ATIS
Tunay itong napakatamis
Sa nutrisyong dulot, walang
mintis
Mainam ito sa may arthritis
At may anti-cancer properties.
Napakabuti nito sa mga buntis
Upang ang sanggol ay kumapit
Sa mga may skin disease
Mahusay magpagaling ang atis.
AVOCADO
Gusto ito ng halos lahat ng tao
Dahil sa taglay nitong benepisyo
Kolesterol ay pinapababa nito
Mainam din sa mata at puso.
Sa mga bigatin, puwede ito
Pagkulubot ng mukha, napipigil
nito
Rayuma at kanser, 'di sinasanto
At potassium nito'y 14
porsyento.
BAYABAS
Bunga
nito'y panghimagas
Dahon
nama'y panglanggas
Sa
mga benepisyo ay kay lakas
Gamot
sa sugat na naaagnas.
Tamis-asim
at medyo makatas
dahil
sa fiber, dumi tiyak na lalabas
Kaya
sa pagda-diet ito ay pantas
Sa
Vitamin C ay napakataas.
BALIMBING
Carambola
kung ito ay tawagin
Dahil
`di tanyag, atin itong kilalanin
Mga
nutrisyon nito’y maihahambing
Sa
mansanas, mangga, at saging.
Mayroong
Bitamina C at fiber din
Kaya
ubo’t sipon, agad gagaling
Ang
blood pressure ay babalansehin
Sa
balat at buhok, ito’y magaling.
BUKO
Eliksir ng buhay ang
tawag dito
`pagkat sabaw at
laman, panalo
Sa salad at sorbetes,
lalong-lalo
Sa kalusugan, walang
duda ito.
Sa kidney,
nakalulusaw ito ng bato
Nagpapababa ng
presyon ng dugo
Mabuting pamalit sa
nawalang likido
At mainam para sa
nagdadalantao.
CHICO
Matamis man ang
prutas na ito
Pero may mga taong
ayaw nito
Basta ako, ito ay
aking paborito
Dahil sa sustansiya'y
punong-puno.
Mayaman sa asukal ang
katas nito
May Protina at
Bitamina C rin ito
May mga mineral
na makukuha rito
Gaya ng Calcium, na
mabuti sa buto.
DALANDAN
Ito'y uri ng citrus,
na may laban
Dahil mainam ito sa kalusugan
Bitamina C, ang nilalaman
Na mabuti sa ating katawan.
Kung natural na kagandahan
Ang hinahangad at pag-uusapan
Dalandan ay maaaring asahan
Kalusugan at kutis ay kikinang.
DUHAT
Kakaiba man sa lahat,
Pero hindi naman kulelat
Sa nutrisyon, sumasapat
Sa benepisyo, umaangat.
Sa anemia, ito ang katapat
Sa diarrhea, ito ang dapat
Buto ay titibay at lalakas
At sa kanser, makaiiwas.
DURIAN
Amoy nito'y may
kakaibang katangian
Lasa nama'y dadalhin
ka sa kalangitan
Maraming hatid sa
ating kalusugan
Totoong
kapaki-pakinabang sa katawan.
Bitamina C at B complex
ang nilalaman
May dietary fiber,
na ating kailangan
Sa antioxidants,
ito'y mapagkukunan
Upang ating dugo,
maayos ang daluyan.
GRANADA
Pomegranate
ang tawag nila
Sa prutas na ito, na
pambihira
Pasok sa panlasa ng
madla
Pasok sa kalusugan ng
bawat isa.
Naglalaman ito ng mga
bitamina
Na mainam sa puso,
tiyan, at iba pa
Balat ay binabanat,
pinagaganda
At impeksiyon sa ihi,
kayang-kaya!
GUYABANO
Ang matamis-maasim na
lasa nito
Kay sarap, kay raming
benepisyo
Ang mga dahon at
prutas nito
Parehong mabubuti
para sa tao.
Ang prutas nito ay
numero uno
Upang kanser,
maiwasang mabuo.
Ang mga dahon nito'y
aprubado
Sa pagpapababa ng
dugo.
IGOS
Marami ang `di
nakakikilala sa igos
Kaya, panahon na
upang ito'y matalos
Mas kilala ito sa
tawag na fig, Boss.
