Enero 1, 2018
Hindi sapat ang naging tulog ko, pero ayos lang. Masaya naman ang unang araw 2018. Masagana talaga! Panay ang kain namin.
Tanghali pa lang, ready na ang pansit canton para kina Edward. Bibisita raw sila. Kaya lang, hindi natuloy. Mabuti na lang, natuloy ang pamangkin ni Emily na si Sasa at ang kanyang pamilya at kapatid. Hindi nasayang ang mga pagkain.
Past 6:00 na sila umalis. Ipagluluto ko pa sana sila ng hapunan.
Enero 2, 2017
Nagbabad ako sa higaan hanggang 9. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa lamig. Hindi ako talaga sanay sa lamig. Sumasakit ang likod ko. Gayunpaman, masaya kong sinalubong ang ikalawang araw ng bagong taon. Masigla rin akong naghanda ng DLL at instructional materials para bukas. Nakipagkulitan rin ako sa aking mag-ina pagkatapos.
After lunch, bumili ako ng shoes. Sumuko na kasi noong huling araw ng pasok ko sa school ang brown leather shoes kong nabili ko sa ukay-ukay noong Marso.
Sa ukay-ukay rin sana ako bibili para makatipid, kaya lang pinayuhan ako ni Nanay Mila na huwag nang bumili roon. Mas mainam daw kapag bago.
Ayos naman. Kahit mahal, nakakasiguro naman akong hindi mangangati ang paa ko.
Pagdating ko, tulog ang aking mag-ina. Tumabi ako sa kanila. Nakaidlip din yata ako ng kalahating oras. Not bad na.
Enero 4, 2017
Mas kumonti ang bilang ng estudyanteng pumasok kanina. Gayunpaman, nagpa-groupwork pa rin ako. Nagturo ako sa Filipino at ESP. Nagpasulat na rin ako ng article para sa school paper. Napokusan ko naman ang Tambuli habang may ginagawa sila. Nakapag-usap din kami ni Ms. Kris habang nagpre-prepare ang tatlong grupo. Doon na ako nagkape sa classroom niya.
Past one, bumiyahe na ako pauwi. Hindi naman ako nakaidlip, kaya nagsulat na lang ako.
Enero 5, 2017
Inspired pa rin akong magturo kahit kalahati lang ang attendance at kagit busy ako sa editing at school paper. Nagpa-group work uli ako. Gustong-gusto nila ang dula-dulaan, lalo na kapag may costumes. Nakakatuwa rin sila. Natututo sila sa kanilang performances dahil sila mismo ang nag-iisip.
Nainis at nalungkot lang ako nang malaman kong may nag-plagiarize ng isang akda mula sa ESP book. Kopyang-kopya talaga. Natakot ako, kaya agad kong kinontak si Ms. Heaven na siyang nagpa-print sa publishing sa Davao. Ipinahinto niya iyon. Mabuti, hindi pa yata nasimulan. Kung nagkataon, kahiya-hiya kami, lalo na kapag may nakapansin.
Hindi ko na kinausap ang batang nag-plagiarize. Ayaw kong tuksuhin siya ng mga kaklase. Gusto kong itama na lang niya ang pagkakamali niya. At, iwasan din ng iba. Sabi ko nga, "Kaya ko nga kayo tinurang magsulat para makapagsulat kayo ng orihinal, hindi para mangopya. Andaming puwedeng maging kuwento o akda. Buhay ninyo. Buhay ng pamilya ninyo. Ng nakatabi mo sa dyip. Marami. Huwag kokopyahin ang gawa ng iba. Nagtiwala ako sa lahat ng ipinasa ninyo, expecting na gawa talaga ninyo. Iyon pala, plagiarized. Hindi ba ninyo alam ang damage na dinulot nang ipahinto ko ang printing? Alam ninyong wala pa kayong inilalabas na pera..." Andami ko pang sinabi. Sana tumimo lahat sa mga utak nila.
Gayunpaman, tuloy pa rin ang anthology namin. Sayang kasi ang effort ko, namin!
After class, it was one, napilitan ako sumama sa SeaSide. Nagpakain ang principal dahil sa pagtulong namin sa kanyang reading project, na successful naman. Sabi kasi ni Ma'am Milo, hindi kasama. Hmp! Dumating. Katabi ko pa. Awkward. Gayunpaman, kumain pa rin ako nang kumain. Marami rin kasi akong naitulong sa kanya. Maliit na bagay lang ang pakain niya.
Hindi naman ako galit sa kanya. Nagtatampo lang.
Alas-3 na kami natapos. Five naman ako nakauwi. Pinasalubungan ko si Ion ng toy soldiers. Tuwang-tuwa siya. Kung nagkaroon din ako ng ganoong mga laruan noon, baka ganoon din ang naramdaman ko. Dream come true, hindi man ako ang maglalaro.
Natawa rin ako nang bumili at natikman ko for the first time ang kastanyas. Kapareho lang pala ang lasa ng nilang buto ng kamansi. Next time, kamansi na lang bibilhin ko. Mura pa.
Enero 6, 2018
Pagkatapos ng first period, pumunta ako sa Harrison Plaza bumili sana ng padlock at dish cabinet para sa school. Hindi ako nakabili kasi walang Yale at mahal ang dish cabinet. Sa halip, nakabili ako ng book 3 ng Moymoy Lulumboy. Nakapag-window shopping rin ako sa iba't ibang tindahan like ukay-ukay, appliance store, hardware, groceey, at bookstore. Nainggit lang ako sa mga paninda. Pagkatapos, matagal akong naghintay ng alas-4, na para naman sa panghuli kong period. Ang hirap talaga ng schedule ko!
Mabilis natapos ang tatlong report. Nagmamadali lahat. Ewan ko sa kanila. Parang hinahabol ng taga. Hindi tuloy na-enjoy ang mga topic.
Past 7, nakauwi na ako. Pagod na pagod at antok na antok ako. Hindi na nga ako nakapagsulat. Pero, nakapagpasa ako ng sample proofread work ko sa Paper Bling Innovation (PBI) at nai-sumbit ko uli ang edited manuscript ng anthology book namin ng mga pupils ko.
Enero 7, 2018
Gumising ako nang gumising si Emily para maghanda ng kanyang almusal. May LET review uli siya.
Pagkatapos, natulog uli ako. Past 8 na ako bumangon.
Pagkatapos mag-almusal, paglilinis naman ang ginawa ko. Nakapagdilig din ako ng halaman at nakapagbabad ng mga damit. Saka ko hinarap ang mga gawain ko ---editing at pagsagot sa chat ng mga FB friends at GC.
Hindi ako ngayon nakaidlip dahil sa ka-busy-han. Isa pa, hindi rin kasi natulog si Zillion. Binantayan ko siya.
Hapon, nagdilig uli ako ng mga halaman. Inabutan ako ni Emily na nagha-hanger na ng mga nilabhan ko. Si Nanay na ang nagsaing at nagluto ng ulam, habang tinatapos kong i-edit ang "Maybe This Time" na balak kong ipasa sa Lifebooks Publishing.
Enero 8, 2017
Na-late ako ng dating sa school kanina. Sinubukan ko kasing bumangon ng 4 am. Lunes pala at may Nazareno, kaya late ako. Gayunpaman, halos kumpleto ang estudyante.
Ang ingay agad nila, kaya sinermunan ko agad bago ako nag-discuss.
Halos mapaos naman ako dahil sa discussion sa Araling Panlipunan 6. Ako lahat ang nagsasalita. Nakakapagod talaga!
Past 2:30 na ako umalis sa school. Ginawa ko pa ang school paper.
Pagdating sa bahay, nagkape lang, saka ako nagdamo sa harapan ng katabing bakanteng bahay. Tatambakan kasi ng buhangin na gagamitin sa paggawa ng CR sa Miyerkules.
Hindi na ako nakapaghanda ng activity para sa mga pupils ko. Ni-register ko pa kasi si Emily sa PRC LET bago ako nahiga.
Enero 9, 2018
Natuwa ako sa outputs ng mga pupils ko. Lumabas ang artistic sides ng iba. Ang iba naman, barubal ang gawa. Okay lang naman. Nakita ko ang effort nila.
Nasira ang mood ko nang miniting kami ni Sir Erwin, as MT namin. Ini-relay niya lang ang meeting nila kahapon.
Naglabas talaga ako ng sama ng loob ko. Nakita ng principal ang maliit na bagay naming mali, na kung tutuusin, hindi naman mali. Nag-uusap lang kami sa labas ng classroom ni Ma'am Janelyn. Tapos na kaming magturo. Sasabihin niya, loafing iyon! Buwisit! Ang oras na ginugol ko sa paggawa ng annual report niya, ano ang tawag doon? Pati ang oras ko sa sarili at pamilya ko, kinain.
Ang pangit sa ginawa niya, ipinadaan niya pa sa iba. Bakit hindi niya kami kinausap agad? Sana nalaman niyang overtime na nga kami sa klase namin dahil wala nang papalit, kasi nasa sports palaro. Parang hindi nag-iisip. Problem-searching, hindi problem-solving ang ginagawa niya. Hindi nakakatulong ang pagpuna niya sa katiting na bagay. Napakaraming problema sa school na dapat niyang pagtuunan ng pansin.
Bago ako umuwi, ginawan ko muna si Sir Erwin ng proposal ng action research niya. Natapos ko naman agad kaya nakapag-edit pa ako ng ilang minuto bago ako umalis sa school. Six na ako dumating sa bahay.
Enero 10, 2017
Masigla akong nagturo sa lahat ng section. Sa wakas, wala na akong back log. Updated na ako. Natuto ang mga estudyante ko dahil nasa mood ako. Kaya lang, after that (vacant ko), nainis ako sa mga tinuran ng principal sa feeding room. Halos ipagbawal na niya ang pagkain sa feeding room, which is pumayag siya last last day lang na puwedeng kumain basta huwag mag-utos sa bata. Ang masakit, kumakain ang tatlong teachers, nagsalita siya na parang uubusin nila ang pagkain na para sa mga panghapong estudyante. Grabe! Kahit hindi ako ang nandoon, napakabastos niyon. Walang respeto sa damdamin ng kapwa. Lalo tuloy kumulo ang dugo ni Makata O. In fact, sinimulan ko nang mag-post sa FB group namin. Kako, "HINDI KAMI PATAY-GUTOM!"
Gusto kong mag-react siya. Gusto kong kausapin niya ako dahil gusto kong isa-isahin sa kanya ang mga mali niya. She's not a good leader.
Past 6 na ako nakarating sa bahay. Gumawa agad ako ng instructional materials.
Natuwa ako sa trabaho ng karpintero. Mabilis. Halos nalagyan na ang mga walls.
Enero 11, 2017
Hindi kami nagpalitan ng klase kasi absent si Ma'am Dang. Kaya naman, may backlog na naman ako sa tatlong sections.
Sa period ng Filipino 6, nagpa-activity ako. Gaya iyon ng activity namin sa "Gawa Tayo ng Bigbook." Na-enjoy nila, lalo na't na-inspired at nag-aabang sila sa kuwento ko tungkol sa aking childhood. Binitin ko lang kasi hindi na nila puwedeng malaman ang pinakatatago kong lihim.
Panay rin ang kuwento ko, nang ipatawag ako ng principal. Alam ko na agad ang dahilan. Hindi nga ako nagkamali. Nakahanda ako. Kaya nga, andami-dami kong nasabi sa kanya. Nalaman niya ang dahilan ng mga hinanakit ko. Nasabi ko ang mga mali niya at pagkukulang niya. Nag-suggest ako.
Sa dami nang nasabi ko at nasabi niya, na narinig nina Ma'am Rose, Ma'am Amy, at Ma'am Mj, inabot kami ng alas-12. Okay lang naman, at least, okay na kami. Nagkaunawaan na kami. I hope na sana makita at maramdaman ko ang pagbabago.
Dahil gusto namin ng pagbabago, bumuo si Ms. Kris ng FB group, exclusive para sa mga teachers lang.
Sinimulan ko ang pagpapaliwanag at pagpapaunawa sa kanila ng layunin niyon. Sana magtagumpay kaming pag-isahin ang mga puso namin para maging maayos ang samahan.
Enero 12, 2018
Nagpa-summative test ako sa advisory class ko. At, nagturo naman ako sa tatlo pang section. Sa Filipino, nagpasulat ako ng tula. Nang vacant ko na, nakipagkuwentuhan ako kay Ms. Kris. Na-realize kong marami palang natuwa sa ginawa kong pagsupil sa kamalian ng aming pinuno. Naiparating ko ang aming mga hinaing. Kaya naman, lalo akong na-inspired na ipaglaban ang tama at hikayatin ang mga kasamahan na magkasundo-sundo sa halip na maghilahan pababa.
Pero, bago ang mga ito, kinausap ko muna si Ma'am Irika tungkol sa maling ginawa niya noong pasahan ng report sa pinagagawang annual report ng aming immediate superior. Natuhan siya sa kanyang mali. Pinayuhan ko rin siyang maging sensitive at sumunod at makinig sa iba, huwag lang sa kanyang mga ka-grade level.
After class, nag-withdraw ako ng P10k para sa pandagdag sa pambili ng materyales. Tapos, bumalik ako sa school para sa bonding ng 1000 group sa aming tambayan --carwash slash resto slash spa. Kumain lang kami at nagtawanan. Tuwang-tuwa kami sa mga nangyayari. Ang grupo namin ay sadyang solido pagdating sa pagkakaibigan at prinsipyo.
Seven-thirty na kami umalis doon. Two hours din kaming tumambay. Grabe! Bitin pa nga, e.
Quarter to ten ako nakauwi sa bahay. Antagal kasi dumating ng bus. Traffic pa. Pero, okay lang. Safe naman akong nakarating.
Thankful ako sa Diyos sa mga na-achieve ko nitong buong linggo.
Enero 13, 2017
Pagkatapos ng unang period ko sa masteral, isang napakahabang paghihintay ang naganap. Tumambay ako sa may Pasay City Complex at Cuneta Astrodome. Nagsulat ako doon ng tula. Ipinagpatuloy ko rin ang akda ko tungkol sa idyomatikong linta, kalabaw, at langaw. Nakipag-debate/balagtasan pa ako sa ITW groupmates ko.
Past 5, saka lang nagsimula ang huling period. One hour lang tumagal ang reporting. Dalawa na silang nag-report. Lahat ay nagmamadali nang makauwi. Mabuti naman, excited na kasi akong makita ang banyo namin.
Medyo nadismaya ako sa mini-cabinet na ginawa niya. Mahina siya aa woodworks. Anyways, masaya ako dahil natupad na ang pangarap kong magkaroon ng comfort room.
Naipasa ko rin sa wakas ang manuscript, na ipina-proofread sa akin ni Miyu, ang nagsali sa akin sa Paper Bling Innovation.
Enero 14, 2018
Pagkatapos na pagkatapos kong magkape, naglinis kaagad ako sa sala at kusina. Andami kasing alikabok, dahil sa apat na araw na paggawa ng CR. Isinunod ko naman ang pagbabad ng mga damit. Saka ko, inayos ang mga cactus ko. Nilagay ko sa harapan ng bahay. Andami kasing tambak na gamit sa likod. Kailangan na talaga naming ipaayos ito sa susunod na magkapera.
Na-feel ko naman sa unang pagkakataon ang pagligo dahil sa maganda at komportableng banyo. Kay sarap maligo!
Hindi naman ako nakaidlip dahil nakipag-debate slash balagtasan ako sa ITW group. Pagkatapos, naglaba ako. Hindi rin ako nakapagpahinga pagkatapos kong magbanlaw kasi bumili ako ng angle valve, salamin, at iba pa.
Kahit kulang sa tulog, ayos lang. Masaya naman akong napagmamasdan ang mga pinagpawisan ko.
Enero 15, 2018
Nag-summative ako sa tatlong klase. Sa advisory class ko naman ay nagpa-groupwork ako. Hindi naman ako nakapag-Filipino dahil nakain na ang oras ko ng naunang guro. Okay lang naman dahil nagkaroon ako ng oras para interview-hin ang student-teacher ko-- si Mam Jade.
Magkakasundo siguro kami kasi interested siya sa literature. Ang nakatutuwa ay nagwo-word spoken poetry siya-- isa sa mga gusto kong subukang craft.
After class, umuwi agad ako. Past 3:30 ako dumating. Hindi pa nga ako nakaidlip, dumating na si Kuya Boy para i-install ang bedet. Ayos na! Pati ang salamin ay naipakabit ko na rin.
Marami pang dapat ayusin like ang lock ng faucet, masilya at pintura ng hanging cabinet at ceiling.
Enero 16, 2018
Kahit andaming hadlang para magpalitan ng klase at makapagturo ako sa advisory class, ginawa ko pa rin. Nagpa-groupwork ako. Tatlong beses. Sa tatlong subjects. Enjoy na enjoy ang student-teacher kong si Ms. Jade Ugay. Kahapon kasi, hindi na niya naabutan ang lesson ko.
Isang nakakatarantang pangyayari ang nagpawindang sa aming Grade Six teachers. Ito ay nang mahimatay ang isa kong pupil na babae. Isinugod na lang siya sa hospital nang hindi mapamulat ni Ma'am Joann.
Natawagan din ni Ma'am Dang ang lola at mama niya. Halos wala naman akong nagawa. Okay lang, at least, nagkamalay na siya after almost an hour.
Naawa rin ako sa mga kaklase niya dahil nag-iyakan. Akala ko noong una, dahil lang sa awa sa kaibigan nila, mas matimbang pala ang takot na baka senyales iyon ng epekto ng Dengvaxia. Karamihan.kasi sa kanila ay naka-full dose.
Kanina, bago ako bumiyahe pauwi, pumunta ako sa office ng principal. Kinausap niya ako tungkol sa school paper na pina-review at pina-evaluate ko sa kaniya. May ipinadadagdag siyang article. Kaya, kailangan ko ring matanggal. Ayaw ko na kasing magdagdag pa ng pahina para sa balitang isusulat pa lang.
Pagdating ko sa bahay, agad akong nagmasilya ng hanging cabibet sa CR at naglagay ng primer paint sa ceiling.
Past six ko na nagawa ang balita.
Enero 17, 2018
Unang araw ng 3rd Periodic Evaluation of Learning Outcomes. Nakadalawang subjects lang kami kasi hindi agad nagbigay ng test papers. Isa pa, hindi nagpa-test si Sir Vic. Gayunpaman, kaya pa namang habulin hanggang Friday.
Pumunta ako sa principal para sabihing gagawin ko na lang lathalain ang balitang gusto niyang idagdag ko tungkol sa Rotary Club of Makati Dasmarinas. Pumayag naman siya.
Past 12:30 bumiyahe na ako pauwi. Almost two hours, nasa bahay na ako. Agad akong nagpintura ng bathroom ceiling at hanging cabinet. Nang matapos, sinimulan ko namang lagyan ng primer ang wall ng kuwarto ko.
Nakakapagod at nakakahika ang amoy ng pintura pero kinaya ko at masaya ako sa resulta.
Enero 18, 2018
Ikalawang araw ng test. Ikalawang araw na rin ng pag-eedit ko ng school paper. Dinagdagan ko kasi ng pahina. So, nagdagdag din ako ng article.
Habang nagte-test naman ang pupils, nag-mentor ako kay Ma'am Jade. Tinuruan ko siya ng lesson planning. Sa Monday, magtuturo na siya.
After class, nakipagkuwentuhan ako sa mga kaibigan kong Grade 1 teachers. Sabay-sabay na rin kaming umuwi.
Pagdating sa bahay, umidlip muna ako. Past 4, sinimulan ko ang pagpipintura. Inubos ko lang ang laman ng isang litro. Andami ko pang kailangang pinturang puti para matapos ang dalawang kuwarto.
Dumating na rin aa wakas ang book na "Liwanag at Dilim." Kung hindi pa ako magsalita ng masakit, hindi pa ipapadala. Panay pangako.
Enero 19, 2018
Hindi pa rin tapos ang test. Nakakainis pa, mag-oobserve pa ang tatlong estudyante ng Arellano. Baka hindi pa ako makapaghanda ng lesson.
After class, nayaya ako ni Marekoy at Sir Joel na pumunta kay Ma'am Lolit. Hindi na ako nagdalawang-isip pa.
One-thirty, umalis kami sa school. Pito kaming magkakasama.
Ang layo ng bahay niya kaya halos past 4 na naming nahanap ang bahay niya.
Grabe ang pinagbago ni Ma'am. Hindi ko nga siya nakilala. Pero, good thing is okay na siya.
Past 5:30, umalis na kami. Kumain naman muna kami sa SM Fairview, bago muling bumiyahe. Past 11:30 na ako dumating sa bahay.
Enero 20, 2018
Nagbigay ng dalawang tanong si Dr. Pagulayan para sagutin namin sa papel, as prelims exam. Good for 50 points each. Ang tindi. Sa kasaysayan ng pagkuha ko MA, siya lang ang nagpa-prelims. Hindi pa naman open notes. Mabuti na lang, practical question ang isa. Ang isa naman ay nasilip ko sa notebook ko. (Nalito lang ako kay sumilip ako.) Tapos, nagpa-report pa. Inubos talaga namin ang 3 hours. Good prof, pero nakakagutom.
Sa Ecija Family ako nagpunta after class. Invited nila ako for lunch. Hindi pa nakapagluto, kaya nagkape at tinapay muna ako. Doon na rin ako nagpalipas ng oras hanggang past 4.
Past 6, tapos na ang klase. Kaya lang na-traffic ako. Gusto ko pa namang makauwi nang maaga para makapaghanda ng DLL at IMs para sa observation ng klase sa Lunes. Well, nagawa ko naman, pero hindi ako nakapag-download ng video ng Martial Law. Mahina ang net. Antok na rin ako.
Enero 21, 2018
Past 10 na kami nakompletong 1000 group. Nagkita-kita na lang kami sa Zinnia Towers. Hinainan kaagad kami ni Papang ng brunch. Pagkatapos ng masaganang almusal at masayang kuwentuhan. Iyon na ang ikalawang beses naming bonding doon.
Dahil ang purpose naman talaga namin ay gumawa ng action research at magtulungan, inupuan ko ang research ni Ms. Kris. Kahit paano ay may nagawa kami. Nakipag-brainstorming ako. Kaya lang, mahina ang net kaya hindi ako makapag-research nang maayos. Gayunpaman, na-enjoy namin ang bonding na iyon. Nabusog kami sa kulitan at tawanan.
Past 8 na ako nakarating sa bahay. Agad akong naghanda ng DLL. Nag-download din ako ng pictures about Batas Militar para sa observation ko bukas.
Enero 22, 2018
Hindi naman agad dumating ang observers ko from Arellano University. Past 10 na kami nakapagsimula. Okay lang din dahil naipatapos ko sa pupils ko ang checking of answer sheets at shading of bubble sheets. Nakapagturo na rin si Ma'am Jade. Na-consume nila ang mahabang oras sa group work, habang in-edit ko naman ang Tambuli.
Naging smooth naman ang observation at interview ko sa tatlong babaeng AU students/soon-to-be-teachers. Nasagot at naibigay ko ang mga kailangan nilang impormasyon tungkol sa curriculum.
After class, pumunta ako sa classroom ni Ms. Kris. Hindi pala siya nakapasok. Sina Ma'am Bel at Ma'am Ana ang naabutan ko roon. Nakipagkuwentuhan muna ako saglit bago umuwi.
Sa bahay, nagdilig muna ako ng halaman pagkatapos magmeryenda, bago ko tinapos ang editing ng Tambuli. Pangalawang review na iyon ni Ma'am L.
Enero 23, 2018
Nagpalitan na kami ng klase. Medyo nagkaproblema lang kami dahil kulang pa rin kami ng isa. Nasa sports training siya. Isang grading period na siyang wala. Okay lang naman sa akin. At least, nagagamit ko ang time niya para sa ibang makabuluhang bagay at gawain.
Nag-usap-usap kami kanina tungkol sa tinuran ng admin namin. Hindi niya talaga kayang masolusyunan ang problema ng grade level namin. Tanong pa niya, "Ano'ng gagawin ko?" Haist! Napaka-laidback! Na-HB na naman tuloy ako.
Mabuti na lang, dumating na ang sample ng anthology book ng VI-Topaz. Natuwa ako. Ang ganda ng loob. Iba nga lang ang book cover na ginawa. Hindi bale, ipapaayos ko pa naman. Medyo mahal nga lang ang pa-print sa kanila.
Umuwi agad ako pagkatapos kong kausapin si Ma'am Bel tungkol sa loan ko sa coop. Pagdating sa bahay, umidlip ako. Past 5 na ako bumangon para gumawa ng IM's at maghanda ng activities. Nag-edit na rin ako ng book at nag-print. Nai-send ko na rin sa principal ang pdf file ng school paper.
Enero 24, 2017
Mainit ang ulo ko maghapon dahil sa maiingay na klase. Hindi sila makaintindi. Na-realize kong dapat pala noon ko pa tinuruang mag-groupwork ang mga lower sections. Teacher-centered kasi ang style ko, kaya nang sila na ang gagawa at magsasalita, wasak ang klase. Natuliro sila. Gayunpaman, umaasa akong bago matapos ang school year, matututo sila sa akin, kahit hindi sila sinanay ng kanilang advisers.
Past 2:30 pm, nag-meeting kaming BOD. Na-late tuloy ako nang uwi. Pero, ayos lang dahil nakabili na ako ng wifi ng Globe habang naghihintay.
Enero 25, 2018
Walang palitan ng klase dahil wala ang tatlong teachers. Ayos lang sa akin. Naisakatuparan ko ang lesson ko sa advisory class ko. Nabasahan ko sila ng dalawang kuwento.
After class, natanggap ko na ang loan ko sa coop. Pampagawa ko ng lababo namin.
Bago ako umuwi, nakipagkuwentuhan muna ako kay Ms. Kris at kay Ma'am Bel. Sabay-sabay na kaming lumabas sa school. Past 4 na ako dumating sa bahay. Nagawa ko namang i-print ang SALN, Form 2, at test results bago mag-dinner.
Hindi na ako nakakapagsulat o nakakapag-edit. Okay lang! Trabaho naman ang mas importante.
Enero 26, 2018
Bago nagsimula ang Early Registration parade, nakapagturo na ako at nakapagpa-seatwork sa Filipino 6 class ko. Pagkatapos, nagpasulat ako ng balita gamit ang lesson ko (pang-angkop).
After class, pauwi na sana kami nang ma-invite kaming panghapon sa talk ng USANA. Mukhang effective naman ang mga food supplements nila, kaya lang mahal. Inabutan kami ng past 3:30 sa pakikinig sa kanila. Past 5:30 naman ako nakauwi. Nagpadala pa kasi ako sa Mommy ni Epr. Nanghiram sa akin ng P2000. Noong isang araw pa nga iyon ngayon ko lang napahiram.
Ako ang nagluto dahil naglaba si Nanay at wala pa si Emily. Naisingit ko rin ang paggawa ng assignment. Hindi ko nga lang nagawang mag-research para aa reports ko kasi humina ang signal ng wifi ko. Hindi ko rin tuloy nai-send ang entry ko sa Victory Publishing.
Enero 27, 2018
Nakapag-almusal pa ako sa CUP canteen bago ako umakyat at pumasok sa klase ko. Matagal-tagal pa bago nagsimula ang report.
Past 10, pinauwi na ang nakapagpasa ng insights. Nauna ako. Kaya naman, nakarating agad ako sa GES para sa early enrollment. May service credit ang mga pumunta.
Akala ko pupunta si Ms. Kris, hindi pala. Hapon na kami nag-chat. May mas mahalagang bagay siyang inasikaso. Okay lang naman dahil nandoon si Papang.
Ang saya naming lahat kanina. Nakapasok at nakakain na uli kami sa HE room. Although hindi iyon feeding, nagbibiruan kami tungkol sa pinagdaanan naming isyu.
Bumisita ang aming PSDS at DS. Pinuri nga ng huli ang Tambuli. Nahuli raw kami sa contest. Next time daw, sumali na kami. Sabi ko naman, hindi pang-national ang gawa ko. Gayunpaman, tumaba ang puso ko, lalo na't narinig ng mga kaguro ko.
Past 4, umuwi na kami. Past six na ako nakauwi sa bahay. Nauna pa ako kay Emily.
Enero 28, 2018
Maaga akong nagising. Hindi ko talaga magawang magbabad sa higaan, lalo na't may review pa rin si Emily. Ako ang gumawa ng mga gawaing bahay. Naglinis ako sa sala, sa kuwarto ko, at sa laundry area. Nagbabad din ako ng mga damit.
Past 1, umalis ako para mag-canvass ng price ng kitchen cabinet. Nang nakahanap ako, agad akong nagpagawa. Nag-down ako ng 50%. Gusto ko kasing magawa na agad ang kusina namin.
Ako na rin ang nag-grocery. Hindi nga lang ako nakapamalengke ng mga wet goods.
Naasar ako sa sim card slot ng cellphone ko. Hindi na makabasa ng sim. Kailangan ko nang bumili ng bago. Dagdag-gastos na naman.
Enero 29, 2018
Hindi nagpalitan ng klase. Ewan ko ba! Siguro dahil may estudyanteng isinugod sa hospital. Masakit na masakit ang tiyan. Ang estudyante ko naman, hindi nakapasok dahil may lagnat. Ang isa pa, pinasundo ko sa ama dahil masakit ang ulo at nasusuka. Ang hula namin, dahil sa Dengvaxia.
Gayunpaman, itinuloy ko ang pagtuturo sa advisory class ko. May group works. May written works.
After class, umuwi agad ako. Past 3:50 na ako nakauwi. Hindi naman ako nakaidlip dahil nagkuwentuhan kami ni Emily.
Past 5, dumating si Kuya Boy, ang karpintero namin. Nagbigay ng mga bibilhing materlayes. This week, sisimulan na niya ang lalabo at hagdan namin.
Before six, nasa tile depot kami ni Emily. Namimili ng mga materyales. Gusto ko kasing pareho naming gusto ang mga gagamitin sa bahay namin.
Pag-uwi namin, may dala pa kaming tuta. Nabili namin ng P50 sa pinsan ng tricycle driver na naghatid sa amin.
Enero 30, 2018
Nagpalitan na kami ng klase kahit may Values Formation mula sa Bethany. Pinag-groupwork ko ang Emerald. Ang Aquamarine naman ay tinuruan ko, kaya lang itinigil ko bago natapos ang lecture dahil may nga nagpasaway. Nagsesermon na lang ako. Nakakatawa lang dahil namalayan ko ang sarili kong nagtuturo uli ako kahit sinabi ko nang hindi ko na sila tuturuan.
Nanermon din ako sa advisory class ko bago umuwi. Paano ba naman kasi, ang iingay nila sa pilahan?! Walang mga disiplina. Sana naman tumalab ang mga sinabi ko. Paulit-ulit na lang kasi.
Nakipagkuwentuhan ako kina Ms. Kris at Ma'am Bel pagkatapos maglinis ng cleaners. Past 3 na kami umalis sa school.
Sa bahay, inayos ko ang higaan sa labas ni Angelo, ang aming tuta. Inalisan ko rin siya ng mga pulgas habang bumibili si Emily ng dog food.
Na-realize kong masaya pala talagang mag-alaga ng aso. Nakakawala ng stress. Kaya nga, kahit hindi ako nakapag-download ng videos para sa AP6 ko, okay lang. Mahina ang net, e. Hindi na ako makokonsensiya kung bakit hindi ako nakapaghanda ng teaching material. Isa pa, mayroon na naman akong naihanda kahapon.
Enero 31, 2018
Gusto kong magturo sa lahat ng klase, kaya lang hindi nakipagpalitan ang mga kaguro ko. Akala kasi nila, tuloy ang LAC session with principal. Naghintayan kami. Isa pa, nag-meeting kami tungkol sa graduation at proposal for fund ng graduation.
Gayunpaman, nakumpleto ko ang turo sa advisory class ko. Mapalad sila dahil marami silang napala sa akin. Malas naman ang iba dahil hindi ako nakapasok sa kanila. May ilang estudyante nga na nag-aabang na sa turo ko. Naeengganyo sila sa kuwento ni Marcos at Aquino.
After class, umuwi agad ako. Past 3 ako dumating sa bahay. May kaunting kuwentuhan kami ni Emily, bago ako umidlip. Past 5:30 na ako bumangon. Nakabawi na ako sa puyat, kahit paano.