoughts -- Tungkulin

 Walang darating para solusyunan ang iyong suliranin.

Ito ay iyong sandaang porsyentong tungkulin.

Sunday, May 21, 2023

Makata O. Thoughts -- Sariling kasiyahan

 Maglaan ka ng oras para sa sariling kasiyahan sapagkat magiging masaya rin ang iba kapag nakita nilang masaya ka.

Makata O. Thoughts -- Magastos

 Magastos talaga ang pagkakaroon ng hobby

pero mas magastos ang magkasakit dahil sa stress.

Makata O. Thoughts -- POst

 Hindi raw ba ako nagsasawa sa kaka-post ng mga bato?


E, ako nga, nagsasawa na rin sa mga selfie niya. 


Mabuti pa nga ang mga bato-- natural. Hindi na nito kailangan ng filter.

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...