Followers
Saturday, July 1, 2017
Ang Aking Journal -- Hulyo, 2017
Hulyo 1, 2017
Gumawa ako ng instructional materials pagkatapos mag-almusal. Hindi ko kasi magagawa bukas dahil matutuloy na ang 100 group bonding namin sa Xinnia. Natapos ko naman kaagad, kaya nakapag-encode pa ako ng mga akda ng pupils ko. Kahit sinabi ko sa kanila na wala nang libro, hindi ko iyon totohanin. Kinokonsensiya
mzellm ko lamang sila para tumino at maging disiplinado.
Nakapagsulat rin ako ng kuwentong pambata. Inspirasyon niyon ang pag-iyak ni Ion nang pinakain ko ng gulay.
Alas-kuwatro, nagpintura ako ng kuwarto ni Zillion. Ginamit ko ang tirang pintura noong nagpintura ako sa classroom. Nagkasya naman kahit paano. Hindi nga pang ganoon kapulido, lalo na't pangsemento ang pinturang iyon.as
Hulyo 2, 2017
At 5:45 AM, umalis na ako sa bahay para sa swimming-bonding naming 1000 group. Before 7, nagkita na kami ni Ms. Kris. At, agad din kaming bumiyahe papunta sa Roosevelt. Halos magkasunuran lang kami ni Mam Edith. Past 8, sinundo na kami ni Sir Erwin.
Ang bilis ng mga pangyayari. Before 9, nag-almusal kami, bago lumublob sa pool.
Isang masayang swimming-bonding ang naganap sa pool. Walang humpay na tawanan at kuwentuhan. Hindi na namin inaksaya ang oras namin sa panunuod ng laban nina Pacman at Horn, lalo na't nalaman naming talo naman ang pambato ng Pinoy. Mas pinili namin ang magbabad doon. Tamang-tama kasi, hindi mainit ang panahon.
Halos panay rin ang kainan namin. Sulit na sulit talaga. Pag-uwi ko, may binigay pang mga damit ang mag-asawang Climacosa para kay Zillion. Para akong nag-shopping sa dami.
Past 7:30 na ako nakauwi. Malakas kasi ang ulan. Nagpatila muna kami doon sa condo ni Sir.
Mukhang may part two ang swimming namin. Gusto nilang doon kami mag-celebrate ng birthday ko. Bahala na. Depende sa budget at pagkakataon.
Hulyo 3, 2017
Maaga akong nagising, dahil parang naiinitan ako. Hindi ako nakatulog nang maayos. Maaga rin akong nakarating sa school. Nakatulong pa nga ako sa paglimas ng tubig-ulan sa may pintuan ng canteen.
Kahit shortened ang klase, nagpalitan pa rin kami. Hindi ko lang napasok ang Section Aquamarine dahil after recess ay uwian na.
Sa advisory class ko, nagpaskil lang ako ng visual aids ko sa AP6. Bahagi iyon ng tampo ko sa kanila. Tahimik naman sila, habang ginagawa ko ang ID cards nila.
Antok na antok ako kanina, habang gumagawa ng instructional materials sa Filipino 6 at habang nagda-download ng videos para sa AP6. Kaya, past 2:30, umuwi na ako. Na-traffic lang ako sa Tejero, nang bumuhos ang malakas na ulan. Sayang ang oras. Hindi ko pa rin tuloy nagagawa ang toka ko sa writeshop namin. Kinukuha na ang week 6-10. Kapag nasa bahay ako, halos wala akong magawang school-related works. Ang sarap kasing mag-relax at magpahinga. Anyways, gusto ko naman talagang ihiwalay ang oras para sa paaralan at para sa pamilya.
Hulyo 4, 2017
Alas-4 ako bumangon kanina. Sinubukan ko lang kung kaya kong makarating sa school bago mag-5:45. Tamang-tama naman ang dating ko, kahit natagalan ako sa biyahe.
Bukas, babalik ako sa 3:30 na gising para makapaghanda ako ng almusal ko. Mahirap maghagilap ng pagkain sa canteen kapag may klase na ako. Nakakagutom.
