Followers
Friday, April 2, 2021
Mga Dapat Malaman Tungkol sa First Vita Plus
Great morning sa inyong lahat!
Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ‘morning’ ang bati ko sa inyo. Dito kasi sa First Vita Plus, laging umaga. Ang umaga ay simbolo ng bagong pag-asa. Kaya dito sa First Vita Plus, magkakaroon kayo ng maliwanag at bagong pag-asa.
Sa umagang ito, pag-uusapan natin ang negosyong First Vita Plus. Marami kayong dapat malaman tungkol sa kompanyang ito.
Ang main office ng First Vita Plus Marketing Corporation ay matatagpuan sa Second Floor, Suntree Tower, No. 13 Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City 1605, Metro Manila. Maaaring tawagan ang Hotline numbers na +63 2 4708482 at magpadala ng electronic mail sa www.firstvitaplus.net.
Ano nga ba ng First Vita Plus Marketing Corporation? Paano ito nagsimula at sino-sino ang nagsimula nito?
Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay itinatag noong 2002 ng power duo at mag-asawang sina Socrates at Rhodora “Doyee” Tumpalan. Noong 2005, ipinakilala ng kompanya ang First Vita Plus Natural Health Drink in Dalandan. Ito ang pinakamalaki at pinaka-phenomenal na produkto hanggang ngayon.
Layunin ng First Vita Plus na ipakilala ang mga produktong 100% gawang-Pinoy, na tinatawag na innovative nutraceutical products. Mula health care, nag-expand ito hanggang sa skin and beauty care, gaya ng Herbal Blessings, The Soap Factory, at iba pang nutricosmetics line of products.
Kilalanin naman natin ang Power Duo ng First Vita Plus Marketing Corporation.
Si Socrates “Soc” Tumpalan ang Chairman ng First Vita Plus Marketing Corporation. Siya ay nagtapos sa Ateneo de Manila University sa kursong BA Interdisciplinary Studies Major in Business Management. Naging General Manager siya ng LBC International sa loob ng limang taon. Mahusay siya sa information technology, lalo na strategic IT, na may malaking papel na ginagampanan sa negosyong ito.
Si Rhodora “Doyee” Tumpalan ang President and CEO ng First Vita Plus Marketing Corporation. Nagtapos siya sa Maryknoll College, na ngayon ay Miriam College, sa kursong Bachelor of Arts in Communications. Sa edad na 19, naging General Manager siya ng kanilang family-owned business, na D. Tactacan Shoe Factory, na sinimulan ng kaniyang lolo sa tuhod na si Don Laureano Guevarra, na tinaguriang “Father of Philippine Shoe Industry.” Si Ma’am Doyee ay sinanay ng mga Italian masters at bumalik sa Pilipinas upang isakatuparan ang global innovations in technology.
Marami ang judgmental pagdating sa First Vita Plus, kaya bago pa kayo maging kabilang sa mga huhusga, alamin muna ninyo ang mga ito.
Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay may sinasabi. Isa sa mga vision ni Ma’am Doyee ay bigyan ng kabuhayan ang mga Pilipino at magkaroon ng pag-asa at paniniwala na anomang hadlang sa buhay ay malalampasan sa pamamagitan ng deteminasyon, dedikasyon, at tamang pagpapasya. Nais niyang ipagpatuloy ang Filipino First policy.
Kung natatandaan ninyo ang First Quadrant Philippines, Incorporated, ito ay katulad ng First Vita Plus Marketing Corporation na naglalayong ang business associates at dealers ay maging maunlad at maligaya sa pakikipagtulungan habang gumiginhawa ang pamumuhay. Ang kompanyang ito ay sinubok na ng panahon, kaya isa na ito sa mga kinikilala sa loob at labas ng bansa.
Sa katunayan, si Ma’am Doyee ay ang kauna-unahan at tanging president and CEO ng multi-level marketing na pinarangalan at kinilala ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE), na napabilang sa 50 most inspiring entrepreneurial stories ng mga multi-millionaires. Kasama niya ang iba pang kilala at matatagumpay na milyonaryo sa Pilipinas ngayon. Mababasa ang kaniyang success story sa Go Negosyo book. Ang maihanay ka sa ganito ay isa nang patunay na hindi biro ang negosyo at kompanyang ito.
Siya ay inihanay sa mayayamang negosyante sa Pilipinas, gaya nina Henry Sy, Lucio Tan, Tony Tan Caktiong, Manny Pangilinan, Eugenio Lopez, Jr., Felipe Gozon, Jamie Zobel de Ayala, John Gokongwei, Jr, at iba pa.
Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay kinilala rin ng International Association of Business Communication (IABC) Philippines CEO Excel Award noong 2010.
Hindi lang iyan! Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay grand slam awardee. Ibig sabihin, sunod-sunod. Mula 2006 hanggang 2014. Narito ang ilan sa mga awards at recognitions na natanggap ng kompanya:
2006 – Outstanding Herbal Juice Drink Brand
2007 – Outstanding Health Drink Brand, People Choice Awards Outstanding Herbal Juice Drink Brand, at Annual Global Brand Awards
2008 – Outstanding Health and Wellness Products at Consumers Choice Awards
2009 – Outstanding Herbal Juice Drink
2010 – National Consumers Awards
2011 – Consumers Quality Awards
2012 -- Dangal ng Bayan Award
2013 – Best Innovative Health Drink Brand
2014 – Asia Pacific Entrepreneurship Awards Most Promising Category
And counting….
Nakakalula, ‘di ba?
Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay nagbibigay ng lifestyle improvement and business opportunity sa pamamagitan ng Health and Wealth Program nito. Opo! Health and Wealth po. Subalit sa umagang ito, nais kong bigyang-diin ang Health Program. Lilinawin ko lang. Hindi ako doktor, pero dahil sa pagdalo ko sa mga seminars and training sa kompanyang ito, lumawak ang aking kaalaman.
Nagtataka rin ba kayo kung bakit sa bilis ng paglago ng mga makabagong teknolohiya at pamamaraan, at dumaraming medical practioners, mataas pa rin ang bilang ng mga nagkakasakit? Naisip niyo rin bang baka nasa tao na ang problema? Hmm. Alamin natin…
Alam niyo ba? Mas mahaba ang buhay ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Ayon ito sa tala ng Department of Health (DOH). Ang mga babae ay may average life span na 60-65 years old. Samantalang ang mga lalaki ay 50-55 years old lang. Bakit kaya? Maaaring dahil sa lifestyle, bisyo, at trabaho ng mga lalaki. Siyempre, hindi papayag ang bawat isa, na maiksi ang buhay. Kailangan nating maging healthy.
Ayon naman sa Philippine General Hospital (PGH), ang highblood, stroke, at heart attack ay walang pinipiling edad. Ayon sa kanila, ang 3 years old na bata ay maaaring magkaroon ng high blood. Ang pinakabatang pasyente ng heart attack ay 9 years old. Grabe! Nakakatakot talaga ang heart attack. Samantalang ang 17 years old na tao ay maaari nang ma-stroke. Kaya, ingatan natin ang ating mga puso at dugo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang heart disease, cancer, at diabetes ay 70% causes ng premature death o maagang pagkamatay ng tao. Wew! Naagapan pa ang mga sakit na ito. Naiiwasan din sana ito kung alam lang natin kung paano.
Alam mo bang ang sakit o kamatayan ng tao ay dulot ng free radicals? Ano ba ang free radicals? Ito lang naman ang libre na ayaw nating tanggapin. Ang free radicals ay katulad ng mga magnanakaw. Ninanakaw nila ang mga enerhiya at nutrisyon natin upang palakasin nila ang kanilang sarili.
Ang free radicals ay hindi natin kayang iwasan, gaya ng pollution, radiation, drugs and chemicals, unhealthy lifestyle, at stress.
Paglabas pa lamang natin sa bahay, malalanghap na natin ang mga usok ng mga sasakyan o ang mga basura o mabahong kanal. Hindi natin ito matatakasan, magsuot ka man ng makakapal na PPE. Lalo na’t walang disiplina at pakundangan ang mga tao sa pagdumi sa ating kapaligiran.
Dahil lahat tayo ay may gadget, hindi tayo ligtas sa radiation. Kung gaano katagal ang exposure natin sa gadget, ganoon din kalala ang epekto nito sa ating katawan, lalo na sa mga bata at buntis. Hindi rin naman natin kayang mamuhay ng walang gadget, hindi ba?
Maiiwasan ba natin ang kemikal? Hindi! Ang bawat iniinom at kinakain natin sa panahong ito ay may kemikal, gayundin sa mga ginagamit natin sa ating katawan, gaya ng lipstick, spray, deodorants, shampoo, hair color, lotion, at marami pang iba. Kahit ang mga gamot na iniinom natin ay nagdudulot rin ng komplikasyon sa ating kalusugan. Ayaw pa naman natin ng mga natural na pamamaraan.
