Followers

Thursday, December 29, 2016

Media Noche

"Honey, overtime kami. Baka ma-late ako sa Media Noche," sabi ni Victor sa kanyang asawa nang tumawag ito.

"Iyon nga rin ang sasabihin ko sa'yo. Mali-late rin ako. So, bukas ng tanghali na tayo mag-celebrate ng Bagong Taon."

"Bakit? Hindi ba plinano na nating magsalubong ng New Year?

"Oo. Pero, may pinapatapos si Boss sa akin. Nakasalalay rin naman dito ang future natin. Besides, mahaba pa ang bagong taon. Puwede tayong mag-start anumang oras o araw na gustuhin natin. Promise, bukas ng tanghali magkasama tayo."

Mahabang sandali na hinintay ni Rona ang sagot ng asawa. Dinig na dinig niya ang buntong-hininga nito.

"Sige! See you tomorrow. I love you, Honey! I promise, magiging maganda ang taong parating para sa atin."

"Thank you! Ingat!"

Ngumiti nang mala-demonyo si Victor. At, tinungo na niya ang kinaroroonan ng mansion ni Mayor Rubio. Ito na ang huling tahanang kaniyang papasukin at lilimasan ng salapi. Alam niyang ang mananakaw niyang pera ay magiging sapat para makapili si Rona kung artificial insemination o surrogation upang magkaanak sila.

Alas-dose ng hatinggabi, nagpuputukan na sa labas. Maingat na inakyat ni Victor ang mataas na pader. Nang nasa loob na siya ng bakuran, biglang nangatog ang puso niya. Ninais niyang umurong.

"Gusto kong magkaroon ng anak," tila narinig niya ang huling birthday wish ni Rona.

"Oo, Rona. Magkakaroon tayo ng anak," aniya. Saka siya sumulong sa pag-akyat sa veranda ng kuwarto ni Mayor.

Ang suwerte ni Victor dahil nasa bakasyon ang mga bodyguards at mga katulong ni Mayor. Agad niyang naakyat ang kuwarto nang walang kahirap-hirap.

Mula sa kanyang bag, inihanda niya ang kakailanganin upang mapatulog si Mayor, gayundin ang pambukas sa nakapinid na pinto.

Nakasindi ang ilaw sa kuwarto. Alam niyang nasa loob si Mayor.

Ang suwerte ni Victor dahil kahit maingay ang kilos niya, hindi pa rin ito dinig sa loob, dahil na rin siguro sa ingay ng mga paputok.

Abot-tainga ang ngiti ni Victor nang mabuksan niya ang pinto.

"Maiisahan din kita, Mayor. Sa laki ng na-corrupt mong pera sa bayan, mapapasaakin ang maliit na halaga nito," aniya sa isip.

Bahagya niyang itinulak ang pinto. Mula sa uwang, nakita niya ang nakaigtad na babae, habang binabayo siya ni Mayor.

"Shit, Rubio! Sige pa. Malapit na!" sigaw ng babae.

"I'm coming, Sweetie. I'm coming!"

Animo'y nasabugan ng illegal fire cracker ang puso ni Victor nang makumpirma niyang ang asawa niya ang kaniig ni Mayor.


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...