Unti-unti kong ipinakikita sa advisory class ko ang pagiging istrikto ko. Pinagalitan ko na naman ang isa kong estudyante dahil ang nanay ay nagreklamo diretso sa principal. Um-attend naman siya ng meeting noong June 9. Sabi ko, kapag may problema, sa akin muna pupunta. Kahit pa biktima ng bullying ang anak niya, hangga't hindi ko alam o hindi nila ipinaalam sa akin, wala akong papanigan. Wala silang karapatang magreklamo. Dumaan muna sa akin, bilang respeto. I hope makarating sa kanyang ina.
Nasabi ko tuloy na pinaghahandaan ko ang mga posibleng reklamo nila sa grades. Ihanda rin nila ang kanilang portfolio at diary. Kailangang may ipapakita silang ebidensiya sa akin.
Naging maayos naman ang pagtuturo ko kanina sa lahat ng klase, kahit nagsermon pa ako sa dalawang lower sections. Nagpa-group work pa ako. Nagustuhan nila iyon.
Dumating na ang "Malamig na Kape." Sulit ang pagod at paghihintay ko. Sa bahay, nang binasa iyon ni Emily, na-hook na siya. Agad niyang nahulaan na story ko iyon.
Hulyo 5, 2017
Naisakatuparan ko ang lesson ko kanina. Alam kong marami ang natutuhan ng mga estudyante ko. Nakuha ko ang kanilang interes.
Nainis lang ako sa paulit-ulit na paggawa ng IPCRF. Nakakabuwisit na ang DO. Hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Pabago-bago ng template at forms. Time-consuming.
Past seven na ako nakauwi. Ang lakas na nga ng ulan, traffic pa.
Pagkatapos kong kumain, gumawa na naman ako ng instructional materials. Nakakapagod, pero hindi ako kailangang sumuko. Responsibilidad kong magturo at mapatuto ang mga bata.
Past nine na ako nakahiga. Puyat na naman ako.
Hulyo 6, 2017
Umalis ako sa bahay nang hindi ko nabati si Zillion. Tulog pa naman kasi siya at masyado pang maaga. Gayunpaman, umuwi ako nang maaga para mabilhan ko siya ng cake at ice cream. Natuwa nga siya, pagdating niya. Sayang nga lang, hindi ko siya nabilhan ng kahit spaghetti sa Jollibee. Ayaw na rin ni Emily, na magluto pa kami.
Sa school kanina, kahit dalawa ang absent na teachers, hindi naging hadlang para hindi ko maituro ang inihanda kong IM's. Naging makabuluhan ang pagtuturo ko. Ang sarap sa puso. Sulit ang pagod at gastos ko sa mga materials ko.
Hulyo 7, 2017
Walang palitan ng klase kanina dahil nagkaroon ng parada bilang opening ng Buwan ng Nutrisyon 2017. Gayunpaman, nagturo ako sa advisory class ko, at siyempre, nagpa-groupwork ako. First time siguro nilang maranasang magkaroon ng beauty pageant style of learning. Tamang-tama dahil ang topic namin ay about "Ang mga kababaihan ng rebolusyonaryong Pilipino." Pinarampa ko ang mga estudyante babae. May hosts at judges din. May Q&A pa. Natuwa ako sa efforts nila. Medyo maingay lang, pero game sila. Nang sinabi ko ngang i-present nila sa ibang sections, um-agree rin sila.
Umuwi ako nang maaga. Before 4, nasa bahay na ako. Ginusto ko kasing umidlip. Hindi ko naman nagawa dahil nagkape ako. Hindi bale, kahit paano ay nakapagpahinga ako. Nakabisita pa nga ako sa garden namin.
Naipadala ko na pala kay Ms. Heaven ang apat na books na order niya, worth P800, plus P180 shipping fee. Nag-chat kami later. Sinuhestiyon niya sa akin na ibili ko na lang ng stocks sa LSP ang kabayaran, pati ang utang niyang P2000. So, magiging stockholder na ako ng Le Sorelle sa halagang more or less P3000.
Hulyo 8, 2017
Dahil wala akong pasok at lakad, nagawa ko ang mga gusto kong gawin, like pag-encode at gardening. Marami-rami akong na-encode sa journal ko noong 2008. Nakapili rin ako ng mga akda ng VI-Topaz na isasama sa anthology book namin. Nakaidlip rin ako after maligo.
Hulyo 9, 2017
Habang namamalengke si Emily, ako naman ang nagbantay kay Ion. Hinayaan ko siyang manuod ng tv. Ako naman ay nag-encode nang nag-encode.
Pagdating niya, nakagawa pa ako ng handicraft, na out of seashells.
Hapon, nag-ayos kami ng harapang bakuran namin. Inalis namin ang mga damo sa gutter.
Nagtanong si Auntie Vangie tungkol sa mag-ina ko. Then, binanggit niya ang gamit na ibibigay niya sa amin. Kami na lang ang hinihintay na pumunta sa kanila. Chat ko lang daw siya kung kailan. Inirason ko na lang ang ka-busy-han ko, pero, actually, wala na akong interes. Baka kasi magastusan lang ako sa pag-mobilize, lalo na't si Kuya Junior ang maghahatid sa amin.
Hulyo 10, 2017
Muntik na akong ma-late dahil past 4 AM ko na narinig ang alarm, na supposedly ay 3:30. Halos, hindi na ako nagsabon para lang mabilis akong makarating sa sakayan. Good thing, hindi ako nahuli. Nakapag-print pa nga ako ng DLP bago nagsiakyatan ang mga pupils ko.
Natuwa ako sa effort ng mga estudyante ko. Game na game talaga sila sa pagrampa, na suot ang sash at costume na ginawa lang nila from newspapers and magazine. Naimbitahan ko rin silang mag-present sa section 3. Sayang nga lang, hindi ko sila nahiram sa dalawa pang sections.
Since, birthday ni Emily, nagmadali akong makauwi after ng coop board meeting. Natagalan lang dahil sa kung ano-anong agenda.
Sinorpresa ko si Emily ng cake. Pansit lang ang request niya, pero binilhan ko siya ng cake. Ako rin ang nagluto ng pansit canton. Okay na iyon. Masaya na siya.
Hulyo 11, 2017
Ikalawang beses na akong nagigising nang late. Bakit kaya hindi ko nauulinigan ang alarm. Lilipas muna ng mahigit 30 minutes bago ako magising. Mabuti na lang, hindi ako nali-late.
Kahit absent ang isa naming co-teacher, nagpalitan pa rin kami ng klase. Nakapagturo ako sa lahat. Teacher-centered ang mga naging klase ko sa mga lower sections. Gayunpaman, effective pa rin.
After class, miniting kaming Grade 6 advisers. Akala ko ay negative. Nakikisuyo lang pala na tulungan namin siya sa kanyang reading project.
Pagkatapos, naghanda kami ng entablado para sa Holy Spirit Mass bukas. Tinanggalan lang naman namin iyon ng dikit ng double-sided tape.
Then, naghanda ako ng tarpapel bago ako umuwi.
Pag-uwi ko, hindi pa nga ako nakakabihis, dumating ang malayong kapaitbahay naming si Ate Nelda. Nakipagkuwentuhan siys sa amin. Mabuti pa siya, masarap kausap. Walang halong kayabangan. Samantalang ang kabitbahay naming nasa tabi lang ng bahay, halos ayaw na naming kausapin. Tsismoso kasi at pakialamero. Mapambulid pa ng sinulid.
Haist! Wala na akong magagawa. Siya na ang kapitbahay namin forever.
Hulyo 12, 2017
Naging abala kami kanina dahil sa Holy Spirit Mass. Nagtulong-tulong kami sa paglagay ng cutouts sa stage. Then, ako nag-ikot ng mga trainers at trainees para sa journalism categories. Kailangan ko na kasing maipasa kay Mam at masimulan ng mga tagapagsanay ang training. Gusto ko na rin kasing mag-focus sa Tambuli at book ng VI-Topaz.
Dahil walang palitan kanina, marami akong nagawa about sa writing. Naging mas interasado na ang karamihan na nakasama ang artworks at write-ups nila sa binubuo naming aklat. Natutuwa ako sa husay ng iba. Kahit sa group work, may napipili akong akda. Well, section one kasi sila. Dapat lang naman.
Dahil maaga-aga akong nakauwi, nakapaghanda pa ako ng instructional materials para bukas. Nagpag-gardening din ako. Sulit ang pagod at puyat. Nakakawala talaga ng stress ang mga halaman.
Hulyo 13, 2017
Napagtanto ko na masyadong maaga ang gising na 3:30. Kanina kasi ay madilim pa nang makarating ako sa school. Kaya, bukas, alas-4 na ako babangon.
Naging smooth sana ang pagtuturo ko ng AP6 sa tatlong sections, kaya lang nainis ako sa huling klase. Grabe! Mga wala silang respeto at walang interes matuto. Tumigil ako sa pagtuturo. Nagsermon ako. Sinabi ko na, hindi ako magsasalita bukas. Hahayaan kong matuto sila sa visual aids na ipapaskil ko. Gayunpaman, hindi ako masyadong apektado. Gusto ko lang magbago sila. Sanay na ako sa mga estudyanteng pumapasok lang para mag-inarte at magpasaway. Kahit nga sa advisory class ko, na cream of the crop, may mga pasaway pa rin. Haist! Part of being a teacher, 'ika nga.
Maaga akong nakauwi. Pagod man, pero sumapat na ang ilang minutong pag-idlip ko.
Hulyo 14, 2017
For the first time, na-late ako kanina. Traffic kasi at hindi agad napuno ang bus na nasakyan ko. Gayunpaman, naabutan ko ang flag ceremony.
Nainis ako sa advisory class ko habang nag-lelesson ako sa AP6, kaya hindi ako nagturo. Nag-PHILIRI na lang ako. Tinupad ko rin ang sinabi ko sa VI-Aquamarine. Sa dalawang sections lang ako nag-discuss.
Natapos ko ngayong araw ang pagpapabasa (PHILIRI). Na-update ko rin ang EHRIS ko.
Naghintay kasi ako sa labasan ng Grade V teachers. Nag-treat si Papang. Isinabay na kami ni Ms. Kris at Mam Bel. Bago iyon, past five na ako nakalabas sa school dahil kinausap ko pa ang canteen helper na pinag-initan ng cook. Kinailangan na namin siyang tanggalin para hindi maapektuhan ang operation. Hindi namin puwedeng ikompromiso ang canteen sales. Malaki ang magiging problema kapag cook ang mawawala.
As board, hindi ko nagawa ang dapat. Malaking kawalan kasi ang cook kapag siya ang tinanggal. Naawa ako sa inalis. Kabago-bago, terminated agad. I feel sorry for her.
Past 9:30 na ako nakarating sa bahay. Grabe, umuulan na nga, traffic pa.
Hulyo 15, 2017
Naging produktibo ang buong araw ko ngayon dahil nakapag-check ako ng mga activities ng advisory class ko, nakapag-record, at nakapag-encode ng mga akda nila. Dahil maulan at malamig ang panahon, nakaidlip rin ako. Kay sarap sa pakiramdam ang nakakapagpahinga.
Gabi, nakapag-encode rin ako ng journal ko. Nadugtungan rin ang 'Maybe This Time' ko ng ilang salita. Kahit paano ay may interes pa rin akong tapusin ang nobela.
Hulyo 16, 2017
Nag-gardening ako pagkatapos naming mag-almusal. Sinamantala ko ang malilim na panahon at malambot na lupa. Pagkatapos, hinarap ko naman ang pag-encode at pag-edit ng mga akda ng mga pupils ko.
Siyempre, nakaidlip ako kahit paano, pagkatapos kong magpagupit at maligo. Malapit na ang birthday ko, kaya kailangang presentable ako. Kahapon , pinakulayan ko na kay Emily ang buhok ko.
Nakapag-update rin ako ng nobela kong 'Maybe This Time.' Nagkaroon ito ng aksiyon. Nasa 28k words na, kaya anytime ay maaari ko nang bigyan ng wakas.
Hulyo 17, 2017
Birthday ngayon ni Hanna. Ngayon ko lang yata siya hindi nabigyan ng panghanda o kahit pambili man lang ng cake. Ang hirap na kasi ngayon ng pera. Halos kulang pa nga sa pangangailangan naming tatlo. Idagdag pa ang mga bills at ang mga pamasahe namin ni Ion. Sana makaahon kami sa ganitong estado. Gusto ko na ring madalaw doon si Mama.
Nagsermon ako sa section Amethyst, gaya sa section Aquamarine. Nakakainis kasi. Sinsabayan nila ng daldalan ang panunuod ng video. Hindi sila interesadong matuto. Mabuti pa ang last section, nakukuha sa tingin. Sila, hindi. Paulit-ulit akong nagsasaway. Akala nila manggagalaiti ako sa galit. Hindi ko na gagawin iyon. I love myself. Kung dati, halos mapaos ako dahil sinasapawan ko ang ingay at daldalan nila. Ngayon, hindi ako nagsasalita kapag maingay. Hindi naman ako ang lugi, e. Dapat malaman nila iyon.
Nag-coffee bonding kami ni Papang bandang alas-3:30 ng hapon, bago ako umuwi. Nakakawala ng pagod at stress.
Pagdating sa bahay, inuna ko ang paggawa ng learning materials, bago ang gardening.
Hulyo 18, 2017
Hindi pa rin ako nagturo sa dalawang klase o section. Nagpaskil lang ako ng visual aids ko. Nagsulat ng iba pang mahahalagang impormasyon. Kinopya naman nila nang tahimik. Naisaloob kong baka maging effective pa iyon kaysa magturo ako.
Bago mag-uwian, kinausap ko ang advisory class ko. Tungkol iyon sa birthday ko. May nagtanong kasi kung 19 ba o 20. Ramdam kong may surprise sila sa akin. Kaya, gaya ng dati, sinabihan ko sila na huwag na huwag nila akong reregaluhan o bibilhan ng handa. Sinabi ko ang mga dahilan. Una, hindi ako sanay na nagse-celebrate at nakakatanggap ng regalo. Pangatlo, wala pa naman silang trabaho. Pang-apat, hindi nga nila sineryoso ang napag-usapan sa HPTA meeting. Dapat nag-ambagan na lang sila para makabili ng tv.
Kaso, may nagpagawa na ng tarpaulin. Kaya, no choice ako kundi ipadala iyon. Sayang naman. Nalungkot nga sila, e. Pero, kako, huwag na silang bumili ng cake at magbalot ng regalo. Naunawaan naman nila ako. Sana lang tumimo sa isip nila na iba ako kung ikukumpara sa ibang teacher. Hindi ako materialistic. Sapat na sa akin ang may disiplina sila. Mas pinahahalagahan ko rin ang good deeds and words, as gifts.
Since, isinali kaming Grade 6 teachers sa reading remedial, nagpabasa ako sa 11 non-readers. One hour lang naman, kaya hindi ko ramdam ang pagod. Siguro, dahil naaawa ako sa mga estudyante may reading problem, kaya na-enjoy ko ang ginawa.
Bago ako umuwi, nagkape muna kami ni Papang.
Hulyo 19, 2017
Masaya ako sa aking kaarawan dahil kahit paano ay nag-effort ang mga estudyante ko. Sinuway man nila ako, natuwa pa rin ako. Gusto talaga nila akong sorpresahin. May tarpaulin at cake pa sila. Kinantahan nila ako, pinag-wish, at pinag-blow. Pero, ang pinakanagustuhan ko ay ang mga greeting cards. Nakaka-touch!
Sinorpresa rin ako ng kagrupo ko sa 1000. Binigyan nila ako ng chocolate cake roll. Nagkape kami after ng GPTA meeting and election of officers. Past 4 na tuloy ako nakaalis sa school. Okay lang. Masaya naman ang bonding namin.
Pagdating ko, mga bandang alas-sais iyon, naghanda naman kami ni Emily ng pansit canton. Siya halos ang naghanda at nagluto dahil gumawa ako ng summative test sa AP 6.
Hulyo 20, 2017
Maaga na naman akong nagising kanina. Nauna pa ako sa alarm. Kaya, after meeting ko with campus journalists, umuwi agad ako. At, nang nasa biyahe ako pauwi, hindi ko na kinaya ang antok. Pagdating naman sa bahay, umidlip ako. Naibsan ang ilang araw kung pagod at puyat. Tapos, kinagabihan, nagpahilot ako. Nagpahilot kasi si Emily sa matandang babae. Pagkatapos niya, ako naman. Tiyempo. Need ko talagang mahilot dahil ramdam kong may lamig ako sa likod. Masakit, e, lalo na kapag umuupo ako at kapag nababangga sa upuan. Solb! Guminhawa ang pakiramdam ko. It's a gift!
Hulyo 21, 2017
Naging epektibo ang pagpagalit ko sa Section Amethyst noong isang araw dahil kanina, naging behave sila. Tinuruan ko na sila. Kaya lang, hindi pa rin nagbago ang Section Aquamarine. Naging pari na naman ako.
Haist! Nakakapagod magpagalit. Sana magbago na sila ng study habits.
Pagkatapos ng klase, dinalaw ako ng ilang pupils ko. Kaya lang, hindi ko naman sila nakakuwentuhan nang matagal dahil hinuli sila ng guard. Ayaw kasing magpapasok, kaya umakyat sila sa bakod.
Past 5, kasama ko ang Triple Zero, si Mam Sha, at si Mam Dang. Nag- food bonding kami. Birthday treat ko iyon sa kanila. Isa ring masayang kuwentuhan at maingay na tawanan ang nangyari. Inabot kami ng alas-siyete doon.
Past 9:30 ako nakauwi sa bahay. Nagkuwentuhan pa kami ni Emily. Pagkatapos, pinanuod ko ang 'Heneral Luna.' Haist! Puyat na naman ako. Bukas, nasa MOA ako para sa meet-up sa mga buyers ng 'Moriartea.' Napag-utusan lang naman ako ng LSP. Pero, siyempre may P40 each ako sa bawat book na mabibili. Not bad!
Hulyo 22, 2017
Past 11:30, bumiyahe ako papuntang Pasay para kunin ang Moriarte books sa school. Medyo late akong nakarating sa may carousel sa MOA Seaside dahil sobrang bigat at sobrang layo pa ng meeting place.
Naasar pa ako dahil halos tatlong oras akong naghintay. Limang buyers lang ang dumating at anim na books ang nabili. Mabuti na lang, bawasan pa ng 22 copies dahil nakipag-meet up ako sa client na tagal Gen. Trias. Ewan ko lang kung mayroon akong tubo doon. Ang mahalaga naman, gumaan ang bitbit ko.
Nanghihinayang lang ako sa oras ko. Akala ko mauubos ang 40 copies. P1600 sana. Pero, hindi ko kinita iyon dahil halos nilangaw nga ang meet-up. Disin sana, natapos ko na ang mga dapat kung gawin, lalo na ang summative tests sa AP 6 at Filipino 6.
Mag-i-eight na ako dumating sa bahay. Pagod na pagod ako at gutom na gutom. Hindi ko na nagawang magmeryenda sa MOA. Naiinis kasi ako. Ayaw ko ang may bitbit kapag papasok sa food chain.
Hulyo 23, 2017
Sinulit ko ang buong araw sa pag-encode ng mga akda ng mga pupils ko, gayundin sa paggawa ng summative test. Siyempre, nakapagpahinga rin ako after lunch at nakapag-gardening before ako nagluto ng ulam para sa dinner.
Nanghihinayang pa rin ako sa nasayang na oras kahapon. Disin sana'y natapos kong lahat ang mga tasks ko. Hindi na bale. I have learned a lesson na.
Hulyo 24, 2017
Nagpa-summative test lang ako sa mga klase ko. Nakapag-check na rin at nai-record ko na. At, bago mag-uwian, nagturo ako ng pagsulat ng Tanaga sa advisory class. Patuloy ko silang hinihikayat na magsulat nang magsulat. Naiinis ako sa mga madadaldal na estudyante. Wala namang nagawang kapaki-pakinabang.
After class, nagpa-meeting ang editor-in-chief ng school paper namin. Ginabayan ko sila. Natuwa ako sa kanyang dedikasyon at determinasyon. Maaasahan talaga. Inengganyo ko rin siyang mag-publish. Hindi siya makapaniwalang napakamura lang ng pagpa-print ng isang libro. Sana ay matulungan ko siyang magkaroon ng sariling libro.
Hulyo 25, 2017
Hindi kami nagpalitan ng klase dahil may Values Education ang Bethany Baptist Church at saka shortened pa dahil naman sa naka-schedule na pagpunta ng mga guro sa Japedia para sa libreng consultation, check-up, at laboratories.
Nakapag-post ako ng mga akda ng bata habang may VE. Siyempre, nakapagturo at nakapagpa-groupwork ako sa advisory class ko.
Past 10, nasa Japedia na kami. Nalaman ko ang nutritional status ko. Nalaman ko ring 123 ang sugar ko. Kailangan kong mag-ingat sa pagkonsumo ng matatatamis na pagkain. Ang maganda, normal ang BP ko at ang daloy ng dugo ko.
Natawa lang ako sa sarili ko dahil nang nagpa-ECG ako, pakiramdam ko ay kukuryentehin ako. Nanginginig ang mga tuhod ko. Inulit tuloy ang test. Hindi naman pala masakit. First time, e!
Past 2, umalis na ako sa school. Wala kasing dumating na mga bata para sa remedial reading. Ipinadala ko muna kay Ms. Heaven ang P1500 na benta ng book. Binigay niya sa akin ang halos kalahati niyon. Plus ang tubo ko pa sa anim (P40x6). Siguro, nahiya siya sa nangyari. Gayunpaman, wala na akong magagawa. Tinanggap ko. Sayang, e.
Past 4, nasa bahay na ako. Antok na antok ako. Ramdam ko talaga ang pagod at puyat. Ramdam ko na naman ang pamamayat ko.
Hulyo 26, 2017
Hindi ako nakatulog nang mahaba. Kung kailan uminom ako ng food supplement na SleepWell at gatas, saka naman ako naging insomiac. Ala-una ng madaling araw, gising pa ako. At, kung kailan mahimbing na ako, saka naman nag-alarm ang orasan. Gustuhin ko mang um-absent, hindi ko ginawa. Hiniling ko nga na sana ay suspended ang klase dahil sa malakas na ulan. Hindi naman sinuspende. Sinikap ko na lang na magturo nang maayos at masigla.
Pag-uwi ko, saka ko naramdaman ang pagod at antok. Kaya, nagpahinga ako't umidlip. Kahit paano ay naibsan ang init ng ulo ko. Nakapaghanda pa nga ako ng learning materials para bukas. Kaya lang, maagang nag-anunsiyo ng klase bukas. Sa Friday ko pa iyon maituturo.
Kaninang 8 AM, kasama si Mam Gie at 20 Grade 6 pupils, dumalo kasi sa lecture ng rescue team ng Pasay sa Japedia Clinic. One hour lang. Pagbalik namin, recess na. Maaasahan ko naman sina Althea at Joselito. Nakapagpasulat pa sila ng tula.
Kanina rin, mga past 12:30, nainis ako sa tinuran ni DK. Ikinumpara niya ako sa estudyanteng nag-donate ng P100 para sa anthology book na gustong i-publish ng ITW. Binalitaktakan ko siya ng replies ko. Heto ang convo namin:
Ako: Crisis ako ngayon. Sa bahay muna.
Siya: Buti pa sila magbibigay ng kahit 100 (iyong mga istodyante)
Ako: Andami ko nang lugi sa publishing. Andami ko ngang nakaimbak na libro. Nakakadala lang.
Siya: Post ka na lang kuya.
Ako: Ayaw kong magpost. Huwag nating ipilit ang hindi natin kaya... Tumulong sana tayo kapag kaya natin. Kaso, kapag hihingi na ng tulong, parang hindi kaya ng mukha ko. Hindi kasi ako sanay ng humihingi ng tulong. Kinakaya ko lahat dati. Until now, dala-dala ko. Matulungin naman ako. Kaya lang, pag wala, wala talaga.
Ako: Dapat ipasok natin ang Story of Life sa isang publishing. Sila ang gagawa ng marketing at magpi-finance ng printing. Writers tayo, hindi tayo financiers.
Ako: Ang ginawa ng Le Sorelle isa kong kuwentong pambata, nag-print, saka ibinenta. Ang proceeds, itinulong sa mga bata. Ang writers, may royalty kahit paano.
Ako: Sorry for this. Pero di talaga ako agree na nagso-solicit tayo. Dapat may libro muna bago humanap ng donors. Kahit doon, tutulong na ako. Iba na kasi ngayon ang tao. Kailangang may kapalit ang tulong nila. Hindi puwdeng pera lang, wala tayong token. Kahit sa LSP, tumutulong ako. Libo-libo pa. Sa SULAT, umabot na ng P15k ang total ng naibigay ko. Pero, ang sa ITW, hindi talaga ako convinced. Sorry.
