Followers
Tuesday, February 1, 2022
Ang Aking Journal -- Enero 2022
Enero 1, 2022
Nanood ako ng movie hanggang 2:30 am at nagising ako bandang 8:25. Pagkatapos mag-almusal, nanood na naman ako. Last day ko na ito para mag-movie marathon. Bukas, schoolworks naman ang aatupagin ko.
Nalulungkot lang ako ngayon. Para kasing hindi ako kilala ng mga kapatid ko. Kahit ang may mga utang, wala ring paramdam. May iilan mang nakaalala, pero kakaunti lang. Haist!
Naipangako ko na ngayong 2022, magiging maingat na ako sa pagpili ng mga taong tutulungan at pauutangin. Iisipin ko naman ang sarili ko at pamilya ko.
Enero 2, 2022
Medyo napuyat ako kaninang madaling araw kasi inisip ko ang problema ni Jhon Felix. Humihingi siya ng tulong sa akin. Gusto niyang magtrabaho since hindi na siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang. Kagabi, sinabi ko kay Emily. Baka kako may kakilala siyang naghahanap ng trabaho. Hahanap daw siya.
Gusto kong matulungan siya. Pinagdaanan ko rin kasi ang hirap sa pag-aaral at buhay. Mabuti na lang may tumulong sa akin-- ang Sia Family. Kaya, sana magawa ko rin iyon sa ibang tao.
Naipangako kong magiging maingat na ako ngayong 2022 sa pagtulong, pero alam kong mabuting tao naman ang gusto kong tulungan. Sana lang payagan siya ng kaniyang mga magulang, na lumuwas at lumayo para mag-work.
Pagkatapos mag-almusal, nagtanggal kami ni Zillion ng Christmas decorations. Naglinis na rin kami sa sala. Then, nag-gardening ako. Marami akong nai-repot na cacti.
Then, naghanda na ako ng WHLP para bukas. Hindi man ako excited na magbalik in teaching, eager pa rin naman akong magturo at mapatuto ang mga estudyante.
Nag-movie marathon pa rin ako maghapon. Need ko lang sulitin ang bakasyon. Sana manumbalik na ang eagerness kong magsulat at gumawa ng vlogs.
Gabi, nag-chat si Felix. Hindi raw siya pinayagan ng mga magulang. Sa Lucena na lang daw mag-apply. Kako, sundin niya ang mga ito.
Enero 3, 2022
Dahil balik-klase na, bumangon ako bandang 8 am para maghanda ng almusal. Nagsangag ako ng bahaw na kanin. Nagprito ako ng itlog. At dahil may tirang daing na isda, sakto na ang almusal namin!
Mahaba pa naman ang oras ko pagkatapos mag-almusal kaya nakapag-relax pa ako. Nanood ako ng Tiktok videos. Pinag-aralan ko rin ang mga lessons ko.
Naging maayos naman ang online classes ko. Napansin ko lang na kumonti ang mga estudyante ko sa Buko na pumasok sa online class. Dati mm ore than 15, ngayon 12 na lang.
After class, umidlip ako. Five pm na ako bumaba para magmeryenda.
Habang nagsasaing, gumawa ako ng activity sa Google Form. Hindi ko na nilagay lahat ng laman ng module. Ang Panimula at Pagtataya na lang ang nilagay ko.
Past 9:30 pm, nawala na naman ang internet connection. Nakakabuwisit na ang Converge! Nanonood pa naman ako ng Addams Family. Nakinig na lang tuloy ako sa FM radio.
Enero 4, 2022
Bumili na lang ako ng almusal kasi napuyat ako kagabi. Kahit wala nang internet connection, napuyat pa rin ako. Naiinis kasi ako sa service provider. Iniisip at inaalala ko online class.
Kaya naman, pagkatapos mag-almusal, naghanap ako ng lokasyon kung saan may signal ang Smart. Baka kako kaya ng data.
