Followers

Thursday, December 1, 2016

Ang Aking Journal -- Disyembre, 2016

Disyembre 1, 2016 Maaga akong nagising para hindi ako ang hintayin, kaya lang, Filipino time pa rin. Past 7:30 na nakaalis ang bus. First stop ay sa SM Paranaque. Doon ginanap ang Science show. Next is Camp Aguinaldo. Naroon ang AFP Museum. Nakakamangha ang mga display doon. Nakakainis lang dahil ang bilis. Hindi puwede ang umalis sa pila. Last itinerary is Avilon Zoo sa Montalban, Rizal. Doon ako nag-enjoy nang husto. Ang ganda. Andaming uri ng hayop. First time kong makakita ng giraffe in person. Dapat ang last stop namin ay sa Pasig Rainforest. Hindi na tumuloy dahil alas-siyete na nakarating doon. Napalayo pa tuloy ako. Dapat bumaba na ako sa Masinag, kung nag-decide agad na umuwi na. Past nine ako nakarating sa Bautista. Expected na ni Mama ang pagdating ko. Alam ko, natutuwa siya dahil matutuloy na ang interview sa kanya, para sa schedule ng operasyon. Disyembre 2, 2016 Alas-kuwatro ay gising na ako. Gusto ko pa sanang matulog, kaya lang hindi na ako dalawin ng antok. Naghanda na lang ako ng almusal namin. Kaya naman, maaga rin kaming nakarating sa Sta Lucia Eye Bank, na nasa loob ng PGH. Naghintay kami ng kalahating oras bago na-interview si Mama. Ang bilis lang. Wala pang 10 minutes. Agad naman kaming tumungo sa EAMC para ibigay ang notice na galing sa eye bank. Granted na ang cornea transplant ni Mama for free, kaya lang ay kailangang tumawag ang opthalmologist niya for confirmation. Nagawa naman agad namin dokn ni Mama, medyo matagal-tagal nga lang. Nagpa-xerox pa ako. Masaya ako.dahil natupad ko ang pangako ko kay Mama na sasamahan ko siya. Alam kong mas masaya siya dahil malapit na siyang maoperahan. Kahit nagsabi na ang doktor na maghanda ako ng P8000 para pansundot sa donor, hindi ako pinanghinaan ng loob. Maliit na halaga, kumpara sa ginhawang maidudulot kay Mama at sa aming lahat. Nakauwi kang bandang alas-3. Nahirapan kami dahil umulan, pero ayos lang. Worth it. Disyembre 3, 2016 Wala pang alas-4 ay nakamulat na ako. Hindi na ako nakatulog. Naghanda na ako sa pagbiyahe papuntang Tanza. Hindi naman ako na-late. Bago mag-alas-8:30 ay nandoon na ako sa bahay. Kaya lang, tapos na pala ang wiring. Nagtaka ako kung paano nila nabuksan ang pintuan. Pero, hindi na mahalaga iyon. At least, hindi na ako maghihintay. Nagbayad na ako ng construction bond na P7000. Gusto ko na kasing maikabit agad ang pinagawa kong mga grills. Nagbayad din ako ng P2500 deposit sa sub-meter ng kuryente. Sa December 10 na ako makakabitan. Past 10:30, umuwi na ako sa Pasay. Habang nasa biyahe, pinagplanuhan ko ang mga dapat gawin sa pagkakaroon ng permanent water supply. Need ko na itong simulan sa Lunes para makaabot sa Pasko. Gustong-gusto ko nang lumipat. Nagklase na ako sa master's ko. Na-meet ko na ang prof ko sa Fundamentals of Research Designing. Nagturo na siya kahit apat lang kaming pumasok. Mahusay siya. Andami ko na agad napulot. Nakaka-inspire tuloy mag-thesis. Disyembre 4, 2016 Nalimutan kong magsimba. Palibhasa, nagbanlaw ako ng mga binabad at naglaba ng mga sneakers ko. Hindi ko talaga naalala na Linggo pala ngayon. Gayunpaman, naging makabuluhan naman ang araw ko ngayon. Nakapagsulat ako. Nakapagpahinga. At, nakapaghanda ng visual aid para bukas. Bukas, kukuha ako ng cedula at barangay clearance sa Tanza. Sana hindi na ako pasamahin sa Valenzuela para sa awarding ng RSPC. Disyembre 5, 2016 Hindi pa rin nagpalitan ng klase. Pero, nagturo ako. Nagpa-activity ako nang nagpa-activity habang nagbabasa ng akda nila. Nakapag-type at nakapagpost pa ako ng napili ko. After class, it was 2 PM, pumunta ako sa Tanza. Kumuha ako ng barangay clearance at cedula. Mabuti na lang at naabutan ko pang bukas ang mga halls. Na-traffic pa kasi ako kaya natagalan akong makarating. Kaya lang, ginabi na ako ng uwi. Gutom na gutom ako pagdating ko. Hindi ko na nagawang magmeryenda dahil sa pagmamadali. Gayunpaman, masaya ako dahil na-accomplished ko ang dalawang requirements para sa permanent water connection. Bukas kasi ay sa Malagasang naman ako pupunta. Nakapag-confide ako sa SULAT Heads GC ng tungkol sa mga buhay-buhay ko para mabawasan ang pagkailang ko sa kanila. Kahit paano ay parang naging close ako sa kanila. Sana tuloy-tuloy na akong maka-connect sa kanila. Disyembre 6, 2016 Tulad kahapon, walang palitan. Nagturo ako at nagpa-activity. Nami-maintain ko pa rin ang discipline sa classroom dahil patuloy ang pagsisingil ng piso sa bawat ingay nila. Nakakaipon pa kami ng gagamitin sa Christmas party. After class, pumunta ako sa Imus. Nahanap ko naman agad ang Green Gate Homes. May kaunting kapalpakan, pero mabilis kong natapos. Sa 14 na ikakabit ang linya ng tubig. Nakauwi ako bandang alas-siyete. Pagod na pagod, antok na antok, at gutom na gutom na ako. Gayunpaman, thankful ako dahil natapos ko na ang paglakad ng tubig. Sa bakasyon ko na lakarin amg Meralco. Bukas, kailangan kong bumili ng mga bombilya para sa bahay. Sa 10 na kasi magkakabit ng kuryente. Disyembre 7, 2016 Makikipagpalitan na sana ako ng klase, kaya lang ay biglang naglabasan ang halos kalahati ng VI- Garnet dahil may practice sila ng drum and lyre. Nakiusap pa ang iba na huwag na akong magturo dahil mami-miss nila ang lesson. Hindi nga ako nagturo. Isa pa, maingay ang buong school dahil sa tugtog. Hinayaan ko na lang ang advisory class ko na gumawa ng activity ko para sa kanila. At, nang matapos, hinayaan ko na ring gawin ang gusto nila, basta't tahimik lang. Ayaw na rin naman nila na magturo ako. Nakakatamad tuloy magturo dahil laging walang palitan. Nakakawala ng drive. Turong-turo na ako, tapos hindi maman ako makakalipat ng klase. Sayang ang inihanda ko. After class, pumunta ako sa Harrison Plaza. Kasama ko si Papang. Siya ay titingin ng book na pinabibili ng anak niya. Ako naman ay bibili ng bombilya. Disyembre 8, 2016 Nagturo ako ng 'Denotasyon at Konotasyon'. Sayang! Hindi ko ito naituro sa ibang sections dahil wala na namang palitan. Interesting pa naman ito, para sa akin. Gayunpaman, naging productive ang araw namin. Nagpa-activity ako at nakapagpalit ng kurtina sa classroom. Naka-bonding din silang magkaklase. Excited na silang mag-Christmas party at break. Akala nila, sila lang. Ako rin... Umuwi ako agad pagkatapos kung magpalinis. Antok na antok ako, kaya kahit mainit ay sinubukang kong umidlip. Hindi naman ako nabigo. Nagpa-Baguio si Epr ngayong gabi. Akala ko nga doon siya aabutan ng Pasko. Two days lang pala siya doon. Makakatulong pa rin siya sa paglipat. Disyembre 9, 2016 After kong magpabasa ng isang seleksiyon at magpaliwanag, nagpasagot ako sa mga bata. Then, kaming mga advisers ay nagtulong-tulong na makapagpasa ang accomplishment report. Siyempre, sira na naman ang klase. Gayunpaman, nakaisip ang mga bata ko ng isang makabuluhang bagay. Nag-decorate sila sa classroom para sa Christmas party. Ma-appreciate ko ang efforts at initiative nila. Dapat dadalo ako sa Christmas party ng Filipino Department, kaya lang tinamad ako. Nag-PM na lang ako kay Sir Ren. Ipinasabi ko kay Mam Dang. Hindi yata niya nabasa kaya nag-text at nag-misscall pa rin si Mam. Mabuti na lang din na hindi na ako nakapunta dahil kailangan ko nang mag-empake. Bukas ng gabi ay ipapahakot ko na ang mga gamit ko sa close van ng amo ni Nunuy. Naharap ko ang pag-aayos, kaya halos ready na ako para bukas. Disyembre 10, 2016 Halos wala akong tulog, una, dahil, nag-post ako sa SULAT ng notice ng election for chairman, at pangalawa, dahil sa excitement sa paglipat. Maaga pa akong gumising para pumunta naman sa Tanza. Doon ay nalaman ko na hindi pa tapos ang lahat ng grills na pinagawa ko. Pinto pa lang ang natapos. Ipinakakabit ko na iyon, kaya iniwan ko sa kanya ang susi. May kuryente na rin ang bahay. Nagkabit na ako ng bombilya. Ang masaklap lang ay hindi umiilaw ang nasa CR. Kailangan ko pang i-report iyon sa engineering office. Past nine-thirty ay bumiyahe na ako pabalik sa Pasay. Sa Sea Side na ako tumuloy dahil magbloblowout si Mam De Paz. Naging masaya ng kainan at kantahan namin. Busog na busog rin ako. Uminom din kami ng beer. Past three na ako nakauwi. Hindi naman ako nakaidlip dahil kailangan ko na namang pumasok sa masteral class ko. Pagdating ko naman doon, napag-alaman naming magkaklase na absent ang professor namin. Sayang lang ang pamasahe at effort ko. Sana natulog na lang ako. Disyembre 11, 2016 Alas-dose y medya dumating sina Flor at Nunuy. Isang kalahating oras din kaming nagkarga. Nadala ko na ang lahat ng gamit ko, kaya wala nang babalikan. Hindi na rin ako mag-stay doon kahit hanggang December 22 pa dapat kami. Alas-dos, nadiskarga na namin ang mga gamit ko. Mas mabilis naming naibaba. Saka kami nag-almusal sa isang tapsihan sa Tejero. Nakauwi ako nang mag-aalas- tres na ng umaga. Alas-otso naman ako nagising. Maghapon na akong naglinis. Nabayaran ko na rin ang balance sa grills. Then, bandang alas-4, nagpadala ako ng pera kay Emily. Pamasahe nila iyon ni Ion. Namili na rin ako ng palanggana, timba, tabo, atbp. Andami pang kailangang itamo. Paunti-unti ay mabibili ko rin ang mga iyon. Nakakainis lang, dahil mahina ang signal dito ng SmartBro. Kailangan kong magpalit ng network o mag-upgrade ng wifi. Hindi maaaring wala akong internet connection. Disyembre 12, 2016 Alas-kuwatro ako gumising. Hindi naman ako na-late. Ako nga yata ang pinakamaagang dumating sa school. Tamang-tama lang talaga ang 4 a.m. na bangon. Hindi ako nagturo. Wala na sigurong nagtuturo. Kapansin-pansin ang excitement ng mga bata sa Christmas party. Panay pa rin ang decorate nila sa classroom. Nagkita kami ni Epr sa Baclaran. Unang beses niya labg kasi makakauwi sa bahay. Pasado alas-kuwatro kami nakarating. Pero, bago iyon, naireport ko ang mali sa connection ng kuryente ko. Agad namang dumating ang mga electrician. Naayos agad nila. Disyembre 13, 2016 Kakaunti ang estudyante kong pumasok. Dahil ito sa magdamag na pag-ulan. Suspended nga ang mga klase sa buong Cavite. Akala ko nga ay pati sa Pasay. First naming magsabay ni Epr sa pagbiyahe nang maaga. Hindi naman ako na-late. Ngayong araw, sa classroom, gumawa ako ng kunwaring gifts as Christmas decorations. Hinayaan ko na ring maglaro ang mga bata. Alas-kuwatro, nakauwi na ako. Nagtanim ako ng mga ornamental plants, pagkatapos kong magkape. Ang sarap uwian ang bahay na may garden. Ang oras dito sa bahay ay napakatagal, kaya parang andami-dami kong nagagawa. Nakapagdesisyon na ring ako na hindi na ako sasama sa Pangasinan, kasal nina Mia at Aldrin. Mas mahalaga na maisaayos ko ang mga damit ko bago dumating ang mag-ina ko. Mamimili pa ako ng mga panregalo para sa aking pamilya at pang-prizes sa Christmas party. Disyembre 14, 2016 Marami-marami na ang pumasok, pero nakakatamad na magturo. Ayaw na rin naman nilang magkaroon ng lesson. Mabuti nga't napabasa ko sila, napasagot, at napakanta ng Christmas song (by group). Pagkatapos niyon, wala na. Excited na nga silang mag-ayos ng upuan. Hindi lang ako pumayag. Kanina, nagpasabi ako kay Mam Gigi na hindi na ako sasama sa kasal ni Mia. Nasabi niya iyon kay Sir Joel, na siya namang nagsabi kay Mam Lolit. Aniya, nagtatampo raw sa akin dahil umoo na raw ako noong Sabado. Ngayong gabi naman, chinat niya ako. Sumama na raw ako dahil kasama si Sir Erwin. Mag-usap na sila. Gayunpaman, hindi pa rin ako natinag. Andami ko talagang gagawin. Isa pa, may masteral class akom. Nakabitan na kami ng kuntador ng tubig. Naikabit na rin namin ni Epr ang gripo. Ang saya! Hindi na namin kailangang makiigib sa kabilang bahay. Pagkatapos kung maglinis sa sala, nagbalot ako ng mga regalo. Marami-rami pa ang kulang. Disyembre 15, 2016 Hindi pa rin ako na-late kahit naglakad pa ako, mula Buendia. Kaya lang, nagutom ako. Kaunti lang ang estudyante ko ngayong araw, pero parang marami pa rin. Ang gugulo nila. Naghahanda pa namin kami ng tugtog at steps para sa Christmas dance contest sa party namin. Nabuwisit ako sa kanila. Sana lang ay hindi na sila pumasok bukas, lalo na't wala naman kaming nabuong sayaw. Nabuwisit din ako sa IPCRF. Pinapapasa kami. Hindi pa naman kami ii-evaluate dahil katatapos lang. Alam ko namang kakahuyan lang niya ang mga portfolio namin para sa accomplishment report niya. Nakakainis dahil wala naman siyang suporta, lalo na sa akin tapos, makikinabang siya sa mga accomplishments ko. Nasaan ang hiya niya? Tumakas ako nang alas-dos na. Imbes na mag-stay ako para ibigay ang hinihingi niya, mas gugustuhin ko pang maglinis sa bahay. Nakapaglaba ako pagdating ko. Nakagawa pa ako ng snow flakes, mula sa puting papel. Naidikit ko rin ang mga ito sa sliding window. Disyembre 16, 2016 May pumasok na apat na estudyante. Sila ang mga absent kahapon. Ang isa ay nagbayad lang para sa pagkain sa Christmas party. Dahil dito, nakapag-practice kaming Grade Six teachers ng sayaw. Sa wakas, nabuo na rin. Kaunting pagpupulido na lang. Alas-dos, umalis na ako sa school. Balak ko kasing mamili sa Baclaran. Pumunta at naglibot-libot naman ako doon, kaya lang hindi ako bumili. Natatakot akong madukutan. Isa pa, gusto ko lang magka-idea kung ano-ano ang mga bibilhin ko bukas. Past 4 ako nakauwi. Halos nasanay na ako sa biyahe. Feeling ko, malapit lang ang bahay sa school, kaya parang kay bilis lang ng biyahe. Disyembre 17, 2016 Dahil hindi ako sasama sa pagpunta sa kasal ni Mia sa Pangasinan, marami akong nagawa sa bahay. Nakatulog rin ako pagkatapos mag-lunch. Kaya nga, tinamad na akong pumasok sa masteral ko. Sa Puregold na lang ako pumunta, sa halip na mamili ako sa Baclaran. Nagdesisyon akong bumili na lang ng mga candies at iba pang sweets para sa consolation prizes. Ibibili ko na lang ang pera nilang maipon ng "Walang Pamagat" books-- pangbigay sa mananalo sa mga parlor games. Siguro ay mas magugustuhan nila iyon. Limited nga lang ang mabibigyan. Disyembre 18, 2016 Maaga akong nagising dahil maagang bumangon si Epr. Pero, pagkatapos naming mag-almusal, nahiga uli ako't umidlip. Ang lamig pa kasi. Naglaba naman ako pagbangon ko. Wala namang ibang gagawin. Hapon, umidlip uli ako sa taas. Hindi mainit. Ang layo ng temperarura sa dating boarding house. Past 4, umalis si Epr. Papunta raw siya sa Tuguegarao. Tatlong araw siya doon. Mag-isa na naman akong matutulog dito. Tumawag si Aileen. Nasa Manila na raw sila. Disyembre 19, 2016 May dalawa akong estudyante na pumasok. Nang na-boring, gumawa sila ng paraan para makauwi. Ako naman ay nakapag-join sa practice. Ready na kami sa dance contest bukas. Past twelve, nag-Harrison kaming apat na advisers ng Grade Six. Kumain muna kami saka namili ng pang-exchange gift. Pinapili ko na rin si Mareng Janelyn ng gift ko para sa kanyang anak, na aking inaanak. Isang worth P400 na laruan ang napili ni Trisha. Bibilhan ko na rin sana ang isa ko pang inaanak, na si Thea, kaya lang baka kapusin ako, dahil wala pa ang inaasahan naming pera. Past 2, nagpaalam na ako kay Mam Gigi na mauuna na ako dahil kailangan ko pang bumili ng puting pantalon sa Baclaran. Doon ay nalibot ko na yata ang isang mall sa kahahanap ng puting pantalon, na costume namin sa sayaw. Sumakit ang paa ko sa kakalibot. Past 4 na ako natapos. Madilim na nang makauwi ako. Pagod man, pero masaya pa rin ako, lalo na't may inuuwian na akong sarili. Disyembre 20, 2016 Past 10 na ako nakarating sa school. Na-traffic kasi ako. Pero, okay lang. Hindi naman kasi agad nakapagsimula. Past 12 na yata nang magkainan kami. Pagkakain, saka naman nagsimula ang mga palaro at dance contest. Marami akong natanggap na gifts at prizes. Disappointed naman kami sa place namin. Third placer lang kami sa sayaw. Marami ang nag-react dahil ang nanalo ay hindi raw deserving. Di bale na, alam naman ng lahat na ginalingan namin. Past 7 na ako nakarating sa bahay. Pagod, pero masaya ako. Bukas, Christmas party naman ng mga bata. Bukas na rin ang dating ng aking mag-ina. Disyembre 21, 2016 Maaga akong nakarating sa school. Nagbalot ako ng nga candies pagdating ko. Past 8, nagsimula na ang program sa covered court. Past nine, nagsimula naman ang classroom party. Masaya ako dahil nakita kong nag-enjoy lahat ang mga estudyante ko. Idagdag pa ang mga regalong natanggap ko. Past 12, tapos na ang party. Nakapagpalinis na rin ako. Kaunting ayos na lang sa January 3, pagbalik. Past two, pumunta na ako sa Baclaran Church, kung saan magkikita kami nina Emily at Zillion. Marami akong bitbit, kaya hassle kung pupuntahan ko pa sila sa airport para sunduin. Pinag-taxi ko na lang sila. Past 4:30, nasa bahay na kami. Ramdam ko ang ligaya nilang mag-ina nang makita ang bagong bahay namin. Disyembre 22, 2016 Puyat man, dahil sa pagsakit ng ngipin ni Zillion, ay bumangon kami ng maaga para maghanda ng almusal. Alas-nuwebe, nag-grocery kami sa Puregold. Bumili na rin kami ng tv at tv plus. Naawa ako kay Ion. Sabi niya kasi kahapon, "Walang tv. Nakaka-boring naman." Sobrang saya ko sa araw na ito. Kay sarap palang bumili ng gamit para sa sarili mong tahanan. Disyembre 23, 2016 Past 10, lumuwas kami sa Cavite para mamili sa Baclaran ng mga panregalo. Kulang pa kasi ang mga pinamili ko. Doon ay bumili rin kami ng mga plato at mangkok. Magastos, pero masaya akong makakapagbigay-ligaya sa aking kapwa, pamilya, at kamag-anak. Kung hindi lang sana ako naharap sa gastusan, mas marami sana akong mabibigyan. Mabuti na lang at may mga libro ako. Nakadagdag sa panregalo. Alas-3 na kami nakauwi. Disyembre 24, 2016 Ang bilis ng mga araw. Bisperas na pala ng Pasko. Bigla kong naisip na bumili ng monobloc table. Kaya, bandang alas-dos, pumunta ako sa palengke. First time ko doon. Lahat ay first time. First time akong magluluto ng pang-noche buena. First time naming magse-celebrate ng Pasko together. Namili muna ako ng mga lulutuin ko, bago ako bumili ng table at linoleum. Masaya akong nagluto at naghanda ng mga pagkain --spaghetti, fried chicken, chop suey, fruit salad, at watermelon-apple shake. Disyembre 25, 2016 Nakakapagod din magluto, pero na-enjoy ko. Hindi nga lang ako nakakain nang husto. Bigla na namang umurong ang appetite ko. Hindi bale, alam kong masaya naman sina Emily at Epr, na nakasalo ko sila sa noche buena. Sayang lang dahil nakatulog si Ion. Past one, natulog na kami. Past 7 naman kami nagising. Napag-alaman namin na may hika si Zillion. Kaya, maghapon na naman kaming aligaga sa pag-aalaga at pag-aalala sa kanya. Pinainom ko siya ng oregano extract with honey. Dalawang beses. Tila walang epekto, kaya natataranta na si Emily. Nang maalala ko ang pagpapausok na ginawa sa akin noon ni Mama Leling, ina-apply ko rin iyon sa kanya. Automatic na lumuwag ang kanyang paghinga. Naglabas din siya ng plema. Kaya, natuwa si Emily. Nawala ang kanyang pag-aalala. Sabi ko sa kanya, ang hika ay hindi naman talagang dapat na iniinuman ng commercial na gamot. Nakakaluto lang ng baga ang mga reseta ng doktor. Lihim din aking natuwa. Gusto ko na sanang isipin na may sumpa pa rin ang Pasko sa akin. Disyembre 26, 2016 Magaling na si Zillion nang gumising siya. Maluwag na ang paghinga niya, although may ubo pa siya. Masigla na rin siya at nakakapaglaro na. Ang bagyong Nina ang unang bagyong naranasan namin sa bahay. Salamat sa Diyos dahil mahina lang ito. Disyembre 27, 2016 Ako ang naglaba. Napansin ko kasi na madaling mapagod si Emily. Sumasama ang pakiramdam niya pagkatapos maglaba. Mas maigi pang ako ang mapagod kaysa mag-alaga ako sa maysakit. Naiinis pa rin ako sa hina ng signal ng internet. Pawala-wala. Nakakatamad tuloy magsulat at mag-update sa wattpad. Gayunpaman, nakapag-encode ako ng journal ko. Malapit ko nang matapos ang December 2007. Disyembre 28, 2016 Isa sa mga kagandahan ng may sariling bahay ay ang pagkakaroon ng pagkakataon para magluto. Naeensayo at naibabalik ko pa ang hilig ko pagluluto. Ang tangi ko na lang problema ay ang signal ng internet. Maghapon akong naiinis na nag-aabang. Hindi ako nakapag-encode ng journal ko ngayong araw. Nakakatamad kasing mag-open ng laptop kapag walang internet. Kung hindi ko siguro kasama ang mag-ina ko at wala kaming telebisyon, baka boring na boring ako maghapon. Disyembre 29, 2016 Nakapagsulat ako ngayon ng isang dagli. Kagabi kasi ay may ideyang pumasok sa utak ko. Sana laging ganito. Maganda-ganda ngayon ang signal ng net, kaya naipost ko kaagad ang akda ko. Disyembre 30, 2016 Ang bilis ng araw! Malapit nang matapos ang taong 2016. Ngayong araw, parang may gusto akong gawin at puntahan. Hindi ko rin ginusto na matuloy ang pamilya ni Edward na dalawin kami. Si Emily lang ang excited. Para kasing hassle sa akin. Hindi pa ako handang mag-entertain ng mga bisita. Mabuti na lang at hindi sila natuloy. Natapos ko nang i-encode ang journal ko noong 2007. Editing na lang at finalization para sa publishing purposes. Past one o'clock, nag-grocery ay namalengke ako. Mga prutas lang ang nabili ko para sa Media Noche. Ang mga groceries naman ay pang meryenda lang at pang-almusal. Para kasing ayaw ko nang maghanda nang marami. Napapanis lang at nasasayang, lalo na't wala pa kaming ref. Nadala agad ako noong Pasko. Andaming naitapong pagkain. Ang sabi ko kay Emily, bumili na lang kami bukas ng mga ready-to-eat foods, na sakto lang sa amin. Disyembre 31, 2016 Alas-sais na ng hapon ako umalis para mamili ng pang-media noche. Sa halagang isang libo, may spaghetti, hotdog, grilled liempo, pork barbeque, grilled bangus, chiffon cake, at sliced bread na kaming panghanda. Kasama na rin dito ang pang-dinner. Ito ang unang media noche namin dito sa bahay, kaya masayang-masaya ako. Hindi man ako nakauwi sa Bautista, alam kong masaya rin sina Mama para sa amin. Bago nag-countdown para sa New Year, nawalan na ako ng internet. Asar na asar ako. Kung kailan ako nagbayad ng bill kahapon (sa 7Eleven), saka naman nila pinatay ang service. Kung kailan kailangang-kailangan ng net. Hindi ko tuloy nabati ang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kapatid ko.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...