Siya: Slr
That is your opinion, Kuya. Kaya lang nakapag gawa na ako ng letter at kumikilos na ang mga bata. Pati kami. :)
Ang hirap din kasi sa sponsors, ang Skyfiction nagpadala na ng letter pero hindi pa rin approve.
Hindi na ako nag-reply. Gabi na niya kasi nasagot.
Hulyo 27, 2017
Nakabawi na ako ng puyat. Past 7 na ako bumangon. Kaya naman, may lakas na ako para maglinis sa kuwarto at mag-type ng akda ng mga bata, since wala namang pasok.
Past 1, nasa Robinson's kaming tatlo para manuod ng Cars 3. First time ni Ion sa panunuod ng sine. Matagal ko nang gusto siyang i-treat. Favorite niya talaga since then ang Cars, kaya inabangan ko talaga ang part 3 nito. Good thing, nataon sa walang pasok.
Alam at ramdam kong nag-enjoy siya. Masayang-masaya siya sa bago niyang experience. Napasaya ko rin ang kanyang ina sa aming family date.
Hulyo 28, 2017
Bumangon ako para sana maghanda sa pagpasok. Nagbukas ako ng tv, pero wala pang balita. Aalamin ko sana kung sinuspende ang klase kagabi. Mabuti na lang may signal ang net ko. Nakita ko sa post ng FB friend ko ang announcement ng Pasay City Hall. Ayos! Bumalik ako sa higaan. Pero, hindi ako kaagad nakatulog. Okay lang.
Past 8 na akong bumangon, kahit past minutes before seven ako namulat. Ang sarap magbabad sa higaan.
Buong araw, nagbasa lang ako. Na-hooked ako sa Moriartea. Naalala ko ang college days ko, kung kailan ako naadik sa pagbabasa ng detective stories, like Hardy Boys.
Nanghinayang ako dahil hindi ko nadala ang laptop ko. Marami sana akong nagawa at natapos i-encode. Anyways, okay lang. Nagkaroon naman ako ng oras para magbasa at magpahinga. Nakapag-gardening pa ako at five o' clock.
Hulyo 29, 2017
Nag-stay lang kami maghapon sa bahay dahil hindi pa rin maganda ang panahon. Mayamaya ang pagpatak ng ulan. Okay lang naman dahil family day namin. Ang sarap lang mag-stay sa kuwarto at manuod ng telebisyon.
Hulyo 30, 2017
Maliban sa panunuod ng tv, halos wala naman akong nagawa at natapos ngayong araw. Na-miss ko ang pagta-type/encode. Kaya nga, nang bandang hapon, nagbasa ako ng mga akda ko. Kahit paano ay muli kong nabalikan ang mga kuwentong tumatak sa puso ko at mga estudyante ko. Sila ang aking mga nabasahan ng mga iyon.
Hangad ko na magkaroon uli ako ng drive at time para madugtungan ko ang mga nakatingga kong akda. Lagi naman akong inspired magsulat, time na lang...
Minsan, kailangan kong mag-isa para makapagsulat ako. Kaya lang, mahirap ding mag-isa. Haist!
Hulyo 31, 2017
Huling araw ng aking birth month...
Masigla akong nagturo sa aking mga klase. Nangangapa ako sa unang klase, pero later nagamay ko na. Na-realize kong hindi sapat ang isang reference. Kailangan talagang mag-research para mas malinaw ang aralin ko sa AP. Hindi maaaring theory lang. Kailangang factual.
Malapit na ang 1st periodic test. Gusto kong malaman kung naging effective ba akong AP teacher. Kasi kung hindi, kailangan kong baguhin ang aking teaching style.
Bago umalis sa school, at past 3, nag-print muna ako ng certificates para sa mga perfect attendance awardees. Isa sa mga motivations ko ito para sipagan sila sa pagpasok sa school.
Ako, mas sinisipag din akong pumasok at magturo dahil nakikita ko ang eagerness nilang matuto. Although, may mga pasaway, madaldal, at walang pagmamahal sa pagkatuto, mas marami pa rin ang kabaligtaran nila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment