Followers

Friday, February 1, 2019

Ang Aking Journal -- Pebrero 2019

Pebrero 1, 2019 Hindi ako nakapagturo sa VI-Faith kasi kinuha ni Ma'am Vi ang mga estudyante para iparinig ang mga kantang aawitin nila sa graduation. Okay lang! Asar pa rin naman ako sa kanila. Naturuan ko naman ang tatlo pang section. Panlapi ang topic namin. After class, naglagay ako ng grades sa card. Natapos ko iyon bago mag-alas-tres. Ready na ako bukas. Past 5, nasa bahay na ako. Natuwa ako nang makita ko ang setcard o pictures ni Zillion, na dadalhin niya sa workshop bukas. Ang pogi talaga niya. Photogenic. Ang galing ng cameraman. Gabi, nag-edit ako ng novel ko. Then, gumawa ako ng apat na bookmark. Nagtanong nga si Sir Gerard kung sino ang ginagawa niyon. May plano na naman siya. Opportunity para sa akin. Kailangan kong makagawa nang marami. Naihanda ko rin bago matulog ang ranking ng pupils ko na ipre-present ko sa parents bukas. Pebrero 2, 2019 Nagkasabay-sabay kaming tatlo sa pagbiyahe palabas sa subdivision. Ako, patungo sa school. Ang mag-ina ko, patungo naman sa acting workshop sa Timog, Quezon City. Magkaiba kami ng way kaya magkaiba rin ang sinakyan naming bus palabas ng Cavite. Okay lang naman dahil sabay kaming nakasakay. Before 8, nasa school na ako. Nauna ako sa mga magulang. Past 8, kahit kaunti pa lang ang dumating, sinimulan ko na ang meeting. Naipaunawa ko naman sa kanila ang mahahalagang bagay na dapat nilang malaman. Naibahagi ko rin sa kanila ang reading advocacy ko. I hope tulungan nila ako. Nine, nagbigayan naman ng financial assistance. Mabilis lang natapos iyon. Nakapag-assist pa ako sa ibang section. Then, nakakagutom na paghihintay ang nangyari. Hinintay kong matapos si Ms. Kris. Hinuli kasing bigyan ang mga Grade One. Past 2 na kami nakapag-lunch sa Shakeys. Birthday at advance birthday treat iyon sa amin nina Papang at Belinda. Wala lang si Ma'am Bel kasi may biglaang lakad. Gayunpaman, ang saya namin. Busog na busog kami. May take home uli ako. Past 5 nasa bahay na ako. Hindi na ako umidlip. Nagkape ako at nag-edit na nobela. Nag-post sa Booklat. Then, gumawa ako ng bookmarks. Nakalima yata ako. Past 6, dumating si Epr. Past 8 naman dumating ang mag-ina ko. Excited akong nagpakuwento kay Emily sa nangyari. Medyo nalungkot ako nang malaman kong hindi pa nailabas ni Zillion ang kanyang potential. Pero, masaya ako dahil naranasan niya ang hindi ko naranasan at ng ibang bata. Sana lumabas na ang talent niya sa ikalawa at ikatlong araw. Pebrero 3, 2019 Bumangon din ako nang maaga para i-goodluck si Zillion sa kanyang ikalawang araw na acting workshop. Excited akong makita siyang nagde-develop. Alam kong gusto niya ang nangyayari sa kanya naipaunawa namin ni Emily na hindi lahat ng bata ay nakaka-experience ng ganoon. At hindi lahat ng magulang ay kayang suportahan ang gusto ng anak. Kaya, mapalad siya. Natulog uli ako pag-alis nila. Maaga namang bumangon si Epr. Akala ko aalis siya. Hindi pala. Hindi na ako nakatulog uli kaya bumangon na rin ako para maghanda ng almusal namin. Pagkatapos, nagdilig at nag-gardening ako. Nagwalis sa loob. Naglinis sa banyo. Then, computer work at bookmarking naman ang hinarap ko. Past two-thirty, umidlip ako. Two hours din yata akong nakatulog. Thanks, God! Nagbabasa ako bago mag-alas-6 nang dumating ang mag-ina ko. Maaga sila ngayon. Nakisabay sila sa kotse ng tiya ng kaklase ni Ion sa workshop. Great! Natuwa ako sa balita ni Emily. Nag-improve daw si Ion. Napanuod ko nga ang video. Natutuwa ako. Gusto niya talaga ang ginagawa