Followers

Thursday, January 3, 2019

Ang Aking Journal -- Enero 2019

Enero 1, 2019 Masaya naming sinalubong ang 2019. Hindi man ako masyadong showy, naipakita ko naman iyon sa pamamagitan ng pakikisalo sa Manila sa Media Noche. Alas-onse na yara iyon nang umaga nang magising kami at nakapag-almusal. Pagkatapos, sinipag akong maglinis, magpaligo sa aso, at maglaba ng mga basahan, since umaraw na. Past 2, after kong bumati sa mga FB friends at magbasa, natulog ako. Kay sarap sa pakiramdam! Ngayong 2019, nais kong mas maging marami ang achievements ko. Self-publishing. Authorship. Zines. Ang Pamana Publishing. Nais ko ring mag-business. Mag-travel. Mag-invest. At magpagawa ng bahay at bumili ng mga kasangkapan. At siyempre, patuloy pa rin akong magiging mabuti at effective na guro. Hindi ko rin siyempre isasantabi ang mga obligasyon ko kina Mama, Hanna, Zildjian, Emily, at Zillion. God bless me. Enero 2, 2019 Gusto ko sanang matulog pa hanggang 8 am, kaya lang ginising na ako ni Emily. Ihahatid kasi niya sa NAIA sina Nene at Kaylee na uuwi na sa Aklan. Iwan si Ion, kaya kailangan ko na talagang bumangon. Inihanda ko ang aming almusal. Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako sa garden, sa kulungan ng aso, sa kusina, at sa sala. Past 12 hindi pa rin ako tapos. Naabutan pa nga ni Emily ang ibang mga gamit na hindi pa naibalik sa dati. Gayunpaman, umaliwalas ang kabahayan. Lumuwang. Itinago ko na kasi ang Christmas tree. Bukas, balik-eskuwela na. Parang hindi pa ako ready, pero kailangang pumasok. Enero 3, 2019 Akala ko mahihirapan akong makasakay, kaya bumangon ako bandang alas-3:20. Hindi pala mahirap sumakay. Hindi na rin dumaan sa PITX ang mini-bus. Kaya naman, 5:15 pa lang ng umaga ay nasa classroom na ako. Hindi naman ako nakaidlip dahil nag-Facebook ako. Na-miss ko rin ito. Ilang araw nang walang internet. Nag-post din ako ng kuwento ko sa blog at watty. May 15 estudyante ng pumasok sa klase ko. Ang ibang sections, mayroong zero, may isa, at may tigtatatlo. Wala naman problema dahil may ipinagawa ako sa kanila. Una, nagtanggal kami ng Christmas decoration sa sa stage. Pangalawa, pinasulat ko ng resolutions gamit ang mga pandiwa. Pangatlo, pinatulong ko ang ilan sa paggawa ng display sa bulletin board. Natapos kami past 12:30 na. Worth it naman ang pagod dahil na-appreciate nila. Nag-iba nga ang plano. Hindi na raw lalagyan ng trivias. Purely artwork na lang daw iyon. Okay lang naman sa akin. Past 1, nakisabay na ako sa Grade1 teachers sa paglabas ng school. Antok na antok na kasi ako, kaya gusto kong makauwi nang maaga. Mabuti, hindi ako na-traffic. Nakaidlip din ako sa bus kahit paano. Gabi. Nag-try akong mag-paint gamit ang water color. Mabilis akong nakatapos ng dalawang artworks. Na-satisfied ako, pero alam kong mag-i-improve pa ako kapag hindi ko minadali ang paggawa at pag-aaralan ko pa. Enero 4, 2019 May limang estudyante pa rin akong pumasok sa klase kanina. Sa inis ko, pinaglinis ko na lang sila sa classroom. Nang ma-bored sila, umuwi na lang. Mabuti, pinayagan ng guards. Nasa meeting kasi ako nang umalis sila. Ang tagal kasi naming nagkuwentuhan pagkatapos. Alas-dose, naimbitahan ako ni Ma'am Leah na sumama sa kanila sa pamamasyal sa Acienda sa Silang, Cavite. Agad akong nag-commit dahil akala ko nature ng pupuntahan. Past 2 na kami nakaalis sa school. Past 4, nasa kina Ma'am Fatima na kami, nagmemeryenda. Past six na kami nakapunta sa Acienda. Slightly disappointed ako sa nakita ko. Hindi naman pala nature ang Achienda kundi parang BGC sa Taguig. Gayunpaman, nagandahan ako sa lugar. Picture perfect kumbaga. Magaganda naman ang mga views and decorations. In fact, ang dami kong pictures and selfies. Naisip ko nga ang mag-ina ko. Sana maisama ko sila roon. Past 8:30, nakabalik kami kina Ma'am Fat. Doon na kami nag-dinner. Past 11:30, nang makauwi. Natagalan ako. Ang hirap kasing sumakay sa St. Dominique. May outing pa naman bukas. Enero 5, 2019 Past 5, nasa GES na ako. Naroon na rin sina Sir Joel, Ma'am Anne, Sir Hermie at ang dalawa niyang kumpare sa PVES. Hinihintay namin ang sasakyan. Nang dumating, agad kaming bumiyahe para pik-apin sina Ma'am Fatima at ang mga nilutong pagkain. Sa Hilario Hot Spring sa Calamba kami pumunta para mag-bonding. Tinawag ni Ma'am Venus na HukbaLaku ang grupong nabuo. Sobrang saya ngkantahan, tawanan, kainan, languyan, inuman, at kulitan. Salamat kina Sir Hermie at Ma'am Anne sa pag-finance. Salamat din kay Ma'am Fat and family sa paghanda ng pagkain. At sa Guillermo couple sa sasakyan. Past 9 na ako nakauwi. Busog, kahit pagod. Natulog agad ako na masaya ang puso. Enero 6, 2019 Nabawi ko rin ang ilang gabing puyat ko. Kahit paano mahaba-haba rin ang naging tulog at pahinga ko. Pero, hindi naman ako magpahinga maghapon dahil naglinis ako sa banyo, nagpaligo ng aso, naglinis ng doghouse, nagbalot ng mga librong kinoloketa ko, nagdilig ng mga halaman, at nag-artwork. Nag-bonding kami ni Zillion sa water color painting. Nagustuhan niya iyon. Sana magtuloy-tuloy na at makahiligan na niya. Gabi, naghanda ako ng DLL at learning materials ko para bukas. Back to reality na. Dumating si Epr bandang alas7:30 ng gabi. May dala siyang mga talong at pipino. Ang dami! Tamang-tama, mababaon ko bukas. Enero 7, 2019 Hindi ako masyadong nahirapang bumiyahe. Maaga akong nakarating sa school Hindi rin ako gaanong nahirapang magturo. Gusto ko kasi ang ginagawa ko. Nabasahan ko na sila ng kuwento, naibida ko pa sa kanila ang mga books ko. Na-inspire ko rin silang magsulat para kumita. Ang VI-Love, hindi pa rin nagbabago. Madadaldal pa rin sila. Gayunpaman, hindi ako dapat ma-stress sa kanila. After class, nagpa-meeting ang MT namin. Tungkol iyon sa IPCRF. Na-stress ako kasi naiinis ako sa RPMS na iyan. Gayunpaman, willing akong gawin for goodness' sake. After meeting, naglinis ako ng classroom. Bukas na raw kasi makikipag-share ng room ang Grade 5 sa amin. Nagawa ko namang maisayos ang silid ko bandang alas-4. May time pa ako para mag-youtube. Hindi nga lang ako nakapag-download ng mga kailangan kong files, na hinahanap ni Sir Erwin. Humina kasi ang net doon. Nakauwi ako bago mag-8. Enero 8, 2019 Kompleto na kaming Grade Six teachers, kaya naging maayos ang palitan ng klase. Medyo mabilisan nga lang ang turo dahil nabawasan pa ng limang minuto ang bawat subject. Nagsimula na kasi ang pag-renovate ng rooms. Kailangang makipag-share ng classrooms ng ibang grade level. Past one, nasa CUP ako para sana mag-inquire kung paano mag-enroll sa compre. Kaya lang, wala roon ang secretary, na siyang accommodating sa mga queries. Umuwi na lang ako. Past 3:30, nasa bahay na ako. Nakapanuod pa ako ng Showtime. Nakagawa rin ng LMs nang mas maaga. Hindi ko rin pinalampas ang pagwa-water color painting. Nakakaadik na kasi. Sana may mahanap akong free workshop nito. Enero 9, 2019 Ikatlong araw ko nang makapagturo nang inspired. Kaya naman, inspired din ang mga bata. Natataaas ang kanilang iskor sa formative test. Ikalawang araw din ng shortened classes, kaya naman nagsa-suffer ang last period ko. Kailangang mabilisang kong maituro ang lesson. Mabuti na lang nauunawaan nila. Ikalawang araw ko na ring pumunta sa CUP para itanong kung makakapag-compre ako. Nabigo na naman ako kahit nakausap ko ang dean ng graduate studies. Sa June pa raw uli ang compre. Hindi raw puwede ang isa lang ang magko-kompre. Hindi na ako nakiusap kasi mukhang hindi naman uubra. Umuwi na lang ako agad. Umidlip ako pagdating ko. Nakapag recharge ako para makapaghanda ng IM. Nakapagdilig din ako ng mga halaman. Enero 11, 2019 Nakakainis kanina ang biyahe ko papuntang Pasay. Sa PITX na talaga lahat mag-i-stopover. Dagdag-pasahe na, dagdag pa sa oras. Kaya naman, na-late ako. Traffic na rin kasi sa paligid ng terminal. Kahit late ako, nagturo pa rin ako ng idyoma. Sa ibang sections, nakapag-story reading pa ako. Na-enjoy nila ang kuwento kong may koneksyon sa idyoma. After class, nag-LAC sessions kaming Grade Six teachers sa pangunguna na Sir Erwin. Nagpa-activities pa siya. Na-enjoy ko iyon. Marami akong natutuhan. Umuwi ako agad pagkatapos niyon. Past 3:30, nasa bahay na ako. Nakapanuod pa ako ng mga panghapong palabas sa telebisyon. At nakapag-gardening ako bandang past 5. Feeling fulfilled! Enero 12, 2019 Nakatulog ako nang mahaba-haba kanina. Kahit paano, nabawi ko ang ilang araw na puyat. Pagkatapos mag-almusal, nag-ayos ako ng mga damit ko. Nagpatulong din ako kay Epr na linisin ang kuwarto, habang nililinis ko naman ang living room. Naging productive naman ang araw ko. Life is good kapag nasa sariling tahanan. Kaya lang, nalulungkot ako sa pabalik-balik na lagnat ni Zillion. Noong Huwebes pa siya nilagnat. Sana gumaling na siya bukas. Enero 13, 2019 Alas-nuwebe na kami nakapag-almusal. Ang sarap kasing matulog. Late na rin ako nakapag-gardening. Si Emily, umalis naman agad para mamalengke, habang ginawa ko ang mga gawaing-bahay na naka-hang dahil bagong hilot siya. Thankful ako ngayong araw kasi magaling na si Ion. Hapon, umidlip ako. Nagbasa. Nagsulat. Napaka-productive ng maghapon ko! Enero 14, 2019 Sobrang aga kong nakarating sa school. Past 3 kasi ako bumangon. Ang akala ko kasi wala na talagang mini-bus na dumidiretso sa Baclaran. Meron pa pala. Okay lang naman. Ayaw ko naman ang feeling ng naghahabol at hinihintay ng klase. 'Sanhi at Bunga' ang aralin ko kanina. Maayos ko namang naituro. Naunawaan nilang lahat. Nakapag-groupwork ako sa kanila. Maaga uli akong umuwi. Wala pang alas-tres nasa bahay na ako. Kaya naman, nakaidlip pa ako, hanggang five. Enero 15, 2019 Maaga uli akong nakarating sa school. Pero hindi ako nakaidlip. Naglinis kasi ako ng aquarium na iuuwi ko sa bahay para sa mga chubby frogs ko. Nagpa-unit lang ako sa lahat ng sections. Bilang review na rin iyon. After class, nag-meeting kaming Grade Six teachers. Ini-relay lang ng GL ang napagmitingan nila. Na-highblood ako sa parteng ini-announce na ang desisyong (hindi proposal o plano) mag-outing sa Baler kapag natanggap na ang PBB. Take note, weekdays pa. Ano iyon? Grabeng kalokohan! Nakapagsalita na naman tuloy ako. Nagpakagutom kami para lang sa walang kapararakang bagay. Gayunpaman, sulit naman iyon dahil nagkayayaang kumain sa Yellow Cab sa Harbor Plaza sa may CCP Complex. Solb naman! Masaya ang naging bonding namin kasama ang MT. Past 4 na ako nakauwi. Hindi na ako nakaidlip. Enero 16, 2019 Unang araw ng 3rd period ic test. Sa unang pagkakataon, hindi na-delay. Maagang naideliber ang mga test questionnaires at bubble sheets. Naging okay naman ang testing period, maliban sa maingay pa rin ang mga estudyante. Para silang hindi nagte-test. Gayunpaman, hindi masyadong stressful. Natanggap ko pa mga ang favor ng Kinder, na gawan sila ng props na standees na gagamitin ng kanilang pupil sa storytelling competition as part of Festival of Talents. Past one na ako nakalabas ng school kasi nasimulan ko na ang isa. Almost done na. Kinulang lang kami ng colored paper na kulay flesh. Enero 17, 2019 Sa ikalawang araw ng periodic test, gumagawa pa rin ako ng standee habang kumukuha ng pagsusulit ang mga estudyante. Maiingay sila pero hindi nila kinaya ang kabaliwan ko. Nag-Iingles kasi ako. Pero nang maging busy ako sa ginagawa ko, bumalik ang dati nilang gawi. Gayunpaman, napasaya ko sila. Nakagawa pa ako ng isa ang standee. Nasimulan ko na rin ang dalawa pa. Bukas baka matapos ko nang lahat iyon. Past 1, miniting kami ng principal. Inabot kami ng alas-3 doon. Past 5 na ako nakauwi. Nawala na ang antok ko. Enero 18, 2019 Tagumpay naming nairaos ang 3rd periodic evaluation tests. Naipasa na rin namin ang mga bubble sheets. Tagumpay ko ring nagawa ang apat na standees. Ten o' clock pa lang, naibaba ko na sa Kinder ang mga outputs. Superb! I can't believe na kaya ko palang gumawa nang mabilisan at may kalidad. Ang ganda sa pictures. Sana manalo ang contestant. After class, nag-meeting naming Grade Six advisers. Naroon din ang aming GL. Past 1:30 na kami natapos. After that, nag-coop board meeting naman kami. Past 2:30 na rin kami natapos. Kailangan pa naming humabol ni Sir Hermie kina Ma'am Nabua sa bahay nila. Kasama na niya sina Sir Joel at Ma'am Madz. Dahil ma-traffic at napadaan pa kami sa PITX, past six o' clock na kami nakarating doon. Okay lang naman. Nagutuman lang ako. Wala nang meryenda. Dinner na agad. Seven, pumunta kami sa Acienda. Second time ko na roon, pero na-enjoy ko pa rin. Iba ang mga kasama ko. Nakapag-groufie kami. Ang saya! Past nine, nasa bahay kami ni Ma'am Basil. Nagkape kami roon at nagkuwentuhan. First time ko siyang maka-bonding, although second time ko nang nakarating sa kanila. Eleven-thirty na kami nagkayayaang umuwi. Sobrang antok na kasi namin. Muntik na mga akong makalampas. Mabuti, ginising ako ni Ma'am Madz. Enero 19, 2019 Dahil past 2 na ako nakatulog kanina, nine naman ako bumangon. Ang sarap matulog! Nabawi-bawi ko rin ang ilang araw na puyat. Mas lalo ko pang binawi ang puyat ko nang mahiga ako bandang alas-dos ng hapon at gumising bago mag-alas 6. Wow! Hindi ko. First time ko yatang makatulog sa hapon nang ganoon kahaba. Mabuti na lang ding hindi natuloy ang pagkikita-kita naming 3some kina Papang. Hindi sana ako nakabawi ng puyat. At, malamang hindi ako nakapag-gardening. Nagawa kong linisin at pagandahin ang garden dahil umalis si Bukbok. Ang sarap kumilos kapag wala siya. Walang matang nakamasid. At walang nagpaparinig. Ang resulta, nagawa kong tanggalin ang gabi sa may tarangkahan niya at palitan iyon ng mga ornamental plants. Mas maganda nang tingnan ang aming harapan. Gabi, nag-journaling ako. Nakakaadik pala iyon. Hindi ko tuloy naharap ang pagsusulat. Okay lang naman. Produktibo ang buong araw ko ngayon. Enero 20, 2019 Masakit ang lower back ko nang magising ako. Naisip ko, nalamigan ako. O kaya, nasobrahan sa pagbaluktot. Ang lamig kasi. Wala pa naman akong damit kapag natutulog. Apektado tuloy ang pagkilos ko. Hindi ako nakagawa masyado ng mga gawaing-bahay. Gayunpaman, naging productive pa rin ako maghapon. Nakapagbasa ako. Nakapag-journal. Nakapag-isip-isip ng mga plano. Enero 21, 2019 Nagsimula na along magturo para sa 4th Grading. Story reading agad. Naga-groupwork pa ako. Naistorbo lang ang klase nang namigay ng hygiene kit at inipon ng isang private school ang mga bats para imbitahan silang mag-enroll sa kanila. Hindi ko na naman naturuan ang VI-Hope. After class, nag-stay ako sa school para i-record ang scores ng pupils ko. Nasimulan ko na rin ang kanilang grades sa 3rd grading. Enero 22, 2019 Naging maayos naman ang pagtuturo ko sa lahat ng sections. Nakapagpa-groupwork ako. Na-enjoy nila ang lesson, lalo na't may spelling pa kami bago nagsimula ang discussion. After class, nagpa-meeting ang GL namin. Ini-relay niya lang ang meeting sa kanila ng principal. Na-highblood ako sa agenda. Walang kuwenta! Hindi naman pro-teachers ang mga sinasabi. May mga hidden interest sa kanilang mga ipinapagawa sa amin. Umuwi ako agad. Nakapag-gardening pa ako. Nakapagtanim din ako ng sunflower seeds, na bigay ng ahente sa school. Nadatnan ko si Epr sa bahay. Naawa ako sa kaniya. Tila kasi pagod na pagod siya. Mabuti na lang, maaga siyang nakatulog. Ako? Late na. Nanuod pa kasi ako ng 'The General's Daughter.' Enero 23, 2019 Okay ang discussion ko kanina sa dalawang sections. Hindi naman ako nakapagturo sa dalawa. Wala ang isang section kasi absent ang adviser. Ang last period ko naman, nagamit ang time ng sinusundan kong subject teacher. Andami ko tuloy pahinga. Na-miss na ako ng VI-Hope. After class, nag-lunch lang ako. Pagkatapos, ginawa ko ang LMS sa Filipino 6. Nakagawa na rin ako ng 25-item parallel test nito. Then, umuwi na ako. Past 4 ako nakarating sa bahay. Antok na antok man ako, hindi ako umidlip. Sa halip, gumawa ako ng artworks na gagamitin ko bukas sa klase. Enero 24, 2019 Muntikan na naman akong ma-late kanina dahil sa PITX na naman dumiretso ang mini-bus. Mabuti na lang, nakaabot ako. Nagamit ko ang artworks ko kanina sa lesson namin. Marami ang na-inspire na gumawa rin niyon. After class, may urgent meeting naming coop board members. Tungkol iyon sa memo, na pinahihinto ang pagpapahugas ng mga estudyante. Obligasyon daw iyon ng canteen helpers. Grabe! Sobra ang pagkukunsinti ng DepEd sa mga kabataan. Hindi na nakabubuti sa kanila. Haist! After niyon, pumunta ako sa HP. Kasama ko sana ang dati kong estudyanteng si Luigi, kaya lang hindi siya pinayagan ng ina. Bumili ako ng books. Ang isa roon ay libro ni Lualhati Bautista. Magiging bahagi iyon sa aking 50-books-a-year challenge ko. Past 4 na ako nakauwi. Agad akong gumawa ng summative test sa Filipino. Pagkatapos niyon, nag-encode ako ng mga akda ng mga estudyante ko para sa zone na 'Depressed Iyon.' Ang cover niyon ay ang isa sa mga artworks ko kahapon. Then, nakagawa uli ako ng tatlong obra maestra bago. Feeling fulfilled! Enero 25, 2019 Hindi ko napag-summative ang ibang section. Ranging advisory class ko lang ang nag-take. Bukod kasi sa absent ang isang klase dahil wala ang adviser, may Early Registration parade pa. Nasira ang schedule. Idagdag pa ang bigayan ng bigas sa mga estudyante, na galing sa city hall. Ayos lang naman. Nakasalamuha ko ang mga estudyante ko. Naturuan ko sila at napayuhan ng mga life skills, arts, and literature. Sana lang mapahalagahan nila ang lahat ng mga advise at life lessons ko sa kanila. After class, namigay kami ng bigas. Past 1 na kami umuwi. Wala na kasing dumarating na magulang. Maaga along nakauwi. Nakaidlip pa ako pagkatapos magmeryenda. Gabi, artworks naman ang ginawa ko. Nasimulan ko na ring basahin ang bago kong books. Nakagawa na rin ng tatlong bookmarks, na ibebenta ko. Thanks, God, sa talent! Enero 26, 2019 Alas-8 pa lang, nasa Precious Pages na ako. Hindi naman ako agad pinapasok, nakapag-almusal pa ako at nakabili ng book doon. Past nine na nagsimula. Pero, nagkaroon pa ako ng kakuwentuhan. Isa siyang lesbian. I found her witty and friendly. Marami akong matutuhan sa kaniya. Nang magsimula ang workshop, expected ko na agad na marami na naman along mapupulot na aral. Hindi nga ako nagkamali. LGBT man ang theme ng Pride Lit, hindi naman hadlang ang sexuality ko. In fact hindi lang ako ang straight doon. Marami. Napag-alaman ko na ang tawag pala sa katulad ko ay LGBT ally. Nakaka-inspire ang workshop na iyon. Nabuhayan ako ng loob na matatapos ko na ang nakatingga kong novel na 'Dumd Found.' Ang maganda sa workshop, lahat kaming participants ay inaasahang makapagpasa ng manuscript on or before February 26. Hinahabol kasi nila ang Pride March sa June 2019. Kailangang may mai-publish sila para maibenta sa event. Malaking opportunity ito sa akin. Challenging din kasi kailangan kong matapos ang nobela ko. Past 6, bumiyahe na ako pauwi. Hindi ako napagod. Enjoy ako. Naka-meet pa ako ng bagong kaibigan. Past 9, nasa bahay na ako. Gutom na gutom ako. Bago ako nagpahunga, sinulat ko muna ang lecture, mula sa pictures ng slides. Nakagawa rin ako ng isa pang frog design bookmark. Enero 27, 2019 Kulang ako sa tulog dahil sa sobrang lamig. Wala pala along kumot. Hindi na rin ako nagtagal sa higaan kasi naisip kong marami pa pala akong gagawin. Isa na rito ang pag-post ng akda ko sa Booklat. Kailangang magawa ko iyon para makapagpasa ako ng manuscript sa Pride Lit. Binigyan kami ng isang buwan para sa submission. Nagawa ko namang mag-post. In fact, nai-post ko ang "Maybe This Time.' Nasimulan ko ring i-post ang 'Hijo de Puta.' Natagalan ako kasi sobrang dami ng chapters. Tapos, ini-edit ko pa. Enero 28, 2019 Asar na asar na naman ako kaninang umaga dahil sa PITX. Nahuli ako sa klase. Almost 15 minutes late ako. Nakakainis talaga! Maaga naman akong bumangon. Gayunpaman, masaya ko pa ring hinarap ang mga estudyante ko. Nai-present ko rin sa kanila ang lesson ko nang maayos. Nag-reflect naman iyon sa outputs ng groupwork nila. After class, nagsalo-salo naming Grade Six teachers, kasama ng among MT para sa kaniyang maagang birthday celebration. Nakakatuwa! Kung wala lang kaming meeting with the principal, mas na-extend sana ang aming kasiyahan. Sa meeting namin, trabaho na naman ang pinag-usapan. Kailangan naming i-revitalize ang school website. Nadala na ako, kaya wala na akong bilib. Hindi naman na-compensate ang efforts ko nang pinasulat ako ng ICT. Nai-raise ko iyon kanina. Alam din ng principal ang pagreretiro ko sa journalism at school paper. Hindi naman niya ako pinigilan, kaya tuloy. After meeting, nakipagkuwentuhan sa akin si Ma'am Joan R. Nanghihinayang siya sa kakayahan kong nabalewala. Matagal naming nag-usap. Nakapag-share kami ng marami-rami ring bagay-bagay tungkol sa among school, mga kasama, principal, at mga issues. Pareho ang aming sentiments at mga observations. Kailangan na mga talagang mabago ang pamamalakad ng principal. Hindi na healthy ang samahan naming faculty. Past 5 na ako dumating sa bahay. Gumawa agad ko ng mga schoolworks. Pagkatapos, naisingit ko ang paggawa ng bookmarks. Ang bilis lang ng oras! Bitin. Andami ko pang gustong gawin. Hindi ko naharap ang Booklat. Enero 29, 2019 Ang lesson ko kanina at paglalagom. Gumamit ako ng mga sanaysay na ako mismo ang sumulat. Nalagom naman nila iyon nang maayos. Na-inspired din sila sa content niyon. Sana lang ay isapuso nila at isagawa ang lesson ng mga seleksiyong binasa ko sa kanila. Naibenta ko na ang sampung bookmarks. Umaasa akong dahil doon ay magiging mahilig sila sa pagbabasa. Naipaliwanag ko sa kanila na kaya ko sila binentahan ay hindi upang kumita ako, kundi maging maalam sila. Alam na rin nila ang tungkol sa 50-books-a-year challenge ko sa sarili ko. Nakikita ko naman ang iba, na nagbabasa. Sana all! Nagalit lang ako sa kanila kasi mga iresponsable sila, pagdating sa paglilinis. Bukod sa maiingay na, makukunat pa at walang kusa. Bago umuwi, natulungan ko muna si Ma'am Edith na lagyan ng borders ang bulletin board niya para sa AP at SPG. Past 3 nasa bahay na ako. Agad kong chinat ang FB ng Ogie Diaz Acting Workshop. Gusto kasi namin ni Emily na maging artists si Zillion. Nag-reply naman agad. Nalaman kong P7500 ang bayad. Kaya naman iyon. Tutal may natanggap naman along PBB. Iyon na ang gagamitin. Hindi na muna kami bibili ng dining table. Desidido naman si Zillion sa workshop. Nag-practice na mga siyang kumanta. Natuwa kaming mag-asawa. Naituloy ko ang pag-edit at pag-post ng akda ko sa Booklat. Nakagawa rin ako ng apat pang bookmarks. Fulfilled ako ngayong araw. Salamat sa Diyos! Enero 30, 2019 Maagang-maaga along nakarating sa school. Ang bilis kasi ng aircon bus na nasakyan ko. Hindi na dumaan sa PITX. Naglakad pa nga ako, mula Buendia hanggang sa school. Okay lang naman. May mga estudyante na along nadatnan doon. Hindi ko kinibo maghapon ang mga pupils kong iresponsable. Hindi rin ako nagturo. Nagsulat panuto at nag-post lang ako ng visual aids ko. Gumawa naman sila. Nakakainis kasi sila kahapon. Hindi sila seryoso sa paglilinis. Hindi rin matigil ang mga bibig nila sa kakadaldal. Palala nang palala ang mga ugali. Sa ibang sections, nagturo ako. Binasahan ko sila ng kuwentong 'Sandosenang Kuya.' Pinaiyak ako ng kuwentong ito, kaya binahagi ko lang sa kanila. Nagustuhan namn nila iyon. Pagkatapos ng klase umuwi agad ako. Naghanda ako ng PPT para sa observation ko bukas. Natapos ko naman agad kaya nakagawa pa ako ng bookmarks at nakapag-edit at post sa Booklat. Enero 31, 2019 Nagpa-observe na ako sa master teacher ko. Medyo late na, pero naisakatuparan ko naman nang maayos ang lesson ko. Tinulungan ako ng mga estudyante ko. Nagdula-dulaan sila. Nag-recite Napremyuhan ko nga sila ng bookmarks pagkatapos. Nagsermon naman ako sa VI-Faith kasi magugulo at maiingay sila. Sumobra sila sa limitasyon ko. Nagkasala pa tuloy ako dahil lumabas ang maaanghang na salita sa bibig ko. Nagturo ako sa VI-Peace. Sa Hope naman ay nagsermon din. Ang iingay at ang gugulo kasi nila nang vacant ko. Sinabi ko na sa kanila na kapag may ginagawa ako, huwag silang mang-iistorbo. Hayun! Sermon ang inabot nila. At the same time, in-inspire ko sila. Sana lang isabuhay nila. Natuwa rin ako sa ilang sumunod na sa 50-books-a-year challenge ko. May bumili na rin ng bookmarks. After class, ginawa ko ang powerpoint presentation ni Ma'am Edith na gagamitin niya sa colloquium. Past 5 na ako nakauwi. Gayunpaman, nakapag-edit at nakapag-post pa ko sa Booklat. At siyempre nakapag bookmark-making ako. Nakakaadik! Kung wala lang talaga akong ibang ginagawa, baka kinarer ko na ito.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...