Marami akong pinuntahan,.pero hindi kakayanin ang Google Meet. Kahit nga ang Messenger, hirap pa. Bandang 10, umuwi na ako. Plano kong makigamit ng wifi kina Ian. Pumayag nga ito at pinapupunta na ako.
Good thing, pag-uwi ko, may connection na pala. Nakahinga ako nang maluwag. Nawala ang stress ko.
Pero nang nasa klase na ako, isa na namang nakaka-stress na technical issue ang dumating. Mabagal ang net. Kaya naman, hindi kaagad nakakapag-present o share screen. Naabala ang pagtuturo ko. Ten minutes na muna ang lilipas bago makapag-share screen. Hindi ko alam kung bakit magkaganoon. Basta sa lahat ng section, ganoon ang nangyari. Diniskartehan ko na lang para hindi masayang ang oras.
After class, umidlip ako. Hanggang past ako nakahiga. After magkape, gumawa ako ng IWAR. Hindi na ako gumawa ng activity sa Google Forms kasi timeline ang layunin. Hindi kakayanin.
Sana hindi na maulit ang mga pangyayaring ito. Nakaka-stress! Ang sarap magturo, huwag lang may mga ganitong problema.
Enero 5, 2021
Nadiskartehan ko ang Google Meet. Gumamit ako ng laptop para mag-present. Ginamit ko rin ang mobile phone ko para mag-join. Walang echo. Maayos at on time kong naituro ang lesson ko. Medyo boring nga lang kasi pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa binasang teksto' ang lesson. Paulit-ulit lang. Natalakayan na ito dati. Dinagdagan lang ng 'timeline.'
After ng online class, hindi ako umidlip. Nag-submit ako ng mga hinihingi-- PDS at summative test results. Nag-update din ako ng IWAR. Hindi na uli ako gumawa ng activity sheet sa Google Forms kasi hindi akma sa lesson. Nanood na lang ako ng movie and later ay naghanda ng hapunan. After dinner, nanood uli ako. Life is good!
Enero 6, 2022
Nagdilig ako ng mga halaman pagkatapos kong mag-healthy breakfast. Then, pinaghandaan ko ang online class. Ayaw ko kasing maulit ang nangyari kahapon.
Sobrang bagal pa rin ng laptop ko. Mabuti na lang, ready ang cell phone. Nairaos ko ang online class.
Hindi ako nakaidlip after class. Gumawa na lang ako ng IWAR at iba pang school report. Then, nanood ako ng movie.
Bukas, dahil asynchronous kami, maglalaba ako. Marami-rami ang labahan ko. Tiyak aabutan ako ng hapon.
Enero 7, 2022
Past 8, naghahanda na ako ng almusal. Sinimulan ko na ring magpatulo ng tubig sa washing machine. Wala akong inaksayang oras. Nakapagpunas pa nga ako ng sahig sa sala at kusina.
Marami akong nilabhan, pero wala pang 12 nn. nang matapos akong magsampay. Hindi naman ako masyadong napagod. Iba talaga kapag masaya ka sa ginagawa mo.
Ngayong araw, nagsulat ako ng isang chapter para sa nobela ko. Hapon, dahil asynchronous gumawa at nagpasa ako ng mga hinihinging reports. Naiinis lang akong gawin ang listahan ng magpapabakuna. Walang hiyang iyan! pati trabaho ng ibang department ipinagawa na sa mga guro. Buwisit! Almost 12 mn ko na tuloy nai-post ang isang chapter na sinulat ko ngayong araw. Mabuti, nagawa ko. Sana masundan agad.
Enero 8, 2022
Pagkatapos mag-almusal, bumili ako ng sariwang isda. Na-miss ko kasi ang sinabawang isda. Yellow fin tuna sana ang gusto ko, pero hindi na sariwa ang tinda roon, kaya malaking galunggong na lang ang binili ko. Masarap naman ang pagkakaluto ko. Si Ion lang ang hindi naka-appreciate. Kahit ano namang ihain sa batang ito, talagang kakarampot kung kumain. Parang nilalason!