niya. Sana makapasok siya sa showbiz. Pebrero 4, 2019 Maaga akong bumangon para sa nakatakdang pamamasyal naming mag-anak sa Quezon City Memorial Circle. Kaya lang, natagalan kami dahil nag-inarte si Zillion. Ayaw niyang sumama. Hindi naman puwedeng maiwan siya kasi aalis din si Epr. Gustong-gusto rin ni Emily na makasama lali na't umabsent pa ako para mag-family bonding kami. Nagalit na ako kaya pinapapasok ko na lang si Zillion sa school. Pero, sumatotal, sumama pa rin sila sa akin. Natuwa na ako. Sana hindi na iyon maulit. Past 10:30 na kami nakarating sa venue ng HortiKultura Filipina 2019. Agad naming Nag-pictures picture. Ang gaganda kasi ng mga naka-exhibit! THEN, nanuod kami ng cooking demo. Soon, nanalo ang mag-ina ko sa raffle. Nakadalawang bote ng olive oil kami. Bawi na ang entrance fee naming P120. Dumalo pa uli kami sa isa pang seminar. Cacti and succulents naman. Andami kong natutuhan. Hindi mga lang kami nanalo sa raffle. Dumalo pa kami sa food demo bago kami nag-biking. Nagka-interest naming mag-asawa sa mga tofu dishes gaya ng tofu sisig at tofu kare-kare. Masarap din ang pandesal pizza. Hindi na kami nagtagal sa pagbibisekleta. Alas-4 na kasi. Nagmeryenda pa kami. Five, bumiyahe na kami pauwi. Past 8 na kami nakarating sa bahay. Kahit pagod, nagawa ko pang mag-bookmark-making. Nakawalo ako. Pebrero 5, 2019 Ngayon ang last dy ng acting workshop ni Zillion. Maaga silang nakaalis. Nakatulog uli ako nang wala na sila. Pero, si Epr naman ang umabala sa akin. Past seven, bumangon siya. Before 8, nag-aalmusal na kami. Wala namang problema iyon. Mas maaga ko ngang naumpisahan ang pag-eedit at paggawa ng bookmarks. Mas marami akong nagawa, kabilang na ang pagbabasa. Past 2, nakaidlip ako habang nanunuod si Epr ng Showtime. Nakapagdilig pa ako bandang 5:30 bago hinarap ang schoolworks. Marami akong na-acxomplished! Gayunpaman, kulang ang long weekend para magawa kong lahat. May mga deadline akong dapat i-beat. May mga dapat isulat at i-edit. Past 6:30, dumating na ang mag-ina ko. Masaya sila kaya masaya na rin ako. Naubos ng sampung libong piso pero okay lang. Alam kong magiging kapaki-pakinabang iyon sa journey ni Zillion patungo sa stardom. Kailangan ko pa siyang isabak uli sa iba pang workshop. Inuubo ako dahil sa lamig. Kinailangan kong magpahinga nang mas maaga. Bukas kasi back to work na. Pebrero 6, 2019 Kulang ako sa tulog. Past 1 nang magising ako at hindi na nakatulog. Sumama ang pakiramdam ko, lalo pa't inuubo ako. Feeling ko, tratrangkasuhin ako. Gayunpaman, pumasok pa rin ako. Sa klase, sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Pinasagutan ko na lang sa kanila ang activity sheet na inihanda ko kahapon. Bakit ba kasi ako hindi makatulog? Dahil siguro sa pag-iisip kung mag-aapply ako sa Division Office bilang, Project Development Officer. Gustoko na ayaw ko. Mas lamang sa akin ang nasa classroom setting. May thrill. Nakakapag-inspire ako. At, nagagawa ko ang mga advocacies ko. Nang isinangguni ko iyon sa VI-Love, ayaw nila. Hindi ko na itinanong kung bakit. Alam ko na ang sagot. Gaya lang din ng rason ko. After class, umuwi agad ako sa bahay. Umidlip ako hanggang 4 ng hapon. Kahit paano, gumaan ang ulo ko. Nagawa ko pang gumawa ng bookmarks pagkatapos magkape. In demand nga pala ang bookmarks ko. Marami-rami na rin akong na-inspire magbasa. Sana dumami pa. Pebrero 7, 2019 Muntik na akong ma-late kanina. Hindi kasi ako agad nakasakay sa mini-bus. Naabutan ko na nasa taas na ang mga estudyante ko. Gayunpaman, masaya nila akong sinalubong. Hindi ako na-high blood kasi nakaupo sila habang nasa pila. Natuto na sila. Pangatnig ang lesson ko kanina. Nagpasagot ako sa worksheet sa lower sections. Nagpa-groupwork naman ako sa section one. Nasimulan ko nang basahin ang nobelang 'Mga Batang Poz.' Totoo ang magagandang book reviews. Nakaka-hook. Kung wala nga lang akong klase. Pero, nasisiyahan akong makita ang advisory class ko na nagbabasa. Sinusunod na nila ang mga payo ko. Nakiki-50-books-a-year challenge na rin sila. Inaasahan ko bukas na lahat na sila may baong libro. Mas matutuwa ako kung pati sa lower sections. May mangilan-ngilang nagbabasa at nakiki-challenge sa dalawang sections. Okay na iyon. Pero, sana madagdagan pa. Nang humingi si Papang ng idea tungkol sa project na ipinagagawa sa kanya ng principal ang idea o advocacy ko ang ibinigay ko. Tinawag namin iyon bilang "200:50 Reading Habit (200:50 RH)." Sold out uli ang bookmarks ko. Pinag-aagawan nila ang 'We Bare Bears' design. Kung mas marami nga lang akong time, mas marami sana akong magagawa. Kinailangan ko pang mag-edit ng mga akda ko. Andaming call for submissions. Gustong-gusto ko nang mailathala ng sikat na publishing house ang mga akda ko. Sana magkaroon ako ng mahaba-habang oras. At siyempre, deserve ko ring magpahinga. Ngayong gabi, nakagawa ako ng siyam na bookmarks na may 'We Bare Bears' design. Pebrero 8, 2019 Nagpa-groupwork ako sa lahat ng sections. Hindi ko nai-enjoy ang ginagawa ko kapag nagpapatay lang ako ng oras. Gusto ko talagang pare-pareho naming nasisiyahan. Mas fulfilling. Gayunpaman, nakitaan ko ang lahat ng kasiyahan. Natuto sila. Wala kasi ako sa mood kanina. Masama pa rin ang pakiramdam ko. Nahihirapan ako dahil sa ubo ko. Nagalit nga ako sa VI-Peace dahil sa ingay nila. Pinag-individual work ko sila. Nakapagbasa tuloy ako Na-hook ako sa nobelang binabasa ko. Mas ginusto ko na lang magbasa kaysa magturo. Kaya lang, hindi puwede. Ala-una, may emergency meeting kaming AM teachers. Tungkol sa LIS. Nag-init na naman ako. Nailabas ko ang nga saloobin ko. Mabuti, sumang-ayon ang karamihan. Natuwa ako dahil feeling ko napatamaan ko ang mga nais kong patamaan. Sana lang, makarating iyon sa kinauukulan at magkaroon ng action at maging sanhi ng pagbabago. Naisingit ko roon ang advocacy kong "Love for Reading." Sabi ko, "Huwag lang natin silang turuang magbasa. Turuan natin silang magkaroon ng love for reading." After niyon, nag-coop board meeting kami. Past 5 na ako nakarating sa bahay. Wala si Emily. Nasa Divisoria raw. Past 10 pm na siya dumating. Nag-edit ako ng nobela kong erotica. Habang ginagawa ko iyon, unti-unti akong naho-hook. Hindi lang kasi aiya basta porn, may aral siya. Tama ang ilang momento ng mga readers ko. Pebrero 9, 2019 Apektado ng lower backache ko ang mga gawain ko ngayong araw. Hindi ako masyadong nakapag-edit. Masakit kapag matagal akong nakaupo. Gayunpaman, nakagawa ako ng bookmarks. Naubos nga ang vellum board ko. Pero, inilaan ko ang malaking bahagi ng araw sa pagbabasa. Nakaka-hook talaga ang 'Mga Batang Poz.' Hindi rin ako nakapagdilig ng mga halaman. Gabi, sinikap kong makapag-edit. Kailangan ko ring tapusin ang translation ng "Dumb Found" upang maituloy ko na. Dapatpala kasi isinulat ko na lang sa Tagalog. Sayang tuloy. Pebrero 10, 2019 Nawala-wala na ang sakit ng likod ko paggising ko, kaya nakakilos-kilos na ako. Nagdilig ako ng halaman at naglinis ng kulungan ng aso. Kaya lang, na-stress ako nang makawala si Angelo. Nainis ko nang sobra. Hinabol-habol ko pa. Ayaw ko pa namang may