Ang lifestyle natin ay isa ring free radical. Ang mga bisyo, pagtulog, pag-eehersisyo, at labis na pag-iisip ay nagdudulot sa atin ng sakit. Ang mga bisyo natin sa alak, droga, sigarilyo, at pagkain ay hindi natin minsan maiwasan, kaya heto tayo, nangongolekta ng sakit.
Hindi naman natin maiiwasan ang stress dahil kakambal na ito ng buhay natin, maging sino man o ano man tayo. Kung estudyante, stress sa pag-aaral. Kung professional at trabahador, stress sa mga boss. Kung maybahay, stress pa rin sa mga gawaing-bahay at sa pamilya. Sa mga bayarin. Sa mga tsismosang kapitbahay. Sa mga utang. Haist! Nakaka-stress, ‘di ba?
Tapos, kulang pa tayo sa tulog. Habang tumatanda ang tao, umiiksi ang panahon para sa pagtulog, where in fact, dapat mas mahaba ang ilalaan nating oras sa pagtulog. Gayunpaman, hindi natin magawang matulog dahil stress nga tayo. Kaya naman, apektado ang kalusugan natin. Nakapagdudulot ito ng aksidente. Nakapagpapahina ng utak at memorya. Nakawawala ito ng sexual drive. Nakapagdudulot ng depression. Nakaaapekto sa timbang. Nakapagpapakulubot ng balat. Nakapagdudulot ng iba’t ibang sakit sa dugo at puso. At huwag naman sana, sanhi ito minsan ng kamatayan. Ayaw pa naman nating mag-rest in peace, ‘di ba?
Hindi pa naman tayo mahilig mag-ehersisyo. Tamad tayo o sadyang wala lang panahon. Sana nga kung gaano tayo kasipag kumain, ganoon din tayo kasipag mag-exercise. Pero, hindi… Hindi natin magawa. Sobrang lucky ng ilan na nagagawa pang mag-Zumba, mag-jogging, mag-biking, at iba pa. Kudos to you!
Idagdag pa ang eating lifestyle natin. Mas gusto nating kumain sa mga fast food chain. Mas gusto nating kainin ang mga matataba, maaalat, at prinosesong pagkain. French fries, hamburger, hotdog, chicken joy, ice cream, cake, doughnut, cola, at iba pa. Masasarap kasi, ‘di ba? Bakit kasi lahat ng masarap ay bawal? Pero kapag usaping gulay, napapa-ew ang iba riyan! Parang pinapatay kapag gulay ang nakahain sa mesa.
Alam niyo ba? Ayon sa World Health Organization, kailangan ng bawat tao ng 100 kilong gulay kada taon o 8 hanggang 9 na kilo kada buwan o 5 hanggang 6 na servings kada araw. Kaya ba natin? Oo! Ay, hindi pala!
Hindi natin kaya. Aminin man natin o hindi, hindi tayo madalas kumain ng gulay. At kung kumain man tayo ng gulay, 10% na lang ang natitirang sustansiya dahil niluto natin nang husto. Gusto pa naman natin ang lutong-luto. Ayaw natin ng half-cooked. Alam niyo bang ang gulay na dumaan sa init o apoy ay nawawalan ng 90% na nutrients. Ang 90% na iyon ay nagiging acid na lamang. Kaya nga, karamihan sa atin ngayon ay acidic. Kaya, aminin na natin… Hindi natin kayang ma-attain ang vegetable intake requirement ng WHO.
Kilala ba ninyo si Hippocrates of Kos? Siya ang tinatawag na ‘Father of Medicine.’ Ayon sa kaniya, ‘Nature is the healer of our disease.’ Self-explanatory. Kumbaga, nasa kapaligiran lang natin ang gamot. Sabi pa niya, ‘Our medicine should be our food, and our food should be our medicine.’ Ganiyan ang misyon at isang programa ng First Vita Plus Marketing Corporation. Katulad ni Hipoocrates, naniniwala ang kompanyang ito na ang katawan natin ay may kakayahang pagalingin ang ating sarili.
Pero, ano nga ba ang First Vita Plus?
Ang First Vita Plus ay High Quality Herbal Dietary Supplement. Ito ay naglalaman ng Vitamins, Minerals, Fibers, Antioxidant, Phytochemicals, at Micronutrients, na kailangan ng ating katawan. Ito ay tinatawag ding ‘Vegetable in a drink’ dahil naglalaman ito ng 5 power herbs, gaya ng malunggay, dahon ng sili, saluyot, uray/kulitis, at talbos ng kamote.