Ginamit ito sa
pangangaral ni Hesus.
Sa mga nutrisyon,
hindi ito kapos
Patay na balat ay
kaya nitong isaayos
Puso at buto ay
lulusog nang lubos
Presyon ng dugo, magiging
oks na oks.
KAIMITO
Halos lahat naman,
ito’y paborito
Bukod sa matamis,
malaman ito
Mura at abot-kaya pa
ang presyo
Pero sa sustansiya,
mahal ka nito.
Pampatibay ito ng
ngipin at buto
Pampababa ng
presyon ng dugo
Pampalinaw pa ng
matang malabo
Nakatutulong pa sa
nagdadalantao.
KALAMANSI
Sa asim nito'y ika'y
mapapangiwi
Sa sustansiya naman,
ika'y mapapangiti.
Sa sawsawan, hindi
ito magpapahuli
Sa mga lutuin,
maipagmamalaki.
Taglay nito'y mataas
na Bitamina C,
Kaya ubo at sipon ay
maiwawaksi
Ito ay madalas na
iminumungkahi
Sa nanghihina't
kalusuga'y `di mabuti.
KASOY
Sa Ingles, tinatawag
itong cashew
Ang prutas na nasa
labas ang buto
Sabi sa bugtong,
prinsesang nakaupo
Sa ibang lugar, buto nito ay negosyo.
Napakarami nitong
benepisyo
Ang langis, dahon, at
balat nito
Ay hindi basta-basta,
hindi ordinaryo
Bunga nama’y puwedeng
ipambato.
KIWI
Sa kiwi, hindi ka
mapapangiwi
Sa kalusugan, mataas
ang silbi
Ang hika ay kaya
nitong iwaksi
Pambihira ang taglay
na Bitamina C.
Kung nagdadalantao si
Mommy,
Inirerekomenda ang
pagkain ng kiwi
Pagkat, utak at
gulugod ni Baby,
Pinatatatag nito
hanggang sa paglaki.
LANGKA
Malinamnam at matamis
na lasa,
Amoy na mabango at
kaaya-aya
Ilan lamang sa
katangian ng langka
Na handog ay mga
mineral at bitamina.
Sa kalusugan, ito'y
magaling talaga
Mga panganib ng
sakit, pinapababa
Hindi rin pahuhuli sa
mga meryenda
Sa haluhalo, sa
turon, ito'y kasama.
LANSONES
Ito’y panghimagas na
kay tamis
Sa mga sakit ay wala
ring mintis
Gaya ng diarrhea,
na nakakainis.
May Vitamin A, kaya
pampakinis.
Matinding sakit ng
ulo ay maaalis,
Bad cholesterol
ay malilinis,
At sa kabag, hindi na
magtitiis,
Kapag kumain ka ng
lansones.
LEMON
Sa inyong kusina, ito
ba’y meron?
Mapapalad kayo kung gayon.
Kung wala, kayo’y hinahamon
Na mag-imbak nito at magkaroon.
Ang tubig na may hiniwang
lemon
Ay pang-detox
at maaaring ibaon.
Numero uno ito sa ubo
at sipon
Talagang kumakatas
ito sa nutrisyon!
LITSIYAS
Ito'y maliit na
prutas, pero makatas
Sa mga sustansiya ay
kagila-gilalas
Sa katawan, ito ay
nagpapalakas
Ang mga toxins
sa katawan, inilalabas.
May potensiyal ito,
ayon sa mga pantas
Sa kanser, maaari daw
maging lunas
Sa
pagkamakalimutin, dito'y makaiiwas
Sa pagpapabuti ng
panunaw, walang kupas.
LONGAN
‘Kapatid ng litsiyas’
ang longan
Kahawig ay lansones
lang naman
Ang totoo, China ang
pinagmulan
‘Dragon mata’ ang
ibang pangalan.
Hindi peke ang mga pakinabang
Tunay na nakatutulong
sa kalusugan
Magpagaling ng sugat
ang kakayahan
At anemia ng sinoman
ay pinipigilan.
MAKOPA
Itong bunga ay
hugis-kampana
“Mansanas ng
mahihirap,” sabi nila
Pero, sa benepisyo’y
mayaman pala
Nagtataglay ng
Bitamina A, C, at protina.
Kung bigatin, timbang
ay mapabababa
Kung diabetiko, ito’y
mainam kainin talaga
Kung tinitibi,
kakayahan nito’y subok na
Kaya rin nito kung sa
atay ang problema.
MANGGA
Sa nutrisyon ay
napakasagana
Swak na swak sa ating panlasa
Kalusugan ang hatid sa balana
Kaya ito ang prutas na pambansa.
Balat at kutis nati'y napagaganda
Napalilinaw ang ating mga mata
Napabubuti nito ang memorya
Kolesterol, tinitiyak nitong mababa.
MANGOSTEEN
Lasa nito ay
matamis-maasim
Kaya buto nito'y kay
sarap sipsipin
Sa nutrisyon naman,
'di ka mabibitin
Hindi ka magiging
sakitin.
Ang kanser at diabetes,
kakalabanin
Sakit sa puso at
pagkamakalimutin
Gayundin ang rayuma
ay haharangin
Resistensiya ay tiyak
na palalakasin.
MANSANAS
Isang araw, isang
mansanas
Upang sa doktor ay
makaiwas.
Malutong, kaya `di ka
mababanas
Sa bawat kagat,
"Sarap!" mabibigkas.
Sa timbang, ito'y
nakababawas,
Sa pagtanda, hindi
agad kukupas,
At sa hika, ito'y maaaring
ilunas,
Kaya, paghinga ay
bubuti't lalakas.
MASAFLORA
Sa ‘passion fruit’
ito mas kilala
Sa pamilihan, bihira
itong makita
Baging o damo kasi
ang turing ng iba
Ang totoo, marami
itong bitamina.
Bitamina A para sa
balat at mata
Bitamin C para sa
mabuting sistema
Kaya maaaring
ipanlunas sa hika
Gayundin sa anemya at
pamamaga.
MELON
Tubig nito, 90% ang
komposisyon
May Folic Acid at Magnesium
May Bitamina A, C, at Potassium
Kaya siksik-liglig sa nutrisyon.
Sa hika, ikaw ay may proteksiyon
Dugo mo, gagawing normal ang presyon
Sa pagtitibi, ikaw ay makaaahon
Rayuma, lilipasan lang ng panahon.
ORANGE
Kahel ang tawag nito
sa atin
Maaaring gawing juice
o papakin
Parehong mainam sa
katawan natin
Sa ubo at sipon,
namber wan din.
Kapag anemic,
regular itong kainin.
Kapag nagda-diet,
regular itong inumin
Ang kidney stones,
kaya nitong pigilin
At pinananatili nitong
maganda ang skin.
PAKWAN
Prutas na ito’y kay
sarap lantakan
Lalo na kapag panahon
ng kainitan
Hindi rin ito
pahuhuli sa kalusugan
Mga sakit,
tiyak na mababawasan.
Stroke
at atake sa puso’y maiiwasan
Sakit sa sikmura’t
pagdumi’y maiibsan
Singaw at mabahong
hininga, malulunasan
At paglabo ng mga
mata, malalabanan.
PAPAYA
Prutas na
nakapagpapasaya
Taglay at dala-dala'y
sustansiya
Ang hilaw nito'y
patok sa tinola
Idagdag pa sa
listahan ang atsara.
Sa Bitamina A, C, at
E, ito'y sagana.
Sa pagtitibi, wala
ritong problema.
Nagpapalinaw ito ng
mga mata.
Kutis nati'y talagang
gumaganda.
PERAS
Dahil sa tamis nito't
katas
At sa mga pambihirang
lunas
Paghanga rito'y `di
magwawakas
Sa kalusugan, wala
itong kaparehas.
Sa nutrisyon, mas
mataas sa mansanas
Bata man o matanda,
paborito ng lahat
Nagpapaganda ito sa
mga panlabas
Gaya ng mga labi,
buhok, at balat.
PERSIMMON
Parang pulot ang lasa
ng persimmon
Marami ang ibinibigay
na nutrisyon
Mabuti ito sa mga may
altapresyon,
Gayundin sa nerve
dysfunction.
Sa kalusugan ng mata,
tumutulong.
Sa pamamaga, hindi
ito umuurong
Sa pagkurba ng buto,
ito’y kampeon
Sa kalusugan ng puso,
ito ang solusyon.
PINYA
Ito ang prutas na kay
raming mata
At kay rami ring
taglay na sustansiya
Kasama rin natin sa
ating kusina
Sa paghahanda ng
pagkain ng pamilya.
Kaya nitong lunasan
ang hika
Mahusay rin itong
magpakalma
Kung sa dugo at atay,
may problema
At tinitibi pa,
solusyon diyan ay pinya!
PITAYA
Sa dragon fruit,
ito'y mas kilala
Hindi lamang dahil sa hitsura
Kundi ito'y maraming sustansiya
Na napakayaman talaga.
Sagana sa Bitamina C at Protina
Mga free radicals, pinupuksa
Masamang kolesterol, binababa
Pinababagal pa nito ang pagtanda.
PONKAN
Andami nitong
pakinabang
Kaya, tiyak lulusog
ang katawan
Nagpapababa ng
timbang
Nagpapaunlad ng utak
at isipan.
Sa panunaw, ikaw ay
tinutulungan
Buto at balat mo,
pinoprotektahan
Sa kanser, ikaw ay
hinaharangan
At sakit sa puso,
iyong maiiwasan.
PRESA
Sa strawberry,
ito'y mas kilala
Mayaman sa mineral at
bitamina
Iniiwas tayo nito sa
anemya
Pinoprotektahan ang
buntis na ina.
Sa anit at buhok,
ito'y mabisa
Balakubak, tiyak mawawala
Atake sa puso, maliit
ang tsansa
Sinusunog pa ang
naipong taba.
RAMBUTAN
Sa Bitamina C, ito’y mayaman
Sa Iron at fiber,
gayundin naman
Calories
man nito’y may kababaan
Pero sa tubig, may
kataasan.
Kapag ito’y iyong
nilantakan
Makararamdam ka ng
kabusugan
Pagkain ay hindi agad
aabangan
Kaya sa nagda-diet,
ito’y mainam.
SAGING
Kahit ang unggoy sa
baging,
Paborito ito't
palaging hiling
'Pagkat tunay na
napakagaling
Nakabubusog,
nakagagaling.
Sa sustansiya'y `di
ka mapapailing
Sa mga lutuin, madalas
na kapiling
Hilaw, luto, hinog
man, bet natin.
Kaya, heart na
heart natin ang saging.
SAMPALOK
Prutas na ito’y patok
na patok
Sabaw ng sinigang sa
mangkok,
Siguradong ika’y
mapapasalok
Sa kaldero ay
mapapasandok.
Sa kalusugan,
nutrisyon ang alok
Ito’y halamang gamot
na subok
Sa rayuma, pigsa, at sore
throat
Ay kayang-kaya ng
sampalok.
SANTOL
Maasim at matamis ang
santol
Kilala ito bilang cotton
fruit, `Tol
Mga benepisyo nito'y
`di imbisibol
Mga sakit ay puwedeng
makontrol.
Para sa iba, laman ay
wonderful
`Pag ginataan, tiyak
tiyan ay full
Ang iba naman, buto
lang ang habol
Ingat sa paglunok,
baka leeg ay bumukol.
SUHA
Sa pangalang pomelo,
ito'y kilala
Tanyag din ito sa mga
bitamina
May Calcium at Iron
pang makukuha
Sigurado, sa kalusugan
ay sagana.
Ang kolesterol ay
kaya nitong ibaba
Sa sugat at sipon,
ito'y kontrabida
Para sa ayaw tumaba,
ito ang diyeta
Sa diabetiko, tatlo o
apat lang na hiwa.
UBAS
Maliit, pero terible
itong ubas
Sa sarap, `di mo
mapalalampas
Sa sustansiya, walang
maipipintas
At sa tamis, hindi ka
mababanas.
Kahit pa gawin itong
pasas
Taglay nito'y hindi
magbabawas
Nagiging alak pa ang
katas
Sa puso'y mainam at
pampalakas.
No comments:
Post a Comment