nasasabi ang mga kapitbahay, lalo na't ayaw ko ring pinakakawalan nila ang mga aalaga nila. Mahigit isang oras ang lumipas, bago ko nakorner. Nakahinga ako nang maluwag. Nakagawa na ako ng mga gawain ko. Editing, translation, at reading ang ginawa ko maghapon. Pasalit-salit ang mga iyon para hindi masyadong ma-expose ang mga mata ko sa radiation. Na-enjoy ako sa editing. Nababasa ko uli kasi at nai-internalize. Nakaka-hook pa rin ang mga characters. Pebrero 11, 2019 Naging maayos naman ang klase ko sa bawat section. May ilang nagpasaway, pero ayos pa rin. Lagi namang may papansin, e. Gayunpaman, hindi ko sinayang ang araw nang hindi sila nabibigyan ng bagong kaalaman at inspirasyon. During my vacant period, ipinakita ko sa kanila na nagbabasa ako. Sana kahit hindi na ako vocal na manghikayat, gayahin nila ako. Malaki talaga kasi ang advantage ng taong nagbabasa. Natutuwa naman ako kasi may mga estudyanteng tinanggap ang 50-books-a-year challenge ko. Sila pa nga ang lumalapit para sabihin kung nakailang libro na silang nabasa. Napapa-wow naman ang iba kapag mas marami ang bilang ng nabasa ko. After class, nag-lunch lang ako sa canteen, then umuwi na ako. Umidlip ako sa kuwarto. pagdating ko kasi may bisita si Emily sa baba-- sina Cris at ang baby niya. Past 4 na ako bumaba para mag-edit. Masakit lang sa mata ang radiation. Hindi ko na kinakaya ang matagalang pagharap sa monitor matatagalan ako nitong makapagpasa ng mga manuscript. Gayunpaman, hopeful akong magagawa ko ang mga iyon on time. Pebrero 12, 2019 Nakapagpa-groupwork ako sa advisory class ko, pero hindi sa ibang klase. Sa Faith, hindi ako nakapasok. Busy kasi sila sa pag-decorate ng classroom. Sa Peace, nagpa-individual work ako. Sa Hope, nagsermon muna ako. Paano may nag-away bago ako pumasok. Nagkagulo sila. Wala na talaga sa hulog ngayon ang mga estudyante! Before 1, pumunta ako sa HP para bumili ng bookmark materials. Umuwi rin ako kaagad. Past 3 ako dumating. Nakagawa ako ng walong bookmarks bago ako nakapagdilig. Gabi na ako nakapag-edit at nakapag-post ng novel ko. Isinunod ko na ang IM ko. Sana ma-enjoy naman ng mga mag-aaral ang lesson ko bukas. Pebrero 13, 2019 Lagi akong nanenermon habang nagtuturo. Napansin ko lang kanina. Wala na kasing pokus ang mga estudyante. Hindi na sila interesado sa mga lessons. Ang hirap! Ang hirap magturo kapag ganoon. Gayunpaman, sinikap kong mai-deliver ko ang lesson ko at maunawaan nila. Trabaho kong mapatuto sila kahit ayaw nila o kahit slow sila. Kahit paano, pumapasok naman sa kukote ng karamihan. Nakakalungkot lang dahil may ilang estudyante ang ayaw talagang matuto. Iba. Iba ang takbo ng isip nila. Hindi normal. Kaluoy. Umuwi uli ako nang maaga. Nakapagsulat ako. Nakapag-edit. Nakapag-post. At nakapagdilig ng mga halaman. Feeling fulfilled! Pebrero 14, 2019 Hindi ako nakitaan ng ngiti ng mga estudyante ko, kaya tinanong nila kung bakit ako malungkot. Gusto ko lang kasing iparamdam sa kanila na maiingay sila at magandang regalo sana ang kanilang katahimikan at disiplina. Maiingay pa rin sila. May ginagawa na man. Although, walang palitan, may ginagawa sila. Andami pa nilang kalat. Anyways, sinabayan ko ang art working nila. Nag-bonding naman naming Grade Six teachers, kasama ang MT namin. Nagsalo-salo kami sa tatlong pizza at softdrinks. Then, matagal-tagal din kaming nagkuwentuhan nina Ma'am Vi at Sir Hermie. Nakakapanghina ang nga masaaamang practice ng administrator at ilang leaders at kasamahan. Hindi na nakakatuwa ang crab mentality. Nakauwi ako bandang alas-3. Hindi na ako nakaidlip. Okay lang, marami naman akong na-accomplished. Ready na ang summative test ko bukas. Nakapag-edit pa ako. Pebrero 15, 2019 Nagbigay ako ng summative test sa klase ko. Hindi naman nakapag-test ang iba. Akala ko magpapalitan ng klase, hindi pala. Wala kasi ang tatlong guro-- isang adviser at dalawang subject teachers. Okay lang naman iyon samga bata. Mas gusto nila ang walang palitan. Maiingay nga lang. Pero, napatahimik ko sila. Nagbasa sila kasi ayaw nilang magkuwento sa harapan. Ang dadaldal kasi. At, bago nag-uwian, napa-groupwork ko pa sila. Pinag-translate ko sila ng kuwento. Nagawa naman nila. Puwede na silang magsalin ng akda ng iba. After class, nakisalo ako ng pagkain sa Grade One. Tumambay at umidlip din ako roon. Sabay-sabay na naming umuwi. Pebrero 16, 2019 Nahilo ako sa Zonrox na ginamit ko sa paglinis ng banyo. Sumakit ang dibdib ko. Kaya naman, hindi ako kaagad nakagawa sa laptop. Natulog na lang ako hanggang 12. Paggising ko, lunch time na. Wala na rin akong naramdaman. Sinikap ko ngayong araw na mai-email ko na ang entries ko sa Pride Lit. Ang "Hijo de Puta" at "Jack O." ang naipasa ko. Sisikapin ko namang matapos ang translation ng "Dumb Found." Ten chapters iyon. Tapos, kailangan ko ang dugtungan. Need ko ring mawakasan ang "Double Trouble." Bukas, itutuloy ko ang mga trabaho ko. Masakit lang kasi sa mata ang radiation. Kailangan kong huminto-hinto kapag masakit na. Isinisingit ko ang pagbabasa. Pebrero 17, 2019 Pag-alis ng mag-ina ko, natulog uli ako. Papunta sila sa Kamuning para mag-workshop si Zillion. Ipinag-pray ko kanilang kaligtasan sa biyahe at magandang resulta niyon. Past 8:00 na ako bumangon. Nine o' clock na kami nakapag-almusal ni Epr. Inilaan ko ang maghapon sa pag-translate at pag-edit sa akda ko. Nakapagbasa rin ako. Hapon, naisulat ko ang erotica story na ipinasa ko sa Exposed, pakontes ng Booklat. Hindi na ako nakaanuod ng tv maghapon. Okay lang. Worth it naman. Before six, nakauwina ang mag-ina ko. Pagod na pagod sila. Hhinintay kong magkuwento sila. Natuwa naman ako kahit paano. May pag-asa pang mapili si Ion. Sana... Pebrero 18, 2019 Malumbay ako kanina after ng klase ko sa VI-Love at VI-Faith. Nagturo ako sa advisory class ko. Nagpa-summative test naman ako sa dalawang sections. Sa huli kong klase ako na-bad trip. Maiingay sila bago ako pumasok. Actually, vacant ko. Gusto ko na sanang pumasok since wala namang guro. Kaya lang, nang binati ko sila, hindi pangalan ko ang binanggit nila. Parang nainsulto ako. Parang ayaw nila akong papasukin. Ang ginawa ko, umurong ako at hindi na pumasok. It's their lost. Umuwi agad ako. Past 3 nasa bahay na ako. Nakagawa agad ako ng powerpoint presentation para bukas. Then, kinunsumo ko ang nalalabing oras ng pahinga sa posting and editing ng 'I Love Red Book 1.' Gabi, bago ako nahiga, nai-post ko ang 'Pagsubok.' Nauna ko nang naipost lahat ng chapters ng 'Malamig na Kape.' I hope mapansin ng Booklat ang mga akda ko. Pebrero 19, 2019 Handang-handa akong magturo. Na-enjoy nga ng advisory class ko ang lesson at pa-game ko, kaya lang walang palitan. Umalis kasi ang isang adviser. May mga kasamang esdtudyante. Nagsaway lang ako nang nagsaway, habang may ipinapagawa sa kanila. Gayunpaman, nakagawa ako ng mga gawain ko. Nanak age brainstorm pa kaming tatlong advisers. After class, umuwi agad ako. Humingi kasi ng favor si Ma'am Ana igawa ko raw ng project ang anak niya si Anizza. Gagawa ng dyip na yari sa karton. Nagkatotoo ang sinabi ko. Isang araw kasi, napansin kong hindi na kami FB friends. In-unfriend niya yata ako o blinock. Sabi ko, hihingi uli siya ng tulong kapag nangailangan. Tama ako! Hindi ko naman siya hinindian. Gusto kong ipakita sa kanya na ako pa rin ang dati niyang kaibigang maaasahan. Walang nagbago sa akin. Kaya, soon ang iba pang nang-aaway sa akin, lalapit din sila. I don't know kung kaya ko silang kaawaan. Pagdating sa bahay, ginawa ko kaagad. More three hours kong ginawa. Past 6, napinturahan ko na ng pula. First coating. Lahat pula. Walang ibang kulay, e. Pero, okay namang tingnan. Bukas, didikitan ko na lang ng art paper. Pero kung okay na iyon sa kanya, mas pabor. Pebrero 20, 2019 Nagturo ako nang masaya at nagpa-groupwork nang may puso, kaya naman na-enjoy nila iyon. Sana laging ganoon. Wala pa ring palitan ng klase, kaya nagpagawa na lang kami ng paper flowers. Iyon ay bilang paghahanda sa stage decoration sa graduation. Na-enjoy din ng mga estudyante ang activity na iyon. After class, umuwi agad ako. Medyo natagalan lang ng ilang minuto kasi nagpahintay pa si Papang. Sa bahay, agad kong ginawa ang dyip na karton. Natapos ko naman iyon bago mag-alas-sais. Superb ang output. I'm sure magugustuhan ito ng anak ni Ma'am Ana. Pebrero 21, 2019 Wala pa ring palitan ng klase. Pero okay lang dahil nagpalaro ako sa advisory class ko. Sa covered court kami. Naglaro kami ng message relay. Pinamagatan kong 'Ibulong Mo.' Kinonekta ko iyon sa lesson naming 'Uri ng Pangugusap ayon sa Gamit.' Nag-enjoy kaming lahat. Nagkaroon ng earthquake drill. May bisita pang teachers mula sa Malate Catholic Church kaya hindi kaagad kami nakapaglaro ng isa pang game-- ang Kanta,Tanong, at Explain. Gamit ang isinulat nilang paboritong kanta, tinatawag ko isa-isa. Ang saya kapag may games kami. May nakakapulot sila ng aral sa buhay at bagong naranasan. Umuwi ako nang maaga upang makapagpahinga. Nakaidlip ako hanggang 5. Ang sarap matulog. Bitin lang kaya sumakit ang ulo ko. Pebrero 22, 2019 Nagpa-group uli ako sa covered court. Una, pinasulat ko sila sa metacard ng tig-iisang salita. Then, sa baba, pinabuo ko sa kanila ang mga salitang iyon. Ang challenge ay dapat makabuo sila ng isang maikling kuwento. Nagawa naman nila. Masasabi kong natuto silang sumulat at magkuwento mula sa akin. Pagkatapos, itinuloy namin ang na-pending na game kahapon. May mga kumanta sa harapan. May game sa question and answer. May mga nabunyag na lihim sa kanilang mga crushes. Nakatutuwa! Then, after recess, pinasulat ko naman sila ng isang kanta, gamit ang melody ng kantang mapipili nila. Nakapili ako ng dalawang grupo. Ipre-present nila ang kanilang mga kanta sa Recognition Day. Nagandahan ako sa gawa nila. Parang gawa ng professional. After class, nakiusap kami ni Papang kay Ma'am Leah para arkilahin ang sasakyan nila sa Sunday. Magma-mountain climbing kami sa Tanay. May naka-schedule na. So, si Ma'am Vi na lang ang maghahanap. Then, naki-bonding ako sa Grade 1 teachers habang nagla-lunch. Pagkatapos, umuwi na ako. Past 3:30 na ako dumating. Pebrero 23, 2019 Nagulantang ako sa balitang patay na si Ma'am Lolit. Siya ang tita-titahan ko noon sa school bago siya nag-retiro three years ago. Grabe! Biglaan. Nakakalungkot. Kaya naman, nang nagyaya si Sir Joel, hindi na ako nagdalawang-isip. Past 1, umalis ako sa bahay. Magkikita kasi kami kasama si Ma'am Glo, Ma'am Edith, at Mareng Janelyn. Nahiya ako kasi hinintay nila ako. Na-traffic ako. Agad kaming bumiyahe papunta sa St. Peter Chapel sa Novaliches. Past 5 na kami nakarating doon. Naawa ako nang malaman ko ang istorya sa pagkamatay niya. Kaya pala, hindi binuksan ang kabaong niya. Masalimuot masyado. Past 6 na kami nagpaalam sa mga naulila. Kumain muna kami sa Jollibee-Roosevelt bago nag-MRT. Past 10 na ako nakauwi. Nauna pa ako sa mag-ina ko, na galing sa pinsan ni Emily. Bukas, maaga na naman akong gigising para sa mountain climbing naming Grade 6 and Kinder teachers. Pebrero 24, 2019 Kahit 2 and 1/2 lang ang tulog ko, bumangon pa rin ako nang maaga at nakarating ako nang maaga sa MRT EDSA. Ako ang unang dumating. Ako yata ang nagbaukas ng station. Hinintay ko sila. Past 6 na kami nakabiyahe dahil nahuli ng dating sina Sir Joel at Ma'am Joann. Okay lang naman. Masaya pa rin. Mabilis ang biyahe. Past 8, nasa Tanay na kami. Ang ganda ng bayan ng Tanay. Malaks ang tourism nila. Pinag-agawan nga kami ng mga tricycle driver slash tour guide. Mabuti na lang lumapit kami sa Tousim Office, kaya na-guide kami sa tamang presyo. Very affordable ang P3000 sa limang tourist spots for 9 pax. Pumapatak na P365 lang ang bayad namin each. Unang kaming pumunta sa Lambingan Hills. Iyon ang pinakamalayong itinerary. Hindi ako na-bore dahil ang ganda ng mga tanawin sa daan. Mas maganda pa sa Tagaytay. Malamig din ang simoy ng hangin. Na-enjoy ko ang pagbaba ng tricycle habang lulan kami (4 sa isang trike at 5 sa isa pa) sa matarik na daan. Makapigil-hininga. Bago pa lang ang Lambingan Hills, pero sa tingin ko, dinarayo na ito. Marami nga ang mga kasabayan namin. May maiksing trail na tatahakin bago marating ang spot. Worth it naman dahil picturesque ang lugar. Perfect getaway for camping, family gathering, nature-hiping, and dating (for lovers). Ang ganda! Sana mas mapaganda pa nila ang lugar. May potential. Na-enjoy ko ang kulitan at tawanan, gayundin ang picture-taking sa puno. Sarap bumalik doon. Kumain muna kami sa isang kainan sa highway. Maayos naman at malinis ang kanilang facilities at service. Ang saya-saya namin habang nagla-lunch. Then, sa Regina Rica kami pumunta. Masyado nang tirik ang araw kaya hindi ko na-enjoy, though maganda ang ligat. Isa pa, hindi naman ako religious na tao. However, the experience was great. Next stop: Calinawan Cave. Sobrang saya. Ito ang kumumpleto sa day tour namin. Marami akong natutunan ang I'm sure gayundin anh mga kasama ko. Tawa kami nang tawa. Ang spelunking pala ay napakagandang karanasan na dapat maranasan ng bawat isa. Mapanganib, pero reawarding. Akala mo, hindi ka kakasya, pero kasya. Kinaya. Sulit! Pagkatapos niyon, gusto ko nang maghanap ng kuweba mae-explore. Iba kasi ang feeling kapag na-overcome mo ang fear. Thanks sa mahusay na tour guide! Fourth itinerary is Daranak Falls. Maganda ang lugar. Matao sa araw na ito. past four na kami nakarating roon, kaya nag picture taking na lang kami. Ready naman akong mag-swimming kaya lang ilang minuto na lang ay hindi na pinayagang may maligo. May oras pala ang swimming. Anyways, nasulit ang P50 na entrance ko. Hindi nga lang ako nakakuha ng bato, as souvenir just like what I'm doing sa ibang lugar. Mabuti na lang, nakabili ako ng ref magnet. Last stop: Parola. Gutom na gutom na ako sa kabibiyahe, pero okay lang dahil maganda naman doon, lalo na ang sunset. Umakyat ako sa parola. Nag-sight-seeing at kumuha ng mga larawan. Andami ring mga turistang naroon. Doon ko nakita kung gaano kabilis lumubog ang araw. Ang saya! Doon na rin kami nagpasalamat at nagbayad sa aming dalawang driver-tour guides. Kinuha namin ang contact number ng isa para sa susunod naming pagbisita. Tanay is a wonderful place to experience nature. Dadalhin ko ang mag-ina ko roon o kaya ang aking mga anak. Soon. Past six na kami bumiyahe pabalik. Pagod na pagod at antok na antok kami pero tawanan kami nang tawanan sa UV express. Sobra talaga kaming namangja sa kalikasan at sa kakayahan namin. Ganda! Worth it talaga! What is P1000+ expense compared to the happiness it brings?! Past 20 na ako nakauwi. Agad akong nagsipilyo at natulog... nang may ngiti sa mga labi. Pebrero 25, 2019 Holiday ngayon, kaya marami akong na-accomplish. Wala pa naman ang mag-ina ko-- nasa kamag-anak. Kahapon pa. Bago ako nag-almusal, gardening muna ako. Wala ang kapitbahay kong tsismosa kaya malaya akong nakakilos. Then, naglinis ako sa sala. Maghapon na akong nag-post ng mga pictures kahapon. Inunti-unti ko ang posting. Nilagyan ko ng quotes bawat post para mas meaningful. Umidlip din ako. Ang sarap matulog. Napakatahimik. Then, nagawa ko ang No-TV challenge. Hindi ako nag-on ng telebisyon. Sa halip, nagsulat na lang ako. Past 5 na dumating si Epr. Ang mag-ina ko naman ay dumating bago mag-alas-7. Naabutan nila akong naghahanda ng learning materials para bukas. Pebrero 26, 2019 Sinikap kong maging masaya habang nagtuturo. Nagdyu-joke pa nga ako. Kaya naman, maunawaan nila ang lesson kong 'sugnay.' Hindi sana halatang kulang ako sa tulog, kaya lang nainis ako sa hina ng boses nila nang activity time na. Hindi ko marinig. Kabaligtaran iyon kapag dumadaldal sila. Pinagalitan ko sila at hindi pinansin hanggang sa mag-uwian. Ten-thirty ang uwian. Shortened ang classes kasi may faculty meeting. Hindi ako nag-react sa alin man sa mga agendum. Hindi ko rin inako ang pagsusulat ng article for website. Iyon ang gusto kong mangyari para malaman nila ang kahalagaha ko, na sinayang nila. Past 1:30, pumunta ako sa HP para bumili ng libro sa booksale. Nakabili ako ng 24 books, worth P10 each. Past 4, nakauwi na ako. Nag-edit at nag-post ako sa Booklat. Nag-send din ako ng manuscript sa Sky Fiction. Gusto ko uli maging parte ng anthology. Pebrero 27, 2019 Hindi ako nagturo sa advisory class ko. Nais kong iparamdam sa kanila na galit ako sa kawalang-displina at kadaldalan nila. hindi ako nagsalita. Tinitingnan ko lang sila. Gusto ko na ngang sumigaw, magalit, at magsalita kasi maiingay pa rin sila, pero hindi ko ginawa. Desidido na akong balewalain sila. Gusto ko munang makitang nagbabago sila. Nagturo ako sa ibang section. Maayos namn sila. Kakaiba talaga ng attitude ng klase ko. Nakakasuya! After class, tinulungan ko si Ma'am Mj sa thesis niya. May dinagdag lang ako sa Chapter 2 niyon. Nakauwi ako bandang alas-4. Hindi na ako nakaidlip, pero nakapagbasa ako, nakagawa ng visual aids, at nakapagdilig ng mga halaman. Gabi, gusto ko sanang magsulat ng kuwentong-pambata, pero iba ang nasimulan kong isulat-- sanaysay tungkol sa leadership. Okay lang naman. At least, nakapagsulat ako. Pebrero 28, 2019 Ni isang salita, walang narinig mula sa akin ang mga Grade Six-Love. Samantala, nagturo ako sa ibang sections. Nakita ko namang tumahimik sila. Aware sila sa parusa ko. Nagawa rin nila ang isinulat kong panuto sa pisara pagkatapos kong magpaskil ng visual aids. Alam kong naintindihan naman nila iyon. After class, nag-meeting kaming advisers ng Grade Six para pag-usapan ang nalalapit na graduation rite. Past 1:30 na kami natapos. Then, gabi, nakita ko sa FB ang post ng Manila Bulletin. Wala raw graduation rites ngayong school maliban sa senior high school. Confusing!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...