Ito lang ang food supplement in a form of juice. Karamihan ay tabletas o kapsula. Kaya naman, mainam itong ipainom sa mga bata o taong hindi mahilig kumain ng gulay.
Take note: Organic ang mga sangkap nito. Ang mga ito ay gawa sa mga sariwang gulay at prutas, na walang chemical preservatives and additives, alinsunod sa Republic Act No. 8423, Article II. Kaya, ito ay Certified 100% Natural!
Siyempre! Aprurado at sertipikado ito ng Bureau of Food and Drugs (BFAD), Halal, at U.S. Food and Drug Administration (FDA). Kaya, sa First Vita Plus… ang tao ay may full of life!
Ang tanong ng karamihan: sino at anong taon ang puwedeng uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink?
Ang sagot: Kahit sino! Simula anim na buwang taong gulang na bata, buntis, bata, feeling bata, matanda, ayaw tumanda, may sakit o walang sakit, nagpapataba, at nagpapapayat.
Sa mga nagpapataba, inumin lamang ito isang oras bago kumain. Sa mga nagpapapayat, inumin lamang ito pagkatapos kumain.
Sa mga nag-aantibiotic, umiinom ng gamot, at nagmi-maintenance, isabay ninyo ito. Dahil ito ay natural, organic, at tinuturing na pagkaing inumin o inuming pagkain, pinalalakas nito ang ating immune system at makatutulong sa pagpapagaling ang ating mga sakit.
Wala itong overdose at side effects. Mga gulay at prutas kasi ito. Saan kayo nakakita ng taong kumain ng gulay at prutas na na-overdose at nagkaroon ng side effects? Wala! Sa synthetic na gamot, meron!
Kaya, heto na! Huwag na nating patagalin pang i-discuss ang 5 Power Herbs. Nabanggit ko na ito kanina, pero palalawakin natin. Iisa-isahin natin ang mga ito at ang magagandang dulot nito sa ating katawan nang maging buo ang tiwala ninyo sa produkto ng First Vita Plus.
Una. Malunggay. Ang malunggay ay may lactagogue. Nursing mother’s bestfriend ito dahil nagpaparami ito ng breastmilk. Miracle tree nga ang tawag dito dahil kaya nitong lunasan ang 300 na karamdaman. Mainam ito bilang antibiotic, anti-anemia, anti-cancer, pampababa ng blood pressure, at pambababa ng blood sugar. Three times ang potassium nito kumpara sa isang saging. Two times ang protina at four times ang Calcuim nito kumpara sa isang basong gatas. Four times ang Vitamin A nito kumpara sa isang piraso ng carrot. At seven times ang Vitamin C nito kumpara sa isang piraso ng orange.
Ikalawa. Dahon ng sili. Ito ay mabisang pain reliever, lalo na sa rayuma at arthritis. Mayroon itong Capsaicin, na mainam sa pagpapanatili ng magandang blood circulation at blood detoxifier. May kakayahan itong anti-fatigue. Kaya sa mabilis hingalin, it’s good for you. May aphrodisiac effect para sa malalamig na gabi. Siyempre, mabuti ito sa digestive system natin.
Ikatlo. Saluyot. Ang saluyot ay tanyag sa malapot nitong katas kapag naluto na. Kailangan natin iyon bilang lubricant at purgative. Kung wala nito, mahihirapan tayong dumumi. Rich in fiber ito kaya laging may ginhawa ang buhay. May anti-stress din ito, kaya chill-chill lang tayo. Diuretic din ito. Sa mga hindi regular ang pag-ihi, ito ang da best para sa inyo. At, may kakayahan itong tunawin ang tumor sa ating katawan, kung meron man.
Ikaapat. Uray/Kulitis. Ito ay mabisa para sa ating respiratory system. Sa mga may hika at problema sa paghinga dahil sa ubo at sipon, nakapagpapaluwag ito. Ito rin ay hemostatic, meaning pinabibilis nito ang paghilom ng ating mga sugat o pag-ampat ng dugo. Kaya rin nitong ipanumbalik ang flawless skin natin na sinira ng psoriasis, eczema o acne. Hindi na natin kailangang magpa-Belo pa. Kutis-artista ka na, nakatipid ka pa. At, hindi lang iyon, may kakayahan din itong pigilan ang diarrhea.
