Followers

Saturday, July 14, 2018

Ako, Bilang Anak at Kuya


Nang umalis ang aking ina para mamili ng mga paninda, ako ang inatasan niyang maghanda ng pananghalian, samantalang ang isa kong kapatid ang nakatoka sa paglilinis ng sala. Mayroon ding naghanda ng mahabang dulang. Nilagyan na niya ng mga baso, plato, at kubyertos ang hapag-kainan.
            Habang nagsasaing ako, natanaw ko sa durungawan ang aking bunsong kapatid na ngumunguyngoy. Dali-dali akong tumakbo palabas upang alamin ang sanhi ng kanyang pag-iyak. Nabatid kong dahil sinakmal siya ng aming alagang aso. Agad ko siyang binuhat papasok sa bahay. Sa banyo, hinugasan ko nang maigi ang sugat niya mula sa umaagos na tubig ng gripo at sinabon ko. Hindi ko siya mapatahan, pero agad ko namang naampat ang pagdurugo ng sugat niya sa paa.
          Pagkatapos, tinawagan ko sa awditibo si Mama upang umuwi agad, habang ang iba kong kapatid ay pinapatigil sa pag-iyak ang nakababata naming kapatid. Binigyan nila ng tsampoy, kaya nanahimik ito. Iyon kasi ang paborito niyang kendi.
          Nang maayos na ang kalagayan ng aking kapatid, saka ko naaalala ang aking sinaing. Kumaripas ako ang takbo papunta sa kusina nang makaamoy ko ang alimpuyok. Grabe! Nasunog na pala ang kanin.
          Hay, naku! Hindi talaga maiiwasan ang mga negatibong pangyayari. Laging may kapalpakan at kapahamakan. Kaya, kailangan lagi ng masidhing pag-iingat.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...