Followers
Sunday, September 3, 2017
Ang Aking Journal -- Setyembre 2017
Setyembre 1, 2017
Hindi rin ako nakapagsimula ng parts ng texbook na ipapasa ko sa publishing house kasi walang internet. Kailangan kong ma-copy-paste ang mga akda ko from wattpad bilang springboard. Sa halip, nag-encode na lang ako ng mga akda ng pupils ko.
Hapon, nakapag-gardening pa ako. Ang ganda nang tingnan niyon kapag nasa bintana ako.
Setyembre 2, 2017
Alas-otso ng umaga, umalis ako sa bahay patungo sa school. Kailangan kong gawin ang dalawang aralin para maisumite sa publishing house for evaluation.
Nagawa ko naman at nai-send ko bago mag-alas-4 ng hapon. Nakapaghanda pa nga ako ng lesson plans, ng video, at pictures para sa Araling Panlipunan. May DLL na rin ako sa Filipino 6.
Samantala, si Emily naman ang nag-asikaso ng pagpapa-tiles. Alanganin na ang pag-deliver ng semento at buhangin, kaya hindi natapos ng trabahador ang buong ground floor.
Gayunpaman, masaya akong makita ang unti-unti pagkabuo ng bahay. Nakaka-inspire magtrabaho.
Setyembre 3, 2017
Ikalawang araw ng pagpapagawa namin ng ground floor. Ang gulo ng kabahayan. Mainit, maingay, at maalikabok. Pero, ayos lang. Pagkatapos kasi niyon, isang pambihirang output ang nakita namin. Ang ganda ng pagkagawa. Nakaka-excite bumili ng mga kagamitan. (Ipon muna.)
After ng paglilinis, hinarap ko naman ang paggawa ng learning materials. Magtuturo ako ng AP6 bukas sa advisory class ko, bago pumunta sa JRES para collab publishing training.
Setyembre 4, 2017
Nagturo muna ako sa advisory class ko, bago ang collab training. Nag-iwan din ako ng visual aids para sa ibang section. At least, may makokopya at mababasa sila.
Ang hirap talagang magturo ng publishing. Hindi nila makuha agad makuha ang gusto naming (trainers). Gayunpaman, nakakasunod naman sila, kahit paano.
Past one, nasa school na kami. Nag-print lang ako ng list ng trainees at trainers at nanghiram kay Ma'am Julie ng P5750 para sa registration ng journalists. Nai-chat ko na iyon kay Ma'am Laarni, kaya may permiso ako.
Before 3 pm, naibigay ko na kay Sir Jojo ng EDSES ang registration fee. Agad akong umuwi.
Sobrang pagod ko, pero nagawa ko pang ilipat ang tv, mula sa kuwarto ko patungo sa sala.
Sofa na lang talaga ang kulang.
Setyembre 5, 2017
Akala ko isususpinde ang klase dahil sa lakas ng ulan. Pero, perfect attendance naman ang advisory class ko. Grabe! Ang sisipag nila. Inspired o dahil pilot section sila? Whatever. Mas favor nga sa akin para mas marami ang matuto. Nag-start na ako ng lesson ko for second grading. Bad thing, hindi ako nakalipat sa dalawang sections dahil may Bethany at hindi lumabas ang teacher after recess.
Nag-remedial reading din uli ako. Ang hirap! Hindi ko alam kung paano sila matuturuan. Ang hirap nang unatin kapag may edad na. Kawawa ang isa. Alphabet reader pa lang.
Setyembre 6, 2017
Nagturo ako sa advisory class ko ng Filipino, instead na AP 6 para hindi sila mauna, since hindi ko pa na-discuss ang unang lesson ko sa ibang section.
Ang isang section, nag-request na kopyahin muna nila ang visual aids ko bago dumako sa next lesson. Ang isa, pinakopya ko na lang dahil inaayos ko na ang venue ng collab training namin.
Hindi ko na naman napasok ang Aquamarine dahil nasa kasagsagan na kami ng training.
Naging supportive naman si Ma'am Laarni. Pinakain niya kami ng meryenda at lunch.
Dahil doon, inspired kaming trainers sa pagsasanay sa mga teams namin. Naging productive rin ang mga bata. Nakapag-print kami.
Past five na ako umuwi kasi umidlip muna ako sa classroom ko. Nag-post ako sa wattpad at sa FB groups ng mga akda ng pupils ko. Mabagal lang ang net, kaya hindi ko nalahat.
Past 7:30 na ako nakauwi. Pagod, yet fulfilled.
Setyembre 7, 2017
Dahil wala kaming training, nakapagturo ako halos sa lahat ng klase ko, maliban sa last section dahil kinain ni Sir Joel K ang oras ko. Okay lang naman. Kaya pang habulin.
After class, nag-remedial reading ako. Then, miniting ko lahat ng campus journalists na ilalaban sa DWYCC. Pinasulat ko rin ang iba sa kanila. Ang iba, ibinigay ko sa trainers nila. After that, naghanda ako ng instructional materials ko sa Fil 6. Then, nag-encode. Naisingit ko pa ang paggawa ng dish garden.
Past 5, nagmeryenda kaming 1000 group sa car wash slash resto, maliban kay Ms. Kris.
Before 8, nasa bahay na ako.
Setyembre 8, 2017
May training uli kami. Sa JRES pa rin. This time, improving na ang gawa ng mga bata. Kailangan lang namin silang disiplinahin sa oras. Nawawala ang iba sa sarili, kaya hindi nila nami-meet ang gusto namin.
Past one, nasa GES na kami. Itinuloy ko naman ang training sa classroom. Pinasulat ko ang dalawa. Ang isa, pinag-review ko para sa "Bayaning Pilipino On-the-Spot Quiz Bee" na gaganapin sa Lunes at 1:00 pm.
Gusto ko pa sanang maghanda ng learning materials para sa Lunes, kaso ang hina ng net. Umuwi na lang ako. Mabuti nakapag-research ako, gamit ang sa cellphone ko. Kahit paano, may magagawa ako sa weekends. Sa Lunes na ako magpi-print ng pictures.
Setyembre 9, 2017
Umaga, sinamantala kong wala sina Ion at Emily. Nag-MTAP sila. Half-day. Nasolo ko ang bahay, kaya nakapagbasa ako ng mga bata at nakapag-encode.
Maghapon akong nag-encode. Umidlip lang ako ng ilang minuto. At past five, nag-gardening ako. Nakapaghanda na rin ako ng learning material para sa Lunes.
Setyembre 10, 2017
Hindi maayos ang tulog ko kagabi. Dahil siguro iyon sa mga panaginip ko. Pagising-gising ako. Gayunpaman, sumama ako sa aking mag-ina sa kanilang pagsimba. First time ko sa cathedral ng Tanza.
Ang purpose ko lang naman ay makita at mapiktyuran ang simbahan. And, at the same time, mapadalhan si Beverly dahil nangutang siya ng P1000. Kailangang-kailangan daw niya.
Pagkatapos naming magsimba, saka ko siya napadalhan through Cebuana. Bumili rin kami ng sala set. Hindi pa nga lang naidedeliber kasi kailangan pang i-verify ang cheque, na binayad kon. Excited pa naman kaming tatlo.
Hapon, mga bandang alas-4:30, sumakit ang ulo ko. Ang tindi ng sakit. Para akong masusuka. Past 8 na iyon nawala. Siguro dahil lang sa alimuom. Bigla kasing umulan.
Setyembre 11, 2017
Naging hectic ang schedule ko maghapon. Nagturo lang ako ng AP6 sa advisory class ko. Pagkatapos, pumunta na kami sa ABES para sa collab training. Hanggang past 12:30 pm kami roon. Nagmadali na kaming bumalik sa school dahil may quiz bee pang dadaluhan ang trainee ko.
Gutom na gutom na ako, kaya hindi muna ako sumama kay Ma'am Edith. Siya na lang ang nagdala sa contestants namin. Ako naman ay sumama sa Tramway, kasama ang Grade 1 teachers at si Ma'am Laarni. Nag-treat si Ma'am Nicka. Hindi ko na pinalampas.
Doon sa buffet restaurant, nakapagkuwento ako kay Ma'am tungkol sa problema namin sa collab. Sana makarating sa kinauukulan para hindi kami maapektuhan, lalo na ang output ng mga bata.
Busog na busog naman ako nang pumunta ako sa venue ng quiz bee. Muntik ko pang hindi mahanap. Gusto ko na ngang umuwi. Battery empty pa naman ang cellphone at pocket wifi ko, kaya hindi ko mai-chat si Ma'am Edith Hindi naman pala kami mananalo. Ang hirap daw kasi ng mga tanong. Unexpected. Halos hindi namin na-review. Idagdag pa ang kakulangan sa review. Noong Friday lang kami gumawa ng reviewer. At kanina lang kami nag-Q-and-A. Tapos, sa contest, tandem pala ang laban. Grade 5 and 6 ay magkakampi. Kung alam lang namin, pinagsama sana namin ang mga reviewers nila. Haist! Lesson learned!
Setyembre 12, 2017
Kagabi pa lang, na-notify na ako ng mga kaibigan ko tungkol sa suspension of classes, kaya okay lang na past 11 na ako nakatulog kagabi. Hindi ako agad na nakatulog kasi namublema ako sa budget namin. Kinukulang na kami, lalo ngayong kailangan ko nang magbayad sa Pag-ibig ng premium ng bahay. Tapos na kasi ang post-dated check na in-issue ko. Hiniling ko sa Diyos na gabayan Niya kami sa pagbabadyet.
Dahil walang pasok, nakapagpahinga ako, nakaidlip, nakapagbasa, nakapagsulat, at naka-bonding ang mag-ina. Iniisip ko lang ang journalism contest. Kulang na nga kami ng training, nabawasan pa ng isang araw.
Setyembre 13, 2017
Sobrang abala ako kanina dahil sa GES ginanap ang collaborative publishing at radio broadcasting training ng Cluster 4. Paroo't parito. Nakakapagod maging host school. Training pa lang 'yan.
Tapos, nalungkot ako nang sobra nang may tumawag sa akin from division office-admin section. Kailangan ko na raw i-renew ang PRC ID para ma-process na ang promotion papers ko. Nakakawindang na balita! Umaasa akong naisumite na nila iyon bago pa na-expire ang ID ko noong July 19. Bakit pinaabot pa nila ng September?
Hindi na ako nakagalit, kasi sa kabilang banda. Dapat nag-renew na ako noon pa.
After naming trainers mag-lunch, nagpaalam na ako sa kanila para makapunta ako sa PRC-Manila. Umaasa akong puwede ang walk-in. Hindi pala. Nasayang lang ang lakad at oras ko.
On the way home, nag-online registration ako. Mabilis lang naman pala. Ang problema naman, nang magbabayad na ako sa 7-Eleven, dahil iyon ang pinili kong way or mode of payment, 'no connection' naman ang billing machine nila. Malas! Sobrang malas! Nawala ako sa mood pag-uwi ko.
Nag-isip ko...
Bukas, issuance ng card. Ni hindi pa nga ako nakapag-input ng grade. Haist! Next time, ayaw ko na ng collaborative. Hassle talaga.
Setyembre 14, 2017
Isa na namang ka-busy-han ang naganap maghapon. Hindi na nga ako nakapagturo dahil nag-finalize ako ng grades ng pupils ko.
Past 8, umalis kami ng school upang mag-training sa ABES. Bitbit ko ang report cards, pero hindi ko man lang nagawa.
Naging maayos naman ang training ng mga bata. Nagawa nila ng mas maaga ang newspaper. Masaya na kaming trainers sa outputs nila.
Past one, bumalik na kami sa GES. Agad kong isinulat ang mga grades sa card. Past 2 na kami nakapagsimula ng meeting. Minadali ko ang pag-talk para makabili naman ako ng flash drive.
Past 4 na ako nakapagsimulang ilipat sa flash drive ang files ko sa laptop ko. Dinelete ko na lang ang iba para mabilis.
Past six na ako lumabas sa school. Pagod man, pero masaya akong umuwi.
Bukas, DYWCC na. Malakas ang hula kong marami kaming maiiuuwing panalo. I know, makakatulong ang pag-meet kanina ng principal sa mga journalists. Sigurado akong na-boost ang kanilang morale.
Setyembre 15, 2017
Past 7:30, in-orient ko ang mga campus journalists na sasabak sa PCSPCC. Hinikayat ko silang galingan sa contest. Pati ang assembly time and place bukas para sa awarding ay sinabi ko na.
Past 8, nasa PBES na kami. Hindi naman agad nakapagsimula.
Past 10, nasa EDSES na kaming collab at broadcasting team. Naroon rin ang sports writers ko para sa live na badminton game.
