Followers

Saturday, February 15, 2020

THE 5 POWER HERBS

The 5 Power Herbs

Sa panahon ngayon, kailangan ng bawat tao ang gulay upang lumakas ang resistensiya at upang may panlaban sa mga sakit. Parami nang parami ang mga virus na nauuso sa mundo, isa na riyan ang nakamamatay na Corona virus.

Dapat nating pahalagahan at pangalagaan ang ating mga kalusugan. Ang pagkain ng gulay at prutas ay isang mabisang paraan upang maiwasan ang pagdapo ng sakit.

Kailangan nating lahat ang 'The Five (5) Power Herbs.'

Hindi lahat ay kumakain ng gulay. Hindi rin lahat ay may kakayahan o panahong bumili, magtanim, o magluto, ngunit ang ipakikilala ko sa inyo ay tiyak ninyong kamamanghaan. Tiyak akong pagkatapos ng presentasyong ito ay may aksiyon kayong gagawin.

Halina't samahan ninyo ako sa ilang minutong pagkilala at pagtatalakay sa limang mabisang dahon o mas kilala sa tawag na 'The 5 Power Herbs.'

Ang five power herbs ay ang malunggay, dahon ng sili, saluyot, kulitis, at talbos ng kamote.

See? Nasa bakuran lamang natin ang mga iyan. Hindi natin alam, ang mga ito lamang pala ang magpapanatili ng ating kalusugan, magbibigay ng proteksiyon, at maglulunas ng mga karamdaman.

Bihira sa mga doktor ang nagrereseta o nagpapayong gumamit ng mga herbal na gamot dahil ayaw nilang mawalan ng komisyon sa mga pharmaceutical companies. Ang mga gamot na kanilang inirereseta upang anila ay magpagaling sa atin, ay kadalasang siya pang sanhi ng paglala o pagdagdag ng ating karamdaman.

Isipin mo na lang ang ating mga ninuno... Namuhay naman silang walang paracetamol o iba pang komersyal na gamot.

Mas mabisa, mas praktikal, at mas epektibo ang mga herbal. Gulay na, gamot pa.

So much for that... Balikan natin ang 'The 5 Power Herbs.'

Ano-ano nga ba ang health benefits ng mga ito? Ano-ano ang mga nagagawa nito sa ating kalusugan?

Halina't tuklasin natin ang lihim at isiwalat natin sa buong mundo ang kakayahan ng mga ito!

MALUNGGAY.

Ang malunggay ay kilala rin sa tawag na Moringa Oleifera. Ito ay may pitong beses ang Vitamin C kumpara sa orange o kahel, apat na beses ang Vitamin A kumpara sa carrot, apat na beses ang Calcium at dalawang beses ang protina kumpara sa gatas, tatlong beses ang Iron sa spinach, at tatlong beses ang Potassium sa saging. (Note: Ang sukatan ay gramo sa gramo.)

See? Napakapowerful ng malunggay.

Dahil diyan, kaya nitong ipanumbalik at palakasin ang mahihinang buto. Sa pagtatae, mainam ito, gayundin sa nakararanas ng constipation o pagtigas ng dumi. Nakadaragdag ito ng gatas ng ina, kaya hindi na kailangan pang bumili ng mamahaling formula milk. Mabisa rin ito para sa mga impeksiyon sa balat. Sa West Africa, ginagamit itong panlunas sa diabetes. Sa India naman, ito ang ipinanggagamot nila sa high blood pressure. Epektibo rin itong panlunas sa anemia. Ang at nakamamangha, ito ay may kakayahang lunasan ang cancer sa katawan ng tao, na hindi itinatago ng mga medikal na tao.

DAHON NG SILI.

Ang dahon ng sili ay may Calcium, Iron. Phosporous, Vitamin A, at Vitamin B.
Ito ay kilala rin sa tawag na 'Capsicum Frutescens.'

Ito ay mabisang pantanggal sa sobrang pagod o over fatigue. Nakapagpapalakas ito ng resistensiya. Nakapapaganda nito ang metabolismo ng tao. Mainam ito bilang aphrodisiac. Pampagana rin ito sa pagkain. Nakatutulong sa paglinis ng dugo at pagsasaayos ng daloy nito. Pinapababa nito ang blood pressure, blood sugar, at cholesterol ng tao. Sa pananakit ng sikmura, kalamnan, ugat, at puson, mabisa itong panlunas. Sa mga may rayuma, 'the best' itong kainin. At walang tatalo rito para sa hika, ubo, at sipon.

SALUYOT

Ang saluyot o Corchorus Olitorius ay mayaman sa mga bitamina, Carotinoids, Calcium, Potassium, at Fibers. Kilala ito sa Japan bilang pantanggal stress, kaya nga nasa capsule na ito sa kanilang bansa.

Ang mga sumusunod ay ang mga kakayahan ng saluyot.
Ito ay demulcent o pang-iwas sa pagtigas ng dumi. Ito ay lactagogue o pamparami ng gatas ng ina. Ito ay purgative o pampurga ng bulate. Ito ay tonic o pampasigla ng katawan.
At ito ay carminative o panlunas sa flatulence o madalas na pag-utot.

Nalulunasan ng saluyot ang pagtatae o LBM/dysentery/enteritis, kabag o dyspepsia, lagnat o fever, pananakit ng balakang at likod o pectoral pains, pamamaga ng pantog o UTI/cystitis, at pahirapan sa pag-ihi o dysuria

Maaari ring mabawasan ang panganib ng tumor, ascites o paglaki ng tiyan dahil sa sakit sa atay, piles o almoranas, at cancer ang sinumang mahilig kumain ng saluyot.

Ang galing ng saluyot, `di ba?

KULITIS

Ang kulitis ay kilala rin sa tawag na Amaranthus Spinosus. Ito ay mayaman sa Calcium, Riboflavin, Folate, Vitamins A, B6, an C, Iron, Magnesium, Phosphorus, at Copper.

Nakapagpaginhawa ito ng paghinga. Maganda rin ito bilang laxative at diuretic. Nakapagpapahinto rin ito sa pagdurugo. May mga report na mainam raw ang ugat nito bilang panlunas sa bronchitis.

Superherb talaga ang kulitis!

TALBOS NG KAMOTE

Ipomea Batatas ang scientific name nito. Ito ang tanging halamang may Iodine. Mataas ang Calories at Vitamin A content nito.

Kaya nitong pababain ang blood sugar at cholesterol ng pasyente na may Type 2 diabetes. Magaling din itong panlunas para sa mga karamdaman sa sikmura--impatso. kabag, kumukulong tiyan, at iba pa.

Power na power ang talbos ng kamote!

Kung araw-araw mong ihahain sa mesa ang mga gulay na ito, tiyak akong mahihiya sa inyo ang mga sakit. Busog ka na, healthy ka pa.

POWER!

Kaya, ano pa ang hinihintay, kumain na nitong mga gulay. Lulusog na ang katawan, hahaba pa ang buhay.

Kung tinatamad ka namang magluto, NO WORRIES! Pinagsama-sama na ng FIRST VITA PLUS (FVP) ang five (5) power herbs na mga nabanggit upang mas madali ang paghahanda, pagkunsumo, at pagiging malusog at upang mas marami ang matulungan.

Nariyan ang 'The 5 Power Herbs sa iba't ibang variants ng First Vita Plus Natural Health Drink. Ang mga ito ay ang mga tinatawag na 'vegetables-in-drink.'

Yes! Gulay na iniinom. Vegetable drink. Na hinaluan ng iba't ibang uri ng prutas, gaya ng mangosteen, guyabano, dalandan, pinya, at melon.

Saan ka pa? Hindi na hassle, mabisa pa.

Mahal ang mga gulay at prutas, subalit mas mahal ang gamot, bayad sa doktor, hospital, at operasyon. Mahal nga talaga ang magkasakit, pero ang First Vita Plus, mahal ang bawat tao.

Just love yourself. Prevention is better than cure. Huwag mo nang hintaying magkasakit ka.

Health is wealth.

Sa FVP ay kayang-kaya kang bigyan ng good HEALTH at WEALTH.

PM is the key.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...