Followers
Monday, September 20, 2021
Paano Yumaman
Magkakaiba tayo ng katayuan sa buhay. May mayaman. May nakaririwasa. May mahirap. Siguro naman, wala sa atin ngayon ang napakahirap. Gayunpaman, iisa lang ang kailangan natin-- ang kalusugan, lalo na sa panahon ngayon. At iisa lang ang pangarap natin-- ang maging mayaman.
Sa mga bago pa lang marinig ang First Vita Plus, good news dahil ang kompanyang ito ay may kakayahang ibigay ang kailangan natin at may kakayahang tumulong tuparin ang pangarap natin.
Magto-20 years na ang kompanyang ito, kaya nakabuo na ito ng pangalan. Huwag na po kayong mag-alinlangan. Kung nais ninyong maging malusog at makaahon sa uri ng pamumuhay na meron kayo ngayon, embrace the change. Change your lifestyle. Kung gusto ninyong maging malusog, heto na. Tutulungan ka ng First Vita Plus. Kung gusto naman ninyong magdagdag ng income, First Vita Plus din. Ito ang negosyong hindi na ninyo kailangang kumuha ng business permit. Gagawin na lamang ninyo ang negosyo.
Kapag healthy tayo, damay ang pisikal, emosyonal, mental, at espirituwal. Good health provides wellness and opportunities.
Kapag ginawa mo naman ang negosyong FVP, it will give you income and opportunities.
Tandaan lang na ang kalusugan ay needs. Pangangailangan. Urgent na ito. Araw-araw kailangan nating maging malusog. Hindi ito luho. Badly needed natin ito lalo na sa panahong ito.
Subalit, ang yamang inaasam natin ay hindi naman kailangan. Wants lang talaga natin. Puwedeng ipagpabukas. Walang time constraints. Puwede namang tayong mabuhay nang walang kayamanan. Right?
Pero, hindi katanggap-tanggap na maging unhealthy tayo forever.
Gayunpaman, kalusugan at kayamanan ang piliin natin or both, parehong nagdudulot ito ng happiness sa buhay natin. Kapag malusog tayo, masaya tayo at ang pamilya natin. Kapag lumalago na ang negosyo natin, masaya tayo, lalo na kapag nakatutulong tayo sa iba.
Tandaan lamang na dapat ang happiness ay may kaakibat na contentment. Ang taong kuntento sa buhay ay masaya. Pero hindi lahat ng masaya ay kuntento. Alin tayo roon?
Minsan, ang problema sa tao, hindi makuntento kaya kahit anong bagay na meron sila, hindi nila ma-appreciate. Palaging may kulang. Palaging may hinahanap. Mataas ang pangarap. Ang kalalabasan ay stress, depression, o anxiety. Kapag nangyari ito, hindi rin matatawag na success ang effort natin.
Ang success ay nangangahulugan ding happiness and contentment. Being healthy is being wealthy. Therefore, kapag malusog ka ay successful ka. Mayaman ka.
Pero, paano ninyo maaabot ang tagumpay kung hindi kayo kikilos? Paano kayo magiging malusog kung paulit-ulit ninyong kinakain ang bawal. Ang pangarap ay mananatiling panaginip kung hindi kayo gigising, babangon, at kikilos.
Sa First Vita Plus, lahat ng ito ay may posibilidad. Nasa inyong mga kamay na lamang nakasalalay ang tagumpay. Huwag ninyong idahilan ang presyo at halaga ng produkto at puhunan. Kung nais ninyong maging malusog, kahit ipangutang ninyo, gagawin ninyo, maging malusog lamang kayo. Pero ang mga wants natin, iyon pa yata ang gusto ninyong ipangutang. Uutang sa 5-6 para makabili ng gamit o gadget. Panghanda sa birthday. Pero hindi kayang gawin kapag kalusugan na ang nakataya.
Kung magnenegosyo, approve ang pangungutang. Pero, say no to PASS kapag health na ang usapan.
Mapalad kayong mga narito ngayon sa umagang ito dahil pinagbuksan kayo ng oportunidad. Ang First Vita Plus ay may hatid na Health and Wealth Program. Choose one or both. Hindi kayo magkakamali. Tutulungan kayo nito. Tutulungan namin kayo. Gawin lang ninyo ang Diyos bilang sentro ng lahat ng inyong mithiin sa buhay. Maniwala at magtiwala lang kayo sa First Vita Plus, lalo na sa Diyos.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment