Setyembre 1, 2021
Almost 9 na ako nagising, kaya late akong naka-join sa Virtual INSET 2.0. Nagsisimula nang mag-talk ang speaker. Ang ganda pa naman ng topic niya. Gayunpaman, marami pa rin akong natutuhan.
May sakit ngayon si Zillion. Nagkasinat siya kagabi. May ubo. Hindi naman ako nangangambang may virus siya. Dito lang naman kami sa bahay.
Nakapag-upload ako ngayon ng vlog ni Emily. Hindi ko naman natapos ang module-vlog ko dahil sa hirap nakahanap ng audio ng tula. Pagbigkas kasi ang topic.
Setyembre 2, 2021
Past 8, bumangon na ako para maaga akong makapag-join sa VINSET. Focused talaga ako sa webinar kasi gusto kong marami akong matutuhan. Kung hindi nga lang nagkaroon ng meeting kaming mga writers para sa Integrative Performance Tasks, baka mas marami akong nagawa at natapos. Almost 5 pm na natapos. Apat na oras. Iyon din ang oras ng pagtayo ko. Nagdilig lang ako ng mga halaman. Then, pinagpatuloy ko ang pakikinig sa speaker. Pagkatapos, nag-print na ako ng mga certificates. Sinikap kong mag-record ng audio para sa vlog ko, pero hindi na kinaya ng time. Pagod na rin ako. Nakipagkulitan pa ako sa mga dati kong kasama sa grade level.
Setyembre 3, 2021
Maghapon akong nanood sa FB page ng SDO-Pasay. Una ang kick-off ng Brigada Eskuwela. Sunod ang Saludo o tribute sa mga module writers, teacher-broadcasters, at validators. Past 2:30 naman, may professional meeting kami. Inabot iyon ng past. Madilim na nang magsimula akong manood ng Day 5 ng VINSET 2.0. Past 8 ko na nakumpleto ang certificates of attendance and participation at nakuha ang Certificates of Recognition.
Nag-chat si Hanna bandang hapon. Tinanong niya ako kung kailan ko ibibigay sa kanya ang binili kong phone. Napilitan akong mangako. Sabi ko, bukas. Kaya naman, naggayak na ako. Wala na akong ibang time kundi bukas o sa Linggo. Marami pa akong ihahanda bilang adviser ng Grade 4-Buko.
Setyembre 4, 2021
Past six, naghahanda na ako para umalis patungong Antipolo City upang bisitahin si Mama at iiwan sa kanya ang new cellphone ni Hanna.
Past 9, nandoon ako. Nagulat at natuwa si Mama sa pagdating ko. Natuwa rin ako dahil malusog siya, pero later on, naawa ako sa kuwento niya. Gusto na niyang makaalis kay Jano. Hindi na siya masaya. Umiyak nga siya.
Bilang anak, ayaw kong makita siyang nahihirapan, kaya binigyan ko siya ng pag-asa. Sabi ko, tutulungan ko si Flor Rhina na magkaroon ng bahay para makalipat na rin siya. Tulong ko na rin kay Flor dahil may problema siya kay Nunoy.
Bago mag-11, nagpaalam na ako. Masaya na siya sa iniwan kong pangako.
Bago ako bumiyahe pauwi, nag-early lunch muna ako sa isang bagong kainan sa high way. Maganda ang lokasyon. Instagrammable.
Nag-post ako pagkatapos kumain at tinag ko ang resto. Nag-thank you sila. Isang paraan ko iyon para i-promote ang resto nila. Simple way of helping other.
Past 4, sinundo ako ni Sir Hermie sa Anabu Coastal. Talagang nakaplano ang pagpunta ko sa kanila. Matagal na niya akong niyayaya.
Ang ganda ng house nila. Bagong gawa. Naabutan ko pa ang kayang kaklaseng foreman. Kahanga-hanga. Sana siya ang makuha ko sa susunod kong pagpapa-renovate.
Past 5, nag-iinuman na kami ni Sir Hermie. Grabe na naman ang daldal ko. Naglabasan na naman ang mga hinaing ko sa lider naming walang puso sa kaguruan. Haist!
Gayunpaman, masaya kami kasi nag-video call pa ang mga kasamahan namin sa Grade Six. Nagkulitan kami.
One pm na kami natapos.
Setyembre 5, 2021
Past 6, gising na ako. Akala ko, maaga akong ihahatid ni Sir Hermie. Pero okay lang kasi medyo antok pa ako. Nahiga muna ako sa sofa habang tulog pa siya.
Past 7, hinatid na niya ako. May binigay siyang mirror sa akin. Bago pa.
Paat 8, nakauwi na ako. Hindi rin naman siya nagtagal, umuwi na siya. Tiningnan niya lang ang garden ko.
Gusto ko sanang matulog pagkatapos kong mag-almusal, pero nag-chat si Ate April. Nangungutang ng P1,000. First time niyang mangutang sa akin, kaya pinagbigyan ko.
Pagkatapos kong mag-almusal, nag-bike ako para maghanap ng GCash.
Pagbalik ko, may bitbit akong paso. Gusto ko sanang magtanim para mawala ang stress ko sa nalalapit na opening of class, pero hindi ko na nagawa kasi kinausap ko si Emily tungkol sa mga maling sistema nila sa BDF. Nagbigay ako ng mga payo.
Gabi, tinawagan ako ni Ma'am Vi. Marami na namang kuro-kuro kaming napagsaluhan.
Later, sa GC naman ng Faculty, nauwi ang attensyon ko kasi may naglabas ng kaniyang saloobin. Tamang-tama sa nararamdaman ko.
Then, kinausap ako ni Sir Elvis tungkol sa mga pinag-usapan namin ni Emily. Inimbitahan niya akong mag-talk bukas ng gabi sa kanilang meeting. Pumayag ako. Sana maniwala sila sa mga sasabihin ko.
Setyembre 6, 2021
Paggising ko, agad kong inisip ang pagsusulat ng mga sasabihin ko sa meeting bukas.
Nagsulat ako pagkatapos mag-almusal. Inabutan ako ng lunch time. Pero, worth it naman dahil confident akong mai-dedeliver ko iyon nang maayos.
After lunch ko na iyon natapos. Umidlip muna ako.
Bandang 4:30, tinawagan ako ni Ma' Joan R. Binalita niya sa akin ang changes sa mga grade assignments. Nagpalitan din kami ng kuro-kuro. Nagsabi rin ako ng iba kong ideas. I'm looking forward to working with her effectively. Ramdam ko naman na mabuti siyang leader at kasamahan. Noon pa man ay okay kami.
Past 6, nag-chat si Ma'am Normina. Tungkol sa matagal na niyang hininging tulong sa akin-- ang kontakin si Sir Genaro R. Gojo Cruz, upang maging resource person sa storybook writing. Agad kong ginawa iyon at agad kong napapayag si Sir Gene. Pumayag din itong tumanggap ng P10k gift check instead na P13k dati. Ang bait na tao.
Isa pang nakatutuwang balita ay kinuha rin akong resource person. Wow! It's my pleasure. Inihanay na niya ako sa award winning na writer.
Past 7:30, nag-talk na ako. Power na power ako. Hindi ko man binasa nang word for word ang mensaheng sinulat ko, pero nai-deliver ko nang maayos. Hindi ko first time mag-talk, pero first kong mag-share sa harap ng mga First Vita Plus dealers.
Natuwa ang aking asawa. Proud na proud siya. Natuwa rin ang mga co-dealers namin.
Sobrang dami ng blessings na natanggap ko ngayong araw. Plus pa ang ligayang naidulot ko kay Flor Rhina dahil nagkaroon siya ng pag-asa dahil pinahahanap ko siya ng pasalong bahay na mabibili ko para makalipat na silang mag-iina at si Mama.
Bukas, pupunta ako sa Pasay. Maglo-loan ako sa GSIS. Sana maging succesful.
Setyembre 7, 2021
Past 8, umalis na ako patungo sa Pasat City Hall. Nakarating naman agad ako roon, pero nagsisi ako kasi hindi nagpa-function ang GSIS Kiosk doon. Nasayang lang ang oras at pamasahe ko. Kinailangan ko pang pumunta sa GSIS mismo. Pero okay lang naman dahil mabilis ko lang nai-transact ang loan application ko.
Before 12, nasa PITX na ako. Kumain muna ako sa isang Chinese fast food bago umuwi. Iyon na kasi ang almusal at tanghalian ko.
Masayang-masaya at excited si Flor sa kinalabasan ng lakad ko kahit hindi pa sure kung maa-approve o hindi.
Kinausap na niya ang may-ari ng bahay na bibilhin namin. Pina-reserve na niya. Iyon na ang gusto niya dahil may mga grocery shelves na, na maaari niyang gamitin sa pagtitindahan.
Past 3, tumaas na naman ang presyon ng dugo ko kasi tumawag si Ma'am Vi. Ikinuwento niya sa akin ang mga nangyayari sa school namin. Mali ang mga desisyon, na para pang may manipulasyon. Naiinis ako kasi may mga gurong nai-stress sa kanila. Hindi na maganda ang ibinubunga ng kanilang mga ginagawa.
Gabi, nag-chat uli si Ma'am Mina. Binalita niya ang tungkol sa proposal ng writing workshop. Bukas daw ibababa ang memo. Good as approved na raw iyon. Grabe ang pasasalamat niya sa akin at sa tulong at suporta ko. Sinabi ko rin na pareho kasi kami ng adhikain.
Then, pina-send niya uli sa amin ni Ma'am Joann ang winning entries namin noong 2019, na hindi pa namin nakuha ang anomang awards or certificate. Isasama na yata niya sa september 25. Kaya naman, natuwa kaming pareho ni Ma'am. Nabuhayan kami ng loob. Akala namin ay tuluyan nang nabalewala ang aming pinaghirapan.
Setyembre 8, 2021
Gumising ako nang masaya upang masimulan ko na ang gawain ko sa Grade 4 advisorship. Kaya pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Pero, bago iyon, gumawa muna ako ng video na ipinost ko sa Zillion of Champions. Gusto kong makatulong iyon sa mga members ng GC namin upang mag-dealer na sila.
Pagkatapos, nagbura ako ang mga files na hindi ko na kailangan. Saka ako nag-download ng mga files na kailangan ko sa Grade 4.
Then, past ten, nanood ako MS Teams orientation para sa mga principals, MTs, at ITs. May bigla na lang sumambulat sa pandinig ko, kaya nagtanong ako sa GC.
