Followers

Friday, September 15, 2017

MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA

MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA
Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya,
pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera.

Ang pera ay para sa tao, hindi para sa hayop,
kaya kung marami ka nito, huwag kang asal-hayop.
Huwag kang magpagamit sa pera upang mabuhay ka nang masaya,
bagkus gamitin mo ang pera upang magpasaya ng iyong kapwa.

Aanhin mo ang sandamukal na pera
Kung lahat naman ito ay nakuha sa masama?

Ang iyong salapi ay materyal na bagay,
ngunit ang tunay na ligaya, panghabambuhay.

Naisip mo ba kung bakit may mukha ng tao sa mga pera?
Kung gayon, naisip mo na rin ba
kung bakit ang iba'y 'di maipinta ang mukha
sa tuwing walang pera?

Sabi ng iba, mas mabuti ang mahirap basta masaya.
Para sa ilan, sana masaya ka na, mapera ka pa.

Sa Pilipinas, ang mahihirap at walang pera ay milyon-milyon,
ngunit mga Pilipinong gahaman sa yaman, may mga bilyon.

Kung sino pa ang may magandang hangarin sa kapwa,
siya pa ang walang perang pantulong at pangsuporta.
Kung sino naman ang hindi iniisip ang kabutihan ng iba,
siya namang siksik, liglig, at umaapaw ang pera.

Mabuti pa ang mga baliw, hindi kailangan ang pera.
Bakit ang mga normal na tao, nababaliw dahil sa pera?

Bakit ang pera ang batayan ng yaman sa mundo?
Hindi ba dapat ay kung gaano ka kabuti sa tao?

Mayaman ka sapagkat sa bangko ay may pera ka.
Ang tanong, mababaon mo ba iyan pag namatay ka?

Bakit ang pera marami raw nabibili?
Bakit ang kaligtasan ba ay nabibili ng pera?

Pera-pera sa langit, ang tamaan ay pangit!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...