Nanonood ako ng movie pagkatapos maligo, kaya lang inantik ako kaya pinagbigyan ko.
Past 6, nanood ako ng FB Live ng 20th anniversary celebration ng First Vita Plus, hoping na manalo ako ng prize, like P20k or Ford Mustang. Pagkatapos ng live, feeling disappointed, pero masaya naman kasi maraming bago sa FVP.
Nanood uli ako ng movie bago matulog. Bukas, magsusulat naman ako.
Enero 9, 2022
Dahil Lunes na naman bukas, gumawa ako ng activity sa Google Forms. Pero, nag-almusal muna ako, nagdilig, naghugas, naglinis sa salat at kusina, at nagtupi ng mga nilabhan. Natapos ko naman iyon bago bandang tanghali. Then, nagsulat ako ng pang-update sa Wattpad
Nanonood ako ng movie nang biglang akong inantok, kaya pinagbigyan ko. Pagising ko, sinisipon ako. Masakit sa may ilong.
Gabi, pagkatapos kong magluto ng escabeche, naramdaman ko ang isang sintomas ng trangkaso. Parang masakit ang katawan ko. Bigla akong nangamba. Ayaw ko ito.
Nine-thirty, mainit na ang leeg ko. Nilamig na rin ako kaya nag-jacket na ako. Dati naman, nakahubad-baro lang ako.
Bukas, naka-schedule pa naman ang bigayan ng modules. Kapag hindi ako maging okay, hiindi muna ako pupunta sa school.
Ten-forty-five, okay pa naman ako. Kayang-kaya pa. Naisip ko nga baka ma-over fatigue lang ako. Naghawak kasi ako kaninang umaga ng yelo mula sa ni-defrost kong fridge. Hindi pa ako niyon nagkakape. Ten am na ako nakapag-almusal kasi late na dumating ang pina-deliver ni Ion. Andami ko na munang nagawa.
Eleven, nilamig na ako nang sobra. Sa bibig na rin ako humihinga. Kaya lagi akong nakanganga.
God, please heal me.
Enero 10, 2022
Grabeng sakit ng ulo ko buong magdamag! Nawala na ang sakit ng katawan ko, pati ang temperature ko, bumaba na. Ito namang matinding headache ang pumalit. Talo pa ang hangover. Nakatulog naman ako kahit paano, pero sa tuwing gagalaw ako, sumasakit ang ulo ko..
Past 8, bumaba ako. Sinabihan ko si Zillion na may sakit ako kaya asikasuhin niya ang almusal niya. Uminom lang ako ng First Vita Plus. Hindi rin ako nananghalian. Hapon na ako tumikim ng pagkain. Hindi ko pa naubos ang burger.
Nagpabili na ako ng gamot, kaya medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Kumain na rin kasi ako ng kanin kahit matabang ang panlasa ko.
Enero 11, 2022
Hirap na hirap akong matulog dahil sa matinding sakit ng ulo. Parang may buhay na insektong ngumangatngat sa utak ko. Walang epekto ang ikalawang Bioflu na ininom ko.
Hindi ako hinainan ng almusal ni Ion. Okay lang naman kasi wala talaga akong ganang kumain. Tanghali na ako kumain ng solid food --tatlong kutsarang kanin, na nilagyan ko ng tubig at asin.
Nag-search ako nh home remedies para sa headache. In-apply ko ang apat. Naglagay ako ng esential oil. Nag-massage ako sa mga pressure points. Nagkape ako. At nag-cold compress. Ang lahat ay may panandaliang ginhawa.
Na-realize kong dahil sa sipon kaya sumasakit ang ulo ko. Kailangan ko itong matuklap. Binigyan ako ni Kuya Emer ng Cotrimoxazole. Mabuti, dumating siya bandang tanghali. Gabi ko na iyon ininom, pagkatapos kong kumain ng lugaw. Siyempre, hindi nawawala ang First Vita Plus.
