Followers

Sunday, February 23, 2020

Masarap ang Bawal

Masarap ang bawal,
pero wala kang angal,
tumitira ka pa rin kahit mahal.
Ganyan ka kahangal.


Magkano ang isang bote ng alak?
Balewala iyon sa gaya mong talamak.
Kapag may alak, may balak.
Iyan ng motto ng mga 'wasalak.'
Ang saya mo `pag ito'y nilalaklak.
Kapag lasing ka na,
akala mo nasa langit ka.
Hindi mo na naisip,
bulsa mo ang nagigipit.
Hindi mo pa namamalayan,
kawawa ang iyong kalusugan.
Samo't saring sakit sa `yo ay sasapit.
Pagharap mo sa liwanag ay papalapit.
Huwag ka lamang mainip,
atay mo pa'y kumakapit.

Magkano ang isang istik ng yosi?
Ilang beses ka kung magsindi?
Presyo nito'y wala nang bale,
basta makalanghap lang ng usok palagi.
Pero, ito ay napakatindi.
Mabigat na nga sa bulsa,
baga pa ang kawawa.
Ang masama pa,
nakakadamay ka pa ng iba.
Ibinuga mong usok,
na tinatawag na secondhand smoke,
ay mas nakasusulasok.
Sana iyo na lang nilulunok,
nang ikaw ay mag-rest in peace na
at ang sakit, `di na mapasa sa iba.
Goodluck na lang sa `yo
at sa manikotinang future mo.
Sa asthma, TB o lung cancer,
tiyak ikaw ay may forever.

Umamin ka, nakatikim ka na
ng gamot na bawal sa iba.
Umamin ka, nakarating ka na
sa heaven, na iyong gawa-gawa.
Masarap ba? Maganda ba?
Kumusta ng iyong bulsa?
Mental health mo, kumusta?
Hindi ba't napapraning ka na?
Hindi ka makatulog, may insomia.
Tawa ka pa nang tawa.
Minsan nananakit pa.
Ang tingin mo sa tao ay iba.
Ang totoo, ikaw ang kakatwa.
Katinuan mo ay wala na.
Tokhang na lang ang kulang.
Payo ko, `wag ka nang lumaban.

Masarap talaga ang bawal,
pero maaari kang humimas ng bakal.
Kung mapera ka, mayor ka
Kung purdoy ka, yari ka.
Mabebehind ka ni Kakosa.
`Di bale, daks naman sila.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...