Nang nag-reply ang principal, hindi ako kuntento sa sagot niya kaya nag-decide akong magtanong sa CID chief. Bago iyon, sinuportahan na ako nina Sir Hermie at Ma'am Venus sa GC.
Agad na nag-decide na magkakaroon ng orientation sa mga teachers. Nakatulong ang mga sinabi ko.
Sa walk through ng MS Teams, hindi ko napigilang maglabas ng aking mga opinyon, saloobin, at damdamin. Alam kong nagulat ang lahat, pero walang nakapagpigil sa akin. Pinatamaan ko ang mga kagurong nagsumikap na sirain ang sistema. Nasabi ko ang mga gusto kong iparating sa mga nakatataas. Hindi ko na rin napigilang sabihin na pinag-iinitan nila ako kaya ako nilipat sa Grade 4, pero nagbabala ako na itigil nila ang pagpapalipat-lipat sa ivang guro. Kung ililipat nila, permanente na doon.
Marami pa ang mga naganap. Tinulungan pa nga ako ni Ma'am Vi. Kung naririnig lang kami ng division, kahit paano ay mauunawaan kami. Kundi man, okay lang. Masaya na akong nailabas ko ang nasa isip at puso ko.
Binalaan ko ang sinuman na nais akong sirain dahil sa mga sinabi ko. Kako, kung ipaparating nila ang mga iyon, sana walang dagdag-bawas.
Hinangaan naman ako nina Ma'am Vi, Ma'am Joann, at Sir Hermie. Nakatulong ako sa pagpaparating ng concerns. Sana lang, maaksyunan at maitama ang mali.
Setyembre 9, 2021
Masaya kong sinimulan ang paggawa ng powerpoint para sa parents orientation ko sa Lunes. Kaya lang, andaming istorbo. Panay ang chat ng mga parents tungkol sa MS Teams. Gayunpaman, sinagot ko sila nang maayos at ayon sa abot ng aking makakaya.
Nahirapan din silang mag-sign in. mabuti na lang may mga maguoang na nakapasok, kaya sabi ko, turuan ang iba. Pagkatapos, nagpaalam ako sa kanila para dumalo sa meeting sa teacher ni Zillion. Ang totoo, naglaba muna ako. Past 3 naman ang meeting.
Past 6, nagmiting naman kaming Grade 4 teachers. Grabe, wala pa ring nasunod sa gusto kong mangyari. Ipinakita talaga nilang superior sila. Naglipat pa rin ng mga guro, pero ibabalik din kapag dumating na ang mga newly-hired teachers.
Hindi na ako nag-react. Sayang lang ang panahon ko. Mabuti pa sa school ni Zillion, nagustuhan ko ang sistema. Hindi na mahihirapan masyado ang mga guro, magulang, at mga mag-aaral.
Setyembre 10, 2021
Maaga akong gumising para paghandaan ang pagpunta ko sa school. Hindi naman ako agad nakaalis. Mga past 8:30 pa. Gayunpaman, nasa school na ako bandang past 10. Sa 2nd floor, nandoon sina Papang, Ma'am Mel, at Rapunzel, gayundin si Ma'am Joan R. Nakipagkulitan muna ako sa kanila bago ako umakyat sa third floor. Naabutan ko na sina Sir Hermie at Ma'am Vi doon. Tahimik silang gumahawa at naglilinis. Pinaingay at ginulo ko sila.
Maganda rin pala talaga na nakapunta ako sa school. Marami akong nakalap na impormasyon. Nakapagkuwentuhan kaming mga kasama ko sa grade level. Na-meet ko ang bago naming MT2 at naipaalam ko sa kanya na ako ang ipinalit sa kanya sa Grade 6, pero sa Grade 3 siya nilagay. I'm sure magbibigay iyon sa kanya ng impact.
Naisaayos na rin ang Form 137 ng pupil ko dahil nahanap na ang card niya.
Past 6 na kami nakaalis sa school. Nakisabay kami nina Ma'am Vi, Ate Jing, Ma'am Cieline, at ako sa sasakyan ni Ma'am Amy. Ang ganda ng kuwentuhan namin habanh nasa biyahe.
Past 8, nasa bahay na ako. Na-traffic ako sa Tejero. Gutom na gutom na ako.
Na-realize ko ngayon na, talagang mahinang klase ng lider ang principal ko. Sa mga nangyayari sa school, hindi malabong karamihan sa mga guro ay wala nang tiwala sa kanya. Ang tangi na lamang hinihintay ay ang paglipat niya sa ibang school. Sana kasama na niya ang numero uno niyang alipores-- si Bes.
Setyembre 11, 2021
Past 3 AM, nagising ako sa isang panaginip. Sinikap kung gisingin ang diwa ko dahil parang may mensahe na namang ipinaparating sa akin ang Diyos. Kaya, in-interpret ko iyon.
Nasa dalampasigan ako. Nakaapak ako sa tubig na nangingitim at nangangamoy, habang sa kalayuan, may masasamang loob na nanggugulo sa isang komunidad. Ang pinakalider ay may hawak na hostage. Nagkaroon ng komusyon. Ang ibang tao ay nagsisiktabuhan at nangangamatay na. Wala akong magawa kundi magtago sa nakaburol na buhangin dahil binabaril din ako ng masamang loob. Nang hindinko na nakayanan, sumigaw na ako. Sabi ko, "Patayin niyo na!" Utos ko iyon sa mga kababaryo kong nakaabang sa kalaban.
Nang gumising ako, humingi ako sa Diyos ng katalinuhan upang mabigyan ko iyon ng kahulugan. Hindi naman niya ako binigo. Tungkol iyon sa magulo, mabaho, at maruming pamamalakad ng aming principal. Kailangan kong sumigaw, lumaban, at maglabas ng boses. Kaya, heto ang aking mensaheng ipinadala sa aming GC bandang 3:30 nang umaga:
PARA ITO SA KAALAMAN NINYONG LAHAT. DAPAT KAYONG MAGING SENSITIBO SA DAMDAMIN NG KAPWA NINYO. ANG BAWAT MEETING AY MAHALAGA AT SAGRADO, GAYUNDIN ANG ORAS NG MGA GURO. PERO, ANO ANG GINAGAWA NINYO? MAG-MEMEETING KAYO NGAYON, PARA MAGDESSYON. PAGKATAPOS, KAPAG MAG-MEMEETING BUKAS, MAIIBA NA NAMAN. ANO BA ITO? GAME SHOW? EAT BULAGA? LABAN O BAWI? ANONG KLASENG PAMUNUAN BA ITO? ANONG KLASE NG EDUKASYON BA ANG IBINIGAY NATIN SA MGA MAG-AARAL KUNG SIMPLENG PROBLEMA AY HINDI MAIAYOS AT MAITAMA? ANONG KLASENG SAMAHAN ANG MERON KUNG MAY MGA GURONG HINDI NASISIYAHAN AT HINDI NAPAKIKINIGGAN? NASA MAGULONG MUNDO BA TAYO NG POLITIKA? MAY MORO-MORO BA? MAY AGAWAN BA NG YAMAN GAYA SA TELESERYE? MAY CONTEST BA NG PATAASAN NG IHI? NAKIKITA NIYO BA ANG RESULTA NG MGA GINAGAWA NINYO.? NARIRINIG PA BA NINYO ANG MGA SARILI NINYO? HINDI KO NA ALAM KUNG SINO AT ANO ANG PANINIWALAAN KO. WALA NANG BIGAT, DATING, AT KREDIBILIDAD ANG MGA NAPAKIKINGGAN KO SA MGA MEETING NINYO. PARANG PANAHON, PABAGO-BAGO. BAKIT GANOON? PINAGLALARUAN NINYO ANG KAPWA NINYO. HINDI KAYO NAKATUTUWA! KAYA PAKIUSAP, KUNG AYAW NINYONG MAGBAGO PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT, HUWAG NINYO AKONG ISAMA SA INYONG SISTEMA. HINDI MAHALAGA ANG GC NA ITO KUNG HIDDEN AGENDA LANG NAMAN NINYO ANG MASUSUNOD.
Nang mai-send ko na, wala akong guilt feelings na naramdaman. Natulog uli ako pagkatapos magpasalamat sa Diyos. Hangad ko na maging daan iyon upang marinig ako ng principal at ng kanyang kaalyado. Ang nais ko lang naman ay ang kanilang mabuting pakikitungo at patas na pagtrato sa kaguruan. Huwag nila kaming paglalaruan at maninipulahin.
Past 8 nang magising ako, marami na ang chat ni Ma'am Vi. Natuwa siya sa ginawa ko at na-inspire din. Later, hindi pa nga ako nag-aalmusal ay tumawag na siya. Nakausap ko rin sina Sir Hermie at Ma'am Wylene. Then, nag-chat din si Ma'am, bilang pagpapaalala na kailangan ng sagot sa mensahe ko.
Walang sagot sa mensahe ko. Hindi ko alam kung ano na ang mga susunod na mangyayari. Basta ako, may plano rin ako.
Past 10, dumalo ako sa MS Teams orientation. Grabeng hirap magsimula ang videoconferencing app. Ang hirap turuan ng mga magulang. May speaker na nga, sa akin pa rin nagtatanong. Isa nga rin ako sa dapat turuan.
Kasabay ng meeting ni Zillion sa kanyang adviser ang meeting naming Grade 4 teachers. Ibabalik si Sir Rey sa Grade 5, kaya ang mga pupils niya ay idi-divide sa apat. Four sections na lang ang Grade 4. Tapos, magtuturo ako ng ESP at MAPEH sa advisory class ko. Grabeng pasakit ito!
Nakaidlip ako after ng meeting namin, pero hindi rin nagtagal, tumawag na naman ang Grade Six. Kasama pa rin ako sa meeting nila. Ipinaalam lang sa amin ni Ma'am Vi ang chat niya sa magaling naming principal. Binasa niya ang mensahe. Napakaganda! Kaya lang, hindi raw nag-reply ang admin namin. Lalo siyang nainis, kaya nag-leave siya sa GL's GC at Faculty Club GC.
Sana unti-unti nang magkaroon ng hiya ang mga manipulators sa aming paaralan. Gusto namin ng pagbabago. Kung magpapatuloy ang maling leadership, magpapatuloy din ang pagbaba ng kalidad na edukasyon.
Dahil sa mga nangyayari, wala ako sa mood maghanda para sa first day of classes. Sana bukas, matapos ko na ang mga dapat kong ihanda. May mga natapos na rin naman ako.
Setyembre 12, 2021
Maaga akong nagising kahit gusto ko ang matulog. Okay lang naman. May mga dapat pa kasi akong ihanda. Kaya pagkatapos konh mag-almusal, humarap na ako sa laptop.
Sa maghapon kong paggawa, marami akong na-accomplished. Na-finalize ko ang powerpoint presentation ko. Nakapag-log in ako sa mga MS Teams link. Medyo nahirapan lang akong gawin ang pag-share ng screen o pag-present. Gabi, nakagawa naman ako ng diagnostic test sa Google Forms. Mabuti, may na-download ako sa DepEd Teacher. Mas madali kong natapos kasi hindi ko na kailangang mag-compose. Naipa-test ko na rin sa mga kasamahan ko dati sa Grade Six.
Tahimik ngayon ang buhay ko. Wala nang reaksiyon mula sa mensahe ko. Wala pa ring sagot mula sa kinauukulan. Kung ano man ang epekto niyon sa hinaharap, magiging matatag ako sa pagharap sa mga consequences. Ang mahalaga, naipahayag ko ang damdamin ko. Hindi natutulog ang Diyos.
Bukas, start na ang school year 2021-2022. Maging maayos sana ang bawat klase namin. Makisama sana ang internet connection.
Setyembre 13, 2021
Nagkaiyakan sa Grade Six kanina nang nag-meeting kami. Grabe na kasi ang tension dahil sa kagagawan ng punongguro..Wala nang direksiyon ang mga guro. Nilapat nang nilapat. Araw-araw yata ay may lipatang nangyarari, kaya nakakaisip na ng kung ano-ano si Ma'am Vi.. Masyado na kasi siyang nasasaktan. Noon ko lamang siya narinig umiyak dahil sa sama ng loob. Noon ko lamang din narinig ang mga masasamang karanasan niya sa pinuno namin sa kabila ng kabutihan at kahusayan niya sa kaniyang trabaho.
Twelve noon, nagsimula na ang klase ko. Marami ang nag-online, pero hindi lahat iyon mananatili. Ang iba, dumalo lang para sa orientation.
Na-stress na rin ang laptop ko kaya kung ilang beses din akong nalaglag sa MS Teams. Mabuti, hinintay ako ng mga estudyante.
Naging maayos naman ang first day. Medyo stressful lang dahil sa intermittent wifi connection.
After ng klase, nalaman naming Grade 4 na rin si Sir Hermie. Nagulat kaming lahat. Grabe talaga si L2 Variant. Wala nang matinong gawain. Kung ano na lang ang maisipan. Naging usap-usapan tuloy siya.
Setyembre 14, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, nagpabasa ako sa mga estudyante via FB Messenger. May apat akong napabasa bago ako naghanda para sa online class.
Naging maayos na ang online class namin. Nagpalitan na kami ng klase. Hindi nga lang ako nakapasok sa IV-Guyabano kasi namali ako ng kopya ng schedule ko. Pero, ang sumatotal, connected na ako palagi, hindi tulad kahapon.
Tahimik na ngayon ang school. Wala na akong nabalitaang nilipat. Sana tuluyan nang maging maayos.
Setyembre 15, 2021
Mas okay-okay na ngayon ang online class ko maghapon. Mas lalo kong nagagamay ang MS Teams, maliban lang sa audio ng video ko. Hindi rin maiwasan na may mga hindi makapasok sa link. At ang hindi ko makalimutan ay ang pagtuturo ko ng Music. Grabe! First time kong magturo nang aralin na hindi ko talaga maunawaan. Nota at pahinga. Wew! Sobrang hiyang-hiya ako sa mga bata at parents. Nag-sorry na lang ako. Babawi na lang ako sa ibang subject.
All in all, unti-unti ko nang nagugustuhan ang pagiging adviser ko. Pero, sana matanggal sa akin ang MAPEH o kahit ang Music. APEH na lang o kaya HAPE. Sakit sa damdamin na hindi ko mapatuto ang mga learners kasi ako mismo, lutang sa lesson.
Setyembre 16, 2021
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabI. Excited ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bukas na bukas ang diwa ko hanggang madaling araw. Andami kong iniisip at gustong gawin. Nakaka-excite.
Past 4, bumangon na ako para maghanda sa pagpunta sa school. Alas-8 ang bigayan ng books at modules. Ayaw kong mahuli ako at gusto kong maihanda ko ang mga ipamimigay.
Past 6, naroon na nga ako. Nakapag-almusal na. Nabisita ko na rin ang classroom ko. Nang dumating sina Sir Joel at Ma'am Joan, nagsimula na akong hakutin ang mga books.
Past 8, nagsimula na ang aksiyon. First time kong gawin iyon. Dati, tumutulong lang ako sa mga kasamahan ko. Nakatutuwa rin. Kahit paano, makakasalamuha ako ng mga magulang at tagapag-alaga.
First time din naming magkakasama bilang Grade 4 teachers. Ang saya rin, kahit magkakalayo kasi bilang pagsunod sa protocol.
Naranasan din naming mag-online class sa school. Sinabayan pa ng malakas na ulan.
Past 3:30, umuwi na kami. Saka ko naman natanggap ang balitang may memo na tungkol sa Division Storybook Writing Contest. Tuwang-tuwa ako dahil pasok lahat ang entries ko, gayundin ang kina Ma'am Joann at Ma'am Lea.
Bago mag-6, nakauwi na ako. Antok na antok talaga ako. Pero, hindi ako nakatulog. Kailangan ko kasing reply-an ang mga magulang at estudyante.
Setyembre 17, 2021
Kay bilis ng araw! Friday na pala ngayon. Nakaraos din sa nakaka-stress na first week of online classes.
Umaga, gumawa ako ng summary ng mensahe as motivator sa BDF ng ACT. Naisingit ko iyon bago nagsimula ang klase. At pagkatapos ng klase, may meeting kaming Grade 4 kaya hindi ko kaagad nagawa ang script ko. Pero nakahabol din ako. Nagkaproblema kasi ang GC.
Nai-deliver ko naman nang maayos ang mensahe ko. Power na power ako kaya kahit si Sir Hermie, na-encourage ko. Inspired na rin akong tumulong sa pagbi-BDF. Nakita ko kasi na mas makakapanghikayat ako prospect dealers, gamit ang aking kakayahan at karanasan. Gusto ko ring buuin ang Zillion of Champions.
Setyembre 18, 2021
Umalis si Emily nang maaga para mag-pay in sa First Vita Plus. Ide-dealer namin si Flor Rhina.
Umalis din ako pagkatapos mag-almusal para tingnan kung pumasok na sa UMID card ko ang loan ko. Nabigo lang ako kasi can't be processed ang account ko. Hindi ko malaman kong mali ang PIN ko o wala pa talagang pera
Nag-gardening naman ako nang kaunti bago ako humarap sa laptop para sa ilan pang schoolwork.
Past 1:30, dumating si Sir Hermie. Dinalhan niya ako ng mga paso at isang Aglaonema variety. Pagkatapos, niyaya ko siya kay Sir Joel G para makipag-bonding at para makuha ko na rin ang mga bato galing sa probinsiya nila.
Past 2, nandoon na kami sa bahay ng pamilyang Guillermo. Wala pa roon si Sir Joel, kaya si Ma'am Leah na muna ang nag-entertain sa amin. Four na siya dumating.
Pagkatapos magmeryenda, bumili na agad si Sir Joel at beer at pulutan.
Masaya at masarap ang usapan namin. Naging madaldal na naman ako, pero natutuwa naman sila.
Past 9, nagpaalam na kami. Napagkasunduan namin ni Sir Hermie na mag-karaoke pa sa bahay, kaya hayun, inabot kami ng past 1:30 sa pag-inuman at pagkantahan.
Ang saya! Napawi ang stress namin sa unang linggo ng school year at sa mga stress na dinulot sa amin ng aming principal at MS Teams.
Setyembre 19, 2021
Na-stress ako sa GSIS loan ko, pati nga sina Flor at Taiwan ay tumutulong na para malaman ko kung may pera na. Nag-install pa ako ng online banking, nag-Google, nag-Youtube, pero andaming problema. Walang OTP na pinadala sa email o cell number. Walang BP number na ilalagay sa eGSIS Mo. Haist! Stressed ako. Ang tangi ko na lang magagawa ay pumunta sa UB para magtanong. Kailangan kong mag-over-the counter withdrawal. Siguro nga, ang PIN ko ang problema.
Dahil sa stress, natulog ako after lunch. At nagtanim ako bandang 5 hanggang 6 ng hapon. Kahit paano ay nawala ang kalungkutan ko.
Nabigo naman ako, kaunti lang naman, nang mag-chat si Ma'am Mina. Postponed daw ang writeshop sa September 23 kasi nasa quarantine ang CID at LR dahil positive si Ma'am Martino.
Setyembre 20, 2021
Dahil kagabi pa ay nagsabi na si Emily na aalis siya, pinostpone ko na ang pagpunta sa GSIS.
Na-stress naman ako sa chat ni Flor. Ayaw ko ng kinukulit ako at pinangungunahan ako. Nagpagsabihan ko tuloy.
Hindi ako puwedeng umabsent para lang sa pag-inquire ng loan. Andaming magulang at parents na maghahanap sa akin.
Ngayon ang unang pormal na online teaching. Nagturo na ako ng lesson sa Filipino. Nakaraos din kahit medyo pasaway ang internet.
Past 4, umidlip ako. Naistorbo lang kasi dumaing na si Emily. Bumangon ako bandang six. Gumawa na lang ako ng Powerpoint presentations ng lessons ko sa Day 3.
Gabi, stressed pa rin ako kaya nag-karaoke muna ako saglit. Kahit paano nawala ang lumbay ko. At pagkatapos mag-dinner. gumawa ako ng vlog. Nai-upload ko kaagad.
Bukas, pupunta ako sa GSIS.
Setyembre 21, 2021
Past 8, nasa GSIS na ako. Dahil sarado pa ang UB, nag-inquire muna ako sa Kiosk ng aking loan application. Nabuhayan ako ng dugo nang makita kong approved na iyon. It means, hindi ako uuwing luhaan.
At habang naghihintay, nag-withdraw na rin ako sa LBP doon.
Past nine, nasa loob na ako ng UB. Mabilis lang akong natawagan. Kaunting minuto rin akong pinaghintay para sa paghahanda ng cash. At presto! Hawak ko na ang P217k.
Dahil wala pang 9:30, nagdesisyon akong umuwi na lang sa halip na pumunta sa school para mag-online class doon. Mabuti, nakasakay agad ako.
Wala pang 11:00am, nakauwi na ako. Sobrang saya ko. Siyempre, alam na ni Flor, kaya hindi ko man tanungin, alam kong masayang-masaya rin siya.
Naging okay naman ang online class ko. Gamay na gamay ko na ang pag-present. Kaya lang, bukas, papalitan na naman ang platform namin. Google Meet na naman kami. Maaaring hindi ko magamit ang audio at video nang maayos. Mas gusto ko na ang Ms Teams. Sana hinayaan na lang kaming maging host o admin ng isang link. Hindi dapat sila ang gumawa. Haist! Wala kaming magagawa kundi ang sumunod na lang.
After, online class, gumawa ako ng IWAR, na bagong template na naman. Gumawa na rin ako ng PPT.
Setyembre 22, 2022
May SOSA ang principal ko nang dumating sina Taiwan at Flor Rhina. Hindi ko kaagad sila nakausap kasi nakatutok ako. Past 11 na iyon natapos kaya halos wala na kaming kuwentuhan. Halos wala na rin akong time maligo at kumain nang maayos dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase.
Naging maayos naman ang klase ko, pero pagdating sa Avocado, hindi ako nakapasok agad. Limang minuto na lang akong nagturo. Sa Pinya naman, wala talaga. Hindi ako nakapasok.
Pagkatapos ng online classes, nagtanong ako sa GC. Napag-alaman ko na hindi pala depedpasay ang gamit ko. Haist! Mabuti, tinuruan ako nina Ma'am Anne at Sir Hermie.
Gumawa ako ng PPT ng aking mga lessons, pagkatapos kong gawin ang IWAR ko. Nakaka-inspire mag-work para sa mga mag-aaral. Nakikita kong eager na eager silang mag-aral at matuto.
Pagkatapos ko ng mga schoolwork ko nanood ako sa YT ng mga vlogs tungkol sa bato.
Setyembre 23, 2021
Kulang ako sa tulog dahil sa back pain na nararanasan ko gabi-gabi. Kaninang madaling araw, naglaan ako ng oras para pag-isipan ang mga sasabihin ko sa BDF bukas bilang motivator.
Maaga rin akong nagising. Masakit pa nga ang likod ko. Andami ko yatang lamig sa katawan.
Naging matagumpay naman ang ikalawang araw namin ng paggamit ng Google Meet. May mga hindi nga lang nakapasok sa link. Ako naman, nakapagturo ako sa lahat ng section.
Past 3 pm, after my online class, umalis kami ni Emily patungo sa Felipe Calderon Elementary School para magpabakuna. Marami ang proseso, pero mabilis naman. Kaya lang kami natagalan dahil naubusan ng vaccine. Nagpakuha pa, ilang minuto rin kaming naghintay. Pero nakabuti iyon dahil nakapagpahinga kami at nakalma kami.
NapakabilIs lang ng pagturok. Hindi naman nakakatakot. Sana lang maging epektibo ang Sinovac sa amin.
Sa October 21 ang second dose namin.
Past 5:30, nakauwi na kami. Nakadalo pa ako sa UniPEAT at E-CIDAR Orientation na ast 3 pa nagsimula.
Pagkatapos niyon, gumawa ako ng IWAR at mga PPTs ng lessons ko bukas.
Masaya naman akong makita ang pictures ng mga papeles ng pagbili ni Flor ng pasalong bahay. Nasa pangalan na niya. Medyo pinagsalitaan ko lang siya pagkatapos niyang manghingi pa ng puhunan sa tindahan.
Kalabisan na kasi kung ako pa rin ang magbibigay. Naglabas na ako ng P260 para sa kanya. Nawala na ang parte ko sa binentang lupa. Paano naman ang mag-ina ko at dalawa ko pang anak?
Aniya, gagawan na lang niya ng paraan. Sabi ko naman, gawin niya ng First Vita Plus. Mabubuhay siya kahit hindi magtindahan.
Setyembre 24, 2021
Thanks God, it's Friday!
Salamat din s Diyos dahil wala akong naramdamang kakaiba dahil bakuna ko. Hindi nga lang talaga ako nakatulog nang mahimbing dahil sa back pain ko. Gayunpaman, masaya akong bumangon. At nadiskubre kong may libreng site para mapanood ko ng 'Squid Game.'
Pinanood ko iyon hanggang past 10:30. Nakinood na rin si Emily dahil nakakaadik talaga.
After class, pinagpatuloy namin ang panonood hanggang sa dumating si Sir Hermie para magbayad sa utang niya sa First Vita Plus. Bumili pa siya ng isa pang box.
Nahiya naman ko kasi hindi ako nag-initiate ng inuman. Bawal pa kasi ako. Naunawaan naman niya.
Na-highblood na naman ako kasi hindi nasunod ang oras ng BDF. Excited pa naman akong mag-talk.
At upang mawala ang inis ko, nanood na lang kami ng Squid Game. Natapos namin hanggang Ep. 7. Pag-akyat ko, pinanood ko pa ang Ep.8. Nakakawala ng stress ng movie marathon.
Setyembre 25, 2021
Pagkatapos kong maglaba. Pinanood namin ang Ep. 8 at Ep. 9 ng Squid Game. Marami ring aral ang napulot ko sa series na ito. Impressive movie!
Then, sinimulan kong panoorin ang 'Alice in Borderland.' Nagustuhan ko rin. Nakaka-hook.
Before 2pm, lumabas ako para mag-biking. Kahit tirik ang araw, hindi ko iyon inalintana. Matagal na kasi nang huli akong nag-biking sa malayo.
Sa dating destinasyon ako nagbisikleta. Doon, nakapagpitas-pitas ako ng mga gulay, gaya ng dahon ng sili, dahon ng ampalaya, saluyot, uray, at malunggay. Parang First Vita Plus lang.
Andami kong nakuha. Libre. Walang may-ari ng mga gulay na iyon. God is great talaga.
Past 5 na ako nakauwi. Agad akong nanood ng 'Alice in Borderline.' Then, niluto ko ang kalahati ng mga nakuha kong dahon.
Ang sarap ng dinner namin. Laswa. Andami kong nakain.
Gabi, nakisuyo na naman sa akin ang mother ni Bernard na hikayatin ko ang anak niya na huwag mag-work sa Alabang dahil malayo. Ginawa ko naman agad. Matagal-tagal din kaming nagka-chat until nag-decide akong bisitahin na lang silang mag-ina bukas.
Setyembre 26, 2021
Umaga, gumawa muna ako ng Weekly Home Learning Plan at PPTs ng lessons ko saka ako nanood ng series. Na-hook ako sa isang Thai series.
Past 1:30, umalis ako sa bahay para puntaha si Bernard at kanyang ina sa Istana. Dala ko ang isang box ng First Vita Plus Dalandan Gold.
Doon, sa bahay nila, nakakuwentuhan ko ang nanay ni Bernard. Masaya siyang kausap. Then, nag-videoke kami ni Bernard hanggang past 6. Na-enjoy ko ang bonding namin.
Pagdating ko sa bahay, pinagpatuloy ko ang panonood ng series hanggang inabutan ako ng 11:30 ng gabi. Haist! Nakakaadik kasi.
Setyembre 27, 2021
Naalimpungatan ako sa mabilis, ngunit malakas na lindol bandang 1:30 nang umaga. Ginising ko ang aking mag-ina dahil natakot ako. Mabuti na lang, hindi naman ganoon ka-intense.
Ngayong araw, hindi lang pagtuturo at paghahanda ng lesson ang aking pinagkaabalahan. Tinapos ko ang Thai series na nasimulan ko kahapon. Dami kong ngiti, tuwa, at luha. Ang husay ng writer at direktor! Na-inspire na naman akong magsulat.
Setyembre 28, 2021
Hinarap ko ang LIS, pagkatapos mag-almusal. Ang bilis lang ng oras, kaya kinailangan kong maghanda na para sa online class.
Okay naman ang online class ko. Mahirap lang magturo sa lowest section dahil hindi agad nila nage-gets ang lesson. Kulang ang 25 minutes.
After online class, ginawa ko ang IWAR at naghanda ako ng PPTs.
Past 7:30, nanoood ako ng series sa Drama Cool. Nasimulan ko ang isa, pero hindi ko na tinapos ang Ep 2 kasi na-bored ako. Nagsimula uli akong manood ng isa bago ako natulog. Nagandahan ako sa story. Bukas itutuloy ko ang Ep 3.
Setyembre 29, 2021
Late na ang almusal ko kasi dumating si Ate Emer, kaya hindi agad ako nakababa. Hindi naman sa ayaw ko siyang makita. Nahihiya lang akong magpakita na bagong gising ako.
Ang araw na ito ay katulad kahapon. So far, okay na ang online class. Gamay na gamay ko na ang mga technical problems maliban sa biglaang pagkawala ng audio ng mga pupils ko. Hindi ko sila marinig habang may headphone ako. Iyon pala, sira na ang gamit kong headphone.
Pagkatapos ko ng mga schoolwork, nanonod na ako ng Korean series. Ang saya-saya ng buhay. At siyempre, nakipagkulitan pa ako sa mga Grade Six, sa GC.
Setyembre 30, 2021
Napuyat ako kagabi dahil sa init. At kapag nakatutok naman ako sa electeic fan, sumasakit naman ang likod ko. Haist! Sign of aging.
Past nine na ako bumangon. Nakaalis na si Emily, pero may almusal na kami ni Ion.
Habang nagkakape, dumalo sa ako sa paseminar ng Cooperative Development Authority. Required yatang dumalo ang cooperative chairman. Kaya, kahit hindi ko gusto ang topic at tinapos ko. Mabuti, natapos agad bago magsimula ang klase ko.
Okay naman ang online class. Nakakapagod lang magsalita. Nagdalawang period ako sa Buko kasi may meeting si Ma'am Joan R. Sa halip na vacant ko, kinunsumo ko ang oras niya para sa MAPEH. Okay lang naman.
Past 6 na ako natapos sa PPTs ko para bukas. Naabutan ako nina Kuya Emer at Emily. Then, nanood ako ng series. Pampa-relax. Nakaka-stress ang SDO-Pasay. Andaming pinaggagawa sa mga guro. Puro proyektong wala namang ambag sa kaginhawaan ng mga guro.
No comments:
Post a Comment