Followers

Friday, March 2, 2018

Ang Aking Journal -- Marso, 2018

Marso 1, 2018 Na-highblood ako kaninang umaga sa dahil sa ugali ng mga nakakataas sa akin. Una, nalaman ko ang mga nangyari sa pagitan ng intern ko at principal, nang tsinek niya ang lesson plan. Kung ano-anong nakakasakit sa damdaming salita ang pinagsasabi na animo'y balewala ang pagme-mentor ko. Kesyo naituro na niya lahat ang subjects kaya walang karapatan si Ma'am Jade na magrason. In the first place, wala siyang karapatang kutohan ang LP ng intern ko dahil ipinagkatiwala na niya sa akin ang pagiging resource teacher. Next time siguro, siya na ang mag-mentor. Sa opisina niya pag-demo-hin. Huwag nilang gamitin ang klase ko. Ikalawa, late ng isang oras si Milagros-- ang matandang professor at ang dating principal sa Pasay. Walang professionalism. Nang dumating pa, akala mo kung sinong artista. Gusto pa niyang salubungin siya. Hindi ko nga pinansin. Pinatawag niya ako twice pero hindi ako nagpakita. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko, mapagsalitaan ko siya. Dahil sa kanya, naaway ko rin ang dalawang security guards nang pinabalik nila ang pupils na nasa baba para umihi. Bawal daw dumaan doon, which is not good kasi iyon ang pinakamabilis na daanan papunta sa comfort room. Isa pa, hindi sila nakakagala kapag doon dumaan. Nang nag-subside ang galit ko, bumaba uli ako at nag-apologize. Nalaman kong kagustuhan ng principal na padaanin ang mga bata sa mga classroom na may klase. Walang logic, kaya nakakainis. Kami ang nahihirapan. Naging matagumpay ang demo ni Ma'am Jade. Alam kong nakahinga na siya nang maluwag. Sureball na ang graduation niya. After class, tumabay ako kina Ms Kris. Nakakuwentuhan ko doon siya at sina Ma'am Bel at Ma'am Vi habang naghihintay ng alas-4. Niyaya kasi nila akong dumalo sa 7th birthday ng pupil nila sa La Verti. Marami kaming napagkuwentuhan lalo na tungkol sa mga issue sa school. Kumukulo lang lalo ang dugo ko sa mga traydor sa grupo. Marso 2, 2018 Nagturo na ako sa Filipino, kaya lang pagkatapos iyon ng miting de avance ng SPG. Movie review ang topic namin. After class, nagkaroon ng miting kaming mga GES Faculty Officers. Sumunod naman ang BOD Board meeting. Pagkatapos niyon, kaming 1000+ group at nag-late lunch sa KFC. Inabutan kami roon ng 5 o' clock dahil sa kuwentuhan, tawanan, planning, at brainstorming. Andami na namang issue sa school. Marso 3, 2018 Halos tamang-tama ang dating ko sa CUP. Magsisimula pa lang ang reporter. Nakinig ako nang husto at nag-participate kaya naman naka-flat one (1.0) at 1.25 ako sa seatwork (insights). Pinuri pa ako ni Dr. Pagulayan. After ng first period class ko, pumunta ako sa HP. Nag-windowshop lang ako sa SM saka tumambay na. Nang magutom ako, nag-lunch ako sa Chowking. Gusto ko sanang mag-stay doon dahil malamig, kaya lang sumakit na naman ang ulo ko, gaya last week. Naisipan ko na lang pumunta sa GES. Doon ako umidlip hanggang 4. Past 6:30 na kami pinauwi sa last period class ko. Nagpanuod pa kami ng inspiring videos at nagkuwentuhan. Malapit na kasi ang finals. Past 8:30 ako nakarating sa bahay. Nagkape ako habang kumakain ng dinner. Kahit paano naibsan ang sakit ng ulo ko. Naisip kong dahil hindi ako nakapagkape kaninang umaga at kaninang hapon kaya sumakit ang ulo ko. Ganoon din kasi ang nangyari last Saturday. Marso 4, 2018 Maaga akong nagsimulang maglinis. Gaya nang dati, inuna ko muna ang sala, kusina, at banyo, bago ang kuwarto ko. At, habang kinukusot ni Nanay Mila ang binabad kong mga damit, nagmasilya naman ako sa kuwarto ko. After lunch na ako nakapagbanlaw at nakapagsampay. Umidlip lang ako bago ako nag-grocery. Pagdating ko, nagluto ako ng pansit canton para may meryenda kami. Saka ko naman naayos ang kabinet ko. Kahit paano ay na-organize ko na. Madali nang hanapin ang mga gusto kong isuot. Nang dumating si Emily, mula sa review, namublema ako sa sinabi niya. Magkakasabay kasi kaming aalis sa March 16. Siya sa Las Pinas. Overnight doon hanggang March 17. Paano ang bahay, ang mga halaman, at ang tuta? Bahala na! Marso 5, 2018 After ng klase, umuwi agad ako oara umidlip at mag-ipon ng lakas para sa biyahe namin ni Papang papunta sa Mangaldan. Mabuti na lang, nakatulog ako sa kabila ng init ng panahon. Dumating pa si Marekoy, kaya medyo naistorbo pa. Past 8, umalis na ako sa bahay. Hindi ko na naabutan ang LRT kaya nag-dyip na lang ako papunta kina Papang. Marso 6, 2018 Dahil hindi kami nakabiyahe nang bandang 1:00 am, alas-10 na kami nakarating sa Dagupan. Kung alam lang namin na hanggang 11 pm lang ang biyahe ng Victory Liner sana inagahan namin. Na-late pa naman ako ng dating sa condo nina Papang. Eleven, nagkita-kita na kami nina Mamu sa school nila. Napatunayan ko rin na naikukuwento niya ako sa mga estudyante niya, kaya may ilang babaeng estudyante roon na bumati sa akin hindi lang bilang wattpad writer kundi sa akong penname. Sinabi pa nila ang mga novel na kanilang inaabangan. Nakakatuwa! Nagpa-picture pa sila kasama ako bago kami umalis sa school nila. Ganoon pala ang feeling ng may fans. Dahil malayo ang bahay ni Mamu mula sa school at dahil biglaan daw ang punta namin, napilitan siyang mag-halfday. Isinama niya kami sa bahay ng kaibigan niya. Doon niya kami pinakain ng lunch. Doon na rin itinuloy ang aming kuwentuhan. Pagkatapos, pinuntahan namin ang school ni Donya Ineng. Saglit lang kami roon. Nagtagal kami sa bahay ni Mamu. Doon na kami nagkuwentuhan, nagtawanan, at nagbiruan nang husto. Past 4 na kami pumunta sa beach para maligo. Hindi ko masyado na-appreciate ang dagat dahil maalon sa oras na iyon. Isa pa, biglang dumami ang mga dikya kaya napaahon kami. Gayunpaman, na-stress down kaming tatlo, kasama ang anak ni Mamu. Dinner time. Kina Donya Ineng kami. Isang masaganang hapunan ang inihanda nila sa amin. Sobrang busog ko. Past 8, hinatid na kami sa sakayan ng dyip. Past 9, nasa bus na kami. At past 12 midnight, nasa condo na kami. Hindi na ako umuwi sa Cavite para makapasok ako nang maaga. Sayang ang oras at pamasahe kapag uuwi pa ako. Mabuti na lang, nakatulog ako kahit paano. Marso 7, 2018 Natulog agad kami pagdating sa condo nina Papang. Kahit paano masarap ang tulog ko. Past 4 nang bumangon siya. Four-thirty niya ako ginising. Before 6, nasa school na ako. Nag-start na ang periodic test. Sinamantala ko naman ang chance para umidlip. Kaya lang, maingay sila. Walang humpay na pagsaway ang ginagawa ng iba. Gayunpaman, nakaidlip ako. Nabawasan ang bigat ng ulo ko. Kaya lang, na-high blood na naman ako nang hindi agad pinalabas ang pupil ko na inutusan kong magpapalit ng P1500 dahil ibabalik ko sa parents ang graduation donation nila. Sa inis ko, nag-post ako sa group namin. Lalo naman akong nagpuyos nang sumagot pa ng pabalang ang principal. Imbes na sagutin niya ang tanong ko, ako pa ang inutusang basahin ang mensahe ko. E, nagpatawag siya ng emergency meeting. At, siya ang nag-ungkat. Hayon, binalitaktakan ko na naman siya gaya dati, sa harap ng mga Grade Six teachers at MTs. Akala niya siguro, uurong ang dila ko. Naipahayag ko na hindi niya dapat ipinagbabawal ang pag-utos namin sa mga bata. Paliwanagan niya ang mga sikyu na pahayagan ang mga inuutusang bata lalo na kapag kailangan. Mas marami kasi ang maiiwanang bata sa silid kapag ang guro pa ang bababa o lalabas. Para talagang wala siyang puso para sa mga teachers. Kapakanan lang (kunwari) ng mga bata ang nasa isip niya, pero ang totoo, pinipersonal niya ang guro. Ayaw makinig sa kanyang mga tauhan. Ang kanya ay kanya. Hindi naman puwede iyon. Ang nakakainis lang, ayaw magsalita ng mga kaguro ko. Ako at ako na lang ang laging naglalabas ng saloobin. Haist! Past 4 na ako nakauwi. Agad akong umidlip. Past 6 na ako nagising at bumangon. Ang sarap sa pakiramdam! Marso 8, 2018 Walang test kanina. Hindi nakapag-Riso. Kaya naman, tumambay lang ang mga pupils ko. Kami namang Grade 6 teachers ay nag-meeting lang. Kinausap din namin ang principal tungkol sa graduation. Ako naman, maaga pa lang naihanda at naipasa ko na ang mga listahan ng achievements ng mga honor pupils. After class, nagkuwentuhan pa kami habang kumakain ng mangga. Past 2 umuwi na ako. Gaya kahapon, umidlip ako. Hindi nga lang ako nakatulog nang husto. Mas maaga rin akong nakapagdilig ng mga halaman. Marso 9, 2018 Science lang ang na-test ng pupils ko kanina. Kaya naman, naipa-present ko sa kanila ang final performance nila sa radio broadcasting. Natuwa ako sa kanilang outputs. Kaya, after ng kanilang pagbabalita, nagsalita ako sa harap. Pinuri ko sila. Nagbigay ako ng inspirasyon. Hinikayat ko silang ipagpatuloy at gamitin sa high school ang mga natutuhan nila sa akin. Pagkatapos niyon, pinasulat ko sila ng sanaysay tungkol sa karanasan nila sa isang buong school year naming pagsasama. Gusto ko kasing marinig mula sa kanila ang kanilang mga damdamin. Nais kong malaman kung natuto ba sila at nag-enjoy. Bago nag-uwian, halos mapaluha ako sa mga sinulat nila. Nakakataba ng puso. Ramdam ko ang kanilang sinseridad. Natutuw ako sa kanilang mga salita. Napakatatas na nilang manalita. Ramdam ko rin ang kanilang kalungkutan dahil magtatapos na ang kakulitan nila nang sama-sama. Before 2, pumunta kami ni Janelyn sa DO-Accounting Office para pirmahan ng payroll ng Provident Loan. Umuwi din ako agad. After kong umidlip, ginawa ko ang report cards ng mga outstanding pupils ko. After magdilig, ang visual aids ko naman sa report ko bukas ang hinarap ko. After dinner ko naman iyon napag-aralan. Marso 10, 2018 Nahiya ako sa herpes ko. Sugat na naman kasi ang lower lip ko dahil dito. Napansin tuloy ni Dr. Pagulayan na tahimik ako at ayaw mag-recite. Later part na ako nag-participate. Afterwards, tumambay ako sa CUP. Nag-charge ng cp, nagbasa ng report, nagsaulo ng SWP, at umidlip. Bago ako nag-window shopping sa may ukay-ukay store at Novo. Tumambay uli ako bago mag alas-3. Matagal akong naghintay ng mga kaklase. Kaunti lang ang dumating. Wala rin si Dr. Estuche, pero nag-report ako. Sumunod ang dalawa pa, na hindi naman talaga nag-report. Para lang makauwi na kami. Past 6:30, nasa bahay na ako. Nauna pa ako kay Emily. Natuwa ako sa biglang paglaki ni Angelo. Hindi na siya puppy. Malapit na siyang maging aso. Parang kailan lang. Pero, sana lang ay gumaling na ang galis niya at magkabalahibo na uli siya. Marso 11, 2018 Sinimulan ko nang maaga ang paglilinis. Kaya lang, sa kalagitnaan niyon, biglang nawala ang tulo ng tubig. Nahinto ang ginagawa ko. Mabuti na lang at nakapagbabad na ako. Past 11:30 na bumalik ang tulo. Fulfilled ako ngayong araw. Hindi nga lang ako nakapag-grocery dahil naglaba pa ako. Ikalawang batch na iyon. Hindi rin ako nakaidlip nang maayos dahil maingay sa kabilang bakuran, gawa ng birthday party. Nagluto na lang ako ng pasta. Nakapag-update din ako ng novel ko sa watty. May mga readers akong nagmamadali kaya sinikap kong magdugtong ng isang.chapter. Marso 12, 2018 Maaga pa lang, inayos ko na ang pagpasa ng ranking of honors. Kaya, bago natapos ang recess ng mga pupils, natapos ko na. Sana maaprubahan agad ng superintendent para mai-schedule naman ang deliberation. Nagkaroon din ako ng time para basahin sa harapan ang mga sanaysay nila tungkol sa pagtatapos at sa mga karanasan nila sa Topaz. Nakakatuwa talaga ang mga sinulat nila. Nakakataba ng puso. Masasabi ko ngang naging mabuti akong guro, tatay, at kaibigan sa kanila. Hindi ko lang sila naturuang magsulat at napatuto, napasaya ko pa sila. Past 10:30 nagsimula na ang unang graduation rehearsal. Inabutan kami ng 12:40 pm sa baba. Kaya naman, late na ang lunch namin. Past 2:30 na ako nakauwi dahil tumulong pa ako sa paggupit ng patterns para sa styro letter cuttings. Kinausap rin ako nina Sir Hermie at Archie tungkol sa administration ng aming punungguro. Kinumpirma ko ang aking pakikiisa sa kanilang mga plano. Hapon, nagkuwentuhan kami ni Emily. Halos dalawang buwan din kaming hindi nakapagkuwentuhan nang ganoon. Siguro dahil nakauwi na kanina si Nanay. Nagplano kami tungkol sa ipapagawa nating dirty kitchen at laundry area. Marso 13, 2018 Ikalawang araw ng graduation practice. May kanya-kanya nang upuan ang mga graduates. May action na ang doxology. Napraktis na rin ang pagtanggap ng diploma. After class, nagpintura kami ng letter boxes para sa stage. Natuwa kami kasi maganda ang outcome. Nakatulong ang gold na glitters. Natuwa rin ako dahil pumayag si Chealsey, ang pupil na may high honors, na kausapin ang mommy niya para mag-blowout. May pumunta kasing caterers para sa affordable na packed lunch. Siguro ay natuwa rin dahil nominated ko siya as Respect Awardee ng East-West Bank at Batang Matibay Award ng Bear Brand. Maliit na halaga lang naman iyong ipapakain niya kumpara sa natamo niya sa school. Five na ako nakauwi. Natuwa ako sa nabiling washing machine ni Emily. Tuwang-tuwa rin siya. Nakapaglaba na nga siya. Marso 14, 2018 Maaga pa lang, nakontak ko na si Epr. Nakumpirma ko ang pagdating nila ni Judilyn sa bahay ngayong araw. Halos magkasunuran lang kami nang dating. Mga 5 pm na ako dumating. Gabi na nang nabigyan namin sila ng mga instructions dahil pareho kaming aalis ni Emily nang maaga. Maiiwan sa kanila si Ion. Sila na ang mag-aasikaso sa pagpasok nito. Marso 15, 2018 Maaga kaming nagpauwi nang klase. Shortened naman talaga dahil periodic test. Kaya naman, natuloy kaming Grade Six teachers na kumain sa Tramway Buffet. Past 2 na kami lumabas. Dalawang oras din kaming kumain at nagkuwentuhan. Pagkatapos niyon, tumuloy ako sa Pag-IBIG para palitan ang temporary number. Wala pang isang oras, tapos na ako. Bumalik ako sa GES. Nakasalubong ko naman sina Ms. Kris at Ma'am Bel. Papunta na sila sa Shakey's para hintayin sina Papang, Macky, at Mj. Birthday ni Mj bukas. Nagkuwentuhan kami doon ni Ms. Kris habang nasa bangko si Ma'am Bel. Marami kaming napagkuwentuhan bago kami nakompleto. Isa na namang masayang bonding ang nangyari. Past 6:30 na kami natapos kumain. Past 8:30 na ako nakauwi. Dahil dito, nagdesisyon akong hindi na lang pumasok. Kailangan ko pang maghanda ng mga damit ko. Marso 16, 2018 Mga 10 ng umaga, nasa biyahe na ako papunta sa Pasay para sa trip to Davao ko. First time ko roon. First time ko ring bumiyahe nang libre. Hindi ko man first time humarap sa mga tao para mag-emcee, first time ko namang mag-host ng book signing event. Hindi ko first time kong maka-meet ng mga sikat na writers, pero first time kong ma-introduce sila at makasalamuha sa loob ng dalawang araw. Twelve, nasa NAIA Terminal 3 na ako. Na-meet ko roon sina Greenlime8, Blue_Maiden, at Sic Santos. Although, may gap sa gitna namin, hindi naipakita ko naman naipakita ang aking fanaticism, gaya ng iba. Hindi ko naman talaga sila kilala. At, hindi ko binasa o nabasa ang mga akda nila, maliban sa akda ni Cris Ibarra. Ako ang nag-asikaso ng pagpapa-baggage counter ng bagahe ni Tina Lata aka Blue_Maiden. Ako na rin ang nagbantay sa conveyor. Masaya ako dahil sa mga first-times ko, kaya lang nagutom ako sa dahil na-delay ang flight. Madilim na nang makalabas kami sa airport. Past 8 na nang makapag-dinner kami. Gayunpaman, masaya ako dahil naging bahagi ako ng event na iyon. Na-meet ko na si Ms. Heaven, ang sales manager ng F&A Bookshop. Sa Jack's Ridge kami nag-dinner. Maganda ang lugar. Dinarayo siguro iyon ng mga turista at kahit local eople. Nagkataon pang Araw ng Dabaw ngayon, kaya dagsaan talaga ang mga diners. Masarap naman ang mga pagkain. Sulit ang pagkagutom ko. Kung makakabalik ako, babalikan ko ang lugar na iyon. Overlooking kasi iyon ng Davao City. Ang ganda! Habang kumakain, nakapagkuwentuhan kami ni Ms. Heaven. Naikuwento niya ang mga naging problema niya sa pag-organize ng event. Niyaya niya rin akong mag-host uli ng event sa May 5-9. Hindi ako nag-commit. Sabi ko lang, "Bahala na." Gusto ko munang magustuhan niya ang hosting skill ko. Pagkatapos kumain, pumunta kami sa Matina Town Square. Para lang siyang venue para sa enjoyment. May mga bars, restos, coffee shops, at iba pa. Dahil fiesta nga nila, may mga bandang tumutugtog. Hindi nga lang ako nakapanuod maigi dahil mabigat ang bag ko. Inabutan kami roon ng mga halos hatinggabi. Plakda talaga ako pagdating sa hotel. Okay lang naman dahil si AkosiIbarra pa ang nagyaya sa akin na sa kuwarto na niya ako matulog. Siguro doon naman talaga ako, wala lang nagsabi sa akin. Kasama rin namin si Sic. Marso 17, 2018 Hindi naman ako excited sa hosting engagement ko, pero maaga akong nagising at nakaligo. In fact, kinakabahan nga ako. First time ko sa isang very public na event. Nakatulong pa ako sa registration at sa pagbenta ng merchandise bago nagsimula ang DMBS. Grabe! Nakakakaba talaga ang humarap sa humigit kumulang 400 persons, sa Davao pa. Gayunpaman, na-overcome ko kaagad ang stage fright ko. Nagulat ako sa sarili ko. Mabuti na lang, game ang mga millenial readers o mga fans ng millennial writers, kaya napakanta at napa-spoken word poetry ko sila, as entertainment habang ang book signing is on-going. Nakilala ko pa ang sikat na group performers ng Davao-- ang The Center Stage. Nag-goosebumps ako. Ang gagaling nila! Naging vocal ako sa pagpapasalamat at pagpuri sa kanila. Kaya naman, may kumuha pa ng FB account ko. Need ko rin sila sa future engagement ko. Sobrang pagod ko bago ako nakatulog, pero worth it naman. Another experience to treasure and to tell. Naka-meet pa ako ng mga bagong kakilala at kaibigan. Hindi man ako nakapag-selfie kasama ang mga sikat na writers, nakasama ko naman sila. Alam ko, maa-identify nila ako sa susunod na pagkikita o kahit sa FB. Marso 18, 2018 Late na kaming nag-breakfast. Actually brunch na iyon. Ten na, e. Ipinatawag pa nga ako ni Ms. Heaven para marinig ang usapan nila ni Cris Ibarra. Natuwa naman ako dahil naging bahagi ako ng F&A Bookshop, na talaga namang gumagawa ng pangalan. Past 2 na rin kami nag-lunch. Namili pa kasi kami ng pasalubongs sa Lola Abon's. Sulit naman ang ipinambili ko dahil expense-paid na nga ang airplane tickets ko at hotel accommodation. After niyon, nag-crocodile ice cream lang kami sa Davao Crocodile Park. Okay lang naman. Para lang naman kasing zoo iyon. Nakarating na ako noon sa branch nila sa Pasay. Then, bago kami inihatid sa airport, pumunta muna kami sa Gap Farning Resort. Very supportive ang husband ni Ms. Heaven dahil may dala pa siyang drone para kuhaan kami ng larawan at video sa magandang pasyalang iyon. Nature, history, farming, at culture in one. Worth it ang pagbaba at pag-akyat sa burol! Nalungkot lang ako dahil nalimutan yata ni Ms. Heaven ang anthology books ng VI-Topaz. Naunawaan ko naman dahil mahirap talagang mag-organize ng event. Hindi pa nga niya kami nabayaran ng PF namin. I hope hindi niya malimutan ang pangako mga niya. Past eleven o'clock, nasa NAIA 3 na ako. Hindi na ako umuwi sa bahay. Sinubukan kong makatulog sa upuan doon. Marso 19, 2018 Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sobrang lamig ng upuan sa airport. Maingay pa ang mga biyahero at mga tagasundo. Four, bumiyahe na ako papunta sa school. Sobrang aga ko pa kaya nahiga ako sa sofa, na nasa canteen. Mabuti na lang at nakaidlip ako. Energetic at active pa rin ako habang may rehearsal ang mga bata. Nakapamigay pa ako ng mga pasalubong sa mga piling kasamahan. Shortened ang klase dahil may meeting ang faculty with Sir Villacorta about Brigada Eskwela. Past na na ako nakabiyahe pauwi. Good thing is nakaidlup ako sa biyahe at gayundin pagdating ko. Bawi ko na ang pagod at puyat. Marso 20, 2018 Maaga kaming nagpraktis ng graduation rite, kaya maaga ring natapos. Natapos kong gawin ang mga cards nila, maliban sa 'number of days present.' Sa hapon, sinimulan ko na ang pagkopya ng mga details from Form 138-E to Form 137-E. Past five na ako nakatapos ng original copies. May mangilan-ngilang problema pero magagawan ko iyon ng paraan bago mag-checking sa Huwebes. Kaninang tanghali, dumating si Ma'am Jade. Nagpapirma siya ng form. Binigyan niya rin ako ng regalo. Isang poetry book ang laman niyon. Although, English ang language, natuwa ako dahil pareho kaming mahilig sa poetry. Isang spoken word poetry collection iyon. Aniya sa kanyang letter, na nakaipit sa book, iyon daw ang nakapag-inspire sa kanya para pasukin ang mundo ng SWP. Chinat ko naman si Ms. Heaven bandang hapon. Tinanong ko kung aabot sa graduation ng mga pupils ko ang anthology books na pina-print ko sa kanya. Oo raw. Sana nga. Puro na lang kasi siya pangako. Kino-consider ko ang ka-busy-han niya, pero sana i-consider niya rin ang pinag-usapan namin. Marso 21, 2018 Maaga pa rin akong pumasok kahit may baccalaureate mass ang mga graduating pupils. Wala pa ang mga kasamahan ko, kaya nakapag-send pa ako ng entry sa DENR-EMB Poetry Writing Contest. Nakapag-layout rin ako ng certificates na ipapamigay ko sa April 3, sa classroom recognition. Past 7:30 na nagsimula ang recollection, kaya late na natapos ang baccalaureate mass. Hindi naman ako nainip. Nag-enjoy ako sa activities at film showing sa recollection. Marami akong natutuhan. Pagkatapos, inilibre kami ng lunch ng parent ng pupil ni Marekoy. Sa Tramway niya kami pinapunta. Isa na namang masaganang kainan ang nangyari. Before 2:30, nasa school na kami para gawin naman ang mga forms namin. Hindi ko natapos, pero bukas kayang-kaya na. May problema lang sa isang estudyante dahil dalawa ang kanyang LRN. Five-thirty na ako umuwi. Hinintay ko pa sina Papang at Mj. Kaya naman, 8 na aki dumating sa bahay. Pagod ako, pero masaya. Marso 22, 2018 Nalungkot ako kanina kasi nagkomento si Marekoy sa post ko. Hindi ko maintindihan. Bisaya kasi. Pakiramdam ko, na-gets niua ang mensahe ng shared post kong quotation. Ayaw ko namang mag-away kami. Gusto ko lang namang malaman niyang galit ako sa pagiging palapuna niya sa iba, samantalang hindi niya nakikita ang mali niya. Iniwasan ko siya. Pero, nang wala na ang mga estudyante, nakipagkuwentuhan na siya sa akin. Nagkamali lang siguro ako. Or sana nagkaroon ng realization. Pinilit kong tapusin ang mga school forms. Inabot akong alas-3. May isa pa akong aayusin dahil wala siyang duplicate copy. Haist! Five-thirty na ako nakalabas sa school dahil tinulungan ko pa sina Ma'am Dang at Sir Joel sa kanilang paghahanda ng report. Past 7 na ako nakauwi. Marso 23, 2018 Bago magsimula ang Gawad Parangal 2018, nasa school na ako. Confident ako sa suot kong pink pong sleeves polo at men's blazer, gamit ang aking grey skinny jeans. Para nga raw akong magdyi-JS prom. Kaya lang, napakiusapan ako ni Ma'am Ana na maging photographer. Okay lang naman. dahil I love capturing moments. Nainitan at pinagpawisan nga lang ako. Successful ang recognition day. Masaya kaming lahat. Panay din ang biruan, kahit inabot ng ala-una. Itinuloy din naming 1000 group ang bonding sa Century Park Hotel dahil invited kami ni Mj sa 7th birthday ng kanyang pamangkin. Kompleto kami, kaya buo ang saya at tawanan. Wala rin humpay ang groufie. Past 8:30 na kami umalis at past 10:30 na ako nakauwi sa bahay. Sobrang antok ko na, pero ayos lang. Marso 24, 2018 Maaga akong nakarating sa school, kaya nakapag-almusal pa ako. Nauna rin ako kay Dr. Felipa M. Pagulayan sa pagpasok sa classroom. Nagulat ako nang sabihin ng prof ko na, "Froilan, we missed last time." Speechless ako. Tumimo pala ako sa isip at puso niya. Nakatulong ang mga insights ko. After ng klase, tumambay ako sa Harrison Plaza. Nag-window shopping muna ako sa mga ukay-ukay store at SM Department Store para maghanap ng long sleeves polo at amerikana, nasusuutin ko sa graduation. Bago ako nag-lunch, nakabili na ako ng kakailangan ko. Natuwa ako kasi for less than P1000, may coat na, may dalawang pagpipiliang polo. Pantalon at neck/bowtie na lang ang kailangan kong bilhin sa susunod na araw. Hindi naman nagklase kay Dr. Estuche. Nagkainan lang ng pizza. Mabuti nagpa-late ako. Hindi naman pala magtuturo o magre-report. Nag-bonding lang sila. Past 6:30, bumiyahe na ako pauwi. Sobrang traffic, kaya magna-9 na yata nang dumating ako. Nasa Manila na si Emily. Nag-hotel siya, kasama ang mga naging kaibigan niya sa Carl Balita Review Center, para sa LET nila bukas. I hope, hindi lang siya makapasa, mag-topnotcher pa. Marso 25, 2018 Maaga akong nagising. Okay lang naman dahil marami akong gustong gawin. Naglinis ako sa kuwarto, kusina, at sala. Naglaba rin ako ng mga napamili kong damit sa ukay-ukay. Ako rin ang naghanda ng mga pagkain namin. Kahit paano, naipatikim ko sa mag-asawang Epr at Judy ang aking mga lutuin. Hapon, umidlip ako habang nanunuod ng tv. Sulit na ang isang araw na bakasyon, lalo na't nakapagsulat pa ako ng update sa novel ko. Past 8 na dumating si Emily. Tiwala akong makakapasa siya. Marso 26, 2018 Kalahati lang ng klase ko ang pumasok gayundin ang ibang section. Ang iba nga, wala pang 20. Kaya naman, wala munang rehearsal. Pinag-decorate ko na lang sila para sa aming classroom recognition. Hindi naman ako nakapag-enter ng average sa LIS. Ang hina ng system. Nakakainis! Andami kasing pakulo ng DepEd. Maghapon ako sa school. Twelve hours na ako, pero ni isang pupil ay hindi ko na-update ang status. Nakakaantok maghintay. Marso 28, 2018 Nakatulog ako nang mahaba-haba. Past 5 na ako nagising. Kahit paano, nakabawi ako ng ilang araw na puyat. Kaya naman, napaka-energetic ko kanina sa general rehearsal. After general rehearsal, nagbigayan ng toga, ribbons, at programme. Ipinaiwan ko ang mga parents ng mga pupils na may honors. Binasa ko sa kanila ang kanilang average at siyempre, binati ko sila. Binigyan ko rin ng word of encouragement para ipagpatuloy nila ang kanilang nasimulan. After ng parents, ang mga estudyanteng nagpaiwan naman ang binasahan ko ng spoken word poetry ko. Matagal nilang inabangan iyon. Kaya naman, naging matagumpay ako para mapaiyak ko sila. Walang humpay ang iyakan at yakapan ng mga pupils ko. Nakakatuwa! Nakita ko kung paano nila pinahalagahan ang mga memories at friendship nila. After niyon, nakipag-meeting ako with coop board members. Later, ang 1000 group with Lester ay nag-lunch sa KFC. Inabutan kami doon ng alas-3. Marami kaming napagkuwentuhan. Sulit ang araw na ito. Marso 29, 2018 Nakapag-usap kami ni Mama. Nalaman ko ang mga plano niya tungkol sa kanyang pagtira mag-isa sa isang bahay, kapag na-demolish ang bahay niya roon at kapag nagdesisyon ang lahat na ibenta ang lupa sa Polot. Siyempre, ayaw naming pareho na maibenta sa murang halaga ang lupa. Gusto niya ring maoperahan na ang kanyang cornea. Kahit sinabi niyang matatanggap niya kapag hindi na, ramdam kong mas nais niya ang nakakakita. Kaya naman, binigyan ko siya ng pera para makapunta sila ni Taiwan sa EAMC. Ipinakukumpirma ko sa doktor kung kailan siya ooperahan. May pera na para sa kanila, kaya sana i-schedule na siya. At kung ayaw talaga, sana bigyan na lang siya ng referral sa ibang doktor. Before 10:30, umuwi na ako. Masaya akong makita si Mama. Hindi man niya ako makita, alam kong ramdam niya ang kagustuhan kong makakita siya. Mag-isa man siya roon, alam kong hindi siya pinababayaan ng Diyos. Past one, dumating ako sa bahay. Umidlip ako bandang alas-dos at nagising pasado alas-4. Ang sarap sa pakiramdam nang nakapahinga. Gabi, dahil Holy Thursday naman, ipinanuod ko kina Emily, Zillion, Judy, at Epr ang "Every Child is Special." Nagustuhan din nila ang pelikula. Marso 30, 2018 Nag-grocery ako bandang alas-9 ng umaga. Mabuti na lang bukas ang Puregold. Pagdating ko, naghanda ako ng lunch namin. Pork burger with malunggay, sauteed chicharo in oyster sauce, at fried galunggong daing angbulam namin. Busog much! Nagustuhan ni Ion ang chicharo. Sayang isang balot lang ang nabili ko. Hapon, nanuod lang kami ng tv hanggang gabi. Worth it ang holiday! Nakapagsulat at nagkapag-edit din ako. Marso 31, 2018 Napuyat ako kagabi dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Akala ko nga may bagyo. Kawawa si Angelo dahil naulanan siya at natulog sa basang sahig. Naawa ako pagkakita ko. Nanginginig siya. Nanuod lang kami ng tv maghapon. Pahinga talaga. Nagluto rin ako ng pasta para sa aming meryenda. Gabi. Nagpagupit ako. Sa Monday na kasi ang graduation.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...