Ama: Ang galing-galing mo sa cellphone. Sana sa pagbabasa magaling ka rin.
Anak: (Tumingin lang sa ama, pagkatapos tumitig uli sa libro.)
Ama: Dapat educational ang mga games dito sa cellphone mo.
Ina: Hindi ako ang nag-iinstall niyan. Siya lang din. Tapos, ipapakita sa kaklase. Sasabihin, 'Share It ko sa inyo dali.'
Ama: Uninstall mo na nga ang mga games diyan.
Ina: Hindi nga ako marunong, e.
Ama: Ako na nga..
Anak: Nilagyan 'yan ni Ate ng password para 'di madelete.
Ama: (Hinanap ang unistall button) Akala mo, ha. Mas nauna akong ipinanganak sa 'yo. (Ipinakita na sa anak ang Cancel at OK button.) OK.
Anak: (Kinuha ang kamay ng ama upang hindi mapindot ang OK.)
(Nang mapagod ang mag-ama sa pag-aagawan, tumigil sila. Inilayo ng ama ang cellphone.)
Mayamaya...
Anak: Iibahin ko ang password para hindi mo madelete ang games.
Ama: Paano kung ako ang mag-iba ng password? Hindi ka na makakapaglaro?
Anak: (Walang nasabi.)
Followers
Monday, June 12, 2017
Saturday, June 10, 2017
Baldo at Patrice (collab with john kenneth)
“Kailanman ay hindi hadlang ang anumang estado upang masukat ang kakayahan ng isang tao.”
Nagising ako sa isang napakainit na sikat ng araw. Kaagad akong bumangon upang sumilip pansamantala sa bintana.
"Magandang umaga!" ang magiliw kong bati sa mga halamang nakapaligid sa aming hardin. "Kumusta kayo, mga halaman?" nakangiti kong tanong sa mga ito.
Nakita kong ngumiti rin ang mga bulaklak sa akin. Kumaway naman ang mga paruparo.
"Vlad, bumaba ka na diyan. Narito ang kaibigan mo." Narinig ko ang sigaw ng nanay ko mula sa ibaba.
"Opo, pababa na po ako." Agad akong nagtungo sa banyo upang makapaghilamos at makapag-ayos bago humarap sa aking bisita.
"Ikaw pala, Patrice. Magandang umaga!" bati ko nang humarap ako sa aking bisita. Pinasilip ko pa ang magandang ngiti ko sa aking matalik na kaibigan.
“Magandang umaga rin, Vlad! Gusto ko sanang magpasama sa 'yo, kung hindi ka busy." Kiniskis na naman niya ang kanyang palad sa kanyang binti, gaya kapag nahihiya siya.
Napangiti uli ako. "Bakit, nakakahiya ba ang sinabi mo? Saan ba tayo pupunta?"
"Alam mo bang may bagong gawang hardin sa park? Ang ganda!" Nabawasan ang pagkiskis niya ng kanyang palad sa binti. "Sigurado akong maa-appreciate mo 'yon."
Binigyan ko ng matamis na ngiti ang kaibigan, bago ako nagsalita. "Aakyat ako sa bundok. Gusto kong mapag-isa."
Walang ano-ano, tumayo si Patrice. "Mapag-isa? O iwasan ako? Vladimir naman... ilang linggo mo na akong iniiwasan. Bakit ba?" Naghintay siya sa isang kasagutan. Ngunit, malalim na buntong-hininga lang ang kanyang narinig. Umupo siyang muli. "Nagbago ka na nga. Hindi na ikaw ang Vladimir na nakakausap ko at nasasandalan ko sa oras na bagsak ako."
"Pat, hindi mo ako maintindihan..."
"Paano kita maiintindihan? E, inilalayo mo ang sarili mo sa akin?"
"Minsan, may mga bagay talaga na hindi natin maunawaan. Madalas pa nga, sarili mismo natin ang makakahanap ng mga kasagutan sa ating mga katanungan..."
"Kung ilalayo mo ang loob mo sa akin, sana namuhay ka na lang sa nakaraan. Patuloy mong iniluluklok ang sarili mo sa pag-iisip... I better leave. Paalam." Mangiyak-ngiyak na lumayo si Patrice.
"Pat! Pat, sorry..."
Huminto si Patrice sa may pintuan. "If you need me, nandito lang ako. Kaya kitang samahan sa past, present, and future mo."
Naiwan akong nakamaang. Mas gumulo ang isipan ko. Pero, napakalinaw sa akin ang panaginip na madalas gumulo sa aking pagtulog. Alam kong nababalewala ko na si Patrice. Hindi ko na nabibigyan ng atensiyon ang matalik kong kaibigan lalo na't may babae sa panaginip ko ang nais kong makilala.
"Bakit kaya gano'n si Pat?" paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili, habang tinatahak ko ang lumang baryo, na hindi lingid sa aking kaalaman ang bumabalot na mahika sa lugar na iyon. Ayon ito sa madalas kong marinig sa mga usap-usapan sa aming barangay.
Sa may 'di kalayuan, pinulot ko ang isang bato at akmang ihahagis iyon, ngunit bago ko pa man iyon magawa,. kaagad akong nasilaw sa liwanag na hindi ko mawari kung saan nagmula. Wala akong kamuwang-muwang na ang lugar na nilalakbay ko ay ang lugar na tinatawag na 'pinagmulan.'
"Hijo, halika... Huwag kang matakot," anang isang hindi kilalang boses.
Alam niyang boses iyon ng isang matanda, ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi nakikita ng kaniyang dalawang mata ang nagsalita. Bahagya siyang napaurong.
"Hijo, Vladimir, halika... Lumapit sa akin."
Kumunot ang noo ng binata dahil sa halo-halong emosyon. Napalinga-linga pa siya upang tiyakin kung nasaan ang nagsasalita. "S-sino ka? P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" naguguluhang tanong niya sa boses na narinig kanina lamang.
Nasaksihan ng paligid ang pangyayari, ngunit ang katanungan sa aking balintataw ay isang malaking palaisipan.
Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Lumamig ang paligid, na waring may nais ipahiwatig. Mababanaag siguro sa hitsura ko ang labis na pagkamangha sa aking nasaksihan. Para akong tinatangay sa hindi maipaliwanag na paraan.
Walang ano-ano, sinimulan kong humakbang paunti-unti. Subalit, naramdaman kong parang may sariling ritmo ang bawat kilos ko. Tinatagan ang aking loob. Alam kong bahagi iyon ng misteryong bumabalot sa Pinagmulan.
Muli kong narinig ang pagtawag sa aking pangalan. "Bakit mo ako kilala?" Saglit akong nakinig at nakiramdam, ngunit wala akong sagot na narinig. "Nandito ka pa ba? Yohooo!" muling tanong ko, subalit wala pa ring tinig akong naulinig. Kaya, umupo na lang ako sa isang bato. Sa aking pagkakaupo, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Marahil, nahapis pa ang aking mukha.
"Huwag kang mangamba, sapagkat narito lang ako."
Dagli akong lumingon. At, sa aking pagharap, nakita ko ang matanda--- isang matanda, ngunit hindi halata.
"Huwag mong hayaang dalhin ka ng tadhana pabalik sa iyong nakaraan," wika ng misteryong lalaki. Tila nanggagaling sa balon ang tinig niya.
Napamaang ako. Alam kong simpleng mga salita lang ang tinuran ng matanda, ngunit mayaman naman iyon sa mga pangaral --- pangaral na kahit kailan ay hindi mananakaw ng kahit na sinuman.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin? Na hindi ko na kailangang hanapin ang tadhana?"
Dumilim ang paligid. Tanging nakakasilaw na mga mata ng matanda ang nababanaag ko.
"Ano po ang nangyari, Lolo?" Nag-apuhap ako ng bagay na makakapitan dahil pakiwari ko'y umiikot ang paligid. Nawala na rin ang liwanag mula sa mga mata ng matanda. "Bakit wala akong makita?"
Pagkuwa'y isang malakas na hiyaw ang aking pinakawalan dahil tila nahulog ako sa isang madilim at malalim na balon. Mahabang minuto akong sumisigaw. Nakatulog ako sa sobrang tagal ko sa madilim na kawalan. At, pagkatapos, namalayan ko na lamang na nakaupo pa rin ako sa bato. Ang liwanag sa lampara ang una kong nakita.
"Lo?"
Unti-unting lumiwanag ang mukha ng matanda sa aking paningin.
"Ang nakaraan ay isang madilim na kawalan. Kung nais mong matagpuan ang iyong hinahanap, ang lamparang ito ay siyang magiging gabay mo.
"Po? Hindi po ako maghahanap kapag gabi na. Siyempre magpapahinga na ako pagsapit ng dilim."
"Apo, hindi lahat ng nasa liwanag ay iyong nakikita. Hindi rin lahat ng madilim ay mahirap makita..." Iniabot niya sa akin ang lampara. "Limitado ang kakayahan nitong magbigay ng liwanag, pero ang kakayahan mong pagningasin ang iyong landasin ay hindi kailanman mauubos. Humayo ka sa iyong paglalakbay. Marami ang panganib sa iyong daraanan, ngunit sa kabila niyon ay ang kasagutan. Mag-iingat ka, apo."
Pagkasabi niyon, biglang lumamlam ang sindi ng lampara. Kasabay niyon ang paglaho ng matanda.
At, natanaw ko nga ang lugar na tinatawag nilang Pinagmulan. Walang pag-aalinlangang tinahak ko ang landasing iyon, ngunit hindi ko naman kinalimutan ang mga pangaral ng nakilala ko kanina lamang.
Sa aking paglalakbay, nakasalubong ko ang isang dalaga. "Pat, wait! Hintayin mo ako." Hinawakan ko siya sa braso.
"I'm sorry... I'm not Pat. Excuse me," anang dalaga, na kaagad namang tumakbo.
"Pat, please, ayusin na natin ito, o," pagsusumamo ko, ngunit sadyang magulo ang isipan ko. Kaya, napahinto na lang ako, habang pinagmamasdan ang unti-unti niyang paglaho, gaya ng alikabok.
Muli akong humakbang. Ramdam ko na ang init ng silahis ng araw. Lumalamlam na rin ang aking paningin. At, tila mabakong kalsada na ang aking lalamunan. Ninais kong uminom ng tubig at magpahinga. Kaya, sa isang malilim na bahagi ng baryo, lumiko ako. Natanaw ko ang batang lalaki, na nasa sampung taong gulang. Nakadukwang ito sa balon at parang may inabot. "Bata, ano'ng ginagawa mo?" tanong ko. Nakita kong bahagyang nagulat ang bata at halos mahulog ito sa balon. "Maaari ba akong sumaklop ng tubig upang mapawi ang aking uhaw?"
Kumurba ang mga kilay ng bata. "Sandali..." Hinila niya lubid pataas hanggang maabot niya ang tabi.
Napalunok ako ng laway nang inabot niya sa akin ang tabo, na may lamang kahalating tubig. Nang iinom na ako, naitapon ko iyon dahil halos mahalikan ko na ang kulugohing palaka.
Tumawa nang tumawa ang bata, habang tinatanaw ko naman ang paglundag-lundag ng palaka. Lalong nanikip ang lalamunan ko.
"Baldo, Baldo!"
Napalingon ako sa parating na ale. May bitbit itong maliit na timba.
"Baldo, nasaan ka? Ang tamad-tamad mong bata ka. Puro ka laro. Ni hindi mo man lang kami matulungan ng ama mo." pinulot niya ang tabong may lubid at inihulog iyon sa balon. Nang angatin niya ang tabo, napamura ang nanay. "Baldo, Baldo, pinaglaruan mo na naman ba itong balon? Halika na rito. Punong-puno na talaga ako sa 'yo!"
May naalala ako nang matanaw ko si Baldo, na humahagikghik sa likod ng puno. Katulad ko rin siya noon. Pilyo. Tamad. Adbenturero. Mahilig sa mga magtago, tumakas, at mag-isa.
Nang hindi lumapit ang bata sa ina, wala itong nagawa kundi ang sumalok ng kulay-tsokolateng tubig mula sa balon. Bahagya akong napaurong nang makita kong naging mas malinaw pa sa kristal ang tubig na ibinuhos niya sa kanyang timba.
"Naku, bata ka... Mapapalo ka na naman ng tatay kapag isinumbong kita. Kaya kung ako sa 'yo, sumunod ka na sa akin," malakas na wika ng ina. Halata kong ipinaparinig niya talaga kay Baldo, na agad namang nakaakyat na sa puno.
Hindi ko na namalayan ang pagkawala ng ale. At, sa sobrang uhaw ko, sumalok ako ng tubig. Pikit-mata kong hinigop ang malabong tubig, mapawi lamang ang tigang kong lalamunan. Muli akong humigop mula sa tabo dahil matamis ang panlasa ko niyon. Ngunit, animo'y nag-iba ang boses ko. Kaya, tinawag ko ang bata. Nagboses ibon ako. Malaking ibon. Parang agila.
Muli kong sinubukang magsalita, ngunit ganoon pa rin ang boses ko. Natakot sa akin si Baldo, kaya umakyat pa siya. Naglaglagan ang mga dahon at nagliparan ang mga ibon sa puno. Maya-maya, narinig ko ang malakas na hiyaw ng bata at nabanaagan ko siyang kumakawag-kawag sa himpapawid, habang nakasabit ang kanyang damit sa tuka ng malaking ibon.
"Baldo?!" Bumalik ang boses-tao ko. Inakma ko pang habulin, ngunit nawala na sila sa aking paningin. Sinusog ko na lang ang bahay ng bata upang ipaalam sa kanyang ina ang nangyari.
Tinahak ng mga paa ko ang kinaroroonan ng barungbarong, kung saan agad kong natanaw ang ina ni Baldo. Wari ko'y naglalaba siya. Lumakad pa ako palapit.
"Tao po! Tao po!" hiyaw ko mula sa tarangkahan. Ngunit, parang wala itong naririnig. Kung kaya't minabuti ko na lamang pumasok sa mumunting bakuran nila.
Mayamaya, basang-basang kamay ang nagpapitlag sa akin, dahil naramdaman ko iyon sa aking balikat. Agad akong humarap. Bumungad sa aking harapan ang ina ni Baldo.
"Sino po sila? Ano ang kailangan ninyo, ginoo?" tanong naman nito sa akin.
"Magandang umaga po! Kayo po ba ang magulang ni Baldo?" nangingilabot na untag ko sa kaharap ko. Pawis na pawis na ang aking mga kamay. Hindi ako mapakali.
"Oo, ako nga. Bakit?" Kapansin-pansin ang biglaang pagtaas ng tono ng boses ng ale.
"Si B-Baldo po kasi," nauutal na wika ko. Hindi ko masabi ang nais kong sabihin. Tila may kung anong bagay ang pumipigil sa aking pagsasalita.
Nakaabang ang babae. Natanggal na nga niya ang bula sa kanyang mga kamay.
"Nawawala po." Sa wakas, nasabi ko na. Nakahinga ako nang maluwag.
Bahagya namang kumunot ang noo nito't tumaas ang kilay. Pagkatapos, natataranta siyang umikot sa akin
Nang mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik sa aking alaala ang aking ina. Naisip kong katulad ng aking ina ang ina ni Baldo--- mapagmahal na may pagkaistrikta nang kaunti. Nakita at naramdaman ko iyon sa paraan, kung paano nag-aalala ang isang ina sa kanyang nawawalang anak. Ganoon ko maihahalintulad ang aking ina.
Sadyang mapagmahal ang mga ina. Kung kaya't dapat matagal ko na palang ipinadama iyon sa kanya. Bakit ngayon ko lang na-realize? Bakit nga ba, kung kailan huli na, doon tayo nagsisisi?
Natauhan ako sa nang pumasok sa aking isipan ang aking ina. Ang dami ko na palang nagawang pagkakamali. Ang dami ko palang dapat itama. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip kaagad? Maraming pagkakataon na ang nawala. Mahabang panahon na rin ang nasayang.
Doon ko lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Dagli kong pinunusan ang aking mata.
"Ma, I'm really sorry."
Nakayuko lamang ang kanyang ina, habang umaalsa ang mga balikat.
"I'm really sorry... Babalik po ako, pero kailangan ko munang ayusin ang mga gusot na nagawa ko. Sana po ay maintindihan niyo ako."
Tumingin lang sandali ang aking ina at agad ding nagbaba ng tingin.
"Pangako po, hahanapin ko kayo. Pero, sa ngayon, marami na akong natutuhan," sabi ko. Pinunasan kong naman ang aking pisnging nabasa ng luha.
Tinitigan na ako ni Mama. Puspos na siya ng luha.
"Sana... hindi pa ako huli. Sana hindi pa huli ang lahat, Mama..."
"Mama? Hindi ako ang Mama mo, ginoo. Ako si Cresencia. Ang anak ko lang ay si Baldomero."
Kumurap-kurap ako. Nang luminaw ang aking paningin, ang ina ni Baldo pala ang kausap ko.
"Paumanhin po. Naalala ko lang ang aking ina."
"Ganoon ba? Ang hinuha ko, napagod ka nang husto sa iyong paglalakbay? Nais mo ba ng tubig na maiinom?" Bigla akong nauhaw. Katulad nga siya ni Mama. Kahit hindi ako magsalita, alam na niya kaagad ang nasa loob at nasa isip ko. "Sige po. Pero, hindi niyo po yata ikinagulat ang balita ko."
"Sandali lang, ginoo..." Tumalikod na si Aling Cresencia.
"Vladimir po," pahabol ko.
"Sige, Vladimir... ikukuha muna kita ng tubig."
Bago ko pa nakitang nakapasok sa kanilang dampa si Aling Cresencia, isang malaking anino mula sa kalawakan ang dumaan sa aking harapan. Nang tumingala ako, natanaw ko ang kawangis ng malaking ibon na dumagit kay Baldo. Naitanong ko sa aking sarili kung iyon din kaya ang kumuha sa kanya.
Sinundan ko pa iyon hanggang sa labas ng bakuran ni Aling Cresencia.
"Vladimir, saan ka pupunta? Heto na ang iyong tubig," sigaw na tawag ng ina ni Baldo. Hawak niya ang basong yari sa kawayan.
Nang makalapit ako, agad kong inabot ang tubig at nagpasalamat. Hindi ko iyon ininom dahil napansin kong kulay putik ang laman ng baso. Naalala ko ang balon. "Aling Cresencia, kailangan na po nating iligtas si Baldo! Kinuha po siya ng malaking ibon. Doon! Doon ko po siya huling nakita," taranta kong sumbong.
Halos hindi matigil ang tawa ni Aling Cresencia sa tinuran ko. "Isa ka rin pala sa mga nauuto ng anak ko. Naku, pasensiya ka na, Vladimir. Ganoon talaga ang anak ko. Pilyo. Madalas tumakas sa lahat ng bagay at gawain. Mapaglaro. Mapanlinlang. Hay, naku, nakakasawa na ngang unatin. Minsan, hinahayaan ko na lang. Pero, Diyos ko, Vladimir, alam ng Poong Maykapal kung paano ko siya pinalaki. Dasal ko lagi sa Kanya ang kanyang pagbabago..."
Humihikbi na siya. Naisip kong muli si Mama. At, para ring narinig ko na ang litanyang iyon.
Isang araw, naglayas ako sa bahay dahil gusto ng mga magulang ko na mag-aral ako nang mag-aral para matupad ko pangarap nila sa akin na maging doktor ako. Ayaw ko niyon dahil gusto kong maglakbay. Gusto kong umakyat sa mga bundok. Gusto kong tumira sa gubat. Gusto kong pag-aralan ang mga halaman, puno, bulaklak, insekto, at hayop doon. Gusto kong nasa malayong sibilisasyon ako.
Naglayas ako, pero agad namang akong bumalik. Hindi ko pala kaya. Sa pagbalik ko, naabutan kong umiiyak ang aking ina. Kausap niya ang mga magulang ng kalaro kong nilagyan ko ng palaka ang kanyang blusa, gayundin si Patrice
Nasa likod ako noon ng mga halaman. Dinig na dinig ko ang litanya ni Mama. Aniya, "Isa ka rin pala sa mga nauuto ng anak ko. Naku, pasensiya ka na, Patrice at mga mare at pare. Ganoon talaga ang anak ko. Pilyo. Madalas tumakas sa lahat ng bagay at gawain. Mapaglaro. Mapanlinlang. Hay, naku, nakakasawa na ngang unatin. Minsan, hinahayaan ko na lang. Pero, Diyos ko, Vladimir, alam ng Poong Maykapal kung paano ko siya pinalaki. Dasal ko lagi sa Kanya ang kanyang pagbabago..."

Thursday, June 1, 2017
Ang Aking Journal -- Hunyo 2017
Hunyo 1, 2017
Maaga akong pumunta sa school para sa PPT ko. Marami lang istorbo kaya halos hindi ako makapag-focus. Na-stress pa ako nang mabasa ko ang contract ng Vibal para sa speaking engagement ko. Dapat kong gawing original ang powerpoint ko dahil nakasaad doon. Gayunpaman, happy ako sa oportunidad na ito.
Past 2, kinausap ako ng principal about SPA at journalism. Sa ikalawang pagkakataon, tinanggihan ko siya. Ayaw niya lang alamin mula sa akin kung ano ang pinagmulan niyon. Gusto niya lang na mag-move on na ako. Tulungan ko raw ang school at mga bata. Ako raw ang gusto niyang humawak ng posisyon. Dahil sa mariin kong pagtanggi, nasabi ko tuloy ang ilan sa mga activities ko before and present. Kulang, pero alam kong nagkintal sa isipan niya. Nasabi ko ring hindi ako after sa promotion, na kapag tinanggap ko ang isang posisyon ay ginagawa ko ang 100% best ko, at masaya ako sa mga activities ko sa labas ng school.
Kung alam niya lang talaga ang katotohanan...
Past 7 ako nakauwi. Pagod na pagod, pero hindi ako nagpahinga agad. Tinapos ko ang PPT. Nagpatulong din ako kay Emily sa paghanda ng mga materials ko for the activities.
Past 10 ako nakapagpahinga.
Hunyo 2, 2017
Masyado akong napaaga ng dating sa Blessed Mary Academy. Past six pa lang ay nakapag-almusal at nahanap ko na iyon. Kaya lang, nakausap ko ang guard. Sarado pa raw. Pauwi pa lang siya. Pinabalik ako ng quarter to 8. Okay lang naman. May advantage at disadvantage talaga ang pagiging punctual.
Tumambay ako sa KFC malapit doon. Mabuti at may signal ang wifi ko.
Nang nasa loob na ako at habang hinihintay na ang pagdating ni Sir Gerald-- ang representative ng Vibal Group, walang teachers o empleyado doon na lumapit sa akin. Ako na ang nag-approach sa isang may edad na babae. Ang hula ko principal siya. Tama ako. Akala raw niya ay magpapa-enroll lang ako.
Agad naman akong in-entertain. Hiningian ako ng CV. Mabuti na lang nadala ko ang copy.
Agad namang nagsimula ang talk ko after niyang magawa ng draft ng introduction sa akin.
For the first time, na-introduce ako gaya ng ginawa ng principal. Nakakataba ng puso. Ang sarap pakinggan. Feeling ko achiever na nga ako.
Gayunpaman, nanginginig akong humarap sa kanila. Kaya iminungkahi kong magkaroon kami ng energizer. Hindi naman ako makapagsayaw ng maayos dahil nahihiya ako.
Active participanats naman sila. Groupings.at yell pa lang, nakita ko na ang participation nila. Kaya lang habang paiusad ang lesson ko, sinabi nilang iwasan ko ang pagkuwento ng about sa experiences ko sa school, which they think not needed para sa topic. Gusto nila ng direct to the point at gusto nilang malaman agad ang ways para ma-integrated ang technology sa isang technology, which is not going to happen kasi discovery learning ang gagawin ko. Besides, nasa later parts pa ang mga hinahanap nila. Masyado lang silang atat.
Nasaktan ako sa ginawa nila. But, nag-apologize pa ako. Ipinaliwanag ko why I have to streatch my topic. Usually kasi one to two hour lang ang talk na alam ko at nagawa ko.
Then, I proceed. Iniwasan ko ang magbanggit about me and my experiences, but mayamaya nagtanong sila tungkol sa school. Natawa ako. "Ano ba talaga?" kako. At, ang mga sumunod na pangyayari ay isang makabulihang discussion, lalo na nang magpalabas ako ng ng youtube videos. Na-enjoy na nila ang topic ko dahil unti-unti na nilang nauunawaan na wala naman talagang standard o template o perfect na integration. It is the teacher's responsibility to discover and develop their own.
Natutuwa rin akong maramdamdaman na interesado sila sa books ko. Nais rin nilang magawa ang nagawa ko sa klase ko.
Saktong-saktong twelve noon nang matapos ang talk ko. Nakapag-photo op pa ako with them.
Pumunta agad ako sa school. Naabutan ko pa ang talk ni Papang at ang distribution of certificates. Nakatanggap din ako ng early bird prize dahil lagi akong maaga sa INSET.
Past 4, nag-treat ako sa KFC, kasama ang 1000+ group. Iyon ay bilang pasasalamat kay Ms. Kris sa pag-recommend niya sa akin sa Vibal at sa support nila sa akin.
Hindi pa man ako nabigyam ng certificate at PF ng Vibal, alam kong darating iyon. Kinuha na nila ang account ko. Okay lang din kahit namigay ako ng limang books sa BMA. I know, may mabuting maidudulot iyon in due time. Kahit paano may natira sa akin.
Past 7 na ako nakauwi. Pagod na pagod at antok na antok na ako, pero I'm very happy sa mga pangyayari sa araw na ito. Napasaya ko rin si Emily nang binigyan ko siya ng P500 as balato, I mean, as pasasalamat sa support niya at pagtulong sa pag-prepare ng mga materials at isusuot ko.
Hunyo 3, 2017
Hindi sana ako pupunta sa school dahil gusto kong magpahinga, kaya lang naisip ko ang ilan pang gagawin sa classroom, like pag-decorate sa bulletin board at ang paghugas ng mga kasangkapang sa recess. Kailangan ko pang mag-download at mag-print ng mga pictures para sa bulletin display ko.
Mga past 10:30 am na ako nakarating sa school dahil nagpagupit pa ako. Sobrang init na, kaya halos napagod agad ako. Mahina pa ang net, so hindi ako nakapag-download nang marami.
Past 5, natapos ko ang isa at kalahating bulletin board. Hindi na siguro ako masisita ng principal o supervisor.
Sobrang traffic pa sa Tejero, kaya past 7 na ako nakauwi. Pagkakain at pagkapahinga, natulog na kami. Isang araw na lang ang pahinga.
Hunyo 4, 2017
Sa wakas, naramdaman ko ang salitang 'pahinga'. Sa tingin ko, handa na ako para sa muling pagbubukas ng klase bukas.
Nakapag-family bonding din kami. Nagsalo-salo at natulog sa tanghali. Ito ang tiyak na mami-miss ko sa mga susunod na araw.
Si Zillion, magsisimula na ring pumasok sa ikatlong paaralan niya simula noong nag-aral siya.
Si Emily, magiging stage mother uli.
Alam kong kaya namin ang mga kani-kaniya naming responsibilidad.
Hunyo 5, 2017
Alas-tres ng umaga nang bumangon ako. Naisip ko kasing baka ma-traffic. Kaya lang, masyado akong napaaga ng dating sa school. Mahigit isang oras lang ang biyahe. Quarter to five lang. Madilim pa nga. Okay lang naman dahil nakapag-print ako ng mga pandagdag sa bulletin board.
Ang unang araw ng pasukan ay nakakapagod. Nagpalitan kami ng klase pagkatapos ng recess. Napasok ko ang dalawa pang sections. Nag-orient ako sa subject na AP 6.
Medyo, naiingay ang napuntang mga estudyante. Naturingan pang section one last year. Pinagalitan ko sila bago nag-uwian. Gayunpaman, nais kong maturuan silang magsulat gaya last school year. Inengganyo ko silang magkaroon ng libro.
Past three ako nakalabas sa school dahil naghanda pa ako ng DLL sa AP 6. Sa bahay, learning materials naman ang inihanda ko. Pinatulong ko rin si Emily sa paglagay ng border design sa Manila paper ko upang maaga akong makatulog.
Hunyo 6, 2017
Ikalawang araw ng Back-to-School. Nagpalitan na kami ng klase. Todo lesson na rin ako sa AP 6, gayundin sa Fil 6 at ESP 6. Nasabi ko na rin sa VI-Topaz ang mga plano ko para sa kanila. Ramdam ko ang excitement nila.
Nagpa-elect ako kanina ng class officers. Alam kong makakatulong iyon para sa disiplinang nais kong makita mula sa kanila.
Unti-unti ko silang ide-develop para mas kapaki-pakinabang ang taon nila na kasama ako.
Nasabi ko rin sa kanila na ayaw ko talagang maging adviser ng section one dahil sila ang mga snob kapag wala na sa school. Ipinamumulat ko rin sa kanila ang disiplina. Kaya naman, may tagalista na agad. Sisingilin sila sa bawat ingay nila.
Maaga-aga akong nakauwi kumpara kahapon. Kaya naman, nakapag-encode pa ako ng mga sulatin ng pupils ko. Nakapili ako ng dalawang akda na maaari kong isama sa book na ipa-publish namin.
Hunyo 7, 2017
Abalang-abala pa rin kami dahil sa mga late enrollees at transferees kahit nagpalitan kami ng klase. May magulang pa, na ipinagpipilitan ang gusto ng kanyang anak--- ang lumipat ng ibang section. Ang sarap sabihan ng "Magtayo na lang po kayo ng school niyo." Section one na nga, ayaw pa. Haist! Minsan, kasalanan din ng magulang kung bakit may napapariwarang anak. Sobra kasi sa pag-i-spoil. Wala na sa lugar. Hindi naman dapat kaibigan o barkada ang dahilan ng pagpasok kundi ang pagkatuto.
Sa advisory class, nakapagpa-group work ako sa Filipino. Maingay nga lang at medyo nagkakahiyaan pa sa performance. Hindi pa nila napahalagahan masyado ang time.
Gayunpaman, naturuan ko silang sumulat ng diary. Marami-rami na rin ang excited na sumulat. Patuloy naman ang tanong ng iba tungkol sa wattpad. Masasabi kong nakapagkintal ako ng isang mahalagang kasanayan at kawilihan sa kanila.
Natuwa rin ang dalawang estudyante nang i-announce ko na napili ko ang kanilang sulatin. Sayang nga lang wala pa akong time para i-post iyon sa KAMAFIL.
Nag-stay ako sa school hanggang past 2:30 dahil sa bulletin board sa may faculty corner namin. Nakauwi ako bago umulan nang malakas.
Bukas, tiyak akong magiging interesante ang talakayan namin dahil sa inihanda kong instructional materials. Sana ma-maintain ko ang ganitong enthusiasm. Gusto kong i-practice ang tama, hindi dahil sa nais kung mapansin o ma-promote, kundi dahil iyon ang kailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon.
Mayo 8, 2017
Muntik na akong ma-late kanina dahil almost 4:30 na ako lumabas sa bahay. Hindi pala dapat ganoong oras ako bumiyahe.
Naging enjoyable ang pagtuturo ko sa lahat ng section. Na-enjoy nila ang inihanda kong lesson. Kahit ang last section ay gustong-gusto nila ang mga patawa ko. Marami raw silang natutuhan. Ang Filipino 6 ko, sa advisory class ko, nag-yehey sila nang malaman nilang may groupwork uli.
Nakita ko ang paunti-unti nilang pag-develop. Gumagaling na sila sa performance.
Bago umuwi, at 4:00, tinapos ko ang pagtapal ng cartolina sa bulletin board sa likod ng classroom ko, bilang part ng faculty corner namin. Naihanda ko na rin ang mga pertinent papers ko para sa deadline bukas ng submission of papers ng mga applicants for T3. Confident akong makakapasok ako sa top 3.
Dahil shortened ang classes namin bukas at dahil mayroon 1st Stakeholders' Assembly, hindi ako naghanda ng instructional materials. I'm sure, hindi kami magpapalitan ng klase. Magtuturo na lang akong magsulat ng tula o kaya ng sanaysay.
Hunyo 9, 2017
Nagturo ako ng pagsulat ng tula at balita sa mga pupils ko. Hindi ko sinayang ang oras, na hindi kami nagpalitan. May mga estudyanteng hindi interesado, pero karamihan ay na-motivate kong maging mahilig da pagsusulat, lalo ba't maaari itong pagkakitaan. Ikinumpara ko pa iyon sa hindi nila na pagdadaldal. Sabi ko walang sinumang magbabayad sa pagdadaldal, maliban na lamang kung sila sina Boy Abunda o Kris Aquino.
Nakita ko kaagad ang mga pupils kong may potential maging bahagi ng Tambuli.
Past nine, nagpauwi na kami ng mga bata. Shortened ang klase. Naipagpatuloy ko naman ang paggawa ng bulletin board.
At one o' clock, nagsimula na ang Stakeholders' Assembly. Past 2 na iyon natapos. Agad namang nagsimula ang Homeroom PTA Meeting. First time kong humarap sa mga magulang ng section one, kaya ipinakita ko sa kanila na hindi nila ako maaaring reklamuhan ng grades dahil patas ako. Hinikayat ko rin silang maging responsible sa pagbabantay ng mga school at classroom activities. Binigyan ko rin ng diin ang pangangailangan namin ng TV monitor para sa isakatuparan K to 12 curriculum. Willing naman silang mag-contribute. Ang problema nga lang, absent ang ibang magulang, kaya hindi pa sila makakapag-decide.
Alam kong natutuwa sa akin ang mga magulang. Naramdaman kong ngayon lamang sila nakakilala ng guro na hindi mahilig sa mga ambagan o gastusan. Ayaw ko na gagastos sila sa proyekto at iba pang hindi naman kailangan. Ang television na bibilhin nila ay ibabalik ko sa kanila bago mag-graduation.
Before 7 na ako nakauwi. Pagod na pagod, pero masaya ako.
Hunyo 10, 2017
Past 8:30 am, nasa CUP na ako. Sarado ang Cashier's Office. Sabi ng guard, wala raw pasok. Nalungkot ako. Hindi pala ako makakapagpa-enroll. Agad kong chinat si Mam Edith para hindi na pumunta, kaya labg nasa dyip na siya. Pumunta ba lang kami sa school. Naglinis kami sa kani-kaniya naming classroom.
Sa maghapon kong pag-stay doon, marami akong nalinis. Marami rin akong naibasura. Kaya, lalong naging organisado ang kuwarto namin.
Past 6, nakauwi na ako.
Hunyo 11, 2017
May sakit si Emily. Naawa ako. Marahil ay napagod siya sa limang araw na kahahatid-sundo kay Zillion. Naulanan pa siguro sila kahapon nang dumalo sila sa PTA meeting.
Ako ang nagluto ng aming tanghalian. Habang nagluluto, dumating ang kausap naming karpintero. Ipibakilala jiya ang kanyang kapatid, na siyang gagawa ng kisame, tiles, division, at cabinet sa second floor namin. Nagbigay rin siya ng listahan ng mga bibilhing materyales. Pagkaalis nila, bigla akong na-stress. Kailangan pala namin ng malaking pera. Naisip ko ang hinihiram ni Heaven. Nakapangako na ako.
Lalo pa akong na-stress nang mag-text si Hanna (yata). Aniya, " Pa c hanna to pa pwede po b bigyan mo ko 1000 buwAn buwan kc palagi ako marami project saka kulang baon ko palgi."
Hindi ko siya na-reply-an dahil wala akong load. Pero, kung meron, sasabihin kong "Sige. Kung mayroon. Pero, sabihin mo sa mga teachers mo na K to12 na tayo ngayon. Iwasan kamo ang project. Group work dapat."
Past one, umalis ako para mag-canvass ng mga presyo ng mga materyales. Kaya lang, sarado ang mga construction store. Nakaka-stress lalo.
Mabuti na lang at nakapaghanda na ako ng instructional materials.
Nang nakaidlip ako, kahit paano ay nabawasan ang pag-iisip ko. Nakatulong din ang pagluto ko ng ginataang halo-halo.
Hunyo 12, 2017
Maaga akong naghanda ng almusal para maaga akong makarating sa tagpuan namin ni Ms. Kris. Nagluto na rin ako ng kanilang tanghalian dahil alam kong masama pa rin ang kanyang pakiramdam.
Past 8:30, nasa tapat na ako ng bahay niya. At past 9, nasa Walter Mart-Roosevelt na kami upang hintayin si Mam Edith at Sir Erwin. Eleven, nasa condo na kami. Kainan to the max ang nangyari. Para kaming gutom na gutom. Halos maubos namin ang isang grilled chicken at dalawang order na pansit. May kanin at softdrinks pa.
After that, maghapon na kami sa roof deck. Halos kami lang ang tao doon, kaya isang maingay na kuwentuhan ang nangyari. Bonding talaga! Anything under the sun ang pinag-usapan namin. Doon na rin kami nagmeryenda.
Na-enjoy namin ang place. Maganda ang ambience.
Bago kami umuwi, at five, inilibot pa kami ni Sir sa baba, kung saan naroon ang club house at pool. Sayang, hindi alam nila alam na puwede palang mag-swimming kapag holiday. Ang alam ni Papang, water treatment kapag Monday, kaya hindi kami nagdala ng swimming attire. Hindi bale, babalik pa yata kami sa June 25 or 26.
Nakauwi ako sa bahay ng past 8. Traffic pa rin kasi sa Tejero.
Hunyo 13, 2017
Masigla akong nagturo sa bawat klase. Palibhasa, Linggo pa lang ay naihanda at napag-aralan ko na nang gusto ang aralin ko. Nakita kong naging interesado ang mga bata sa presentasyon ko. Natuto sila sa pakikinig, alam ko.
Dumating ang Filipino supervisor na si Mam Silva. Nang makita niya ako, kinausap niya ako tungkol sa plano naming gumawa ng libro, gamit ang mga DLP na gawa ng ibang teachers. Natuwa ako dahil naging interesado siya sa naikuwento ko noong writeshop. Sana maisakatuparan namin.
After class, naghanda ako ng ilang printouts para sa aralin ko, saka ako pumunta sa bank. Past 2 na iyon.
Naghintay lang ako ng almost two hours dahil offline. Hindi nila ako mapa-withdraw dahil hindi nila maba-validate ang balance ko.
Umuwi ako agad dahil maghahanda ako ng mga instructional materials. Hindi ko alam na oobserbahan ako bukas kaya makulay na presentasyon ang nakaplano at naihanda ko. Blessings na rin dahil double purpose pala. Kaya pala gustong-gusto kong gumawa ng kakaibang IMs.
Nakapag-canvass na nga pala si Emily ng mga materyales para sa aming kuwarto. Umabot ng P27,500+ ang computation. Wala pa roon ang hamba. Yay! Malaking pera talaga ang kailangan ko. Idagdag pa ang bayad sa labor. God bless us. Kaya ko 'to!
Hunyo 14, 2017
Naging masigla ako sa pagtuturo dahil confident ako sa inihanda kong instructional materials. Alam kong natuto ang mga mag-aaral. Kaya lang, hindi pala sapat iyon
Hindi ako naabutan nina Mam Silva at Mam Alejandro sa time ng Filipino, kaya sa Araling Panlipunan ako nagpa-observe.
Hindi nila nagustuhan ayon sa kanilang mga suhestiyon. Parang walang portion ng lesson ko ang nagustuhan nila. Though constructive naman, hindi pa rin maganda bilang teacher, na siyang mas nakakaalam sa kapasidad ng mga bata at reyalidad sa classroom. Ang payo nila ay gawin kong learner-centered. Pang-college daw ang style ko, which is, sa tingin ko, natuto sila. Sanay sila sa maraming kaalaman. Hindi lang nakapokus sa layunin. Alam kung lumihis ako sa layunin ng K to12, pero iyon ang kakayahan ng mga bata. Mas nauunawaan nila ang ganoong estilo kaysa sa sila ang magdi-discover. Kahit tanungin nila ang mga estudyante, malalaman nilang natuto ang mga ito. At, kahit magtanong sila sa ibang guro, hindi rin nila isinasagawa ang practice ng K to 12 dahil time-consuming ito at masyadong slow-faced.
Gayunpaman, willing akong isagawa ang mga payo nila upang malaman ko kung effective iyon.
Hindi ako nakapaghanda ng materials sa school bago ako pumunta sa banko dahil past 2 na natapos ang post conference ng observation. Sa bahay ko ito ginawa. Naghanda ako ng dalawa sets ng group activities. Tingnan ko lang kong epektibo at hindi ako kapusin sa minuto
Nagbigay na ako kay Emily ng pambili ng materyales. Nakatipid kami ng almost P9000 dahil nakahanap siya ng hardware na may mga murang presyo. Kailangan ko pa ng P15,000 para sa pambayad sa karpintero.
Hunyo 15, 2017
Naging epektibo ang mga payo kahapon sa akin ng mga observers. Naisagawa ko ang child-centered processs. Na-meet ko rin ang time limit. Pero, sa section one lamang iyon. Pagdating sa last section, naging maingay sila nang nag-group work kami. Na-realize ko na hindi lahat ng teaching style ay epektibo sa lahat ng klase dahil ang bawat klase ay may kani-kaniyang learning style. Kaya, pagkatapos ng observation, gagamitin ko ang dating style ko.
Natutuwa akong malaman na apat lang kaming nagpasa ng pertinent papers for Teacher 3. Nag-back out pa ang isa. Although, hindi nakaka-thrill ang laban, mas pabor iyon sa akin. At least, sigurado akong pasok. Gayunpaman, nais kong malaman kung pang-ilan ako. Bukas, ira-rank na kami at iinterbyuhin.
After kong mai-print ang mga pictures na kailangan ko bukas sa pagtuturo, umuwi na agad ako. Para maaga akong matapos sa paghahanda ng mga IMs. Past 7:30 na ako natapos.
Nakabili na si Emily ng mga materyales. Bukas na rin sisimulan ang pagpapagawa. Andaming ganap--- ranking, observation, at construction. Sana maging maayos lahat.
Hunyo 16, 2017
Ready ako sa observation pero hindi natuloy. Hindi rin kami nagpalitan ng klase dahil absent ang dalawang Sir Joel. Isa pa, natuloy ang interview at appreciation of papers.
Fair ang ranking process. Wala talagang magsasabi may niluto at may hocus-pocus. Kaya naman, kahit pasok na ako sa mapo-promote, kinabahan ako. Excited rin akong malaman ano ang rank ko. Na-credit kasi ang nomination ko as Inspiring Educator 2015 ng BenQ Philippines at ang aking publication. Highest pointer ako sa achievement phase.
Bago ako umuwi, nalaman ko na ang rank ko. Rank 2 ako. Kung complete academic requirement nga lang ang masteral ko, matataob talaga ang top 1, na lumamang lang sa akin ng 2 points. Kailangan ko talagang matapos ng masteral. Mahalaga pala talaga ito.
Masayang-masaya ako sa mga nangyari ngayong araw. God is good talaga all the time.
Natuwa rin ako nang makita ko ang gawa ng mga karpintero. Ang bilis nila. Almost done na ang kisame.
For the first time yata, nakapagkuwentuhan kami ni Emily. Palibhasa Friday at may magagandang bagay na pag-uusapan.
Hunyo 17, 2017
Hindi na kami nagbabad sa higaan dahil in-anticipate namin ang dalawang karpintero, na siyang gumagawa ng kisame at flooring sa taas. Past 8, dumating na sila.
Mabilis silang gumawa. Halos natapos nila maghapon ang paglagay ng tiles. Excited kaming pareho ni Emily sa resulta niyon, kahit malaki-laki na rin ang gastos. May mga dapat pa nga kaming bilhin.
Nag-gardening ako pagkaalis ng mga trabahador. Nakaka-enjoy mag-landscape. Parang nawala ang problema ko sa pera.
Hunyo 18, 2017
Palaki na nang palaki ang gastos ko sa pagpapagawa ng second floor. Idagdag pa ang mga pahabol na bibilhin, like bisagra. Okay lang naman dahil nakikita ko ang improvement. Pilit ngang iginigiit ni Emily na kung ang kinuha ko ng L300 noon ay ikinuha ko na ng housing loab, baka tapos na kaming magpagawa. Hindi ko lang siya pinapansin dahil ayaw kong balikan ang ganoong pangyayari. Past is past. Kapatid ko naman ang nakinabang. Dapat isipin na lang niya kung paano siya makakatulong sa akin.
Tuwang-tuwa naman si Zillion sa kanyang magiging kuwarto niya. Gusto na rin niyang matulog doon mag-isa. Kaya na raw niya.
Hunyo 19, 2017
Wala ako sa mood magturo, pero sinikap kong gawin ang aking tungkulin. Ang section 4 nga lang ang hindi ko na nakayanan. Palibhasa, pagod na ako. Panglimang klase na silang napasukan ko. Minsan, kailangan silang takutin para manghinayang sa oras at kaalaman na kanilang pinalampas. I hope effective iyon.
Ala-una, pinatawag kaming mga nagpa-rank for promotion. Binati niya kami. Kinumpirma niya na tatlong T3 at tatlong T2 ang mapo-promote. Pasok na ako. Hindi na ako nagulat dahil Friday pa lang ay nalaman na naming lahat ang resulta.
Past 1:30, nasa CUP ako para magpa-enroll. Nainis lang ako dahil oagkatapos kong pumila nang matagal para sa clearance, hindi naman pala ako makakapagpa-enroll sa dalawang subjects na dapat kong i-take. Closed na ang mga iyon. Hindi na puwedeng magdagdag kasi 25 each class na nga, na dati ay 20 each lang.
Masama man ang loob, umuwi na lang ako. Hindi nga ako ngayon makakapagpatuloy sa aking masteral. Sabagay, marami pa naman akong trabaho at priorities. Isa pa, andaming gastos. Ayaw ko na munang isabay. Hindi na nga ako nakakadalaw kay Mama. Naaawa na ako.
Naiinis ako sa madalas na pagkakasakit ni Emily. Nagkasagutan nga kami bago nag-dinner time. Parang ang bigat ng buhay kapag may sakit siya. Tuwing maglalaba, nagkakasakit. Bakit ako naman, hindi? Nagagalit pa kapag pinansin. Ayaw ko lang kasing inom siya ng inom ng Bioflu. Samantalang maaari naman niyang iwasan.
Hunyo 20, 2017
Hindi natuloy ang shortened classes dahil may biglaang meeting sa DO si Mam. May bisita pa naman kaming ini-expect. Kaya naman, kahit walang palitan ng klase, dahil may dalawang absent, sinikap kong magturo nang normal sa klase ko.
Naiinis ako kapag walang palitan. Parang pagod na pagod ako.
Sinimulan ko kanina ng PHIL-IRI. Hindi ko natapos ang oral reading for girls.
Hindi rin ako nakauwi nang maaga dahil nagpatulong sina Mam Dang at Sir Erwin sa mga gawain nila. Hindi tuloy ako nakagawa ng learning materials ko. Okay lang naman dahil matutuloy na ang shortened classes bukas.
Past 6:30 na ako nakauwi. Malapit nang matapos ang pinapagawa namin sa second floor. Siguro, by Thursday, tapos na nila ang napagkasunduang trabaho.
Hunyo 21, 2017
Kahit shortened classes kanina, nagpa-group activity ako sa advisory class ko. Hindi nila nahalatang wala ako sa mood magturo. Pinanuod ko na lang sa kanila ang video ng lesson ko. Double purpose iyon dahil nais kong magsabi sila sa kanilang mga magulang, na dapat na talagang bumili sila ng tv. Hindi naman kasi masyadong makita at marinig ang video, lalo na ng mga nasa likod.
Naging abala ako pagkauwi ng mga bata. Ginawa ko ang report na ipinagawa ni Mam Laarni kay Sir Erwin. Pagkatapos, hinarap ko naman ang INSET report ni Mam Dang.
Ang hirap din palang maging mabait at magaling sa computer at report-making. Halos, hindi ko na nagagawa ang sarili kong mga gawain.
Sa LAC session ng GES Faculty, gumagawa pa rin ako, kahit nagsasalita si Mam para lang matapos na. Hindi ko nga naulinig na may sinsabi na siya tungkol sa akin. Basta ang narinig ko ay tungkol sa journalism. Ako rin daw ang gagawa ng annual report. Sinubukan kong tumanggi, pero wala akong nagawa. Naisip kong baka iyon na ang kapalit ng promotion ko. Hindi bale na. Kakayanin ko na lang.
Past 6:30 na ako nakauwi dahil nag-bonding pa kaming 1000 group after the meeting. Natutuwa naman akong makita ang resulta ng pinagkagastusan ko --isang maaliwalas na kuwarto. Ang sarap umuwi!
Hunyo 22, 2017
Muntik na akong ma-late kanina dahil 4 am ko na narinig ang alarm, na dapat at 3:30. Mabuti na lang, mabilis ang bus. Nakadaan pa nga ako sa Landbank para mag-balance inquiry.
Sa flag ceremony, sinabihan ako ng principal na io-observe niya ako bukas. Later, naging abala ako sa pagtapos ng PHIL-IRI. Hindi ko matapos-tapos dahil andaming mga paperworks. Andiyan ang nutritional status ng mga bata. Nagsasaway pa ako sa advisory class ko kahit wala na akong klase sa kanila.
After class, puspusan na ang paghahanda ko ng learning materials. Inabot ako ng 4:30 sa school. Nakakainis kasi ang internet --sobrang hina.
Hunyo 23, 2017
Naging matagumpay ang pakitang-turo ko. Kahit paano ay nag-improve ako, kumpara sa una. Napansin ko lang kay Mam ang sobrang husay niya sa pagbigay ng puna. Gusto niya talagang perpekto ang lahat ng factors. Haist! Ang ganda sana kung magagawa ko religiously, pero parang hindi ko mami-maintain lalo na kapag nagsimula na ako sa Tambuli. Isa pa, hindi lahat ng section ay makaka-adapt ng ganoong estilo. Para lang iyon sa pilot section.
Maaga akong nahiga dahil sa sobrang puyat at antok. Mahirap magpaka-ulirang guro, ngunit nakaka-proud sa sarili. Fulfilling!
Mayo 24, 2017
Naglinis kami sa dalawang kuwarto. Andami naming ibinasura para maging maaliwalas at maluwag ang aming tulugan. Nag-usap rin kaming mag-asawa sa mga gamit na dapat pa naming tamuhin. Kulang na kulang pa kasi kami ng mga basic na kasangkapan. Hindi ko nga lang alam kung kailan ko mabibili ang mga iyon. Ang mahalaga naman ay nababayaran ko ang monthly amortization at mga bills, at napo-provide ko ang mga pangangailangan namin sa araw-araw.
Hunyo 25, 2017
Namahay yata ako kagabi. Hindi ako nakatulog agad. Sanay naman akong matulog mag-isa, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit pagising-gising ako. Nakaapekto rin marahil ang kawalan ng kutson.
Kaya naman, nang binigyan ko ng pamalengke at pambayad sa bills si Emily, binigyan ko na rin siya ng pambili ng foam. Kailangan ko kasing matulog nang mag-isa sa kuwarto dahil natutulog at nagigising ako nang maaga kapag may pasok.
Nakapagpahinga naman kami after lunch. Tamang-tama ang temperatura, kaya nakaidlip kami ng at least two hours.
Gabi, biglang namroblema si Emily dahil ipinapahanda na ang papeles niya para sa pag-abroad. Iniisip niya si Ion. Ako naman, natuwa dahil gusto kong makaipon siya para pampaayos ng bahay.
Naisip ko si Epr, na siyang magbabantay kay Ion. Hindi man kami siguradong papayag, kahit paano ay may idea na kami. Later, naisip ko si Mama. Alam kong maooperahan na siya. Kapag nangyari iyon, maaari na siyang maging tagapag-alaga ni Zillion. Bahala na. Saka na lang maghahanap kapag malapit na. Basta ayaw ko lang siya sa GES. Mahirap bumiyahe kapag dalawa kami.
Hunyo 26, 2017
Paalis na ako nang mabasa ko ang text ni Ms. Kris. Inaapoy raw ng lagnat si Kuya Allan, kaya hindi siya makakasama sa Xinnia Towers para mag-swimming.
Umalis pa rin ako ng bahay dahil parang gusto pa ring pumunta ni Mam Edith. Hinintay ko siyang mag-reply. Mabigat kasi ang pakiramdam ko. Ayaw kong matuloy kung hindi naman kami kompleto.
Nang mag-reply siya napagkasunduan naming huwag na lang tumuloy. Natuwa ako. At, sa halip, namalengke ako. Kaya lang, pag-uwi ko, naramdaman ko ang sakit ng lower back ko. Gaya ito dati. Iritado ako, lalo na't sobrang init. Balewala ang kisame.
Maghapon akong namilipit sa sakit. Nagpahilot nga ako, pero walang epekto. Mas lalo pa yatang lumala.
Hunyo 27, 2017
Wala ako sa mood dahil sa backache, pero nagpa-graded recitation ako, gamit ang mga questions-and-answers na ipinasulat ko sa Topaz. Na-enjoy naman ng karamihan ang ginawa ko. Kahit paano may retention at may learning sila mula sa mga itinuro ko.
Masakit pa rin ang likod ko nang umuwi ako. At, sobrang antok ko dahil halos wala pang dalawang oras ang tulog ko kagabi. Siguro ang puyat din ang dahilan, kaya nagkaka-rashes ang mukha ko. Stressed ako.
Kaya, after dinner, nahiga agad ako. Kailangan kong makabawi sa puyat. Apektado ang pagtuturo at iba ko pang gawin. Sana rin makapagsulat na uli ako. Andami ko nang stories na wala pang wakas.
Nagpadala na nga pala ako sa WWG para sa sampung books (Malamig na Kape), kanina. I hope mai-deliver agad.
Hunyo 28, 2017
Kahit paano, nakatulog ako kagabi. Malamok, pero dahil hindi na kinaya ng antok ko, nakatulog ako ng at least 4-5 hours. Nanaginip pa nga ako.
Maaga rin akong nakarating sa school. Mabilis ang biyahe. Kaya lang, hindi ako nakaidlip. Mabilis rin ang oras. Agad ding nag-flag ceremony.
Nagpanuod lang ako ng video sa Araling Panlipunan classes ko. Malaking tulong talaga ang panunuod. Hindi ko na kailangang mag-explain.
Alas-dos, pumunta kami (ako, Mam Gie, Mam Janelyn, at Karen) sa DO para i-submit ang mga papers namin for promotion. Approved na. Hindi na namin kailangan pang bumalik o magdagdag ng requirements. Nakahinga kami nang maluwag.
After kong magmeryenda, pumunta na ako sa Cuneta Astrodome para dumalo sa Istorya ng Pag-asa: Social Media Launch. Dapat alas-singko pa, pero dahil nagsimula na, nanuod na ako. Suwerte ko dahil dumating naman agad si VP Leni. Nagandahan ako sa advocacy niya. Kaya lang, hindi ko na tinapos. Umuwi na ako after her talk. Saka naman, dumating si Karen. Nasa Baclaran na ako ng mga sandaling iyon. Umuwi na lang din siya.
Past 6 ako dumating sa bahay. Pagod, pero fulfilled.
Hunyo 29, 2017
Walang palitan ng klase kanina dahil may dalawang teachers na absent. Umalis din saglit si Mam Dang. Gayunpaman, naging makabuluhan ang araw ng advisory class ko, pati ang mga estudyanteng inilipat sa akin. Nagturo ako at nagpa-group work. Enjoy na enjoy na sila sa pagdudula-dulaan. Unti-unti na nga silang nagiging performers.
Nakapagpasulat rin ako ng salaysay tungkol sa tagumpay at balita about earthquake drill. Motivated ang lahat para makasama ang kanilang akda sa book namin at sa Tambuli.
Bago ako umuwi, tulad ng dati, naghanda muna ako ng lesson ko para bukas. Hindi na ako magpapanuod dahil hindi magulo lang. Mahina kasi ang volume at hindi gaanong makita sa likod. Kung may monitor sana kami.
Hunyo 30, 2017
Maganda sana ang mood ko habang nagtuturo, kaya lang narindi ako sa ingay ng advisory class ko nang malapit ng mag-uwian. Hindi agad nila sinimulan ang pagtatanghal ng kanilang group work. Hindi sila nakuha sa tingin. Gusto ko pa naman sanang may mai-encode akong akda nila habang nanunuod sa kanilang dula-dulaan at iba pa.
Dahil sa inis ko, sinermunan ko sila. Nanahimik sila dahil sinabi kong tatanggalan ko sila ng opportunities na makasali sa mga contests at journalism dahil wala silang disiplina. Kako, mas maigi pang humawak ako ng lowest section.
Idineklara ko rin na wala ng journalism class sa Lunes at wala ng libro. Sinimangutan ko sila hanggang sa sila'y nagsiuwian.
Mayamaya, may nag-chat sa akin. Nag-sorry siya sa kanilang ginawa. Hindi ako nag-reply.
Binisita ako ni Ms. Kris. Nagkuwentuhan kami at nagplano uli ng pagpunta kina sa Xinnia. Naki-join din si Sir Erwin.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...