Pagkatapos niyon, isang mahabang paghihintay ang nangyari. Nagutuman rin kaming trainers dahil walang pagkain. Hindi naman sila nagyayang kumain kami sa labas. Mabuti na lang, may nagbigay ng meryenda. Binigay rin sa akin ang snack ng pupil ko.
Past 3, na-disappoint kami sa collab-Filipono team dahil blangko ang front, feature, at sports pages nila. Ang editoryal lang ang kompleto. Sila pa man din ang inaasahan naming magdadala sa amin sa regional. Mabuti pa ang English team, kompleto ang mga pahina. Kahit paano, may laban kami.
Nag-iyakan naman ang Filipino team dahil sa nangyari. Nalaman naming lahat ang dahilan ng delay. Nagtagal kasi sila sa pagkain ng meryenda. Naglamiyerda siguro.
Gayunpaman, a-attend kaming lahat bukas sa awarding.
Setyembre 16, 2017
Past 5:30 ng umaga, bumiyahe na ako papuntang school. Matagal din akong naghintay na makompleto ang bata. May dalawang hindi nakadalo.
Sa awarding, grabe ang tensiyon. Nag-iiyakan ang mga journalists namin-- na nanalo at natalo.
Ako, panalo ang mga natulungan kong trainees. Panalo ako sa sports writing. First naman sa photojournalism ang ginawan ko ng captions.
Sa collab (English), kami ang best team. Panalo si Mary-Joy sa editorial page. Kami rin ang nakasungkit ng best sports page at best in layouting.
Sa collab (Filipino), si Chealsey ang nakakuha ng best editorial page.
Sayang talaga ang Filipino...
Gayunpaman, tuwang-tuwang ako sa resulta ng contest. Alam kong ganoon din ang aming principal.
After awarding, nag-lunch kami sa Jollibee-HP. And, nag-stay ako sa school till past 5.
Setyembre 17, 2017
Hindi ako nakatulog nang mahaba. Bandang alas-siyete kasi ng umaga, maingay na ang paligid. Bumangon na lang ako at sinimulan ko ang aking araw.
Nag-edit ako ng 'Twenty Seventeen Twenty Eighteen.' Gusto ko nang ipa-print ito sa lalong madaling panahon para maging proud na ang mga magulang ng Topaz ko.
Hapon, nag-gardening ako.
Setyembre 17, 2017
Naging abala ako maghapon. Grabeng pawis ang tumagaktak sa katawan ko, umaga pa lang.
Nag-print ako ng forms ng campus journalist's profile. Pina-fill up-an ko rin ang mga iyon. Then, nakipag-meet pa ako kay Ma'am para tanggapin ang perang pang-register.
May mga pasaway pang mga journalists na hindi nagdala ng ID picture, kaya kinailangan ko pang gawan ng paraan.
Past 8 na kami nakapunta sa PBES para sa unang araw ng Division Writeshop for Young Journalists. Hinatid ko lang ang siyam na bata para mabayaran ko naman ang registration sa EDSES.
Natagalan ko roon sa kahahanap kay Ma'am Macawile. Natagalan din siya sa pag-accommodate sa mga nagbabayad.
Past nine na ako nakabalik sa PBES. Naroon na ang collab team at co-trainers ko.
Agad namang nagsimula ang action. Mabilis na natapos ng mga bata ang task. Kaya, past 11:30, nasa baba na kami para mananghalian.
Before 12, nagpaalam ako kay Sir Bagsic para i-claim ang PRC ID ko.
Mabilis lang sana magawa, kaya lang kinailangan ko pang mag-print ng claim stub. Nagbayad lang ako sa may computer shop. Grabe! Ginto ang presyo. Twenty-five pesos na agad.
Na-reject din ang picture ko, kaya no choice ako kundi ang magpa-ID doon. Eighty-five pesos na naman.
Haist! Para akong naholdap.
Gusto ko sanang ipasa na sa DO ang photocopies ng PRC ID ko, kaya lang naisip ko na baka maghintay sa akin ang mga pupils ko. Bukas ko na lang ipapasa.
Tapos na ang training ng collab team, nang dumating ako. Kaunting oras lang ang hinintay ko, uwian na. Past 3:00 na iyon.
Nag-stay ako sa school dahil kailangan ko nang magturo sa Filipino. Parang nami-miss ko na ang masiglang talakayan. Kung matatagalan pa bago ako magpokus sa pagtuturo, baka tamarin na ako. Mahirap na iyon maibalik.
Pag-uwi ko, kahit pagod na pagod ako, nawala iyon dahil nai-deliver na pala ang sala set na binili namin noon pang Linggo. Ang sarap nang manuod ng tv. Kaya lang, hindi puwede kapag weekdays.
Setyembre 19, 2017
Nagturo ako sa klase ko. Ginamit ko ang lesson plan na ipinasa ko sa isang publishing house, na for evaluation. In-integrate ko ang Buwan ng mga Guro sa aralin ko--- ang pagsagot sa mga tanong sa nabasang talaarawan.
Naging makabuluhan ang aralin ko kahit hindi ko iyon masyadong napaghandaan. Hindi nga lang natapos at hindi ko nakolekta ang seatworks nila dahil pinapunta ako ni Ma'am Laarni sa EDSES para ipasa ang memory cards na gagamitin ng photojournalists sa regional schools press conference.
Pagdating ko, pumunta na kami (kasama ang 9 na young campus journalists) sa PBES.
Nang nagsimula na ang training, saglit kong iniwan ang co-trainers ko para ipasa naman sa DO ang photocopies ng PRC ID ko. Wala na akong problema. Para akong nabunutan ng tinik. Hihintayin ko na lang ang appointment paper ko as Teacher 3.
Past 3:30, nakabalik na kami sa GES. Nakisabay lang kami sa van ng ABES, kaya hindi kami naulanan. Pagtila ng ulan, saka naman ako bumiyahe pauwi. Sobrang traffic kaya past 6 na ako nakauwi. Sobrang pagod ako, pero masaya. Marami akong nagawa ngayong araw. Napabayaan ko nga lang ang advisory class ko. Haist!
Setyembre 20, 2017
Past 7:30, umalis ako kasama ang mga RSPC qualifiers para sa ikatlong araw ng writeshop. Nagturo muna ako ng matatalinghagang pananalita.
Na-bad trip lang ako sa isang feelingerong trainer. Napag-alaman ko kasing may mga pahayag siyang foul sa pandinig ko. Mayabang talaga! Samantalang kahit trainees niya ay naiinis sa kanya dahil hindi halos siya nag-train. At, bago lumaban sa division, sinabihan pa niya ng "Hindi naman kayo mananalo!" Tapos, ngayong nag-first abg mga bata, nagkakandaugaga siya na akuin ang trainorship. Pumunta pa siya kahapon sa PBES. Hindi naman siya division trainer. Akala naman niya, inaangkin ko.
Gayunpamam, hindi ko sinira ang mood ko dahil sa kanya. Masigla pa rin akong nag-train ng collab, kasama ang dalawa kong co-trainers. Alam ko kasing hindi naman siya magtatagumpay dahil may attitude problem siya.
Past 3, after ng isang reminder tungkol sa RSPC, bumalik na kami saGES. Nagmeryenda lang ako. Humingi rin ng tulong si Ma'am Laarni at Ma'am Normina sa akin. Tungkol iyon sa Elevate Reading Project.
Past 4, umuwi na ako. Mas maaga-aga akong nakauwi ngayon, kung ikukumpara noong mga nakaraang araw. Masakit nga ang ulo ko.
Setyembre 21, 2017
After breakfast, nag-encode ako, nag-record ng scores sa e-class records, at nag-edit ng 'Twenty Seventeen Twenty Eighteen.' Hindi ko natapos ang editing dahil inantok ako. Sa siesta time, natulog naman ako. Okay lang naman, malapit ko nang matapos.
Hapon, nag-gardening ako. Tinanggal ko ang ibang halaman sa harapan dahil gagamitin ang puwesto para sa pagtinda-tinda ng mga pagkain. Uupahan daw ng pinsan ng pinsan ni Emily. At least, may income siya araw-araw.
Setyembre 22, 2017
Nakapagturo pa ako sa klase ko bago kami nagkaroon ng grade level meeting. Andaming upcoming activities. Halos wala akong klase for one week sa susunod na linggo. Napansin kong nag-iiba na ang style ko sa pagtuturo. Parang RBEC uli.
Past 9 pa naman nakapagsimula ng training sa collab. Maaga ring natapos ng mga bata ang kanilang task. Almost ready na kami, maliban sa mangilan-ngilang error sa layout.
After ng training, nakadalo pa ako sa meeting ni Ma'am sa mga reading remedial teachers. Hindi ko na nagampanan ang task ko dahil pa rin sa journalism.
Bago ako umuwi, tinanggap ko ang editing task kay Ma'am Joann. Hinikayat ko siyang sumali sa national bigbook writing contest.
Nang nakauwi ako, nalaman ko kay Emily na nagpa-blessing siya ng bahay kanina. Hindi na ako nagkomento. Ayaw ko ring magalit dahil sinuway niya ako. Okay lang.
Setyembre 23, 2017
Nagawa ko na ang editing ng kwentong pambata ni Ma'am Joann, na isaaali niya sa National Bigbook Writing Contest. It's my pleasure na tumulong. Pareho kami ng linya o kakayahan, kaya kailangan ko siyang matulungan.
Nakapagsulat din ako ng updates ng nobela ko at nakapag-encode ng news article na ipinasa ng mga bata para sa Tambuli.
At 3 pm, umidlip ako. Kahit paano ay nakatulog ako. Nabawi ko ang ilang araw na pagod at puyat.
Gabi, nanuod ako ng tv hanggang alas-onse. May party sa kapitbahay kaya apektado ang pagtulog ko. Hindi naman ako naiinis, lalo na't nagbigay naman ng ulam. Saka, Sabado naman. Pero, noong isang weeknight, asar na asar ako sa tuta niyang iyak nang iyak. Alas-10 na yata ako nakatulog.
Setyembre 24, 2017
Naging produktibo ang araw ko. Nag-gardening ako sa umaga. Then, tutor kay Ion. Pina-memorize ko ang multiplication (4 to 6). Nasimulan ko na ring i-format ang akda ni Ma'am Joann na isasali niya sa contest. At, nakapag-encode pa ako ng journal ko. Siyempre, nakapag-update din ako ng bago kong nobela.
Wala nga lang halos pahinga at tulog. Idlip lang mula alas-dos hanggang alas-tres.
Setyembre 25, 2017
Past 1:30, gising na ako. Hindi na ako nakatulog after kong umihi. Bumangon ako at past two. Nag-unat-unat lang ako, saka nag-almusal.
Akala ko ay maiipit ako sa traffic. Masyado akong napaaga. Madilim pa nang tumungo ako sa classroom ko. Gayon pa man, okay lang. Ayaw ko nang nali-late ako.
Maaga rin kaming pumunta sa ABES para makisabay papunta sa San Francisco High School sa Quezon City para sa RSPC.
Apat na contestants ang dala ko sa apat na magkakaibang individual categories. Kasama ko si Ma'am Edith.
Hindi rin kami late nang dumating sa venue. Antagal pa bago nagsimula. Ang init ng puwesto namin kaya hindi ko na-enjoy ang speech ng keynote speaker.
Past ten na nang magsimula ang contest proper. Past one naman natapos. Isang matagal na paghihintay lang ang naganap. Past three, nasa school na kami. Nakipag-usap lang ako kay Papang at na-email ng entry ng.bata sa 'Teachers' Story,' saka ako umuwi. Before, seven nasa bahay na ako --- pagod, pero fulfilled.
Setyembre 26, 2017
Maaga ulit ako nakarating sa school, pero may mas maaga pang bata kaysa sa akin. Maaga rin kaming (ako, Sir Hermie, at 5 campus journalists) nakarating sa ABES. Kaya lang, naghintay pa kami nang matagal dahil may batang mali ang attire, na maaari naming ika-disqualify.
Hindi naman kami na-late sa Quezon City Science High School. Kaya lang, naguluhan kami dahil sa maling sistema ng host school. Magulo ang pila. Hindi nila naisaayos ang delegates ng collaborative publishing. Ang category na ito ang dapat nila naisaayos muna, dahil sila ang may mga dalang laptop at printer. Mas inuna pa nila ang individual categories, like photojourn at sports. Mali. Palpak!
Hanap rin kami nang hanap ng room na pagdadausan ng mini-presscon. Tapos, pinalabas pinalayo pa ang mga trainers. Asar na asar ako.
Ten, o'clock kumain na kami. Naiisip ko pa rin ang mga bata. Baka maligaw o ma-disqualify dahil nauna sa classroom. Pagbalik namin at past 12, nalaman naming muntik na nga talagang ma-disqualify. At, kasisimula lang ng presscon. Haist! Pambihirang experience.
Halos apat na oras kaming naghintay. Pero, worth it naman ang paghihintay dahil nakatapos sila. Sila pa nga ang unang nagpasa. May laban ang gawa nila. Natuwa ako.
Umuwi agad kami. Past 5 na kami naihatid sa GES. Past 6 naman ako nakaalis sa school dati bumuhos uli ang malakas na ulan. At siyempre, mag-aalas-otso na ako nakauwi sa bahay. Pagod na pagod ako, pero masaya.
Setyembre 27, 2017
Before 10 na ako dumating sa GES. Hinihintay na pala ng mga ka-board of directors ko para sa coop meeting.
After meeting, isang salusalo ang naganap. Then, nag-bonding kaming 1000 group sa Grade 1 classroom. Nagkape kami.
Before 2, bumiyahe na kami papunta sa Cuneta Astrodome para sa Division World Teachers' Day Celebration.
Masaya ang pagdiriwang. Na-excite kaming lahat sa mga pa-raffle. Pero, hindi naman ako nanalo. Past 8, na natapos ang raffle.
Before 10, nasa bahay na ako. Pagod at antok na antok na ako.
Setyembre 28, 2017
Walang pasok ang mga estudyanteng hindi sumali sa Science Impact o ang science exhibit, mad science, at film showing. Gayunpaman, napakaingay ng estudyante ko. Halos kasi makonpleto sila. Thirty-nine ang nagbayad. Natutuwa ako dahil may P20 x 39 ako, pero nahirapan akong makinig sa ingay nila. Wala kasing klase. Walang nagturo. Antagal pa naman silang pinaghintay. Siguro 11 am na sila pinatawag. Antagal ko ring nagtiyaga. Gayunpaman, nakaraos ako sa isang araw. Lutang pa kasi ako sa journalism matters. Parang nakalimutan ko nang magturo. Parang nawala na rin ang drive at eagerness kong magturo.
Pero, bago ako umuwi bandang alas-3:45, gumawa muna ako ng visual aids sa AP 6. Magtuturo na ako bukas.
Kaya pala nagmadali akong umuwi kanina dahil may tutee akong dapat turuan. Ikalawang araw ko nang nagtuturo sa kanya, simula noong Sabado, September 23, na supposedly, 3 or 4 days na. Apektado rin ng journalism.
Setyembre 29, 2017
Turong-turo ako kanina. Kahit paano, naituro ko nang maayos ang aralin ko sa AP 6.
Hindi naman ako nakapagturo sa Fil 6 dahil humirit ang advisory class ko na tapusin nila ang formal theme writing nila. Hinayaan ko naman silang gawin iyon, gamit ang oras ko, habang naghahanda naman ako ng IMs para sa Lunes.
After class, nag-stay ako sa classroom ko. Gumawa ako ng Form 137. Past 5 na ako umuwi, kasabay ng mga panghapon.
Nagdesisyon ako sa harap ng principal, nang pinatawag niya ako, na hindi na lang dumalo sa RSPC awarding ceremony. Hindi dahil talo kami sa colloborative, kundi dahil nakakapagod at dumarami ang maiiwan kong trabaho at responsibilidad. Pumayag naman siya.
Gumawa ako ng memo para kung may trainer na gustong pumunta, sila naman ang kasama ng mga bata.
Setyembre 30, 2017
Nag-edit ako ng anthology book namin ng mga pupils ko-- halos maghapon. May pahinga naman at may time para umidlip. Gabi ko na iyon natapos. One hundred eighty-five pagea ang book namin. Gusto ko sanang umabot ng 200 pages. Sana makapagpasulat pa ako. At, sana maipublish ko bago mag-sem break. Kung hindi kaya, sana bago mag- Christmas break.
Hapon. Nag-gardening ko dahil basa ang lupa. Hindi nga lang ako nakapunta sa unit ni Mareng Janelyn, gaya ng naipangako ko. Pinatitingnan niya kasi sa akin ang kalagayan ng bahay niya since hindi niya pa mabibisita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
We offer a genuine money to people who are sincerely and honestly in need of some money for some personal and business purposes.
ReplyDeleteWe are glad to be able to fulfill your dreams in offering you the exact amount of money you need at a low interest rate of any amount.
Our money is secured and safe and it will be delivered into your bank account within shortest period of application.
contact us now with your interest Email: royalworldfundings@gmail.com