Followers
Thursday, February 1, 2018
Ang Aking Journal - Pebrero, 2018
Pebrero 1, 2018
Hindi ako masyadong nagsalita sa mga klase ko kanina kasi video viewing ang technique ko. Effective naman sa iba, pero sa iba, hindi. Kahit ano pa kasi ang style ko, wala silang pakialam. Hindi mahalaga sa kanila ang learning. U, na nakakainis lang. Kailangan ko pa ring magsermon.
After class, may LAC session kaming AM teachers with the principal. Past 3 na kami natapos. Past five na ako nakauwi.
Nagkape lang ako, saka ako nagdilig at naglinis sa labas kung saan natutulog si Angelo.
Ang kulit at ang harot niya. Hyper. Nakakatuwa rin kahit paano kasi alam kong mapapalaki namin siya at magiging bantay ng aming tahanan.
Pebrero 2, 2018
Hindi ako lumipat sa.ibang klase. Para kasing ayaw rin nilang lumipat sa advisory class ko. Okay lang naman. Nasolo ko ang oras sa kanila. Marami silang natutuhan sa akin. Naaliw rin ako sa mga outputs at performances nila.
After class, ginawa ko na ang action research ni Papang. Kaya lang, inantok ako bandang alas-dos. Past three na ako bumaba kina Ms. Kris para maghintay kina Papang. Magbi-birthday treat siya.
Sa Shakeys- Harrison Plaza niya kami dinala. Buo na naman ang 1000 plus 1.
Past 9 na ako nakauwi. Sobrang traffic at nasiraan pa ang bus na sinakyan ko. Kulang na naman ako sa tulog.
Pebrero 3, 2018
Kahit kulang sa tulog, sinikap kong makapasok nang maaga sa unang period ko sa masteral. Hindi ako na-late. Nakapag-almusal pa nga ako.
Nag-stay ako sa school (GES) after class. Nag-research ako tungkol sa 'Motivation.' Ako ang mag-rereport next Saturday. Sinimulan ko na ang powerpoint presentation.
Sa school, kinausap ko si Ma'am Laarni tungkol sa Tambuli. Kinumpirma ko kung aabot ba ang printing bago ang graduation. Aniya, aabot daw. Dapat lang! Ayaw kong masayang ang efforts namin.
Past 3, umalis na ako sa GES para i-claim sa Palawan ang padala ni Epr as kabayaran sa nahiram niya.
Before 4, nasa CUP na ako. More than an hour akong naghintay para sa last period. Five na nagsimula. After an hour, uwian na.
Masakit ang ulo ko nang nasa biyahe ako hanggang sa makauwi ako. Wala tuloy ako sa mood para sa family bonding. Nagpahinga ako agad.
Pebrero 4, 2018
Maghapon akong active. Naglinis. Nagpaligo sa tuta. Naglaba. Nag-gardening. Naghanda ng IMs. Nag-grocery. Pero, kahit paano, nakaidlip ako bago umalis. Hindi na nga ako nakipag-meeting sa SULAT Pilipinas admins at hindi na rin ako dumalo sa HOA's assembly. Okay lang naman. Mas gusto kong mag-stay at gumawa sa bahay kaysa maglakwatsa.
Pebrero 5, 2018
Walang palitan ng klase kasi absent si Ma'am Milo. Prorated naman ang mga estudyante niya. Nasa akin ang apat.
Gayunpaman, nagbigay ako ng summative test sa AP at nagturo ako sa Filipino at ESP. Na-enjoy naman nila ang bawat activity.
Kinausap ako ni Ma'am Laarni. Aniya, dapat daw ay sumali kami sa school paper contest sa NCR. Next year daw, hindi na niya ako bibigyan ng anumang trabaho maliban sa SPA. Maaga pa lang daw ay magsimula na akong mag-develop ng journalists.
After class, nag-picture-taking kaming faculty members. Agad naman akong umuwi pagkatapos. Antok na antok kasi ako. Nakaidlip naman ako kahit paano pagdating ko. Saka lang ako naghanda ng instructional materials, paggising ko.
Kahapon pa ako walang internet connection. Nakakainis! Ubos na agad ang P1000 load. Hindi pa umabot ng dalawang linggo. Kailangan ko ng unlimited.
Pebrero 6, 2018
Sa Filipino 6, binigyan ko ng isang masayang karanasan ang VI-Topaz nang talakayin ko ang kaibahan ng 'Opinyon at Katotohanan.' Sa una, pagpa-game ako. Sa ikalawa, nagpasulat ako ng tiglilimang katotohanang napag-aralan nila sa Araling Panlipunan 6, gayundin ng opinyon. Ikatlo, nagasulat ako sa papel ng tigsasampung katotohanan tungkol sa kanilang sarili. Halimbawa, "Pinapapak ko ang Magic Sarap." Pagkatapos, pinahulaan ko sa kanila kung sino iyon. Tawa kami nang tawa. Pero, mas na-enjoy namin ang last part. Nagpasulat uli ako ng tig-iisang katotohanan sa kanilang sarili. This time, mas revealing at interesting ang isusulat. Sumali ako. Pina-raffle ko at pinahulaan ulit isa-isa. Inabangan talaga nila ang bawat bubunuting katotohanan.
Umuwi agad ako pagkatapos ng klase. Alas-3 nasa bahay na ako. Umidlip ako't nagpahinga bago nagdilig ng halaman at gumawa ng instructional materials.
Ang karera ko ay paulit-ulit, pero hindi nakakasawa. Hangga't may batang natututo at nasisiyahan, magtuturo pa rin ako.
Pebrero 7, 2018
Si Sir Vic lang ang pumasok sa klase ko, maliban sa akin. Mabilis lang naman kaya hindi halos nabawasan ang time ko.
Sa Filipino time namin, nagturo ako ng "Paggamit ng Pang-angkop." Binasahan ko sila ng kuwento. Binasa ko ang unang dalawang kabanata ng "Idolo." Napaiyak ko ang halos buong klase. Grabe ang ngungoy nina Xian at Janna. Kahit umiiyak halos kami, tawa kami nang tawa dahil sa kanilang pag-iyak.
Hindi talaga ako binibigo ng kuwentong iyon. Tuwing binabasa ko, lagi akong umiiyak. Gusto pa nga nilang ituloy ko ang pagbabasa. Kaya lang, may group activity pa kami.
Past two na kami ni Ms. Kris nakalabas sa school. Nakipagkuwentuhan pa kami sa Grade 1 teachers.
Paat 4 na ako nakauwi. Agad naman akong gumawa ng IMs. Nakapagbasa at nakapag-judge na rin ako ng 12 entries sa writing contest ng ITW.
Pebrero 8, 2018
Nagturo si Ma'am Jade ng Filipino 6 sa klase ko, gayundin si Sir Vic. Kaya, halos kaunting oras lang akong napagod sa kanila. Actually, masaya ako kanina kasi napansin kong panay ang patawa ko sa kanila. Panay ang hugot ko kagaya kahapon.
Bago mag-uwian ang mga bata, nag-meeting kami tungkol sa graduation. Gumawa kami ng plano at budget proposal na ihaharap namin sa principal.
Past 1:30, humarap na kami sa kanya. Past 3 na kami natapos. Hindi naman ako agad na umuwi dahil tinapos ko pa ang PowerPoint presentation ng report ko sa masteral class sa Sabado.
Past 5:30 na ako nakabiyahe pauwi.
Pagdating ko, natuwa ako sa bago naming kitchen cabinet. Worth it naman ang binayad ko.
Pebrero 9, 2018
Sinimulan ko ang araw ko nang masayang mood. Naging kenkoy ako sa buong klase ko kahit nag-iiyakan ang mga estudyante ko, gawa ng makakaiyak nilang graduation songs.
Para akong si Mr. Bean. Gusto-gustong nila iyon. Alam ko, babauin nila iyon sa kanilang journey.
Nag-enjoy rin ang mga estudyanteng naki-sit in.
Gayunpaman, nagturo ako sa AP at Filipino. May groupworks pa rin sila. Pinaka-enjoy lang sila sa mga antics ko. Grabe! I can't believe na magagawa kong maging komikero. Pinaka-funny acts ko so far. Ginagawa ko naman iyon dati, pero iba ang kanina. Para akong timang. Pero, hindi corny at OA.
After class, nakipaghuntahan muna ako kay Ms. Kris at sa dalawa sa makakasama ko sa pagpunta sa burol ng biyenan ng kasamahan namin.
Past three na kami nakarating doon. Five na kami umalis. Nagkuwentuhan pa kasi kami.
Past 7, nasa bahay na ako. Tired, pero masaya. Feeling accomplished ako ngayong araw.
Pebrero 10, 2018
Hindi ako naka-report kasi may seminar sa school. Hindi naman ako um-attend. Sa halip, pumunta ako sa GES at tumambay ako sa classroom ni Ms. Kris, habang may issuance of report card. Matagal din kaming nagkuwentuhan about marriage life namin.
Past 12, kaming 1000 group ay nag-lunch sa KFC- Harrison Square. Nagtagal din kami roon. Past 2 na kami natapos sa kuwentuhan at tawanan.
Nauna si Ms. Kris sa pag-uwi. Kaming apat (Kasama si Makki) ay pumunta sa HP. Binilhan ni Papang ang anak niya ng rubber shoes. Bago mag-3, papunta na ako sa CUP. Naghintay lang ako ng halos isang oras, in-announce na wala na kaming pasok. Pagod daw ang prof namin. Tuwang-tuwa ako dahil makakauwi ako nang maaga.
Pebrero 11, 2018
Maaga akong bumangon dahil marami akong gagawin. Alam ko rin na aalis si Emily, for LET review, at si Nanay, para dumalo sa birthday sa Bacoor.
Naglinis agad ako sa kulungan ng tuta bago nag-almusal. Sinunod ko na ang paglilinis sa kuwarto, kusina, at sala. Nakapag-gardening pa ako, bago ako nag-print ng mga DLLs para bukas.
Bago nakaalis si Nanay, umalis muna ako para bumili ng dog food at dog soap.
Nang kami na lang ni Zillion, saka na lang ako nakapagpahinga. Hindi nga lang ako nakaidlip nang matagal dahil sa kaluskos at sound ng TV. Hindi rin siya nakatulog dahil nagbasa raw aiya at nag-drawing. Pero, ang pinakamabuti kong nagawa ay nang napabasa ko siya ng children's book na English. Pagkatapos, binasahan ko siya, with translation. Storytelling kumbaga at may question and answer pa. Nasagot naman niya lahat kahit in Filipino.
Past six na dumating sina Emily at Nanay galing sa party. Andami nilang dalang food.
Pebrero 12, 2018
Napuyat ako kagabi dahil sa hika ni Zillion. Panay ang nebulize sa kanya ng ina, kaya halos gising pa kami kahit hatinggabi na. Apektado tuloy ang mood ko sa harap ng klase.
Umuwi rin ako agad pagkatapos ng klase. Akala ko kasi nakapagsimula na ang karpintero sa paggawa ng lalabo at hagdan namin. Pinostponed pala ni Emily dahil nagsusuka ang anak namin. Okay lang naman. Mas mahalaga ang health.
Kahit paano, nakaidlip ako pagdating ko. Past 5 na ako bumangon para magmeryenda.
Pebrero 13, 2018
Halos wala nang pormal ang klase. Excited na ang mga bata sa graduation. Busy naman ang mga guro sa Valentines' Day celebration. In fact, ginawan ko ng script ang dalawang pupils ko para sa kanilang pag-e-emcee bukas.
Nagpakanta rin akong mga graduation songs at nagpadula-dulaan. Hindi naman ako nakapili ng magpre-present. Kulang pa sila sa emosyon.
After class, nakigulo ako sa Grade 1 teachers bago ako umuwi. As support ko iyon sa kanila.
Past 4, nasa bahay na ako. Natuwa ako dahil may natapos na ang karpintero. Worth it ang pera ko.
Pebrero 14, 2018
Nagdiwang ng Valentine's Day ang GES ngayon. Tinawag nila itong Love Fest. Hindi man ako nanalong sa Mr. Valentine, kahit runner-up, masaya naman ako dahil sa maraming rason.
After ng klase, nag-TQC kaming Grade 6 teachers, kasama ang aming MT. Past 3 na kami natapos.
Past 5, nakauwi na ako. Halos tapos na ang lababo. Nasimulan na rin ang hagdanan. Ilang araw na lang, makikita ko na ang resulta ng aking pinagkagastusan.
Pebrero 15, 2018
Nagpa-groupwork ako nang nagpa-groupwork sa advisory class ko. Natuto sila sa sarili nilang kakayahan at pagsisikap. Effective.
After class, nagkaroon ng meeting ang mga parents at teachers ng graduating class. Pinag-usapan na ang graduation. Nag-classroom meeting din pagkatapos para sa bigayan ng card. Mabilis ko lang inihayag ang mga agenda.
Past 5, na-meet ko si Reagan. Ang kaklase dati ng kapatid ko sa Polot, na pumupunta sa bahay tuwing lunch para doon kumain ng kanyang baon. Barkada niya rin si Epr.
Binigyan niya ako ng tuta. Babaeng tuta. Tinaggap ko na kahit babae at posibleng dumami dahil kulay puti ang mabalahibong katawan at may itim sa magkabilang pisngi. Ang cute niya. Mas cute siya kay Angelo.
Past 7 na ako nakauwi sa bahay.
Pebrero 16, 2018
Chinese New Year ngayon, kaya non-working holiday. Kaya lang, hindi naman talaga rest day. Mas marami pa nga ang trabaho sa bahay. Okay lang naman.
Napaliguan ko ang dalawang tuta. Mabuti na lang dahil natanggalan ko sila ng mga pulgas, ba siyang dahilan ng kanilang pangangati at pagsusugat.
Nakapaglaba rin ako at walang katapusang paglinis. May time rin ako para umidlip, kaya lang mainit. Hindi ako nakahimbing. Dumating pa sina Marekoy para kausapin ang karpintero.
Almost done na ang hagdan namin. Bukas, pipinturahan na lang niya.
Pebrero 17, 2018
Sa wakas, nakapag-report na ako sa 'Psycho-Social Foundation of Education." it's about motivation. Motivated silang mag-participate dahil may reward ako. Sa bawat sasagot, binibigyan ko ng kapirasong papel. Then, ini-raffle ko after discussion. Binigyan ko ng anthology book na 'Ang Buhay ay Isang Tula.' Na-appreciate nila ang book at report ko.
After class, tumambay ako nang napakatagal para sa second period.
Past 8:30 na ako nakauwi.
Pebrero 18, 2018
Bumangon ako nang maaga para maglinis, maglaba, magdilig, at magpaligo ng mga tuta. Isang nakaka-energize na umaga ang nangyari. Para akong walang kapaguran. Sulit ang Sunday.
Umidlip ako after lunch pero bumangon din agad at nagpatuloy sa paglilinis at paglaba. Gabi na ako nakapag-print ng DLLs. Okay lang naman dahil masaya kong ginampanan ang mga tungkulin ko since nasa review si Wifey.
Pebrero 19, 2018
Halos wala nang pormal ang klase, pero sige pa rin ang pagpupunyagi naming matuto ang mga estudyante. Nagpa-groupwork pa rin ako at nakipagpalitan ng klase.
Umuwi naman agad ako after ng klase dahil gusto kong paliguan ang tuta. Kaya lang, nang napaliguan ko, saka naman naglayas. Hindi na ito bumalik. Mabuti na lang, nahanap ni Emily ang babaeng tuta. Ipinasok na lang namin siya sa loob ng bahay para hindi na lumayas. Hindi ko na rin siya ipamimigay.
Naistorbo ang tulog ko nang dumating ang mukhang perang service driver ni Zillion. Hininto lang namin ang serbisyo niya, kung ano-ano pa ang sinabi. Kesyo may utang na loob kami sa kanya at hindi siya maka-vale sa amin. Sinungaling na matanda! Samantalang kami nga ang dapat magalit sa kanya dahil nagpapabayad pa siya tuwing magpapahatid o magpapasundo si Ion kapag Sabado para sa school activities. Hindi raw niya trabaho. E, kabayaran naman iyon sa mga araw na absent ang bata. Ang gago pa, naningil pa ng P500. Binigyan ko na lang para matigil na. Sana may customer pa siyang makuha.
Hay, ang tao nga naman! Nag-iiba ang ugali pagdating sa pera.
Pebrero 20, 2018
Busy kanina masyado. May seminar ang ilang Grade 6 pupils with Manila Tytana Colleges, kaya nabawasan ang estudyante ko sa classroom. Idagdag pa ang pagdating ng Bethany Baptist Church at mangilan-ngilang magulang para magbayad. Gayunpaman, nakapagturo ako't nakapagpa-activity sa klase ko. Naisingit ko rin ang pag-fill up ng application forms ng mga bata sa isang high school at ang paghanda ng nomination form ng "Ang Batang Matibay Awards 2018" para kay Chealsey. Hapon, nagkaroon ng LAC session ang GED faculty with our district supervisor. Past 3 na kami natapos.
Past 6 na ako nakauwi. Natuwa ako sa finish product ng karpintero. Wortg it ang P7500.
Bumalik na rin ang tuta naming si Angelo. Kaya lang, parang tumanda siya dahil patuloy pa rin siyang nangangamot. Halos lagas na ang balahibo niya. Nakakaawa siya, pero malaki ang tiwala kong mapapagaling ko siya.
Bukas, ibibigay ko na kay Mrs. Ecija si Angela --ang dating Lazada.
Pebrero 21, 2018
Naging maingay at magulo ang klase ko dahil kay Angela. Aliw na aliw sila sa makulit na tuta habang hinihintay ang mag-aampon sa kanya.
Nang dumating para kunin na, may umiyak pa. Grabe! OA pero kahit ako ay nalungkot. Kahit paano, napamahal na sa akin ang pet na iyon. Gayunpaman, kampante akong magiging mabuti ang kalagayan niya sa bago niyang tahanan.
Nagpatulong ako kay Ma'am Jade para i-conduct ang post test ng Phil-IRI habang may ginagawa ang mga bata.
After class, umuwi agad ako. Pagdating, umidlip agad ako. Nagising ako sa pagdating ni Marekoy. Pasado alas-kuwatro na iyon.
Pebrero 22, 2018
Hindi natuloy ang 3D film showing, kaya nagpa-groupwork na lang ako. Kahit paano, na-occupy ang mga bata.
After class, nag-stay ako sa classroom para hintayin sina Papang at Mj. Pagkatapos ng klase nila, saka kami pumunta kay Ms. Kris. Hindi siya nakapasok noong Lunes pa dahil nagka-Bell's Palsy siya. Gayunpaman, masaya pa rin ang aming bonding. Past 7 na kami nakaalis sa kanila. Past 8:00 naman ako nakauwi.
Pebrero 23, 2018
Sa kasamaang-palad, isang aksidente ang kinasangkutan ko, papasok pa lamang ako. Nabangga ng helmet ang kaliwang tuhod ko. Buwiset kasing motorista iyon, nasa manibela ang kanyang helmet, na sa halip ay nasa ulo niya. Nabangga niya tuloy ako. Samantalang nakaupo lang ako sa likod ng drayber. Tapos, imbes na tanungin ako kung okay ako, siya pa ang may ganang magtapang-tapangan. Inireklamo niya ang driver ng traysikel na sinakyan ko. Sabi ko nga, "Sige na. Ihatid niyo na ako sa kanto." Anong sige, anito. Sabi ko naman, "Ako na nga ang nasaktan..." Iniwan ko sila--- mga walang balak panagutan ang ginawa nila sa akin. Kung hindi lang mahalagang makapasok ako, pareho ko silang irereklamo. Pareho silang mali.
Ininda ko ang sakit habang nasa biyahe ako. Pagdating naman sa school, inaplyan ko ng cold compress pagkatapos kong mag-chat kay Papang. Kahit paano, naibsan ang sakit at pamamaga nito.
Naging busy ang mga estudyante ko. Nag-radio broadcasting. Nag-GAD ang mga babae. At, nanuod ng 3D movie. Natapos ang buong araw.
Umuwi rin agad ako para palagyan ng Emily ng mayana ang maga kong tuhod. Then, umidlip ako hanggang 5 pm. Ang sarap daw ng tulog ko.
Pebrero 24, 2018
Sa first period ng masteral class ko, nanuod kami ng "Every Child is Special." Grabe ang iyak namin. Nakaka-inspire! Napanuod ko na iyon, pero ang ganda pa rin.
Before 12, binisita ko sa JRES ang mga scouts ng Gotamco. Sumali sila sa 11 th Councilwide Jamboree. Nag-stay ako roon hanggang 2:30.
Sobrang sakit ng ulo ko. Hanggang sa makauwi ako, ramdam ko pa rin. Nag-shake ako ng Indian mango, kaya kahit paano ay naibsan ang sakit.
Pebrero 25, 2018
Maaga akong bumangon para maaga akong makagawa ng mga gawaing-bahay. Pagkaalis lang ni Emily papunta sa kanyang review, nagsimula na akong maglinis sa sala at kusina. Isinunod ko naman ang garden. At, habang nakababad ang mga damit, nagpintura naman ako ng kuwarto ko. Hindi nga lang natapos ang isang side dahil tira lang iyon sa ginamit sa hagdan at TV rack. Napaliguan ko na rin si Angelo at nakapag-print ng mga DLLs.
Pagkatapos kung umidlip, bandang alas-dos y medya, nag-grocery naman ako. Nagkasunuran lang kami ni Emily ng dating.
Worth it ang maghapon ko.
Gabi, naikuwento ko kay Emily na ihahatid ni Taiwan si Mama dahil mauubos ng road widening ang bahay niya. Medyo namoblema siya, pero later natanggap na niya dahil uuwi na rin sa March 12 si Nanay. Kailangan ng kasama ni Zillion.
Pebrero 26, 2018
Na-late ako ng pasok sa school. Hindi kasi ako kaagad nakasakay ng bus. Okay lang naman dahil hindi tumakas ang mga estudyante ko. Naghintay sila sa akin habang naka-Indian sit. Binabantayan sila ni Ma'am Jade.
Nakapagturo ako ng dalawang subjects sa advisory class ko kahit hindi nagpalitan ng klase. Nakapagplano rin kami nina Ma'am Jade at Sir Rence para sa kanilang demo teaching sa Huwebes.
After class, kinausap ko ang mga parents ng na-involved sa hubaran act last Friday. Tatlong estudyante ang nagtulong-tulong para hubaran ang kaklase nilang lalaki. Isa namang kaklase ang kumuha ng picture at nag-post sa GC, kaya nakita ko.
Kasalukuyan akong kumukuha ng larawan sa Gender and Development seminar ng mga babae nilang kaklase tungkol sa sexual harassment. Napaka-ironic!
Pebrero 27, 2018
Naging abala ako sa paglilinis sa aking classroom habang nagtuturo ang aking intern. Medyo naayos ko naman nang kaunti. Naibalik ko sa steel drawer ang mga kapapelan. Then, natanggal ko ang mga alikabok sa shelves. At, naiayos ko ang table at desktop ko.
Nagpalinis din ako sa mga estudyanta after class. Nag-mop sila ng sahig.
Past 1:30, nagkaroon ng meeting kaming Grade 6 teachers at parents-officers ng graduating class.
Pagkatapos, nag-apply kami ng provident loan sa DO nina Marekoy at Sir Joel. Inabutan kami ng alas-5 doon. Mabuti naipasa namin. Nakuha ko na rin ang appointment paper ko as Teacher 3.
Past 7, nakauwi na ako.
Nainis ako sa aking mag-ina. Ang wife ko, hindi chinarge ang solar panel. Sayang ang araw.
Ang son ko, may sakit na naman. Hindi nakapasok. Nasasayang lang ang binabayad ko sa service. Lagi na lang absent. Ayaw pa namang gamutin ng ina, gamit ang oregano at honey. Gusto niyang laging gamitin ang nebulizer.
Nakakainis talaga!
Pebrero 28, 2018
Nagkaroon kami ng election of graduating class officers pagkatapos ng flag ceremony. Hindi rin naman ako nakapagturo dahil nagturo ang dalawang practice teachers sa advisory class ko. Alam kong ready na sila. Tinulungan ko pa nga silang mag-ayos at maglinis ng classroom.
Hindi ako agad na umuwi dahil nag-edit ako ng Tambuli. Ipapa-print na ni Ma'am. May nakita pa siyang errors. Mabuti na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment