Followers

Tuesday, December 6, 2016

True Conversation: Balagtasan Mode

Isang hapon…
Rina: Huwag ka ngang daan nang daan sa wall ko. Obvious na ‘yang pagpapapansin mo!
Rina: Nagfocus ka na naman sa camera, tapos ayaw mong titigan kita!
Rina: Saan ba ako sa 'yo titingin, nang 'di magtatama ag ating paningin?
Perry: Sa lupa ka tumingin nang ‘di ito mabaling sa akin.
Rina: Mabuti pa sa camera titig na titig ka, pero sa akin parang napapaso ka.
Rina: Mabuti pa sa camera nakangiti ka, pagdating sa akin nakabusangot ka.
Rina: Camera lang ba ang iyong tititigan? Maaari bang sa akin kumiling ka naman?
Perry: Huwag kang ganyan, baka ako'y kiligin niyan.
Rina: Hindi kita pinapakilig. Sinasabi ko lang ang nilalaman ng aking dibdib?
Rina: Sana camera na lang ako para sa akin lang ang matatamis na ngiti mo.
Rina: Hindi para sa’yo ang mga ‘yan. Gumagawa lang ako ng tugmaan, Isip mo’y ang dumi naman.
Rina: Ayaw kong tumingin sa lupa, baka 'di ko mapansin tayo'y magkabangga.
Perry: Ngunit, hindi ka makakaapak ng tae ng pusa.
Rina: Okay lang kung tae ang maapakan, 'wag lang ang taong aking kinakikiligan
Perry: Wala kang mapapala sa kilig na 'yan dahil siya ay may ibang kinababaliwan.
Rina: Wala akong pakialam diyan! Pasasan ba't makukuha ko rin ‘yan.
Perry: Makukuha mo nga siya, pero siya’y isa nang tira-tira.
Rina: Hindi bale nang tira-tira, kung sa kanya naman ako magiging masaya.
Perry: Hindi ka nga magiging maligaya sa kanya dahil sa pagmamahal, siya'y pagod na.
Perry: At saka, huwag kang kakain ng tira-tira, hindi ka naman kasi isang kahig, isang tuka.
Rina: Kung sa pagmamahal, siya'y pagod na, sa piling ko, sisiguraduhin kong puso niya’y makakapagpahinga.
Rina: Isang kahig isang tuka lang ba kumakain ng tira-tira, sa pagkakaalam ko, ang mga mayayaman iyon din ang tinitira.
Perry: Suko muna ako ngayon sa iyong mga tugma, dahil ako ay nag-aabang ng bus sa kalsada.

Mayamaya….
Perry: Sige, game na. Ako'y nakasakay na.
Perry: Tigil-tigilan mo ako ng mga hugot mo. Hindi ako natutuwa sa mga banat mo!
Perry: Huwag mong sabihing kaya mong magmahal. Hindi mo nga natapos ang una mong kasal.
Rina; Ay, mas matindi banat mo.
Perry: Aalagaan mo kamo siya? Bakit hindi kayo nagtagal ng iyong asawa?
Rina: Di ko sinasabi na ako’y magmamahal muli dahil puso ko'y wala ng puwang sa mga lalaki..
Rina: Hala! Personalan na! Sino ba ang makakatagal sa taong asal ay asong askal?
Perry: Bakit puro pagmamahal ang iyong bukambibig? Hindi ka naman pala iibig.
Rina: Hindi ba puwede iyon sa mga hugot ko? Pati ba iyon ay ipinagbabawal mo?
Perry: Wala akong pakialam sa inyong kasal, lalo na sa kanyang asal. May sarili akong buhay na matiwasay. Ayaw kong sa inyo ay madamay.
Perry: Bawal ang mga hugot mong walang katuturan dahil hindi ko naman pala maaaring paniwalaan.
Rina: Ano ba pinagsasabi mo? Isip ko'y nagugulo. Saan ba patungo ang usapan nating ito?
Perry: Nakakainis ang mga banat mong lumilihis, parang ahas na handang manglingkis!
Rina: So, ngayon naiinis ka na sa mga banat kong hindi naman sa iyo patama?
Perry: Ewan ko sa'yo, katoto. Bakit ka nga ba nakikipagtalo? Ako si Makata O, sanay sa ganitong duwelo. Kaya, sa akin ay hindi ka mananalo.
Perry: Magpakatotoo ka kasi, kaibigan. Kung ano ang usapan, huwag mo sanang ilihis ng daan.
Rina: Hindi kita lilingkisin. Sa mga lintanya mo, ako'y may napapansin. Mga hugot ko'y iyong inaangkin.
Rina: Masyado ka namang kumpiyansa sa sarili mo, na lagi kang mananalo. Porke’t ikaw ay bihasa na dito.
Perry: Hoy, Rina, hindi ko ugaling mang-angkin dahil ako ay mayroon din. Mayroon akong sariling galing, kaya ‘di ko kailangang ikaw ay kopyahin.
Perry: Oo, naman! Ilang beses na ba kita napataob? Sana panghinaan ka na ng loob.

Rina: Ayaw kong panghinaan ng loob. Lalaban at lalaban ako sa mga patutsada mo.
Perry: Magbibilang na ba ako ng isa hanggang sampu upang matigil na ang tunggaliang ito?
Rina: Hindi pa.
Perry: Lumaban ka hanggang kaya mo pa, dahil sinisigurado ko sa'yo, 'di ka makakaisa.
Perry: Isa
Perry: Dalawa
Rina: Hindi ko sinasabing ikaw sa aki'y nangggaya dahil alam ko madunong ka.
Perry: Tatlo
Rina: May sagot n ako, a.
Perry: Salamat naman kung ganoon! Linawin mo ang iyong tugon.
Perry: Isa
Perry: Dalawa
Rina: Iyan ang pagkakaalam mo. Sa iyo, lalaban pa rin ako.
Perry: Tatlo
Perry: Apat
Perry: Lima
Perry: Anim
Perry: Pito
Perry: Walo
Perry: Siyam
Perry: Sampu
Perry: Tapos na ang tunggalian. Ako na muli ang kokoronahan.
Rina: Hala! Nag-hang nga cp ko. Ang daya mo naman. Ayaw lang kasing patalo.
Perry: Wala nang masyadong dahilan. Talo na ka, tapos ang usapan. Ang laurel ng makata ay dapat ko nang makamtan.
Rina: Ang taong madaya ay kokoronahan na.
Perry: Kapag natalo, sasabihin ay nadaya. Kapag nanalo, sasabihin ay tsamba.
Rina: Hindi! Ayaw mo lang kasing patalo.
Perry: Tanggapin mo nang maluwag sa dibdib ang iyong pagkatalo. Iyan ang magpapalaya sa'yo.
Rina: Ayaw ko! Bilis magbilang, e!
Perry: Sige, pagbibigyan kita. Tatanggihan ko muna ang aking korona.
Rina: Yabang talaga. Lumalalim na talaga kayabangan.
Perry: Hindi ako mayabang. Talaga lang na ika'y talunan.
Rina: Hindi ko matatanggap ‘yan! Dahan-dahan sa pagbilang, kaibigan.
Rina: Saan na ba ang  dulo ng ating usapan?
Perry: Sige, umpisahan mo ang ikalawang laban, bago ko pa simulan ang pangalawang pagbilang.
Rina: Mas mabilis pa sa relo ang bilang mo. Saan tayo magsisimula?
Perry: Kasingbagal naman ng isip mo ang pag-type mo.
Rina: Hala, grabe kung manlait! E, sa mahina ako mag-type. Anong magagawa ko?
Perry: Ganyan talaga sa duwelong ito. Kailangang malupit ang dila mo, kung hindi, ika'y matatalo.
Rina: Ganoon ba? Kaya pala pinipersonal mo ako.
Perry: Kaya nga ika'y sawi dahil ganyang ang iyong gawi.
Rina: Ano ba ang aking gawi?
Perry: Ahaha. Tumigil ka! Walang ganyang drama. Sa labang ito, ang matibay ang matitira.

Lumipas ang mahabang sandal…..
Perry: Nahan ka na, Gina? Sabihin mo lang kung ayaw mo na.
Rina: Nag-hang nga ang cp ko. Wait!
Perry: Bibigyan kita ng isang minuto upang magbigay ng sagot mo.
Rina; Hindi ako nagdradrama. Ano naman ang sa aki'y mapapala. Ako pa rin ay nandito, handang makipagtunggali sa’yo.
Perry: O, siya... Atin nang simulan ang ikalawang laban.
Rina: Saan ba tayo magsisimula?
Perry: Para kang manok, putak nang putak. Wala sa oras kung tumilaok.
Rina: Ganoon lang ang akala mo. Panay tulig lang kasi ang alam mo
Rina: Kailangan kang gisingin. Ang panghi mo'y sa akin na'y nakarating.
Perry: Ahaha. Hindi ako apektado sa sinabi mo. Para lang itong utot ng isang bilanggo.
Rina: Ganoon? Nagmamanhid-manhiran ka, katoto, kahit naamoy mo na sarili mo.
Perry: Kasingbaho ng kilikili mo ang mga salita mo. Palitan mo na ang iyong istilo.
Rina: Ahaha! Para namang naamoy mo kilikili ko at laging pinangangalandakan mo.
Perry: Panghi ko nga'y naamoy mo, kaya kilikili mo rin ang tinira ko. Patas lang tayo.
Rina: Okay! Okay! Sige, lusot ka na naman kasi alam kong ayaw mong maging talunan.
Perry: Sige, lumaban ka, hanggang wala ka nang maisasalita.
Rina: Hintayin mo ang paghihiganti ko. Mararamdaman mo ang pagtarak ng punyal sa dibdib mo.
Perry: Sa laban, walang nais maging talunan. Alam ko, isa ka ring nais makoronahan.
Rina: Hindi ako mauubusan ng salita, habang ako'y nabubuhay at humihinga.
Rina: Korona sa ulo mo'y ipot, katulad ng utot mong mabantot.
Perry: Mas nainam na ang koronang ganyan kaysa sa ipuputong kong tinik sa iyong bumbunan.
Rina: Alin ba ang mas matindi-- ipot o tinik sa bumbunan na magiging sanhi ng iyong kamatayan?
Perry: Ang tinik ang mas matindi dahil nilagyan ko ng lason, na sa buhay mo ay pupundi.
Rina: Aking hihintayin ‘yan, na ikaw naman ang maubusan.
Perry: Hindi ako mauubusan ng salita dahil ako mismo ang gumagawa.
Rina: Katulad mo, ako ri’y maraming salita, na puwede sa iyo'y ipanangga. Kaya, huwag kang pakasisiguro na ako'y lagi mong matatalo sa ating duwelo.
Perry: Sige, ipagpalagay na nating mahusay ka. Pero, hanggang kailan ka may ibubuga?
Rina: Habang ako'y nabubuhay pa, patuloy akong bubuga ng sa gayo'y matalo ka.
Perry: Ako'y pababa na. Huwag mong isiping ako’y suko na. Mamaya, may part 3 pa.
Rina: Ha ha ha! Part 3 pa talaga. Saan ba ang lakad mo?
Perry: Galing po ako sa Tanza, Cavite-- naglakad ng mga papeles gaya ng cedula at barangay clearance. Intiendi?
Rina: A,okay. Bakit napaantipatiko mo? Akala mo nama'y kasingguwapo ka ni Piolo?
Perry: Hindi man ako kasingguwapo ni Piolo, ako naman ang nag-iisang ako, may sariling looks, na maipagmamalaki ko.
Rina: Ha ha ha! Lahat naman may sariling looks. Hindi ka lang nag-iisang walang muks.
Perry: Ginabi na ako sa biyahe. Nais ko na sanang magkape
Rina: Six pa lang naman diyan, a.
Perry: Six ay gabi na. Madilim na talaga. Huwag mong sabihing umaga pa. Mamaya, tulugan na.
Rina: Malapit ka na sa boarding house niyo?
Perry: Malayo-layo pa. Tapos, traffic ay kay haba na. Haay! Ako'y kapeng-kape na!
Rina: Pagdating mo’y magkape ka. Ano namang problema? May tea ka pa naman yata!
Rina: A, akala ko ay pababa ka na?
Perry: Bukas, ako'y babalik pa upang lakarin ang koneksiyon ng tubig. Nakakapagod at napakagastos talaga, ngunit kapag natapos ay kaibig-ibig.
Rina: Oo. Malapit ka nang makalipat. Sarap sa pakiramdam ng ganyan. Pag-uwi  ko’y makikita ko rin ang aking pinaghirapan.
Perry: Gusto kong matulog na lang upang bukas paggising ko, pasok na agad.
Rina: E, ‘di matulog ka. Anong problema? Huwag ka nang magkape kaya…
Perry: Problema ko? Inaabala mo ako.

Rina: Hala! Bakit?

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...