At ikalima. Talbos ng kamote. Ito ay mayaman sa Iodine at Iron. Kaya nitong i-boost ang memory natin, kaya hindi natin makalilimutan ang mga taong umutang sa atin. Kaya rin nitong mapigilan ang memory gaps ninyo. Iyon nga lang, hindi ninyo makakalimutan ang pananakit sa inyo ng inyong ex. Pinababa naman nito ang cholesterol at blood pressure natin, kaya makaiiwas tayo sa atake o stroke.
See? Sa isang sachet pa lang ng First Vita Plus, para na rin tayong kumain ng sangkaterba. Tingnan ninyo ang platong iyan. Iyan ang recommended servings. Kalahating plato ng gulay. One-fourth na kanin o iba pang katulad nito. At one-fourth ding ulam na may protina. Kaya ba ninyo? Kung hindi… well, no worries dahil mayroon tayong First Vita Plus Natural Health Drink. Solved na ang problema ninyo sa paglunok o kahit sa paghahanda o pagluluto nito. No hassle, pero hindi ka titipirin sa sustansiya.
Ang First Vita Plus ay may iba’t ibang variant. Ibig sabihin, hinaluan ng fruit extract o purong katas ng mga sariwa at organikong prutas ng Pilipinas. Nariyan ang Dalandan, na mayaman sa Vitamin C. Kaya nitong paluwagin ang ating paghinga at padaliin ang panunaw. Pinapanatili rin nito ang maayos na gastrointestinal function, blood circulation, at liver function.
Nariyan ang Melon, na mayaman sa Vitamin A at C, Carbohydrates, at Manganese. Mababa ito sa Calories. Mahusay itong tumunaw ng taba sa katawan. May antioxidant ito at mahusay magpalinaw ng mata. At, guess what? May kakayahan din itong protektahan ang katawan natin laban sa cancer.
Nariyan ang Guyabano, na mayaman sa Vitamins B1 at C at Potassium. Detoxifier ito at 10,000 times na more potent kaysa sa chemotherapy. Yes! You’ve heard it right. Maraming pag-aaral ang ginawa na kaya nitong labanan ang mga cancer cells ng 12 na uri ng cancer. Kung kakalbuhin ka ng pagpapa-chemo, sa guyabano, hindi. Bukod dito, ang guyabano ay nagpapababa ng blood pressure at blood sugar. Pinalalakas nito ang immune system natin, na siyang kumukontra sa mga sakit. Pinatataas nito ang enerhiya natin.
Nariyan ang Mangosteen, na may 22 iba pang prutas at gulay. Mayaman ito sa Fiber, Vitamin C, at Potassium. Meron itong antioxidant, na may kakayahang labanan ang Pakinson’s at Alzheimer’s Disease. Pinalalakas nito ang ating immune system. At mabisa rin ito bilang panlunas sa mga rashes, impeksiyon, at sugat.
Ang Mangosteen variant ay ang pinakamahal sa lahat ng variant. Isa rin sa mga pinakamabisa dahil naglalaman din ito ng mga sumusunod: red and white grapes, orange, grapefruit, bilberry, papaya, pineapple, strawberry, apple, apricot, cherry, black currant, tomato, carrot, green tea, broccoli, green cabbage, onion, garlic, olive, wheat germ, cucumber, at asparagus.
Nariyan din ang Pineapple, na bagong-bago variant. Tinatanggal nito ang mga toxins na nagdudulot ng cancer. Mainam ito sa ating digestive, muscular, at immune system. Sa mga nagpapapayat, da best ito. Sa mga nagpapahilom ng sugat, okay ito. Moving on? Baka puwede na rin ito.
Ang First Vita Plus Natural Health Drink ay may Gold Variants. Ano ang kaibahan nito sa Original variant? Simple lang. Ang Gold variants ay katumbas ng tatlong sachet ng Original Variants. Mas mabisa, pero hindi singmahal.
Ngayon, tanungin ko kayo. Alin ang mas gusto ninyo? Kumain ng gulay? O uminom ng gulay? Hilaw o hindi niluto, ah! Hmmm. Ako, mas gusto kung uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink. Sana kayo rin…
Sabi nga ni Thomas Edison, ‘The doctor of the future will no longer treat the human frame with drugs, but rather cure and prevent the disease with nutrition.’ Tama! Kung malusog ang ating katawan, hindi natin kailangan ang synthetic na gamot. Kumain na lang tayo nang sapat at wasto.
Kaya nga, ang First Vita Plus Marketing Corporation ay sampung taong pinag-aralan ang mga gulay at prutas na gagamitin hanggang sa makabuo ng mga nabanggit na produkto. Kaya naman, garantisado ang ating wastong nutrisyon at kalusugan. May sariling scientists at researchers ang kompanyang ito upang tiyaking ‘the best’ ang produktong ipapainom sa atin. Sabi nga, Doyee-approved at doctors-approved ang First Vita Plus products. Check na check talaga!
Kilalanin naman natin ang mga doktor ng FVP.
Si Dr. Richard Custodio. Siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila mula elementarya hanggang kolehiyo. Nagtapos siya ng BS Psychology sa Ateneo de Manila at Medisina sa UERM. Nag-internship siya sa PGH at nag-practice bilang ER Physician sa Taal Polymedic Hospital. Noong Agosto 8, 2005, naging bahagi siya ng First Vita Plus. Sa ngayon, siya ay isa sa mga official speakers ng First Vita Plus Health Symposium. Sabi niya, “I became a doctor precisely because I want to touch people’s lives through good health and healing. I was able to do this, in a bigger way, through First Vita Plus.”
Si Dr. Harold Tanchanco. Siya ay Valedictorian noong high school. Nagtapos siya sa UP Los Baños. Kumuha siya ng kursong Medisina sa FEU. Pinalad naman siyang makapasa sa board exam noong 1991 bilang Rank 16. Simula 1995 hanggang 1998, siya ay naging resident doctor sa East Avenue Medical Center. Simula 1998 hanggang 1999, naging chief resident siya roon. Sa Calamba Medical Center, naging ENT, Head & Neck surgeon siya. Nagsilbi rin siya sa St. John the Baptist Medical Center at St. Jude Family Hospital. Sa ngayon, official speaker din siya ng First Vita Plus Health Symposium. Sabi nga niya, ““I have the heart for helping others. I have the vision to change the world for the better, and I can do this through First Vita Plus.”
Si Dr. Rolan Mendiola. Siya ay nagtapos ng Family Medicine sa St. Jude Hospital, Los Banos, Laguna. Kumuha siya ng MA in Hospital Administration sa FEU Medical Center. Naglingkod siya bilang Municipal Doctor sa Quezon Province. Naging Fellow ng International Academy of Medical Specialist. Siya ay Vice President ng R.A. Mendiola Constructions & Developer at may-ari ng First Vita Plus Product Center sa Lucena, Quezon. Sa ngayon, official speaker din siya ng First Vita Plus Health Symposium. Sabi naman niya, “Whether you are in search of health or wealth, First Vita Plus is the solution.”
Bukod sa kanila, parami pa nang parami ang mga doktor na nagtitiwala sa First Vita Plus. Hindi talaga maikakailang napakaganda ng kompanya at mga produkto nito para sa ating kalusugan. Kaya, ano pa ang hinihintay ninyo? Pasko? Ang mga doktor nga, nagtitiwala, kayo pa kaya…
Marami na ring health stories and testimonies ang First Vita Plus. Hindi ko na iisa-isahin pa. Kayo na lang ang mag-research. Google is the key.
Marami na ang mga taong natulungang gumaling… Kayo? Hihintayin pa ba ninyong lumala ang sakit ninyo? Hihintayin pa ba ninyong mahospital kayo? Sabi nga, “Prevention is better than Hospital Admission and Hospital Bills.” Ang First Vita Plus ay kailangan na natin ngayon, may sakit man tayo o wala.
Baka kayo na lang ang hindi pa nagtitiwala sa First Vita Plus. Sa katunayan, kulang ang isang Araneta Coliseum o MOA Arena sa dami ng users at dealers nito. Kayo, kailan magtitiwala?
Bago ako magtapos, hayaan ninyong i-retell ko ang isang sikat na anekdota tungkol sa isang pasyente na may dalang isang bag ng pera. May cancer siya. Mayaman, pero tinanggihan siya ng doktor dahil hindi na raw ito mapapagaling. Sa galit at pagkabigo , inihagis nito ang pera sa pasilyo ng hospital at nagsisigaw. “Ano ang silbi ng mga perang ito?!”
Totoo. Ano ang silbi ng pera natin kung may sakit na tayo? Tandaan nating hindi natin mabibili ang kalusugan, oras, at buhay. Subalit, kaya nating magkaroon ng magandang buhay at kalusugan habang tayo ay may pera at oras.
Mga ka-First Vita Plus, uulitin ko… health is wealth.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment