Ama: Ang galing-galing mo sa cellphone. Sana sa pagbabasa magaling ka rin.
Anak: (Tumingin lang sa ama, pagkatapos tumitig uli sa libro.)
Ama: Dapat educational ang mga games dito sa cellphone mo.
Ina: Hindi ako ang nag-iinstall niyan. Siya lang din. Tapos, ipapakita sa kaklase. Sasabihin, 'Share It ko sa inyo dali.'
Ama: Uninstall mo na nga ang mga games diyan.
Ina: Hindi nga ako marunong, e.
Ama: Ako na nga..
Anak: Nilagyan 'yan ni Ate ng password para 'di madelete.
Ama: (Hinanap ang unistall button) Akala mo, ha. Mas nauna akong ipinanganak sa 'yo. (Ipinakita na sa anak ang Cancel at OK button.) OK.
Anak: (Kinuha ang kamay ng ama upang hindi mapindot ang OK.)
(Nang mapagod ang mag-ama sa pag-aagawan, tumigil sila. Inilayo ng ama ang cellphone.)
Mayamaya...
Anak: Iibahin ko ang password para hindi mo madelete ang games.
Ama: Paano kung ako ang mag-iba ng password? Hindi ka na makakapaglaro?
Anak: (Walang nasabi.)
No comments:
Post a Comment