Enero 12, 2022
Gaya kagabi, nahirapan na naman akong makatulog nang maayos. Sobrang sakit talaga ng ulo ko-- buong ulo. Parang maga. Masakit kahit nasa unan. Mas lalong sumasakit kapag parang tumitibok.
Kahit kulang sa tulog, bumangon ako bandang 6 para magsuob at uminom ng gatas. Ilang minuto ang lumipas, nakatulog ako.
Past 10 na ako humingi ng kanin kay Ion. Kahit paano, marami na ang nakain ko. Brunch na nga lang.
Maghapon akong pinahirapan ng sakit ng ulo ko. Siyempre, absent na naman ako sa online.
Past 3, nang wala na si Kuya Emer, bumaba ako . Na-stress ako dugyot na kabahayan. Ang lagkit ng sahig. Ang mga pagkain sa mesa, walang takip. Andaming niluto, hindi naman nagsikain. Pinagalitan ko si Zillion. Pinaglinis ko.
Pagkatapos kong magkape, nagdilig ako ng mga halaman. Nakaya ko naman nang hindi nahilo. Nawala nga ang sakit. Naisip ko, sobra lang sa higa kaya sumasakit. Kaya bukas papasok na ako.
Gabi, marami na akong nakain. Medyo may discomfort lang sa sikmura ko. Nanibago. Biglang bumigat. Masuka-suka ako pagkatapos kumain. Mabuti na lang, hindi natuloy.
Nagsuob uli ako bandang 9pm. Wala na akong ininom na gamot. First Vita Plus Melon na lang.
Enero 13, 2022
Nakatulog naman ako dahil nawala na ang sakit ng ulo kahit paano. Kaya lang, naweirdohan ako sa mga panaginip ko. Parang montage ng mga pictures. Nakakasakit ng damdamin ang iba. Sapul sa puso. Minsan, parang pics in one dream. Simula noong magkasakit ako, puro weird ang panaginip ko. Noong isang araw, puro KPop , KDrama, at... basta Korean ang tema. Para akong nagdedeliryo.
Nagpaaraw ako sa labas pagkatapos mag-almusal. Okay na talaga ako. Hindi na ako naghahanap ng higaan. Hindi na rin pumipintig ang ulo ko. Ready to teach na!
Nagawa ko namang magturo nang maayos kahit hinihingal pa. Ang bilis din ng oras kaya hindi ko naramdaman ang pagod ang antok.
So far, hindi pa bumabalik ang appetite ko. Okay lang naman kasi nakakakain na ako kahit paano unlike noong unang araw.
Habang nagpapakulo ng tubig para sa kape, naglinis ako sa sala at kusina. Ayaw ko kasi nang marumi at malagkit na sahig. Medyo hiningal lang ako.
Ngayong araw, ubo naman ang meron ako. Medyo nahihilo rin ako. Natutuklap na nang paunti-unti ang plema ko.
Bukas, maliligo na ako. Andami ko na kasing tigidig sa mukha. Ito ang nangyayari kapag hindi ako naliligo o hindi nababasa ang mukha ko.
Enero 14, 2022
Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig ako ng mga halaman. Then, naglinis sa kusina. Medyo nahihilo pa ako, kaya hindi muna ako naligo nang maaga, since 2 pm pa naman ang faculty

Pagkatapos kong mag-almusal, nagdilig ako ng mga halaman. Then, naglinis sa kusina. Medyo nahihilo pa ako, kaya hindi muna ako naligo nang maaga, since 2 pm pa naman ang faculty meeting namin. Nagpahinga muna ako. Nang nakaligo ako, gumanda-ganda ang pakiramdam ko, pati ng skin and scalp.
Okay naman ang meeting. Mabilis lang. Nakagawa rin agad ako ng IWAR pagkatapos niyon. Five pm na nang bumaba ako para magmeryenda.
Nalaman ko kay Emily na may ubo si Ion. Wala na rin itong gana. Nilutuan ko na lang ng lugaw. May tira-tirang adobo, kaya may pampalasa. Tapos, may nilagang itlog.
Wala pa rin akong ganang kumain. Nabubusog agad ako, kaya nag-noodles lang ako at fried rice. I hope bumalik na ang appetite ko.
After dinner, nagsulat ako ng pang-update sa wattpad. Bandang 9, nai-post ko na iyon. Bukas, magsusulat uli ako.
Enero 15, 2022
Sinermonan ko si Zillion habang nag-aalmusal kasi alas-9 na, parang ayaw pang kumain. Kung hindi ko pa tinawag, hindi bababa.
Maghapon akong nagbasa at nag-edit ng mga chapters ng isa kong nobela. May isusulat kasi akong madugong kabanata. Kailangang mag-refresh.
Umidlip naman ako bandang 2 to 3. At past 6, umalis ako para i-withdraw ang unang 15-30 na salary. Natagalan ako kasi offline ang dalawang ATMs.
Nine pm, nagsulat na ako. Medyo naubusan nang idea after ng 300 words, kaya nanood na lang muna ako ng movie.
Enero 16, 2022
Ang sarap matulog dahil ang lamig. Pero, kailangang bumangon para makapag-almusal na. Masakit din sa ulo ang pagpipilit makatulog.
After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nagsulat ako. Kailangan kong tapusin ang isang kabanata. Hapon ko na iyon natapos. Saka lamang ako makaidlip.
Gabi, editing naman ang ginawa ko. Naisingit ko rin ang panonood at pangungusina. Nakapagpunas din ako ng sahig sa sala at kusina.
Enero 17, 2022
Pagkatapos kong mag-almusal, nag-movie marathon ako. Iyon lang ang ginawa ko maghapon, maliban sa pag-idlip. Gabi na ako nag-edit ng novel ko sa wattpad.
Sobrang lamig na ng hangin sa labas. Mas mabuting mag-stay na lang sa loob ng bahay. Iwas pa sa sakit.
Enero 18, 2022
Nagdilig lang ako ng mga halaman sa umaga, then nag-stay na ako maghapon sa kuwarto. Nakakatamad ang lamig. Ang sarap lang manood ng movie.
Nag-edit din ako ngayong araw. Marami-rami rin akong na-edit. Bukas, maglalaba ako.
Enero 19, 2022
Past 11:30 am na ako natapos maglaba. Nakapagpunas na rin ako ng sahig sa sala, kusina, at kuwarto ko. Hinarap ko naman ang panonood ng movie.
Pagkatapos, umidlip, panonood uli ng movie ang ginawa ko. Gabi na ako nag-edit. Kapag natapos ko ang pag-eedit, magsusulat na ako ng bagong chapter.
Patapos na ang academic health break. Parang ang bilis lang ng araw.
Enero 20, 2022
Late na kami nag-almusal. Ang sarap kasing matulog. Kung hindi nga lang masama ang mag-skip ng breakfast, baka nakahiga pa rin ako until 11 am.
Wala naman along gumawa maghapon kundi mag-edit. Kaunti na lang, matatapos na. Baka sa weekends na ako magsusulat ng bagong chapter.
Naisingit ko rin ang panonood ng movie. Masakit din kasi sa utak ang editing.
Enero 21, 2022
For the first time, nagising ako bandang 10 am. Ang sarap ng tulog ko. Mababaw at pagising-gising naman ako, pero alam kong nahihimbing ako. Ang sarap!
After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nagtupi ako ng mga nilabahan ko. Isinunod ko na ang panonood. Kailangan kong makakuha ng story ideas sa bagong chapter ng nobelang isusulat ko.
Nasimulan ko naman after kong manood ng isang pelikula. Gabi, nagsulat uli ako. Almost done na. Bukas, baka mai-post ko na. Kailangan ko lang pagbutihan ang mga linyahan kasi marami ang umaasa.
Enero 22, 2022
Dumating si Kuya Natz bandang 10:30. Nangumusta lang. Binigyan ko siya ng mga halaman.
Ngayong araw, nanood lang ako ng movie. Nakapagsulat din ako ng isang chapter ng nobela. Nakapag-edit din ako ng dalawang chapters. At siyempre, naglinis ako sa sala. Nakapag-gardening din ako kahit saglit. Na-enjoy ko ang mga plants.
Past 1 na ako natulog. Na-overwhelm ako sa nobela. Nakaka-hook. Sarap isulat ang mga nasa isip ko.
Enero 23, 2022
Late na naman ang almusal ko, namin. Ang sarap kasing matulog. Kundi ko nga lang inisip na Lunes na bukas, baka lalo akong tinamad. Kaya, pagkatapos kong magdilig ng mga halaman, gumawa na ako ng WHLP at activity sa Google Form.
At dahil ready na ako, nanood naman ako ng movie. Kaya lang, nalaman kong asynchronous pa rin ang klase bukas. Offline learning uli ang mga estudyante. Natuwa ako kahit masasayang ang mga inihanda ko. Okay lang naman. May gagamitin ako sa IWAR.
Hapon, nagsulat ako ng bagong chapter. Isiningit ko rin ang gardening bandang gabi.
Bago ako natulog, at 1 pm, nanood muna ako sa Youtube. Puyat na naman.
Enero 24, 2020
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Andami kong nagawa. Pero andami ko pang gustong gawin. Kaya naman, iniwan ko lang sa garden ang mga tools ko. Nakakalat pa ang ilang mga bakanteng paso. So far, marami na akong hanging potted plants. Mas safe na sila sa mga pesteng daga.
At dahil asynchronous ang klase, gumawa pa rin ako ng activity sa Google Form, na gagamit ko bukas. Then, nagsulat ako ng bagong chapter.
Maghapon din akong nanood ng movie. Then gabi, nakai-post ko nq sa wattpad ang bagong chapter.
Enero 25, 2022
Hindi ako nagtanim ngayong araw. Nagdilig lang ako pagkatapos kong mag-almusal, then gumawa na ako ng activity sa Google Form.
Naadik ako ngayong araw sa rubic's cube. Nakakabuo na ako ng isang side o kulay, pero hindi nagiging dalawa. Nanood pa mga ako sa YT kung paano i-solve. Ang hirap!
After maligo, umidlip ako. Hanggang 4:30 ako sa higaan bago nagmeryenda. Mabuti, may kusa na si Ion. Umoorder na siya.
Gabi na ako, nagsulat ng bagong chapter ng nobela ko. Hindi ko nga lang natapos kasi isiningit ko ang rubic's cube.
Enero 26, 2022
Napuyat ako kagabi. Hindi problema ang inisip ko. Excited ako sa mga gusto kong gawin. Natatawa ako kasi pati ang pag-solve ng rubic's cube ay pinag-isipan ko. At higit sa lahat na-excite ako sa sinusulat kong chapter ng isang nobela ko. Parang ako ang lead character. Panay ang imagine ko.
Kaya naman, 10 am na ako bumangon. Late na rin ang almusal. At hindi na ako nakagawa sa garden. Nanood lang ako sa Tiktok. Then later, nag-rubic's cube na ako. Makakaadik kahit hindi ko mabuo-buo.
Alas-6, dahil umaambon, nag-karaoke ako. Wala pang sampung kanta ang na-play ko, na-lowbat na ang speaker. Hindi ko na chinarge. Umiinit na sana ang lalamunan ko.
Sa halip, nakipag-chat muna ako kay John Gelix. Baka matuloy siyang makitira rito sa bahay habang naghahanap ng trabaho. Willing naman akong tumulong.
Then, nagsulat na ako. Past 11:30 ko na nai-post sa wattpad ang bagong chapter ng nobela ko. Hindi pa rin ako antok. Parang gusto ko pang magsulat. Nai-excite kasi ako sa mga reactions ng mga readers. Na-hohook din sila.
Enero 27, 2022
Late na naman ako gumising at nakapag-almusal. Ang sarap kasi talagang matulog. Bumabawi lang din ako sa mga panahong maaga akong magising dahil mainit o kaya ay may lakad.
Wala naman akong masyadong ginawa maghapon. Nagsulat lang ako ng nobela. Naglaro ng rubic's cube. Nanood ng Tiktok videos. At bandang 6 pm, lumabas ako para i-withdraw ang PBB. Nag-grocery ba rin ako nang kaunti sa Alfamart.
Bandang past 10, inaantok na ako. Hindi kasi ako nakatulog kaninang hapon, since nandito kanina si Kuya Emer.
Enero 28, 2022
Kulang ako sa tulog ngayon kasi pineste ako ng itchy ear ko. Kinailangan ko pang mag-reserch sa Google ng home remedy. Oil at bawang ang nilagay ko. Kahit paano, nawala. Nakatulog siguro ako bandang 5 am na. Nagising naman bandang 9:30.
Nagdilig lang ako ng mga halaman ngayong araw. Then, nagsulat ako ng chapter ng nobela. The rest, same pa rin ng mga activities ko kahapon. Masyado na akong na-hook sa rubic's cube. Hindi ko pa nga lang nabubuo. Malapit na.
Enero 29, 2022
Eight o' clock, gising na ako. Habang nagpapakulo ng tubig na pangkape, sinimulan ko na rin ang paglalagay ng tubig sa washing machine. Kaya naman, past 10, tapos na akong maglaba. Kakaunti lang naman ang nilabhan. Si Ion lang ang maraming damit na isinuot. Ako, halos puro shorts lang.
Nag-gardening din ako nang kaunti ngayong araw. Pero ang pinaka-achievement ko ay nakapagsulat ako ngayon ng dalawang chapters ng nobela. Nakaka-inspire kasi ang positive feedbacks ng mga follower-readers ko. Sila ang nagpapasipag sa akin sa pagsusulat.
Nanghihingi si Emily ng pamasahe pabalik dito. Hindi ko siya mapagbigyan. Andami pa jolang utang sa akin. Sana naman magtulungan silang magkakapatid. Andami ko nang inilabas na pera last year both sa mga kapatid ko at sa kanya. This time, kailangan kong maging wise. Hindi ko naman tinatae lang ang pera. Kapag ako ang nangailangan, siguradong mahihiya akong lumapit sa kanila. Hindi ko ugaling maakaawa. Kapag ang mga anak ko na ang nangailangan, sino ang makakatulong? Wala.
Maraming may utang sa akin. Karamihan, wala nang paramdam. Dalang-dala na ako.
Enero 30, 2022
Nag-ayos sa garden. Madugong pag-aayos. Inuna kong linisan ang harapan ng bahay. Binawasan ko ang mga nakapasong halaman, kaya medyo umaliwalas. Hindi ko naman natapos ang nasa loob. Hindi na kinaya ng katawan ko. Pero, masaya ako kasi nakikita kong maganda ang kalalabasan.
Nawalan ng tubig. Wala man lang abiso. Four pm na ako nakaligo. At nanood muna ako ng Korean series na 'All of Us are Dead.' Na-hook ako kaya kinalimutan ko muna ang pagsusulat.
Enero 31, 2022
Mabuti nagising ako bandang 8:30 kasi may INSET pala. Nakahabol pa naman ako. Umabot pa nga iyon ng 12:30. Hindi naman ako nakinig masyado. Nag-gardening ako habang naka-join. Naririnig ko naman kasi mas pokus ako sa ginagawa ko. Besides, 'Positive Discipline' lang naman ang topic.
After lunch, nanood uli ako ng "All of Us are Dead." Tinapos buong maghapon hanggang gabi. Ang ganda kasi!
Gabi, iba naman ang pinanood ko. Kumuha ako ng ideya at inspirasyon sa sinusulat kong nobela. Nakakuha naman ako. Bukas, magsusulat na naman ako, since holiday naman bukasm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment