Followers

Monday, February 14, 2022

Sanhi at Lunas sa Pangangati ng Tainga (Itchy Ears)

Nanganagati ba ang tainga mo? Don’t worry! Ang pangangati ng tainga o itchy ears ay hindi naman talaga mapaminsala, pero nakakainis, lalo na kung umaatake sa oras ng pagtulog mo. Ang paglulunas ng itchy ears ay nakadepende sa sanhi ng pangangati nito. Bago ko isa-isahin ang mga lunas, alamin mo muna ang mga dahilan kung bakit nangangati ang tainga. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng ear infections. Ang mga bacteria at viruses na kasabay o dulot ng sipon at trangkaso, na nata-trap sa tainga at nagiging tutuli (earwax) ay nagiging dahilan ng ear infection. Ang chronic ear infection ay nangangailangan na ng medical treatment. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng dry ears. Ang mga tainga ng tao ay talagang nagpo-produce ng oil at earwax upang mapanatili itong malinis at malusog. Kapag naglinis kang masyado ng tainga, natatanggal mo ang wax sa tainga at natutuyot ito, kaya nagiging dahilan ng pangangati. May ibang tao na hindi nakakapag-produce ng sapat na wax sa tainga, kaya nagreresulta iyon sa dry ears. Kapansin-pansin ang mga flakes sa paligid ng tainga ng taong may dry ears. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng food allergies. Ang allergic reaction sa isang partikular na pagkain, gaya ng mani (nuts), gatas, isda at iba pang seafood, wheat, soya, at iba pa, ay maaaring magdulot sa tao ng pangangati ng tainga. Bukod sa itchy ears, ang taong nakararanas ng food allergy ay maaaring magkaroon ng pangangati sa buong mukha. Ang iba naman ay nagkakaroon ng hives. Kapag malala na ang allergic reaction, nangangailangan na ito ng immediate medical care and treatment. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng earwax blockage. Ito ay nagaganap kapag naharangan ng namuong tutuli ang tainga. Sa madalas na pagsundot sa tainga gamit ang cotton buds, daliri, o iba pang bagay, nagkakaroon ng earwax blockage. Na-iirritate nito ang ear canal. Natural na nagkakaroon ng tutuli ang tao dahil proteksiyon ito sa panloob na tainga. Kusa namang lumalabas o nahuhulog ang tutuli kapag ito ay natuyo. Subalit, kapag ito ay pumailalim, magdudulot ito ng earwax blockage, na siyang dahilan ng pangangati. Kapag pumailalim ang tutuli, nata-trap ang bacteria sa tainga, kaya nagkakaroon ng ear infection. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng ginagamit na hearing aids. Ang plastic coating ng mga hearing aids ay minsang nagdudulot ng pangangati sa tainga. May mga tao kasing sensitibo ang balat sa naturang materyal. Minsan naman, ang pangangati ay dulot ng tubig na pumasok sa hearing aid. May mga pagkakataon namang hindi wasto ang sukat ng hearing aids sa tainga ng pasyente, kaya nagkakaroon ng pressure at pangangati. Kung mangyari ito, ipaayos agad sa espesyalista. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng swimmer’s ear. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga manlalangoy. Kapag ang tubig ay pumasok at nanatili sa tainga, maaaring magkaroon ng kondisyon na tinatawag na otitis externa (swimmer’s ear). Ang tubig na naipon sa tainga ay mag-mumultiply ng bakterya, na siya namang magdudulot ng impeksiyon sa tainga. Ang swimmer’s ear ay masakit at napakakati sa tainga. Bukod dito, nagdudulot din ito ng sakit sa balikat, mukha o ulo; pamamaga sa paligid ng tainga, pakiramdam na parang barado ang tainga; at kahirapan sa pandinig. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng allergic rhinitis. Ito ay tinatawag ding hay fever. Ito ay nagaganap kapag ang tao ay may allergic reaction sa pollen, dust, smoke, o animal fur. Ang mga ito ay nagiging sanhi ng pangangati sa tainga, mata, at lalamunan, kasabay ng watery eyes, sipon, sakit ng ulo, pagbahing, at paninikip ng dibdib. Ang itchy ears ay maaaring bunga ng skin conditions, gaya ng psoriasis, dermatitis, at eczema. Bukod sa pangangati, ang taong may ganitong kondisyon ay maaaring magkaroon ng namamagang tainga o mala-kalislis na balat sa paligid ng tainga. Ngayong alam mo na ang mga sanhi ng pangangati ng tainga, dumako na tayo sa paglulunas nito. May mga home remedies akong ibabahagi sa ‘yo. Kung ang itchy ear ay dulot ng paglangoy, makatutulong ang gravity sa pagtanggal sa naipong likido sa apektadong tainga. Ikiling lang ang iyong ulo na ang apektadong tainga ay kahanay sa lupa. Ipasok sa tainga ang malinis na daliri at subukang lumikha ng vacuum upang mailabas ang tubig. Gumamit ng cotton bud o tuwalya upang linisin ang discharge. Maaari ka ring humiga nang patagilid habang may tuwalya sa ilalim ng tainga. Ang remedyong ito ay maaari ding gawin kapag may swimmer’s ear. Ang maligamgam na tubig ay isa ring mahusay na ahente upang maalis ang labis na tutuling nagdudulot ng pangangati sa tainga. I-flush lamang ito sa apektadong tainga. Ang banayad na puwersa ng tubig ay mag-aalis ng earwax. Siguraduhing gumamit lamang ng distilled water. Sa pagsasagawa nito, kinakailangan ng rubber bulb syringe, na nilagyan ng maligamgam na distilled water. Ikiling patayo ang iyong ulo at hilahin ang panlabas na tainga pataas at pabalik upang ituwid ang kanal ng tainga. Gamit ang hiringgilya, dahan-dahang maglagay ng kaunting tubig sa kanal ng tainga. Iwanan ito ng isang minuto at pagkatapos ay alisan ng tubig sa pamamagitan ng pagkiling ng iyong ulo sa tapat. Linisin ang tubig at earwax gamit ang malinis na tela. Makatutulong ang ilang patak ng pinaghalong hydrogen peroxide (agua oxinada) at tubig sa pangangati ng tainga. Tutunawin nito ang namuong earwax. Ang totoo, karamihan sa komersyal na eardrops ay nagtataglay ng hyrdrogen peroxide o kaparehong compound. Subalit ang madalas na paggamit nito ay maaaring magpalala ng pagkatuyo ng balat ng ear canal. Tinutulungan naman ng hydrogen peroxide na tunawin ang namuong tutuli at lumabas sa tainga. Para gawin ito, maghanda ng 1:1 ratio ng hydrogen peroxide at tubig. Gamit ang ear dropper, ikiling ang iyong ulo patagilid at maglagay ng ilang patak ng solusyong ito sa tainga. Panatilihin ang posisyong ito nang ilang oras. Pagkatapos, ikiling ang iyong ulo sa kabaligtaran upang maubos ang solusyon. Punasan ang earwax gamit ang malinis na tela. May kakayahan din ang white vinegar sa paglunas ng itchy ears, lalo na kung ihahalo ito sa rubbing alcohol. Ang suka ang tutulong sa pagtunaw ng earwax. Ang rubbing alcohol ang magsisilbing drying agent at tumutulong sa pagsingaw ng anumang natitirang likido mula sa tainga. Para gawin ito, maghalo ng magkatumbas na dami ng white vinegar at rubbing alcohol. Ibabad ang isang cotton ball sa solusyon. Ikiling ang apektadong tainga pataas, hilahin ang panlabas na tainga pataas at pabalik, at pagkatapos ay pisilan ng 2-3 patak ng solusyong ito sa tainga. Maghintay ng 5 minuto, at pagkatapos ay ikiling ang iyong ulo sa kabilang direksyon habang ang ginagamot na tainga ay pababa upang ang gravity ay makapagsagawa ng pagkilos nito at hilahin ang solusyon at ang wax mula sa lukab ng tainga. Alisin ang earwax sa panlabas na tainga gamit ang tissue. Ang pagsasagawa ng warm compress ay mabisang solusyon din sa pangangati ng tainga. Kung ang dahilan ng pangangati sa tainga ay taghiyawat (acne), mainam gawin ang warm compress sapagkat tinutuyo nito ang acne. Kapag gumaling na ang acne, mawawala na ang kati. Ang init mula sa warm compress ay nakatutulong sa pagbabawas ng pamamaga at pangangati. Pinahihina nito ang taghiyawat, kaya lumalabas ang nana. At nakababawas din ito ng anumang sakit. Para gawin ito, magbabad ng malinis na tela o bimpo sa maligamgam na tubig at pigain nang maigi. Ilapat ang warm compress sa tainga sa loob ng 5 minuto. Pagkatapos, hugasan nang maayos at maingat ang tainga. Isagawa ang lunas na ito dalawang beses araw-araw sa loob ng ilang araw. Ang paggamit ng blow dryer ay makatutulong din sa paglunas ng itchy ears. Nakatutulong ito upang mabilis na sumingaw at mapatuyo ang moisture sa ear canal, na maaaring dahilan ng pangangati. Para gawin ito, hilahin ang iyong earlobe mula sa iyong katawan. Gamit ang blow dryer na humigit-kumulang 10 hanggang 12 pulgada ang layo mula sa iyong tainga at naka-set sa pinakamababang hangin, itutok ito nang direkta sa kanal ng tainga sa loob ng humigit-kumulang 30 segundo. Ulitin ang proseso, kung kinakailangan. Ang paglalagay ng oil sa tainga ay mabisang paraan ng paglulunas sa itchy ears. Ang mga oil gaya ng olive oil, baby oil, virgin coconut oil, o essential oil ay maaaring gamitin. At dahil dealer ako ng First Vita Plus, inirerekomenda ko sa iyo ang Oil of Life. Para gawin ito, humiga nang nakatagilid at nakaharap ang apektadong tainga. Dahan-dahang hilahin ang panlabas na bahagi ng iyong tainga pataas at pabalik. Maglagay ng 2-3 patak ng maligamgam na essential oil sa bukana ng iyong tainga gamit ang isang dropper. Dahan-dahang masahein ang balat sa harap ng tainga upang matulungan ang langis na pumasok. Manatili sa ganoong posisyon sa loob ng 5 hanggang 10 minuto. Punasan ang anumang labis na langis na tumutulo mula sa iyong tainga kapag umupo ka. Ulitin sa kabilang tainga kung kinakailangan. Hayan! Marami ka nang pagpipiliang home remedies. Nakatitiyak akong hindi ka na magiging iritable kapag nangati uli ang tainga mo. Tandaan lang, mas mahalaga pa rin ang prevention kaysa treatment. Kaya, ingatan at alagaan ang tainga. Iwasang mapasukan ito ng tubig. Tigilan ang paggamit ng cotton buds, bobby pins, toothpicks, lapis, ear candles, at iba pang bagay na maaaring makasugat sa tainga o magtulak sa tutuli paloob ng tainga. Uulitin ko, ang earwax ay natural at nakatutulong sa paglilinis ng tainga. Kusa itong lumalabas o nalalaglag kapag natuyo. At ang sobrang pagtanggal ng tutuli ay hindi nakabubuti.

1 comment:

  1. Harrah's Cherokee Casino & Hotel - Mapyro
    Harrah's 창원 출장샵 Cherokee Casino & Hotel is 광명 출장샵 located in Cherokee, 시흥 출장마사지 North Carolina, U.S.A.. The casino 동해 출장샵 is owned by the Eastern Band 여수 출장마사지 of Cherokee Indians

    ReplyDelete

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...